Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

INTRODUKSYON Ang Mag-anak na Cruz ay isang nobelang isinulat ni Liwayway A. Arceo na nagpapakita ng mga pagpapahalagang Pilipino.

Sumasalamin ito sa isang simpleng mag-anak na Pilipino na nasa panggitnang antas ng makabagong panahon,at namumuhay sa kalunsaran. Ito ay mayroong pamalit titulo na Katha na Pumapaksa sa Pagpapahalagang Pilipino dahil dito ipinahayag ang mga kaugalian, tradisyon, katangian at kapintasan ng tao, na kahit sa paglipas ng panahon ay labis paring binibigyang pansin. Ito ay umiinog sa mga pangyayari sa araw-araw na pamumuhay ng Pamilya Cruz. Ipinapakita dito ang pakikisalamuha at pakikihalubilo sa ibat ibang uri ng tao. Ang Mag-anak na Cruz ay unang nalathala sa lingguhang Liwayway noong ika-26 ng Abril 1954 hanggang ika-12 ng Setyembre 1960, atmay kabuuang 333 kabanata. Ito ay batay sa mga tunay na tao at totoong mga pangyayari. Mga kuwento ng ating sarili, at kasasalaminan ng katauhan ng isang Pilipino. Si Liwayway Arceo ay isang Feminista; pangunahing mangangathang Pilipino na masinop at mahigpit sa pagsusulat na gumagamit ng estilong naglilinang sa mga tauhan, nagpapahalaga sa pagbalangkas ng mga pangyayari, mabusisi sa saloobin at pananaw ng katha, gumagamit ng malikhaing saliksik, at ang pagkasangkapan sa guniguni upang maiangat ang realidad sa higit na mataas na antas. Itinaas ng gaya ng mga akda ni Arceo ang kalidad ng mga kuwento at nobelang pangkomiks, at hinatak ang mambabasa na magtuon sa bagong libangan: libro. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Pilipinas; isa na dito ang Mag-anak na Cruz.

BUOD Ang Mag-anak na Cruz ay nagbubukas sa unang mga taon ng pagiging mag-asawa nina Remy at Tinoy. Mayroon silang dalawang anak na babae, si Baby at June. Ang pamilyang Cruz ay isang simpleng mag-anak na ang pamumuhay ay di nalalayo sa karaniwang mamamayang Pilipino. Tinatalakay dito ang iba't ibang pangyayari (maliit at malaki) sa buhay nila. Isinasaad sa katha na ito kung paano ang mabilis na paglipas ng panahon at ang pagbabagong hatid nito ay nakakapagbigay ng pagsubog na susubok sa isang pamilya. Hinarap ng kanilang pamilya ang magkakaibang takbo ng panahon at mabilis na pagbabago nito at kung gaano katatag nilang hinarap ng mga ito. Ang kasaysayan ng mga Cruz ay di lamang umiinog sa kanilang tahanan kundi pati narin ang pagiging bahagi nila sa kanilang pamayanan. Naipapakita ng kanilang pamilya ang kaugalian, tradisyon, katangian, kapintasan ng tao, at kultura na sumasalamin sa buhay na maipagkikilanlan natin sa ating mga kababayan, gayon na din sa ating mga sarili. Guminhawa ang buhay ng pamilyang Cruz. Napagtapos nila ng kolehiyo ang kanilang dalawang anak. Nakabuo din ng sariling pamilya si Baby at June. Natapos ang aklat sa pag-alis nina Remy at Tinoy patungong Estados Unidos.

