Psycho Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

1 MGA TAUHAN: MKK: Monica as Achara Santos; Lester as Pete; Julie Ann as Nurse Karen as Andrea; Feliz as Angela;

Anne `as Aling Mia; Anica as Ara

Paula as the Narrator (in italics)

Scene 1: Cielo: Actors ready?! Actors: Ready! Cielo: Actors on pose, beginners on stage at the count of 3, 1001, 1002, 1003... Open curtain! *2 claps* Tabloo (Lahat naka-freeze at isa-isang magpapakilala ang mga tauhan ng Maalala Ko kaya) Anne: Ako ay isa lamang biktima ng tadhana, ng karamdaman, ng kasawian. Andrea: Ako ay isang anak na tunay na nagmamalasakit sa aking ina, kahit na mali na pala ang aking paraan. Mapatawad pa kaya niya ako? Pete: Mag-iintay ako kahit na iba ang aking prinsipyo. Iintayin kita. Scene 2: (tutugtog ang maalaala ko kaya instrumental) Monica: Magandang hapon sa inyong lahat at ako po si Achara Santos upang maglahad sa inyo ng mga pangyayari ukol sa tunay na buhay. Ngayon, ating matutunghayan ang buhay ng isang pamilya na punong puno ng maraming pagsubok. Sa isang pamilya,s higit na magkakaroon ng kaliwanagan ang buhay ng bawat miyembro nito, kung nandoon ang isang ina. Ano nga ba ang gagawin ng isang ina para sa kanyang pamilya ? Ang ina ay nagsisilbing ilaw ng tahanan. Hindi lamang nagsisilbing ilaw ng tahanan, kundi, sa kanya rin nagmumula ang pag-ibig para sa kanyang pamilya dahil sa pusong mamon nito. Kung wala ang haligi ng tahanan, ang ina ang siyang magpupuno ng pagmamahal sa kanyang mga anak. Kaya naman, tunay na ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak ay ang magbibigay pundasyon sa kanilang pamilya. Ngunit, paano na lamang kung ang pagmamahal ng ina ay mawala sa isang iglap sa kadahilanang ang alaala ng isang ina ay unti-unting manakaw? Sa hapong ito, ating matutunghayan ang mga sakripisyo, pagdurusa at pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina na tunay nga namang taglay ang isang pagmamahal para sa kanyang anak, na di sinasadyang nawala dahil sa isang karamdaman.

Scene 2: (Video background: Sunset sa Manila Bay) Nakatitig sa malayong araw na palubog si Aling Mia nang bigla siyang hinawakan sa balikat ni Andrea. Andrea: Mama, bakit ka na naman nakatulala diyan? Aling Mia: Ewan ko ba, parang ayoko na nga na minsan, isipin pa ang mga alaala pa. Ang sakit sakit kasi. Iniwan tayo ng tatay mo. Naalala ko pa yung masasayang alaala namin ng tatay mo diyan sa dalampasigan. Tapos, pati ikaw iiwan mo rin ako. Lahat na lang kayo nang-iiwan. Andrea: Inay naman! Ayoko naman pong umalis dito, kaya lang, kailangan lang po itong gawin, kasi mahal na mahal ko kayo nila Ara at Angela. Alam niyo po kung bakit ako aalis, gusto ko pong mapagtapos sila Ara at Angela. Si Ara, magkokolehiyo pa lamang tapos si Angela naman, nagkasakit kaya hindi pa pwedeng mag-grade 1.

