Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Michael Angelo Layug

Nasaan Ka Na?

Ang Pilipinas nooy napakagulo, Bomba doon, away riyan, putok dito, Saan may hindi tiyak ang kaligtasan, Saan may kahahantungay kamatayan. Ang lahat ay pipi, ang lahat ay bingi, Manhid na manhid sa naramdamang hapdi, Ayaw magsalita at tikom ang bibig, IpinagsaDyos ang buhay at ang ibig. Ngunit isang armas ang syang lumaban, Armas na higit pa sa milyong kalaban, Syay walang takot, hangad ay katarungan, Hangad ay ibangon ang api na bayan. Rizal ang pangalan ng armas na ito, Pluma at papel lang ang sandata nito, Lumaban at buhay ay sinakripisyo, Hanggang ang bayay kalayaay natamo. Ngayon na ang bayay lugmok nanaman, May polusyon, korapsyon at kahirapan, Ngayong armas na kakalingay wala na, Aming bayaning Rizal, nasaan ka na?

You might also like