Kabanata 1 Ang Suliranin at Kaligiran Nito

You might also like

You are on page 1of 7

KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.1

Panimula Ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan

(www.wikipedia.org) at sisabing ang edukasyon ay mahalaga sa bawat estudyante itoy nagdadala sa mgandang kinabukasan para sa ikakabuti ng bawat sariling buhay. Ang konsentrasyon ang isa sa mga sangkap ng pag-aaral at nararapat lamang na ipokus ng isang mag-aaral ang kanyang sarili at isipan sa iisang bagay sapagkat sa kaparaanang ito ay matitiyak na maibibigay ang isangdaang porsiyento (100%) ng galing sa pag-aaral. Sa kabilang banda ang trabaho ay isang tungkulin na dapat bigyan ng pokus sapagkat ito ang magdadala ng tagumpay.

Ang dalawang bagay na ito ay labis na magkaiba ngunit parehong nagdadala sa tagumpay na landas, ang pag-aaral at trabaho ay gawain at tungkulin na dapat gampanan ng mga taing napapaloob sa bawat larangang ito. Ngunit paano kaya kung pagsasabayin ang dalawang tungkulin na ito? Ang working students ay mga mag-aaral na nagtatrabaho para matustusan ang kanilang pag-aaral, matulungan ang sarili at nagpapakahirap para makapagtapos at makatulong sa mga magulang. Masasabing 55% ang katayuan sa buhay ng nagtatrabahong mga kabataan na ang magulang ay may propesyonal na trabaho. Pero tumataas ito hanggang 61% sa mga kabataang ang magulang ay naghahanap buhay sa pamamagitan ng manual labor (Smith, 2006).
1

Lahat naman tayo ay may mga pangarap sa buhay na gusto nating matupad at iyon marahil ang isa sa milyong-milyong kadahilanan kung bakit may mga estudyante na mas pinili ang maging working students at magtrabaho sa mga fastfood center at maging service crew, kaysa huminto na ng tuluyan sa pag-aaral.

Ang buhay kolehiyo ay puni ng hamon. Ang pangunahing problema ng mga magaaral ay paghahati ng oras sa kanilang Gawain. Kung ang normal na estudyante ay nakakaranas nito, paano pa kaya ang mga working students? Lubos na napakahirap na talagang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, napakahalaga ng paghahati-hati ng oras para sa mga manggagawang mag-aaral ang 24 oras ay tiyak na hindi sasapat sa pag-aaral, pagtatrabaho at pagtulong nito. Kailangan ng sapat na kaisipan sa paghahati-hati ng oras, kung minsan ay kailangan ang makiusap sa mga professor at secretary ng office para maayos lamang ang iskedyol.

1.2 Paglalahad ng suliranin

Ang mga sumusunod na tanong ay sisikaping tugunin ng pananaliksik na ito:

1. Ilan ang porsyento ng kababaihan at kalalakihang working students sa Our

Lady of Fatima University (Valenzuela Campus). 2. Anu-ano ang sanhi/dahilan ng pagsasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho.
3. Paano napamamahalaan/nahahati ng isang working students ang kayang

oras? A. Pag-aaral B. Trabaho C. Sarili

1.3 Layuninng pag-aaral

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na matalakay ang buhay ng mga working students ng Our Lady of Fatima University (Valenzuela Campus). Mga tiyak na layunin

1. Matukoy ang tiyak na porsiyento ng kasarian ng mas nakararaming working

students ng Our Lady of Fatima University (Valenzuela Campus).


2. Maisa-isa ang mga sanhi/dahilan kung bakit pinagsasabay ng ilang working

students ang pag-aaral at trabaho.


3. Matalakay kung paano nagagawang pamahalaan/mahati ng isang working

students ang kanyang oras, at panahon pagdating sa pag-aaral, trabaho, pamilya, at higit sa lahat sa kanyang sarili.

1.4

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay labis na mahalaga sa mga sumusunod: Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga working students sapagkat nailalahad sa

pag-aaral na ito ang mga saloobin tungkol sa kalagayan sa buhay at kung papanong nagagawang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Makatutulong sa mga estudyanteng hindi nagtatrabaho at pinag-aaral lamang ng magulang, sa pamamagitan ang mga datos na nakalap ay mabibigyan kaalaman tungkol sa buhay ng mga working students at ng sa gayon ay makita ang malaking kaibahan nito sa kalagayan sa buhay. Makakatulong din ito sa mga administrador at may-ari ng paaralan dahil sa pamamagitan ng mga datos o impormasyongaming nakalap ay mas higit na maunawaan o maiintindihan ang mga kalagayan ang mga working students na nagaaral sa unibersidad.

