Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman Tomo 90, Blg.

03 Hunyo 27, 2012

BALITA Miyerkules 27 Hunyo 2012

Lathalain

KINALIGTAANG ARAL
Punong Patnugot Kapatnugot Panauhing Patnugot Patnugot sa Lathalain Patnugot sa Grapix

Mga Kawani
OPINYON BALITA Miyerkules 27 Hunyo Miyerkules 2012 27 Hunyo 2012

Pinansya Tagapamahala ng Sirkulasyon Sirkulasyon

Mga Katuwang na Kawani

Hindi na natuto ang UP. Nitong Hunyo 18, pormal na inilahad sa madla ang pinakabagong kasunduang pinasok ng unibersidad at ng Ayala Land Inc. (ALI), isa sa pinakamalaking pribadong kumpanya sa bansa. Sa kasunduang ito, binigyang pahintulot ng unibersidad ang ALI na itayo ang UP Town Center, isang commercial complex, sa lunang kinatatayuan ng UP Integrated School (UPIS) sa kahabaan ng Katipunan Avenue. Bilang kapalit, popondohan ng ALI ang pagpapagawa ng bagong kampus ng UPIS sa espasyo ng nasunog na Narra Residence Hall. Hindi ito ang unang pagkakataon na makikipagkasundo ang UP sa nasabing kumpanya. Sa ilalim ng balatkayong magtatayo ng isang science and technology park, nilagdaan ng UP ang P25-milyong kontrata kasama ang ALI noong 2006 upang itayo ang UP-Ayala Land Technohub (Technohub) sa Commonwealth Avenue. Kagyat na nabali ang ilusyon ng pagiging akademiko ng gamit ng Technohub, kasabay ng pagsulpot ng ibat ibang negosyo sa nasabing lupain, mula sa mga call center hanggang sa mga kainan at pasyalan. Bahagi ang Technohub ng mga proyekto ng pamantasan na may magkabilang talim na gumagasgas sa pampublikong karakter nito habang napipilitan ang UP na pumasok sa mga pribadong kasunduan upang madagdagan ang papaliit na subsidyong ibinibigay ng gobyerno, ang mga

proyektong ito rin naman ang ginagawang dahilan ng pamahalaan upang lalo pang bawasan ang badyet ng unibersidad. Patunay nito ang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III noong 2010 kung saan kanyang inamin na sadyang papaliit ang pondong inilalaan sa UP dulot ng kakayahan nitong kumita sa mga paupahang lupa nito kagaya ng Technohub. Ngunit sa halip na maggiit ng mas mataas na pondo mula sa gobyerno, patuloy pa ring yumuyuko ang UP sa dikta ng gobyerno. At sa bagong kasunduang pinasok ng unibersidad, walang nang pagbabalatkayo pa, wala nang postura ng pagiging pang-akademiko o pangkultural ng proyekto. Sa muling pagpasok ng UP sa kasunduan sa ALI, higit pang tumindi ang saklaw ng paggamit sa mga lupain ng pamantasan. Kung datiy mga bakanteng lupa ang inilalakot ipinagagamit ng unibersidad sa mga pribadong kumpanya, ngayon maging ang lupang kasalukuyan nang kinatatayuan ng kampus ng UPIS, isang espasyong malinaw na may pangakademikong gamit, ay handa na ring ipagamit sa ngalan ng pagpapataas ng internal ng kita ng pamantasan. Tila hudyat ang UP Town Center sa papaigting na paggamit ng UP sa mga ari-arian nito upang makapagpalaki ng kita. Nakababahala ang ulat na sa nakaraang pulong ng UP Board of Regents, napagpasyahan ng lupon na irehistro ang may 21

bahagdan ng lupain ng unibersidad bilang mga special economic zone na maaaring gamitin para sa tinatayang mas marami pang kasunduang pangkomersyo sa hinaharap. Kung susuriing mabuti, tahasang sinasagka ng pribadong interes ang orihinal na dahilan ng pag-iral ng pamantasan. Lagit laging may kunwaring benepisyo ang mga ganitong kasunduan ngunit sa huli, hindi maitatatwang ang pagpapalaki ng tubo at hindi ang pag-ayon sa pang-akademikong oryentasyon ng unibersidad ang tunay na hangarin ng mga pribadong kumpanyang nakikipagkasundo sa UP. Kaya isang napakalabnaw na suri ang ituring na pag-unlad at malaking hakbang pasulong ang pagtatayo ng mall sa lupain ng pamantasan sa diwa ng pagkakaroon ng mga pasilidad at istrukturang hindi kayang ibigay sa atin ng pamahalaan. Lutang sa konteksto ang ganitong uri ng argumento. Ang UP ang premyadong pampublikong unibersidad sa bansa ang lawas ng lupain nito ay hindi dapat inilalako sa merkado na mistulang ordinaryong produktong may kapalit na halaga. Sa huli, hindi ang pakikipagugnayan sa mga pribadong institusyon ang tunay na solusyon sa kakulangan ng pondo ng UP. Dudulo pa rin ang sala-salabid na palitan ng argumento sa pangangailangan ng mas mataas na subsidyo mula sa gobyerno upang

punan ang kakulangang kinakaharap ng pamantasan. Kung magpapatuloy ang kasalukuyang kalakaran, wala itong ibang maidudulot kundi ang tuluyang pagbitiw ng pamahalaan sa kanyang responsibilidad na pondohan ang UP, dahilan upang tuluyang malusaw ang pampublikong tikas ng ating unibersidad. Sa maluwag na pagtanggap sa pagpasok ng pribadong interes sa unibersidad, ibinubukas ng UP ang sarili nito sa panganib na maging isang pamantasang umaasa sa dikta ng merkado upang patuloy na umiral. Lalong higit na nakapangangamba ang katotohanang bilang pambansang unibersidad ng Pilipinas, UP ang ginagawang modelo ng mga palisiyang maaaring ipatupad sa iba pang pampublikong pamantasan sa bansa. At hindi malayong mangyari na sa mga susunod na taon, hindi na lamang UP ang pampublikong pamantasan na may malaking mall sa loob mismo ng lupain nito. Habang itinatakwil ng pamahalaan ang responsibilidad nito sa mga pampublikong pamantasan, tuluyan namang nalalayo sa mas maraming mamamayan ang kanilang karapatan sa murat dekalidad na edukasyon. Isang babala ang inuusal ng pagtatayo ng UP Town Center sa Katipunan. At kung babalikan ang mga aral ng kasaysayan, tama lamang na harapin ang babalang ito ng pagtutol at paglaban.

Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1213@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers Organizations, College Editors Guild of the Philippines Ukol sa Pabalat Dibuho ni Luigi Aluena

Editors Notes

As the absence of war does not necessarily translate to peace, so the absence of controversy does not necessarily afford us with the luxury of sitting on our haunches.
NEW BEGINNINGS Jeanie Rose Bacong 15 June 1998

As the Philippine Collegian celebrates its 90th year, we revisit lines from prized editorials that helped define the publications tradition of critical and fearless journalism.

Ecozone listing to further commercialization schemes in UPSR


With the UP administration planning to register several parcels of the universitys landholdings as special economic zones (ecozones), commercial ventures between the national university and private companies are expected to intensify, said Student Regent Cleve Robert Arguelles. In its June 4 meeting, the Board of Regents, the highest policymaking body of the university, approved the identification and eventual registration of UPs properties that may qualify under Republic Act (RA) 7916 or the Special Economic Zones Act of 1995. The UP administration will register all research and development centers throughout the university system under the Philippine Economic Zone Authority (PEZA), UP President Alfredo Pascual told the Collegian. UP currently has 5,121.77 hectares of research area or 21 percent of the universitys 24,796.33 hectares of total landholdings, based on data obtained from the Office of the Vice President for Planning and Finance. Section 4 of RA 7916 defines ecozones as selected areas with highly developed or which have the potential to be developed into agro-industrial, industrial, recreational, commercial, banking, investment and financial centers. The universitys lands must strictly be dedicated to academic purposes. Having our lands certified as ecozones, which is commercial in nature, makes us question the reason why the university is doing this, said Arguelles.

COMMERCIALIZATION SCHEME?

The administrations plan to register the universitys properties under PEZA is primarily driven by the fiscal incentives that the university may enjoy as an ecozone developer, particularly on the purchase and upgrade of equipment and facilities, said Pascual. Under RA 7916, developers of ecozones enjoy exemption from

tax and other dues in importing equipment and parts, wharfage dues on import shipments of equipment, value added tax on local purchases of goods and services, and all local government fees. On the other hand, private ecozone operators are entitled to incentives that include an Income Tax Holiday (ITH) or exemption from corporate income tax for at
ELEVATED PROTEST. UP Student Regent Cleve Arguelles mobilizes a group of student protesters in front of the Department of Budget and Management (DBM) on June 21 shortly after having a discussion with DBM officials. The group calls for greater state subsidy on education and other basic social services.

least four years. Upon expiry of the ITH, private companies shall only be subjected to five percent taxation on their gross income, according to PEZA. The planned establishment of ecozones in UP is a desperate measure by the administration to allow more income-generating schemes in the university through partnerships with private companies, said Arguelles. Section 6 of the ecozone law requires an area to be developed only through local government or private sector initiative without any financial exposure on the part of the national government before it can be declared an ecozone. UP is therefore pushed to enter into commercial ventures with private companies before the properties of the university can be declared ecozones, said Arguelles. The incentives granted to private operators are used to encourage more private companies to engage business with UP, he explained.

BALITA Miyerkules 27 Hunyo 2012

SELF-SUFFICIENCY

Mga bagong bayarin sa PGH, tinutulan ng mga kawani


Binatikos ng All-UP Workers Union (AUPWU) at ng Opisina ng Staff Regent ang pagkatig ng Board of Regents (BOR) sa pagpapatupad ng mga bago at karagdagang bayarin para sa Class D patients o pinakamahihirap na pasyente ng Philippine General Hospital (PGH). Bagaman wala pang naitatakdang petsa para sa pagpapatupad ng nasabing panukala, inaasahang maghaharap sa pulong ng BOR sa Hunyo 27 ang mga kinatawan ng PGH, AUPWU, at ang Staff Regent (StR) upang pag-usapan ang nakahaing mga pagtutol sa bagong panukala. Sa ilalim ng bagong panukala, anim na medikal na proseso na lamang ang libre sa mga pasyente sa ilalim ng Class D. Ayon sa tala ng PGH, tinatayang dalawang daan sa 853 medikal na proseso ang kasalukuyang libreng nakukuha ng mga Class D na pasyente, ani StR Jossel Ebesate. grupong bumatikos sa nasabing memorandum. Sa ilalim ng lumang iskema, kabilang sa Class A ang mga pasyenteng may kitang P20,000 kada buwan ang pamilya. Samantalang kabilang naman sa Class B ang may kitang P10,000-20,000 at nagbabayad ng P380 para sa mga medikal na proseso, Class C ang pasyenteng may kitang P7,50010,00 at nagbabayad ng P285. Binibigyan naman ng 80 hanggang isang daang porsyentong diskwento ang mga itinuturing na Class D o charity cases o iyong mga pasyenteng may tinatayang kita na P7,500 kada buwan. Sa memorandum na inilabas noong Hunyo 2011 itinaas ang nasabing mga rates ng bawat bracket. Nakasaad sa memorandum na magbabayad ang Class B ng P35-400, Class C ng P30 -395 at ang Class D na dating walang binabayaran ay nakatakdang magbayad ng P15 -390 para sa clinical na examinations at P20-340 para sa diagnostic x-rays. nakaambang implementasyon ng bagong rate sa nasabing ospital kung saan papatawan na ng presyo ang mga medical procedure na datiy libre. Class D na nga, pagbabayarin pa. Mahirap na nga ang mga tao, kung kani-kanino na nga lumalapit,ani Dela Vida. Dinala ang kanyang asawa sa nasabing ospital dahil sa sakit nitong Septic Arthritis noong Hunyo 8. Umaabot lamang sa mahigit na P3000 ang kita kada buwan ng asawa ni Dela Vida na isang construction worker, kaya naman kabilang sila sa Class D patient na walang binabayaran. Binigyang-diin ng administrasyon ang mababang budget ng ospital kaya mahigpit ang pangangailangan nilang ipatupad ang bagong Class D rates na siyang gagamiting batayan upang masiguro ang budget na hihilingin sa gobyerno. Batay sa tala ng PGH, nanatili pa rin umanong isang bilyon lamang ang budget na ibinibigay ng gobyerno sa nasabing ospital mula noong 1993, sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng tubig, kuryente, gamot at iba pang gamit sa ospital. Ikinagulat umano ni Ebesate ang lumabas na tala ng pulong ng BOR noong Hunyo 7, sapagkat hindi umano nakasaad ang naunang kasunduan nila ni Pangulong Alfredo Pascual na walang anumang ipapatupad na anumang bagong bayarin sa mga pasyente. Kinumpirma umano ni Pascual sa unyon na layunin lamang ng bagong panukala na itakda ang presyo ng mga medikal na serbisyong ipinagkakaloob sa mga pasyente, ani Ebesate. Gayunpaman, tila hindi malinaw ang nasabing panukala sapagkat walang bago o dagdag na singilin na ipinapataw ang PGH sa mga pasyente, ayon kay Dr. Felixberto Lukban, Coordinator for Public Affairs ng PGH. Kung dati, libre ka, ganun pa rin naman ngayon. However, dadaan ka muna through series of procedures, ani Lukban. Naninigurado lang aniya ang PGH ngayon, sa pamamagitan ng paglalagay ng presyo upang matiyak kung magkano ang ginagastos sa pasyente. Kaugnay nito, hiniling naman ni Ebesate sa kanyang liham na ipagpaliban muna ang implementasyon ng bagong aprubadong memorandum ukol sa Class D rates, sapagkat kailangan umanong muling pag-aralan at siyasatin ang nasabing mungkahi. Tumanggi namang magsalita si Pascual ukol sa nasabing isyu. Aniya, inaasahang mabibigyang-linaw ang isyu ukol sa PGH sa gaganaping pulong ng BOR sa Hunyo 27.

