Chap 2

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Aquino, Angelo Jose Buan, Jerlan Joshua Guinto, Gladys Emarie Mauleon, Leonard Miclat, Marc Jeffrey G.

Joselito D. delos Reyes

2-14 Pebrero 21, 2012

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ayon kina Theiss, Yen at Ku sa kanilang artikulong pinamagatang Global Positioning Systems: an analysis of applications, current development and future implementations, ang komersyal na sector ay patuloy na naghahanap ng mga bagong paraan upang maging mas mabisa at epektibo ang kanilang pagnenegosyo. Tinalakay dito ang mga mananaliksik na laging abala sa paghahanap ng makabagong teknolohiya na makapagpapabilis ng takbo ng industriya. Nabanggit din dito na sa nalalapit na hinaharap, makikilala na ang GPS o Global Positioning System bilang isang makabagong teknolohiya na makatutulong sa pagasenso ng mga kumpanya. Kasalukuyang ginagamit ng mga kumpanya ang GPS upang mapabuti ang at mapahusay nila ang serbisyo sa kanilang mga parokyano. Tinalakay din dito ang potensyal ng GPS na baguhin ang paraan ng mga kumpanya makipagnegosyo. Sa artikulong ito ipinakilala ang teknolohiya ng GPS at tinalakay din ang kasaysayan, aplikasyon, kahalagahan at ang hinaharap ng GPS.

Pahina 1 ng 5

Ayon naman kina Taylor, Woolley at Zito sa kanilang artikulong Integration of the global positioning system and geographical information systems for traffic congestion studies, ang sistema ng transportasyon ay nakabuo ng isang paraan, sa tulong ng GPS, na makapagmomonitor ng trapik para maiwasan ang trapiko. Nabanggit dito na hindi lamang mamomonitor ang trapiko kung hindi pati na rin ang posisyon, bilis, layo ng linakbay, konsumo sa gasolina at ang polusyon sa ere.Tinalakay rin dito kung papaano nakakakalap ng datos ang GPS upang makita ang mga lugar na masikip sa trapiko. Tumutuloy ito sa isang pagsusuri upang makapagbigay ng alternatibong daan na maluwag sa trapiko. Dito ay naipakita lamang ang isang kapakipakinabang na gamit ng GPS na pag-iwas sa trapiko.

Ayon kay Shaw sa kanyang artikulong Modernization of the Global Positioning System, marami pang pagbabago ang magagawa ng GPS. Nabanggit din dito ang mga layunin, pangangailangan at mga plano para sa pagpapabago ng GPS. Ilan sa mga ito ay ang layuning pang-sibil at pang-militar. Sinasabi dito na marami pang magiging pagbabago sa sistema ng GPS at mas lalawak pa ang saklaw nito. Ito ay patunay lamang na ang kinabukasan ng GPS ay magiging makabuluhan.

Ayon kina Jahn, Mohring, Schulz at Styier-Moses sa kanilang artikulong SystemOptimal Routing of Traffic Flows with User Constraints in Networks with Congestion, ang sistema ng paggagabay ay may kakaharaping suliranin. Ang pagbibgay ng alternatibong ruta na marahil ay nakapagpapatagal pa ng biyahe. Layunin ng pag-aaral na ito na malutas ang suliraning iyon upang maging mas kapakipakinabang ang
Pahina 2 ng 5

paggamit ng GPS. Ang pokus ng pag-aaral ay mapahusay pa ng maigi ang paggamit ng GPS. Nabanggit din dito ang kinabukasan ng GPS sa larangan ng trapiko na ang mabawasan ang trapiko sa gamit ng teknolihiya ng GPS.

Ayon sa isang artikulo na mababasa sa website na ito (www.cs.cmu.edu), ang mga sinaunang marino ay bumatay sa mga anggular na sukat at sa mga celestial bodies na tulad ng araw at mga bituin upang eksaktong makalkula ang kanilang aktwal na lokasyon. Naipakilala naman noong 1920s ang panibagong pamamaraan na tinatawag na radionavigation na gumagamit ng mga radyo upang malaman ng mga manlalayag ang direksyon ng mga transmiter na nakalagay sa baybayin. Hindi nagtagal ay nadebelop ang mga artificial satellites na nagbigay posibilidad sa mas tiyak na na transmisyon ng mga radionavigation signals na nagbukas sa panibagong panahon ng navigation technology. Ang mga satellites ay unang ginamit para sa paghahanap ng aktwal na posisyon sa dalawang dimensyon lamang. Ito ang naging pundasyon na magpapabago ng lubusan sa paglalayag.

