Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

LUGMOK NA ANG NAYON Vic- Marven Kasama- Billie Tata Pilo- Anton Lola- janina Ising- kai

Storyline 1 Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat... 2 Kasama: Malayo pa ba? Dalawang oras na yata tayong naglalakad. Baka hindi natin nalalaman e, nasa Siberia na tayo. 3 Vic: (tumatawa) Malapit na tayong mangalahati. 4 Kasama: Totoo? 5 Vic: Totoo. 6 Ang patay na tanawin sa palibot ay nakaragdag pa sa pagod at pagkabagot niya. Ang kinaroroonan nilay tila hindi kasama sa inog ng mundo-parang pusong hindi tumitibok, parang batis na hindi umaagos. 7 Kasama: Mamahinga muna tayo. 8 Sumalagmak sila at nanigarilyo sa lilim ng isang punungkahoy na nakatubo sa tabi ng kambal na punso. 9 Sa taluktok ng huling kawayanang nilampasan nila ay natatanaw ang sungot ng kampanaryo ng simbahan ng San Manuel. 10 Naalala ko tuloy ang pag-uusap namin ni Vic kahapon... 11 Vic: Uuwi ako bukas, Linggo rin lang e di sumama ka na nang makita mo ang bayan naming. 12 Kasama: sige ba..

13 Kasama: (iniisip habang naglalakad) Wala sa loob ko na magpepenitensiya ako nang di oras. Ang akala ko kasiy sa bayan ng San Manuel na mahigit isang kilometro buhat sa Maynila ang tungo naming. Ang sasadyain pala naming ay ang pinakadulong nayon ng San Manuel! 14 Vic: mag-aalas-diyes na. Tenat nang umabot tayo sa tanghalian sa Sapang Bato. 15 Sumagsag na naman kaming dalawa. 16 Kasama(iniisip): Ang sapatos kong itim ay namumuti na sa alikabok. Humuhulas ang pawis saking mukhat leeg. Tuyung-tuyo na rin ang lalamunan ko. Uhaw na uhaw na rin ako... 17 Kasama: (iniisip parin) Kung tutuusin, ang inaabot naming hirap ay hindi sulit sa aming pakay. Gaano kaya ang aming mahihingi para sa kasal ng kuya Selmo ni Vic sa Sabado? 18 Kasama: Hindi ba nakahihiya itong gagawin natin? 19 Vic: Hindi naman tayo magsasalita, e. Ibabalita ko lang sa kanila na ikakasal na si Kuya Selmo. Alam na nila iyon.

20 Sa pagpaptuloy ng kanilang pag-uusap... 21 Kasama: Matunog silang makiramdam, ha?. 22 Vic: Hindi naman. Ang lagay e nasanay na sila pagkat madalas silang lapitan ng mga tagabayan at mga taga-Maynilang gaya natin. Banggitin mo lang sa kanila na mayroon kang pabinyag, pakasal, patapos, ano mang okasyon na may handaan, alam na nila ang kailangan mo. 23 Unti- unti ay nagkakahugis na sa paningin niya ang isang mapanglaw at dahop na kapaligiran. Magkakalayo ang mga maliliit na bahay na yari sa kugon at kawayan 24 Sa malayang hangin ay nagsanib-sanib ang kahol ng mga aso, 25... kakak ng mga manok at itik, 25.5 ... unga ng kalabaw, (kung hindi nagsend yung groupmates natin nito, isasama siya sa 25 at tatangalin yung box para dito.)

26 ... alatiit ng nagtatayugang kawayan, (dahil same pic sa kanina, paki flip nalang yung pic sa Microsoft Picture Manager) 26.5...at pagaspas ng dahon ng mga puno ng mangga, kamatsile, santol, duhat, iba pa. (same case sa 25.5, pag walang sinend na pic sayo, isasama tong d 26.5 sa 26 or net na lang talaga.) 27 Sa mabatong daan ay dalawang batang nanlilimahid ang nagpapato ng mga buto ng kasoy. 28 Sa mga baiting ng hagdan ay may tatlong naghihingutuhan at may isang matandang lalaking tumitiba ng tubig sa balon. 29 Ito na marahil ang pinakasalat sa mga nayong narrating ko. Ito ang Sapang Putol. 30 Vic: Kina Tata Pilo muna tayo tutuloy. Pinsang buo siya ng nanay. 31 Mabulaklak na madre-de-kakaw na nakapaligid sa bakurang pinasok naming. Sa mahabang balag na duluhan ay naglawit ang naghahabaang bunga ng upo. 32 May mataas na mandala ng Dayami 33 Ang dalawang kalabaw na nakahiga sa kural ay nakatingin sa amin. 34 Sa pusali ay may tatlong baboy 34.5 Sa hagdan ay may dalawang manok. (kapag wala tayong manok, isama mo to sa 34. So magiging sa pusali ay may tatlong baboy at 34.5) 35 Sa silong ay magkakatabi ang mga lusong, kariton, matong, suyod, at araro. 26 Vic: Huli kayo! 27 Nagsisikain sa dulang ang pamilya at nagsalampak sila sa sahig na kawayan. 28 Ang matandang lalaking sunog sa araw ang balat, nag-alsa ang mga ugat sa bisig, ay hindi kukulangin ng gulang na limampu 29 Ang matandang babae namay mga apatnaput lima.