BAGONG PORMA NG DAGDAG BAYARIN


Iginiit din ni Ebesate na katulad lamang umano ang nasabing panukala sa naunang pagtatangkang magpatupad ng mga karagdagang bayarin para sa mga pasyente ng PGH batay sa dalawang memorandang pinirmahan ni PGH Director Jose Gonzales noong Hunyo 2011. Gayunman, binawi rin ni Gonzales ang pagpapatupad ng nasabing mga memoranda noong Setyembre 2011, matapos ang kilos-protesta ng mga pasyente at

MAS KAUNTING LIBRENG SERBISYO


Sa ilalim ng bagong palisiya, anim na lamang ang libreng medikal na proseso. Ilan sa mga ito ang Electrocardiogram (ECG) at Urinalysis na karaniwang pinagdadaanan ng mga pasyente bilang panimulang proseso bago ang iba pang mga medikal na operasyon. Ikinabahala naman ni Rosela Dela Vida, asawa ng isa sa mga pasyenteng Class D sa PGH ang

DAGDAG BADYET KAYSA DAGDAG BAYARIN


Mas dapat umanong paigtingin ang kampanya para sa mas mataas na budget para sa PGH kaysa maningil ng mga dagdag na bayarin sa pinakamahihirap na pasyente, ayon sa pahayag na inilabas ng unyon noong Hunyo 14.

The government has already declared two UP properties as ecozones. In 2004, the five-hectare UP-Ayala Technology Business Incubator along C.P. Garcia Avenue was recognized as an ecozone. Meanwhile, the government certified the 20-hectare UP-AyalaLand Technohub along Commonwealth Avenue as ecozone in 2009. Start-up businesses mostly call centers currently occupy the Technohub. The property was leased to ALI for 25 years since 2008. For the entire period of the lease agreement, UP will only receive a total of P25 million in rent income. In his 2010 budget message, President Benigno Aquino III used UPs ability to generate income as one of the justifications for decreasing the universitys annual government subsidy. Totoo rin pong bumaba nang kaunti ang budget ng Unibersidad ng Pilipinas. Nangyari lamang po ito sapagkat malinaw sa atin na may paraan na ang UP para dagdagan ang sarili nilang pondo. Kumikita na po ang UP-Ayala Technohub, dagdag pa sa kita ng pamantasan mula sa tuition ng mga estudyante, at sa suportang ibinibigay ng estado, said Aquino. In the past five years, the UP administration has been proposing an average annual budget of P17 billion. However, the government only allocated an average of P6 billion, or a third of the universitys annual budgetary requirement. While the university augments decreasing government subsidy by implementing income generation schemes, these very same schemes embolden the government to justify further cuts in the budget allotted for state universities and colleges including UP, said Arguelles.

Mga bagong gusali ng UPIS, 2 dorm magagamit na sa susunod na semestre


Matatapos na ngayong unang semestre ang konstruksyon sa mga bagong gusali ng UP Integrated School (UPIS) at dalawang bagong dormitoryo sa Diliman. Nakatakdang ilipat ngayong Setyembre ang halos 500 estudyante ng UPIS high school campus sa bagong gusali nito na kasalukuyang itinatayo sa dating kinatitirikan ng Narra Residence Hall. Itatayo sa dating 7.4 ektaryang lupain ng UPIS sa kahabaan ng Katipunan Avenue ang UP Town Center, sa bisa ng isang lease agreement sa pagitan ng UP at AyalaLand Inc. (ALI). Ayon sa kasunduan, tatayuan ag nasabing town center ng mga restaurant, sinehan, University Bookstore, amphitheatre, at supermarket. Samantala, nakatakdang simulan ang operasyon ng 960-bed na Acacia Residence Hall (Acacia) at ang 280-bed na Kamagong Centennial Dormitory II (Centennial Dorm II) sa pagpasok ng ikalawang semestre. These [projects] are in line with our vision for UP, which is one University, one UP which will follow uniform standards of excellence [where] academic excellence also translates into operational excellence, ani Vice President for Development Elvira Zamora. Ang UP Town Center ang ikalawang proyekto pinasok ng ALI sa UP. Unang pumasok sa isang kasunduan ang nasabing kumpanya sa unibersidad nang upahan nito ang bahagi ng lupain ng UP sa Commonwealth Avenue noong 2007 upang itayo ang UP-AyalaLand TechnoHub , na kasalukuyang inuupahan ng mga kumpanya, call centers at restaurants. Clearly, we are forced to lease our lands [and] utilize our assets for commercial purposes the policy of consistent cuts in our budget effectively transformed UP into an income-generating machine, ani Student Regent Cleve Arguelles. nan ang nasabing kakulangan, naglunsad ang administrasyon ng UPIS ng proyektong Adopt-a-Room upang makakalap ng hanggang P1.5 milyon mula sa UPIS alumni, ani UPIS Principal Ronaldo San Jose. The bottomline [with these projects] is to ensure financial sustainability, ani Zamora. Paliwanag niya, hindi na sumasapat ang taunang badyet na ibinibigay ng gobyerno sa UP. Mula 2009 hanggang kasalukuyan, tinatayang P17.3 bilyon ang hinihinging badyet ng UP ngunit halos P7 bilyon lang ang ibinibigay ng gobyerno taun-taon, ayon sa datos ng Office of the Vice President for Planning and Finance. Let us be vigilant sa mga land use contracts na pinapasok ng UP. Di ba before dapat science and technology park yung TechnoHub, ngayon pasyalan at call centers na siya, ani University Student Council (USC) Chairperson Heart Dio. Sa halip na patuloy na gamitin ang mga lupain ng UP upang mapunan ang kakulangan sa pondo ng unibersidad, nararapat paigtingin ng UP ang paggiit sa pamahalaan na taasan ang badyet para sa mga pampublikong pamantasan, ani Arguelles. P43 milyong donasyon ng College of Law alumni ang pondong ginamit para sa konstruksyon ng Acacia. Samantala, mula rin sa savings ng unibersidad ang P40 milyon na ginamit ng UP para sa konstruksyon ng Centennial Dorm II. Sa pagbubukas ng dalawang bagong dormitoryo, tinatayang matutugunan na ng UP Diliman ang 4,180 o halos 19 na bahagdan ng populasyon ng mga estudyante. Isang gusali ang ilalaan para sa mga estudyante ng Law sa pagbubukas ng Acacia. Samantala, mga babaeng estudyante ng College of Engineering naman ang prayoridad sa Centennial Dorm II. Nakatakdang magbayad ng P2,000 ang bawat estudyante sa Acacia at Centennial II na ipambabayad ng administrasyon ng UP sa utilities at security, ani Office of the Campus Architect Director Gerard Lico. Upang gumaan ang gastusin sa pagpapalakad ng dormitoryo, magkakaroon din ng third party management group ang Centennial Dorm II tulad ng sa Centennial Dorm I, dagdag niya.

DAGDAG SINGIL

Samantala, nakatakda namang magtaas ng mahigit 50 porsyento ang renta sa 10 pang dormitoryo sa ipagpatuloy sa P5

BALITA Miyerkules 27 Hunyo 2012

MGA BAGONG DORMITORYO

Samantala, mga kasangkapan na lang ang kulang upang matapos na ang Acacia at Centennial Dorm II, ani Office of the Student Housing (OSH) Director Gerry Lanuza. Mula sa P167.9 milyong kita sa tuiton fee increase noong 2007 at

NATURAL REACTION. A group of environmental activists led by Kalikasan Partylist held a rally near the US Embassy in Manila on June 20 to mark the first day of the United Nations Conference on Sustainable Development or Rio+20 in Rio de Janeiro, Brazil with a protest against the financialization of nature. The group slammed the Rio+20 negotiations on the green economy, saying it will only commodify ecological services for the benefit of the corporate sector.

Richard Dy

Pagtaas ng grad tuition at bagong lab fees, panukala sa Music


Kasalukuyang pinag-aaralan ng administrasyon ng College of Music (CM) ang pagtataas ng matrikula ng mga graduate student at paniningil ng bagong laboratory fees sa ilang mga kurso sa nasabing kolehiyo. Ayon sa panukala ng administrasyon ng CM, nakatakdang itaas ng isang daang porsyento ang matrikula sa graduate school, mula sa kasalukuyang P500 kada yunit tungong P1000. Panukala rin ng CM na magpataw ng bagong laboratory fees sa ilang mga kursong undergraduate at graduate (sumangguni sa sidebar). Sa pagbuo ng panukala, isinaalang-alang umano ang inflation o pagbaba ng halaga ng pera sa pagdaan ng mga taon, ani CM Dean Jose Buenconsejo. Bagaman magtataas ng 100 porsyento ang matrikula sa graduate school, higit na mas mababa pa rin umano ito kumpara sa ibang unibersidad sa Kamaynilaan, katulad ng University of Sto. Tomas (P1,750 kada yunit), St. Scholasticas College (P1,564) at Philippine Womens University (P1,252), ayon sa panukala. Kasalukuyan pang pinipinal ng administrasyon ng CM ang nasabing panukala. Nauna nang isinumite ng CM ang nasabing dokumento sa Office of the Student Regent (OSR) noong Abril 16. Bago maipasa, kailangan pa umanong pag-aralang muli at kumpirmahin ng OSR ang posisyon ng mga estudyante ukol sa nasabing mungkahi, ani dating Student Regent Ma. Kristina Conti sa isang liham sa CM noong Abril 16. Ani Conti, kinakailangang dumaan ng nasabing panukala sa panuntunang hinggil sa pagtataas ng mga bayarin na inaprubahan ng Board of Regents (BOR) noong Hunyo 24, 2010. Batay sa panuntunan, kinakailangang dumaan sa konsultasyon sa mga estudyante, College Student Council, University Student Council at OSR ang mga panukalang dagdag-singil bago ito pagdesisyunan ng BOR. pung kursong may P300 laboratory fee at tatlong kurso ng graduate school na may P400 laboratory fee. Wala naman umanong dagdag na bayaring ipapataw sa kolehiyo, ani Gemma Malicdem, college secretary ng CM. Paliwanag niya, papatawan lang ng laboratory fee ang iba pang kursong dati nang gumagamit ng mga instrumento.

