Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KAY INAY

I
Sa aking kamusmusang balot ng kalungkutang iniwanan ni Itay, sa mulat kong paningiy naiwanan ang latay na naumang kay Inay; labing-anim na matang ipinauunaway lantay na pagmamahal, ang kanyang kinapiling sa pakikipaghamok sa kinaparoonan!

II
May aninaw ng dilim ang wisik ng siphayong sa puso ay pangwindang, na kanyang katuusan upang ang mga bunso sa aral ay tustusan; itoy mga gawing di malirip ng diwat di mabata ng laman ngunit magpapayabong ng walong pintig buhay at walong kaisipan.

III
Haba ngang nagtatagal ay lalong bumibigat iyang mga dalahin nitong mahal kong Inang may matibay na. dibdib sa dusa at tiisin; at iyang mga supling na kulang pa ang malay ay kung pakaisipin kanyang naitaguyod sa sipag at tiyagang kay hirap patigilin!

IV
May kurus sya sa dibdib handang magpakasakit at handa ring magtiis, mayroon siyang sagot at laging handang tugon sa mga suliranin; mapagpala nyang kamay panghaplos ng dusa at panlunas sa sakit, mapagmahal na dibdib

ay mapagsusukdulan ng mga hinanakit. V. Kinalong niyang lahat iyang kapalaluang katambal ng pagluha at sa silid ng pusoy binigyang puwang niya, lahat ng mga hiwa; may hapdi man ang sugat na wala ng panlunas sa gasgas na hiwaga, karamay pa rin siya sa lahat ng sandaling pagkapariwara. Ngayon ngay kaarawan ng aking sintang ina . .. ika-limamput siyam, may putong siyang koronang mula sa ating Poong sa kanya ay gumabay; sa nagdaang panahon ng pagpapakasakit at tinamong tagumpay marmol siyang bantayog niyang kadakilaang walang makakapantay!

VI
Siya nga ang babaing aking dadakilain sa lahat ng panahon, ngayong may isip na koy karapatan ko lamang na siyay ipagtanggol; ipalasap sa kanya itong pasasalamat na sa puso ay taos, ang kumot ng ginhaway ilulukob sa kanya ng buong pagkalugod! Sa kanya ay alay ko ang halik ng pagsinta at ng mga pag-irog at mga panalanging naway pagkalooban ng dugong dumadaloy ang nalalabing buhay na sa ugat ng puso ay pait ang bumalong nang kahit na sang saglit banaag na ligaya sa kanyay mapakalong!

Buod VII
Gaya rin ng iba, ang ina kong giliw Ay inang mayumi't lubhang maramdamin, Inang hindi yuko sa mga hilahil, Inang mapagbata at siya kong virgen. Mayrong isang Diyos na kinikilala, May isang dakilang pananampalataya, Sa kanya ang madla'y kulay ng umaga, Ang galit ay awa't sa poot ay tawa. Siya ang dakilang Batas sa tahanan, Kamay na masipag, Kampana ng buhay, Susi ng pag-ibig na kagalanggalang. Sa kanya ang lahat ay pawang mabuti, Ang dukha't mayaman ay kapuripuri Palibhasa'y inang may puso't pagkasi.

You might also like