Comparative Analysis, Gresya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Gresya Heograpiya Isang maliit na bansa na matatagpuan sa dulo ng Tangway Balkan ang Gresya.

Napapaligiran ito ng tatlong dagat, ang dagat Aegean sa silangan, Dagat Ionian sa kanluran, at ang Dagat Mediteranya sa timog. Maraming maliliit na pulo ang nakapaligid sa lupaing principal ng Gresya. Pinakamahalaga sa mga ito ang Crete na pinagsimulan ng sibilisasyong Griyego. (Quirante Radford, 2003 p. 72) Relihiyon Ang Relihiyon ng mga Griyego, gaya rin ng ibang sinaunang relihiyon, ay nakabatay sa politeismo isang paniniwala sa maraming diyos. Naniwala ang mga Griyego na ang mga diyos na ito ay nananahan sa Bundok Olympus sa hilagang Gresya. Kaya nga, sinasapantaha ng mga eksperto na ang mga diyos na ito ay nagsimula bilang mga diyos ng kalikasan. (Ocampo-Santos, 2007 p. 84) Maraming mga diyos na sinasamba ang mga Griyego. Pangunahin sa mga ito si Zeus, ang diyos ng kulog na siyang diyos ng langit. Ang iba pa ay sina Hermes, mensahero ng mga diyos; Poseidon, diyos ng karagatan; Ares, diyos ng digmaan; Apollo o Pheobus, diyos ng musika,panghuhula, medisina, at araw; Athena, diyosa ng kaalaman at digmaan; Hephaestus, diyos ng apoy; Aphrodite, diyosa ng pag-ibig at kagandahan; Eros, diyos ng pag-ibig, Artemis, diyos ng buwan, at pangangaso; Demeter, diyosa ng agrikultura, at pertilidad; Hestia, diyosa ng tahanan. (Ocampo-Santos, 2007 p. 84) Maiksing kasaysayan ng Gresya Ang simula ng Sibilisasyon Ang Kabihasnang Minoan Ang unang sibilisasyon ng bansang Gresya ay lumitaw sa isla ng Crete sa pagitan ng 3000 at 2000 B.K. Ang sibilisasyong ito ay tinawag na Minoan sa karangalan ni Haring Minos na sinasabing naghari noon doon. Sa Knossos, ang kabisera ng Crete, natagpuan ng mga arkeologoang magagarang palasyong Minoan nang maghukay sila noong 1900. (Gonzalez, FSC, Velez, Bernardino, 1996 p. 43) Kinontrol ng Crete ang mga pulo sa Aegean at hinihinalang nakapagtatag ng mga kolonya rito at sa Asya Maynor. Mahusay silang mga mandaragat at nakagawa ng mga barkong ginagamit nila sa paglalayag. Naging malawak ang pakikipagugnayang pangkalakalan ng mga Cretan. Sa pangyayaring ito, nadala nila sa Crete ang sining at kulturang nakita nila sa Ehipto at Mesopotamia. (Cabiles, at Santiago, 1998 p. 65)

Humina ang sibilisasyon sa Crete noong 1450 B.K. Hindi matiyak ng mga arkeologo kung paano ito nawasak. Ipinalagay na madaling nasakop ng mga taga-Gresya ang pulo ng Crete dahil sa hindi ito napaliligiran ng pader na pananggalang ang kapitolyo ng Knossos. Ang iba pang teorya na nagpapaliwanag sa pagkasira ng kabihasnang Cretan ay ang pagsabog ng mga bulkan sa mga karatig-pulo na nagdulot ng malakas na lindol at pagbaha. (Cabiles, at Santiago, 1998 p. 65) Tinataya ring nasira ang sibilisasyong Minoan noong 1100 B.K. nang salakayin ito ng mga mandirigma mula sa kalupaan ng Gresya. Ang mga mandirigmang ito ay tinatawag ng Mycenean. Sa mahigit na 3000 taon, ang kuwento sa mga taga-Crete ay nakarating sa kaalaman ng ibang mga pangkat sa pamamagitan lamang ng mga alamat. (Barrientos, at Buefete,, 2001 p. 106)

Ang Kabihasnang Mycenean Sa panahong umuunlad ang kabihasnang Cretan ay maraming mahahalagang pangyayari ang naganap sa Greece. Sa pagsisimula ng 2500 B.K., dalawang pangkat ng tao ang nakarating sa Gresya mula sa hilaga. Tulad ng mga Hittites, Medes, Persyano at Aryano, ang mga pangkat na ito ay mga pastol mula sa hilaga ng kabudukan ng Caucasus. Pinaniniwalaang gumamit sila ng wikang Indo-Europeo ang wika ng mga Griyego. (Cabiles, at Santiago, 1998 p. 65)

