Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

A agaw-buhay -- naghihingalo anak-pawis -- magsasaka; manggagawa ahas----taksil; traidor Halimbawa: Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina

ay isa pa lang ahas. anak-dalita---mahirap Halimbawa: Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita. alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo. Halimbawa: "Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang." balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan. Halimbawa: Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero. balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran. Halimbawa: Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan. Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan Halimbawa: Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay. basa ang papel---bistado na Halimbawa: Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina. buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo Halimbawa: Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo? bukal sa loob---taos puso tapat Halimbawa: Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan. busilak ang puso---malinis ang kalooban Halimbawa: Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu. di madapuang langaw---maganda ang bihis Halimbawa: Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo. di makabasag-pinggan---mahinhin Halimbawa: Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena. hampaslupa---lagalag, busabos Halimbawa: Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa. haligi ng tahanan---ama ilaw na tahanan---ina Halimbawa: Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina naman, ay itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin. isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan Halimbawa:Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay. itaga sa bato---tandaan Halimbawa: Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato. itim na tupa---masamang anak Halimbawa:

Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa. kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta Halimbawa: Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila. kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan Halimbawa: Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita. kapit-tuko---mahigpit ang hawak Halimbawa: Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara. kidlat sa bilis---napakabilis Halimbawa: Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies. kilos-pagong---makupad,mabagal Halimbawa: Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi. luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis Halimbawa: Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng mayaman ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya. (Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang Filipino na ibig sabihin ay "mister o asawang lalaki") Mahangin ang ulo----mayabang Halimbawa: Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki. matalas ang ulo---matalino Halimbawa: Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude. mahina ang loob---duwag Halimbawa: Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay. malakas ang loob---matapang Halimbawa: Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip. makapal ang bulsa---mapera Halimbawa: Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa. makapal ang palad---masipag Halimbawa: Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo. magdilang-anghel---magkatotoo sana Halimbawa: Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana. pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnan Halimbawa: Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak. pagiisang dibdib---kasal Halimbawa: Ang pag-iisang dibdib nina Adila t Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon. pusong-bakal---hindi marunong magpatawad Halimbawa: Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa? tinik sa lalamunan---hadlang sa layunin Halimbawa:

Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko. tulak ng bibig---salita lamang, di tunay sa loob Halimbawa: Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko. bungang-tulog---panaginip maamong kordero---mabait na tao Halimbawa: Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro. butas ang bulsa---walang pera mababaw ang luha---iyakin Halimbawa": Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan. kabiyak ng dibdib---asawa mabigat ang dugo---di-makagiliwan Halimbawa: Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana. maaliwalas ang mukha---masayahin,taong palangiti maitim ang budhi---tuso, masama ang ugali Halimbawa: Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon. mahabang dulang---kasalan malikot ang kamay---kumukuha ng hindi kanya kawatan Halimbawa: Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli. namamangka sa dalawang ilog---salawahan makitid ang isip---mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman Halimbawa: Mahirap makipagtalo sa taong makitid ang isip. Walang mararating ang anumang katwiran mo. nagbibilang ng poate---walang trabaho malawak ang isip---madaling umunawa, maraming nalalaman Halimbawa: Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman. nakahiga sa salapi---mayaman mapurol ang utak---bobo Halimbawa: Talaga yatang mapurol ang itak ng aking pamangkin. Natapos niya ang elementarya sa loob ng siyam na taon. nagmumurang kamatis---matandang lalaking nag-aayos binata,matandang babae nag-aayos dalaga masama ang loob---nagdaramdam Halimbawa: Halatang masama ang loon ni Miss Gan dahil hindi siya nasali sa mga nabigyan ng parangal. naniningalang-pugad---nanliligaw matalas ang tainga---madaling makarinig o makaulinig Halimbawa: Matalas ng tainga ng aking ama kahit na siya ay 93 taong gulang na. sira ang tuktok---gago, luko-luko Halimbawa: Sira ng tuk-tok ng taong iyon, kanina pa sayaw nang sayaw sa tabi ng daan. takaw-tulog---mahilig matulog

