Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Ang "Pag-ibig ko Ang "Pag-ibig" ay sadyang masaya mga pang yayaring di malimutan mga away na dio maiwasan.....

paano moh nga ba malaman kung tunay kang nagmamahal..? Ito ay mararamdaman mo kapag ang isang taong mahalaga sayo ay hindi mo kayang mawala.... at mayroon akong konting paalala para sa mga taong nagmamahal.... "kapag nagmahal k wag kang aasa kung ano yung nararamdaman ng puso mo... "tandaan mo! n minsan ang paggamit ng utak ay mas nkakabuti... "sunod! wag mong gagamitin ang mata para umiyak sa taong nanakit sayo.. "instaed! gamitin mo ito pra maghanap ng iba.... bakit nga ba tunay na nagmamahal ang isang tao kahit nasasaktan na siya? "dhil sabi nila ang puso puwede mong sugatan pero di m kayang turuan.... "patuloy itong magmamahal khit, patuloy na nasasaktan..." at ang masakit pa kpag ikaw ay nagmamahal ay kapag niloko ka ng taong seneryoso mo.. masakit kapag pinaglaruan ka ng taong iniingatan mo... pero ang mas msakit ay yung maramdaman mong masaya ka sa piling niya khit nasasakktan kana... at minsan ag pag-ibig ay maraming kasinungalingan khit harap harapan niyang sinasasabi sayo na mahal ka niya ang totoo pala ginagamit k lang niya para makalimutan ang nakaraan niya..... at ang hirap umasa sa taong mahal n mahal mo kase di alam kung anu kaba sa kanya... di mo alam kung saan ka lulugar.., mahirap magdesisyon kase minsan akala mo mhal ka niya pero ang toto pinapasaya ka lang niya kase alam niyang mhal mo siya....... masakit nga ba tlagang umibig..? oo msakit daw palagi ka raw iiyak... palagi ka raw aasa at maghihintay sa wala.... "pero ganun lang talaga yun di ka masasaktan di mo malalamang... nagmamahal kana pala.... ako minsan na akong ntakot sa pag mamahal... kase di ko alam baka masaktan lang ulit ako.. pero ganun naman talaga ang pagmamahal diba..! magsasayang ka muna ng maraming luha bago mo matagpuan ang taong kailanmay di na mawawala.... kaya ako ngmamahal ako ngayon ng alam kong tunay ako minamahal ng tapat at buong pagmamahal.. ng mayroong tiwala at pagkakaunawaan kaya ngayon ko masasabi na nagmamahal n talaga ako ng tamang pag-ibig my only one lil'shydz..... teknolohiya Sa panahon ngayon, nagkalat ang ibat ibang makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang kompyuter. (ayon sa wikipedia) Ang kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito ay nakapaghahatid ng aliw, nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang programa. Mayroong aspeto ang kompyuter na tinatawag na software. Ito ay ang mga programang ginawa para mapagalaw ang kompyuter. Isang halimbawa ay ang Accounting software. Ito ay may tungkulin na magtala at magproseso ng mga transaksyon sa accounting. Itoy gumaganap bilang isang accounting information system na nagoorganisa at nagpapadali ng gawain ng isang accountant. Ninanais ng mga mananaliksik na mapag-aralan ang epekto na dulot ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa loob ng UST-AMV-CoA

partikular na sa mga mag-aaral ng ika-4 na antas taong 2008-2009. Kahalagahan/Kabuluhan Ang teknolohiya (Griyego < "kasanayan sa sining" + "salita, pagtutuusin" + ang hulapi ) ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong. Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman K12 NG KABATAAN Talumpating binigkas sa assembly ng SK Mindanao sa Davao. Mahalaga ang letrang K o Ka sa ating kasaysayan, partikular sa pagbubuo ng bansa at pagsasabuhay sa diwa ng nasyonalismo. Mula KKK nina Bonifacio, ginamit ang simbolo ng baybaying Ka upang isalarawan ang rebolusyonaryong hangarin ng mamamayan. Ngayon ang sikat na K ay may kinalaman sa programa ng DepEd: ito ang K-to-12. Pero kontrobersiyal ang programang ito at maaari pa ngang magpahamak sa edukasyon ng bansa kung hindi tutugunan ng pamahalaan ang mga rekisitos na kailangan para itoy magtagumpay. Bukod pa ditoy hindi pa lubusang nasasagot ang tanong kung ito ba ang pinakamainam na solusyon sa dambuhalang krisis na bumabalot sa sistema ng edukasyon. Bilang mag-aaral at kabataan, dapat kalahok kayo sa debate ukol sa K-12. Kayo ang maging boses ng kasunod na henerasyon na tiyak apektado ng programang ito. Iwanan natin pansamantala ang K-12 ng DepEd dahil may ibang K12 na nais kong talakayin ngayong hapon. Dahil kaharap ko ngayon ang mga lider-kabataan ng bansa, may mungkahi akong labingdalawang K o K12 na sa tingin koy dapat taglayin o abutin ng ating mga kabataan. Anu-ano ang mga K12 na ito? 1. Karunungan. Kaisipan. Kaliwanagan ng pag-iisip. Hindi ito nakukuha sa pagpasok sa pamantasan at minsan ang pormal na pag-aaral ay nagiging hadlang pa nga upang pumanig tayo sa katotohanan. Ang susi sa karunungan ay dapat may bukas tayong pag-iisip. Handang subukin ang mga bagong ideya o teorya. Ang kritikal at matalas na pag-iisip ay tanda ng maayos na kalusugan. 2. Kilos. Kapasyahan. Kasipagan. Kusa. Walang saysay ang katalinuhan kung walang aksiyon. Dapat laging mapagpasya, may kahandaan at inisyatiba sa lahat ng bagay. Sipag hindi lamang sa trabaho kundi sa pagabot sa ating mga minimithing adhikain sa buhay. Kung walang pagkilos ng kabataan, mabagal din ang pag-usbong ng bago o maaaring manatili ang bulok na luma. 3. Katapatan. Kalinisan. Kabutihang-loob. Mag-ipon ng kagandahang-asal, hindi materyal na bagay; ito ang sukatan ng tunay na kayamanan. Pero huwag sanang dumulo ito sa mababaw na moralidad. Katapatan sa ating sinumpaang tungkulin. Kalinisan ng budhi at konsiyensiya. Kabutihan na may kinalaman sa pagtalima sa piniling prinsipyo sa buhay. Buhay na inalay sa isang dakilang misyon. 4. Komunikasyon. Epektibong propagandista ang bata; may sariwang perspektiba, edukadong opinyon na tiyak gagalangin ng iba. Mapalad ang inyong henerasyon dahil nariyan ang ibat ibang teknolohiya na pinapabilis ang komunikasyon at palitan ng impormasyon. Pero kapag sobra-sobra na ang daloy o buhos ng datos, lalo na ng maling kaisipan at mga walang katuturang detalye, dapat tumulong tayo para ang mangibabaw ay katotohanan at kaliwanagan. Mag-usap, magchat, maging aktibo sa social network nang hindi nawawala sa isip ang motibong mag-ambag sa pagpapatibay ng ating pagkatao. Komunikasyon para sa kabutihan ng tao.

