Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ang Mayabang na Tipaklong, At Masinop Na Langgam

Ang langgam ang pinakamasinop na insekto. Hindi siya tumitigil sa paghahanap ng pagkain para sa panahon ng tag-ulan. Ang mayabang na tipaklong naman ay pakanta kanta lang. Panay ang pamamasyal. Kung pagod na siya ay matutulog na siya. Nang dumating ang tag-ulan, walang naipong pagkain ang tipaklong. Humingi ng pagkain ang tipaklong sa langgam, nagdahilan siya na mayroon siyang sakit. Pinagsabihan ni langgam si tipaklong. Iyan ang sinasabi ko sayo. Hindi ka nag-ipon ng makakain noong tag-araw. Tapos ngayon, hihingi ka sa akin. O sige, bibigyan kita ngayon, pero sa susunod ay hindi na. Tinanggap ni tipaklong ang pagkain kahit nahihiya siya kay langgam. Nangako siya sa sarili na magiging masinop na rin siya para mapaghandaan ang tag-ulan. Aral: kailangang maging masinop.. kung may itinago, may may madudukot

Martys Big Mistake by;Wes Fessler Marty mouse was walking home from school one sunny day. A rock was on the sidewalk, which he kicked along the way. The rock would bounce and roll until it stopped a bit ahead, but one time when he kicked it, he forgot to use his head. He kicked the rock too hard, and sent it flying through the air. It flew toward a house and that gave Marty quite a scare. The rock broke through a window with a dreadful crashing sound. He knew he'd be in trouble if somebody was around.
He felt bad for what happened, but he was too scared to stay. He didn't know what he should do, so he just ran away. He ran the whole way home and didn't stop 'till he got there. He thought that he should tell someone, and yet he didn't dare. So Marty told his parents what he did and how he ran. He told them that he'd like to make things right if he still can. He said he had no money to repair the broken glass, but he would try to earn enough by working after class.

Then Marty's parents understood that he made a mistake, but they were happy with the choice he finally chose to make. He went back to the house, although he really was afraid. He said that he was sorry for the big mistake he made.
He told the man who lived there that he'd pay for the repair. He wanted to do what was right. He wanted to be fair. The man told Marty he was brave for coming back that day. He made a bad decision when he chose to run away.

But now that he came back, he showed the good he had inside. It showed that he had character and didn't need to hide. They got the window fixed, and Marty worked to pay the bill.

It felt so good to make things right. It gave Marty a thrill. So Marty learned that even when mistakes give him a fright, it's best to have the character to try to make things right.

Ang Kuwento ng Langgam ni Maria Cristina Falls Ako yung taong may malaking galit sa mga langgam. Kung alam nyo lang ang pinsalang naiambag at patuloy nilang iniaambag sa buhay ko. Kaya sana, hinihingi ko ang inyong pang-unawa. Kung kabilang nga lamang sila sa mga maaaring isuplong, mahigpit kong tututulan ang pagbasura ng Pangulo sa pagpapataw ng parusang kamatayan. Dahil diyan, madalas ay napipilitan na lamang akong ilagay ang batas sa aking mga kamay. Matagal-tagal ko na rin naman silang inoobserbahan. Sama-sama sila kung gumawa. Pinaghahandaan nila ang pagdating ng tagulan. Ang totoo niyan, marami rin akong natutunan sa panahong ginugol ko sa pagsubaybay sa paraan ng pamumuhay ng mga langgam. Hinangaan ko ang kanilang kasipagan at katapatan (loyalty). Hindi alintana ng manggagawang langgam ang nakaambang panganib sa labas maprotektahan lamang ang kanilang reyna at makapag-ipon ng pagkain para sa kanilang kolonya. Tila wala silang kapaguran sa napakahabang linyang kanilang binabaybay. Bagamat may natuklasan akong hindi kasiya-siya. At sigurado ako, isa sa aking mga sentimyento ay katulad ng sa inyo. karanasan n'yo na bang masiraan ng kompyuter dahil sa mga langgam? Nagkabutasbutas na rin ba yung tsinelas n'yo sa may hagdan? Ako, OO. Dalawang beses na akong nagpalit ng floppy drive dahil ginawa nila itong imbakan ng pagkain. Kamakailan lang ay kinailangan ko pang bumili ng bagong AVR dahil muli nilang ginawang hideout ang loob nito. Nasira ang IC at ayaw nang magpower. Isang linggo ko ring hindi nagamit ang PC ko. Hindi rin isang eksaherasyon na sabihing naging polka dot ang ilang sandals ko at sapatos. Mabuti na lamang at nagawa ko pang maisalba sa kamay ng mga barbarong langgam ang pinakamamahal at pinakaiingatan kong Islander (original kasi, hehe). Ginagawa kasi nilang meryenda ang mga sandals na de goma kapag pinagsawaan na nila ang bigas, tinapay at mga pakete ng pansit. Maraming beses na rin kaming sinaklolohan ng isang electrician sa tuwing mapipili ng mga langgam na ganapin ang kanilang general assembly sa isa sa aming mga electrical switch, dahilan kung bakit hindi na ito mapindot. At pihadong isang miting de avance na

