Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KAKULANGAN SA TRABAHO AT MGA PAGKAKAKITAAN Siguro ay ang kakulangang ito ang siyang pinakamalaking problema sa Pilipinas.

Nakadikit dito ang mga problema ng kagutuman, kawalan ng disenteng tirahan, kawalan ng kakayahan na makapag-aral, at marami pang iba. Marami ang maaring maging sanhi ng ng kakulangan ng oportunidad. May magsasabing ang mabilis na paglobo ng populasyon, graft o kaya ay red tape, atbp. Sa aking pagmamasid ay palagay ko ay pinakamalaki na ang kontribusyon ng kumplikadong mga sistema sa pagtatatag ng negosyo. Ang direktang pamumuhunan kasi ang siyang bumubuo malaking porsiyento ng mga bagong trabaho. Sa pagbili pa lamang ng lupa, zoning, building permits, business permits at mga kung anu-ano pang rekutitos ng ibat-ibang ahensya na kailangang kausapin. Maaaring may mga siyudad at bayan na ayos na ang zona ng mga lupa, pero pagdating naman sa building permits ay problema na. Minsan kasi ay ang building regulations ang isa sa pinagkakakitaan ng mga tiwaling opisyal (malaki nga naman ang gastos sa halalan kaya kailangan na makabawi. Ang building regulations ay parang gatasang baka ng mga tiwali.). Sabi nga ng isang building inspector na nakausap ko kapag walang lagay ay mabagal ang proceso, kulang kasi sa tao. Kung babasahin kasi ay mahirap sundin ang mga batas tungkol dito. Marami ring aspeto ang nangangailangan ng discretion ng mga building regulators. (Hindi lang naman investors ang apektado ng korapsyon sa building regulators, kahit mga nagpapagawa ng low cost housing ay apektado rin). Isa pa ay ang tila talamak ng kakulangan ng kwalipikasyon ng building inspectors. Dito kasi sa Pinas, kapag supporter ni Mayor (kahit di kwalipikado) ay pwedeng maging technical evaluators. .Dapat kasi na mas mataas o kapantay ang kwalipikasyon ng mga evaluators sa mga private building planners. Paano mo kasi ie-evaluate ang plano kung hindi alam kung ano ang laman ng mga iyon. Dito dapat pumasok ang paglalagay ng mga bayan at siyudad ng one stop shops at priority lanes sa investors. At dapat na heinous ang bigat ng ng kaso sa mga aabusong kawani at opisyal ng gobyerno. Sa dulo ng lahat, ang dahilan ng kakulangan ng tiwala ng mga investors ay ang karagdagan gastos para ipang-areglo nila sa mga fixers at tiwaling opisyal at kawani. Paano masasawata ang paurong na sistema? Maglagay ng kwalipikasyon sa lahat ng hahawak ng mga papeles sa building regulations, fast lanes at one-stop shops, pagpapasa ng simplified investment laws, at gawing economic sabotage ang bigat ng parusa ng paglabag dito.

You might also like