5. Karapatan: Kasuotan, Kabahayan, Kabuhayan, Kapayapaan, Katarungan, Kalayaan. Krusada para sa pagbabago. Kampanya para sa mga batayang pangangailangan ng tao sa buhay at mga kongkretong kagustuhan na magpapaunlad sa kalidad ng pamumuhay. Hindi sapat na may pagkain, dapat may dignidad din. Trabaho na may dangal. Walang silbi ang mansiyon sa isang lipunang walang kalayaan, demokrasya, at pagkapantay-pantay. Kapayapaan batay sa katarungang panlipunan. 6. Katapangan. Kagitingan. Kabayanihan. Hindi tayo kapos sa halimbawa: Propaganda. La Liga Filipina. KKK. Mga kabataang lumaban noong Philippine-American War at World War II. First Quarter Storm. Edsa 1986. Kampanya para sa pagpapatalsik ng Base Militar. Edsa 2001. Mapusok ang kabataan, at dapat ang galit ay gamitin laban sa mga tiwali. Ang kapangahasan ay kailangan para sumilang ang bago at pagbabago. Kaaway ng kabataan at pagbabago ang sinumang nagnanais na ilimita ang potensiyal ng bata na tumulong sa pagpapanday ng bagong kaayusan. 7. Komunidad. Hindi kanya-kanya, hindi indibidwalismo, hindi mapanirang kumpetisyon. Dapat bayanihan sa komunidad. Bahagi tayo ng mas malalaking yunit sa bansa. Mayroon tayong kapamilya, kapuso, kapatid, kalahi, kabarkada, kasambahay, katropa. Ang pasya ng karamihan ang dapat mangibabaw, hindi ang sakim na pansariling interes. Mas bigyang timbang ang kapakanan ng nakakarami at hindi ng pinagpalang iilan. Pribilehiyo ang maging kasapi ng komunidad; hindi dapat yumuko ang komunidad sa dikta ng pribilehiyo. 8. Kolektibo. Katipunan. Kapwa. Kasama. Kapitbahay. Kaibigan. Dapat lahat kabahagi sa pag-usad ng panahon; walang iwanan. Imbes na pangaraping maging sentro ng mundo, dapat ang kapangyarihan ng tao ay gamitin para lumikha ng bagong daigdig ng mga tao. Pagkakaisa at pagbubuklod-buklod para tapusin na ang pang-aapi ng tao sa kapwa tao. 9. Kalikasan. Dahil iisa lang ang ating daigidg. Sino pa ang dapat manguna sa pagtatanggol ng kalikasan kundi ang kabataan na magmamana sa planetang ito. Kabundukan. Katubigan. Kapatagan. Kagubatan. Kalawakan. Kalunsuran. Kanayunan. 10. Kultura. Kasaysayan. Mayaman at makulay ang ating nakaraan at ang bakas nitoy buhay na buhay pa rin sa maraming komunidad. Pero nakakabahala ang paglimot at mababang pagpapahalaga ng ilan sa ating kultura. Kaugnay nito ang mababaw na pagkilala sa kapangyarihan ng kasaysayan. Paano tayo lalaban sa ibang lahi sa panahon ng globalisasyon kung wala tayong malalim na pag-unawa sa ating pagkakakilanlan? Kulturang popular ng ibang bayan ang ipapasa ng kabataan sa hinaharap kung walang sustinidong pagbabaliktanaw sa ating nakaraan. Pero kapag armado ng aral ng kasaysayan, magagamit ito ng kabataan sa paggampan ng kanyang dakilang misyon na lumikha ng bagong kasaysayan. 11. Kinabukasan. Kasaganahan. Kaginhawaan. Kaligayahan. Pag-asa ng bayan kung gagamitin ang lakas, giting at talino; at handang kumilos para magkaroon tayo ng mas maaliwalas na kinabukasan. Imposible? Hindi kung kikilos ang marami ngayon; kung babasagin ang katahimikang tinakda ng mga mapang-api; at kung tuluy-tuloy ang pag-abot sa matamis na pangarap 12. Kabataan. Dahil ang kabataan ay tinatakda din ng mentalidad, aktitud, at gawi ng tao. Ang tao ay tumatanda kapag bumibitiw siya sa kanyang prinsipyo. Subalit nananatili siyang bata habang patuloy na lumalaban, nakikibaka, at nangangarap. Si Harry Potter, the boy who lived. Si Peter Pan, the boy who never grew up. Si Benjamin Button, pabaliktad ang kanyang pagbata at pagtanda. Maraming bata pero maagang sumuko sa mga hamon ng buhay; nasilaw at nalason sa tuksong dala ng salapi, katanyagan, at kapangyarihan. Hindi problema ang pagtanda, ang paghina ng katawan, kung nananatiling bata ang inyong pag-iisip at pagtingin sa buhay. Ito ang sikreto ng habambuhay na pagkabata.

SAME SEX MARRIAGE


Sa patuloy na pagtaas ng mga nabibilang sa 3rd sex o mga homosexual sa bansa ay tumataas na din ang bilang ng mga nagpapakasal ng kaparehomg kasarian o same sex marriage. Tanggap na ba talaga sa ating lipunan ang mga ganitong gawain na halos nangyayari na ngayon sa buong mundo?Pinapayagan na ba ito ng simbahang katoliko ? Ano ang sinasabi ng bibliya tungkol sa sakramento at kahalagahan ng pagpapakasal ? Yan ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan matapos kong basahin ang isang balita ukol sa pagpapakasal ng magkasintahang parehong lalaki ang kasarian.

