Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Walang Sugat ni Severino Reyes Unang Yugto Tagpo 1.

a: Sa loob ng isang bahay*kantas* Julia: Iligpit na ninyo ang mga bastidor at kayoy umalis na. Tagpo 2.a Teong:Julia, patingin nga ng binuburdahan mo Julia:*ilalayo ang panyo kay Teong. Pipilitin ni Teong na makita ang panyo pero pilit itong inilalayo ni Julia* Huwag na, Teong. Huwag mo munang tingnan, masama ang pagkakakayari. Saka na lang, kapag maganda na. Saibang araw, ipapakita ko sa iyo. Teong:Posible ba na ang mga daliring ito, na hagod kandila, na parang nilalik na maputing garing, aymay yayariin na hindi maganda? Hala na, titingan ko lamang saglit Julia:Wag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko! Teong:Ay! Julia:Anong lalim ng buntong-hininga. Lalo ko pang pagagalitin Teong: Julia, Julia ko Hindi na ko nagagalit, patawarin mo ako Julia:Masakit sa akin, magalit ka at hindi, laging bagay! Teong:Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, na ito ay nakita ko na minarapat mongilimbag sa panyong ito ang pangalan ko! Julia:Hindi ah! Nagkakamali ka Hindi para sa iyo ang panyong iyan. Teong:Kasinungalingan! At kanino namang pangalan ito A, Antonio, N, Narciso at F, ay Flores! Julia:Hindi mo pangalan iyan. A-, sa amang iyan! Iyay iaalay ko sa kaniya ngayong kaarawan ng Pasko. Teong:Hindi pala akin ah! Kung sa amang o sa demonyo may bakit ang letray A, N at F? Julia:Oo nga, ah, eh, pagkat ang A ay amang, ang N ay natin, at ang F ay frayle. Amang natin frayle. Teong:Amang natin frayle? Niloloko mo ba ko? Laking kaalipustahan! Huwag mo kong aglahiin tungkolsa mga taong iyat madaling magpapanting ang tainga ko! Julia (to self):Aba, at nakaganti na ako! Teong:Julia, magsabi ka nga ng totoo! Para sa Kura nga ba? Kapag di ko sinilaban ay sinungaling ako Tagpo 3.a Juana: Julia, Julia, nakita mo ba ang baro kong makato? Lucas:Mamang Teong, Mamang Teong! Teong:O Lucas, napaano ka? JRPM

Lucas:Dinakip po ang tatang mo ng boluntaryong Sta. Maria! Teong: (gulat)Diyatat dinakip si Tatang? Lucas:Opo! Sa Bulacan daw po dadalhin Teong: Tiya, ako poy paparoon munat susundan si Tatang Juana:Hintay ka sandalit kami ay sasama. Julia, magtapis ka Teong:O mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligaya na kinamtan sa dibdib ay tinutugunankapagdaka ng matinding dusa! O mundong mandaraya! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutuladsa bangot halimuyak ng bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas.--bababa ang tabing. Tagpo 4. A = Musika Tagpo 5.a (Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mgarehas.) Kura 1.0.:Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; masamang tao itoKung hindi man mason, marahilfilibustero, sapagkat kung siya sumulat maraming K(a), cabayo K(a). Marcelo:Hindi po ako kabayo, among! Kura 1.0:Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng Cpinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya. Kura 2.0.:Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon. Marcelo:Hindi sila makakain eh! Kura 1.0:Hindi pagkain ang itinutukoy ko sa rasyon! Hindi! Ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti ngatmamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa yo ay ang palo, maraming palo ang kailangan .(Suggestion: sana habang ginagawa to pinapakita na si Inggo na inaapi) Marcelo:Ah.. Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang mangagsidaing;isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo na po silang walang tulog! Kura 2.0:Loko ito! Anong awa-awa? Nayon walan awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang kabanang rasyon? Ang rasyon ng palo, ha. Marcelo:Dati poy tatlong kabanngayon poy lima ng kaban, at makalima po sa isang araw.Samakatwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay Huston 625 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa!(bibigyan ni Kura 2.0 si Marcelo ng kuwalta at tabako). Kura 1.0:Kahapon ilan ang namatay? Marcelo:Walo po sana, subalit nang mag-uumaga po ay pito lamang. Kura 1.0:Aba e, bakit ganoon? (gulat). Marcelo:Si Kapitang Inggo ay pinagsaulan ng hininga. JRPM

