Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pinatuyong Gumamela (hibiscus rosa sinensis) na May Pulotpukyutan, Bilang Isang Epektibong Lunas sa mga Sugat ng Manok (Gallus

gallus)

INTRODUKSYON

Ang mga halamang galing sa ibat-ibang bahagi ng mundo ay nadiskubre na merong mga nakakalunas na katangian. Ito ay nagagamit na lunas sa mga karamdaman. Noong unang panahon ang ating mga ninuno ay gumamit na ng mga herbal na gamot para mapagaling ang kanilang mga sugat, ubo, lagnat, sakit ng katawan ,trangkaso at iba pang mga karamdaman. Nang nagkaroon na ng modernisasyon ang mga tao ay piniling gamitin ang mga sintetikong mga gamot kaysa sa mga herbal na gamot. At kahit umuunlad na ngayon ang mga modernong siyentipikong teknik, ang paggamit ng medisinang herbal ay patuloy na kinikilala para sa maganda nitong ambag sa paglaban at paglunas ng ibat-ibang karamdaman.

Ang gumamela na isang kaakit-akit na bulalak lamang, ngayon natuklasan na may epektibong pang lunas. Sa lahat na polysaccharide na nasa gumamamela, ang acidic polysscharide ay ang nagpakita ng pinaka nakakaiinterasadong katangian na bulaklak na ito dahil sila ay nagpapakita ng espesyalisadong skin cells na nagsisilbing gamot sa mga sugat. Ang poultice ay ginagamit sa pag pahid sa apektadong parte na sariwa o pinatuyo sa pamamagitan ng pag dikdik at minsan ay pipainitan at nilalagay direkta sa balat. Isang malinis na katsa ang ginagamit upang tulungan ang poultice na manatili. Ang gumamela

ay tumutulong din sa paggagamot ng mga pigsa,biki at mga namamagang parte ng katawan.

Sa tuwing nilalagay ang pulot ito ay naglalabas ng agwa-oksihenada,pang laban sa bakterya, mikrobyo at antiseptikong compound na mula sa enzyme upang matanggal ang impeksyon ng sugat. Pinapatay nito ang mga mikrobyo at panglunas sa sakit sa balat. Ayon sa mga siyentipikong pag-aaral karamihan sa mga delikadong baktirya ay hindi mabubuhay sa presensya ng oksiheno o agwa-oksihenada. Ito ay nagtataglay ng maraming glukos. Isang simpleng asukal na pinagsasama gamit ang prosesong kemikal sa
collagen, isang tissue protina kaya pag pinapahid sa mga nasunog na balat o kaya mga sugat. Ginagamot ng pulot ang sugat na walang na iiwan na galos. Ang kaasiman nito ay nagdudulot ng lunas at pinaniniwalaang nagbibigay ng kaaya-ayang amoy sa sugat, ito ay maaaring dahil sa ang baktirya sa sugat ay kumakakain ng pulot na daan upang magkaroon ng matamis na amoy.

You might also like