Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

GUBAT NA MAPANGLAW

Sa isang madilim gubat na mapanglaw dawag na matinik ay walang pagitan, halos naghihirap ang kay Pebong silang dumalaw sa loob na lubhang masukal.

Malalaking kahoy ang inihahandog pawang dalamhati, kahapisat lungkot, huni pa ng ibon ay nakalulunos sa labong matipit nagsasayang loob.

Tanang mga baging, na namimilipit sa sanga ng kahoy, ay balot ng tinik may bulo ang bungat nagbibigay-sakit sa kangino pa mang sumagit malapit.

Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy pinakamaputing nag-ungos sa dahon, pawang kulay luksa at nakiki-ayon sa nakaliliyong masangsang na amoy. Karamihay sipres at higerang kutad na ang lihim niyon ay nakasisindak, itoy walang bungat dahoy malalapad na nakadidilim sa loob ng gubat. Ang mga hayop pang ditoy gumagala, karamihay syerpet basiliskoy madla hyenat tigreng ganid na nagsisisila ng buhay na taot daigdig kapuwa

You might also like