Kura 1.0:Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si KapitanInggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi na mamamatay si Kapitan Inggo? 2 Marcelo:Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at angdalawang braso poy litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos. Kura 1.0:May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon? Marcelo:Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban. Kura 1.0:Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin atibibilad at bubusan nang tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha? Marcelo:Opo, Among Kura 1.0:(Sa mga kasama niya) Compaeros, habeis traido el dinero para el Gobernador? Kura 2, 3, 4:Si, si, hemos traido. Kura 1.0:Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo. Marcelo:Hindi po makalakad, eh! Kura 1.0:Dalhin dito pati ang papag. Kura 1.0:Kapitana Putin, mga dalaw, parito kayo.(Magsisilabas ang mga dalaw). Tagpo 6.a (Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong at mga dalaw, babae at lalaki.) Kura 1.0:Kapitana Putin, ngayon makikita mo na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde nahuwag nang papaluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tuluganKami ayaakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pakawalan na lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila. Miguel: Julia, salamat at ngayoy napapanood ko na ang liwanag ni Febo Julia: Narito na naman ang ulol na ito.. Babanggitin uli ang buwan, araw at mga bituin.. Pagkatapos angulan, alimuum at huni ng ibon Miguel: Bakit ba ayaw mo kong sagutin? O talang maliwanag, daig mo ang araw na bagong sumikat. Julia: Miguel, totoog masakit na ang ulo ko. Huwag mo akong kausapin. Bawat tunog na nadidinig ko ay tilanginangatngat ng aso ang ulo ko, at ang kumausap sa akin ay ibig kong Miguel: Bakit baa yaw mo kong sagutin? Julia: Masakit ang ulo ko. Miguel: Ay, sumagot din! Salamat at akoy iniibig mo na. Julia: At sino naman ang nagsabi sa inyo niyan? Miguel: Sinabi mo na ang kumakausap sa iyoy ibig mong Julia: (laugh) Ulol nga pala? Ang kumausap sa akin ay ibig ko nang dikdikin. Naintindihan mo ba?Marteng matapang Julia: Tenong, nilimot mo na ako!--music Tagpo 3.a JRPM