30 May isang tingin ko binata, isang dalaga, at tatlong batang sunod-sunod ang laki. 31 Mayroon ding dalawang binatang di mo malaman kung sino ang matanda. 32 Tata Pilo: Aba eh Inte! 33 Nagtayuan ang lahat at masiglang sumalubong sa dalawang bisita... 34 Vic: Mano po. 35 Kasama: (iniisip) Sa kanilang pagkukumustahan ay waring nalimutan na nilang naroroon ako. Uhaw na uhaw pa naman ako. 36 Tata Pilo: Kumusta ang nanay at tatay mo? 37 Vic: Maayos po sila. Ang tatay ay nasa perokaril parin. 38 At sa wakas, ay pinakilala na ni Vic ang kanyang kasama kina Tata Pilo, Nana Buro, Oding, Ising at sa iba pa... 39 Tata Pilo: Dale te muna kayo sa loob at tatapusin lang naming tong pagkain at nang maipaghanda naming kayo. GUtom na gutom na kayo no? 40 Kasama: At uhaw na uhaw po. 41 Ising: Ako na po ang kukuha ng inumin nila. 42 Sa loob ng munting kabahayan... 43 VIC: Bukas na ang uwi natin. 44 Kasama: Ha? May pasok tayo bukas. 45 Vic: O, e ano? Iyon ay hapon pa naman. Marami pa tayong pupuntahan. Dito, pag napasyal ka, kahit na ang pinakamalayong kamag-anak mot di mo madalaw, tiyak na maghihinanakit sa iyo. Mayroon ka ikang tinitingnan at mayroon naman tinititigan. 46 Kasama: (iniisip) Pasadong ala-una na kami nagsimulang mananghalian. Ngunit ayos lang dahil katakam-takam naman an gaming kakainin. 47 Tata Pilo: E, kamusta nga pala ang Kuya Selmo? Di pa ba nakaiisip mag-asawa?

48 Vic: Kaya nga po kami nasagsag dito, e. Sa Sabado po, e, ikakasal si Kuya Selmo. Sabi po ni nanay, kung makaluluwas daw kayo... 49 Tata Pilo: E, abala ako sa pakwanan. E, kamusta naman ang pag-aaral mo? 50 Kasama: Kung hindi po magluluko, baka dalawang taon pay may pamangkin na kayong abugado. 51 Vic: Pareho lang po kami.( nakanguso kay kasama) 52 Tata Pilo: Mainam pala kayot nagsisikarera na. Sa mga batang itoy ala nang nakaabot ng heskul. Ke layu-layo kasi ng bayan at sa paglalakad palang e di tatagal ang bata. Yon namang panagako ni Gob. Na maglalagay raw ng isang iskuwelahan ditto, hanggang ngayon e di pa natutuloy.

~ hanggang ditto muna. Di na kinaya ng powers ko XD~

24.) Pagkatapos nilang kumain, magpahinga ng sandal, ay sinimulan na nila ang pagpunta sa mga kamag-anak nila doon. Ang kanilang kasama ay si Oding... Malugod silang tinanggap sa bawat tahanan... Vic: Punta po kayo sa kasal ng Kuya Selmo ko sa Sabado. 25.) Sa bawat pupuntahan nila... Kamag-anak: Dito na kayo maghapunan at magpalipas ng magdamag... Vic: Hindi na po, maraming Salamat. 26.)Pagdating ng hapon... Dinala sila ni Oding sa may ponda, kung saan nakita nila ang napakagandang dalagang si Eda na nagtitinda... Kasama: (iniisip) Sadyang napakaganda ni Eda. Ngunit mukha lang niya ang maganda sapagkat ang kanyang katawan ay pininsala ng mabibigat na gawain. Sadya nga talagang ang kapaligiran ay mahalaga sa kalikasan ng tao. Dahil kung si Eda ay anak-mayaman at laking-Maynila, ay hindi masasayang ang kanyang kagandahan. 27.) Napansin rin niyang kakaunti ang tinda ni Eda at tila mura lang kung pinagsama-sama... 28.) Sa kanilang paglilibot, bukod sa mabuting kalooban ng mga tagaroon, nadama rin niya at nasksihan ang pagdaralitang umaalipin sa nayong iyon. Paano uunlad ang nayong napakalayo sa

dimakaling kabihasnan? Anong hinaharap ang naghihintay sa mga batang sa mga sandaling dapat ay nasa paaralan ay nasa likod ng kalabaw? 29.) Kinagabihan... Kasama: (iniisip) Lahat kamiy nakahiga na sa sahig na nalalatagan ng banig. Puno ang bahay ni Tata Pilo: parang sardinas na walang sabaw,wika nga. (* Sa dakong loo bang mga babae at ang

gawing labas naman ang mga lalaki)


30.) (*Walang kasarilinan, naisaloob niya...)

(* Kasama: (iniisip) Dalaga si ISing. Paano kung akoy malikot sa gabi? At tsaka lahat ng bahay na pinanhik namiy walang silid-tulugan, paano ang bagong kasal o ang karaniwang mag-asawa?)
31.) Kinabukasan... Maaga silang nagising ngunit tila huli parin sa mga bumangon mula sa banig. Hindi pa man almusal, ay nagsidatingan na ang mga inanyayahan ni Vic, na may mga dala... KASAMA: Paano nating madadalang lahat yon? Vic: Gagamitin natin ang kariton ni Tata Pilo. 32.) Pagakatapos magpasalamat, ay nagpaalam na sila... 33.) Umaandar na ang kariton... Tao: Kumusta na lang sa kanila. Tao: Sabihin mo sa nanay mong dalawin naman niya kami. Tao: Paabutin mo sa mga ikakasal ang pagbati naming. Tao: Pagdamutan na kamo nila ang nakayanan naming. 34.) Silay malayo na... Kasama(iniisip): Sa aking pananaw, tila madilim na dawag na lamang ang Sapang Putol. 35.) Pinagmasdan niya ang laman ng kariton... Kasama:( (iniisip)Itoy isa nang napakalaking kayamanan ng nagsasalat na nayon. At sa Sabado, itoy pagpapasasaan at sasandat sa maraming tagalunsod.

You might also like