Totoo ngang marami ng mga bakla at tomboy ang nasa lipunan na natin ngayon , ang iba pa nga sa kanila'y mga hinahangaan pa natin sa ngayon tulad na lamang ni Vice Ganda na talaga namang nagpapasaya sa maraming kabataan at kahit may edad na sa kanyang mga programang nilalabasan. Ngunit ang paghanga bang ating nadarama sa kanya ay nagpapahiwatig na tanggap na natin ang mga katulad nya sa ating lipunan ? Maaaring common na sa atin ngayon ang mga tulad nya pero kung ang pag-uusapan ay ang pagpapakasal dyan tayo magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sinasabi sa bibliya na ang kalalakihan ay ginawa para sa mga kababaihan at sila ang magpaparami ng ating lahi , ngunit paano ito mangyayari kung parehong kasarian ang magpapakasal? sigro ay sa unang punto pa lang ay hindi na dapat payagan ang pagpapakasal ng mga ito dahil isa itong malaking pagsira sa moral at sakramento ng kasal at lalo ng malaking paglabag sa nais ng Diyos para sa mga nilikha nyang magpapatuloy na mangalaga sa mga nilikha nyang bagay dito sa mundo. Ang simbahang katoliko ay tinatalikdan ang ganitong pangyayari dahil na rin labag ito sa kautusan ng Diyos at hindi nila ito pinahihintulutan kahit na marami na ang nagpoprotesta ngayon na dapat silang bigyan ng sariling karapatan ukol sa pagpapakasal.Para sa kanila ay ginawa ang kasal ng lalaki at babae para magkaroon ng kasagraduhan ang pagsasama at pagmamahaln ng 2 tao na ito na may basbas ng Diyos at upang pagsilbihan at maibigay ang pangangailangan ng bawat isa at hindi lang ito isang seremonya na ginagawa para kanino na nagsasabing sila ay nagmamahalan kahit na pareho sila ng kasarian. Masasabi nating tanggap na ng karamihan ang mga nabibilang sa 3rd sex pero ang pagkakaroon ng mga ito ng karapatan sa pagpapakasal ay hindi dapat at hindi maaaring payagan o gawing legal sa ating bansa dahil isa itong malaking pagsira sa kulturang kinagisnan natin at mga pinaniniwalaan natin sa ating relihiyon na sagrado ang kasal para sa mga nagmamahalaang lalaki at babae.

POLUSYON
Basura Di man ako modelo ng isang tunay na environmentalistmay mga gawain akong di maiwasan gaya ng pagkain sa mga fastfood na gumagamit ng styro, at iba pang mga bagaymay isang gawi ako na kahit paanoy maliit sigurong ambag para sa kalikasan. Eto ang mala-talumpating pagtalakay ko tungkol dito para sa pandaigdigdang Blog Action Day for the Environment: Kapag nasa dyip ako at may batang biglang nagtapon sa bintana ng balat ng kendi, nagugulat ako. Kapag matanda, ang pagkagulat ay nasusundan ng palihim na pagtingin nang masama. Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ang turing nating mga Pinoy sa ating kapaligiran ay isang malaking basurahan. Tapon doon, tapon dito, ika nga ng isang lumang kanta. Mabuti kung mga dahon at papel lang ang itinatapon natin, e kadalasay mga plastik at iba pang bagay na di naman maaaring humalo nang kusa sa lupa. Mas malupit ang pagtrato natin sa likas na yamang-tubig. Tumingin ka lang sa alinmang ilogsa Kamaynilaan man o sa mga probinsyaat makikita mong kadalasay mga basura mula sa mga tao ang nagsisilbing pampang ng ilog. Sa amin sa Marinduque, may dalawang dekadang literal na ginawang basurahantapunan ng dumi mula sa minahanang dagat. Samantala, noong nabubuhay pa siyay ikinukuwento ng lolo ang Ilog Pasig na nilalanguyan niya noong nakarating siya sa Maynila. Pakiramdam koy nata-time-space warp ako sa kanyang kuwento. Ibang-iba kasi ang ilog na nasa kuwento niyamalinis at malinaw; ang alam ko ay iyong ilog na naghihingalot pilit na isinasalba sa tuluyang pagiging isang malaking pusali. Paulit-ulit na nating naririnig ang mga ganitong reklamo, ang mga ganitong paalaala: na kung magpapatuloy tayong mamuhay sa ganitong paraan, baka wala nang abutang malinis na tubig at lupa ang mga anak ng ating magiging mga anak. Hindi lamang ang banta ng basura o polusyon ang panganib na kinakaharap ng ating planeta. Mayroon pang mas malalaking suliranin gaya ng pagkakalbo ng mga kagubatan at pagbabago ng klima (climate change). Ngunit para sa ating mga nakatira sa maliit at papaunlad na bansa, mahalaga ang ambag ng bawat mamamayan sa pagharap kahit sa simpleng problema sa basura lang muna. Malaking bahagi ng ambag na ito ay manggagaling sa kabataan. Naniniwala akong ang tila napakasimple ngunit mahalagang gawi ng tamang pagtatapon ng basura ay dapat itanim sa isipan ng bawat bata. Kinakailangang gawin intong bahagi ng kanyang araw-araw na buhayng kanyang sistemagaya ng paghinga at pagkain o paglalaro at pagdarasal. Tila malabo nang maturuan ang marami mga nakatatanda. Para sa kanila, sadyang ang buong paligid ay isang malaking basurahan. Pero may pag-asa pa sa kabataan. Noong maliit pa ako, paulit-ulit na ipinaalaala ng aking mga guro at pamilya ang tamang pagtatapon ng basura. Nadala ko ito hanggang sa paglaki ko, at kahit ngayong nakatira ako na ako sa lungsod. Sinusunod ko ang slogan ng MMDA ni Bayani Fernando: Ang maliit na basura, ibulsa na lang muna. Kung ituturo natin sa ating mga nakababatang kapatid, pinsan,kalaro, estudyante, at iba pang mga bata ang ganitong pananaw, malaki ang tsansang itoy seryosong sundin at kalakhan na nila. Kung magkakaganoon, malinis na Pilipinas ang iiwan nila sa salinlahing susunod sa kanila.

deborsyo
Wala saysay ang 'Till death do us part' kung palaging nag-aaway ang mag-asawa. Kailangan ding may kalayaang makapamili ang mag-asawa kung ano ang kanilang gagawin kung hindi na talaga kayang ayusin ang kanilang pagsasama. Ani Ilagan, hindi makakasira ang HB1799 o "An Act Introducing Divorce in the Philippines" sa pamilya kundi makapagpapatibay pa. Sa HB1799, ginagarantiya ang polisiya ng Estado na protektahan at palakasin ang kasal at ang pamilya bilang basic social institution. Pinahahalagahan din umano dito ang dignidad ng bawat tao at ginagarantiya ang respeto sa karapatang pantao upang masiguro ang pagkakapantay-pantay ng batas para sa babae at lalaki. bago ka gagawa ng unang move isipin muna kung makabubuti ba ito sa iyong dalawa. Ang diborsyo ay hindi solusyon upang makaiwas ka sa dapat mong iwasan , tandaan habang iniwasan mo ang isang bagay marami ka ring dapat lutasin na mas mabigat sa pa sa iniiwasan mo. dapat mag usap kayo ng masinsinanj dahil ang lahat ng mga bagay ay may kanya-kanyang solusyon kung idaan ito sa masinsinan na paraan..........