naman ang sikretong nagaganap sa likod ng mga wall clock kapag hindi na naman tumatakbo ang mga kamay nito. Nakalipat na kami ng tirahan ay nauulit din ang mga ganoong insidente. Kapag ginuhitan ko naman ng "magic chalk" ang kanilang dinaraanan ay lalo lamang silang mag-aalsa, bubuo ng barikada, ng isang tila rebolusyong katulad ng sa Edsa. Maya-maya lang ay makikita kong may bago na silang linya. Malinis naman kami sa bahay. Higit pa nga siguro sa antas ng kalidad ng ilan. May nakapagpayo pa nga sa akin na gamitan ng vacuum cleaner. Ganuon daw ang kanilang ginagawa. Kung minsan, kung puwede nga lang, gusto ko silang pakiusapan na huwag na sila mangalap ng pagkain. Ako na mismo ang magrarasyon ng kanilang kakainin kada buwan - sapat para sa kanila sa loob ng tatlumpung araw. Gaano na lamang ang ilang pirasong pandesal. O di kaya'y isang garapong asukal. Huwag lamang silang manira sa aking mga gamit, huwag lamang nila akong pangunahan sa pagkain. Pero hindi. Mukhang hindi sila nakukuha sa pakiusap Yaman din lamang at hindi sila pumapayag sa areglo, insect spray lang ang siyang nalalaman kong katapat nila. Kaya lang, para yatang ako lang ang nahihilo sa amoy nito at hindi sila. Pagkalipas ng ilang minuto, makikita mo't naroon silang muli. Hindi ko alam kung sapat na ang mga dahilan kong iyon para ituring silang pinakamahigpit kong kalaban. Bukod kasi sa inaagawan nila ako ng pagkain at sinisira ang aking mga gamit, nagagawa pa nila akong kagatin. At tunay namang ang kagat ng langgam ay napakasakit!

Totoong hindi matatawaran ang ehemplo ng kasipagan ng mga langgam. Ang pag-iipon sa panahon ng tag-araw para sa pagdating ng tag-ulan. Hindi ko hangad na sirain ang magandang imaheng ito sa ating lipunan. Pero sana, hindi tulad ng mga langgam, ang pagiging masipag ng isang tao dala ng paghahangad na umunlad ay palaging may kaakibat na responsibilidad. Responsibilidad na mapaunlad ang sarili kasabay ng paglago ng iba. Hindi nakakatapak, hindi nakakasagasa, hindi nakakapinsala.

PABULA Matsing at Pagong Nakakita si pagong ng putul na puno ng saging sa ilog, hindi niya ito mabuhat kaya nag patulong siya kay matsing pero humingi ng kasunduan si matsing, "kukunin ko ang puno ng saging pero sa isang kundisyon sa akin ang bahaging taas ng puno at sa iyo naman ang ugat" nalungkot si pagong pero pumayag na ang pagong sa gusto ng matsing, pag kaahon pinutul nga ng matsing ang puno kinain niya nag bunga nito at humihingi si pago ngunit hindi man lang binigyan ni matsing ito, kung kayat ginawa ni pagong tinanim niya ang ugat ng sanging, ilang araw ang dumaan lumaki at namunga ulit ito, naingit si matsing at inakyat niya at kinain ang mga bunga nito nainis na si pagong at nilagyan niya ng mga tinik ang katawan ng puno ng sanging at nag tago siya sa bao ng niyog, bumaba si matsing sa puno ng sanging at natinig siya sa nilagay ni pagong. at pagkatapos noon hinanap ng matsing ang pagong at nakita siya sa bao ng niyog. sabi ng matsing:"didikdikin kita ng pinung pinu" sabi ni pagong: "sige para dumami kami." sabi ni matsing: "ay hindi tatapon na lang kita sa ilong para dun ka mamatay sa lunod" sabi ni pagong: " naku wag matsing hinid ako marunong lumanguy mamamatay ako dun.... wag matsing" at dali daling dinala ng matsing ang pagong sa ilong at dun niya ito tinapon. at sabi ni pagong " matsing hinid mo ba natatandaan na dito ang tahanan ko sa tubig. kaya ang aral ng kwento matalino man ang matsing ay napaglalalangan din.