1.5

Batayang Konseptwal Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-aaral sa buhay ng mga

working students ng Our Lady of Fatima University (Valenzuela Campus). Sa kasalukuyan ang mga working students ay padami ng padami sa ating lipunan. Ayon sa artikulong Child labor work, child play ng pahayagang Sun Star Dumaguete, ang kalimitang dahilan ng pagtatrabaho ng mga bata ay ang kakulangan sa suporta mula sa ating ekonomiya. Ang mga magulang na walang trabaho ay umaasa sa kanilanng mga anak upang makaahon ang kanilang pamilya mula sa kahirapan. Ang mga bata ang nagbibigay ang mga pangunahing pangangailangan nng kanilang pamilya. Ang pagsasabay ng trabaho at pag-aaral ng isang estudyante ay nagdudulot ng ibat-ibang kadahilanan: (1) makatulong sa gastusin ng pamilya (2) makapag-ipon para sa

kinabukasan (3) at makapagtapos ng pag-aaral. Ayon sa sarbey ng U.S Department of Education, 2/3 ng mga twelfth graders o (4th year high school dito sa Pilipinas) ang nagtatrabaho dahil kagustuhan lamang magkaroon ng karagdagang pera para sa sarili. Ayon sa akdang The ambitious Generation nina Barbara Schneider at David Stevenson, mas mahilig na ang mga kabataang amerikano sa pagtatrabaho kaysa pag-aaral. Nakasanayan na nilang nagtatrabaho na ng high school pa lamang dahil sa kulturang amerikano na naniniwala na ang trabaho ay isa sa mga pangunahing bahagi ng pagkatao at pagpapahalaga sa abilidad. Masasabing ang pagiging working students ay isang mahirap na sitwasyon para sa isang tao dahil ang kalusugan ay nanganganib. Dahil ditto maaaring maapektuhan ang pag-aaral at pati na rin ang trabaho. Maaaring mahirapan ang isang estudyante sa pag-aaral dahil sa pagod ng
5

katawan na nanaranasan at may posibilidad din na bumaba ang work production sa trabaho nito dahil sa mga sakit na nararanasan. Nagkaroon ng pagdidiskrimasyon sa mga working students sa ating lipunan na nadudulot kung bakit ang ilan sa kanila ay itinatago ang pagiging working students. Sa ibang pananaw ang pagiging working students ay isang paghahanda para sa kinabukasan sina sabing higit na malawak ang pag-iisip ng isang taong maagang namulat sa paghahanap-buhay at mas hagit na nagiging mas responsible sa pagharap sa kanyang resposibilidad.

1.6 Saklaw ng Limitasyon ng Pag-aaral

Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa pagtalakay ng mga kalagayan ng mga working students ng Our Lady of Fatima University (Valenzuela Campus).

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante ng Our Lady of Fatima University (Valenzuela Campus),Bachelor Of Science in Nursing na nasa ikalawang antas ng kolehiyo.

Gumamit ang mga mananaliksik ng mga aklat na maaaring magbigay ng karagdagang impormasyon, at mga datos na nagmula sa internet upang lalo pang mapalawak at madagdagan ang mga datos na nakalakap sa pag-aaral.

1.7

Definisyon ng mga Terminolohiyang Ginagamit Ang sumusunod na termino ay pakahulugan para sa kanilang madaling unawa:

WORKING STUDENTS- Ang mga estudyante na kung saan ay nagtatragbaho sa kaniyang bakanteng oras upang kumita ng ekstrang pera upang suportahan ang kaniyang pag-aaral at iba pang pangangailangan. SERVICE CREW- Ito ay terminong ginagamit upang makilala ang isang tao sa kaniyang uri ng trabaho sa isang tanggapan sa fastfood center at iba pang restaurants. FASTFOOD CENTER- Ibat-ibang institusyon na nag-aalok ng malawak at iba-ibang paghahanda ng pagkain para sa snacks, at pagpapapresko katulad ng Jollibee, Mcdonalds at iba pa. KATAYUAN- Posisyon sa buhay. KONSENTRASYON- Pagtutuon ng interes o atensyon sa iisang bagay.

You might also like