BAGONG KASUNDUAN

Sa kasunduan sa pagitan ng ALI at UP, popondohan ng ALI ang pagtatayo ng mga bagong gusali ng UPIS na kapalit ng gigibaing paaralan sa Katipunan Avenue upang magbigay-daan sa pagtatayo ng UP Town Center. Nagkakahalaga ng P220 milyon ang kasunduan sa pagitan ng UP at ALI, kung saan P180 milyon ang inilaan para sa pagpapatayo ng mga gusali ng high school campus, at P40 milyon para sa gradeschool campus. Sinimulan nang patagin ang lupa na dating kinatatayuan ng Narra noong Hunyo 18. Itatayo dito ang isang gymnasium, isang academic building na may 43 silid-aralan, isang administration building, at memorabilia space para sa dating dormitoryo na nasunog noong 2008. Gayunman, hindi sasagutin ng ALI ang gastusin para sa mga pasilidad ng bagong UPIS gaya ng mga upuan, lamesa at pisara. Upang pu-

DAGDAG NA BAYARIN

PAGSANG-AYON

Ilalaan ang mga dagdag na bayarin sa pagsasaayos ng pasilidad ng kolehiyo at maintenance ng mga instrumento at kagamitang pangmusika, ayon sa panukala. Taong 1989 nang unang magpataw ng laboratory fees sa ilang mga kurso sa CM. Sa kasalukuyan, iilang mga kurso lamang ang may laboratory fees, kabilang ang sam-

SIDEBAR: MGA KURSONG PAPATAWAN NG BAGONG LABORATORY FEES


UNDERGRADUATE MISCELLANEOUS FEE (P200) Mup 11, MuP 21, MuP 31, MuP 41, MuP 51, MuP 61, MuP 71, MuP 81, MuPC 101, MuPC 111, MuPC 121, MuPC 131, MuPC 141, MuPC 151, MuPC 161, MuPC 171, MuPC 181, MuPC 191, MuPC 146, MuPC 147 UNDERGRADUATE MISCELLANEOUS FEE (P300) GRADUATE MISCELLANEOUS FEE (P400)

MuEd 146, MuEd 147, MuEd 148, MuK 201, MuL 202, MuL 207, MuEd 149, MuK 164, MuPC 128, MuL 208, MuP 203, MuP 204, MuPC 129, MuPC 156, MuPC157 MuP 251, MuP 252, MuP 253

Sa isinagawang CM Students Assembly noong Agosto 31, 2011, inihayag ng administrasyon ang mungkahing karagdagang bayarin, na kinatigan naman ng mayorya ng mga estudyante. Bilang pagsang-ayon sa dagdag bayarin, pumirma sa nasabing panukala ang 103 undergraduate students at 31 graduate students. Samantala, 20 sa 24 na graduate students ang sumang-ayon sa pagtataas ng graduate school tuition. Dalawamput tatlong taon nang walang lab fee na sinisingil sa maraming kurso...Naiintindihan naman ng mga estudyante. ani Malicdem. Ani Student Regent Cleve Kevin Robert Arguelles, nararapat maging mapagmatyag ng mga magaaral ng CM hinggil sa panukalang pagtataas. Paliwanag niya, sakaling maaprubahan ang mga bagong bayarin, nararapat itong gastahin kung saan ito nakaukol.

6 na taon matapos ang pagkawala


Anim na taon matapos dukutin ng mga hinihinalang ahente ng militar ang mga estudyante ng UP na sina Karen Empeo at Sherlyn Cadapan, patuloy pa rin ang paghahanap sa kanila ng kanilang mga pamilya habang wala pa ring nahahatulan sa apat na akusado sa nasabing kaso. Dinukot ng mga militar ang dalawang estudyante sa tinutuluyan nila sa Hagonoy, Bulacan noong Hunyo 26, 2006 habang nagsasaliksik ukol sa kalagayan ng mga magsasaka sa nasabing bayan sa kasagsagan ng Oplan Bantay Laya, ang programang kontra-insurhensiya ng rehimeng Arroyo. Bilang paggunita sa ika-anim na anibersaryo ng pagkawala nina Cadapan at Empeo, nagdaos ng isang benefit run na Run For Your Life 2 (This is not a fun run) noong Hunyo 22 sa UP Diliman Academic Oval ang ilang grupo ng mga estudyante, guro at human rights advocates sa pamumuno ng Karapatan Human Rights Alliance at Tanggulan Youth Network.

Wala pa ring hustisya para kina Karen at She


KALABOSO. Simbolikong ikinulong ni Erlinda Cadapan, ina ng isa sa mga nawawalang estudyante ng UP mula 2006, si Jovito Palparan matapos ang Run for Your Life, isang run na ginanap sa Academic Oval noong Hunyo 22. Ginanap ang run bilang pag-alala sa pagdukot at sapilitang pagkawala nina Karen Empeo at Sherlyn Cadapan at panawagan para sa kagyat na paghuli kay Palparan

Terminal ng UP-SM North jeeps, pansamantalang inilipat sa Trinoma


Simula ngayong Linggo, pansamantalang inilipat sa Trinoma ang terminal ng mga jeep na biyaheng UP-SM North EDSA. Ang paglipat ng terminal ay bunsod ng iringan na idinulot ng pagtiwalag ng UP-SM Jeepney Operators and Drivers Association (UP-SMJODA) mula sa Pangkalahatang SanggunianManila Suburbs Drivers Association (Pasang-Masda), ang transport group na may hawak sa kontrata ng terminal sa SM North EDSA para sa mga jeep na may rutang UP, Lagro, Monumento at Muoz. Ang UP-SMJODA ang kinikilalang samahan ng mga driver at operator na bumibiyahe mula UP Campus patungong SM North EDSA. Binubuoito ng 36 na driver at operator na nangangasiwa sa 40 yunit ng pampasaherong dyip. Nagsimula ang alitan nang tinutulan ng UP-SMJODA ang paniningil ng Pasang-Masda ng P5,800 sa bawat yunit ng pampasaherong dyip na ipambabayad umano sa renta ng terminal sa SM North. Bahagi umano ng bagong aprubadong kontrata sa pagitan ng Pasang-Masda at SM North ang dagdag singil. Ngunit ayon sa UP-SMJODA, bukod sa hindi nagtaas ng singil sa renta ng terminal ang SM North, hindi pirmado ang bagong kontratang ipinapakita sa kanila ni Roberto Martin, pangulo ng Pasang-Masda. Simula noong Huwebes, hindi na pumapasok sa terminal ng SM North EDSA ang mga jeep na kasapi ng UP-SMJODA. Gayunman, nakaranas pa rin ng panggigipit ang ilan sa mga driver at operator mula sa mga miyembro at kaalyado ng grupong Pasang-Masda, ayon kay Raul Reyes, pangulo ng UP-SMJODA. Hinaharang ang mga dyip, kahit sapilitan, at dinadaan sa pananakot. Naglagay pa sila ng mga nakasibilyang pulis, binabakbak ang mga plaka [ng mga dyip] ng mga kasama namin, ani Reyes. Noong Biyernes ng hapon, napagkasunduan ng UP-SMJODA na tumigil muna sa pagpasada hanggang Sabado ng gabi dulot ng nasabing panggigipit. Noong Linggo, sa bisa ng pahintulot mula sa pamunuan ng Trinoma Transport Terminal, muling pumasada ang mga kasapi ng UP-SMJODA ngunit sa Trinoma na sila pumipila at pumaparada. Samantala, mariing itinanggi ni Martin na may tumiwalag mula sa samahang kanyang pinamumunuan. Hindi ko sila binawalan na pumasok sa SM. Sila ang lumipat sa Trinoma [nang] hindi ko alam ang dahilan, pahayag ni Martin. Itinanggi rin ni Martin ang mga alegasyon ng korupsyon na ibinabato ng UP-SMJODA sa Pasang-Masda. Malinis ang lahat ng transaksyon namin, hindi lang sa SM North, kundi pati na rin sa mga kasapi naming drayber at operator, ani Martin. Pinaninindigan naman ng UP-SMJODA ang mga alegasyong ibinabato nila sa Pasang-Masda. Ani Reyes, patuloy ang panggigipit sa kanila ng mga miyembro at kaalyado ng Pasang-Masda sa kadahilanang ayaw silang paalisin ng samahan. Patuloy namang nakikipagnegosasyon ang UP-SMJODA sa isang pribadong kumpanya para sa isang hiwalay na puwesto sa loob ng SM North terminal. Sakaling maging matagumpay ang negosasyon, malilipat ang terminal ng UP-SM North jeeps sa dating puwesto ng mga FX at van na biyaheng Bulacan.

Mga bagong gusali...


mula sa P4 Diliman, ani Lanuza. Aniya, gagamitin umano ang nasabing pagtaas upang pondohan ang pagpapaayos sa nasabing mga pasilidad. Pinagpilian ng dormers sa isang OSH survey kung magtataas ng 50, 75 o 100 percent. Positive naman ang mga students sa pagtaas dahil alam nila gaano kahalaga ang repairs, ani Lanuza. Bago matapos ang semestre, magsasagawa ang OSH ng isang serye ng mga konsultasyon sa mga estudyante para sa gagawing pagtaas sa renta. Sa kasalukuyan, nagbabayad ng P250 hanggang P500 ang bawat mag-aaral na naninirahan sa mga dormitoryo. Malinaw na isa lang talaga itong epekto ng kakulangan natin sa badyet. Muling nagre-resort ang administrasyon upang kunan ang mga estudyante ng kita, ani USC Students Rights and Welfare Committee Head Aryanna Canacan.

PASAKALYE. Bumiyahe pa rin si Gerry Pascual sa kabila ng tigil-pasadang ipinatupad ng UP-SM Jeepney Operators and Drivers Association (UPSMJODA). Bunsod ito ng di pagkakaintindihan ng UP-SMJODA at ng Pangkalahatang Sanggunian - Manila Suburbs Drivers Association (PasangMasda) ukol sa dagdag-singil ng huli para sa renta ng terminal sa SM North. Kasalukuyang nakikipag-usap ang UP-SMJODA sa isang pribadong kumpanya habang pansamantalang inilipat ang kanilang terminal sa Trinoma.

Bukod sa panawagang ilitaw sina Cadapan at Empeo, hinamon rin ng mga lumahok sa benefit run si Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan na lumabas na sa pagtatago at harapin ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao na kanyang kinakaharap. Bahagi ang benefit run ng paggunita sa UN International Day in Support of Victims of Torture. Nagsilbi rin itong fundraising event upang matustusan ang mga gastusin sa pagsasampa ng mga kaso laban kina Palparan at sa iba pang kaso ng paglabag sa karapatang pantao Kapwa sangkot si Palparan at tatlong opisyal ng militar na sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr., S/Sgt Edgardo Osorio, at Master Sgt. Rizal Hilario sa kasong kidnapping at illegal detention kaugnay ng pagkawala nina Cadapan at Empeo. Nauna nang sumuko sina Anotado at Osorio na kasalukuyang nakakulong sa Custodial Management Unit ng Fort Bonfacio habang kasalukuyan pa ring tinutugis ng awtoridad sina Palparan at Hilario. Masakit sa dibdib isipin na walang tumutulong sa amin na agency ng gobyerno. Sila ang dapat magbigay proteksyon sa taong bayan pero hanggang sa ngayon, hindi parin nahuhuli [si Palparan], ani Concepcion Empeo, ang ina ni Karen na nakilahok sa pagtakbo kasama ng ina ni Sherlyn na si Erlinda Cadapan. Nahihirapan umano ang mga awtoridad hulihin si Palparan dahil sa naging pagsasanay nito sa militar, pahayag ni Philippine National Police Director General Nicanor Bartolome noong Abril. Hindi makita [si Palparan] dahil tinatago siya. Kasi kung hindi siya itinatago, madali mo siyang hanapin. Talagang pinoprotektahan pa rin siya ng kanyang mga kabaro, ani Gng. Cadapan. Nagsimulang dinggin ang mga kasong kriminal laban kina Palparan sa Malolos Regional Trial Court noong Mayo 7, kung kailan naganap ang preliminary trial o ang panimulang proseso para sa kaso na dinidinig. Magpapatuloy ang pagdinig sa Agosto 6, kung kailan sisimulan ang pormal na paglilitis at ihaharap ng prosekusyon ang kanilang unang testigo. Samantala, sa pagpupulong ng Board of Regents, pinakamataas na lupong tagapagpasya ng UP, sa Hulyo 26, nakatakdang maghain ng resolusyon si Student Regent Cleve Kevin Robert Arguelles ng resolusyon upang magpasimula ng pagsisiyasat hinggil sa mga kaso ng paglabag ng karaparatang pantao ng mga estudyante ng UP, kabilang na ang dalawang nawawalang estudyante. Kailangan talaga tayong kumilos para mabigyan ng hustisya yung dalawang UP students at nang hindi na maulit pa ang pangyayari sa kanilang hanay, ani Gng. Empeo.

