Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Iyon ang akin

Josue 14:6 12

6 Lumapit noon kay Josue sa gilgad ang ilan sa lipi ni Juda. Sinabi sa kanya ni caleb na anak ni Jefone. Ang cenizeo: natatandaan mo pa ba ang sinabi ni Yahweh kay Moises tungkol sa ating dalawa nang tayoy nasa cadesbarnea? 7 Apatnapung taon pa lamang ako noon. Sinugo niya tayo buhat sa cades-barnea upang tiktikan ang lupaing ito, at iniulat ko ang buong katotohanan. 8 Samantalang ang bayan ay tinakot ng ibang kasama natin, nanatili akong tapat kay Yahweh na ating Dios. 9 kayat ipinangako sa akin noon ni Moises na dahil sa aking katapatan magiging bahagi ko at ng aking mga anak ang lupaing masayaran ng aking mga paa. 10 apatnaput limang taon na ang lumipas buhat nang sabihin ito ni Yahweh kay Moises.

nooy naglalakbay pa sa ilang ang bayang Israel. Walumput limang taon na ako ngayon. 11 Ngunit hindi pa nagbabago ang lakas ko mula nang akoy suguin ni Moises upang tiktikan ang lupaing ito, kaya ko pa ang makidigma at magparoot parito. 12 Kaya ibigay mo na sa akin ang kaburulan na ipinangako sa akin ni Yahweh. Narinig mo rin na mga higante ang nakatira doon at matitibay ang moog ng naglalakihan nilang lungsod. Ngunit sa tulong ni Yahweh ay palalayasin ko sila sa lupaing iyon gaya ng pangako niya.

Panimula: Ang Canaan ay lupang pangako ng Dios sa mga Israelita. Kapag silay dumating na sa Canaan ito ay hahatiin sa labing dalawang angkan ng Israel. Bago nila ito masakop ay nagpadala si Moises ng labing dalawang espiya, isa sa bawat angkan, mga BILANG 13:1-16. Tiniktikan nila ang Canaan sa loob ng apatnapung araw at ng bumalik ang mga espiya ay nag ulat ang sampung espiya na,malalakas ang mga tao roon, malalaki ang lungsod, matitibay ang moog at higante ang mga nakatira roon.

Ang magtangkang sumakop sa kanila ay lalamunin ng buo at hangang tuhod lamang sila. mga BILANG 13:28,33. ngunit si Caleb na galing sa lipi ni Juda at si Josue na galing sa lipi ni Efraim ay nag sabi na,hindi tayo dapat mag aksaya ng panahon lusubin natin sila at tiyak na malulupig natin.BILANG 13:30. Dahil sa pananalig ni Caleb sa Dios ay ipinasabi ng Dios kay Moises sa Deut.1:36, ibibigay ng Dios ang lupaing maabot niya(MB) ang lupaing tinungtungan niya (KJV) at sa kaniyang lahi. Ang lupaing iyon ay Hebron

I. Ang Hebron A. Bible Dictionary a town in the mountains of judah, about 2,800 ft above Mediterranian sea and between Beersheba and Jerusalem, being about 20miles from each B. Ang Hebron ayon sa sampung tiktik at ito rin naman ay nakita ni Caleb at Josue. Malalakas ang tao roon, matibay ang moog at higante ang mga tao - bakit ito parin ang pinili ni Caleb na maging mana niya?

II. Ibinigay ito ng Dios A. Pangako ng Dios na para sa kanya at sa kanyang lahi v9 1. Apatnapung taon pa lamang si Caleb ng ipangako ito sa kanya ng Dios v10 - pinanghawakan niya ang pangakong iyon kahit apatnaput limang taon na ang nakaraan 2. bunga ng kanyang katapatan sa Dios kawikaan 20:28a ang taong tapat ay mananagana sa pagpapala 3. katapatan ng Dios sa kanyang pangako 1. iningatan si Caleb ng Dios sa loob ng 45 na taon sa pakikipag digma at nanatili ang kanyang lakas tulad noong 40 taon pa lamang siya v11 2. tapat ang Dios na siya ay tinulungan upang ganap niyang mapalayas ang mga higante v12

- Hindi nagbabago ang Dios sa kanyang mga pangako, kahit magdaan ang maraming taon tiyak na mangyayari ang kanyang sinabi B. Dito nakalibing ang kanyang lolo at lola na si Abraham at Sarah. GEN 23:1-9 III. Handog ko ito sa Dios A. ang Hebron ang isa sa mga siyudad na ibinigay sa mga pari. Josue 21:13 B. Isa sa mga lungsod na taguan(city of refuge) Josue 20:1-7 - Si Caleb ay isang tapat na mananampalataya sa Dios na hindi inaring para sa kanya at sa kanyang mga anak lamang ang lupaing ibinigay sa kanya kung hindi ibinigay ang bahagi sa mga naglilingkod sa Dios (pari) at

Mga nanganga-ilangan ng kanlungan ( nakamatay ng hindi sinasadya ) - Ano ang mga pangako ng Dios na ating tinatamasa ?. Handa ba natin itong ibahagi sa gawain ng Dios at itulong sa mga nanganga-ilangan? K. Ang hebron ang naging sentro ng kaharian ng Juda noong si David ay nagsisimula pa lamang maging hari, naghari siya roon ng 7 taon

PANGWAKAS: 1. Ang taong sumasampalataya sa Dios at tapat na sumusunod ay pinapapala ng Dios ng mga: a. lupain b. mahabang buhay kahit dumaan sa maraming panganib k. lakas at tagumpay sa higanteng kaaway 2. Ang taong naninindigan sa mga pangako ng Dios ay hindi matitinag at hindi mawawalan ng pag-asa kahit sa matagal na panahon 3. Ang biyaya ng Dios ay mahalaga na ibigay ang bahagi sa gawain ng Dios at itulong sa mga nanganga-ilangan kaysa sarilinin lamang

You might also like