TALUMPATI
RH BILL
Magandang umaga mga ginoo at mga binibini kayo ay malugod kong inaanyahang pakinggan ang aking pananaw tungkol sa isyong RH BILL . Kung kayo ang tatanungin , kayo ba ay sasang-ayon o tutol dito ? Bakit may mercy killing ? Bakit my abortion ? Bakit may mga fetus na tinatapon kahit saan ? kahit sa labas ng simbahan wla naba talagang takot at respeto s adios ang mga taong gumawa nito? Ang RH BILL ang isa sa pinakamainit n isyo sa ating bansa dahil sa lalong paglobo ng ating populasyon . Maraming tao ang tumotutol ditto lalo na ang simbahang katoliko dahil naniniwala ang mga pari sa nakasaad ng doktrina sa bibliya na bawat bata ay nakasaad sa batas ng Dios at batas ng tao na bawat bata ay may karapatang mabuhay at magpakabuhay sa mundo. Pero may tao ring sumasang ayon dito lalo na ang mga kababaihan dahil maraming babae ang naabusa at namamaltrato ng mga asawang bisyoso, gusto lang nila ng makontrol para mapangalagaan ang kanilang karapatan. May ibang taong ayaw sa RH BILL, pero may mga sumang-ayon din. Ngunit kung titingnan natin ang RH BILL ba talaga ang tanging paraan sa pagbaba n gating populasyon ? Maraming nagsasabi na hindi dapat ipatupad ito dahil hindi ang paglobo ng populasyon ang dahilan ng kahirapan kundi ang ptuloy na pangungurakot ng mga taong nakaupo sa mataas na pwesto na nagpapatakbo ng ating bansa. Lalo na! pati ang sistema ng pang-edukasyon na dapat ipatupad ay ninanakaw nila. Ano pa ba ang ating magagawa pero para sa may asawang katulad ko , ay dapat magkontrol pero ang pagkontrol sa tamang paraan at proceso na hindi labag sa mata ng Dios. Kaya tandaan ito mga kabataang ktulad niyo lalo na ang mga kababaihan ang pagkakaroon ng pamilya ay pinaghahandaan . Ang pagtatalik ay hindi pinaglalaruan . Itoy may kabanalan . Dahil ito rin ay may malaking kasalanan . Ang isang babae at lalaki bago pumasok sa pagtatalik ay kinakailangan magpaalam at humingi muna ng basbas sa panginoon bago ito maisakatuparan. Ang lahat ay dapat gawin sa tamang panahon , sa tamang edad at kaisipan para maiwasan ang walang kwentang kahirapan . Kung sakali mang makagawa tayo ng kasalanan , walang sinumang dapat sisihin kundi ang iyong kapabayaan at katangahan. Paalala magpasya ayon sa inyong konsencya huwag sa bugso ng damdamin sa tawag ng baliw na pag-ibig at kasakiman sa laman. Bagaman kung hindi maiwasan , dapat tandaan may tanging paraan upang hindi ninais na pagbubuntis ay maiwasan at hindi contraceptives lamang ang paraan kundi kayo mismo ay Magkontrol ! Manalig sa Dios at sana bumalik tayo sa tamang daan gaya ng nakasaad sa bibliya. RHBILL

Magandang hapon mga ginoo at mga binibini. Kayo ay malugod kong inaanyahangpakinggan ang aking pananaw tungkol sa isyong RH BILL. Kung kayo ang tatanungin, kayo ba aysasang-ayon

o tutol dito? Bakit may mercy killing? Bakit my abortion? Bakit may mga fetus natinatapon kahit saan, kahit sa labas ng simbahan? Wala na ba talagang takot at respeto sa diosang mga taong gumawa nito? Ano nga ba ang RH BILL o Reproductive Health Bills?. Ang Reproductive Health Bill ayisang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para sa lahat,kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na angmahihirap. Ang kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag-aagwat ngmga anak at angkop na impormasyon ukol sa mga paraan ng pagpaplano ng pamilya na ligtas,epektibo at abot-kaya. Sa ngayon, tanging ang mga may pambili ng kontraseptibo lamang angepektibong nakapagpaplano ng kanilang pamilya.Layunin ng RH bill na matulungan ang mga mag-asawa na maabot ang nais nilang laki ngpamilya habang isinasaalang-alang ang kalusugan ng ina at anak upang matigil na ang maagangpagbubuntis ng kabataan at bigyan ng kakayahan ang pamahalaan na maabot ang isangbalanseng distribusyon ng populasyon. Ang pag gamit ng kontraseptibo ay hindi nangangahulugan ng aborsyon. Ito aynaglalayong maiwasan ang mga kaso ng aborsyon na dulot ng hindi planadong pagbubuntis. Lahatng kontraseptibo ay magiging epektibo kung gagamitin ng maayos. Kinakailangan lamang namamili ang mag-asawa ng pamamaraang angkop sa kanila, alinsunod sa kanilang kalusugan atnais na bilang ng mga anak. Ang RH BILL ang isa sa pinakamainit na isyu sa ating bansa dahil sa lalong paglobo ngating populasyon. Maraming tao ang tumututol dito lalo na ang simbahang katoliko dahil naniniwalaang mga pari sa nakasaad ng doktrina sa bibliya na bawat bata ay nakasaad sa batas ng Dios. Atsa batas ng tao na ang bawat bata ay may karapatang mabuhay at magpakabuhay sa mundo.Pero may tao ring sumasang ayon dito lalo na ang mga kababaihan dahil maraming babae angnaabusa at namamaltrato ng mga asawang bisyoso, gusto lang nila ng makontrol paramapangalagaan ang kanilang karapatan.May ibang taong ayaw sa RH BILL, pero may mga sumang-ayon din. Ngunit kung titingnannatin ang RH BILL ba talaga ang tanging paraan sa pagbaba ng ating populasyon? Maramingnagsasabi na hindi dapat ipatupad ito dahil hindi ang paglobo ng populasyon ang dahilan ngkahirapan kundi ang ptuloy na pangungurakot ng mga taong nakaupo sa mataas na pwesto nanagpapatakbo ng ating bansa. Ano pa ba ang ating magagawa, dapat magkontrol pero angpagkontrol sa tamang paraan at proseso na hindi labag sa mata ng Dios. Kaylangan magingresponsable ng dalawang magkapareha sa usapang pagtatalik.Kaya tandaan natin tong mga kabataang katulad natin lalo na ang mga kababaihan angpagkakaroon ng pamilya ay pinaghahandaan. Ang pagtatalik ay hindi pinaglalaruan. Itoy maykabanalan. Dahil ito rin ay may malaking kasalanan . Ang isang babae at lalaki bago pumasok sapagtatalik ay kinakailangan magpaalam at humingi muna ng basbas sa panginoon bago itomaisakatuparan. Ang lahat ay dapat gawin sa tamang panahon, sa tamang edad at kaisipan paramaiwasan ang kahirapan, hindi lang sa pera, isama ang respeto, responsibilidad at pagmamhal satamang paraan. Ang responsibilidad na mabigyan ng magandang halimbawa ang ating magiginganak. Kung sakali mang makagawa tayo ng kasalanan, walang sinumang dapat sisihin kundi angiyong kapabayaan at katangahan. Paalala magpasya ayon sa inyong konsensya, huwag sa bugsong damdamin sa tawag ng baliw na pag-ibig at kasakiman sa laman. Bagaman kung hindimaiwasan, dapat tandaan may tanging paraan upang hindi ninais na pagbubuntis ay maiwasan athindi contraceptives lamang ang paraan kundi kayo mismo ay magkontrol. Manalig