BALITA Miyerkules 27 Hunyo 2012

Mula sa mga door knob, aparador at padlock, hanggang sa vacuum cleaner at ceiling fan, samut saring kagamitang pambahay at materyales pangkonstruksyon ang makikita sa loob ng warehouse ng Co Ban Kiat Hardware, Inc. (CBKHI), sa Quirino Avenue, Paraaque City. Bilang tagasuplay ng 70 porsyento ng materyales sa ACE Hardware Philippines, Inc. at mga construction company gaya ng D.M. Consunji, Inc., hindi malayong nagmula sa warehouse ng CBKHI ang mga ginamit na materyales sa ilang naglalakihang gusali at iba pang imprastruktura. Gayuman, sa mismong labas ng warehouse, hindi matatayog na gusali o naggagandahang mga bahay ang makikita. Bubong na LATHALAIN yari sa yero at plastic, haliging gawa sa kahoy na pinalibutan ng BALITA Miyerkules ibat ibang placard at mga tolda 27 Hunyo Miyerkules ito ang kasalukuyang nakatirik sa 2012 27 Hunyo bungad ng warehouse. Sa piket 2012 line na ito nagwewelga ang mga manggagawa ng CBKHI laban sa panggigipit ng kumpanya.

KINUMPUNING KARAHASAN
Sa loob ng walong oras na trabaho ng mga manggagawa, ipinagbabawal sa kanila ang umupo, uminom ng tubig o makipag-usap sa kapwa obrero. May kaukulang parusa para sa sinumang lumabag sa alituntunin ng kumpanya. Kung hindi man pagkatanggal sa trabaho, maaaring madestino ang isang manggagawa na magtrabaho sa labas na bahagi ng warehouse na kung tawagin nila ay Dubai. Sa Dubai, nagtatrabaho ang mga manggagawa sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Kapag nauhaw, tanging ang tubig na nakalagay sa sirang vacuum cleaner ang maiinom nila. Bukod sa marahas na mga parusa, ginigipit din ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kumpanya ng 5-5-5 o ang ilegal na labor-only-contracting, kung saan nagtatagal lamang nang hanggang limang buwan ang kanilang kontrata. Bagaman may direktang relasyon ang mga gawain ng mga manggagawa sa operasyon ng CBKHI, ipinapasailalim pa rin sila sa isang contractor o subcontractor. Apat na ahensya diumano ang nagrerekluta ng mga kontraktwal na manggagawa para magtrabaho sa CBKHI. Higit pa rito, nanganganib ring mailipat maging mga regular na manggagawa sa mga nabanggit na ahensiya at maging kontraktwal na lamang. Mayroon ding mga manggagawang tinatanggal nang walang lehitimong batayan at hindi pinadadaan sa tamang proseso. Kabilang dito ang mismong pangulo ng Co Ban Kiat Warehouse Workers Union (CBKWWU) na si Regie Lumauag na tinanggal sa kumpanya simula noong Abril 30 dahil diumano sa

dishonesty noong nag-undertime siya noong Abril 27. Ipinaliwanag ni Lumauag na naaprubahan ang pagundertime niya bago pa man ang mismong petsa sa isang panayam sa Pinoy Weekly, isang alternatibong pahayagan. Maliban sa inalis ng kumpanya ang karapatan ng mga manggagawang magkaroon ng kasiguraduhan sa kanilang trabaho, itinanggi rin nito ang kakayahan nilang mag-organisa, ani Roger Soluta, secretary-general ng Kilusang Mayo Uno. Kung kaya mang tanggalin ng pamunuan ng CBKHI ang mga manggagawa nito ng walang batayan, nagagawa din nilang bawasan ang dagdag-sahod nang walang maayos na paliwanag. Nagpatupad lamang ng P1 dagdag sahod noong Hunyo 2011 ang kumpanya dahil sa malalaking buwis na kailangan pa nito bayaran. Gayunpaman, hindi nagpakita ng konkretong kalkulasyon ang kumpanya hinggil sa halagang binawas, ayon sa KMU. Tumatanggap pa rin ang karamihan sa mga manggagawa ng minimum wage na P426 kahit na sampung taon na sila sa kumpanya, dagdag ng KMU. Bunsod ng mga kondisyong ito, napagdesisyunan ng mga manggagawa na bumuo ng unyon. Kinailangang bumuo ng samahan ng mga manggagawa dahil sa patuloy na pagpapatupad ng mga palisiyang nanggigipit, ani Diego Anciano, Pangalawang Pangulo ng CBKWWU.

gon sa hindi pagkilala ng kumpanya sa mga napagkasunduan. Noong Mayo 28, naghain ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Paraaque Regional Trial Court (RTC) si Johnny Cobankiat, mayari ng CBKHI, para mabuwag ang piket line ng mga manggagawa at pagbayarin sila ng P1 milyon para sa mga pinsalang naidulot ng welga nila. Bagaman naibasura ang TRO noong Hunyo 1, laking gulat na lamang ng mga manggagawa nang maglabas ng TRO ang Paraaque RTC Branch 257 noong Hunyo 6 na ipinatitigil ang panibagong pagwewelga. Nagsimula noong Hunyo 11, epektibo ang TRO ng 20 na araw. Ito ang nagbigay kapangyarihan sa 70 na miyembro ng Philippine National Police at Special Weapons and Tactics at maging ang isang trak ng bumbero para buwagin ang welga sa labas ng hardware. Gayunpaman, mananatiling matatag ang kagustuhan ng mga manggagawang ipaglaban ang kanilang karapatan sa unyon, kasiguraduhan sa trabaho, sapat na sahod at disenteng kondisyon sa trabaho ilang beses man itong sikilin ng CBKHI, ani Elmer Labog, chairperson ng KMU.

Quality Control
MATIBAY MAN AT MATAAS ANG KALEDAD NG MGA PRODUKTONG NAGMUMULA SA CO BAN KIAT HARDWARE, INC., HINDI PA RIN NITO MAIKUKUBLI ANG MASAKLAP NA KARANASAN AT MARAHAS NA PANGGIGIPIT NA PINAGDADAANAN NG MGA MANGGAGAWA NITO.

Justine Orduia

NAILATAG NA PUNDASYON
Kung tutuusin, kakaunti lamang ang hinihingi ng mga manggagawa kumpara sa kinikita ni Cobankiat na tinagurian nang milyonaryo. Gumagamit si Cobankiat ng panlilinlang, pandarahas at pananakot sa tulong ng gobyerno para maipagpatuloy niya ang pagkamal ng milyun-milyong piso sa pamamagitan ng pagsasamantala ng mga manggagawa, ani Labog. Hindi na umano bago kay Cobankiat ang lumabag sa batas para makakuha lamang ng mas maraming kita. Matatandaan na noong 2009, naibalitang nagtatago umano ng smuggled goods na nagkakahalagang P100 milyon si Cobankiat. Gayunpaman, walang batas na pumipigil kay Cobankiat para gawing kontraktwal ang mga manggagawa ng CBKHI. Ayon sa KMU, bagaman nakasaad sa Department Order No. 18-A na gawing regular ang mga kontraktwal na manggagawa matapos ang anim na buwan, hindi naman nito pinipigilan ang pagtatapos ng kanilang mga kontrata bago pa man sila maging regular. Nagdudulot lamang ito ng pagkatanggal ng mga kontraktwal na manggagawa sa trabaho, ani Soluta. Mula noong matanggal ang mga manggagawa sa trabaho, dalawang piket line na ang binuo. Ilang beses man itong buwagin ng kumpanya, ilang beses mang gamitan ng dahas ang manggagawa, susulpot at susulpot ang mga piket line, tanda ng patuloy na paggiit ng mga manggagawa sa kanilang mga karapatan sa gitna ng karahasan.

PAGBUO AT PAGWASAK
Sa pagkakaroon ng unyon, nagkaroon ng pag-asa ang mga manggagawa na maipaglaban ang kanilang mga karapatan. Natukoy ng kumpanya ang unyon nang lumahok ang ilan sa mga kasapi nito sa kilos protesta noong May 1. Idineklarang company holiday ang Mayo 2 at kinabukasan, bigla na lamang tinanggal sa trabaho nang walang maayos na batayan ang 98 na agency worker at limang regular worker noong Mayo 3. Kasabay ng pagkatanggal sa mga manggagawa ang paglabas ng Department of Labor and Employment ng mga dokumentong kumikilala sa CBKWWU bilang isang lehitimong unyon. Bunsod nito, una silang bumuo ng picket line at nagwelga noong Mayo 9 hanggang 11. Naging matagumpay naman ang pagwewelgang ito nang naparalisa ang operasyon ng kumpanya at naibalik sa trabaho ang mga tinanggal na manggagawa sa isang kasunduan sa pagitan ng pamunuan at unyon. Sa kabila ng kasunduan, biglang tinanggal ang 14 na regular na manggagawa noong Mayo 23 dahil tapos na diumano ang kanilang kontrata. Kung kaya muling bumuo ng piket line ang unyon bilang tu-

Tumitindi ang mga pinsalang dulot ng mga natural na kalamidad, waring ipinaaalala ng kalikasan na sa isang iglap, kaya nitong lipulin ang daan-daang mga istruktura, ari-arian, at mga buhay. Kayat sa ibat ibang panig ng daigdig, lalong umiigting ang usapin ng pangangalaga sa kalikasan. Sa bawat usaping pangkalikasan, pilit pinagtatagpo ang dalawang tila di mapagkasundong interes ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng ekonomiya. Nakadisenyo sa mga pagtitipong ito ang layuning iligtas ang kalikasan mula sa tuluyang pagkasira. Hindi nalilihis sa ganitong diwa ang katatapos lamang na Rio+20 Earth Summit sa Rio de Janeiro, Brazil noong Hunyo 2022 kung saan nagtipon ang mga pinuno ng 191 bansa, kinatawan ng mga pribadong kumpanya, non-government organizations at iba pang mga grupo. Inilatag sa Rio+20 ang konsepto ng green economy kung saan mamumuhunan ang mga pribadong kumpanya ng mga mayayamang bansa sa ibat ibang sektor ng ekonomiya tulad ng agrikultura, palaisdaan at minahan ng mga umuunlad na bansa gaya ng Pilipinas. Tinatayang nasa $3.4 trilyon o 2 porsyento ng kabuuang yaman ng buong mundo ang kakailanganin upang maipaloob sa green economy ang mga nabanggit na sektor. Sa ganitong kalakaran,hindi maikakailang may higit na boses ang mga mayayamang bansa sa Rio+20, kung saan muling itinakda ng iilan ang hatian sa paggamit ng likas na yaman ng mundo.

mula sa kalikasan upang tugunan ang kanyang pangangailangan. Sa loob ng mahabang panahon, namuhay ang mga tao na umaasa lamang sa mga bigay ng kalikasan. Subalit sa pagkatuklas ng tao sa mga gawaing pangdomestiko tulad ng pagsasaka at pag-unlad ng kabihasnan, unti-unti ring nabago ang ugnayan ng tao sa kalikasan. Noong maimbento ang makina, napalitan ang manwal na paggawa patungong mekanikal na nagdulot ng pagbilis ng paggawa ng produkto at distribusyon nito sa mga mamimili. Kapag labis ang produksyon, labis din ang kitang nakukuha ng mga may-ari na kumpanya. Nakapaloob sa pangkabuuang sistema ng kapitalismo ang paglikha ng labis-labis na produkto, na siyang nangangahulugan ng labis ring pagkuha at paggamit ng mga hilaw na materyales higit sa batayang pangangailangan.Sa ilalim ng ganitong kalakaran, napapangunahan ng hangaring kumita ang responsableng paggamit sa mga likas-yaman. Capitalisms central characteristicthe incessant drive to invest and accumulate wealth gives birth to never-ending economic and environmental crises, ani Fred Magdoff, eksperto sa Plant and Soil Science. Kung dadalumatin ang kasaysayan ng relasyon ng tao sa kalikasan, malinaw ang mahigpit na ugnayan ng namamayaning pang-ekonomikong sistema sa paraan ng paglinang sa mga likasyaman.

