Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PANANALIKSIK SA FILIPINO I.

I. Panimulang Pahayag Mas mahilig magbasa ng mga librong nakalimbag sa Ingles kaysa sa Filipino ang mg a Estudyante ng ILAM. II.Mga suliraning gustong sagutin ng pananaliksik na ito Isa sa mga suliranin na nais sagutin ng pananaliksik na ito ay kung bakit ang mg a estudyante ng 1LAM ay mas nahuhumaling magbasa ng mga librong nakasulat sa Ing les kaysa sa mga librong nakalimbag sa Filipino. Ang isa pang suliranin ay kung bakit mas nakikilala ng mga estudyante ng 1LAM ang mga babasahing nakasulat sa I ngles. At kung bakit nagkakaroon ng oras magbasa ang mga estudyante ng mga libro ng nakasulat sa Ingles kaysa sa Filipino. III. Artikulo na may kinalaman sa pananaliksik Ang mga mananaliksik ay nakabasa ng isang artikulo mula sa Internet. Ito ay tung kol sa pangit na tingin ng ibang tao sa mga Tagalog romance pocketbooks. Ito ay isang halimbawa ng diskriminasyon sa mga librong nakalimbag sa Tagalog. Ang mga importanteng bahagi nito na makakatulong sa pananaliksik na ito ay nilikom ng mg a mananaliksik. At Ito ay ang mga sumusunod. Ang Kuwento Sa Likod ng Romansa Czeriza Shennille S. Valencia BAKYA. Ito ang karaniwang persepsyon sa Tagalog romance pocketbooks. Ilan-ilan na rin a ng nagsasabi, partikular na sa akademya, na nakakapurol ng kasanayan sa pagbasa at panlasa sa mas mataas na sining ang pagkahumaling rito.Gayon man, bakas pa ri n sa mga mukha ng mga mambabasa ang kilig at kasiyahan sa pagbabasa ng mga nobel ang tila pabalat at pangalan lamang ng mga karakter ang nagbabago. Hindi rin mai kakaila na sa kabila ng pagdaan ng panahon at paglabas ng mga alternatibong liba ngan, nananatiling malakas ang industriyang ito. PANG ALIW LAMANG Hindi rin mababang klase ang lahat ng awtor ng Tagalog romance na nagsusulat lam ang upang kumita. May ilan na rin sa mga sumubok magsulat nito ang nakahanap ng kasiyahan rito. Isa rito si Michelle Rinosa, dating mag-aaral ng advertising sa UST College of F ine Arts and Design, na sumulat ng dalawang libro para sa AQL Publishing, tagali mbag ng Twin Hearts Romance. Dating freelance book cover designer sa AQL, napasok ni Rinosa ang pagsusulat ng Tagalog romance dahil sa pagbabasa niya ng mga complimentary copies ng nagagawa n niya ng disenyo. Tinapos niya sa loob ng isang linggo ang una niyang nobela samantalang inabot la mang ng tatlong araw ang pangalawa.Masaya ang pakiramdam kapag nakakatapos ka ng ganitong uri ng panitikan lalo na't kinaaaliwan ito ng mga mambabasa kahit na h indi ito pam-Palanca, aniya.Ayon sa Bookware, bagaman hinulma ang kanilang mga l ibro para sa masa, isinasaisip din nila ang intelektuwal na kapakanan ng kanilan g mga mambabasa kahit sa mababaw na antas lamang. Aniya, kung hindi man kayang s ahugan ng Tagalog romance ng bagong sangkap ang panitikang Filipino, nakapagtutu ro naman ito ng mga praktikal na bagay sa pang araw-araw na pamumuhay gaya ng ba

sic social skills pati na rin ang wastong paggamit ng Ingles.Idiniin din ni Diom amapo na bago maimulat ang masa sa mas mataas na panitikan, kailangan mabuhay mu na ang interes nila sa pagbabasa. Gaya sa ibang nasyon, mahalaga ang pagbabasa. Dahil kung nais nating pataasin an g panlasa ng mga Pilipino, kailangan muna natin silang turuan. Likas na mababaw ang masa. Nandoon kasi ang buhay, nandun ang saya, aniya.

