Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuangbilang ng kabataang Pilipino, partikular

na iyong nasa edad 7 hanggang 15,ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bungang kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyonnito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasamiddle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang naito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo samga kabataan, lalo na sa Pilipinas.Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang TobaccoRegulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mgamamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batasna ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ngmga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin angpagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di napagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga

kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning saharapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mgasigarilyo sa ibat ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas angkaunaunahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ngWorld Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mgaproduktong may nikotina.Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo aynakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ngPeninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sakaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilangpagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ngmababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindinaninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaringmagdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga,bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weightat birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taongnaninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman aynaghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan. Ang tar at CarbonMonoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga bagatuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan aykalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparamingplema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sausok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng siponat trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sapuso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isangtaong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mgabaga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga atmaging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ngemphysema. May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11hanggang 19 ang naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ngDepartment of Health (DoH) at World Health Organization (WHO). Batay sapagaaral na pinamagatang Global Youth Tobacco Survey," mahigit 60porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo aypawang mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sapagaaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang nakakitang mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala siDr Maricar Limpin, executive director ng Framework on Tobacco Control of thePhilippinesAlliance, na patuloy na darami ang mga kabataangnaninigarilyo hanggat hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit ngtabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng 17hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang naninigarilyosamantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.

You might also like