Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Liham Pangkaibigan

54 Matatag St. Purok 6, Malolos, Bulacan Ika-20 ng Hunyo, 2008 Mahal kong Narishka, Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi nagkitamula ng lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan sa inyong bahay para makibalita sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa iyo. Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong kaarawan. Salamat at hindi ka pa rin nakakalimot sa akin at maganda nating pagkakaibigan. Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na pasukan.Wala kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna silang tulungan parasa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala, may trabaho na ako bilangisang kahera dito sa atin. Maliit lang ang sweldo pero nakakasapat na rin kahiut papano at nakakatulong din sa aming pamilya. Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo naman ako pagnakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila. Nagmamahal na kaibigan, Airine

LIHAM NA PAUMANHIN
Enero 12, 2008 G. Lorenzo Castro Kolehiyo Administrador Softnet University Dear Sir, Maaring tanggapin ang sulat na ito tulad ng nakasulat na abiso na ako ay hindi pumasok satrabaho noong nakaraang Enero 9, 2008 dahil sa aking namamagang lalamunan at lagnat. Umaasa ako para sa inyong mga uri na pagsasaalang-alang Nang buong puso, Engr. Donald Matic

LIHAM NA PAGBATI
885 Coronado St.Makati, Metro Manila Setyembre 6, 1992 Mahal naming Ana, Malugod ka naming binabati sa iyong pagkapanalo sa Timpalak Pagkukwento noong nakaraangLinggo ng Wika. Kaming lahat ay humanga sa iyong magandang tinig. Tuwang-tuwa kami nang malaman naming ikaw ang nanalo sa siyam na kalahok. Talaga namang mahusay ang ginawa mong pagkukwento. Parangtotoo ang iyong sinasabi at natural ang iyong pagkilos. Marahil, ang isa pang ikinapanalo mo'y angiyong mahusay na paghikayat sa mga manonood. Talagang magaling ka! Kaming lahat ay bumabati sa iyo. Ang iyong mga kamag-aral, 5-GO LD

LIHAM NA PAANYAYA
97 Tikay, Malolos Bulacan Mayo 17, 1992 Mahal kong Betty, Sa darating na Sabado ay kaarawan ko. Inaanyayahan ko kayong lahat sa isang munting salu-salo saaming bahay-bakasyunan sa Malolos, Bulacan. Ito ay magsisimula sa ganap na ika-2:00 ng hapon. Isama mo ang iyong mga kapatid at magulang. Inaasahan ko kayong lahat. Nagmamahal, Lota

LIHAM NA PAKIKIRAMAY
130 Lealtad Sampaloc, Manila Mayo5, 1992 Mahal kong Linda, Kaming magkakaklase ay nakikiramay sa pagkamatay ng iyong Lolo Sebyo. Huwag kang labisna malungkot. Ipinagdarasal namin ang kanyang kaluluwa. Nawa ay maging matahimik siya sakabilang buhay. Ipahatid mo sa iyong pamilya ang aking pakikiramay at ng aking mga kamag-aral. Ang iyong kaibigan, Amy

You might also like