sa Dios at sanabumalik tayo sa tamang daan gaya ng nakasaad sa bibliya. Magkaroon tayo ng respeto sa sarili atresponsibilidad sa ating mga hakbang sa ating buhay
Kabataan Pag-asa ng Bayan Marami ngayon ang dumating na sa kanilang pagiging kabataan.Mayroon tayong kasabihan na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.Pero totoo nga ba ito kung marami na sa kabataan ang naliligaw ng landas.Halimbawa na dito ang mga kalalakihang nalululong sa droga at sa masasamang bisyo at mga kababaihang maagang nagbubuntis.Nandito ang iba't ibang paraan upang matugunan ang ganitong uri ng sitwasyon.Sa tulong na din nating mga kabataan.Una,magkaroon ng mabuting samahan ng pagkakaibigan.Pangalawa,unahin muna ang pag-aaral at mga dapat gawin kaysa unahin pa ang masasamang gawain.At ang pangatlo,magbulay-bulay ng mga bagay-bagay sa inyong paligid lalo na't hingil sa kalayaan,katahimikan at kaunlaran ng bayan.Kaya umaasa ang marami na ang kabataan ang pag-asa ng bayan,ang kabataan din ang nagsisilbing susisa magandang kinabukasan.

Talumpati-sa kabataan
I. Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot". Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoy tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa. Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at gapison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman natiy ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo namay tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban namay itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan. II Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang. Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa. Ang Kabataan Noon at Ngayon Ang kabataan noon at ngayonay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim

sa puso't isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat. Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbat at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon. Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba't mayroon tayong "Sampung Lider na mga Kabataan" na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon. Magulang" Bawat isa sa atin ay may magulang Ama at Ina na handang maghirap at gawin ang lahat para sa kapakanan na anak. Msarap magkaroon na magulang yung magmamahal sayo, tutulong sa mga problema at oras na pumatak ang luha dahil sa kabiguang naranasan andyan sila upang patahanin ka. Andyan si Inay na gagabayan ka upang hindi ka ulet madapa, andyan si Itay na mangangaral upang hindi mapunta sa maling landas, sapagkat oras na masaktan ang anak doble ang sakit nito sa magulang. Tayong kabataan na may magulang pa ay maiituring na talagang maswerte dahil bawat isa sa atin ay may Ina na naghihintay sa pintuan ng bahay upang itanong ang araw mo, Ama na nagpapakahirap sa trabaho maibigay lang ang mga luho, iwan man tayo ng lahat kaiklanman ang mga magulang natin ay hinding hindi tayo iiwan. Tayong may mga magulang pa sana ay pahalagahan natin ang ginagawa nil maliit man o malaki, mahirap ang walang magulang walang kakamusta sa araw mga mo, pagsasabihan ng mga problema at babahagian mo ng mga pangarap sa buhay. Marami ngayon ang nangungulila sa yakap at pagmamahal ng isang magulang. Mahirap mabuhay ng mag-isa ka lang, yung iba gustong maranasan magkaron ng magulang na magmamahal sa kanila, kahit nga mura ng Ina na bubungad pa lang sa pinto, suntok, tadyak, bugbog ng isang Ama kapag natatalo sa sugal o lulong sa alak ay walang nagpaparamdam ng ganon ang hirap diba, mahirap lumaki nag nag-iisa at walang kasama. Hanggang nakakasama pa natin sila isipin natin at bigyang importansya ang ginagawa nila. Wala tayo sa mundong ito kung di dahil sa kanila. Sa oras ng sila ay tumanda at tayo naman ang kailanganin nila huwag sana nating ipagdamot ang aruga at pagmamahal natin na gusto nilang maramdaman, huwag sanang sigawan kung sya man ay makulit, huwag sanang pandirian kung sya man ay napadumi

o napaihi sa short, imbis intindihin dala na ito ng katandaan, pagpasyensyahan man kung maging bingi diba natin naisip nung bata pa tayo ay hindi sila nagsasawang pakinggan at intindihin tayo ng paulit-ulit. Kung dumating ang oras na magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman ay huwag sanang pagsawaang alagaan , tayo bilang anak ay kailangan nating gawin ito sapagkat dito lamang tayo babawi sa lahat ng ginawa nilang mabuti sa atin. Mahalin natin ang ating mga magulang, sabihin natin ang salitang "SALAMAT SA LAHAT MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO", iparamdam natin sa kanila na mahal natin sila dahil pag huli na ang lahat kanino mo pa ito sasabihin, anumang lakas ng sikaw, dami ng luha at sakit na nararamdaman hindi mo na ito masasabi pa, kaya habang maaga pa gawin mo na at sabihing "Inay at Itay maraming maraming salamat sa lahat mahal na mahal ko po kayo".