MATAAS NA PANITIKAN Sa paningin ng nakararami, nakasasagabal ang uri ng panitikang ito sa pag-usad n g panulatang Filipino sapagkat nakukulong ang mga mambabasa, sa paulit-ulit na t akbo ng istorya at magaspang na istilo ng pagkukuwento sa halip na mabuksan sila sa mga ideya at pilosopiya ng mainstream literature o panitikan ng mga nakapagaral. Ang pangingilang na ito ng akademya at ng mga edukado, ayon kay Eros Atalia, man analiksik ng UST Center for Creative Writing and Studies, ang sanhi ng kakulanga n ng imersyon at pagtanggap sa literaturang ito. Hindi siya nababasa sa classroom kaya nababansagan siyang hindi maganda, aniya. Bilang dating manunulat ng Tagalog romance, isinaad niya na naging bunga ng simp atya ng manunulat sa karaniwang sentimiyento ng masa ang mga akdang ito. Aniya, nagmula naman sa kanonikal na pamantayan ng panitikan ang dominasyon ng akademya sa pagdikta ng mga dapat babasahin. Ano ba ang mataas na panitikan? Sinasabing mataas ang panitikan dahil mataas ang teorya at pamimilosopo. Samakatwid, hinahanap mo ang standard mo, ang cognition at mundo mo, ani Atalia. Dahil mababaw lamang daw ang napag-aralan ng masa, mababaw rin ang pamantayan at sakop ng kanilang imahinasyon, ani Atalia. Dahil dito, iminungkahi niya sa mg m ag-aaral, partikular na sa mga kumukuha ng kursong panitikan at peryodismo, na m agbasa kahit paano ng ganitong uri ng panitikan. Aniya, isa itong paraan upang m akapasok sila sa sikolohika ng karaniwang tao. Bakit hindi natin unawain kung ba kit nila ito binabasa? Ano yong nakikita nila na hindi mo nakikita? Malamang ito ang sasagot para mapaunland pa natin ang kultura ng pagbabasa, aniya.

IV.Layunin A. Pangkalahatan Layunin ng pananaliksik na ito na makilala at mapaunlad ang industriya na mga Ak lat na Filipino. Makakatulong din ito sa mga manunulat sapagkat malalaman nila k ung ano ba ang dapat nilang baguhin upang mas lalo pang gumanda ang kanilang mga likha at tangkilikin ito ng mga estudyante. B. Tiyak Layunin ng pananaliksik na ito na makatulong sa pagtuturo ng pagmamahal at pagta ngkilik ng mga estudyante ng ILAM sa mga likha ng kapwa nilang Pilipino. Layunin din ng pananaliksik na ito na matulungan ang mga magaaral na makita ang kaganda han ng mga librong Filipino. Nais din ng pananaliksik na ito na mahikayat ang mg a estudyante ng 1LAM na sumulat sila ng mga kuwento o libro na nakalimbag sa Fil ipino. V. Mga Makikinabang sa Pananaliksik na ito Abg mga makikinabang sa pananaliksik na ito ay ang mga Estudyante ng 1LAM at ang mga manunulat ng mga librong Filipino. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ri n ng daan upang mapagyaman at mapangalagaan ang Industriya ng mga librong Filipi no.

VI. Konseptual na Balangkas *I-click ang "Mouse" sa larawan upang ito ay mabasa ng mas mabuti.

Ang konsepto ng pananaliksik na ito ay maguumpisa sa mga estudyante ng ILAM-Kole hiyo ng Komersiyo. Gamit ang metodolohiya na interview at serbey ay aalamin ng m ga mananaliksik kung mas mahilig ba magbasa ng mga babasahing nakasulat sa Ingle s o Filipino. At ibibgay ang mga dahilan kung bakit ito ang binabasa ng mga maga aral. Ilalahad din ng pananaliksik na ito kung paano nila nakikilala ang mga bab asahing ito.