2 Aling Mia: Bakit anak? Kayang kaya ko naman pagtapusin yung mga kapatid mo a? Tyaka bakit ka pa aalis? Mayroon ka namang job offer sa may SGV, malaki naman sweldo mo run ha. Bakit kelangan dun ka pa sa PwC sa UK? Andrea: Mama,experience din yun, tyaka alam niyo namang gusto ko mabigay yung best ko sa inyo. Aling Mia: Hindi, hindi pwede, ayoko talaga. Alam mo, dati, nagkaroon din ako ng offer sa States para magturo, pero ayoko lumayo kasi sobrang mangungulila ako sa pagkawalay ko kina Mama, at alam kong ganun din sila! Andrea: Mama! Aling Mia: Ah basta hindi pwede! (Umalis si Aling Mia at naiwang umiiyak si Andrea sa may sulok at biglang pinuntahan siya ng kapatid na si Ara na pangalawang kapatid nito) Scene 3: Ara: Ate, bakit ka umiiyak? Andrea: Si mama kasi, ayaw niyang pumunta ako sa UK para mapag-aral ko kayo. Ara: Ate, alam mo, wag mong intindihin si Mama, talagang mahal ka nun at mamimiss ka lang nun. Gawin mo na lang, kung anong gusto mo na alam mong makakabuti para sa lahat sa atin, matatanggap din yan ni mama. (Napaisip si Andrea.) Monica: Achara, sa mga oras na iyon, napagdesiyunan ko na gawin ang nais ko. Tama nga naman ang kapatid ko. Gusto ko rin namang makatulong kina Mama. Hindi kakayanin ng aking ina na magtrabaho dahil matanda na ito. 78 years old na ito kaya gusto ko na siyang magpahinga. I want whats best for my mother, and my family, Achara. Kaya naman, umalis ako ng bansa. Nagtrabaho ako nang maigi para lamang makapagpadala ng pera para kina Mama. Nakilala ko rin si Pete na kapwa ko Pinoy dun sa PwC sa department ng Tax Advisory, madali kong nakagaanan siya ng loob, kasi naman siya lang Pinoy dun tyaka masarap siya kausap ayun kaya apat na taon din kaming naging magkaibigan at tiyaka lang namin napagtanto na kami pala ay para sa isat isa. Achara, masaya ako kay Pete, pero, parang may kulang sa buhay ko. Noong panahon na mga iyon, tumatawag ako kina Ara, nakakausap ko sila, pero ang tanging di ko makausap ay ang aking ina. Scene 4: (Nag-ring ang cellphone ni Angela at kanya itong sinagot.) Angela: Hello? Andrea: Angela! Kamusta na! I miss you, soooo much! Angela: Ate! Ito po masaya po! Ate may good news po ako! Naka-pasa po ako sa UP! Sa Diliman pa po! Andrea: Wow naman! Ede maganda yan! Galing naman ng kapatid ko, candidate pa yan for Valedictorian ha. Angela: Oo naman ate. Mana sa iyo e! Andrea: HAHA! Ikaw talaga, si ara pala nasaan?

3 Angela: Wala po, nasa PUP po siya ngayon may fun run daw ang BSA and siya isa sa in-charge daw doon. Andrea: Ay kaya pala, eh. Si Mama? Angela: Ay ate, hmmm, wait lang a. (Matagal ding nag-intay si Andrea sa pagkakausap nilang muli ng kanyang ina.) Angela: Gusto po kayong makausap ni Ate Andrea. (Nakatulala si Aling Mia.) Mia: Sinong Andrea? Angela: Si ate po! Bilis na po mahal po ang charge sa calls sa ibang bansa. Mia: Wala akong kilalang Andrea. Angela: Mama naman! Mia: Sino ka ba? Hindi naman kita kilala aa? Angela: Mama? Ako po ito, si Angela. Mia: Wala naman akong anak! Saan na ba si Andrew? Angela: Mama! (Mangiyak-ngiyak si Angela sa nangyayari sa kanyang ina samantalang tulala si Mia. Bumaling si Angela sa kanyang cell phone.) Angela: Hello, ate? Andrea: Oh, bakit? Nasaan na si Mama? Angela: Ate. Andrea: Bakit? Ano bang nangyayari? Sabihin mo nga sa akin. Ayaw niya pa rin ba akong makausap? Angela: Ate, sa tingin ko, nagiging ulyanin na si mama.. Andrea: Ganoon (adlib) (Nang binaba na ni Andrea ang kanyang cellphone ay bigla na lang may tumawag sa kanya.) Pete: Hi Andy! Andrea: Oh bakit ka tumawag? Pete: Bakit? Ayaw mo ata, e. Wait, may sasabihin sana ako. Andrea: Ay, ano ba yun? Haha. Pete: Ah, okay. yayain sana kita sa Saturday sa Stocksville, pwede ka ba? Andrea: Oo naman.Sige! Pete: Okay, sige. Magbihis ka nang matino ha! Yung matino ha!