Talumpati tungkol sa droga?


Mga kaibigan, mga tao sa iba't ibang panig man ng mundo ay naeengganyo sa droga. Hindi ko tinuturing na isang adksyon ang paggamit sa bawal na gamut, kundi isang sakit. Lahat ng bawal na gamut ay mayrrong tatlong pare-parehong ktangian: hindi namimili ng inaatake, sumisira ng buhay at mahirap tigilan pag nasimulan na. Ang depinasyon ng Wkipedia sa addiction ay isang ugaling walang sinusunod na limitasyon, na kinakikitaan ng pagkadependenta ng physical o sikolohikal na aspeto ng pagkatao na sumisira sa maayos na pamumuhay ng isang tao. Sa ibang tao, ang addiction ay isang sakit; sa iba namab ito'y isang di-mabuting ugali. Kaya alin kaya ditto ang toto? Posibleng ang addixtion ay pareho ng dalawa, pero ang katotohanan ay di pa din malinaw. Para sa akin, ito'y isang sakit, oo, at dahil ito'y buong desisyon ng isang tao kung magpapatangay siya sa suyo ng droga, na siyang unang nagiging dahilan ng pagkahumaling ng isang tao sa droga. Dahil sa pagkahumaling ng tao, naitatak sa utak na kailangan na nito ng droga para mabuhay at gumana ng husto. Pag gumamit ng droga ang isang tao, naaapektuhan nito ang utak na siyang pinaka sentro ng isang tao kaya naiiba ang ugali nito. Para sa mga addict, ang addiction ang siyang nagiging sentro ng kanilang buhay kaya dito na umiikot ang kanilang mundo; sa araw man o sa bawat oras na lumilipas. Ang addiction ang nagpapagana sa kanila, ang siya ding kanilang pinaninindigan at ang tanging bumubuhay sa kanila. Isang sakit na walang kalunasan. edukasyon
Kailangan ng edukasyon ng buong bayan Ng mga isyu at usaping pangkalikasan Sa gayo'y mamulat ang maraming mamamayan Na ang kalikasan pala'y dapat alagaan. Tayong mga dumadalo dito sa Kamayan Iba't ibang kuru-kuro'y nagbabahaginan Sa mga isyu'y marami tayong natutunan Sa mga nagtalakay na makakalikasan. Kaya nga't sa ating pag-uwi sa ating bahay Ibahagi ito sa mga mahal sa buhay Sa mga kumpare, kaibigan, kapitbahay Ito sa kalikasan ay maganda nang alay.

Kaya't pakahusayan natin ang edukasyon Hinggil sa kalikasan at gawin itong misyon Upang maraming masa'y matuto sa paglaon At malaki nang ambag ito para sa nasyon.

edukasyon:para sa kinabukasan
Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? at ano nga ba ang kaugnayan nito sa ating kinabukasan? Maaaring ngayon di mo pa lubos na naiisip .Bilang isang mag-aaral ano nga ba ang iyong pananaw. Madalas sinasabing ang edukasyon ang daan patungo sa kaunlaran. Tama! totoo iyan! kahit mahirap kung sasamahan naman ng sikap tiyak iyong makakaya. Marami dyan gustong mag-aral subalit wala naman pangtustos ang mga magulang. Pero ikaw! kayo! Andyan kayo sa paaralan. Pinag-aaral! Iginagapang ng mga magulang mapaf-aral lang at mabigyan ng magandang kinabukasan. Alam nyo bang napaka halaga talaga ng edukasyon sa ating buhay.Dahil dito natuo tayong sumulat, at bumasa.Magpasalamat tayo at hindi tayo kabilang sa mga mangmang na nabubuhay sa ating digdig. Ang mga Guro na nagpoporsige para tayo'y matuto, Pahalagahan natin! makinig tayo! at buksan ang isipan dahil ito'y para din sayo. Kung ang bawat isa sa ating ma mamamayan ay mayroong edukasyon siguradong uunlad ang ating bayan.Magkakaroon ng mga magagandang oportunidad at trabaho ang bawat tao, wala ng magugutom! wala ng maghihirap! Ngunit sa reywlidad anong nangyayari sa ngayon? Naghihirap ang ating bansa,at madalang ang nakakapag tapos ng pag-aaral.Kaya pagbutihin ng mga estyudyaneng nakakapag-aral , Imulat ang mga mata! dahil ito ay para din sa ating ikauunlad. Magsikap! Tandaan! Edukasyon:paera sa kinabukasan". Edukasyon
ang halaga ng edukasyon, ay isang pamantayang, Tulay sa ating ambisyon bigyang importansya. Ito ang daan, sa Lahat ng katanungan, Wala nang iba, Edukasyon lamang. Edukasyon ang tanging sandigan, Ito'y susi tungo sa ating adhikain, kaya't ito'y bigyang halaga, ng tayo'y maging matagumpay. Ito ay Sagradong paniniwala, Na hanggang ngayon ay ating pinaniniwalaan, Kaya ikaw Eklarin, Para kang papa mong praning. Edukasyon Bawat estudyante ay may kanya-kanyang pangarap sa buhay..Ang edukasyon lang ang susi sa atin mga pangarap ng ating buhay..Maituturing ginto ang edukasyon sapagkat ito ay napakahalaga sa ating buhay..Higit natin magagamit ang edukasyon sa mga darating na panahon..Mga mahal kong kamag aral sabay-sabay nating tuklasin ang kahalagahan ng edukasyon...