VII. Metodolohiya Kakalap ng mga datos na makakapag patunay kung tama o mali ang hypothesis sa pam amagitan ng paghingi ng mga opinion sa mga estudyante ng 1LAM-Kolehiyo ng Komers iyo Unibersidad ng Santo Tomas. Makakatulong ang pag-iinterbyu at serbey dito. A ng pagiinterbyu ay magiging pasulat upang ang lahat ng datos na mangagaling sa m ga Estdyante ng 1LAM ay makakasama sa pananaliksik na ito upang mapatunayan na w alang kinikilingan ang pananaliksik na ito. VIII. Saklaw at Delimitasyon Ang pokus ng pananaliksik na ito ay ang mga akdang nakasulat sa wikang Filipino. Ang sakop ng pananaliksik na ito ay ang hilig ng mga estudyante ng ILAM sa pagb asa ng mga librong nakalimbag sa Ingles o Filipino lamang. Hindi na isasama pa a ng ibang babasahing nakasulat sa ibang wika katulad ng Espanyol. Ang mga sagot s a serbey at interview ay mangagaling lamang sa mga estudyante ng ILAM. Hindi na hihingin ang opinyon ng mga ibang estudyante sa kolehiyo ng komersyo- Unibersida d ng Santo Tomas. Daloy ng Pag-aaral Sa Unang bahagi ng pananaliksik na ito matatagpuan ang mga unang pag-aaral sa pa ksa o ibang mga lahatlain na may kinalaman sa pananaliksik. Makikita rin dito an g mga metodolohiya na gagamitin upang mapatunayan ang hypothesis. Makikita rin d ito ang mga layunin ng mga mananaliksik kung bakit ito ang napili nilang paksa a t kung sino ang mga makikinabang sa pananaliksik na ito. Sa Pangalawang bahagi matatagpuan ang introduksyon sa paksa at ang mga resulta n g mga serbey na ginawa ng mga mananaliksik. Sa huling bahagi naman makikita ang ginawang pagsusuri ng mga mananaliksik sa mg a datos na kanilang nalipon, makikita rin dito ang kongklusyon na nagsasabi na n apatunayan ng mga mananaliksik ang kanilang unang pahayag na mas mahilig magbasa ng mga librong nakalimbag sa Ingles kaysa sa mga librong nakasulat sa Filipino ang mga estudyante ng ILAM. Sa bahaging ito rin nagbigay ng mga rekomendasyon at mungkahi ang mga mananaliksik. IX. Katawan ng Pananaliksik

Introduksyon sa paksang napili Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na n akalimbag upang mabigkas ng pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa p amamagitan ng mga nasusulat na simbolo. Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahu lugan at pag-tataya ng mga simbolong nakalimbag. Ang sistematiko at obhetibong p ananaliksik na ito ay tungkol sa mga salik kung bakit mas nahuhumaling magbasa n g mga librong nakasulat sa Ingles kaysa sa Filipino ang mga estudyante ng 1LAM. Ito ang magpapatunay kung totoo o hindi ang hypothesis ng mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga metodolohiya kagaya ng serbey at pakikipanaya m. Ang mga tanong na ginamit ay sinuri mabuti upang ang lahat ng impormasyon na makukuha ay makakatulong upang mapatunayan kung tunay o hindi ang hypothesis. X. Paglalahad ng mga datos na nalipon INTERBYU *i-click ang mouse sa larawan upang ito ay mabasa ng mas mabuti. base rin sa ginawang interbyu ng mga mananaliksik may ilang estudyante na pumupu nta talaga sa mga bookstore upang bumili ng kanilang sariling libro at ito ay gi nagawa nilang collection items. May mga estudyante rin na nanghihiram nalang ng mga libro sa kanilang mga kaklase o kapamilya sapagkat kadalasan ay mahal ang mg a ito at sa panahon ngayon ay gusto nilang maging praktikal. B.RESULTA NG MGA SERBEY

* ito ang mga salik o instrumento kung paano nakikilala ng mga mag-aaral ang mga babasahing kanilang binabasa. maari nila itong malaman o makita sa kanilang mga kaibigan, Medya (telebisyon o radyo) at pamilya. XI. Mga Pahayag Mula sa mga Mananaliksik Kritikal na Pagsusuri Ayon sa aming nakalap na datos mula sa mga estudyante ng ILAM, mas higit na mara mi ang nagbabasa ng mga babasahing nakalimbag sa Ingles kaysa Filipino. Marami s ilang ibat-ibang opinyon para dito. Nakakabiglang malaman na mas maraming estudy ante ng ILAM ang mas naiintindihan ang babasahing Ingles kaysa sa Filipino. Ayon sa kanila mas Interesting ang mga akda na nakalimbag sa Ingles. May mga naagsab Boring ang tagalog at paulit-ulit ang mga storya nito. May mga nabubulol naman s i na a mga salita sa filipino at nahihirapan silang bigkasin ang mga ito. May Estudya nte rin na nagsabi na mas malinaw ang terminolohiyo sa Ingles kapag Siyensa na a ng pinaguusapan. Napupukaw ang Interes nila sa babasahing Ingles sapagkat mas ma y Thrill ang mga ito. At may ilang estudyante na mabagal magbasa kapag tagalog n a ang babasahin. Sa kabilang dako naman, may ilang estudyante rin na mas mahilig magbasa ng mga babasahing nakalimbag sa filipino sapagkat ito ang kanilang sarl ing wika. Para sa kanila hindi lahat ng Pilipino ay nakakaintindi ng wikang Ingl es. Mas madali nilang maintindihan ang mga babasahing nakasulat sa Filipino sapa gkat ito ang kanilang pambansang wika, ang wikang kanilang nakasanayang gamitin. Kongklusyon