4 Andrea: Okay! See you! Monica: Noong mga oras na iyon ay kabado ako, ewan ko ba kung bakit, dahil ba ito sa pagkikita namin ni Pete? Pero aaminin ko na nasasabik na rin akong puntahan si Pete. Ano kaya ang sasabihin noon? Nakakexcite talaga, Ate Achara. Ngunit, noong mga oras na iyon wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari kina mama. (Naaksidente si Aling Mia dahil sa isang rumaragasang kotse.)

(May tatawag sa cp ni Andrea) Andrea: Hello? Angela: Ate! Umuwi ka na rito! May nangyari po kay mama! (Kaagad siyang nagmadali at binilisang mag-ayos at mag-impake ng gamit at pumunta ng airport. Pagdating ng Pilipinas, kaagad siyang pumunta sa ospital ng kanilang ina. Pinagtanungan niya ang information area.) Andrea: Miss, saang room naka-in si Mia Lacson? Nurse: Ay maam, nadischarge na po siya kanina lang mga, 30 minutes ago ata. Andrea: Ah, ganoon ba, sige salamat miss. (Dumating si Andrea sa bahay nila, pagkapasok ay nakita niya ang kaniyang mga kapatid na pinapakain ang ina.) Andrea: Ara! Anong nangyari kay Mama? Ara: Ate, nahulog kasi siya sa hagdan habang pababa nung isang gabi kasi madalas na napapansin namin na di siya makatulog sa gabi. Kukuha sana siya ng tubig,e. Dont worry, sabi nung orthopaedist wala naman masyadong nadali, kaso dapat na raw mag-ingat kasi shes near na sa 90 and nagdedetoriate na ang health condition niya lalo na ang mga buto niya. Andrea: Mama! (Niyakap nito si Aling Mia nang buong higpit nang bigla nitong inalis ang mga kamay nito sa kanya.) Mia: Sino ba kayo? Bakit niyo ko tinatawag na Mama niyo? Kamukha ko ba talaga ang nanay niyo? Andrea: Mama! Kami ito, si Ara at si Angela at ako ito, si Andrea! Mia: I am sorry my dears but I dont really know you, guys. You must be mistaken. Monica: Alam mo ba, Tita Achara, kung gaano ka-sakit para sa isang anak na tulad kong mawalay sa aking ina na hindi ko man lamang nagawang magpaalam noong nasa tamang pag-iisip pa siya? Ang sakit! Yung tipong tumatarak sa kaloob-looban ko. Lumipas ang panahon, na tila akala ko wala nang pag-asa, at pakiramdam ko ay wala na akong magagawa pa para manumbalik ang dating kalagayan ni Mama. Kung di ako siguro umalis, hindi siya magkakaganito. May pera nga akong marami, ngunit hindi noon mabibili ang mga panahong dapat ay inalay ko sa aking ina. Iyan ang pinagsisisihan ko. Noong namatay si Papa sa isang aksidente, labis siyang nalungkot, at pinatindi ko iyon sa aking pag-alis. (Napahagulgol na lamang si Andrea sa mga binti ng kanyang pinakamamahal na ina) (Lumipas ang ilang araw, nang may kumatok sa bahay nila.Pagkabukas ay laking gulat ni Andrea.)

