Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Nang dumating si PNoy sa mga Pinoy Sa unang taon ni Pangulong Noynoy Aquino, ano na nga ba ang nangyari?

Nasaan tayo sa mapa ng kanyang tuwid na daan? Umaarangkada ba tayo o umaatras? Tingnan natin ang ilan sa mga nagawa niya sa unang taon at ang mga problemang kaakibat nito. Hindi maipagkakailang pangunahing prayoridad pa rin ng Administrasyong Aquino ang maitaas at mabigyan ng pansin ang edukasyon sa bansa. Sa nakaraang taon, naglabas ang Malacaang ng budget para sa edukasyon at sa ulat, 11.41% o PhP 21, 927,539 ang budget ngayon ng gobyerno pero hindi ibig sabihin nito ay nakakasiguro na tayo sa aksyon ni PNoy. Kung nagtaas nga ang budget sa taong ito, ang problema namang umusbong ay ang hindi makatarungang pagbabawas ng budget para sa pondo sa SUCs ngayong taon. Sinasabi na kaya binawasan ang pondo para sa tertiary level ay para bigyan ng mas malaking pondo ang secondary at elementary school levels. Tulad nalang ng sinabi ni Pangulong Aquino noon tungkol sa pagbabawas ng pondo, ang UP daw ay may kakayahan nang mangalap ng pondo para sa kaniyang sarili, pero iyon ay naging mas malaki pang isyung pinagdebatihan. Kayat noong 2010, naglunsad ng malawakang walk-out ang mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas para ipahayag ang pagtutol at pagkagalit sa Administrasyong Aquino sa pagtanggal ng P1.39B sa budget ng UP para sa buong taon. Ang hinihingi natin, bilang mag-aaral ng unibersidad at ng iba pang estudyante ng SUCs, ay ang pantay-pantay na paglalaan ng pondo, kahit elementarya, high school o kolehiyo pa yan. Ano pa at tinawag kaming state university kung kami rin naman ang naghahanap ng pondo para sa aming sarili para matustusan ang gastusin at iba pang pangangailangan? Hindi dapat inaasa sa eskwelahan ang kanilang kapasidad para makalikom ng pera dahil ang mga mag-aaral sa mga SUCs, particular sa UP, ay mga estudyanteng hindi kagaya ng mga nag-aaral sa Ateneo o La Salle na kayang magbayad ng tuition fee na lalagpas ng tatlumpung libong piso. Kung ganoon man ang nais ng pangulo, walang ibang paraan ang eskwelahan para magtaas ng tuition, at

lalong magdadala iyon ng panibagong problema tulad nalang ng kawalan ng estudyanteng makapagbayad ng gastusin para makatapos. Sa administrasyon kung saan tayo ngayon ay napapasailalim, sana hindi balewalain ang konsepto ng freedom of expression o ng consultation sa mga desisyong may kinalaman sa kalagayan ng mga estudyante. Ano pa at sinabing demokratiko ang bansa kung walang konsultasyong nangyayari bago umaksyon o magdesisyon? Napakahalaga ng konsultasyon para sa isang pangulo, na huwag lang magdesisyon nang hindi pa nangangalap ng opinyon sa mga taong maapektuhan noon. Sa parting ito, wala rin pala tayong narating. Sablay pa si PNoy nang dumating siya sa mga Pinoy. Kung titignan naman natin ang larangan ng ekonomiya at administrasyon, kailangan nating balikan ang kanyang kilalang-kilalang linyang, matuwid na daan. At unti-unti, nakita natin ang isang malaking pagbabago sa pagpapatupad ng simbolikong wangwang policy. Noong taong din iyon pinatalsik ni PNoy ang mga kaalyado ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na sa tingin ko naman ay isang mabuting paraan para magsimula ulit ng bagong pamahahala. Iyon na kaya ang matuwid na daan? Iyon na ba ang simula ng pamamahalang kailangan natin? Sa nakaraang taon, bago pa man maupo sa pwesto si PNoy ay may mga nakasabit pang mga problemang iniwan ang pangulong Gloria Macapagal Arroyo tulad nalang ng Maguindanao Massacre na mas mabagal pa sa pagong ang usad at natatabunan na ng ibat-ibang kontrobersya ngayon. Kailangan munang solusyunan ang mga bagay tulad nalang nito bago ang ilang bagay na hindi naman mahalaga para umusad at malutas pa ang ilang sanga-sangang problemang kinakaharap ng bansa. Sa plataporma noon ng pangulo tungkol sa korupsyon, itinanim sa atin ng mga isip na kung walang corrupt, walang mahirap. Sa posisyon ni PNoy, nasa lugar na ang administrasyon para maglunsad ng mga repormang uukol sa pangangailangan nila para

