Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Derell S.

Arellano IV-Acacia

Pabor
Sa panahon ngayon, palaki na nang palaki ang populasyon ng bansang pilipinas. Nang dahil dito, lalong naghihirap ang mga mamamayang Pilipino. Ano nga ba ang mga sokusyon upang mapigilan ang ganitong sitwayon? Ano nga ba ang hangarin ng RH Bill? Una, Itoy magbibigay ng kalayaan sa mga mag-asawa upang makapamili ng planong pampamilya kung ito bay natural o artificial. Pangalawa, isasalba nito ang may 11 na babaeng namamatay araw-araw dahil sa diperensya sa pagbubuntis. Pangatlo, matuturuan ang mga kabataan kung ano ba ang kahalagahan ng family planning. Pang-apat, Mabibigyan ng benepisyong medikal ang pamilya. Panglima, bababa ang pagdami ng populasyon ng bansa taun-taon upang makasapat na rin ang inilaang budget ng gobyerno sa mga proyektong panlipunan. At ang pang-anim, mapagtutuunan na ng panahon ang mga mahahalagang konsepto sa ating buhay. Dapat lamang natin ito paburan dahil ito ay tutulong sa mga kababaihan upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at magbibigay-kaalaman sa mga kabataan upang malaman nila kung ano ba ang dapat planuhin sa kanilang buhay. Bakit ko sinusuportahan ang RH Bill? Hindi isang masamang batas ang RH Bill, kundi itoy poprotekta sa kalusugan ng mga mamamayan dahil mabibigyan sila ng prebiliheyo na makakuha ng benepisyo rito. Mahigit 100 taon pa ang hihintayin upang maramdaman ang epekto ng pagbaba ng pagdami ng populasyon ngunit ito naman ay tutulong upang mapag-isipan ng mabuti ang mga dapat gawin o planuhin pagdating sa pagpapamilya. Isa lang ang RH bill sa mga solusyon upang mapuksa ang kahirapan sa bansa. Marahil hindi agad mawawala ay unti-unti namang luluwag ang buhay ng mga maralitang naghihirap.

Derell S. Arellano IV-Acacia

Maligayang Pagdating 2013

Lumipas na naman ang isang taon, ang taong punung-puno ng saya, lungkot at problema. At ngayon, dumating ang taong magbibigay sa atin nang pag-asa at pagsubok. Unang pasok lang ng aking taon, napakasaya ko na, dahil buo kaming pamilya na sinalubong ang bagong taon na 2013. Ngunit, ano nga ba ang mga mangyayari ngayong taon, sa bihay ko at sa buhay n gating bansa? Sa aking buhay. Enero pa lamang, damang dama ko na na malapit na kaming maghiwahiwalay ng aking mga kamag-aral dahil sa nalalapit ng aming pagtatapos. Kaya, bawat sandali ng aming pagsasama ay aming nilalasap. Sa Enero 12, 2013, ako ay kukuha ng scholarship sa FAITH , ang Jose Rizal Scholarship, dahil ako lamang sa aking mga kamag-aral ang nakapasa sa nasabing paaralan upang makauha ng ganoong scholarship. Alam naman natin na dadating din ang araw n gaming paghihiwa-hiwalay. Alam ko din na magiging excited kami dahil kami ay tutungtong sa ikalawang lebel n gaming pag-aaral, ang kolehiyo. Sa ating bansa. Nalalapit na ang eleksyon sa ating bansa na magbabago ng takbo sa ating pamahalaan at sa mga Pilipino. Malaki ang magbabago sa ating bansa dahil ditto, mawawala na ang mga korap na pulitiko at papalitan ng mga mas maayos mamahala. At pagdating ng buwan ng Hunyo, ang buwan ng pasukan para sa mga mag-aaral, ay buwan din ng tag-ulan. Hindi na maiiwasan na magkaroon ng baha lalo na sa mga mababaw na lugar tulad na lamang ng Metro Manila. Ito ang maaaring mangyari at pwedeng mangyari sa ating kasalukuyan. Kaya dapat nating pahalagahan ang bawat sandal sa oras natin, dahil di na natin maibabalik ang mga nakalipas na.

You might also like