5 Andrea: Bakit, paa-aa-ano mo nalaman kung saan ako nakatira? Pete: Nasa records mo, alam mo, ilang araw na akong tumatawag sa iyo, pero di mo ko sinasagot, alam mo bang sobra akong nag-aalala sa iyo? Sa condo mo naman, nung pinuntahan kita, wala ka. Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo? Andrea: Umupo ka muna Pete. Pete: Nag-intay ako sa wala noon sa Stocksville, saying naman yung pinaplano ko, nasira tuloy. Andrea: Bakit? Ano ba dapat sasabihin mo? Pete: Umm, look, andy matagal na rin tayong magkakilala. Hindi naman na masama yung almost 5 years, dib a? Ayoko na rin kasing tumanda na ako magkakaroon ng mga anak tulad nung sa parents mo, gusto ko yung makakasama ko sila nang mahabang panahon. Kaya I want to settle down. Andrea: Ano? (Lumuhod si Pete sa harapan nito na siyang nagpaiyak pa lalo kay Andrea.) Pete: Andrea, andeng, anduy, andy, kahit ano pang itawag ko sa iyo, will you be my queen? Will you marry me? (Napahagulgol si Andrea at pinatayo si Pete.) Andrea: Pete, alam mo namang sasagutin kong oo yan, pero ngayon, wag na muna, marami pa akong pagkukulang sa nanay ko,tapos may Alzheimer pa siya. Mahal na mahal ko siya, at ayokong dumating sa point na kapag mawawala na siya rito sa mundong ito, hindi ko pa napapakita sa kanyang mahal na mahal ko siya. Sana maintindihan mo ito, Pete. Pete: Kaya pala, ngayon ko lang napagtanto, sige okay lang. I can wait naman e basta ikaw. Sige, ang bait mo talaga. I will pray for you guys, have faith in God. Andrea: Okay sige Pete. Salamat.Ingat ka, ha. Pete: Oo naman. Iintayin pa kaya kita. Monica: Alam mo bang tita achara, sa aking puso ay nakakaramdam ako ng panghihinayang dahil sa nais ko na ring bumuo ng pamilya.. At isa pa ay minahal ko rin naman ang lalakeng iyon.Ngunit, ayokong masaktan si Mama kasi malaki pa ang kasalanan ko sa iyo. Kaya nga minsan, achara, nasasaktan ako dahil sa tuwing inaalagaan ko si Mama, para bang may nakabara sa puso ko na galit para sa aking sarili. Sa bawat pagkalimot niya sa aming nasa kanyang buhay, sa bawat pagpapahirap niya sa amin sa pagpapakain at pagaalaga sa kanya at sa lahat ng kabugnutan at kairitahang ginawa niya sa amin, nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Pakiramdam ko ba ay nauubusan na ako ng pag-asa. Andrea: Mama, halika kain na po tayo! (Hindi umiimik si Aling Mia) Andrea: Mama, bilis na po mamaya po maliligo pa po kayo eh. (Malungkot si Andrea na pinapakain ang kanyang ina nang may pagmamahal at pagsisisi sa mga mata.) Andrea: Mama teka lang po, ihahanda ko lang po yung tubig niyong maligamgam para maligo na po kayo ha. Malamig po kasi e. (Pumunta si Andrea sa kusina upang magpakulo ng tubig. Nagulat na lamang ito nang sa pagbalik niya ay nawala na lang sa may silya ang kanyang ina.)

6 Andrea: Mama? Mama! Saan ka na!? Mama! (Hinanap ni Andrea ang kanyang ina sa ibat ibang kuwarto dahil ang alam niya naman ay hindi na kaya ng kanyang inang pumanhik mag-isa, isa ring dahilan kung bakit hindi siya pinapabayaan ang kanyang ina na sa taas ng kuwarto matulog, kundi roon sa may babang kuwarto nito sila pinapatulog at inaasikaso, dahil na nga sa sakit nitong nagdudulot ditong maglibot kung saan saan. ) Andrea: Saan na kaya yon si mama? Punta kaya ako sa kuwarto ni Ara baka nandoon siya. (Pinuntahan nga ito ni Andrea at nakita roon si Ara.) Ara: Oh

