Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang tao ay pinagkalooban ng likas na biyaya ng kagandahang asal, na siyang nagsisilbing gabay sa kanila sa paglipas ng panahon at nagbibigay linaw

sa kanila kung ano ang tama at mali at ang mabuti at masama. Bagamat ang pamantayan kung papaano natin sasabihin na ang isang katangian ay mabuti o masama ay magkakaiba sa bawat tao, subalit may pangkalahatang pagkakaunawaan hinggil sa mga pamantayan ng mabuting asal at ang masamang asal. Samakatuwid, ang mga katangian tulad ng katapangan at katapatan ay sadyang pinaparangalan. At walang panahon sa kasaysayan ng tao na ang mga katangian tulad ng kawalan ng katapatan at paglabag sa pagtitiwala ay tinanggap ng lipunan o bagay na karapat-dapat ng parangal. Ang katapatan, kadakilaan, at pagkamatuwid ay laging binibigyan ng halaga, samantalang ang pagkamasarili, kalupitan, kasakiman at kalabisan ay kailanman hindi tinatanggap ng mamamayan sa pangkalahatan. Ang katatagan, pagpupunyagi at lakas ng loob ay mga katangiang labis na hinahangaan at iginagalang ng tao, samantalang ang kawalan ng pagtitiis, kawalan ng katiyakan at kahinaan ay binibigyan ng maliit na kahalagahan. Karangalan, disiplina sa sarili, kabaitan at pagkamapagkaibigan ay sadyang tinitingalang katangian hindi tulad ng pagmamataas sa sarili, kayabangan at kawalan ng galang ay kailanman hindi kabilang sa mga kagandahang asal. Ang taong may kusang pagmamalasakit at katapatan sa kanyang tungkulin ay tinitingala at iginagalang habang ang taong tamad at pabaya maging sa kanyang tungkulin ay hindi pinapansin at kinamumuhian sa lipunan. Magkaganoon, ang isang lipunan na matatag at masugid na itinataguyod ang pagkapantaypantay, hustisya at kalayaan ay maaring sikatan ng liwanag. Ang lipunan na laganap ang kaapihan, kaguluhan, pagkawatak-watak at ang kawalan ng samahan o pagkakaisa ay patungo sa landas ng pagbagsak, sapagkat pinabayaan nilang mabulok sa haba ng panahon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga nakakasamang patakaran o pamamalakad na siyang nagwasak sa mga pangunahing batayan kung saan ito naitatag. Ang pagnanakaw, pangungupit, panlilinlang, pagpatay (ng walang dahilan), pangangalunya, at pandaraya o panlinlang ay sadyang kinamumuhian. Ang paninirang-puri, pananakot at pagsuhol ay mga gawaing nakakasama sa lipunan. Kabaligtaran nito ang pag-aaruga sa mga matatanda, tapat na pakikipagkaibigan, pagtulong sa mga kamag-anakan, pagmamalasakit sa kapit-bahay, pagtatanggol sa mga mahina at naapi at ang pangangalaga sa mga may sakit ay mga dakilang gawain mula pa noong simula ng kabihasnan. Ang kabutihang-asal at pag-uugali ay ang mga batayan sa kabihasnan ng mga lipunan. Ito ang nagpapatunay sa kanilang karangalan sapagkat ang lipunang walang anumang kagandahang-asal at mabuting pag-uugali: sa pagitan ng matanda at ng bata, ng pantas at ng mag-aaral, ng amo (pinuno) at ng tagasunod ay isang lipunang walang kaunlaran kahit na maraming mga may pinag-aralang mamamayan sapagkat ang karunungang walang kabutihang-asal at mabuting pag-uugali ay salat ang batayan! Ni Abul 'Ala Al-Mawdu

Pagtitiwala sa Panginoon
Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid din nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili.

Pagiging Magalang
Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang. Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda. Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.

Pagtutulungan
Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito. nagtutulungan din ang baway isa sa magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay likas na katangian ng isang Pilipino. Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan. Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar.

Pagsama-sama ng Pamilya
Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasamasama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-asawang anak kapag ito'y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang mag-anak tuwing may "family reunion" kung Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino. Inaalagaan at minamahal ng bawat miyembro ng mag-anak ang matandang kasapi nito. Tungkulin ng bawat Pilipino na magsilbi sa kanyang matatandang magulang, mga lolo't lola, at kamag-anak hanggang sila'y nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng magandang pagtingin sa matatanda.

