Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGKILATIS SA KAIBAHAN NG WIKANG ILOKANO SA WIKANG FILIPINO I. Layunin: 1.

Malaman ang kagandahan ng pagkakaroon ng iba pang wika bukod sa wikang pambansa- wikang Filipino. 2. Makilatis ang kaibahan ng wikang ilokano sa wikang pambansa- wikang Filipino. 3. Matukoy kung sa anong aspeto nagkakaiba sa pagsasalita ng wikang Filipino ang likas na Ilokano sa nagsasalita talaga ng wikang Filipino.

II.

Rationale: Makikita natin na ang ating bansa ay may ibat- ibang wika at nagsagawa kami ng isang pagsusuri patungkol sa wikang Filipino na kung saan ang nagsasalita ay isang likas na nagsasalita ng ilokano. Ang pagsusuring ito ay isinagawa upang malaman kung ano ang basehan ng tunay na wikang Filipino. Aalamin kung ano ang magiging kaibahan ng isang likas na nasa katagalugan sa isang likas na ilokano na nagsasalita sa wikang Filipino. Mabibigyang- pansin din dito ang wikang ilokano at maihahambing sa wikang Filipino. Mapansin natin na ang pagkakaroon ng wikang pambansa ng isang bansa ay mahalaga kahit may pagkakaiba sa pagbitaw ng mga salita.

Ito ay isang mahalagang pagsusuri na nagpapamulat sa buong sambayanan na kahit galing sa ibat- ibang panig ng bansa ang nagsasalita, kahit may kaibahan basta ang sinasalita ay wikang Filipino, masasabi natin na ito ay Pilipino.

III.

Teoretikal at Konseptwal na Balangkas: ANG ORTOGRAPIYANG ILOKANO Noong 1971, binuo ni Ernesto Constantino ang Ilokano Reference Grammar para maging bahagi ng Pacific and Asian Linguistic Institute of the University of Hawaii. Nakasulat dito ang 17 na katinig- b, d, f, g, h, k, l, m, n, ng, p, q, r, s, t, w, w. nakasulat din ang 5 na patinig na hinango din sa wikang Filipino. Sinasabi na 3 lang ang patinig ngunit iginaya na lang ito sa wikang Filipino kaya ginawa itong 5. Ito ay ang e-i, o at u. ang patinig na a ay nanatili sa kanyang tunog. Sa Iloko Grammar na sinulat ni Morice Vanoverbergh noong 1955, siya ang nagpalit ng 3 patinig at itoy ginawang 5. Marami naman obserber na nagsasabi base sa tunay na dayalektong Ilokano lalo na ang mga likas na ilokano na galing sa Laoag at Vigan na ang patinig ay 6 sa kadahilanang ang patinig na e ay binibigkas din ng mga iloko ng matigas, ngunit ang mga iskolar ay pinapaintindi na ang matigas na e at ang natural na e ay walang pinagkaiba sa kahulugan. May sinabi si Laconsay na grupo ng ilokanong linggwistiko na nagpasa ng kasulatan na ang alpabetong ilokano ay 20, ito ay ang a, c, d, e, g, i, k, l, ll, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, at y.

Ang mga pagbabagong ito sa wikang Ilokano ay upang maglaan sa ekonomiya, sa kasanayan sa pagsasalita ng wika, at sa pagkapare- pareha ng wika sa isang lugar. ORTOGRAPIYANG FILIPINO AT ANG KATANGIAN NITO Panahon pa lamang ng katutubo ay may alpabeto na ang Pilipinas, ang una nga ay ang Alibata na may 17 na titik. 3 patinig at 14 na katinig. Noong panahon na ng kastila ay nabago ito ng konti, nadagdagan ito ng 3 titik at naging 20 ito lahat. Sa pagdaan ng panahon, unti- unti din nabago ang bilang ng titik ng alpabeto. Iginaya din ito sa bilang ng titik ng dayuhang Amerikano at itoy nagin 26. Dahil may konti itong kaibahan, may idinagdag itog dalawang titik ito nga ang n at ng at naging 28 na titik. Base sa makaagham na pag-aaral, ang bawat titik ay may kanya- kanyang tunog. Ito ay ginagamitan ng artikulasyon, ang punto ng artikulasyon at paraan ng artikulasyon. Ibat- ibang tunog ang nagagawa ng ibat- ibang titik, sa kadahilanang, ibat- ibang bahagi din ng artikulasyon.

IV.

Buod ng Natuklasan/ Kongklusyon: Sa pagsusuring ito, napag- alaman ng mananaliksik na nag wika ay sadyang kakambal ng kultura. Gaya nang laging nasasabi ng sa mga aklat, ang wika ay produkto ng mayamang karanasan ng lipunan. Isa ring katangian ng wika ay ang wika ay tunog. Patunay dito ang nasabi kanina na may artikulasyon. Dahil sa mga nakalap na datos, masasabi kong ang ang isang likas na ilokano kapag nagsalita ng wikang Filipino ay ibang- iba sa taong kinalakhan na

ang pagsasalita ng wikang Tagalog na ito rin ang basehan ng wikang Filipino. Ang isang ilokano ay kapag nagsalita sa wikang Filipino ay matigas sa kadahilanang ang mga patinig nila ay iba. Magkaiba ang pagkakabigkas sa o at u. Ang wikang Ilokano din ay may matigas na e na may malaking kaibahan sa pagbigkas ng mga patinig sa wikang Filipino.

You might also like