Monica: Tita Achara, labis na pagkabalisa at pagkatakot ang nadama ko nang mga oras na iyon. Hindi lang ako malung

Monica: Lumipas ang ilang taon at sa aking pag-aalaga kay Mama, doon nababawasan ang guilt na nadarama ko noong panahong iniwan ko siya. Tunay nga namang sa bawat pagtatanggi niya sa akin, mas gusto ko pa siyang alagaan at bumawi sa kanya. Doon ko napagtanto na kinakailangan kong mas pahalagahan ang aking relasyon sa aking ina, di lang dahil sa katandaan nito, kundi mahal na mahal ko siya, gusto kong mas marami pa ang mga oras na pagsasamahan namin. Alam kong kahit hindi niya ako matatandaan, nasa puso niya pa rin ako at tiyak kong nakikipaglaban ito upang mapahid ang luha na nangingilid sa aking mga mata. May mga oras na gusto kong sumuko, pero hindi pwede, dahil hindi lang ito obligasyon, kundi pagmamahal, doon din ay naging aktibo ako sa mga churches upang ipagdasal ang aking ina. Kahit na ganoon ang nangayayari sa amin, masaya pa rin dahil nararamdaman kong hindi pa rin kami pinapabayaan ng Diyos dahil binigyan niya kami ng mga mabubuting tao sa paligid namin. Pati nga mga teachers dumadalaw kay mama kasi namimiss na yung kabaitan niya. Ang swerte nga naman ng nanay ko dahil maraming nagmamahal, lalong lalo na ang Diyos. Minsan nga, hinahanda ko na ang puso ko para sa nakatakdang araw niya. Alam kong masakit, pero kelangan. Kelangang magpaalam dahil lahat naman din dadaan dun. Pinagdadasal ko na lang din na sana, hindi siya pababayaan ni God pag tatawid na siya sa kabilang buhay. Isang araw Andrea: Mama, gusto niyo po bang Makita iyong mga pictures naming noong bata pa kami? (Hindi umiimik at tulala lang si Mia kaya pinagpatuloy na lang ni Andrea ang pagpapakita ng album.) Andrea: Sige, mama, ito oh, ang ganda niyo rito noh? Kahit late niyo na kami pinanganak, maganda talaga kayo! Ayan naman si Ara nung 1st bday niya. Haha ang taba niya pa dati. Kamukha niya si Papa noh? Mia: Si-sigurado ka bang anak ko yang Ara na yan kay Andrew? Andrea: Opo! Kamukha di ba ni Papa? Tyaka sa sobrang love niyo kay Papa, lahat kami A ang initials ng names namin. Wala man lang M. Haha! (Napangiti na lamang si Aling Mia.) Andrea: Sige, mama, matulog na po kayo, marami pa tayong dapat gawin bukas tiyak ko masaya yun para sa inyo. I love you, Mama. Monica: Tita Charo, noong nakaupo ako sa tabi niya at nakaramdam ng pagkaantok, ako ay nakatulog, naramdaman kong may humaplos sa aking buhok. Pamilyar ang haplos nito noong bata pa ako. Noong aking pagdilat, nakita kong nakangiti sa akin si Mama. Mangiyak-ngiyak, humingi siya ng tawad dahil sa