Simula nung tayo'y mga bata pa lamang ay meron na tayong mga ambisyon sa buhay..DApat sa pagtungtong natin ng 5 pataas dapat ay tayo ay nag aaral na sapagkat tayo daw ang pag asa ng bayan kaya obligado na tayong pumasok sa eskwelahan pati sabi din ng ating mga magulang edukasyon lang daw ang tanging nilang maipapamana..Kaya dapat tayong mag aral ng mabuti para hindi masayang ang kanilang hirap at pagod nila sa atin..kaya dapat natin suklian ng magagandang grado at magandang asal.. Talumpating pangkalikasan <intro> sa pag gising sa umaga at sa pag pasok sa eswela. sa pag katok sa pintuan nakita ang elektrikpan akoy nakaharap dito.. dito! sa harap ninyo.. para maunawaan ninyo kung ano ang nakita ko habang papunta sa eskwelahan. Ang kalikasan ay dapat alagaan ito ay mahalaga dahil sa ito ay nilikha ng diyos huwag natin sirain dahil bunga ay kalamidad. tayong mga tao ang nilikha ng diyos para mangalaga sa kapaligiran dahil tayong mga tao ang mas pinaka makapangyarihang nilalang na nilikha. isipin natin na ang mundong ating ginagalawan ay hiram lang natin sa kanya. paano kung bawiin nya ito? dapat itong alagaan... Kalikasan,.. ano ba ang kalikasan? ano ba ang unang pumapasok sa mga isipan o utak niyo sa tuwing naririnig nio ang salitang kalikasan? sumasang ayon ba kayo sa patuloy na gawain ng mga tao sa pagsira ng inang kalikasan? kaibigan.. ang sagot ko ay hindi.. baket? dahil gus2 niyo ba na ang ating mga anak ay maranasan ang kawalan ng puno sa buhay nila? at makita nalang ito sa mga letrato? kaibigan.. ito ay isang pagkakamali dapat ituwid.. wag na tayo mag bingi-bingian,bulag-bulagan at dapat tayo ay mag isip isip.. sa lahat ng ating gagawin kung ito ba ay tama o mali.. dapat alalahanin kalikasa'y bigay ng diyos para algaan para sa ating mga tao pero bakit tayo mismo sumisira nito bakit? at bakit ba.

Global Warming Magandang hapon sa inyo mg mahal kong kamag-aral. Narito ako ngayon sa inyong harapan para ipabatid at ipaalam sa inyo ang nagaganap at nangyayari sa ating inang kalikasan. Naririnig niyo ba ang balita tungkol sa Global Warming? ang bigla-biglaang pagbabago ng panahon, mataas na temperatura at pagtaas ng lebel ng tubig ng dagat? Ang lahat ng ito ay bunga ng pag-init ng mundo o nang tinatawag nilang Global Warming. Ang Global Warming ay isang pangyayaring patuloy na magaganap sa ating daigdig. Ito ay ang patuloy na paginit at pagtaas ng temperatura sa ating mundo, sanhi ng pagsusunog ng plastic, usok na nanggagaling sa mga sasakyan, sa mga pabrika at marami pang dahilan na nagpapalala dito. Dahil sa mga usok at kemikal o tinatawag na Greenhouse Gasses nasisira ang atmospera dahila para pumasok ang sobrang init ng araw sa ating planeta. Isa pa sa dahilan ng pag-init ng mundo ay ang pagkaubos ng mga puno at halaman. Ang mga puno at halaman ang ngabibigay sa atin ng hangin na ating nalalanghap. Kapg nagpatuloy pa ang init na ito ng mundo, paano na tayo? Mga kaibigan hahayaan ba nating magpatuloy pa ito? hindi pa huli ang lahat. Marami pa tayong magagawa, katulad ng pagtapon ng basura sa tamang lugar. pagre- recycle ng mga bagay na pede pa. At higit sa lahat ang magkaroon tayo ng sariling disiplina.

Presidential speech
Wikang Pambansa-manuel quezon Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng

sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika. Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaanang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat. Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba? Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat. Mensahe sa Aking Mga Kababayan Manuel L. Quezon Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong lagi niyong tatandaan. At ito ay: kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang tanging bayan na ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat niyo itong ingatan para sa inyong mga sarili, sa inyong mga anak, at sa mga anak ng inyong anak, hanggang sa katapusan ng mundo. Kailangan niyong mabuhay para sa bayan, at kung kinakailangan, mamatay para sa bayan. Dakila ang inyong bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan, at dakilang kinabukasan. Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng buhay at yaman ng inyong mga bayani, martir, at sundalo. Ang Pilipinas ng ngayon ay pinararangalan ng taos-pusong pagmamahal ng mga pinunong di-makasarili at may lakas ng loob. Ang Pilipinas ng bukas ay magiging bayan ng kasaganaan, ng kaligayahan, at ng kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas ang noo sa Kanlurang Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa kanyang kamay ang ilaw ng kalayaan at demokrasya. Isang republika ng mga mamamayang marangal at may paninindigan na sabay-sabay nagsisikap mapabuti ang daigdig natin ngayon.

Valedictory Address , Magandang Umaga po sa inyong lahat. Nais ko sanang ipahayag ang aking talumpati sa Wikang Filipino. Tutal, isa naman tayong Filipino Catholic Jesuit University, at bilang pakikiisa na rin sa diwa ng Sentenaryo.

