Pagbabagong Morpoponemiko

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko 1.

Asimilasyon - kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /, ang panlaping pang- ay nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /. Paalala: Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k, m, n, ng, w, y / o patinig ( a, e, I, o, u ). Nilalagyan ng gitling ( ) kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig. Halimbawa: Pang Pang Pang Pang + = + + lunas = panglunas - panlunas baon = pangbaon - pambaon kulay = pangkulay isahan = pang - isahan

2. Pagkakaltas - sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng salita Halimbawa: Sunod + in = sunodin - sundin Takip + an = takipan - takpan Dala + han = dalahan - dalhan 3. Maypalit - may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng salita. Nagaganap ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng dalawang patinig. Halimbawa : Ma + dami = madami - marami Bakod + bakudan - bakuran 4. Pagpapaikli ng salita - Pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita. Halimbawa : Hinatay ka = Tayka - teka Tayo na = Tayna - tena, tana Wikain mo = Ikamo - kamo Wika ko = ikako - kako

You might also like