7 nangyari sa kanya. Hindi niya raw iyon sinasadya. Nais niya lang naman daw talaga takasan ang mga nangyari kay Itay noon. Mahal na mahal niya raw kasi si Itay. Wala raw akong kasalanan sa nangyari sa kanya, sapat na raw yung pagmamahal na binigay niya sa akin. Nagpasalamat na rin siya sa inilaan kong pagmamahal at pagtitiyaga sa kanya. Sa huli, sinabi niyang mahal na mahal niya kami nila Ara. Doon, nalingid ang luha sa aking mga mata. Doon na ako gumising. Andrea: Mama, napaginipan ko po kayo, ang sarap po ng pakiramdam ko ngayon. Hindi na po tulad ng dati. Monica: Tita Achara, noong sinabi ko iyon ay hinaplos at hinawakan ko sa kamay ang aking ina, nagtaka ako dahil tila matigas na ito. Andrea: Nay, nay, nay? Nay! Nay! Nay! (Nagsisigaw si Andrea at umiyak at pumasok ang mga kapatid nito. Umiyak nang umiyak ang mga kapatid nito, at siya naman ay nakatingin na lamang sa inang pinakakamamahal na may ngiting nakalingid sa mga labi.) Monica: Tita Achara, sa mga oras na iyon, hindi na ako umiyak dahil lang sa kalungkutan, kundi sa kasiyahan. Dahil sa pagmamahal na binigay ng aming ina para sa amin. Siya ay tunay nga namang isang matapang at mabuting tao, kaya alam kong hindi siya pababayaan ng Diyos. Sa mga oras na iyon, napagtanto kong patawarin ang aking sarili at ibigay na ang lahat lahat sa Diyos ang maaring mangyari dahil Siya na ang bahala magpasya. Tunay nga naman, ang pagmamahal ng isang ina ay di mapapantayan, kaya habang buhay pa sila, pahalagahan na natin sila. Maaaring meron silang pagkakamali, pero kahit ganoon, mahal pa rin tayo ng ating mga ina. Dahil sa ilaw nilang binibigay, nagkakaroon tayo ng malasakit sa kapwa at higit sa lahat, sa Diyos. Monica as a Kenkoy way: Iyak kayo noh? Pero ngayon, hindi na dahil andito na ang magpapatawa sa inyo. (POWERPOINT IMAGE NG BOY PICK UP PATI THEME SONG NG BPU) BOY PICK UP SEGMENT: Characters: Anne as Ayt! Ayt! Cielo as BOY PICK UP Anna as Neneng B Lester as Boss Monica as Boy Back Up Julie Ann as Contender 1

Feliz, Anica, Karen and Paula as taga-hiyaw (Hiyawan ng lahat ng taga-hiyaw) Anne: Ayt! Ayt! Katahimikan! Katahimikan! Nandito na naman tayo sa isang hapon ng pick-upan. Patindihan, patindihan, kung kayo, ginaganahan, sabay sabay magtalunan! (Hiyawan at talunan) Anne: Mula sa bayan ng Marilao, kagandahan niyay Marian Rivera raw, ipinapakilala ko sa inyo si ARAW! (Hiyawan) Anne: Ang kanyang makakatunggali, sa ating kaliwa, mula naman sa dulo ng dagat na umaagos, aking sinasamo ang ghost ni Boss! (Hiyawan) Anne: Siyempre, hindi makukumpleto, kung wala ang babaeng ito, papasok sa pinto, hindi yan si Sam Pinto. Kilala sa ngalang Anna, Neneng B for Banana, maganda na seksi pa, saan ka pa! Kaya naman, tawagin na natin si Neneng B! (Hiyawan ng Neneng B)

