Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay - Aralin sa Musika (Unang Markahan) Aralin I Ritmo o o

I - :Layunin Nadarama ang pulso ng tunog sa naririnig at hindi naririnig. Nagagamit ang anumang kilos ng katawan sa pagdama ng pulso ng tunog na naririnig at hindi naririnig o Natutukoy ang pulso ng tunog sa anumang kilos ng katawan II Paksang Aralin RITMO o 1. Kasanayan a. Pagdama sa pulso ng tunog na naririnig at hindi naririnig b. Paggamit ng anumang kilos ng katawan sa pagdama ng pulso ng tunog na naririnig at hindi naririrnig o o c. Pagtukoy sa pulso ng tunog sa anumang kilos ng katawan. 2. Lunsarang Awit: 2 Rain, Rain Go Away 4 Key of G, Do 3. Sanggunian: BEC/PELC 1,1.1 Manwal ng guro: Umawit at Gumuhit 3, pah. 8-9 Batayang aklat: Umawit at Gumuhit 3, pah. 6-8 o 4. Kagamitan: Pitch pipe CD Player / CD Tape Tsart ng Lunsarang Awit Larawan ng mga bagay na nagbibigay tunog o 5. Values Integration Pag-iwas sa droga III Pamamaraan o A. Panimulang Gawain: 1. Panimulang Awit (Awit na natutunan sa ikatlong baitang) 2. Balik-Aral: - Pag-usapan ang mga sumusunod na tunog at kilos a. Huni ng ibon b. Halimbawa ng mga gumagalaw na bagay - Hayaang ulit-ulitin ng mga bata ang mga kilos 3. Pagganyak: a. Pagpapakita ng mga larawan ng mga bagay na nagbibigay tunog b. Damahin ang tibok n gating puso at ulitin ang tunog na naririnig. Ano ba ang napansin ninyo sa tunog na narinig niyo?

c. Tumayo at magmartsa sa inyong kinatatayuan Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan - Pansinin ang regular na bagsak ng inyong paa

B. Panlinang na Gawain: 1. Paglalahad ng Gawain: - Bigkasin ang sumusunod na tugma Sabihin kay kuya, Drugs ay iwasan Taong masasama, Huwag pamarisan - Sabayan ang pagmamartsa ang pagbigkas ng tugma. - Ano ang napansin ninyo habang isinasagawa ang kilos? 2. Pagtalakay sa Aralin: a. Muling isagawa ang pagmamartsa. - Sabayan ng palakpak ang bagsak ng paa. - Damahin ang pulso sa pamamagitan ng pagkilos. - Pumalakpak ayon sa pulso. - Ganyan ang pulso ng isang awit b. Pagpaparinig sa Lunsarang Awit Rain, Rain Go Away - Gamitin ang anumang kilos ng katawan sa pagdama ng pulso ng tunog nanririnig. - Tukuyin ang pulso ng tunog naririnig - Awitin ang lunsarang awit at gumawa ng kilos. Rain, Rain Go Away Singing Game Rain, Rain Go-a-way, come a-gain an-other day Rain, Rain Go-a-way, lit-tle child-ren want to play c. Pagsasanay:: - Pagpangkat sa mga bata. - Umisip ng mga bagay na nagbibigay ng tunog at damahin ang pulso nito. - Ipakita sa kamag-aral ang nadamang pulso ng tunog

d. Pagbibigay ng puna at marka sa pangkat na nakapagsagawa ng Gawain e. Pangwakas na Gawain: - Awiting muli ang awiting Rain, Rain Go Away

IV Pagpapahalaga: Gamitan ng mga kilos at damahin ang pulso ng tunog na narinig at di-narinig sa mga sumusunod o 1. Tik-tak ng orasan 2. Tahol ng Aso 3. Iyak ng sanggol 4. Tunog ng telepono 5. Tunog ng Kampana

V Takdang-Aralin: Umisip ng mga kilos at gamitin ito sa pagdama ng pulso ng tunog na naririnig.

You might also like