Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Nahalukay (na Tula) sa Basura Ika-29 Octubre 2010 01:30 PM

lahat ng sulok kakalkalin hapdi ng tyan tatawirin makikipag-unahan sa dilim may maisubo lang at makain. napapaawit ang mga bangaw sa bawat kagat, sila'y napapahiyaw. "oh, spaghetting gumagalaw. kay sarap mo, kahit umaalingasaw" napapasayaw ang mga ipis, lilipad lipad sa sobrang inis. "oh, kaysarap naman lantakan, inuuod na beef-steak". kahit paano hapdi ng tyan nawawala din. matapos maubos pagkain sa dilim. "hay salamat kami naman!" sigaw ng mga ipis at bangaw. at wala silang kaalam alam... ako ngayo'y nasusuka gutom sa utak, di nawawala. gutom sa pag-asang makaahon, kahit di alam kung saan ito naroon ngayon. walang magagawa kundi ipikit ang mga mata. di alam kung muling didilat pa o tuluyan nalang mangingisay sa ilalim ng tulay. kakainin ng mga daga, mas malaki pa sa pusa.

You might also like