Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GMA KAPUSO FOUNDATION PARA SA BAYAN NG LABO

By: Peejay A. Molina & Vivian Galoso

Aabot sa 1.3 million pesos ang donasyon ng GMA Kapuso Foundation para sa tatlong classroom ng F. Caudilla Elementary School sa barangay Tigbinan, Labo, Camarines Norte. Kanina lang ay nagkaroon ng MoA signing ang GMA Network, Barangay Tigbinan, F. Caudilla Elementary School at Local Government Unit of Labo para sa naturang proyekto. Layunin nito na mabigyan ng desenteng silid-aralan ang mga mag-aaral ng F. Caudilla kasama ang 150 bagong mga upuan, malinis na palikuran at iba pang pasilidad. Sinaksihan ito ng mga mag-aaral, magulang at mga barangay officials ng Tigninan. Naroon din si Mayor Dindo Pardo at si Mr. Jeronimo L. Perez, ang Executive Director ng GMA Kapuso Foundation. Samantala, lubos naman ang kasiyahan ni Mr. Perez dahil sa mainit na pagtanggap ng mga taga roon lalo na ang bayan ng Labo. Sinabi nito na natutuwa sya sa pakikipagtulungan sa GMA network ng Lokal na Pamahalaang bayan ng Labo at dito sya mas nasiyahan sa bayan ng Labo dahil sa kakaibang pagpapahalaga. Hindi anila sila magsasawa na tumulong sa bayan ng Labo lalo na kung kumpleto o tama naman ang mga requirements na kanilang hinihingi kung sakaling susulat ang iba pang barangay. Nagkausap na rin sila ni Mayor Dindo Pardo para mapagaralan din ang barangay Dumagmang para mabigyan din ng silid-aralan. Lubos naman ang pasasalamat ni Mr. Efren Flores, ang principal ng F. Caudilla Elementary School sa naturang programa ng GMA Kapuso Foundation. Wala ring mapagsidlan ang kasiyahan at pasasalamat ni Mayor Dindo Pardo sa GMA Network lalo na sa Kapuso Foundation. Hangad ng alkalde ang mas marami pang silid-aralan para sa mga mag-aaral sa bayan ng Labo.

THE FILIPINO CHANNEL (TFC) NG ABS-CBN MAGSASAGAWA NG SHOOTING SA MGA TOURIST DESTINATION SA BAYAN NG LABO.
By Peejay A. Molina

Napili naman ng ABS-CBNs- The Filipino Channel (TFC) ang Camarines Norte para sa kanilang shooting ng ibat-ibang magagandang tanawin sa lalawigan. Isa ang bayan ng Labo sa napiling lugar kung saan kukunan ang mga natatanging tanawin tulad ng Malatap Falls sa barangay Malatap, Binuang Falls sa barangay Daguit, Sinagtala Resort sa barangay Lugui, Museo de Labo at Pina Cloth Weaving ng Labo Progressive Multipurpose Cooperative. Layunin nito na mapaunlad at maipagmalaki sa buong mundo ang kakaibang mga tanawin sa bayan ng Labo. Handog din ito ng ABS-CBN sa mga kababayan natin na nasa abroad. Mapapanood ang naturang documentary film sa buong North America, Asia Pacific, Australia, Middle East at Europe. Ang naturang aktibidad ay pangungunahan nina Provincial Tourism Officer Deebee Francisco, Labo Tourism Officer Monching Lagatuz at Mayor Dindo V. Pardo. Kukunan din ng TFC ang ibat-ibang magagandang tanawin gaya ng beaches, falls at landmarks. Anila, sana ay makatulong din ito upang mapalakas pa at mapaunlad ang turismo sa bayan ng Labo at sa lalawigan ng Camarines Norte. Sa January 24, 2012 nakatakdang dumating sa bayan ng Labo ang production staff ng TFC.

You might also like