BULONG SA HANGIN
Sa patuloy na pagbabago ng ugnayan ng tao sa kalikasan, maraming panibagong mga karunungan at tuntungan ang nabubuo upang bigyang saysay ito, katulad ng Rio+20 na nilahukan ng mga kinatawan mula sa ibat ibang bahagi ng mundo. Pagpapatuloy ang Rio+20 nang naunang Rio Earth Summit na idinaos noong 1992 kung saan pinagtibay ang sustainable development bilang balangkas sa pangangasiwa sa kalikasan sa harap ng kabi-kabilaang usapin ukol sa kaunlaran. Isa sa mga naging bunga ng unang Rio Summit

LIKAS NA UGNAYAN
Kinikilala sa maraming disiplina sa Agham Panlipunan ang matibay na ugnayan ng tao sa kanyang kalikasan at ang likas na yamang makukuha rito. Sa disiplina ng Ekonomiks halimbawa, mahalaga ang usapin ng hilaw na materyales, na nagmumula sa kalikasan, bilang mahalagang salik sa produksyon ng mga produkto at serbisyo. Mula sa pagsibol ng mga sinaunang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon, kailangan ng mga tao ang mga yamang likas

ang Polluter Pays Principle na nagpataw ng kaukulang buwis sa mga pabrika at industriyang nagbubuga ng nakapipinsalang kemikal sa hangin. Bagaman mapanganib ang mga binubugang kemikal ng mga kumpanya sa mga industriyalisadong bansa, magbabayad lamang sila ng buwis at makaaalpas na sila sa paninira ng kalikasan, ayon sa grupong Kalikasan. Samantala, pinagtibay sa nakaraang Rio+20 ang konsepto ng green economy na magiging katuwang na balangkas ng sustainable development sa pangangasiwa ng kalikasan sa hinaharap. Sa ilalim ng ekonomiyang ito, mamumuhunan ang mga kumpanya ng mga malalaking bansa sa agrikultura, palaisdaan, tubig, at iba pang sektor.Ngunit, sa pagpapaunlad ng mga industriyang ito, tanging teknolohiyang low-carbon emitting lamang ang dapat gamitin. Samakatuwid, tanging mga makapangyarihang bansa na may kapitalistang ekonomiya at sariling industriya lamang umano ang makapagpapatupad ng green economy dahil sila lamang ang may kakahayang bumili at gumawa ng mga mamahaling teknolohiya, ayon sa IBON, isang institusyong pananaliksik . Para naman makapaglunsad ng mga proyekto at makapagbigay ng mga trabaho sa larangan ng agrikultura, kailangan ring makisosyo ng mga estado sa mga multinasyonal na kumpanya na nagbebenta ng seedlings, pesticides, fertilizers, at iba pang pribadong korporasyong nagsasagawa ng food processing. The green economy may actually also be the worst version of privatization as promoted by the World Bank where the public absorbs the investment risks of private corporations, ani Rose Bella De Guzman, research head

ng IBON Foundation. Subalit, hindi man lamang napag-usapan ang posibilidad ng malawakang pribatisasyon sa Rio+20 Summit. Sa halip, puno lamang umano ng retorika at walang iminungkahing konkretong hakbang at agarang aksyon para masolusyunan ang pagkasira ng kalikasan sa The Future We Want, ang dokumentong naglalaman ng mga natalakay sa Rio+20, ani George Monbiot, isang Ingles na manunulat at kritiko. World leaders have spent 20 years bracing themselves to express deep concern about the worlds environmental crises, but not to do anything about them, ani Monbiot. Gamit ang retorika at mahusay na laro ng salita, nagagawang mas kaaya-aya ang ideya ng labis-labis na paggamit sa mga likas-yaman ng mga mayayamang bansa, na kung tutuusiy nagbibigay lamang ng lehitimong lisensiya sa kanila upang ipagpatuloy ang pagsasamantala.

KATUMBAS NA HALAGA
Dinaluhan man ng maraming bansa ang summit, malalim na nakabalangkas pa rin ang pangdaigdigang pag-uusap sa sistemang pang-ekonomya ng mga dominanteng bansaang kapitalismo. Sinasalamin ng ilang aspeto ng green economy halimbawa, ang ilang sa mga katangian ng ganitong sistemang pang-ekonomya tulad ng pagtutumbas ng monetaryong halaga ng mga bagay. Sa ilalim ng green economy tu-

luyang mabibigyang presyo ang lahat ng likas-yaman at madaling maituturing na kalakal. [Rio+20] still looks at nature, people and their products as capital that must be used in the most efficient manner for profit accumulation and capitalist expansion, ani De Guzman. Sa ngalan ng mga kumpanyang nais magprodyus ng labis na produkto para sa labis na kita, naisasakripisyo ang kalikasan. Kung hindi na umano makabubuti sa kalikasan at sa mga tao ang sistemang kapitalismo, panahon na upang maghanap ng isang sistemang pang-ekonomiya na kiling sa mamamayan at likas na yaman. Thats why we need [a] peoples summit...[to] freely and openly discuss and question the global LATHALAIN economic and political order; to BALITA embrace new paradigms for de- Miyerkules velopment and sustainablity...we 27 Hunyo Miyerkules must make it clear to them that 2012 27 Hunyo this is not the future we want!, 2012 ani Paul Quintos ng IBON International. Sa huli, naikukubli ng mga pangunahing maysala sa pagkasira ng kalikasan ang kanilang pagkakamali sa pamamagitan ng pangunguna sa mga kasunduang tila maka-kalikasan, ngunit sila rin naman ang makikinabang. Kapag nagpatuloy pa ito, maaaring dumating ang araw na wala nang makukuhang likas na yaman sa kalikasang paulit-ulit na inaabuso.

Likas na kalakal
MATIBAY ANG UGNAYAN NG SANGKATAUHAN SA KALIKASAN. SUBALIT KAILANMAN, HINDI ITO NANGAHULUGANG WALANG HANGGANAN ANG LABIS NA PAGGAMIT SA MGA LIKAS-YAMAN.

Himig ng paglisan
Alas-nuwebe pa lang ng gabi, pumuputok na sa dami ng tao ang 70s Bistro sa Anonas. Tila magkakakilala ang karamihan ng nasa loob at labas ng bar. Ang ibay magkakaibigang napagtibay ang samahan dahil sa kanyang musika. Ang iba namay mga magkakarelasyong minarkahan ang mga natatanging sandali ng kanilang pagsasama ng kanyang mga awitin. Sa gitna ng usok ng mga sigarilyo at kalatog ng mga bote ng serbesa, namumuo ang antisipasyon para sa paglabas ni Cynthia Alexander. Espesyal ang gabing ito dahil isa ito sa mga huli niyang pagtatanghal bago siya lumisan ng bansa patungong Seattle, Washington, kung saan siya maninirahan kasama ang kanyang pamilya. Sa isang banyagang lupain, magbubukas si Alexander ng bagong landas, hindi lamang para sa kanyang musika, kung hindi para na rin sa musikang Pilipino.

KULTURA Miyerkules 27 Hunyo 2012

BAGONG HIMIG

Dekada 90 nang unang makilala si Cynthia Alexander, kapatid ni Joey Ayala, isa ring musikero, at dating miyembro ng bandang Bagong Lumad. Bilang isang pigura sa larangan ng musika, taal sa alaala ng karamihan ang kanyang balingkinitang katawan, mahabang buhok, at malalaking tenga. Bitbit ang kanyang gitara, hindi naiwasang ihambing si Alexander kay Alanis Morissette, isang Canadian guitarist at singer-songwriter na naging tanyag rin noong panahong iyon. Sa dekada kung kailan namayagpag ang mga henerikong girl groups at boy bands, tumatak sa mga tagapakinig ang bagong himig ni Alexander. Nakilala ang kanyang musika sa pagkakaroon ng lirisismo ng pagtula, at saliw sa mga ritmong nililikha ng mga katutubo at Asyanong instrumento. Sa kanyang 14 na taon sa larangan ng musika, nakalikha na siya ng tatlong album at nanalo ng samut saring mga parangal sa loob at labas ng bansa, hindi lamang para sa kanyang mga awitin kung hindi pati na rin sa kanyang pagtugtog ng bass. Bagaman masasabing may makulay na karera at matibay na cult following, pinili ngayon ni Alexander na mangibang-bansa. Maraming nag-aagam-agam ukol sa dahilan ng kanyang paglisan. Bagaman tinuturan ni Alexander na bunsod ito ng pagnanais na dalhin ang musikang Pilipino sa mas malaking arena, marami pa ring nagsasabi na bunga ito ng kakulangan, kung hindi man tahasang kawalan, ng lokal na pagsuporta sa kanyang musika. Sa kabuuan ng kanyang karera, masasabing hindi nagkaroon ng sariling talent manager at recording label si Alexander tulad ng inaasahan sa industriya ng musika. Bihira siyang nagkakaroon ng guestings sa mga primetime talk shows at variety shows, at hindi siya nagdadaos ng concert sa malalaking arena. Napagtibay ang kanyang cult following dahil sa kanyang mga pagtatanghal sa mga lugar gaya ng 70s Bistro at Conspiracy Cafe, na parehong nasa Quezon City. Bunsod ng karanasan sa paglikha ng kanyang unang album, kung saan ninais ng isang record label na baguhin ang tunog ng musika ni Alexander at ibenta siya bilang lokal na Alanis Morissette, pinili ni Alexander na hindi na lang magpatali sa isang major record label. Bagaman may angking kalayaan ang paglalabas ng album hiwalay sa pangangasiwa at pamantayan ng isang record label, aminado si Alexander na mahirap pa ring tumagal sa industriya nang walang suporta para sa kanyang sining. Sa darating na Hunyo 27, lilisanin ni Alexander at ng kaniyang pamilya ang Pilipinas tungong Seattle, Washington, kung saan sila maninirahan. Nabigyan siya ng artists visa sa bisa ng pag-endorso sa kanya ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Sa lugar ng mga mamahaling kape at sanlaksang flannel shirts, hahawan ng panibagong landas si Alexander para sa musikang Pilipino.

ISANG PULANG HOT AIR BALLOON ANG LUMILIPAD SA GITNA NG MAKULIMLIM NA KALANGITAN, TILA NAGBABADYA NG UNOS AT NG KALUNGKUTAN. ITO ANG DISENYO NG POSTER PARA SA SERYE NG PAGTATANGHAL NG MANG-AAWIT AT KOMPOSITOR NA SI CYNTHIA ALEXANDER BAGO SIYA UMALIS SA BANSA SA PAGTATAPOS NG BUWAN. SA PATULOY NA PAGLISAN NG MGA LOKAL NA TALENTO, MAY PUWANG PA KAYA UPANG PAGYAMANIN ANG SINING NA SARILING ATIN?

that I saw the opportunity for growth [there], ani ni Alexander sa isang panayam sa PinoyTuner.com, ukol sa kanyang paglipat sa Amerika. The Philippines is very rich, but we dont have support, dagdag pa niya. Isa lamang si Alexander sa lumalaking bilang ng mga mang-aawit, kompositor, pintor, arkitekto at iba pang malilikhaing Pilipino na pinipili na lamang makipagsapalaran sa ibang bansa upang mahasa at mapalago ang kanilang sining. Bagaman hindi natatamasa ng karamihan ang kasikatang inaasahan, nabibigyan pa rin sila ng pagkakataong gumawa ng kabuhayan gamit ang kanilang sining. Kaakibat ng kawalan ng lokal na suporta ang paglisan ng mga artista ng bayan, ngunit hindi ito nawawalay sa pangingibang-bansa ng higit sa walong milyong Pilipino, mga propesyunal man o skilled workers, na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang magkaroon lamang ng hanapbuhay. Magkaiba man ng kalagayan, pareho itong bunsod ng kakulangan ng suporta ng pamahalaan para sa mga pangunahing pangangailangan ng kanyang mamamayan. Bukod sa direktang pag-endorso ng pamahalaan, nakaeengganyo ang mga pangakong bitbit ng pangingibang-bansa, tulad ng mas magandang kalidad ng pamumuhay, mas mainam na edukasyon, at seguridad sa trabaho. Ngunit, higit sa lahat, bitbit nito ang pangako ng mas panatag na pamumuhay, na nananatiling mailap sa ating bansa. Para sa mga artistang kagaya ni Alexander, dagdag pa ang bitbit na kalayaan sa paggamit at papapalaganap ng kanilang sining. Sintomasngkawalanngtunaynapagbabagoatpag-unlad sa ating bansa ang patuloy na pag-alis ng ating mga propesyunal at skilled workers. Ang kakayanan ng estado na panatilihin ang kanyang mga mamamayan habang lumilinang ng kabuhayan sa loob ng bansa ang matinding batayan ng kanyang katatagan at lehitimasyon bilang estado.

