Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG TUMANGGONG AT ANG MGA UBAS Muling isinalaysay ni Boots S.A.

Pastor

Sa gubat ay maraming halaman at punong-kahoy na namumunga. Sa gubat din ay nakatira ang iba't-ibang hayop.Kabilang sa mga ito ang tumanggong. Isang umaga ay lumabas ng kanyang lungga ang tumanggong.Nagugutom siya. Sa halip na makipag-agawan sa ibang hayop sa pagkuha ng mga bunga sa gubat ay nagpasya siyang maghanap ng pagkain sa ibang lugar. Narating ng tumanggong ang gilid ng gubat.Sa malapit ay isang malawak na pataniman ng ubas. Hitik sa mga hinog at mapipintog na bunga ang mga baging na gumagapang sa hilera ng mga balag.Natakam at lalong nagutom ang tumanggong. Tumalon ang tumanggong upang abutin ang mga bunga.Ngunit sadyang mataas ang mga balag. Lumipat ang tumanggong sa kabilang balag.Mataas ang ginawa niyang pagtalon,ngunit hindi pa rin niya maabot ang mga nakabitin ng bunga. Nagpalipat-lipat ang tumanggong sa mga balag.Ngunit gaano man kataas ang kanyang pagtalon ay hindi niya talaga maabot ang mga bunga. Sa bandang huli ay sumuko rin ang tumanggong at umalis na lamang. "Naku, huwag na lang! Maasim naman yata ang mga ubas na 'yon! aniya sa sarili. ARAL NG KUWENTO "Huwag mayamot kapag naging talunan.Tanggapin ang kabiguan o pagkatalo nang maluwag sa dibdib.Huwag isiping ang mga bagay na hindi makamtan ay walang kwenta."

You might also like