TAUHAN Si Remedios Cruz na kilala bilang Remy ay ang ilaw ng tahanan ng mag-anak na Cruz. Si Remy ang pangunahing tauhan sa mga maiikling kwentong bumubuo sa nobela. Sa mga paunang kwento, siya ay isa lamang tipikal na maybahay; laging nasa bahay at inaalagaan ang anak at asawa. Siya ay isang modista na nagmamay-ari ng kanyang sariling patahian. Ipinakita si Remy sa kuwento bilang isang asawa, ina, lola, entrepreneur, at kaibigan. Ipinakita sa kuwento kung paano niya harapin ang samut-saring pagbabago, hindi lang sa relasyon niya sa ibang tao, kundi ang paraan ng pagtanaw niya sa mga kaugalian. Siya ay protective sa kanyang mga anak at mga mahal sa buhay. Si Remy ay taong punong-puno ng pagtataka, mapagmasid at kung minsan ay palaisip. Lagi siyang nagtataka sa mga bagay bagay na nasa kaniyang paligid. Lagi niyang pinupuna ang mga bagay na hindi niya nakasanayang gawin o makita tulad na lang ng mga paiba-ibang tradisyon nating mga Pilipino. Lubos-lubos ang pag-aalala niya sa kanyang mga anak at lagi niyang iniisip ang kapakanan ng mga ito. Isinasalamin ni Remy sa kuwento ang isang mapagmahal at mapag-arugang ina.

sa kanilang mga anak. Isang mabuting asawa at ama si Tinoy. Mabilis din nyang nasabayan at naintindihan ang pagbabagong naganap sa kanilang pamilya sa paglipas ng panahon. Si Baby Cruz ay isang masunuring anak na babae, ngunit mayroon din siyang sariling pag-iisip at hindi siya natatakot na kumilos upang sundin ang kanyang damdamin. Bilang isang bata, si Baby ay kuntento sa kanilang paraan ng pamumuhay. Hindi siya ang tipo ng bata na mapaghangad. Nasa aklat din ang pagdadalaga ni Baby, ang una niyang parti and unang manliligaw. Ngunit sa huli ay ibang binata ang nakatuluyan ni Baby. Ipinapakita nito na hindi nakukuha ang isang matatag na pagsasama sa isang tingin lamang. Siya ay nagtapos sa kolehiyo, at lakas-loob na nagtungo sa Estados Unidos. Doon ay nag-asawa siya, lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Bumalik din siya sa Pilipinas at dito na itinaguyod ang kanyang pamilya. Si June Cruz ay ang pangalawa at panghuling anak nina Remy at Tinoy. Malapit sila ng kanyang ate. Si June ang mas maambisyon sa dalawa, ngunit sa aking palagay ay ang mas mahina ang loob. Pinagsumikapan niyang makatapos ng kolehiyo at naging isang nars. Doon niya nakilala ang kanyang unang pag-ibig, at labis siyang nasaktan nang magkasal ito sa ibang babae. Akala niyaa hindi na siya muling iibig pa, ngunit nakilala niya si Fred, isang doktor mula sa mayamang pamilya, na kanyang mapapangasawa.

Si Faustino Cruz na kilala bilang Tinoy ay ang haligi ng tahanan ng maganak na Cruz. Isa siyang mabuting ama, asawa, at kaibigan ngunit minsan ay sinusumpong ng mga mood swings. Handa siyang tumulong at hindi makahindi sa mga malapit sa kanya, kahit ng sa huli ay napapasama pa siya. Si Tinoy ay magaan ang loob, at siya ang taga-pawi ng kaba at mga agam-agam ni Remy sa mga bagay-bagay. Si Tinoy ay hindi katulad ng ibang haligi ng tahanan na talagang namumuno sa buong bahay, kumbaga, mahigpit. Si Tinoy ay isang masayahing tao, hindi mainitin ang ulo. Siya ang laging tagapakinig ng mga kuwento ni Remy. Lagi din nitong napapansin o nalalaman agad ang saloobin ng kanyang asawa pag dating