SARILING ATIN?
Hindi matatawaran ang husay ni Alexander sa pagsusulat ng mga awitin at paglalapat ng mga kakaibang ritmo. Ngunit sa kasalukuyang iskema ng ating kultura, mas gugustuhin ng karamihan na kilalanin ang mga sumisikat na personalidad sa ibang bansa na baka may dugong Pilipino kesa ang mga lokal na talento na buo ang pagka-Pilipino. Sa mga nagdaang buwan, pilit nating inangkin si Jessica Sanchez, isang contestant sa American Idol na may dugong Pilipino, bilang isang talentong sariling atin, habang naisasantabi at naitutulak palabas ng bansa ang mga katulad ni Alexander, na siya rin namang representasyon ng talentong Pilipino. Habang nagluluksa ang bansa sa pagkatalo ni Sanchez sa American Idol, sanlaksa nang lokal na talento ang lumilisan ng bansa. Bunsod marahil ito ng hindi maiwaksing pag-aangkla ng nosyon ng tagumpay sa pandaigdigang merkado. Hindi maipagmamalaki na talentong Pilipino hanggat hindi kinikilala ng Hollywood o ng mga parangal na banyaga. Marahil, sa kanyang paglisan, batid ni Alexander ang ganitong tendensiya ng mga Pilipino. Kapag nagkaroon na siya ng pangalan sa Amerika, doon siya biglang sasambahin ng mga taong dati-ratiy hindi naman tinatangkilik ang kanyang musika. Sa sistema kung saan nakaangkla pa rin sa pag-ikot ng merkado ang pagpapahalaga sa sining at talento, hindi maiiwasang maisantabi ang mga personalidad na itinuturing na hindi patok o hindi mabenta. Sa pabagu-bagong sensibilidad ng mga mamimili, maraming bumebenta ngunit hindi tumatagal, nauuso lang at hindi tunay na talento ang sandigan. Sa napatunayan ni Alexander, hindi madaling maisantabi ang tunay na talento. Maghahanap ito ng panibagong pugad at mapagtatagumpayan ang pabagu-bagong merkado. Sa mga susunod na araw, lilisan na si Alexander at ang kanyang pamilya. Ngunit, ayon sa kanya, hindi ito paglisan kung hindi isa lamang paglipat, isang paglapag sa bagong teritoryo upang higit pang mapalaganap ang talentong Pilipino. Tulad ng naratibo ng bawat Pilipinong bahagi ng diaspora, hindi makukumpleto ang kanyang paglalakbay hanggat hindi siya nakauuwi sa sariling bayan, tangan ang mga napagtagumpayan sa isang banyagang bansa at bitbit ang himig ng pagbalik.

LUMANG TUGTUGIN
Bunsod ng napabalitang paglisan ni Alexander, kabilaan ang nais humingi ng panayam ukol sa tunay na dahilan ng kanyang pag-alis. Basically, I would say

Araw-araw silang nakikipagbuno sa init ng araw, sa puyat, at higit sa lahat, sa banta ng dahas at panganib. Naroon sila kahit saan, sinisigurong maayos ang takbo ng seguridad sa loob ng unibersidad. Hindi sila security guards, hindi rin naman pulis. Hindi man sila gaanong kilala ng lahat dahil sa kanilang bihis sibilyan, patuloy pa rin nilang sinisiguro ang seguridad ng mga estudyante at empleyado ng UP.

Sa ngalan ng kaligtasan

tuition, maging sa mga pamantasang pinatatakbo ng estado.

KULANG NA KULANG
Hindi maipagkakailang marami nang karanasan si Mang Lawrence sa ibat-ibang mukha ng krimen. Hindi umano niya malilimutang ang paghabol sa isang magnanakaw malapit sa Ilang-Ilang Residence Hall at paghuli sa isang rapist sa E. Jacinto. Bilang isang pampublikong espasyo, malaki ang problema ng UP sa seguridad dahil malayang nakapapasok at nakalalabas ang sinuman. Ang mga krimen gaya ng pagnanakaw ay talamak sa kampus dahil hindi madaling malaman kung sino ang mga taga-UP at sino ang hindi. Maging ang kawalan ng uniporme o dress code ng mga estudyante ng unibersidad ay nagiging bentahe sa mga magnanakaw na malayang nakakalabas-masok sa kampus. Isa sa mga posibleng solusyon sa problemang ito ay ang pagdadagdag ng mga taong magbabantay sa kampus. Ngunit sa ngayon, mahirap itong ipatupad dahil sa kakulangan sa badyet ng unibersidad. Problema rin ng mga SSB ang kakulangan sa mga kagamitan gaya ng mga motorsiklo at mobile cars. Napalaki ng unibersidad at sa lawak ng banta ng krimen sa araw-araw ay mahirap para sa mga SSB ang mabantayan ang buong kampus kung iilan lamang sa kanila ang nakagagamit ng sasakyan. Isa pang problema ay ang kakulangan sa training ng mga kasalukuyang miyembro ng ibat ibang security group sa UP katulad ng SSB. Isang halimbawa dito ang paggawa ng mga ulat ukol sa mga kasong kanilang nirerespondehan. Ani Prof. Edgardo Dagdag, Chief Security Officer ng SSB, hindi pa ganoon kabihasa rito ang SSB. Mahalaga ang maayos na paggawang ulat dahil isa ito sa pinagbabatayan ng karagdagang aksyon sa mga kaso. Bukod pa rito, ayon kay Prof. Dagdag, nangangailangan din sila ng malawakang pagsasanay sa pag-iimbestiga upang makakalap ng sapat na impormasyon at ebidensiya sa mga kaso. Dito makikita ang katotohanang na maraming kinakaharap na suliranin ang UP bilang komunidad. Bilang SSB, si Manong Lawrence ay bahagi ng komunidad na ito at may malaking papel na ginagampanan sa pagsasaayos ng sistema ng seguridad sa UP. Biktima rin siya ng mga problema ng unibersidad tulad ng kawalan ng pondo para sa mga pangangailangan ng SSB. Ang mga kakulangang ito ang dahilan kung bakit marahil hindi pa gaano ka-epektibo ang SSB sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa kampus. Sa bandang huli, habang pinoprotektahan ng mga miyembro ng SSB ang mga estudyante at empleyado, responsibilidad din ng unibersidad na tugunan ang kanilang mga pangangailangan tungo sa epektibong pagtupad nila sa kanilang tungkulin.

ANG TAGAPAGTANGGOL
Binuo ang Special Services Brigade (SSB) noong 2005 bilang katuwang ng mga pulis at security guards sa pagpapigting ng seguridad sa UP. Isa sa mga pinakaunang naging miyembro nito si Manong Lawrence Mappala, 45 anyos. Sa loob ng pitong taon sa serbisyo, ginugugol niya ang bawat araw sa walang kapagurang pag-iikot sa ibat ibang lugar sa unibersidad. Palagi siyang handa sa tawag ng serbisyo, araw man o gabi. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing siya ng kanyang mga kasamahan bilang isa sa pinakamaasahang miyembro ng SSB. Mula sa Aurora, Isabela si Manong Lawrence ngunit lumaki siya sa Quezon City. Bata pa lamang siya, pangarap na niyang maging sundalo ngunit naudlot ito nang mapatay ng isang holdaper ang kanyang ama na siyang tanging naghahanapbuhay noon sa kanilang pamilya. Hayskul pa lamang ay natuto nang magbanat ng buto si Manong Lawrence bilang construction worker kapag may libreng oras. Dahil dito, at dahil na rin sa matiyagang paglalabandera ng kanyang ina, nagtapos siya bilang General Radio Operator sa Samson College. Bago maglingkod bilang SSB sa unibersidad, naging intelligence officer si Mang Lawrence sa Economic Investigation and Intelligence Bureau, isang ahensya ng gobyerno na nabuwag noong 2000. Nagtapos ang operasyon ng ahensya nang may makaalitan silang malalaking pangalan sa mundo ng pulitika na nasangkot sa nasabat nilang ilegal na kargamento. Nakaranas si Manong Lawrence at higit sa isang libong empleyado ng paninikil at pananakot mula sa mga pulitiko hanggang sa tuluyan na ngang mabuwag ang ahensiya. Ilang buwan din siyang nahirapan makahanap ng trabaho namakatutugonsapangangailangan ng kanyang pamilya. Sa bandang huli ay muli siyang naglingkod bilang barangay tanod sa Pook Dagohoy sa loob ng unibersidad. Ayon sa kanya, higit pa sa pangangailangang pinansiyal, nakatulong ang mga karanasan niya sa trabaho sa pagganap sa kanyang tungkulin bilang SSB. Sa kabila ng hirap at panganib na hatid ng kanyang trabaho, para kay Manong Lawrence, isang pribilehiyo ang maging SSB. Sa sweldong P481 kada araw at sa tu-

KULTURA Miyerkules 27 Hunyo 2012

Sakay ang sariling motorsiklo, iniikot ni Lawrence Mappala ang National Science Complex bilang bahagi ng pang-araw-araw niyang duty. Ako na ang nagpapagasolina sa motorsiklo ko para magamit sa pagronda. Sa kakulangan ng kagamitan para sa amin sa SSB, minsan kailangan naming magsakripisyo para lang magawa namin nang maayos ang mga trabaho namin.

long na rin ng asawang librarian sa UP College of Law ay natutugunan namanumanoangpangangailangan ng kanilang pamilya. Katulad ng maraming magulang, pangarap ni Manong Lawrence na sa UP makapag-aral ang kanyang tatlong anak na lalaki. Sinubukang tuparin ng kanyang panganay ang pangarap na ito ngunit hindi siya pumasa sa UPCAT. Sa kabila nito ay hindi siya nawalan ng loob at ngayon ay malapit nang magtapos ng kursong Criminology sa Republican College. Patuloy naman na naghahangad si Manong Lawrence na maging matagumpay ang mga anak niya sa anumang larangang mapili nila. Marami ang tungkulin na ginagampanan ni Manong Lawrence bilang SSB. Sa kanyang trabaho, nakakatulong siya sa pagtitiyak ng kaayusan at seguridad ng pamantasan.