Halimbawa: Paano kang aasenso sa trabaho mo gwardiya kung ganyang lagi kang takaw-tulog? anak-dalita -- mahirap alilang-kanin -- utusang walang sweldo, pagkain lang B balitang kutsero -- hindi totoong balita balik-harap -- mabuti sa harapan, taksil sa likuran bantay-salakay -- taong nagbabait-baitan bungang-araw -- sakit sa balat bungang-tulog -- panaginip BALAT balat-sibuyas -- manipis, maramdamin balat-kalabaw -- mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya buto't balat -- payat na payat BIBIG tulak ng bibig -- salita lamang, di tunay sa loob dalawa ang bibig -- mabunganga, madaldal BITUKA halang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao mahapdi ang bituka -- nagugutom BULSA a butas ang bulsa -- walang pera sukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera, marunong magbayad at mamahala ng kayamanan BUTO nagbabatak ng buto -- nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan matigas ang buto -- malakas K kidlat sa bilis -- napakabilis kusang palo -- sariling sipag KAMAY mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho magaan ang kamay -- madaling manuntok, manapok, manakit mabilis ang kamay -- mandurukot malikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanya D di makabasag-pinggan -- mahinhin di mahulugang-karayom -- maraming tao DIBDIB pag-iisang dibdib -- kasal kabiyak ng dibdib -- asawa daga sa dibdib -- takot nagbukas ng dibdib -- nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan DILA bulaklak ng dila -- pagpapalabis sa katotohanan magdilang anghel -- magkatotoo sana makati ang dila -- madaldal, mapunahin matalas ang dila -- masakit mangusap maanghang ang dila -- bastos magsalita matamis ang dila -- mahusay mangusap, bolero kaututang dila -- katsismisan sanga-sangang dila -- sinungaling may krus ang dila -- nakapanghihimatong DUGO kumukulo ang dugo -- naiinis, nasusuklam magaan ang dugo -- madaling makapalagayan ng loob maitim ang dugo -- salbahe, tampalasan H hampas-lupa -- lagalag, busabos haligi ng tahanan -- ama I ilaw ng tahanan -- ina itaga sa bato -- tandaan isulat sa tubig -- kalimutan ISIP makitid ang isip -- mahinang umunawa, walang masyadong nalalaman malawak ang isip -- madaling umunawa, maraming nalalaman L LOOB malakas ang loob -- matapang

mahina ang loob -- duwag mababa ang loob -- maawain masama ang loob -- nagdaramdam mabigat ang loob -- di-makagiliwan bukal sa loob -- taos-puso, tapat M mahabang dulang -- kasalan makalaglag-matsing -- nakaka-akit makuskos-balungos -- mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin mahaba ang buntot -- laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe malapad ang papel -- maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong may magandang hinaharap -- may magandang kinabukasan may sinasabi -- mayaman, may likas na talino MATA matalas ang mata -- madaling makakita tatlo ang mata -- maraming nakikita, mapaghanap ng mali namuti ang mata -- nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay matigas ang leeg -- mapag-mataas, di namamansin matigas ang katawan -- tamad makapal ang palad -- masipag maitim ang budhi -- masamang tao, tuso mababaw ang luha -- madaling umiyak MUKHA makapal ang mukha -- di marunong mahiya manipis ang mukha -- mahiyain maaliwalas ang mukha -- masayahin madilim ang mukha -- taong simangot, problemado dalawa ang mukha -- kabilanin, balik-harap N nakahiga sa salapi/pera -- mayaman nagbibilang ng poste -- walang trabaho namamangka sa dalawang ilog -- salawahan nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga naniningalang-pugad -- nanliligaw ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan P panis ang laway -- taong di-palakibo pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw patay-gutom -- matakaw pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal putok sa buho -- anak sa labas PAA makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad pantay ang mga paa -- patay na PUSA nagpupusa -- nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao saling-pusa -- pansamantalang kasali sa laro o trabaho S sampid-bakod -- nakikisunod, nakikikain, o nakikitira samaing palad -- malas na tao sampay-bakod -- taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi T takaw-tulog -- mahilig matulog takipsilim -- paglubog ng araw talusaling -- manipis ang balat talusira -- madaling magbago tawang-aso -- nagmamayabang, nangmamaliit TAINGA matalas ang tainga -- madaling makarinig maputi ang tainga -- kuripot nakapinid ang tainga -- nagbibingi-bingihan taingang kawali -- nagbibingi-bingihan U utang na loob -- malaking pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man "utang na loob" -- malaking pakiusap, madalas ginagamit upang ipahiwatig ang masidhing damdamin ng nakikiusap, tulad ng "parang awa mo na" ULO matalas ang ulo -- matalino mahangin ang ulo -- mayabang

You might also like