Cervical Cancer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Cervical Cancer

Ano nga ba ang Cervical cancer? Ang cervical cancer ay isang uri ng kanser na nabubuo sa panloob na sapin o balot ng sipitsipitan (cervix) ng mga kababaihan. Ang sipit-sipitan ay ang sugpungan ng loob na bahagi ng ari ng babae (vagina) at ng matris o bahay-bata (uterus) nito. Hindi gaya ng ibang uri ng kanser, mabagal ang pag-unlad ng kanser sa sipit-sipitan at umaabot ng ilang taon. Ang kanser na ito ang tinatayang pangalawa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga kababaihan sa Pilipinas.

Ano ang mga sintomas ng kanser na ito?

Nagsisimula ito sa pagkakaroon ng precancerous na pagbabago sa mga selyulo o cells sa sipit-sipitan na sanhi ng Human Papillomavirus o HPV. Ito ay isang pangkaraniwang uri ng virus na tumatama sa kapwa babae at lalake, at ang ilang uri nito ay hindi naman nagpoprogreso sa kanser. Tanging ang HPV 18 at HPV 19 ang strain na napatunayang maaaring humantong sa kanser. Mahirap matuklasan ang karamdamang ito sapagkat ang mga sintomas nito ay katulad ng iba pang mga karamdaman. Kalimitan pa nga ay halos walang sintomas na makikita sa taong nagtataglay ng kanser sa sipit-sipitan. Kung sakaling may mga sintomas, lilitaw lamang ang mga ito sa oras na ang kanser na ito'y nasa mas mataas na bahagdan na ng pag-unlad.

Di karaniwang pagdurugo ng ari. May mga pagdudurugong nagaganap kada-buwan na


maaaring matindi o kaunti lamang. Ito ay kadalasan sa pagitan ng buwanang dalaw.

Maramihang paglalabas ng likido sa ari. Nagiging di pangkaraniwan din ang paglalabas ng


likido ng ari ng taong may cervical cancer. Kadalasang ang likido ay may di kaaya-ayang amoy, malabnaw o di kaya'y malapot na parang may kasamang sipon. Pananakit ng balakang. Isa pang sintomas ay ang pananakit ng mga buto sa balakang. Karaniwan ng sumasakit ang balakang ng babae tuwing sila ay may buwanang dalaw, ngunit ang taong may kanser ay maaaring makaramdam nito kahit na wala silang regla.

Nag-iiba ang tindi ng sakit sa bawat babae, may madaling maibsan, samantalang may iba naman na tumatagal ng ilang oras ang nararamdamang kirot. Masakit na pag-ihi. Kagaya ng mga may sakit sa bato (kidney), maaari ring sumakit ang pantog (urinary bladder) ng taong may ganitong uri ng kanser. Mararamdaman lamang ito kapag ang kanser ay kumalat na sa pantog. Pabugso-bugsong pagdurugo. Ang taong may ganitong karamdaman ay maaari ring makaranas ng mga di pangkaraniwang pagdurugo sa pagitan ng buwanang dalaw, pagkatapos ng pagtatalik, o matapos ng pagsusuri ng sipit-sipitan. Nangyayari ito sapagkat nagiging sensitibo at makati ang sipit-sipitan pag ito ay natatamaan.

Ano-ano ang mga pang iwas at medikasyon? Ang cervical cancer ang maituturing na isa sa mga uri ng kanser na maaaring maagapan, o di kaya'y maiwasan.

Dalasan ang pag-Pap smear. Ang Pap smear ay masasabing isa sa pinaka-epektibong

depensa laban sa kanser sa sipit-sipitan. Ito ay isang gynecological exam na ginagawa upang matuklasan kung may pagbabago sa pag-unlad ng selyulo sa cervix. Ang pasyente ay papahigain at ikakawit ang paa sa estribo upang maiposisyon ang balakang nito. Gamit ang speculum na ipinapasok sa ari ng babae ay bahagyang naibubuka ito upang magkaroon ng maluwag na daanan sa loob nito. Ang loob ng ari ay dahan-dahang kakayurin gamit ang wooden o plastic spatula at maliit na brush upang makakuha ng ilang cell sample. Ang nakuhang selyulo naman ang siyang gagamitin upang suriin. Ayon sa pag-aaral, sa tulong ng Pap smear ay nababawasan ang dami ng mga taong nagkakaroon ng cervical cancer.

Bawasan ang dami ng nakakatalik. Batay sa pag-aaral, tumataas ang tyansa na magkaroon

ng ganitong kanser ang mga kababaihang may iba't ibang katalik. Kung hindi maiiwasan ay gumamit na lamang ng proteksyon nang sa gayon ay mabawasan din ang peligro na makatamo ng HPV at HIV. Kumuha ng HPV vaccine. Sa mga kababaihang edad 27 pababa, sila ay maaaring makakuha ng HPV vaccine na tumutulong upang mabawasan ang panganib na sila ay magkaroon ng delikadong strain ng Human Papillomavirus. Isang vaccine, ang Gardasil, na sinang-ayunan naman na maaaring ibigay sa mga batang edad 9. Ito ay higit na mabisa kung maibibigay sa mga batang babae hangga't di pa sila aktibo sa pagtatalik.

Sanggunian:

January is National Cervical Cancer Awareness Month. (hinango noong 12 Enero 2009). CancerQuest.org Cervical Cancer. (hinango noong 12 Enero 2009). Cervical Cancer Symptoms. (hinango noong 12 Enero 2009). National Cancer Institute Cervical Cancer Screening. (hinango noong 13 Enero 2009).

I nihanda ni: Sagibal, Claudine T. BSN III-H2

You might also like