Professional Documents
Culture Documents
K To 12 Sa Kolehiyo
K To 12 Sa Kolehiyo
ATTENTION: Mga Guro sa DEPARTAMENTO ng FILIPINO TUNGKOL SA: K to 12 sa Kolehiyo at Senior High School PAKSA: PAGBUWAG sa Mga Departamento ng Filipino Alinsunod sa K to 12 EBIDENSYA:
* MULA SA presentasyon (29 August 2012) ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali, Esq.: http://ceap.org.ph/upload/download/20129/1881921971_1.pdf MALINAW RITO NA WALA NANG ITUTURONG ASIGNATURA sa General
Education Curriculum ang mga Departamento ng Filipino! Maraming Departamento ng Filipino ang maaaring buwagin (partikular yaong mga walang programang batsilyer at gradwado)!
*Mula sa "K TO 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers (2012)" na inilabas ng SEAMEOINNOTECH (may imprimatur ito ng DepEd dahil si DepEd Secretary Br. Armin Luistro, FSC ang nagbigay ng pambungad na mensahe sa dokumento). Batay rito, kung dati 2-3 asignaturang Filipino ang kinukuha ng mga nag-aaral ng kolehiyo sa lumang kurikulum, sa senior high school/junior college sa ilalim ng K to 12 ay 1-2 na lang ang asignaturang Filipino! FILIPINO: RETORIKA lang ang REQUIRED! Ang Filipino for Specific Purposes ay OPTIONAL!}
http://www.gov.ph/downloads/2012/201209-K-to-12-Toolkit.pdf
ANONG ATING GAGAWIN? Sayang at wala rito si Ka Amado V. Hernandez o si Aling Bebang (GEM) kaya; wala na rin ang Abogado ng Wikang Pambansa na si Ponciano B.P. Pineda. Siguro, alang-alang na rin sa kanilang hirap at sakripisyo noon sa pagtataguyod at paggigiit ng wikang Filipino, kailangang may gawin tayo upang hindi isantabi nang gayon na lamang ang wikang pambansa sa kurikulum. Marami pang dahilan kung bakit dapat ipahinto muna ang implementasyon ng K to 12 pero ang mga nabanggit sa itaas ang pinakamalapit sa ating mga puso. BILANG PANIMULA, hinihiling
namin kayong mga nagmamalasakit sa Filipino na lumahok sa aming petisyon hinggil sa K to 12:
https://www.change.org/petitions/department-of-education-depedand-commission-on-higher-education-ched-issue-a-moratorium-onthe-implementation-of-the-k-to-12-program http://www.scribd.com/doc/107143523/Petition-Kto12