Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG MADALDALNA PAGONG Isang umagang maganda ang panahon na nagkita-kita sa tabing-sapa angmagkakaibigang si Pagong Daldal,, si Abuhing Gansa

at si Puting Gansa. Nagkuwentuhan sila,di nagtagal nagpaalam ang magkapatid na gansa.Isama niyo naman ako sa inyong tirahan sa kabilang ilog pakiusap ni PagongDaldal.E, paano ka naming maisasama ay wala ka namang pakpak at hindi kamakakalipad? wika ni Abuhing Gansa.Oo nga,wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot. Sandali may naisip ako, wika Puting Gansa. Maiisama ka naming kung susunodka sa aking sasabihin.Salamat. Ipapangako kong susunod ako sa ipag-uutos ninyo, wika ni PagongDaldal.Kumuha ng patpat si Puting Gansa at saka ipinaliwanag ang dapat gawin ni PagongDaldal.Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin naman naming ni Abuhing Gansaang magkabilang dulo at saka tayo lilipad. Kaya lamang, ito ang tatandaan mo. Huwag nahuwag ka magsasalita kung hindi ay mahuhulog ka at lalapak sa lupa.O, hala. Tayo na, kagatin mo na ang patpat, kaibigang Pagong,wika ni PutingGansa. Tandaan mo,huwag kang magsasalita. Wala kang pakpak at kapag nakabitiw ka,tiyak na lalagpak ka sa lupa.Hindi ako magsasalita,pangakong muli ng Pagong Daldal.Kinagat ni Abuhing Gansa ang isang dulo ng patpat at ang kabilang dulo ay kinagatni Puting Gansa. At sila ay lumipad na.Tuwang-tuwa si Pagong Daldal nang nasa ibabaw na sila ng mga punong kahoy!Waring naakyat sa langit ang pakiramdam ni Pagong Daldal.Nakita ng mga batang nagsisipaglaro sa parang ang lumilipad na pagong. Naghiyawan sila sa tuwa at itinuro nila ang pagong na kagat-kagat ang patpat!Tignan ninyo ang Pagong Daldal! Lumilipad!Ha!Ha!Ha!Ha!Ha!Ha!Nagalit si Pagong Daldal.Hindi natapos ang iba pang sasabihin ng Pagong Daldal. Tuloytuloy siyang bumagsak sa lupa.Kaawa-awang Pagong! nawika na lamang ni Puting Gansa at ni Abuhing Gansa.

You might also like