PAGPAPAKASAKIT Ni Michael Saudan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagpapakasakit Ni Michael Saudan Aling pag-ibig kaya ang mas nakahihigit?

Sa pagpapakatanga at pagpapakasakit Para sa isang taong tapat na iniibig, At pinag-aalayan ng daigdig. Ang tunay na pag-ibig ay hindi masusukat Sa sang huwad na ginto at kalawanging pilak Ni hindi mahahanap sa lakang nagpapanggap Kundi nananalaytay sa luhang pumapatak. Kapag ang iyong pusoy natuto nang magmahal Hindi mapipigilang ikay magpakahangal. Iaalay ang lahat buhay pati dangal, Para lamang sa kanyang tunay mong minamahal. Ang bawat sandali na iginuhit sa palad, Nadarama ng puso ay langit ang katulad, Ngunit pano kung siya ay hindi naging tapat, Magagawa pa kayang pag- ibigy ipaglaban? Mga katoto, payo koy inyong pakinggan. Nang di mo maranasan sakit ng kabiguan. Minsan na ring umibig ang aking pusong hangal

Sa isang taong manhid at walang pakialam. Pag nagmahal ka huwag mong ibigay ang lahat. Dapat iyong tama lang at sa tingin moy sapat. Pagkat pag syay nawalat hindi mo na masipat, Ikay masasaktan at pusoy parang sinibat. Kung nararamdaman mong napapagod na siya, Hayaan mo muna syang lumayot mapag -isa. Nang syay makapag -isip at nang makapagpasya Kung ang inyong pag-ibig, ipagpapatuloy pa. Ngunit gayunpamay ipaki ta mo ang lahat Ng iyong pagmamahal at mga pagsisikap Ipakita mong ikaw ang karapatdapat Sa kaniyang pag- ibig na yong pinapangarap. Kung minsay kailangan nating magpakababa, Upang ang sinseridad ay kaniyang madama. Paay panatilihing nakatapak sa lupa, Nang magkabilang duloy palaging magkatugma. Ilan lamang ito sa mga dapat nating gawin. Upang pagmamahalay palagi ninyong angkin Sakaling dumating ang sanlibong tiisin, Mananatiling buhay ang inyong paglalambing.

You might also like