Isang tribong Indo-Europeo na Tinawag na Ionian ang nanirahan sa Gitnang Gresya at sa mga pulo sa Aegean. Sila ang nagtatag ng tanyag na lungsod-estado ng Athens. Ang ibang pangkat na Tinawag na Achaean ay nanatili sa peninsula ng Gresya. Naging makapangyarihan ang mga Achaean mula 1600 hanggang 1100 B.K. Nagtayo sila ng mga pamayanang estado sa Peloponnesus sa Timog Gresya. Kabilang dito ang Mycenea, Tiryn at Pylos. Dahil sa mga Mycenea ang unang pamayanang natuklasan, ang Kulturang Achaean ay tinagurian din na kabihasnang Mycenean. (Cabiles, at Santiago, 1998 p. 65) Pagsapit ng mga bandang 1600 B.K., naglitawan naman sa may Mycenae ang mga manggagaya sa maluho at maunlad na pamumuhay ng mga taga-Knossos. Mycenean ang itinawag sa sibilisasyong binuo ng mga taong ito. (Gonzalez, FSC, Velez, Bernardino, 1996 p. 43)

Sa loob ng ilang panahon, kapwa nagpaligsahan ang mga sibilisasyong Minoan at Mycenaean upang masolo ang pangangalakal sa silangang bahagi ng Dagat Mediteraneo. Naputol lamang ang paligsahang ito nang sinamangpalad na mawasak ang isla ng Crete ng malalaking along gawa ng pagsabog ng bulkas sa karatig-isla ng Thera. (Gonzalez, FSC, Velez, Bernardino, 1996 p. 43) Paladigma ang mga Achaean at madalas nilang salakayin ang mga lugar sa silangan ng Mediteraneo. Ipinalagay na sila ang sumira sa Lungsod ng Knossos at ginaya nila ang kultura ng mga Cretan. Ang mga palayok at alahas ng mga Achaean ay kahalintulad ng mga ginamit ng mga Minoan. (Cabiles, at Santiago, 1998 p. 65)

Noong 1000 B.K., isang pangkat ng tao mula sa hilaga, ang mga Dorian, ang sumalakay sa Gresya. Sinakop nila ang mga Mycenaean. Sinira nila ang mga lungsod na datiy maunlad at masagana. Dahil ditto, nahinto ang kalakalan sa rehiyon mula 1100 B.K. hanggang 700 B.K. Kakaunti ang nalabing ari-arian ng mga tao at nagkaroon ng kaguluhan. (Barrientos, at Buefete,, 2001 p. 107) Ang mga Dorian Makaraan ang 1200 B.K., ang mga Dorian naman, na gumagamit ng wikang Griyego, ang dumayo at tumalo sa mga pinuno ng Mycenae. Marunong nang gumamit ng asero ang mga dayo at ang kaalamang itocang ginamit nila upang pabagsakin mula sa kapangyarihan ang mga aristokratang naghahari sa Mycenea. Pati ang siyudad ng Troy na nasa gawing hilagang kanluran ng Asya Maynor ay kanilang sinalakay at sinakop. (Gonzalez, FSC, Velez, Bernardino, 1996 p. 44)

Panahon ng Kadiliman o Panahon ng Karimlan Sapagkat ang mga sumakop sa Troy, Mycenae, at iba pang mga bayan sa may Dagat Aegean ay itinuturing na mga barbaro, tinawag ng mga tao ang panahon ng kanilang paghahari na Panahon ng Kadiliman para sa Gresya. Ang mga mananakop ay walang kinikilalang batas, walang matinong sistema ng pamahalaan, walang karanasan sa pakikipagkalakalan, at ang buong buhay ay umiikot lamang sa kani-kanilang mga pamilya at maliliit na pamayanan. Ang binansagang Panahon ng Kadiliman ito, sa ilalim ng mga tinawag na Griyego, ay mula 1150 B.K. hanggang 800 B.K. (Gonzalez, FSC, Velez, Bernardino, 1996 p. 44)

Ang Kasaysayang Pampulitika ng Gresya Pinaghiwalay ng mga bundok at dagat ang mga Griyego sa mga pulo at kalupaan ng Gresya. Naging mahirap para sa isang hari ang ang mamuno sa kanilang lahat. Dahil dito, ang bawat pangkat ng mga Griyego ay nagtatag ng kani-kaniyang polis o lungsod-estado. May paguugnayan ang mga lungsod-estado. Nagpalitan sila ng mga kalakal. Dulot nito, silang lahat ay nakibahagi samga elementong bumuo ng Sibilisasyong Griyego. (Barrientos, at Buefete,, 2001 p. 107)

