Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BIAZON IS THE MAN!

MAY kasabihan tayong Pinoy: Binabato ang punong mangga kasi ay maraming masasarap at matatamis na bunga. Isa pa: Hindi maluwang ang daan patungo sa kabutihan; masikip ito kaya kakaunti ang gusto dito na dumaan. Angkop at tugma pa Commissioner Ruffy Biazon ang dalawang kasabihang ito. Noong nagsisimula siya na repormahin ang BoC, ano ang sinasabi ng iba: A, hindi makakaya ni Biazon, dahil ang dami nang gumawa ng nais niyang reporma, wala namang pagbabago. Tama: kung ang isang pinuno ay walang buto, o sa deretsang salita ay parang ahas tulog walang kamandag ang mga pangil. Sa salitang kanto: may bayag si Biazon. Sa English: Political will. **** Ang nasimulan ng sinundan niya na pawang magaganda naman ay ipinagpapatuloy ni Biazon, at kung may nakikitang dapat na baguhin, hindi nagdadalawang isip, ginagawa niya. Tama ang pagkapili ng Pangulo kay Ruffy: Biazon is the man! The man for the job of house cleaning. Pinalalakas pa niya ngayon ang kampanya laban sa ismagling. Pinakikilos niya ang mga opisyal na linisin ang kani-kanilang opisina. Binubuwag niya at marami na ang nabuwag na sindikato ng kailegalan sa BoC, at isa rito ang pagkabuwag sa isang sindikato ng mga pekeng kawani kuno ng Customs. Noon pa namin ito isinusulat: nagkalat ang mga hao shiao sa BoC. Mga akala mo tunay na empleyado pero mga "runner" o "assets" ng mga opisyal para sila ang gumawa ng "dirty jobs" sa paghingi ng tara, at pagpapatong sa mga inilalabas na ilegal na kargamento.

Pinalalakas ni Biazon ang X-Ray project dahil napakabisa nito laban sa mga ismagler. Pinalalakas niya ang legal division para sa pag-uusig sa mga ismagler at tiwali sa BoC, at ang palagiang ugnayan sa Department of Justice, sa Department of Agriculture at sa Department of Finance upang ang mga butas sa batas sa taripa at pagbubuwis sa Customs ay malunasan. Lantad na pamamahala, kaya ang patakaran ni Biazon, ay ito: isama ang mga nagrereklamo laban sa ismagling na pagmomonitor, pagsusuri at sa evaluation ng mga kargamento pagkat ang paniniwala ng komisyoner, mas alam ng mga experto sa kargamentong bakal, semento, electronics at maging sa agricultural products ang kalidad at dapat na maging batayan ng tamang valuation at declaration ng mga iniimport. Ito ay pagpapakita ni Biazon na wala silang nais itago. Transparency in transaction sa Customs. **** Bukod sa mga pekeng kawani na isang Nilo Penaflor na nahuling may ID pa ng BoC, ipinalilinis na rin ni Biazon ang listahan ng accredited importer and broker. Modus kasi ng mga ismagler na gumamit ng mga pekeng kompanya sa pagpapalusot sa mga kontrabando. Peke o hao shiao na empleyado, pekeng importer at broker na natuklasang ang operasyon ay gumagana sa loob ng mahigit nang 20 taon. Kung may kasong naisampa na laban sa mga ismagler, sinisigurado nila na air tight ang kaso, at tungkol kay Penaflor, nakagulat nga kay Biazon na matuklasan na isa isang mezzanine sa OCOM building ito nagsasagawa ng operasyon para tulungan ang mga smuggler. Kilala na ni Biazon ang mga kasabwat ni Penaflor at aniya, sa mga susunod na mga araw, ibubulatlat niya sa publiko ang mga kasabwat ng mga ismagler na ngayon ay nagpapainit ng pwet at maasim na kili-kili ng mga walanghiya. ****

Aminado si Biazon na siya at ang kapartner na si Deputy Commissiner Danilo Lim at iba ang bagong appointed na depcom na ang paglilinis sa BoC "is a tough job and a very difficult fight." Aniya pa: "Customs problems are severe and deeply rooted." Nakabaon na sabi nga sa bumbunan tagos sa talampakan. Sagad sa buto, sabi nga. Sa kabila ng magagandang trabaho nila, maraming batikos ang inaabot ni Biazon at mga kasama, mula sa mga politiko na maliwanag namang may pinoproteksiyonan sa loob ng Aduana. Siyempre, apektado ang mga ismagler na may bilyon-bilyong salapi at ito ang ginagastos para pondohan ang malalawak na smear campaign at character assassination sa kanya. "Its a part of the territory," sabi nga ni DepCom Lim. Dating military general si Lim at alam na alam niya ang gawi ng mga sindikato ng krimen, kaya handa sila, sabi niya na tapatan ng malinis na intensiyon at matapat na paggawa ang lahat ng paninira. Hindi sila paaapekto, sabi ni Biazon sa mga inggit at intriga. **** Nakararating sa Pangulo ang paninira sa kanya, sabi ni Biazon at kapag nagkakausap sila ni Aquino ay itinatanong niya ito: Buo pa ba ang tiwala nito sa kanyang trabaho at sa kanyang mga kasama? Walang pingas, sabi nga, at kristal na kristal ang pagtitiwala sa kanya ni PNoy kaya naman daw tinatapatan niya ito ng buong katapatan at pagsisikap na patunayang siya nga at ang mga kasama ay kaagapay at kabalikat sa Matuwid na Daan. **** Aminado si Biazon na malaki pa ang kulang sa kanilang collection target. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Sa tulong ng REACT, ng RATS, ICARE at iba pang special unit ng BoC, makukuha nila ang bilyon-bilyong pisong target ngayong 2012.

At kami rito sa Manila SUN ay dumadalangin: Patnubayan po ng Dakilang Amang Diyos at ng Panginoong Jesu Cristo ang matitinong tao sa BoC. At ang dalangin din namin, ang mga pasaway ay magbago at nang gumaan ang gawain nina Biazon and Company.

You might also like