Demo For Dep-Ed

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan III Kasaysayan ng Daigdig ANG PAGTUKLAS AT PAGGALUGAD NG MGA LUPAIN I.

. MGA TIYAK NA LAYUNIN A. Nagtatalakay ang ibat ibang kadahilaan ng pagtuklas at paggalugad ng mga lupain noong ika labinlimang siglo B. Natutukoy ang mga bansang nanguna sa pagtuklas at paggalugad ng mga lupain sa pamamagitan ng pangkatang pag aaral at pagtunton sa mapa ng daigdig C. Napahahalagahan ang ibinunga at kapakinabangan dulot ng pagtuklas at paggalugad ng mga lupain. II. NILALAMAN A. Pangunahing Paksa ANG PAGTUKLAS AT PAGGALUGAD NG MGA LUPAIN B. Tiyak na Paksa 1. Mga Dahilan ng Pagtuklas at Paggalugad 2. Mga Bansang nanguna sa Pagtuklas at Paggalugad 3. Mga Bungan g Pagtuklas at Paggalugad C. Mga Kagamitan Mapa ng Daigdig Mga Tulong Biswal: (Kartolina, pentel pen/ chalk, chart, flashcards/ strips) D. Mga Sangguniang aklat a. Gonzales, Andrew F. at Velez, Cristina R. Ang Kasaysayan ng Mundo Phoenix Press, Inc. 1998, pages 178 190 b. Soquila, Rheena M. at Gonzales, Zenaida A. Ang Daigdig Ebolusyon Metamorposis Bagong Lipunan. Pahina 202 206 c. Zaide, Gregorio F. Kasaysayan ng Daigdig Rex Bookstore, 1986, pages 233 242 d. The New Book of Knowledge, Groiler Incorporated. Copyright 1998, pages 405 413
1

III. PAMAMARAAN GAWAING GURO A. Panimulang Gawain 1. Pagbati Magandang umaga sa inyo mga mag aaral 2. Pagtatala ng lumiban Maaari bang mag ulat an gating kalihim kung merong lumiban sa araw na ito? Very Good ! (Mahusay) 3. Pagpapasa ng takdang aralin (Iwawasto ng guro) 4. Pagbabalik aral (Itatanong sa mga mag aaral ang nakaraang aralin) B. Paglinang ng Aralin a. Pagganyak / Lunsaran Ang mga mag aaral ay pabubunutin ng ibat ibang kulay ng pirasong papel sa loob ng isang kahon. Ang mga mag aaral na nakakuha ng pare parehong kulay ay magsasama bilang pangkat. Unang Pangkat Pangalawang Pangkat Ikatlong Pangkat Pang apat na Pangkat Panglimang Pangkat Portugal - Espanya - Inglatera - Nederlands - Pransiya Wala pong lumiban sa araw na ito ! Magandang umaga rin po Guro! GAWAING MAG AARAL

Ngayon at napangkat na kayo sa limang bansa, meron na ba kayong ideya sa ating aralin ngayong umaga?

Maari pong ang ating aralin ay tungkol sa bansang Europeo.

Sa limang bansa nga nakatuong ang ating aralin ngunit patungkol saan? ( Ipapaskil ng guro ang isang larawan ng bapor) Tingnan ang larawang nakadikit sa pirasa. Mga mag aaral tukuyin ang ating bagong aralin.

Guro, ang atin pong aralin sa araw na ito ay tungkol sa pagtuklas dahil ang mga bansang nabanggit ay nanguna sa gawaing ito at ang bapor ay sumisimbulo sa paglalakbay.

Mahusay! Tama! ang iyong kasagutan. Nais kung makinig kayo sa mga gawain at talakayan upang lubos na maunawaan ang isa na naming mahalagang aralin. b. Paglalahad / Pagtalakay Ang pagtuklas at paggalugad ng mga Europeo ay naganap noong labinglimang siglo. Bigyan at ipaliwanag muna natin ang kahulugan ng pagtuklas at paggalugad. Ang paglalakbay sa mga lugar o bansa upang malaman ang ibatt ibang bagay, tao at kultura. Tuwirang pagtuklas at pag aaral sa mga bagay at natatanging impormasyon sa lugar o bansang narating. Ngayong naunawaan na ninyo ang kahulugan ng pagtuklas at paggalugad. Alamin naman natin ang mga kadahilanan na nagbunsod ng gawain. Sa inyong pagkakaunawa bakit ang mga Europeo ay nanguna sa pagtuklas? Sila po ay nagkaroon ng interes na tumuklas ng mga bansa o lupain dahil nais nilang matuklasan ang mga likas na yamang kanilang mapapakinabangan.

Tama! Kayamanan ay isa sa dahilan kung bakit sila nagnais na tumuklas ng mga lupain. May iba pang dahilan kung bakit sinimulan ng mga Europeo ang pagtuklas. Ano pa ang ilan sa mga paliwanag?

Karamihan po sa mga bansang ito ay mga Kristiyano, ninais din po nilang maipalaganap ang kanilang relihiyon.

Magaling! Tama ang iyong sagot. Sa mga natuklasan nilang tao ipinalagana- nila ang kanilang relihiyon/pananampalataya kahit kung minsan hindi nila ito tanggap. Meron pa ba kayong alam na dahilan. Maaari bang ibahagi sa klase?

Kung sila po ay nakatuklas ng mga lupain at iba pa nagiging tanyag po sila sa Europa at ibang dako ng daigdig.

