Professional Documents
Culture Documents
Mga Kilalang Pilipino Sa Sining at Panitikan
Mga Kilalang Pilipino Sa Sining at Panitikan
May malaking kahalagahan ang sinig at kultura sa buhay ng bawat Pilipino. Kinagigiliwan nilang umawit, sumayaw, tumugtog, sumulat, at gumuhit. Dahil dito, marami silang mga bantayog na mang-aawit, manunulat, manunugtog, kompositor, at pintor. Kilala si Julian Felipe sa kanyang tugtugin o kompositiong "Himno Nacional Filipino." Ipinalikha sa kanya ni Heneral Emilio Aguinaldo ang makabayang musikang ito para sa kalayaan ng bansa. Unang ipinarinig ang tugtuging ito noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Iyan ang pinagbatayan ng kasalukuyang pambansang awit. Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng organ sa simbahan ng Cavite. Isa pang kilalang Pilipino sa larangan ng musika si Nicanor Abelardo. Magaling siyang tumugtog ng mga instrumento gaya ng guitara, biyulin, cello, at piyano. Isa rin siyang kompositor tulad ni Julian Felipe. "Nasaan Ka, Irog?" ang isa sa kanyang tanyag na mga komposisyon. Ang iba pang mga kinatha niya ay ang mga sumusunod: My Native Land," "Motherland," "Bituing Marikit," at "National Heroes Day." Mayroon din kilalang biyulinista. Siya si Gilopez Kabayao. Natutuo siya ng biyulin mula sa kanyang ama nang siya ay pitong taong gulang pa lamang. Marami na siyang pinagwagihang paligsanhan sa pagtugtog ng biyulin sa ibang bansa. Nagbibigay pa siya ng walang bayad na konsiyerto para sa mga batang mag-aaral. Si Cecile Licad naman ay isang tanyag na piyanista sa buong mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano. Isa siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa
pagtugtog ng piyano.
Tinaguriang isa sa magagaling na eskultor ng bansa si Guillermo Tolentino. Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.
nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas. Graciano Lopez Jaena
Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata."
Si Del Pilar, na nakilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena sa pagiging patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling ginagawa ng mga prayle.
Francisco Baltazar
Jose Palma Isang makatang kawal si Jose Palma. Siya ang sumulat ng tula sa Espaol na may titulong "Filipinas" bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe. Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang isang manunulat.
Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag
na
Lope K. Santos
Mandudula rin si Nick Joaquin. Ngunit higit siyang kilala bilang kuwentista at nobelista. Ang The Woman Who Had Two Navels ang kanyang pinakamahalagang nobelang nagtatampok sa mga gawi at pag-uugali ng mga Pilipino. Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait of the Artist as Filipino.
N.V.M. Gonzales
Amando V. Hernandez Si Amado V. Hernandez ang makata ng mga mangagawa. Siya ay naging patnugot ng pahayagang Pakakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya ng mga nobela, kuwento, at dula. Siya ang kauna-unahang manunulat sa wikang pambansa na kinilalang National Artist. Kabilang sa kanyang mga popular na tula ang "Isang Dipang Langit," "Bayani," at "Bayang Malay."
Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni Nick Joaquin. Ang The Bamboo Dancers ang pangunahing nobelang kanyang isinulat. Kinikilalang kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na maiikling kuwento sa bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa.
Nick Joaquin
Gabriel "Flash" Elorde Isa sa mga batikang boksingero ng Pilipinas si Flash Elorde. Marami siyang napanalunang medalya sa larangan ng boksing na internasyonal. Matulungin tao siya. Nagpatayo siya sa isang gusali sa Paraaque na pinagdarausan ng mga paligsahan sa boksing sa kasalukuyan. Tinatawag itong Elorde Sports Compex.
Sina Jaworski at Fernandez ang mga tanyag at magagaling na manlalaro sa basketbol. Marami na silang nasalihang mga kompetisyong internasyonal.
Isang tanyag na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at ibang bansa si Paeng Nepomuceno. Marami na siyang napanalunang World Cup. Ang disiplinado niyang pagsasanay ay nagbubunga ng pagwawagi niya sa Pilipinas at sa ibang bansa. Naging isa sa mga Ten Outstanding Young Men (TOYM) si Paeng nang siya'y 20 taong gulang pa lamang. Siya ang pinakabatang binigyan ng ganitong karangalan. Pinarangalan din siya noong 1976 at 1980 bilang Sportsman of the Year.