Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Maganda at Di-Magandang naidudulot ng Kapatiran/Kapatiran ng mga Babae (Fraternity/Sorority) sa mga Kabataan Kabanata 1, Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksyon
Isang popular na tanung ng mga kabataan mula noong dekada sisenta hangang sa kasalukuyang bagong milenyo OKAY LANG BANG PASUKIN ANG KAPATIRAN? May nagsasabing HINDI, mayroon naman nagsasabi ng OO Pero ang katanungan ay wala paring diretsong kasagutan. Maaring sinasabi sa inyo sa Telebisyon o radyo na dapat huwag natin itong aniban ngunit sa totoong mundo na iyong ginagalawan, alam naman nating nariyan ang malakas na impluwensyang kukumbinsi sa ating itoy salihan. Kung tutuusin wala naman sanang issue ang FRATERNITY kung hindi lang naging kontrobersyal ang tinatawag nilang HAZING isang uri ng pagsubok o initiation na dapat mong pagdaanan upang maging official kang miyembro o kapatid ng organisasyon. Hindi lingid sa ating kaalaman na may mga binawiaan na ng buhay dahil sa HAZING dito naging kontrobersyal at marahil nabuo ang malaking tanung na dapat ba itong aniban.

Layunin
Ang pamanahong papel na ito ay nag-bibigay ng inpormasyon hinggil sa kagandahan at dikagandahang idinudulot ng Kapatiran sa mga kabataan. 1. Anong maganda at di-magandang idunudulot ng Kapatiran sa mga kabataan? 2. Anu-ano ang kanilang damdamin, pananaw at saloobin ukol sa paksa na ito? 3. Sapat ba ang kaalaman ng mga kabataan upang maiwasan ang pag-sali sa ganitong klaseng organisyasyon? 4. Nakaka tulong ba ang kapatiran sa mga kabataan?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pag aaral ng Kapatiran upang mabigyan ng kaalaman at impormasyon ang mga kabataan lalo na ang mag aaral sa kolehiyo ang maganda at di magandang naiidudulot nito sa kanilang pang araw-araw na buhay. Mahalaga rin ito upang maiwasan ang mga hindi magandang impluwensya sa kabataan, upang malaman din ang tunay na layunin ng kapatiran at hindi magamit sa masamang bagay ang ganitong klase ng organisasyon. Maarai din na maisulong panlipunang pananagutan at paglilingkod sa sambayanan.

Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral


Ang paksang ito ay nakatuon lamang sa mga kabataang nahuhumalin na sumali sa mga organisasyon tulad ng Kapatiran. Sinasaklaw ng paksang ito ang kahalagahan ng kapatiran sa kabataan. Nakatuon ang paksang ito upang maipahayag ang tunay na layunin ng kapatiran sa mga kabataan. Upang maipahiwatig ang mga kahalagahan, kagandahan at di kagandang naidudulot ntio sa mga mag aaral.

Definisyon ng mga Terminolohiya


Kapatiran - Tinukoy nito ang pormal na organisasyon at pagkakapatiran ng issang grupo. Hazing - Pagmamalabis sa mga estudyante

You might also like