Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Unit Title: Lahing Pilipino, Ipinagmamalaki Ko Designed by: Mr. Gerard Emmanuel V.

Reyes Grade Level: 2nd Grade Stage 1 Desired Results Goals: Makikilala ang ibat ibang pangkat-etniko sa Pilipinas Maiisa-isa ang mga katangi-tanging ugaling nagpapakilala sa mga Pilipino Understandings: Kahit magkakaiba ng wika, paniniwala, kasuotan, kulay at uri ng pamumuhay ang mga pangkat- etniko sa Pilipinas, Pilipino pa rin tayong lahat. May mga ugaling mabubuti subalit nakahahadlang sa pag-unlad kapag hindi naisasagawa nang maayos. Essential Questions: Sino ang mga Pilipino? Paano natin pahahalagahan ang mga pangkat ng Pilipino? Bakit nagkaroon ng ibat- ibang pangkat etniko sa Pilipinas? Anu-ano ang mga ugaling nagpapakilala sa Pilipino? Alin sa mga kaugaliang ito ang dapat manatiling buhay na buhay sa ating mga Pilipino ngayon? Bakit? Alin sa mga kaugaliang ito ang sa palagay mo ay dapat nang maalis sa mga kasalukuyang Pilipino? Anu-anong katangiang Pilipino ang taglay mo? Paano mo mapapanatili at mapalalaganap ang magagandang kaugalian ng lahing Pilipino? Knowledge: Students will know Mahalagang impormasyon tungkol sa mga pangkat ng Pilipino na bumubuo sa pamayanan ng bansa. Mga katangi-tanging ugaling Pilipino Kahulugan ng salita sa talasalitaan Skills:

Students will be able to Pagkilala at paggamit ng salita sa talasalitaan Pagtukoy / pagpapakilala sa pangkat na kanilang pinagmulan Pagsusulat at pagbibigay ng personal na kaisipan sa mga ugaling Pilipino Paghahambing sa kaugalian/katangian ng bawat pangkat-etniko sa Pilipinas Pagsasaliksik tungkol sa paniniwala at pamumuhay ng mga pangkatetniko sa Pilipinas Pagsasadula ng mga ugaling nagpapakilala sa mga Pilipino

Stage 2 Performance Task Assessment Summary: Goal Naipapakilala ang mga katangiang nagpapakilala sa Pilipino. Role Isang mag-aaral na gustong tuklasin ang mga katangiang Pilipino. Audience - Ang kamag-aral at guro. Situation- Paglalahad ng kaugalian at pangkat-etnikong pinagmulan Product/Purpose Paggawa ng collage hinggil sa kaugaliang Pilipino Standards Ang collage ay dapat gamitan ng lumang diyaryo, magasin, pandikit, art papers at pentel pens. Ang natapos na collage ay mabibigyan ng grado sa pamamagitan ng isang rubric. Other Evidence Tests, Quizzes, Journals Ito ay batay sa ginawang pagtalakay sa aralin (Lahing Pilipino) a.) Pilipino Tayong Lahat, pp. 2-19 (Sanggunian: Lakbay ng Lahing Pilipino 2) b.) Katangi-tangi ang Ugaling Pilipino, pp.20-44 Student self assessment and reflection Mailalarawan at maipapaliwanag ng mga bata ang kahalagahan ng pagkilala sa lahing kinabibilangan sa kanilang journal entry. What understandings will be assessed through this task? Ang mga bata ay makikilala ang lahat ng pangkat-etnikong bumubuo sa Pilipinas. Ang mga bata ay mailalarawan ang ibat ibang katangiang Pilipino sa pamamagitan ng pagsasaliksik/pagtatanong. What must the student demonstrate to signify that the standards are met? Ang mga bata ay kinakailangang makapagpakilala sa lahing Pilipino.

What authentic performance will be used to demonstrate student understanding? Nakapaloob dito ang collage na kanilang gagawin hinggil sa kaugaliang Pilipino. By what criteria will student products and performances be evaluated? Ang ginawang collage ay masusuri sa pamamagitan ng isang rubric na inilahad bago isagawa ang paggawa.

Stage 3 Learning Activities KWL Chart Nagagamit sa pagtatakda ng layunin upang lubusang maunawaan ang aralin tungkol sa lahing Pilipino. Pagbasa ( Pilipino Tayong Lahat pp.2 -19/Katangi-tangi ang Ugaling Pilipino pp.20 44) Sanggunian: Lakbay ng Lahing Pilipino 2 a. Silent reading b. Paired reading c. Choral reading Paggamit ng organizer sa pagtukoy at paghahambing ng kaugaliang Pilipino. Pagsagot sa mahahalagang katanungan tungkol sa lahing Pilipino. Paglalahad ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng pagsasaliksik/pagtatanong tungkol sa pangkat-etnikong kinabibilangan. Paggawa ng Journal tungkol sa natutuhan sa lahing Pilipino. Pagbuo ng isang collage hinggil sa kaugaliang nagpapakilala sa Pilipino. Pagsasadula ng mga katangi-tanging ugaling Pilipino.

You might also like