Ayon naman sa artikulo na mababasa sa website na ito (www.gps.gov), ang Global Positioning System o mas kilala sa tawag na GPS ay isang space-based navigation system na pinamamahalaan ng U.S. Air Force na binubuo ng konstelasyon ng 24 na satellites na ginagamit sa buong mundo.

Sa halagang hindi hihigit sa isang daang dolyar ay magkakaroon na ang mga tao ng GPS receiver na makapagbibigay ng latitude, longitude at altitude nila o sa madaling
Pahina 3 ng 5

salita ay ang eksaktong lokasyon ng mga tao sa mundo. Ang teknolohiyang ito ay naging posible dahil sa kombinasyon ng mga pag-unlad sa larangan ng inhineriya at agham. Ang artikulong ito ay mababasa sa website na ito (www.beyonddiscovery.org)

Ayon kay Edwards at Rogers na sumulat ng librong An Introduction to Wireles Technology, sa loob ng anim na taon, ginagamit ang sistema ng GPS sa Morenci Copper Mine sa Arizona. Ginagamit nila ang GPS hindi lamang sa pagsasarbey at pagbabantay ng posisyon ng mga heavy equipment, kundi sa pagkontrol sa mga electric drills para sa tamang sukat ng lalim ng mga butas sa mga minahan. Ginagamit din ito upang mahanap ang mga nawawalang gamit, makontrol ang mga behikulo, at para rin gumawa ng mga disenyo sa paggawa ng mga kalsada.

Ayon kay Hagen, na sumulat ng librong Radio-Frequency Electronics, binigyang halaga nito ang pagtukoy sa mga satellites na may kakayanang mag-padala ng mga signals na kailangang gamitin ng mga bagay na may GPS. Dahil dito, nagagamit na ng mga barko o mga sasakyang pandagat ang GPS para malaman ang direksyon patungo sa kanilang pupuntahan.

Ayon naman kay Bullock, sa kanyang librong Transceiver and System Design for Digital Communication 3rd Edition, ginawa ang GPS para sa military purposes lamang. Ngunit, sa paglipas ng panahon, binagay ang paggamit ng mga GPS signals sa komersyo. Mas binibigyang pansin ng industriya ang paggamit nito bilang makabagong pamamaraan na makapagbigay ng tamang sukat ng lokasyon at binibigyan din nito ng karapatan ang
Pahina 4 ng 5

mga tao na gamitin ang GPS para sa kanilang pansariling interes. Naglayong mapabuti at mai-angat ng GPS ang bawat integridad para sa mga taong gumagamit nito.

Ayon kay Brooks at Kearey na sumulat ng librong An Introduction to Geophysical Exploration 2nd Edition, nagagamit ang GPS sa pagbibigay sa gumagamit ng tamang sukat at lalim ng mga lupa na kanilang isinasailalim sa sarbeying ng mga geodetic engineers. Maari nitong ibigay kahit ang mga pinakamaliliit na detalye gamit ang mga signals na naipapadala ng mga satellites.

Ayon naman kay Kavanagh, sa kanyang libro na Geomatics, ang mga GPS Satellites na produkto ng Rockwell International, na may bigat na 1, 900 pounds, haba na 17 talampakan at umiikot sa mundo sa loob ng 11 oras at 58 minuto. Mayroong 24 na satellites ang bumubuo sa isang satellite constellation at kailangan ng apat o higit pa para makapagbigay ng tamang sukat. Mayroon din dalawamput apat na satellites ang Russia na tinawag na GLONASS. Sa ngayon, ang mga tumatanggap ng signal o receivers ay may kakayahang mailagay sa proseso ang mga signals na ibinibigay ng mga satellites na ito. May kabutihan ding naidudulot ang pagkakaroon ng maraming satellite; una, nagkakaroon ng maliit na oras at mas napapadali ang paghahanap ng mga lokasyon sa ibat-ibang lugar. At pangalawa, dahil sa marami ang satellites sa mundo, maliit ang tsansa na magkaroon ng interapsyon sa pagpapadala ng mga datos na kinakailangan ng GPS.

Pahina 5 ng 5

You might also like