Ekonomiks 7

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

EKONOMIKS PAGSUSULIT #7 Pangalan: __________________________ I-Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1.

Ang pagkakaroon ng LAISSEZ FAIRE ay nagdudulot ng __________ a. pagkatanggal ng taripa at iba pang restriksyon sa kalakalan b. pagwasak ng sistemang kapitalismo c. paggamit ng sosyalismo d. walang epekto sa ekonomiya. 2. Mahalaga ang mga mamamayan sa sistemang KAPITALISMO dahil _____________ a. sila ang may tubo b. sila ang mga consumer c. sila ang may-ari ng kapital d. sila ang nagpapatakbo sa pamahalaan 3. Alin sa mga sumusunod ang positibong epekto ng Kompetisyon sa mga konsumer? a. natatalo ang mga kalabang kompanya b. nabibigyang pagkakataon na pumili ng ibebenta c. nagkakaroon ng mataas na presyo d. tumataas ang kalidad ng produkto 4. Kung magpapatuloy ang alitan sa pagitan ng China at Pilipinas dahil sa PANATAG SHOAL (HUANGYAN ISLAND), ano ang maaaring epekto nito sa ekonomiya ng bansa? a. Mapapabuti ang ugnayang pang-ekonomiya ng bansa b. Magkakaroon ng pagbagsak sa export ng Pilipinas papuntang China c. Magsasakripisyo ang China sa pagbili ng produkto ng Pilipinas d. Mapapaigting ang pakikipagugnayang panlabas ng bansa 5. Ang pagkakaroon ng karapatang magmay-ari ng isang pribadong indibidwal, kalayaang pumasok sa negosyo, magprodyus ng mataas at dekalidad na produkto dahil sa kompetisyon at kumita ay mga katangian ng: a. SOSYALISMO b. KAPITALISMO c. PYUDALISMO d. CASIQUISMO 6. KOMUNISMO: pag-aari ng Estado ang mga kapital:: KAPITALISMO: _______________ a. pag-aari ng kapitalista b. pag-aari ng pamahalaan c. pag-aari ng pribadong indibidwal d. pagsososyo ng indibidwal at pamahalaan 7. Ang pagbabago ng presyo o halaga ng bilihin ay dahil sa a. kakulangan ng demand b. hindi pantay na demand at supply c. maraming supply d. sa dikta ng pamahalaan 8. Si Maria ay nais ng cellular phone na maaaring gamiting laptop. Napansin ito ng mga gumagawa ng cellular phone at gumawa ng Personal Computer Tablet with Cellular Phone (PC Tab). Ano ang inilalarawang batayan sa ekonomiks? a. Kailan gagawin ang produkto/serbisyo? b. Paano gagawin ang produkto/serbisyo? c. Ano ang gagawing produkto/serbisyo? d. Para kanino gagawin ang produkto/serbisyo? Petsa: ____________

9. Ang ipinag-uutos na ekonomiya ay nakatuon sa _______________ a. pagpapatatag ng seguridad at militar bago ang ekonomiya b. Estado subalit isinasaalang-alang ang kapakanan ng indibidwal c. pagpaplano ng indibidwal, pamilya, pamayanan o pangkat at bansa d. pagpapayaman ng ekonomiya 10. Isang mekanismo, na ngayon ay itinuturing nang isang lugar, ng interaksyon ng mamimili at nagbebenta upang
magtakda ng presyo at magpalitan ng produkto at serbisyo. a. Ospital b. Mall c. Pamahalaan d. Pamilihan

11.Alin sa mga sumusunod na katangian ng Tradisyunal na ekonomiya ay tama? a. May pribadong pag-aari ang indibidwal b. Nanggaling sa pinakamataas na baiting ang pagplano c. Malayang kalakan ang isinasagawa d. Matatagpuan sa liblib na lugar o pook 12. Ito ay sistemang pangkabuhayan na sinisimbulo ng limitadong pakikialam ng pamahalaan at pagpapahintulot ng pribadong pagmamay-ari a. Tradisyunal b. Pinaghalo c. Pampamilihan d. Ipinag-uutos 13. Ang sistemang pangkabuhayan na pinaghalong sosyalismo at kapitalismo a. Casiquismo b. Komunismo c. Pyudalismo d. Pampamilihan 14. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan ng sistemang sosyalismo? a. Mas mahalaga ang kooperasyon kaysa kompetisyon b. Tumatanggap ang lahat ng pantay-pantay na benepisyo c. Naibibigay ng pamahalaan ang pangangailangan ng tao d. May motibasyon sa tubo 15.Ang halagang isinakripisyo ng isang tao sa pagpili ng ibang alternatibo a. Trade-off

b. Variable cost c. Fixed Cost d. Opportunity cost

II- Isulat ang titik T kung isinasaad ng pangungusap ay tama at M kung mali naman. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

______________ 16. Ang sistemang sosyalismo ay protesta laban sa hindi mabuting epekto ng Rebolusyong Industriyal ______________ 17. Ang Kapitalismo ay kilala rin sa tawag na Free-enterprise economy ______________ 18. Ang tradisyunal na ekonomiya ay nakabatay sa sinaunang gawi at kaugalian ______________ 19. Ang motibasyon sa tubo ay dahilan ng pakikipagkalakal sa sistemang kapitalismo ______________ 20. Mahalaga ang kooperasyon kaysa sa kompetisyon sa sosyalimong ekonomiya

You might also like