PAG-UUGNAY Ang nobelang ito ay Bilang isang batang mambabasa ay unang beses kong makabasa ng ganitong makatotohanang katha. Tunay na hindi ganoon kadali maengganyo sa pagbabasa ng nobelang gaya nito, lalo nat ito ay naihahanay sa mga pang dalubhasang basahin. Ngunit ang lubos na nakakamangha ay naipadama ng nobelang ito ang mga damdaming ating nakakasagupa sa araw-araw. Labis din na papuri ang aking maisasambit sa mga tauhang sumasalamin sa tunay na kulay ng pagbabago sa paglipas ng panahon. Ang kasimplehan sa pagpapahayag ng katauhan ng mga tauhan ay nagdulot din ng mabilisang pagkalinaw sa mga mambabasa upang labis na maunawaan ang nais iparating ng katha. Magaling ang naging istilo ng awtor sapagkat ang maiikling kwento ay kanyang pinagsama-sama hanggang siya ay nakabuo ng kasaysayan. Mayroon nga lamang mga pangyayaring hindi direktang pinaalam sa mambabasa, tanging mga talakayan na lamang ang magpapahayag kung ano na ang galaw ng mga pangyayari. Sa nobelang itoy marami akong natuklasan na nakaapekto sa ilang paniniwala ko sa buhay. Dito ay aking napagtanto kung ano nga ba ang ibat-ibang kaisipan at damdamin lalong lalo na ng isang ina na binigyang katauhan ni Remy Cruz. Naliwanagan ako sa tunay na

DIYALOGO Makikita sa kuwento ang ibat ibang antas ng wika. Ang mga salita sa kuwento ay madalas naririnig at ginagamit pa din sa modernong panahon. Ngunit masasabi kong ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga dalagat binata sa panahon ngayon dahil sa may mga talakayan na hindi madalas ginagamit ng mga kabataan sa modernong panahon. May mga medyo malalim na mga salitang mababasa rito. Mahirap man basahin ng isang taong hindi gaanong maalam sa wikang Tagalog. Ang mga kwentong nito'y simple -- ngunit puno ng kahulugan. Lahat sila'y nag-papakita ng aspeto ng Pilipino.

buhay ng may pamilya at ang mga nasasaloob dito na hindi natin madalas mapansin.

Ang Mag-anak na Cruz ay naglalahad ng mga karanasan at pagbabago na nagaganap sa isang tipikal na pamilya sa Pilipinas. Ang mga sitwassyon si kwento ay maaaring magyari sa kahit sinuman. Ang akda ay may simpleng pamagat dahil simple rin lamang ang kwento. Hindi ito isang buong nobela kunin mga maiikling kwento tungkol sa mga araw-araw na pangyayari si buhay ng mag-anak ng Cruz. Ang may-akda ng aklat ay si Liwayway A. Arceo. Isinulat niya ang aklat bilang tugon sa mga pangayayari sa lipunang Pilipino, lalo na sa mga pamilya. Ipinakita niya nag kahalagahan ng pamilya at ang tamang kumbinasyon ng mga lumang paniniwala ant makabagong paraan.

KONKLUSYON Tunay na kahanga-hanga at kagilagilalas ang nobelang likha ni Liwayway Arceo na Ang Mag-anak na Cruz. Ang bawat mambabasa ay makakatagpo ng mga pangyayaring maari nilang ipahintulad sa kanilang mga sariling karanasan. Ang nobela ring ito ang makakapagsariwa sa ating mga alaala ng mga kaugaliang unti-unti nang nalilimot ng panahon. Marami ring makukuhang leksyon ang mga mambabasa, hindi lamang sa pangtahanan, gayon na rin sa panglipunan. Ako man ay isang baguhang mambabasa lamang na mas naeengganyo sa mga librong di makatotohanan ang mga pangyayari ay masasabi ko paring tunay na kakaiba at kagilagilalas ang kasimplehan ng nobela na tiyak na magpapahanga sa bawat taong magbubuklat nito. Isang makabuluhang pagtingin sa pang-araw-araw na buhay ng Pinoy.

You might also like