First Love

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ONE SHOT STORY First Love By: Wave

Grade four pa lang ako ng lumipat na ako ng Batangas from Manila. Mahirap mag adjust pero mukhang nasanay na ako. Palipat lipat kasi kami ng bahay. Kung saan may work si mama dun din kami para malapit lang. Pero ng nag ibang bansa sya sa Batangas na kami tumigil dahil taga-doon si papa.

Simple lang ang buhay doon. Masarap tumira dun pero syempre Manila girl ako namimiss ko ang SM at ang mga friends ko.

Okay naman. Mabilis akong nakakilala ng mga bagong kaibigan until one day...

"Sino yun?"

"Ah si Ralph. Pinsan ko"

sabi ng bestfriend ko. Nakapila kami sa front ground ng school para sa flag ceremony. Kamukha nya yung crush ko sa isang horror TV series. kaya from that day on... Nawili akong tingnan sya everytime sila magtataas ng flag.

Lagi na rin ako sumasabay sa bestfriend ko mag recess para lang makita sya...

two years and tanda nya sa amin pero magka-barangay lang kami.

nalaman ko rin na naggigitara pala sya.. kaya one night sinamahan ako ng bestfriend ko sa house nila para magpaturo. gosh he's soo cute lalo na sa malapitan.

"Ralph nga pala" he said tapos nakipag kamay naman ako. Hindi ako makapagsalita grabe nanginginig pa ako

"Magpapaturo kasi tiong si Rhima sa stramming ng STAY"

"Ah..ano kasi..uhm... favorite ko kasi yun"

"Ah? Talaga? Sige. Favorite ko rin ang song na yun. tamang-tama"

at ayun tinuruan na nya ako...It's the most unforgettable night to me.

it's been a year..grade 5 na ako pero hinahanap hanap ko pa rin sya. graduate na sya pero hindi ko alam kung saan sya nag-aaral.. hindi ko naman matanong si bestfriend Sally dahil nahihiya ako.

first year na ako..dami nangyari nung elementary ako.. grabe.. new life..new crush..

Si Ralph yun ahh O_O

well we're on the same school again. First year ako at third year na sya.. lakas ng tibok ng puso ko..

pero this time gumawa ako ng paraan para makasama sya..

yun nga lang..nalaman kong..

"Oo wala daw GF yun NGSB... magpapari daw kasi"

"Sayang. gwapo pa naman sya"

naiyak na ako. ewan ko kung bakit. ewan ko kung bakit ang sakit.

one year na ulit ang nakalipas pero sya pa rin ang gusto ko... at after ng flag ceremony..

"Gusto ko lang i-congratulate si Ralph dahil nakapasa sya sa examination na ginawa para sa mga gusto pumasok sa seminaryo"

kitang kita ko ang inosenteng ngiti nya ng tumayo sya sa harap ng lahat at pinapalakpakan sya..

the next thing I know is nasa clinic na ako. "Anong nagyari?"

"Nahimatay ka sa flag ceremony kanina. Kumain ka ba?"

"Oo. Mainit lang siguro kaya ganun sorry"

"Sa susunod mag iingat ka"

marami pang sinabi si Sally pati yung nurse pero wala akong marinig

magpapari sya...

magpapari sya...

paulit ulit lang yung sa utak ko. Pinauwi muna ako ng teacher ko...

Crush ko lang sya pero bakit ganito... Bakit ganito ako sa kanya...

Pinigilan ko ang sarili ko at nagmahal.. Nagka BF ako... Classmate nga lang nya at the more na iniiwasan ko sya the more napapalapit ako sa kanya.

Bakit napakamapaglaro ng tadhana?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Masakit pa rin sa tuwing naaalala ko ang mga panahong iyon kahit third year college na ako. After ng first BF ko wala pa din akong BF sa ngayon. Sa manila ako nag-aaral ngayon pero everytime uuwi ako ng Batangas nakikita ko sya sa simbahan o minsan sa bahay nila.

iniiwasan ko sya but why do he need to make my heart beats fast?

bakit kailangan pa nya akong tingnan na parang he knows me that much?

hanggang ngayon... sya pa rin ang gusto ko..

my first love

would be my

unrequited love

You might also like