Ang butiki at ipis


Butiki at Ipis (Pabula) Ni Kislap Alitaptap 13 Marso 2009 1932 Oras Sa malawak na dingding na makinis, Dito unang nag-peys-to-peys Ang malikot na butiki at lagalag na ipis. At ito ang kwento na di alam ng pulis.

Saan ang tungo mo palaboy na ipis, Bakit di ka mapakali, ngayong gabi ay nakabihis? Akoy palakad-lakad, matanong na butiki, Upang maghanap ng pagkain, kahit na panis. Maitanong ko lang, matanong na butiki, Saan ang daan tungo sa kusinang, nangingitim sa dumi? Yun lang ba, palaboy na ipis, Ang kusinay nasa unahan ng buntot kong matulis. Sala-salamat, matanong na butiki, Akoy humahanga sa mabuti mong ugali. O siya-siya, palaboy na ipis, Baka di mo na maabutan ang gabing paalis. At ipis ay humakbang, dumaan sa harap ng butiki, Ang sumunod na pangyayari ay di kapuri-puri. Ang naglalakad na ipis, sinagpang ng butiki! At ito ang kwento na di alam ng pulis. # Author:Kislap Alitaptap Ang alamat ng baka at kalabaw Noon pa man ay matalik ng magkaibigan si baka at kalabaw. Parehas silang katuwang ng mga magsasaka sa gawaing bukid. Masipag sila at masunurin sa kanilang mga amo maski anong hirap ng trabaho sa bukid. Ngunit mayroong isang kuwento tungkol sa dalawa nang isang araw sila ay tinamad na magtrabaho.

Noong unang panahon ang pinakaunang baka at kalabaw ay itinalaga ni Bathala na tumulong sa magsasaka sa gawaing bukid. Tulad ng kanilang amo, masipag si baka at kalabaw. Hindi nila inaanlintala ang bigat ng araro at init ng araw sa trabaho sa bukid. Araw-araw na ganito ang ginagawa ng magkaibigang hayop. Sa gabi lamang sila nakakapagpahinga.

Isang gabi pagkatapos ng trabaho sa bukid ay nagsama-sama ang mga alagang hayop ng magsasaka. Nagkuwentuhan sila sa kanilang ginawa sa buong maghapon.

Napansin ng dalawa mula na rin sa kuwento ng mga ibang hayop na sila lamang ang pagod na pagod na buong maghapong nagtratrabaho sa bukid. Samantala ang mga ibang hayop ay walang ginawa kundi maglaro o di kayay kumain lamang. Tulad na

lamang ni manok na buong maghapon daw na palakad-lakad lamang na naghahanap ng uod na makakain, o di kayay si pato na palangoy-langoy lang daw sa ilog at si kambing na walang ring ginawa kundi kumain ng kumain ng damo.

Kinabukasan, dahil sa mga narinig mula sa ibang hayop ay napagkasunduan ng dalawa na magpahinga sa araw na iyon. Sa halip na magtrabaho ay magpupunta sila sa katabing ilog upang maligo. Inantay nilang makatulog ang magsasaka at saka tahimik na inalis ang mga suot na araro at nagtungo sa may ilog.

Tinanggal ng dalawa ang kanilang mga balat at sinampay ito sa may puno saka tumalon sa ilog. Ngunit biglang nagising ang magsasaka at nakita na nawawala ang dalawa. Hinanap niya ang mga ito at natanaw niya sila sa may ilog na masayang naliligo.

Kinuha ng magsasaka ang kanyang pamalo at lumapit sa dalawang magkaibigan. Nagulat si baka at kalabaw ng makitang papalapit sa kanila ang magsasaka. Dali-daling tumayo ang dalawa at isinuot ang kanilang balat na nakasampay sa puno. Ngunit dahil sa pagmamadali at sa takot, nagkapalit ng nakuhang balat ang dalawa. Dahil mas mataba si kalabaw masikip sa kanya ang balat ni baka. Samantalang maluwag naman kay baka ang balat ni kalabaw kayat nakalawit sa may leeg ang balat.

Nagmamakaawang humingi ng tawad ang dalawa sa magsasaka. Pinatawad niya ang mga ito ngunit bilang parusa sa ginawa ng dalawa ay hindi na pinagpalit ng magsasaka ang mga balat nila. Ito na rin ang magpapaalala sa dalawa na huwag maging tamad at gawin ang iniatas na trabaho.

You might also like