Nakakatuwang tumayo dito sa harap ng mga nag-gagandahang mukha ng mga kamag-aral ko. Natatanto kong kapwa natin hindi maipalawanag ang nangyayari sa loob natin. Magkahalong lungkot, saya, takot at kaba; sabay pagtatanong: Saan ba ako patutungo? Ano ba ang mainam para sa akin? Kaya ko bang harapin ang tunay na kulay ng buhay? Karamihan sa atin ay nagtatanong nang ganito. Hindi kasi simple ang mundo. Ang bilis-bilis ng mga pagyayari. Ngayon, gumagamit tayo ng mga kasangkapan, na hindi man lamang sumagi sa guni-guni ng ating mga ninuno. Ibat ibang kaisipan ang tinuturo sa mga pamantasan. Alin nga ba ang tama? Tayoy naglalakbay sa landas ng ating buhay. Darating na ang mga bapor. Sinusundo tayo sa daungan ng Ateneo tungo sa lugar ng ating mga pangarap. Ngunit bago natin marating iyon, dadaan tayo sa karagatan ng buhay. Minsan ang tubig ay payapa. Kung minsan namay napakalakas ng alon. Sa haba at tindi ng ating paglalayag, mainam magdala tayo ng mga baonmga bagay at kaisipan mula sa Ateneo. Bilang isang Ekonomistakasi ekonomista na ako ngayon, alam kong napakahirap makipagsapalaran sa mundo. Napakahirap ang maghanap ng pagkakakitaan. Ika nga ni Paul Krugman, ang kompetisyon ay naging isang "dangerous obsession." Hindi pwede ang pwede na. Dapat, yung pwedeng pwede! Kaya naman napakabigat ng udyok sa atin na maging "mahusay". Baon ang "magis" o kagalingan, hindi naman tayo mahihirapan dito; sapagkat hinubog tayo ng Pamantasan na sa bawat gawaing, kinakailangang ibigay ang lahat sa abot ng ating makakaya. Kapag natutunan nating higitan ang ating mga sarili sa lahat ng pagkakataon, hinding hindi tayo mapag-iiwanan. Nariyan nang magaling tayo, ngunit para saan, para kanino ang ating pagsisikap? Ito ang mga tanong na laging hinaharap sa amin sa Social Science and Education Division. Madalas na bigyang diin na kung gagawa raw kami ng polisiya, ang dapat naming tanungin ay "makabubuti ba ito sa maraming tao?" Samakatuwid ang buong aralin namin ay nakatuon sa kalagayan ng mga tao, lalo na ng mga kapuspalad, di lamang sa kayamanan, kundi maging sa karapatan, hustisya, at pananampalataya. Kasa rito ang pagbibigay sa mga kapatid na Lumad at Moro, upang magbigay daan sa kapayapaan ng Mindanao, at pag-unlad ng bansa at mundo. Kasama rin dito ang pantay na pagpapahalaga sa katauhan ng babae at lalaki. Dapat lang naman din nating ibaon ito, sapagkat tayoy hinubog upang maging "tao para sa iba." Kaya naman kahit pa gaano ka maka-bago ang ating mga kagamitan, hindi natin dapat hayaang palitan ng makinarya ang tao. Hinding hindi mapapantayan ng robot ang tao. Hindi kaya ng robot ang makaramdam, makiramdam, at magdamdam. Kaya mo bang makita ang katotohanan ng ngiti sa fax, o ang init ng hawak ng nakikipagkamay sa e-mail? Maari mo bang maramdaman ang pagdampi ng matamis na halik sa pamamagitan ng text? Nakarinig na ba kayo nang nabuntis sa cyber? Iba pa rin ang presensya ng tao sa taoang pagbibigay ng "cura personalis" o makataong pag-aaruga sa bawat taong makasalamuha natin. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi natin maaring ipawalang-bahala ang tao, at tratuhin siya na para bang isang makinarya. Tao siya...bago siya naging pinuno, kamag-aral, Janitor, o Guro. Bilang mga tao, dapat nating igalang ang dignidad ng kapwa natin. Dahil bagamat napalitan na ng makinarya ang karamihan sa mga gawain ng tao, walang microchip na makakapalit sa kaluluwa ng tao. Maliban sa mga nabanggit ko, matatambad din sa atin ang unti-unting pagkawasak ng kaugalian at moralidad. Kung manood tayo ng TV o magbabasa ng pahayagan, ang "sex" at "violence" ay pangkaraniwan lamang. Napakaraming bagay ang magbibigay ng tukso sa ating paglalayag. Nararapat nating ibaon ang kaisapan ng "fortiores in fide" o ang pagkakaroon ng mas matibay na pananampalataya, upang gaano man katindi ang unos, kaya natin.

May hangganan ang kakayahan ng tao. At kung gutay-gutay na ang ating mga puso, sugatan ang mga prinsipyo, at nalugmok na ang buo nating katawan, huwag natin kalimutang tumawag sa KANYAang panginoon. Kung napakarami nating dalang bagahe na siyang maglulunod sa atin sa karagatan ng buhay, huwag mag-atubiling bitawan ang lahat nang iyon, at hayaan ang Poon na tulungan tayong lumangoy. Hinding hindi Niya tao iiwanan. Nariyan na, natatanaw ko na ang mga bapor na magsasakay sa Batch 99.; Centennial at Jubilee Seniors. Kailangan na nating magpaalam sa buhay-mag-aaral na nakasanayan natin. Yakapin na natin ang mga taong minahal natin dito. Lasapin ang mga huling sandali. Bigkasin ang mga huling mensahe. Yaman din lamang na nasa entablado na ako, nais kong magbigay pugay sa aking mga magulang, kina Mama at Papa, at lahat ng kamag-anakan kong nakatulong sa paghubog ng aking pagkatao, pati na rin sa lahat ng mga magulang na narito. Mahal namin kayong lahat, ngunit, kailangan niyo kaming bitawan. Baka sa higpit ng ating yakapan ay maiwanan kami ng barkong sumusundo sa amin. Nagpapasalamat kami sa mga taong nag-udyok sa amin na pagbutihin ang aming sarili. Sa mga guro na nagtiwala sa aming kakayahan, maraming salamat po. Sa mga Non-teaching staff na nakatulong sa aming makabuluhang pagpirmi sa paaralan, salamat. Sa mga taong pilit kaming hinihila pababa, salamat din. Dahil sa inyo, natuto kaming magpakatatag at manawagan sa Maykapal. [ awit] From all the evil that surrounds me, defend me. Sa aming mga kaibigan, kahati tayo sa tagumpay na ito. Espesyal na pasasalamat ang nakatuon sa aking mga kaibigan sa Economics, Social Science, Accountancy, SAMAHAN, CCO... alam niyo na kung sino kayo. Mayroon lamang akong nais sabihin sa inyo [sign language] You complete me. Tanungin niyo na lang kay Leah [Librado] kung anong ibig sabihin noon. Higit sa lahat, salamat sa BATCH 99. Hindi ko maisip kung ano ako, kung hindi ninyo ako binigyan ng pagkakataon na paglingkuran kayo bilang Freshmen Representative. [Wala pang Gender Sensitivity noon] Doon kasi nagsimula ang makabuluhang buhay-kolehiyo ko. Hinding hindi ko kayo makakalimutan. Utang ko sa inyo ang malaking bahagi ng aking tagumpay. Sana simulan natin ang ating paglalakbay, na alam nating nagtagumpay tayong lampasan ang mga balakid; at tuluy-tuloy ang ating pagtatagumpay, bastat ibaon natin ang mga bagay na nabanggit ko kanina, [magis, cura personalis, pagiging tao para sa iba, at ang fortiores in fide] at pag-alabin natin ang pagmamahal sa Bayan at Panginoon, at ang Animo Ateneo sa loob natin. Ayan na talaga ang barko...sa mga umiiyak, tahan na. Hindi naman talaga tayo nagpapaalam, eh! Mainam ngang sabihin ang mga katagang "sa susunod na pagkikita," dahil alam kong magkikita din tayo sa laot. Hanggang dito na lamang, salamat...at hanggang sa susunod nating pagkikita!

You might also like