Athens: Pinakademokratikong Lungsod Estado ng Gresya Ang Athens ang pinakamalaki sa lahat ng siyudad ng Gresya at sa isang panahon ay umabot ng halos isang kapat ng isang milyon ang bilang ng mga mamamayan doon. Maayos ang komersyo ng Athens at labas-masok dito ang mga idayang banyaga dahil bukas ang pinto nito sa mga manlalayag mula sa ibang bansa. (Gonzalez, FSC, Velez, Bernardino, 2002 p. 44) Lipunan Dahan-dahan ang pagsibol ng demokrasya sa Gresya. Sa simula pinamumunuan ito ng mga awtokratikong monarko o hari. Ilang mayayamang kalalakihan, na kung tawagin ay mga arkon ang nagtutulong-tulong na talunin ang hari at tuloy nagtatag ng isang aristokrasya o pamumuno ng ilang tao lamang. Tinutulan ng mga taga-Athens ang ganitong uri ng pamahalaan. Humingi sila ng tulong kay Draco, isa sa mga taong malaki ang nagawa tungo sa ikasusulong ng demokrasya. Noong panahong iyon, batay ang kanilang mga batas sa kanilang mga kaugalian na maaaring baguhin ng mga mayayaman kung ang mga ito ay hindi makakabuti sa kanila. Ang nangyari tuloy, kawawaang mga tao sa di-makatarungan at masamang trato sa kanila. Hinirang si Draco upang isulat ang kanilang mga batas. Ngunit napakahigpit ng kanilang mga batas. Kamatayan ang madalas na hatol sa maraming pagkakamali. Sumunod na hinirang ng mga tao na maging puno nila si Solon. (Quirante Radford, 2003 p. 74) Sa ilalim ni Solon, isang mambabatas na mayaman, nabigyan ng karapatan ang mga dukha na bumoto at ng proteksiyon laban sa pagkakaalipin. Subalit pinanatili niya ang karapatang mamuno sa kamay lamang ng tulad niya. (Gonzalez, FSC, Velez, Bernardino, 2002 p. 45)

Pinawalang saysay niya ang mga batas na nagtatakda ng pagiging alipin ng isang tao kapag hindi ito nakabayad ng kanyang mga utang. Itinakda niya ang laki ng lupang maaaring maging pag-aari ng isang tao. Sinimulan din niya ang paglilitis na may sangguniang hurado upang mabigyan ng katarungan ang lahat. . Maraming pagbabagong isinagawa si Solon na pawang nakabuti sa mga tao. Sa kasalukuyan, marunong na mambabatas ang kahulugan ng salitang solon. (Quirante Radford, 2003 pp. 74-75) Sumunod kay Solon si Pisitratus. humalili kay Solon at at nagpanumbalik ng kapanatagang politikal . Ipinagpatuloy niya ang palakad ni Solon. Sinumang tao na humawak ng tungkulin ng pamahalaan sa paraang hindi naaayon sa batas o kaugalian kahit na siya ay mapagkawang-gawa. Itinaguyod ang alyansang komersyal sa ibang lungsod-estado. (Camacho, 2012) Ang humalili kay Pisitratus ay si Cleisthenes. Sa ilalim ni Cleisthenes, nagkaroon ng asembleang binubuo ng lahat ng lalaking may sapat na edad. Mula sa asembleang ito binuo ang Konseho ng Limandaan (Council of Five Hundred) na siyang gumawa at nagpatupad ng mga batas. Ang asemblea rin ang pumipili taun-taon ng 10 heneral na siya naming pipili kung sino ang magiging tagapangulo ng bansa. Si Pericles ay 16 na taong sunud-sunod na napiling pinuno ng Athens sa ganitong paraan. (Gonzalez, FSC, Velez, Bernardino, 2002 p. 45) Sparta: Ang Estadong Militar Ang mga Spartan ay galing sa tribong Dorian na pumasok sa Gresya noong 1100 B.K. Ang siyudad na itinayo nila sa Laconia ay ipinailalim nila sa mahigpit na disiplinang siyang naging tatak nila sa buong mundo. Bukod sa pagiging disiplinado, matatag at handang mamatay para sa bayan, nakilala rin ang mga Spartan dahil sa malakas na puwersang militar. Nang dumating sila sa bayan ng Laconia na naging himpilan nila, yaong mga dinatnan nilang Achaean at Ionian ay ginawa nilang mga alipin. (Gonzalez, FSC, Velez, Bernardino, 2002 p. 44)

Ilan sa mga Ambag sa Kabihasnan Sining, Arkitektura, at Iskultura Ang kaluwalhatian ng sining at arkitekturang Griyego ay narrating noong panahong Hellenic. Ang imahinasyon, ganda, at armoniya ng sining-Griyego ay makikita sa ibat ibang likhang sining. Kabilang dito ang mga palayok, pintura, nililok na mga bato at bronse, at mga monumento para sa mga diyos at diyosa. (Ocampo-Santos, 2007 p. 99)

Pagdating naman sa iskultura, tatlong iskultor ang napabantog noong unang dantaon: Myron, Polycletus, at Phidias. Pinakakilala sa tatlong ito si Phidias, matalik na kaibigan ni Pericles. Kabilang sa kanyang mga obra maestro ang dalawang statwa nin Zeus sa Olympus at ni Athena sa Parthenon. (Ocampo-Santos, 2007 p. 99) Pilosopiya Ang mga pinaka bantog na mga pilosopo sa Gresya ay sina Socrates na guro naman ng isa pang bantog na pilosopo na si Plato na naging guro naman ng pinakatanyag sa kanilang lahat Aristotle na ng mamatay si Plato, siya ang nagturo kay Alexander The Great. (Ocampo-Santos, 2007 p. 84)

You might also like