TAKBO NG TRABAHO
Hindi tulad ng mga pulis at security guard, walang uniporme

ang mga SSB. Matagal na rin silang hindi gumagamit ng kahit anong armas gaya ng batuta. Tanging liksi ng katawan at talas ng isip ang armas ni Manong Lawrence at ng 51 na iba pang miyembro ng SSB upang matupad ang kanilang mga tungkulin. Araw-araw, may ibat-ibang lugar sa unibersidad na kailangan bantayan ang mga SSB. Responsibilidad nilang magmatiyag at maging alerto sa mga posibleng ilegal na gawain at mga kahina-hinalang tao. Naatasan din silang pagbawalan ang mga ilegal na manininda, palaboy, mga tinatawag na watch-your-car boys at mga traysikel at pedicab na pumasok sa unibersidad. Sa mga pagkakataong may mahuling lumalabag sa batas, hindi maaaring mang-aresto ang SSB. Maaari lamang nilang banatayan ang nahuli at hintayin ang mga pulis na rumesponde sa kaso. Sa ganitong takbo ng trabaho nakilala ni Manong Lawrence

ang UP at ang mga estudyante nito. Malinaw pa sa kanyang mga alaala noong hindi pa problema sa unibersidad ang pagtaas ng matrikula. Walang mahahabang pila ng mga estudyante para makapag-loan o mag-apply sa STFAP. Naniniwala siya na ang edukasyon ay dapat libre para sa lahat. Para sa kanya, ang pagkaltas sa badyet ng UP ay tahasang pagpapahirap sa mga magulang. Sa sobrang hirap ng buhay ngayon, grabeng pasanin iyan sa magulang, aniya. Bilang isang naglilingkod sa unibersidad, personal niyang nasasaksihan ang ibat ibang sitwasyon na kinasasadlakan ng mga magulang at ng estudyante ng UP. Bilang magulang, alam ni Mang Lawrence ang halaga ng mabigyan ang mga anak ng mahusay na edukasyon, at nauunawaan niya ang hirap ng mga magulang na magtrabaho at mag-ipon upang matustusan ang nagtataasang

PAGMUMUNI-MUNI
Anila, kapag gusto mo ang isang bagay, maraming paraan. At kapag ayaw mo naman, maraming dahilan. Ganyan ang pananaw ni Jose Antonio Vargas, isang award-winning FilipinoAmerican journalist na namuhay sa Amerika nang ilang taon bilang isang undocumented immigrant. Noong mabasa ko ang kuwento ng buhay niya, nalaman kong nagsumikap siya para maging isang legal na mamamayan ng Amerika. Bago niya ito makamit, hindi biro ang kanyang mga napagdaanan, mga pagsubok na mas lalo pang nagpatibay at nagpatatag sa kanya. Iniwan siya ng kanyang nanay sa kanyang lolo noong bata pa siya. Maraming kumpanya ang tinanggihan siya bilang empleyado. Hindi siya agad nakapag-aral sa kolehiyo, at hindi natanggap ng kanyang lolo ang kanyang kasarian kaya napilitan siyang umalis at lumayo. Sa kabila ng marami pang pagsubok, hindi siya sumuko. Nagsumikap siyang sagutin ang lahat ng mga katanungan at pagdududa sa kanyang buhay. At nang makamit niya ang matagumpay, nagpapasalamat siya sa mga taong tumulong sa kanya at hindi siya pinabayaan, sa mga kaibigan na naging totoo sa kanya at hindi siya iniwan. Hindi nalalayo ang buhay ko sa buhay ni Jose. Marami rin akong paghihirap na hinarap. Kabilang na rito ang paghihiwalay ng aking mga magulang. Bilang panganay, sinalo ko ang mga obligasyon ko sa mga kapatid ko. At dahil pinagaaral kaming magkakapatid ng masabi at matulungan ko na agad ang mga kapatid ko. Ngayon, nami-miss ko na yung sabay-sabay kami kumain, magsimba at magbonding bilang pamilya. Ngayon ko pa lang din nararamdaman na mahirap pala talaga ang buhay kapag hiwalay ang mga magulang. Masaya naman talaga kami dati kaya hindi ko alam kung bakit ba ito nangyayari sa amin. Pagiging makasarili ba yung sabihin na sana magkabalikan na lang sila kahit alam ko naman na hindi na sila masaya sa isat isa? Makasarili ba kung gusto kong pilitin nilang magsama kahit para lang sa amin? Tila pinagdaraanan ko rin ang pinagdaanan dati ni Jose. Ang dami ko pang tanong pero alam ko naman na hindi ko ito agad masasagot. Basta ang alam ko, may dahilan kung bakit ito nangyayari. Hindi ko man alam ang sagot, naniniwala akong lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan at hindi ka naman bibigyan ng problema kung hindi mo naman ito kakayaning lampasan. Ani nga nila, weather-weather lang yan.

LAKAS TAMA

Trangkaso blues
Daig pa ng babaeng may regla ang pabago-bagong klima sa Maynila. Sisimulan nito ang umaga na mistulang nanay na sinasalubong ang asawang lango sa alak at amoy beerhouse tumatalak, nangangalmot, nagpupuyos sa galit. Habang tumataas ang tirik ng araw, sumisidhi rin ang poot ng ale hanggang sa sumabog ito sa isang madamdaming palahaw sa oras ng siesta. Bago magsara ang tabing ng kalangitan sa hapon, tatangis itong waring nagmamakaawa, kundi may tuluyang hahagulhol para lamang hindi muling iwan ng kabiyak. At dahil sa pag-iinarteng ito ng panahon, inabot ako ng trangkaso nitong nakaraang weekend. Kung ano-anong pag-iinarte rin tuloy ang gumapang sa guni-guni ko pati init at lamig ng panahon, ginawan ko ng love story. Akala ko pa man din marami akong mapapala simula noong Biernes. Pero hindi man lang ako nakadalaw sa Run For Your Life jogging event para sa ika-anim na anibersaryo ng sapilitang pagkawala nina Karen Empeo at Sherlyn Cadapan. Wala akong tiyaga sa pagja-jogging, pero tinakdaan ko na ang event na iyon sa mental schedule ko. Hindi ko kayang palitawin si Palparan, kaya ano ba naman ang sumaglit lang doon at magpakita ng suporta. Pero wala e, kill joy ang tag team ng lagnat-siponubo. Ni huling bahagi ng send-off series ni Cynthia Alexander, hindi ko napuntahan. At noong Sabado, tinext pa ako ng nanay kong naglalakwatsa sa Fete de la Musique ng D2 na me, wer na u? Hahaha pgaling k nak. Sarap bunutan ng puting buhok sa kili-kili. Birthday din ng isang malapit na kaibigan noong Linggo at nagyaya siya sa isang libreng painom sa Sarahs. Pero dahil kailangan kong magpagaling, hindi na rin ako nakadalaw. Sayang. Walang halong biro, pero mukhang may krisis din sa libreng painom ang mga kaibigan ko ngayon. Matagal na rin nang huli akong nakatikim ng libreng toma. Pero kailangan ko munang magpahinga ngayong linggo. Mahirap, pero kaya ko namang bigyan ng isa hanggang dalawang linggong palugit ang katawan ko para muli itong makapagpalakas. Hindi baleng magtiis muna sa ilang araw na walang bisyo, kaysa naman sa mabinat at muli na namang matengga sa kama. Habang pinipeste ako ng trangkaso, napagtanto kong ayaw ko talagang maiwang nakikipagtitigan sa kisameng wala namang mata. Mabuti sana kung sa haba ng panahong nakaratay ako sa kuwarto, tulog at namamayapa lang ang ulirat ko. Kaya lang may mga pagkakataong kahit gustuhin ko mang patayin ang switch sa utak ko, pilit talagang nakikipagpatintero ang mga guni-guni kot nakikipaghabulan sa mga naliligaw na muni-muni. Natitisod tuloy ang diwa ko sa mga kuro-kurong hindi ko naman madalas naiisip. Mas magaling nga ba ang The Pixies sa Nirvana? Ilan kaya ang steps sa AS Steps? May nanalo kaya ngayong araw sa lotto? Buhay pa kaya ang tatay ko? Kung minsan, parang paglaban din sa sarili ang pagkakasakit. Kaya simula ngayon, araw-araw na akong magva-vitamins.

OPINYON BALITA Miyerkules 27 Hunyo Miyerkules 2012 27 Hunyo 2012

Anila, kapag gusto mo ang isang bagay, maraming paraan, kapag ayaw mo naman, maraming dahilan

aming mga kamag-anak, hinihiling kong huwag naman sanang dumating ang panahon na isumbat sa amin ito. Alam kong maswerte pa ako na meron pang nagpapa-aral sa akin. At ngayon huling taon ko na sa kolehiyo, kailangan ko nang matapos ito para wala silang

AKO ANG DIYOS AT IKAW AY ANG AKING SINING


Ako ang diyos at ikaw ang aking Sining. Ginawa kita at minahal ngunit alam ko ikaw ay hindi lamang para sa akin; Ikaw ay dapat para sa Mundo, at ang Mundo ay para sa iyo. Alam kong mahal mo ang Mundo at minahal ka rin niya kaya kayo ay nagsama at naging masaya. Ngunit bakit ngayon mukhang nagbago na ang lahat? Ikaw ay kanyang kinalimutan at maintindihan, bakit ikaw ay kinalimutan na kaagad ng Mundo at iniwan kang parang tanga? Hindi ko alam kung anong meron ang Panahon pero tinuruan niya ata ang Mundo na ang daw ay ang dapat. Nakita ko kung paano nagbago ang pakikitungo ng Mundo sa iyo. Ang lungkot isipin na ginawa kita para sa kanya ngunit hinayaan ko lang ang mga bagay na mangyari. Maraming pagkakataon na rin ang lumipas at inisip ko kung pwede bang ibulsa na lamang kita at itago palayo sa Mundo. Pero alam kong makasarili iyon at hindi dapat. Marahil ngayon, iniisip ng Mundo wala ka ng hawak na kapangyarihan para hubugin at patakbuhin siya. Marahil ngayon, akala niya wala ka ng lakas at kakayahang makipagsabayan sa dati ninyong takbuhan. Marahil ngayon, iniisip ng Mundo kaya niyang mabuhay na wala ka. Marahil dahil nariyan na ang Panahon, nakalimutan niya na siguro ang takot na baka ikaw ay maglaho at mawala na lamang. Pero huwag mong isipin, Sining, na ikaw ay itinapon na lamang. Nandito pa naman ako para ikaw ay salubungin ng mahigpit na yakap at isang matamis na ngiti. Alam kong masakit isipin kung paano ka tinatrato ngayon ng Mundo at ng Panahon, pero sana maniwala ka pa rin na sa huli, magiging kayo pa rin. Alam kong hindi ka iiwan nang lubusan ng Mundo sapagkat sa huli, kayong dalawa pa rin ang destinasyon at dumadaan lamang ang Panahon. Pero kung hindi ka pa rin naniniwala, kaya pa kitang hubugin at pagandahin pa kung iyon talaga ang gusto mo kahit perpekto ka na sa aking mga paningin. Kasama ng iba pang mga diyos, pwede naming paikutin at hawakan ang Panahon para maibalik lang sa iyo ang Mundo. Ngunit kapag dumating na ang panahon na kayo ay nagkabalikan, huwag mo sanang iisipin na ako ay malulumbay dahil ako ay iyong iniwan. Ginawa kita para sa Mundo, at ang Mundo ay ginawa para sa iyo. Magiging masaya ako kapag kayo rin ang nagkatuluyan sa huli. Naniniwala ako sa inyong tambalan at alam ko kung ano ako dito sa istoryang ito: Isa lamang akong diyos na may kapangyarihang gumawa at pumiling umibig sa iyo.

Pero huwag mong isipin, Sining, na ikaw ay itinapon na lamang. Nandito pa naman ako para ikaw ay salubungin ng mahigpit na yakap at isang matamis na ngiti

isinantabi na lamang. Nakilala na niya siguro ang Panahon at mukhang siya ay nabighani sa kanya. Wala naman akong balak isuklam ang Panahon sapagkat kahit ako at iba pang mga diyos ay minsan nabibighani din niya. Ang hindi ko lamang

WWW.PHILIPPINE COLLEGIAN.ORG

Inbox

Textback

Eksenang Peyups
ang dating UPIS na naging tahanan ng mga mahuhusay na lider ay mawawala na. :( -2012-25205 Helow, Im a Stat freshie, and I just want to say na sobrang eye-opener ang Kule. Especially the stfap stuffs. Grabe. It makes me sad, but very much aware. Anyway, great publication! Excited ako for every issue. Keep it up! 2012-15350 salamat ate marjohara sa matapang na paglahad ng iyong kwento. unang article sa kule na nagpaiyak sa akin. nakakalungkot man, makamulat mata ito sa totoong estado ng stfap sa up. 0921061 bs ee nakakatuwa ang article ni RC ramdam kong Psych ang course mo, tama ka hndi lng ikaw ang tamad sa mundo madalas kailangan nating hanapan ng dahilan na magsipag ulit. Ipagpatuloy ang pagsusulat ng artikulong gaya nun. 200656793 BS Geog/MS Meteorology