8 Anne: Ayt! Ayt! Katahimikan! Katahimikan! Eto na magsisimula na tayo, gaya ng dati, old school rules, 2 rounds tayo ng matinding pick-upan! Ang audience ang magsasabi ng mananalo, pero sisimulan natin yan with the JNP! (Magjnp sina Boss at Julie Ann) Okeeey, dahil nanalo si Boss, sinong gusto mong mauna? Boss: Si Marian muna bago si Ding Dong. (Hiyawan) Anne: Mauna si Araw! Are you ready?!! Go! C1: Bagyo ka ba ? Neneng B: Bakit? C1: Kasi the moment you leave my area of responsibility, you will leave my heart in the state of calamity (Hiyawan) Anne: Ay, state of calamity raw. Ano kayang sasagot diyan ni Boss! Are you ready?! Go! Boss: NBA ka ba? Neneng Banana: Bakit? Boss: Kasi, maDALLAS kitang maalala kahit MIAMIng beses mo na akong pinagpapalit sa iba. Anne: Dallas at Miami raw! Haha! Ano kayang resbak ni Araw diyan! Araw, are you ready! Go! C1: Pader ka ba? Neneng B: Bakit? C1: kasi hinaharang mo lahat ng gustong pumasok sa puso ko e. (Hiyawan) Anne: Tingnan natin kung makakaresbak si Boss.. Are you ready? Go! Boss: Brown out ka ba? Neneng b: Bakit? Boss: Kasi wala akong makitang iba, kapag kasama kita! (Hiyawan) Anne: Ayt! Ayt! Katahimikan! Katahimikan! Tingnan natin ang magwawagi, kayo ang magsasabi! Si Araw ba? (Hiyawan) Anne: O si Boss? (Hiyawan lalo) Tagahiyaw: Boss! Boss! Boss! Boss! Anne: Malinaw na malinaw, ang nagwagi ay si Boss! At ngayon naman, tawagin naman natin ang undefeated, BOY PICK UP! (Hiyawan ng Pick Up! Pick up!) (kanta ng boy pick up) Anne: Katahimikan! Katahimikan! May napansin ako kay Boy Pick Up, parang blooming ngayon. Bakit boy pick up, muka kang babae ngayon? Siguro kaw si bi-pick up noh? (Boy pick up bubulong kay Ayt ayt!) Anne: Ah, ikaw pala yung kambal ni Osige na nga! Magsimula na tayo! Pero bago yan sino ang gusto mong mauna? (Ngunguso si Cielo kay Boss) Anne: Boss, itinuro ka na, ininguso ka na. Dahilan diyan ikaw ang mauuna, Boss are you ready? Go! Boss: Alam mo, ang sarap mong awayin! Neneng B: Bakit?

9 Boss: Para papatulan mo ako! (Hiyawan) Anne: Ayt! Ayt! Katahimikan! Katahimikan! Mabait talaga si Boss, kaya naman tingnan natin ang isasagot ni Boy Pick up! Are you ready? Cielo: Ayyyyyyt! Anne: Go! Cielo: Ummm umm. Damo ka ba? Anna: Bakit? Cielo: Kasi. Ummmmuhhh. aanhin mo ang damo kung wala na ang kabayo? Monica: Isa kang alamat Pick-Up! (Hiyawan habang humuhooo si Cielo) Anne: Ayt! Katahimikan! Alam kong naeexcite kayo, dahil sa matindi ang labanan pero meron pa tayong isang round at sisimulan yan ni Boss. Are you ready?! Go! Boss: Ligaw na Bala ka ba? Neneng B: Bakit? Boss: Kasi sa iba ka nakalaan, pero sa akin ka tumama. (Hiyawan) Anne: Naeexcite ka na ba Boss, alam ko excited ka na dahil sa tumitinding labanan kay Boy o Bi-Pick up, kaya naman ngayon para sa huli na magkaalaman na, boy pick up, are you ready?! Cielo: Ayyyyyyt! Anne: Go! Cielo: Bandila ka ba? Neneng B: Bakit? Cielo: Kasi, ummm ah Im sexy and I know it (tutugtog ang Im sexy and I know it.) (pinipigilan ni Boss si Back Up) Monica: DA BEST KA TALAGA PICK UP! (hiyawan) Anne: Haha! Kaya pala ikaw ha! Sexy ka nga! Bi-Pick up ka e! hahaha!! Ikaw na talaga! Tingnan na natin kung sino nagwagi, lahat ba boboto kay Boss? (walang humiyaw) Anne: Merong isa, o si Bi ay este, Boy Pick up? (hiyawan lahat) Anne: Now, ang nagwagi, the undefeated, Boy Pick Up! (Tutugtog ang BPU RAP, sing along ni Cielo sa rap song ng boy pick up)

You might also like