Mahusay isa rin yan sa nagganyak sa kanila, dahil ang Katanyagan/Kadakilaan ay binibigyan ng pagpapahalaga ng mga Europep sa kadahilanang napapanatili nila ang kanilang kapangyarihan. Pinangkat ko kayo kanina sa lima, bibigyan ko kayo ngayon ng gawain PANGKATANG PAG AARAL Panuto: 1. Isusulat niyo sa bawat chart ang mgat aong nanguna sa pagtuklas at paggaglugad at ang mga lupain na kanilang narating. 2. Pumili kayo ng isang tagapag ulat at ipapaliwanag niya ang inyong ginawa sa harap. 3. Humanda sa isang malayang talakayan pagkatapos ng pag uulat.

Portugal

Espanya

Nederlands

Inglatera

Pransiya

Malayang Talakayan Bigyan ng pagkakataong magtanong ang mga mag aaral sa bawat pangkat

Anu ano ang mga bansang nanguna sa pagtuklas at paggalugad? Tama! Sila ay ang mga bansang may kakayahan, may puhunan at magagaling na nabigador at manggagalugad. May ambisyon din silang manakop kayat sinimulan nila ang ekspedisyon. Dumako tayo sa ibinunga ng pagtuklas at paggalugad ng mga Europeo ang mga lupain sa ibat ibang bahagi ng daigdig. (Sa pamamagitan ng mga flashcards/ strips, makapagbibigay ng paliwanag ang mga mag aaral)

Ang mga bansa pong ito ay ang Portugal, Inglatera, Espanya, Nederlands at Pransiya

Ibinunga ng Pagtuklas at Paggalugad ng mga Lupain

Mga Mahalagang Bagay

May mga bagay po na wala na isang bansa na matagpuan sa ibang lugar dahil ditto, ang mga bansang nanguna sa pagtuklas ay higit pang yumaman. Higit pong dumami ang kanilang impormasyon sa heograpiya ng daigdig dahil sa pagtuklas at panggalugad. Nabago ang sistema ng pananampalataya ng mga taong kanilang natuklasan kahit kung minsan ay sa sapilitang paraan. Nakilala po sila sa buong daigdig lumakas ang impluwensiya at baling araw higit na dumami ang knailang sakop kalakip nito ang paglakas ng kanilang kapangyarihan. Lumakas po ang merkado na maaaring paglagakan ng ibat ibang produkto, ito po ang nagging dahilan ng pag unlad ng Rebolusyong Komersyal.

Anyong Lupa at Tubig (Likas na Kayamanan) Relihiyon (Pananampalataya)

Kalakalan at Kasunduang Pandaigdig

Rebolusyong Komersyal

c. Pangwakas na Gawain a. Pagbubuod Tatawag ang guro ng mga mag aaral upang magbigay ng maigsi ngunit may katuturang kaisipan at paliwanag tungkol sa mga tanong na hango sa tinalakay. Ito ay gagawin upang lubos na maunawaan ng mga mag aaral ang mga mahalagang pangyayari sa Panahon ng Pagtuklas at Panggalugad ng mga lupain.

1. Bakit nagkaroon ng interes ang mga Europeong tumuklas at manggalugad sa ibang bahagi ng daigdig noong labinglima hanggang labingwalong siglo?

2. Anu ano ang mga natuklasan at nagalugad ng mga Europeo sa panahong ito? Magbigay ng halimbawa.

3. Ano ang mga ibinunga ng Panahon ng Pagtuklas at Paggalugad ng mga Lupain?

Mga Katanungan b. Pagpapahalaga


1. May mabuting naidulot ba ang ginawang pagtuklas ng mga Europeo sa pagtuklas ng mga Europeo noon sa kasalukuyang panahon? Pangatwiranan ang sagot 2. Bilang mga mag aaral ano ang kapakinabangan ng pagtuklan na mga bagay bagay at kaalaman?

ITANONG:
6

IV. PAGSUSULIT Panuto: Basahin ng tahimik at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Sagutin at isulat ang tamang sagot sa isang kapat na bahagi ng papel. __________________ 1. Ang pagtatalakay, at tuwirang pag aaral sa mga bagay, lugar at natatanging impormasyon hinggil sa isang bansa na naririnig ng mga taong naglunsad ng mga ekspedisyon. __________________ 2. Manggagalugad na nakarating sa isang pulo sa Bahamas noong 1492 at natuklasan ang tinatawag na New World. __________________ 3. Siya ay naglakbay upang hanapin ang fountain of youth at nadiskumbre ang Florida. __________________ 4. Isang lungos (cape) na malapit sa Timog Africa na inikot ng Bartholomew Diaz noong 1488. __________________ 5. Bansang narating ni Pedro Cabral noong 1500 __________________ 6. Ginalugad niya ang Australia at pinangalanan ang katimugang bagahi nito na Tasmania __________________ 7. Lugar na narating ni Francis Drake na tinawag niyang New Albania __________________ 8. Lunsod sa Hilagang Amerika na narating at nasakop ni Samuel de Champlain. __________________ 9. Isang nabigador na Portuges na naglingkod sa Espanya/ napatay sa labanan sa Mactan noong Abril 27, 1521 ng mga mandirigmang Pilipino ni Lapu Lapu. __________________ 10. Uri ng gawain na ang layunin ay maghanap ng mga bagay, lugar, tao at makaalam ng ibang kultura na hindi pa natatagpuan o kaya ay hindi pa nalalaman. V. TAKDANG ARALIN Panuto: magsaliksik upang masagot ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa isang buong piraso ng papel na hindi lalagpas sa tatlong pangungusap. a. Saan at kalian nagsimula ang Rebolusyong Industriyal? b. Anu ano ang mga pangyayari na naging daan upang magkaroon ng Rebolusyong Industriyal? c. Anu ano ang mga naging bunga ng Rebolusyong Industriyal?

Sangguniang aklat Ang Daigdig.. Ebolusyon Metamorposis: Bagong Lipunan. Pahina 207 - 209
7

You might also like