Idiay ayan mi (Doon po sa amin) Statement on Ilocos Region Mining Situation


Kung hindi kami kikilos, para saan pa ang buhay na ibinigay sa amin? Vicente Oliquino, community leader
The article Tinik ng Aromas featured in the Philippine Collegians second issue is a very notable undertaking, depicting the experiences of victims of intensified mining operations along the shores of the Ilocos Region. It was able to show how the natives of Sabangan village successfully opposed the operations of Alexandra Mining and Oil Ventures through organized struggle. Pangasinan and other provinces clustered in the three Northern Luzon Super Regions (Ilocos, Cordillera and Cagayan) have long been subjected to intensive mining operations. Tracing back to Ferdinand Marcoss rule, locals from La Union during that time are living witnesses on how foreign mining corporations took turns in hauling out all the magnetite they could possibly extract from the sea sand. The government enacted all the necessary legislative requirements for these mining companies to easily do large-scale mining operations and legitimize these operations under the pretext of development that promises to generate jobs for the poor and underserved sectors of the province. The mining operations, however, did not have any significant impact in creating stable jobs for the poor and in turn, endangered the lives and livelihood of the people. The natives of these communities were practically displaced from their villages as an aftermath of coastal erosion, attributable to the depletion of magnetite, which holds the sand together and prevents it from being swallowed by the sea. Aquamarine ecosystems have also been dismantled during and after the mining operations, posing danger to the lives of plants and animals, especially to endemic species. Foreign mining in the country has also instigated human rights violations (HRVs). This is reflected in the number of documented cases of HRVs against environmental advocates, human rights defenders and community leaders systematically associated to insurgents, making them vulnerable to politically motivated killings and disappearances. State forces also operate in military encampments inside communities to restrain the community and in the process violate their universal right to organize as one people. The foreign capitalist greed for profit and the subsequent plundering of our resources carried out through State policies are the very facts that need to be exposed and opposed. In the future, a national industrialization program will have to be formulated to address the peoples need for an industry that will really create and secure jobs. We should demand justice for all the Filipinos displaced from their communities, condemn the perpetrators and hold them liable for all the damages they have done against our countrymen. And along with it, lets expose and oppose state military oppression and the subservience of the Philippine state to foreign capitalist interest for minerals and other natural resources. Continue our struggle for a prosperous and better life, now and in the future! JONEL NINENG PADRE JUAN Public information officer and researcher Bantay Amianan Metro Manila network of advocates against mining plunder in Northern Luzon

ANONG MASASABI MO SA UNIVERSITY TOWN CENTER?


ok lng ung town center, tmbayan! ung mga tutol dyan, im sure n ppnta at mkknabang dn yang mga yn gaya ng tekno! :) 09*3110 Iimprove na lang kasi ang Shopping Center. Tsk. 2011-26493 Hindi ko masisi ang UP Admin kung napagdesisyunan nilang magtayo ng University Town Center. Mai-uugat parin natin ito sa mababang subsidyo ng pamahalaan sa mga SUCs tulad nga ng UP. Hayyyy. Sayang ang lupa. Makapagbuntong-hininga na nga lang. 2011-42913 Mr. Pogi nakakahiya ang ginagawa ng ayala land na gamitin ang pangalan ng UP para makakuha ng customers. Ni hindi pa nga nagagawa, may ganong publicity na agad?? User much. 07-66126 Pots

DEH CONIOTIC POSER EDISHUN


Hello there my dears. I am so back! Like Im writing with you on this space again with all this shit I heard. But its not true good to be true. As if the nerd! The hell I care with them. They make my ears bleed ugh! Oh well, heres my vomit: Eww#1: My gosh! We caught these kuyas in action in front of Yakal. Ats if, theyre so full of passion! This kuya from the Diliman blue tower met with another kuya from another ivory tower, in another blue kingdom somewhere in Manila. They dont know that we caught them in pure smiling passion as in it reaches theyre anit! Oh God, so mainit. Like my balls burned in hell. Ugh, and to find out these kuyas from the powerful forces have these hidden stench, eyyyk. Eww#2: Then theres this cute kuya whos holding some red power in Diliman. While two-timing with his boylette, hes also having a red romance with another kuya across the Plaridel. Yes, mother, it is that Plaridel, the man with the funky beard. Gosh, you should know that this kuya in red power has filled the place with so many pheromones. Eeeek! Like its so mabaho and suffocating kaya especially with two-timers like him bweeh. Eww#3: Ill make dagdag pa one more shit. Its so mainit pa naman in deserted Architecture when these two girls from Kulutera office got caught in a rub. Like they were so rubbed on the face by our dear police. Connect me if Im wrong, pinagkamalan kasi ni kuya na part sila nung dugo-dugo guys who made lagim in that alleyway eh. When they got caught these girls howled from their matris, Kuya, kakain lang kami! Oh gosh, kuya your pretensions ah! Oh well, Im sick of tired. Please dont make a fond of me ah. Dears, never ever do that to your women, kakainin nila kayo. Ayaw niyo naman maging bulalo later dibah? Hihihi Go to go! See yah witches!

BALITA Miyerkules 27 Hunyo 2012

KAMPI KA BA KAY ANNABELLE RAMA O AMALIA FUENTES?


Im in favor of Ms. Amalia Fuentes. Dapat lang talaga makahanap na ng katapat si Annabelle kasi antapang masyado,wala na sa lugar. Lahat inaaway. Pati ata poste na haharang sa kanya ggyerahin. Sana matuto sya maging mapagkumbaba despite of all the blessings thats bumping into her. 2012-79231 Chacha BA Phil. Studies Kay amalia fuentes kasi mas siraulo si anabelle rama oh mama haha 0952253 Neither! Pareho lang naman sila nagpapapansin sa publiko. 2012-24515 kay amalia fuentes.magalng umakting eh.ska mdaming kaaway si anabelle rama,sobrang gago nya . 1112040 , frostfire ng orc0m (up manila.)

SAGUTAN
to 11-10847: yun na nga ang problema. Iniisip mo na ang edukasyon natin ay handog sa pangangailangan ng international community. Eh kung yung bayan muna natin kaya ang palaguin? Ano sa tingin mo? Kung di kaya ng mga mamamayan ang kabuuang gastos ng K+12 na edukasyon, may mga gagraduate pa kaya? Ayun lang. Konting analysis pa dear. :-) 09-23746 BA Lingg

PANAWAGAN
Hindi na po ba ibabalik yung column ni Delfin Mercado sa Kule? :( 09-63571 Hello kule. Ngaun lng dn aq uli nakakuha ng copy. I also dont like the new look of kule. Hindi na mukhang newspaper e. Sana ibalik ung dati na may headline man lang sa harap. Puro pix n kc. Saka aus lng dn na personalized ang byline sa features pero wag naman na sana sa news. At sana may umbrella rin. 2011-36480 nasaan na si delfin mercado at ang terminal cases niya? O8-o7994

COMMENTS
To RC Guerrero: Sabi nga nila kay Ninoy, hindi ka nag-iisa! Keep writing awesome articles! -2012-06312 Hi Freshie ako from CAL. Siyempre masakit para sa amin na mga anak ng UPIS, na mawala ang istrukturang naging bahagi ng mga pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa. Naging tahanan namin ito, at lubos kaming napamahal rito. Nakakalungkot pagkat

NEXT WEEKS QUESTIONS:


1. Anong masasabi mo sa $1 bilyong pautang ng pamahalaang Aquino sa IMF? 2. Natawa ka ba sa Kimmy Dora 2?

Key in KULE <space> MESSAGE <space> STUDENT NUMBER <required> NAME and COURSE (optional) and send to
Non-UP students must indiate any school, organizational or sectoral affiliation.

Newscan
EUPHORIA THE FINAL ATTRACTION
On June 29, experience fashion show and party like no other at NuVaine Manila, Tomas Morato! Get your tickets at Rm123, Melchor Hall. Pre-selling - 200php, Door price 250php (UP Engineering Students at P150, P180) RSVP@www.tinyurl. com/Euphoria2012for more details! :) Free flowing drinks, game booths, heart stopping performances, this party is set to bring us a one-ofa-kind party. This surely is an awesome way to kick off the start of school year! See you there!

A NIGHT FOR LORDEI: A FUNDRAISING PROJECT FOR LORDEI HINA


All interested student councils, organizations, fraternities, sororities, and individuals who would like to participate in putting up this event may contact Eds Gabral, the USC Committee on Culture and Arts Head, at 09273841392 or usc.edsgabral@ gmail.com Malaki-laki ang halagang kailangang buuin; kaya, UP Community, sama-sama natin itong bunuin!

INDIEPENDENSYA MASTER CLASS 2: STORY DEVELOPMENT AND VIDEO PRODUCTION


After the successful orientation-discussion held last week, the INDIEpendensya workshop series will continue with the second master class on story development and video production. This will be held on JUNE 30, 2012, 1-5 pm at UP College of Mass Communication Auditorium,Diliman, Quezon City, with instructors Reuel Molina Aguila and Patricia Evangelista. Because we are in this for national sovereignty and freedom, the workshops are open to all participants for FREE. For more information on INDIEpendensya, visit our blog: http://indiependensya.wordpress.com/ INDIEpendensya is sponsored by PinoyMedia Center, Mayday Productions, STAND-UP-CMC, Red Ants Productions and in cooperation with UP College of Mass Communication

BALITA
SECTION
Magdala ng dalawang bluebook at panulat. Akyat lang sa Room 401 Vinzons Hall. Kitakits!

SUMALI NA SA

This year marks the full implementation of the Department of Educations (DepEd) K to 12 (K-12) Program. Below are 12 important points to consider about this new policy, which the Aquino adminstration claims to be the answer to the poor state of basic education in the country:
nds to ent only inte al The governm t of the annu ur percen subsidize fo t next en ation per stud cost of educ year. per of education Annual cost e Alliance rding to th student, acco rs Party-list: erned Teache of Conc P180,000 on nual allocati Average an d high school ry an per elementa dget n DepEds bu student give 99.66 ceiling: P8,6

sly The government allocated a mea budget for education this year. Budget for basic education: P238.9 Budget for state universities 3 and colleges (SUCs) this year: P30. billion The ideal budget for DepEd and SUCs if the government follows the United Nations recommendation to allot six percent of the countrys Gross Domestic Product to education: P858 billion

The government will not provide for DepEds total budgetary requirement for 2013. DepEds proposed budget for 2013, including the funding for the first year of implementation of K-12, based on the departments estimates: P321.91 billion Budget ceiling for DepEd set by the Department of Budget and Management (DBM) for 2013 : P259.25 billion

Schools are ill-equippe d for the adoption of the 12-year basic education cu rriculum. Shortage of classrooms, 2012: 52,758 as of Shortage of books: 95.6 million Shortage of seats: 13.2 m illion Additiona l water and sanitation fa cilities need ed: 150,000

facilities, backlogs in vate To address public-pri ter into Ed will en would Dep , which ips (PPPs) her partnersh c even hig publi nk incur the to think ta cording penses, ac ex ndation. nstructed IBON Fou ms to be co ear to Classroo July this y PPs from 32 through P DepEd: 9,3 rding to e 2013, acco g th July st followin Project co om 00/classro 500,0 d: regular P e of DepE n estimat nstructio co n PPs: P4.6 billio st under P Project co n P9.8 billio

The number of teache rs in the country remains inadeq uate. Additional teachers nee ded for the K-12 program, acc ording to the Aquino administrations Philippine Development Plan: 104 ,000 Remaining shortage of teachers for this year: 18,969

DepEd will instead hire 20,000 volunteer teachers for the kindergarten level to cut employment cost. Daily honorarium of volunteers for every kinder class they handle, according to DepEd: P100

K-12 translates to add ed burden for families. Total family expenses on basic education per child und er the 10-year curriculum, bas ed on IBONs estimate: P145,8 00 Additional expenses per child for the additional two years of basic education und er K-12: P29,160

Due to the additional cost of education under K-12, the high dropout rates being recorded at present may still increase exponentially. For every 100 pupils who enter Grade 1, only 66 finish Grade 6 based on DepEds latest data. Of the elementary graduates, 58 enrol to high school but only 43 complete their secondary education.

K-12s curric ulum discou rages high school stud ents from pu rsuing college and instead push es them to look for tech nical and vo cational jobs The presen . t average nu high school mber of graduates w ho proceed to college, ac cording to D epEd: five in every 10 Estimated number of K-12 graduates w ho would go to college, according to Coordinatin g Council of Private E ducational Associates (COCOPEA ): 3 in every 10

Using K-12 as justification, the government will further abandon funding for tertiary education. Average budgetary requirement of SUCs every year: P32 billion Average annual SUCs allocation from the government in the past five years: P23 billion Average annual decrease of governments share in the budgetary requirement of SUCs since 1987: 4.75 percent

enrolK-12 would result to almost zero to t in college freshman from 2016 men ing to layoffs 2017, subsequently lead among college teachers. the Number of students enrolled in ol of K-12 in 2016, who senior high scho the old should be college students under curriculum: 1 million Estimated total income losses that will inprivate colleges and universities according to COCOPEA: cur due to K-12, P128 billion ols Number of private tertiary scho their teaching staff due to that may cut income losses: 1,604

You might also like