1 Ekonomiks - Isang Paglalarawan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ekonomiks (First Grading)

Topic 1

Ekonomiks: Isang Paglalarawan I. Kahulugan ng Ekonomiks Ekonomiks Nagmula sa salitang Pranses na economie na nangangahulugang pamamahala sa sambahayan. Ang salitang Pranses na nabanggit ay hango naman sa salitang Griyego na oikonomia Pag-aaral ng mga pamamaraan kung paanong ang mga mamayan at bansa ay nagbabahagi ng kanilang limitadong yaman upang matugunan ang walang-hanggang kagustuhan Isang agham na nauukol sa mga pamilihang ginagawa ng mga tao at ang epekto ng mga pamimiling ito sa kanilang pansariling kapakanan Pinakamahalagang layunin ng ekonomiks ang pagpili at pagbuo ng matalinong desisyon Isang agham panlipunan dahil itoy gumagamit ng mga datos mula sa pagsasaliksik ng mga sosyolohista, antropologo at mga mananalaysay II. Kahalagahan ng Ekonomiks 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. Upang mapabuti ang antas ng kabuhayan Upang malaman kung may trabahong mapapasukan Upang malaman kung paano maisaayos ang paggugol n gating kita o ng salapi ng bayan Upang malaman kung may kianbukasan ang mga negosyo at kalakalan at kung paano nito natutugunan ang pangangailangan ng mamamayan Upang maging matalas ang obserbasyon at interpretasyon sa mga bagay na may kaugnaayan sa pangkabuhayang pag-unlad Upang mapaunlad ang kaisipang kritikal at pag-unawa sa mga suliraning agricultural at komersyal ng bansa na nakaapekto sa kabuhayan at pagsulong nito Upang malinang sa sarili ang pagmamalaki sa mga bagay na gawang Pilipino Upang makakuha ng praktikal na kaalaman na kailangan upang maunawaan ang pangkabuhayang kalagayan sa paligid

III.

Pagkakahati-hati/ Dibisyon ng Ekonomiks 1. Makroekonomiks Pag-aaral ng kabuuan ng ekonomiya ng bansa Tumutukoy ito sa pamamahala ng kita, gastos at pnagkukunang-yaman ng bansa Mga Katanungang nasasagot ng makroekonomiks: o Sa anong salik nakasalalay ang antas ng produksyon ng bansa? o Paano nakakaapekto ang pagtaas ng salaping pantustos sa ekonomiya ng bansa? o Paano mapapaunlad ang sistema ng pagbubuwis ng pamahalaan? o Aling suliranin ang nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa? 2. Maykroekonomiks Pag-aaral ng galaw ng ekonomiya kaugnay ng maliliit na kalakalan, mga isyu tungkol sa kahirapan, monopoly, suliranin sa kabuhayan, pagsasaka, etc. Mga espisipikong isyu na nasasagot ng maykroekonomiks o Kita ng bawat pamilya o Ang mga panindang nabibili sa mga pamilihan o Ang mga produktong nais at kayang bilhin ng mga tao, etc.

IV.

Ekonomiks Bilang Isang Agham Panlipunan Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan dahil tumatalakay ito sa ugnayan ng tao at pangkat ng mga tao sa lipunan, ang kanilang mga interaksyon upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan ng tao at kung paano magagamit ng mabuti ang mga limitadong pinagkukunangyaman Kinikilalang isang agham panlipunan ang ekonomiks dahil tulad ng ginagawang pamamaraan ng isang siyentista, ginagamitan din ang ekonomiks ng mga sumusunod na siyentipikong pamamaraan: 1. Pagmamasid 2. Pagkilala sa suliranin 3. pagbuo ng mga pansamantalang konklusyon 4. paghihinuha o pagapahayag ng mga palagay

Ekonomiks (First Grading)


Topic 1

5. pagbubuo ng kongklusyon base sa natipong datos V. Suliraning may kaugnayan sa ekonomiks: Kung paano matutugunan ang mga walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Mga katanungang may kaugnayan sa paglutas ng nnabanggit na suliranin: o Ano ang mga produkto at serbisyong gagawin? o Paano lilikhain o gagawin ang mga ito? o Para kanino ang mga ito? o Kailan at paano ipamamahagi ang mga produkto at serbisyo? Mga Saklaw ng Ekonomiks: 1. Produksyon (Production) paglikha ng produkto o serbisyo Mga salik ng produksyon o Lupa o Manggagawa

VI.

o o

Puhunan Entreprenyur

2. Pamamahagi (Distribution) paggugol ng kabuuang produkto ng bansa sa apat na element o salik ng prodduksyon 3. Paggamit (Consumption) paggamit o pag-ubos ng isang bagay o serbisyo na nakapagbibigay kasiyahan sa tao

You might also like