Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang sumulat ng Urbana at Feliza ay si P. Modesto de Castro na ipinanganak sa Binyang, Laguna, noong unang hati ng ika-19 na dantaon.

Nag-aral siya sa Colegio Real de San Jose, naging Kura sa Catedral ng Maynila at pagkatapos ay sa Naik, Kabite. Bukod sa Urbana at Feliza ay sinulat din niya ang Plticas Doctrinales (1864), Exposicion de las Siete Palabras en Tagalo, at Novena a San Isidre en Tagalo, atb. Sa pamamagitan ng Urbana at Feliza ay natagurian siyang Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog. Ang Urbana at Feliza na ang buong pamagat ay Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana at si Feliza ay binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid. Ang lalong bata, si Feliza, ay nagaaral sa isang kolehiyo ng mga babae sa Maynila, samantalang ang nakatatanda, si Urbana, ay puno ng pangaral sa kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa ibat ibang pagkakataon. Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa landas ng kabataan at sinasabi kung paano maiilagan ang mga ito. Sa Paunaua sa Babasa ng aklat ay ipinaliliwanag ni P. Modesto de Castro ang nilalaman: Sa pangalang Urbana mababasa ang magaling na pakikipag-kapwa tao. Sa kanyang mga sulat sa kapatid na Feliza, ay maka pupulot ang dalaga, maka pag aaral ang bata, maka aaninao ang may asawa, maca tataho ang binata nang aral na bagay sa calagayan nang isa,t, isa. Cay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pag ilag sa panganib na icasisira nang calinisan; at ang caniyang magandang asal ay magagauang uliran nang ibig mag ingat nang cabaitan at loob na mataimtiman. Sa manga sulat ni Urbana, na ucol sa pag tangap nang estado nang matrimonio, ang dalaga,i, maca pag aaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot nang hatol na dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, at cun na sa estado na. Sa manga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay: ay ang magandang asal nang capatid na bunso na si Honesto, maca pag aaral ang bata, at maca tatanto nang caniyang catungculan sa Dios, pagca tanao nang caliuanagan nang canilang bait Ang mga pangalan ng mga panauhan sa Urbana at Feliza ni P. Modesto de Castro ay mga sagisag ng aral na nais maparating ng sumulat sa mga mambabasa. Ang pangalang Urbana ay sagisag ng Urbanidad o kabutihang asal (good manners). Ang pangalang Feliza ay galling sa Kastilang feliz (maligaya) at ang sinasagisag ay ang kaligayahang natatamo dahil sa pagpapakabuti at pagkamasunurin. Ang pangalang Honesto ay sagisag ng kalinisang-budi at karangalan. Sinabi ni P. Modesto de Castro sa aklat na kung ang mga aral ng kaniyang Urbana at Feliza ay pakinabangan ng mga tao: Ang uiuicauin co,i, pinapalad aco, at ang cahalimbaua co,i, nagsabog nang binhi, ay ang tinamaan co ay mabuting lupa. At sa quinacamtang cong toua ang nacacaparis co,i, isang magsasacang cumita nang alio, uupo sa isang pilapil, nanonood ng kaniyang halaman, at sa kaniyang palayan na parang inaalon sa hirap nang hangin, at sa bungang hinog na anaqui butil na guintong nagbitin sa uhay, ay cumita nang saya. Munti ang pagod co, munti ang puyat co; at palibhasa,i, capus na sa lacas na sucat pagcunan, nguni ang paquinabang co sa pagod at puyat ay na ibayuhan

Urbana at Felisa
Isinulat sa Tagalog ni Modesto de Castro, ang Urbana at Felisa (1864) ay halimbawa ng aklat ng mabuting asal na lumitaw sa Ewropa noong Renasimyento. Ginamit ni de Castro ang epistolaryong estilo, at sa pamamagitan ng tatlumput apat na liham, ang mga kaanak sa Paombong, Bulakan ay nagpalitan ng payo kung paano magtaglay ng matwid na pamumuhay at mabuting asal na inaasahan sa gitnang uri at Kristiyanong pamilya. Sa liham ni Urbana sa kaniyang mga kapatid na sina Felisa at Honesto, isinaad niya ang pangangailangang sumunod sa halagahan at aral ng Kristiyanismo, habang isinasaloob ang tumpak na asal sa pakikipagkapuwa. Ang serye ng paglilihaman, kabilang na ang liham mula sa isang pari, ay tumutuon sa sari-saring antas ng buhay mulang pagsilang hanggang kamatayan, at nagpapayo ukol sa responsabilidad ng pag-aasawa. Ang Urbana at Felisa ay dapat sipatin hindi lamang bilang gabay sa mabuting pamumuhay bagkus bilang diskurso na lumilitis sa kalabisang moral ng naturang panahon at pinagtitibay ang batayang doktrina ng Kristiyanismo.

You might also like