Midterm Summer Class

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

UNIVERSITY OF SAN JOSE-RECOLETOS High School Department MIDTERM SUMMER CLASS EXAM FILIPINO Pangalan:________________________________Petsa:_____________________

Iskor:

I.WASTONG GAMIT NG MGA SALITA Direksyon: Bilugan ang tamang salita na tumutugon sa tamang sagot.(10 PTS.) 1. Mag-ingat ka (kung, kong) ikaw ay tatawid sa sky walk dahil may nag-aabang na masamang loob. 2. (May, Mayroon) bang pasok sa Mayo 16? 3. (Labin,Labing,Labim)pito silang nabagsak sa Huling Markahang Pagsusulit. 4. Gusto nilang (subukin, subukan) ang pasensya ng guro.5. Umalis na si Maam (nang, ng) dumating si Ivan. 6. (Nang, ng) ipinatawag siya ng principal, bigla siyang nanlamig. 7. Sumabog (daw, raw) ang puso ni Nathan nang marinig niya ang usap-usapan na nagyapakan sina Katherina at Daniel, nakita ninyo ba ang tagpong ito? 8. Si P-NOY (daw,raw) ang tinik sa lalamunan ni Arroyo? 9. Pakilagay (doon,roon) sa cabinet ang inyong mga envelop. 10. (Pahirin, pahiran) mo ng floor wax ang sahig. II. PANG-URING PAMILANG A. Isulat sa akmang hanay ang tamang kinabibilangan ng mga sumusunod na pamilang. (15PTS.) dalawahan 6 na talampakan taon 2011 ikatlong saknong pangalawang taludtod tigsasampung papel 50 mag-aaral P7.50 unang markahan lalabing-animing pantig panlimang tula ikalawang taon sa hayskul 14 na taludtod 12 kilong mangga pangwalong gantimpala

PAMILANG NA PATAKARAN

PAMILANG NA PANUNURAN

B. Isulat nang pasalita ang sumusunod na pamilang.(5PTS.) 1. 2. 3. 4. 5. 15th president of the Philippines3rd placePhp 9910 kilometers9 stanza-

III. PANG-URING PANLARAWAN


Direksyon: Salungguhitan ang mga pang-uring ginamit sa talata (10 pts.) Sa lahat ng kaibigan ko si Dina Lego na yata ang napakabait. Bagamat magkasinggulang kami higit na malawak ang kanyang pag-unawa kaysa akin. Napakamapagbigay niya at lubhang maaalalahanin. Totoong matapat siya sa pakikisama. Yaon bang walang ugaling mapagbalatkayo. Para sa kanya pantay-pantay lamang ang pagtitingin sa bawat isa upang maiwasan ang inggitan o anumang uri ng intriga. Di-gasinong masalita si Dina Lego, subalit malalim ang takbo ng kanyang pag-iisip. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit minsan ay hindi siya palakibo.

IV. PANGNGALAN
Direksyon: Bilugan ang PANGNGALANG PANTANGI at kahunan ang PANGNGALANG PAMBALANA. (RIGHT-WRONG) 20PTS.

Matapos ang pagdagsa ng mga imported na bigas, gulay, at karne na nagpabagsak ng presyo ng mga produkto, iminungkahi ngayon ang imported na medicines. Gayunman ito ang imported na tiyak na makatutulong sa mga mahihirap nating kababayan para di kumapos ang buhay. Marahil ay buhay na niniwala si Manila Representative Bill Hary Ongpin na mabilis na magpapatibay ang kanyang House Bill ng 2005. Kung magbibigay daan sa mabiyayaan ang mga ordinaryong mamamayan ay magpapatayo ng mga daan upang mapabilis ang pakikipagkalakalan. Sakaling dumagsa ang imported medicine, tinitiyak na bababa ang presyo ng mga pangunahing gamot sa 50 porsyento. Sa kasalukuyan maaaring magkamal ng malaking halaga ang mga multi national companies dahil sila lamang ang binibigyan ng opurtunidad na makapag-angat ng mga pangunahing gamot dito sa ating komunidad. Pero pweding kontrahin ang naturang panukalang batas ng mga may-ari at kapanalig ng mga multi national companies particular ang mga nakakabase sa Europe at Amerika. Iyan ang abangan natin! Maaaring dolyar na naman ang maging sentro ng usapan.

V. SANAYSAY

Direksyon: Sagutin nang deretsahan ang mga katanungan (10 pts) Pamantayan sa pagwawasto: Nilalaman 4 pts. Kaisahan ng mga ideya 3 pts. Kawastuan sa gramatika3 pts. Bakit mahalagang pag-aralan ang asignaturang Filipino? Ano ang maimumungkahi mo para mapaganda ang klase sa Filipino upang maging kapanapanabik ito sa mga mag-aaral.

You might also like