matahak ang tuwid na daan. Ibig sabihin sa reporma, dapat ito ay epektibo, at ipapatupad nang naayon at walang bahid ng anumang isyu o iregularidad. Hindi na dapat pang sisihin at pangalanan ang ibang tao para may managot. Bilang pangulo, siya na ang nasa pwesto at may karapatan na ang pangulo para sa kapangyarihan, pero sana lang ay ginagamit ang kapangyarihang iyon para sa ikauunlad ng sistema. Nasabi noon sa State of the Nation Address na lalaban ng gobyerno ang korupsyon at kahirapan. Sa ilalim ng korupsyon, pagtutuunan ng pansin ang gutom na nararanasan ng karamihan sa mga Pilipino ngayon. Sa isang interview ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Dinky Soliman, nagsasagawa ngayon ng "Pantawid Pamilyang Pilipino Program" o 4Ps, na naglalayong bigyan ang mga mahihirap na pamilya ng mga incentives na nasa ilalim ng mga alituntuning dapat sundin ng mga pamilyang kabilang sa ganitong aktibidad. Epektibo naman iyon dahil maraming pamilya ang nabibigyan ng pansin at natutulungan ng DSWD. Ngunit, hindi ba ang magsasaka rin ay nagugutom at naghihirap? At kung uungkatin ang isyu ng mga magsasaka, nalalapit ang pangalan ng mga Aquino/Cojuangco sa isyu ng Hacienda Luisita kung saan ang mga Cojuangco ang may malaking pursyento sa shares. Ilang taon na rin ang nakakaraan nang mabaon sa limot ang isyu at naungkat lang muli nang umupo sa pwesto ang pangulo. Inaakala ng marami na ngayong nakaupo na si Pangulong Noynoy, mas malaki na ang posibilidad na maibigay sa mga magsasakang nagsilbi sa hacienda ang lupang dapat at tunay na sa kanila naman talaga. Ang tanging hiling lang ng mga magsasaka ay ibigay sa kanila ang lupang produkto ng dugo at pawis nila na pilit ipinagdadamot sa kanila. Walang nangyari. Ngunit, nang maluklok siya sa pwesto, magagamit niya ang kapangyarihan niya para kumampi sa mahihirap nating kapatid na magsasaka, ngunit hanggang ngayon, isa rin ito sa mga nakasabit na problemang nararanasan sa pamamahala ni PNoy. Walang umaarangkadang magsasaka. aksyon. Walang kasiguraduhan. Walang mapala ang mga

Oo at kayang solusyunan ni Pangulong Aquino ang gutom, pero hindi pa niya kayang pamahalaan ang problema ng mga magsasaka at ang isyu ng Hacienda Luisita. Wala pa rin sa sukdulan ang paggamit niya ng kapangyarihan para abutin ang pangangailangan ng mga magsasaka. Kulang na kulang pa rin. Sa parteng ito, hindi pa rin kinakaya ni Pangulong Noynoy. Kailangan pa ng matinding kayod at pagtatrabaho. Marami pa siyang dapat pagdaanan at hindi pa sapat ang nagagawa niya sa bansa. Sa kabuuan, ang takbo ng ating buhay sa ilalim ng pamahalang Aquino ay wala pang magandang naidudulot sa mga problemang mas nangangailangan ng atensyon at solusyon. Napakabagal man din kung ituring ang ating pag-usad para sa tuwid na daan. Hindi mabibilang sa kamay ang dami pa ng problemang kailangang lutasin pagkatapos at bago pa man matapos ang unang taon ni PNoy. Kulang na kulang pa kasi ang nagawa niya. Para makausad tayo, kailangan nating ayusin muna ang mga problema ng bansa at hindi dapat unahin ang ilang bagay na pwede namang ipasantabi muna tulad ng buhay pag-ibig ng pangulo o ang maling pagpa-prioritze sa mga kailangan ng bansa. Gamitin ang kapangyarihan para sa ikauunlad at ikareresolba ng mga problema nang sa gayon ay aarangkada ang pamahalaang Aquino sa pagtahak ng tuwid na daan. Kailangan natin ng aksyon, hindi ng mga pangakong baka sa kalaunan ay mapako, para umusad tayo at may marating ang bansa sa susunod pang limang taon ni PNoy.
REFERENCES CITED:
Aquino III, B. S. (2011, July 26). Second State of the Nation Address, July 25, 2011. http://www.gov.ph/2011/07/25/benigno-s-aquino-iii-second-state-of-thenation-address-july-25-2011-en/Accessed: August 13, 2011 Howard, C.V. Getting RP out of poverty: Note to Aquino,. http://www.abs-cbnnews.com/-depth/06/10/10/getting-rp-out-poverty-note-aquino. Accessed: August 13, 2011 Official Gazette, Republic of the Philippines. http://www.gov.ph/2010/11/30/education-remains-a-priority-briefer-on-the-education-and-suc-budget-for-2011/ Accessed: August 13, 2011 Official Gazette, Republic of the Philippines. http://www.gov.ph/2010/08/24/president-aquinos-2011-budget-message/. Accessed: August 13, 2011 Students, faculty walk out over budget cuts. http://www.abs-cbnnews.com/nation/11/25/10/students-walk-out-over-budget-cuts. Accessed: August 13, 2011 Vencer C. Aquino slashes budget of state schools in 2011 proposal. . http://www.thepoc.net/commentaries/9585-aquino-slashes-budget-of-state-schools-in-2011proposal.html. Accessed: August 13, 2011

You might also like