Napatunayan ng mga mananaliksik na ang kanilang hypothesis ay tama. Mas mahilig magbasa ng mga babasahing nakalimbag sa Ingles kaysa sa mga librong nakalimbag s a Filipino ang mga estudyante ng ILAM-Kolehiyo ng Komersiyo. Nakakalungkot malam an na mas naiintindihan nila ang mga akda kapag ito ay nakasulat sa Ingles kaysa sa sarli nilang wika na Filipino. Mas napupukaw ang kanilang Interes sa babasah ing nakasulat sa Ingles sapagkat para sa kanila ay mas kakaiba ang mga storya na gawa ng banyaga. At paulit-ulit lamang ang mga storya na nakasulat sa tagalog. Ngunit may ilang estudyante rin naman na mas naiintindihan nila ang babasahing n akalimbag saaa Filipino sapagkat ito na ang nakasanayan nila na gamitin. Ang Res ulta ng aming ginawang serbey ay nagpapatunay na 31 na estuyante ang mas nakikil ala nila ang babasahing ingles at 12 na estudyante lamang ang mas nakikilala ang mga babasahing tagalog. 22 na estudyante ang madalas nakikilala ang mga babasah ing ito sa pamamagitan ng kanilang kaibigan o kaklase. 12 na estudyante naman da hil sa kanilang pamilya at 9 na estudyante sa pamamagitan ng medya. 34 na estudy ante ay nagbabasa dahil sa pansarili nilang kagustuah at 9 na estudyante naman a ng nagbababsa sapagkat ito ay required lamag o may nagutos sa kanila.

Rekomendasyon Napatunayan na ng mga mananaliksik na mas mahilig magbasa ng mga babasahing Ingl es kaysa sa Filipino ang mga estudyante ng ILAM. Para sa mga mananaliksik, dapat ang mga estudyante ay makadalo sa ibat-ibang seminar at book fair na puro libro ng tagalog ang makikita nila na marami rin namang magagandang likha ang kapwa ni lang Pilipino. Dapat pagtuunan muna ng pansin ang pag Master ng wikang Filipino bago ang Ingles sapagkat pinakita ng pananaliksik na mas nahihirapan na ngayon a ng ilang estudyante sa pagbabasa ng babasahing tagalog at sila ay nabubulol sa p agbibigkas ng mga ito. Dapat ipagpatuloy parin ni Mam Beverly Siy ang pagbibigay ng mga babasahing tagalog para sa ILAM na nagiging Weekly Task nila upang sa ga non ay mahasa ang mga estudyante ng ILAM sa pagbasa ng mga librong nakasulat sa Filipino. Mas nakakabuti rin na magkaroon ng Diksyonaryong Tagalog ang bawat mag aaral upang sa ganon ay hindi sila mahihiripan sa pagiintindi sa mga salitang ta galog na bago sa kanyang pangdinig. Pasasalamat Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos sa pagagabay sa kanila habang ginagawa ang pananaliksik na ito. Lubos din ang kanilang pasasalamat sa k anilang mahal na guro na si Mam. Beverly Siy sa pagtuturo sa kanila ng mga salik sa pagawa ng isang pananaliksik. Gusto rin magpasalamat ng mga mananaliksik sa mga estudyante ng ILAM sa pagbibigay nila ng mga datos na lubos na nakatulong sa kanilang pananaliksik. MGA MANANALIKSIK: Ma.Diane P. Canlas Mayumi Embisan Carla Dela Cruz Mara Sta. Maria IKALAWANG SEMESTRE 2008-2009

Posted by FILIPINO at 8:00 PM 0 comments: Post a Comment

Home Subscribe to: Post Comments (Atom)

You might also like