Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ted Failon: Magandang araw, mga minamahal na kababayan!

Isa na namang isyu ang tutukan, isang usaping hindi titigilan. Ito ang Failon Ngayon! Ating matutunghayan ngayon ang isang kwento ng pagkasawi at pagkatuto. Alamin natin ang kinahantungan ng pag-iibigang Lyka at Dino, mga hindi nila tunay ng pangalan. Ating nakapanayam ang isa sa dalawang magsing-irog na nagsumpaang hindi mapaghihiwalay ng tadhana sa mata ng Diyos. Lyka: (nakatakip ng itim na tela) Ako po si Lyka, asawa ni Dino. Mahigit limang taon na po kami bilang mag-kabiyak ngunit sa kasawiang-palad, hindi po naging tulad ng mga kwentong pag-ibig sa telebisyon ang aming kwento. REENACTMENT Lyka: (nakatakip ang mga mata) Choco Baby, saan mo ko dadalhin? Dino: Potchi, saglit na lamang ito. Huwag kang mag-alala. O, ayan tanggalin mo na ang panyo sa iyong mata. (tinanggal na ni Lyka ang panyo) Akin ka na lang, akin ka na lang, iingitan ko ang puso mo. Akin ka na lang, akin ka na lang, wala nang hihigit pa sa iyo. Lyka, may gusto akong sabihin sa iyo. Mula noong mga bata pa lamang tayo, ikaw na ang mahal ko. Ikaw lamang at wala nang iba pa ang nilalaman ng puso ko. (ilalabas ang singsing) Maari ba kitang makasama habang buhay? Lyka: Ano ka ba naman! Tumayo ka na nga diyan. Syempre naman, oo! Pakakasal ako sa iyo. VO Lyka: Matapos ang ilang buwan ng paghahanda, dumating na rin sa wakas ang araw na pinaka-aasam naming dalawa. Pari: Dino, tinatanggap mo ba si Lyka bilang kabiyak? Dino: Opo, padre. Pari: Lyka, tinatanggap mo ba si Dino bilang kabiyak? Lyka: Opo, padre. Pari: At kayo ay ganap nang mag-asawa. Maari mo nang halikan ang iyong kabiyak. Dino at Lyka: And I do cherish you, for the rest of my life.. VO Lyka: Masaya ang aming naging pagsasama sa loob ng limang taon. Napuno ng saya at pagmamahal ang pinangarap naming tahanan. Dino: (nagtatakbuhan kasama ni Lyka) Pangarap ko ang ibigan ka sa habang panahon, ikaw ang makasama. Ikaw na nga ang siyang tunay sa buhay kong ito, pangarap ko ang ibigin ka. Lyka: (habang nakaupo kasama ni Dino) VO Lyka: Ngunit sa tinagal-tagal ng aming masayang buhay bilang kabiyak ng isa't isa, hindi maalis sa aking isipan kung bakit wala pa rin kaming anak. Kaya ako'y nagpasiyang kumonsulta sa isang eksperto. Lyka: Magandanang umaga po, Dok. Lumabas na po ba ang mga resulta ng aking mga pagsusuri? Doktor: Ay opo, misis. Ito na po. (maglalabas ng mga papel) Didiretsuhin ko na po kayo. Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo ngunit amin pong nakumpirma na hindi po kayo magkakaanak na iyong asawa. Kayo po ay baog at imposibleng magdala ng bata sa inyong sinapupunan. Pasensya na po, misis. A, sige po. Mauna na po ako.

Lyka: (uuwi na parang tuliro at biglang iiyak sa bahay) Paano na ito? Bakit hindi ko kayang mabigyan si Dino ng anak? Paano kung iwan niya ako? Di ako mabubuhay ng wala siya! Diyos ko, anong nagawa ko at nangyari ito sa akin? Dino: (biglang uuwi galing opisina) Potchi, anong ulam natin? Nakakapagod ang trabaho. (makikitang lumuluha si Lyka) O, Lyka! Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa iyo? Lyka: Choco Choco, mangako kang hindi mo ako iiwan kahit ano mangyari. (yayakap kay Dino) Dino: Oo naman, syempre mahal na mahal kita. Ano ba iyon? Lyka: Dino, baog ako. Kaya hindi pa tayo nagkakaanak, kasi may problema ako sa aking obaryo. Pasensya ka na, pero sana huwag mo akong iwan. Dino, mahal na mahal kita. Dino: (biglang tatanggalin ang mga kamay ni Lyka sa kanyang pagkakahawak sa kanya) Lyka: Huwag mo akong iiwan Dino! Dino: Kailangan ko lang mapag-isa. Huwag kang mag-alala, nandito lamang ako para sa iyo. VO Lyka: Labis ang pagtitiwala ko sa mga binitiwan niyang salitang hindi niya ako lilisanin. Subalit, lumipas ang mga araw at tila palamig nang palamig ang aming pagsasama. Dino: (kakauwi lamang galing opisina) Lyka: O, naka-uwi ka na pala! Halika, kumain na tayo. Ipinaghanda kita ng paborito mong ulam. Dino: Huwag na, pagod na pagod na ako. Kumain na ako sa labas. Matutulog na ako, bukas na lang tayo mag-usap. VO Lyka: Ngunit, ganito na pala ang nangyayari sa opisina ng aking asawa. Julio: Tara, mga kaibigan kumain na tayo! Dino: O sige, tara, kumain na tayo. (pupunta sa kainan) Magkakape na lamang ako. Mauuna na ako mga kasama. (babalik sa opisina) O, Sir Vaddingh, kumusta po kayo? Sir Vaddingh: Ay, Dino, buti naparito ka. May ipakikilala ako sa iyo. Narito si Alyssa, ang bago mong sekretarya. Bago lamang siya kaya pakitunuguhan mo siya ng mabuti. Alyssa: Hello po Sir Dino. Ako po si Alyssa, ang sekretarya ninyo. Dino: (malaglag ang kape at mapanganga) Magandang umaga -- aray ang init! Sir Vaddingh: Nako Dino! Nagkalat ka pa. Hayaan mo na, lilinisin na ng janitor iyan. O siya, mauna na ako. Magkilalahan na lang muna kayo ni Alyssa. Dino: Salamat po, Sir! Ingat. (lilipas ang ilang oras) Dino: O, Alyssa! Parang hirap na hirap ka na diyan sa ginagawa mo ha. Tara kumain na muna tayo. Alyssa: Sir, nakakahiya naman po at di pa po ako tapos sa aking mga gagawin.

Dino: Ano ka ba naman, bukas mo na gawin yan. Pagod na pagod ka na. Alyssa: Pero Sir..

You might also like