Mga Dahilan kung Bakit Nagbabago Ang Kagandahang Asal ng Isang Estudyante. Impluwensya ng Barkada o Samahan

Ang impluwensya ng barkada o samahan ay nakaka-apekto sa ugali ng isang tao. Masasabi nating sila ay ating nga kaibigan ngunit ano nga ba ang naidudulot nito sa ating kapaligiran? May mga samahan na nakakapagpabago sa ating mga ugali sa mabuting paraan man ito o sa masama.Sabi nga nila makikita ang ugali mo sa iyong barkada o samahan . Sa kagustuhang maging isa sa barkada, tayo ay nakakagawa ng mga hindi kanais-nais na Gawain, na taliwas sa ating kalooban. Nagagawa lamang ito para hindi mapahiya at itakwil ng ating barkada. Maraming paraan ang ginagawa ng kabarkada upang tayo ay hikayatin gawin ang mga gawaing taliwas sa ating kalooban. Tulad na lamang ang pagsasabi ng "cge na pre isang bote lang naman e!", o kaya naman "ano ba yan wala ka namang pakikisama pre e isang hit lang ayaw mo pa!?". meron ding mga indirect na paraan na ginagamit ang ating kabarkada upang tayo ay hikayatin sa maling landas. Tulad na lamang sa pagyaya na pumunta sa isang party upang kumain lamang ngunit, sa pagdating sa party mayroong nakahandang mga bawal na inumin gaya ng alak, beer, at iba pa. Kapag mahina ang loob ng tao, madali silang maimpluensyahan ng kabarkada. Sila ay laging naghahanap ng modelo na kanilang susundin, at ang iba ay susunod na lamang sa kanilang modelo. Ginagawa nila ito upang sila ay makisama at matanggap ng kanilang kabarkada. Kasama sa ating human nature ang kaugalian ng panghihimok ng ating barkada. Karamihan sa atin ay madaling mahulog sa temptation. Ngunit, mayroon din namang mga tao na mas gugustuhin pang gawin ang tama kaysa magpauto sa kanilang kabarkada.

Problema sa Pamilya Karamihan sa mga rebeldeng kabataan ngayon ay bunga ng nawasak na pamilya. Sinasabi na ang pamilya ang dapat gumagabay sa mga kabataan lalong-lalo na ang mga magulang. Ngunit paano na lamang ang mga batang hindi kapiling ang mga magulang? Madalas sa mga ito ay gumagawa ng mga bagay upang sila ay mapansin ng kanilang mga magulang. Minsan naman ay sinisisi ng mga ito ang mga magulang nila sa kanilang mga kamalian. Sinasabi nila na wala naming pakialam ang mga magulang nila kaya nila iyon ginawa. Ang iba naman ay gumagawa ng masasamang bagay dahil masama ang loob nila sa kanilang mga magulang. Masama ang loob nila dahil hindi sila sang ayon sa paghihiwalay ng kanilang mga magulang kaya sila nagrerebelde.

Mga Bisyo na Natutunan.

Maraming dahilan kung bakit nalululong ang mga kabataan sa masamang bisyo. At ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan. Dahil sa hirap ng buhay, walang trabaho, walang pagkakakitaan, hindi makapag-aral at walang pagkakaabalahan matututo silang gumamit ng droga para pansamantalang makalimutan ang kanilang mga problema. Maaari din nila itong gamiting pampalakas ng loob para gumawa ng krimen o panandaliang pagkakakitaan tulad ng panghoholdap at pagnanakaw. Nandyan din ang kawalan ng suporta mula sa pamilya. Kulang sila sa atensyon, pag-aalaga at pagmamahal mula sa magulang at sa lipunan. At hahanapin nila ito sa paggamit ng droga para takasan ang sakit ng kalooban. Isa ring dahilan ay ang pagsama sa maling barkada o itinuturing na mga kaibigan. Sila ang naglulugmok sa mga walang muwang na mga kabataan. Kaya marapat lamang na kilalaning mabuti at piliin ang mga taong sinasamahan at kinakaibigan. Paggabay ng magulang at lipunan ay mahalagang kailangan ng bawat kabataan.
Mga bisyo ay isa sa mga dahilan kung saan nakakapagpabago sa ating ugali.Gaano nga ba ito nkakaepekto sa ating ugali?Ito ay nakakapagpabago ng ugali ng isang tao na kung minsan ay nakakasama sa iyong kapwa.Maraming bisyo ang pinapasukan ng mga kabataan ngayon tuld ng: sigarilyo, alak, pagsasapi sa mga gang o di kaya fraternity, pag susugal, kumpyuter, paglalakwatsa kahit di pinapayagan ng mga magulang at iba pa.

You might also like