Juana: Miguel, bat naguumiyak si Juana? Anong ginawa mo? Miguel: Kinausap ko lamaong po tapos pumadiyak-padiyak na at akoy iniwan*tinatawag ni Juana si Julia* Juana: Kinakausap ka lamang ni Miguel tapos nagalit ka na? Julia (sa sarili): Aba nakapagsumbong pa ang tunggak! 3 Julia: Sinabi ko pos a kanyay huwag akong kausapin sapagkat masakit po ang ulo ko. Ngunit lalo pa niyaakong kinausap at sinabi pang ako si Febo, tala, Venus at marami pang kaulolan. Juana: Ganoon naman pala eh. (Kay Miguel): Julia lang ang itatawag mo sa kanya. Ayaw niyang pagwikaanng mga tala, Venus.. Siya nga pala, ang tatang moy hindi ba paririto? Miguel: Patungo nap o rito, dumaan lamang sa bahay ni Fiscal Manuel.. Hindi naman po siya engrandengengrande, subalit pumunta siya roon para pasindahan ang lahat ng simbahan.. at sisita pa raw po anglahat ng orquesta Julia (sarili): Tunggok na nga, manununog pa! Tagpo 4.a Miguel: Ah, narito na po si Tatang Tadeo: Ano balae, hindi ba nagkakasakit? Juana: Wala naman pong nagkakasakit sa amin. Kamusta naman po kayo? Tadeo: MAbuti, parehas pa rin ng dati. Si Miguel lamang ang palaging sinisinat Si Julia? Juana: Narito po. Julia! Julia! Pumarito ka, tinatanong ka ng magiging biyenan mo. Tadea: Hija, ibig koy ikaw ang pipili ng damit mong bibilhin.. Juana: Opo Julia (sarili) Kay bigat nga naman talaga ng duko ko sa matandang ito, mukha ngang manununog. Tadeo: (to Juana) Balae, ako sanay may ipakikisuyo sa iyo na isang mumunting bagay. Huwag na natinghintayin pa ang ikadalawamput lima; sa araw ng Sabadong darating ay iraos na natin ang mga bunso. Julia: Ano itong narinig ko?! Ibig pang pabilisan ang pagsabi ng mabangis na kamatayan! Mga walang awa! Juana: Tatanungin ko po si Julia kung pumapayag siya. (to Julia) Julia ipinakikiusap ng biyenan mo na saSabado na lang daw ang kasal. Julia: Inang, sabihin mo pos a kanila na antabayanan ang araw na napagkasunduan! Bakit po minamadalinila? Juana: Siyanga po naman, maghintay na po tayo.. Tadeo: Miguel, maghintay na! Ikaw ay umuwi na at dumaan kay Fiscal Manuel. Sabihin mo sa kanya nahindi na matutuloy sa Sabado. Tagpo 5.a JRPM

Recitado: Magsilayo kayo, akoy bitiwanDumating na ha, ha, haSugatan lamangLumayas ka Miguel, huwag na matingnanKay Tadeo: ikaw matanda kayKitay uunatanMga walang awa, ah mga kuhila!Koro, may bandat orchestraKoro (sigaw) Mabuhay ang Filipinas, mabuhay ang kasal!*kanta* Miguel: Julia! Nasan ka na? Naghihintay na si Pari Teban! Ano bang tagal ng salubungan yan? Napakatagalnga naman talaga! Julia: Pakasal kang mag-isa mo. Miguel: Kay sama naman ng sagot nito! Aling Juana, sabihin mo p okay Julia na totoong tanghali na.Magaalas-dose na nga yata eh! 4

Juana: Julia naghihintay na raw si Pari Teban julia: Hayaan niyong maghintay siya! Si Tenong poy mamamatay na Kaaawa-awa naman, hindi po dapatiwan. Juana: Mamamatay pala! Ginoong Heneral, masama raw po ang lagay ni Kapitan Tenong. Heneral: Ginoong medico! Tignan niyo nga po ang Kapitan Tenong! Mamamatay pala.. Ginoo, mangyaringtawagin ang kura nang makapagkumpisal ang Kapitang Tenong Miguel: Hindi po, ako nap o ang tatawagKura: Akoy may ipahahayag sa inyo na isang malaking bagayang Kapitan Tenong na sa oras na itoy lilipat sa baying tahimik, ay may huling kahilingan.Ipinagmamakaawa niya sa iyo Juana, at kay Ginoong Miguell, na yayamang siya ay mamamatay rin sa orasna ito, ay mangyaring ipakasal sa kanya si Julia Juana: Ipakasal sa kanya si Julia?! Bakit?*nagtatanong din sina Miguel at Tadeo* Kura: Sapagkat noon p amay may kasunduan na silay magpapakasal sa oras na ito. Juana: Julia, halika. May salitaan nga ba kayo ni Tenong? Julia: Inang, ang tao pong nasa mahalagang oras ng kamatayan, at malapit ng dumulok sa hukuman ngDiyos ay hindi na nagsasasabi ng kasinungalingan. Juana: AH totoo nga! Lilong anak! Sukab na pamangkin! Julia: Inang! Juana: HINDI KITA ANAK!*kanta parts* 5

John Raemond P. Munoz 2nd yr Spain

You might also like