Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

I. II.

Komitment sa Paggawa Patuloy sa Paggawa Kahit Lagpas na sa Takdang Panahon Sanggunian: Badyet ng Gawain sa EKAWP IV Mga Kagamitan: tsart, mga larawan Pagpapahalaga: Saloobin sa Paggawa Pamamaraan A. Panimulang Gawain (Enero 16 Miyerkules) 1. Balik Aral Paano mo maipapakita sa lolo o lola mo na kahit na matanda na sila ay importante pa rin sila sa pamilya? 2. Pagganyak Sino sa inyo ang may tatay na nagtatrabaho sa konstraksyon, pabrika atbp? Anong oras siya umuuwi ng bahay? Ano ang paliwanag ng tatay mo kapag gabi na siya umuuwi? Paglalahad Basahin ang tsart tungkol sa pagtatrabaho.

III.

3.

B.

Talakayan (Enero 17 Huwebes) 1. Bakit pinulong ni Bb. Gonzales ang klase niya? 2. Ano ang ginawa ni Arlene? Bakit? 3. Bakit siyang-siya si Arlene nang matulog? 4. Kung ikaw si Arlene, magpupuyat ka rin ba? Bakit? 5. Ano ang mararamdaman mo kung lagpas na sa oras ay gumagawa ka pa rin? Bakit? Paglalahat Memoryahin ang tugma na ito sa loob lang ng 5 minuto. Mga kamay na munti Maghapong walang tigil Lahat hinihipo Paggawa hindi mapigil.

C.

D. Paglalapat (Enero 18 Biyernes) May gawaing bahay na ipinadala ang guro mo sa iyo. Dapat mong tapusin sa gabi para maibalik o maipasa mo sa kanya ng umaga. Kailangang-kailangan niya sa araw na iyon. Subalit ikaw ay antok na antok na, ano ang gagawin mo? IV. Pagtataya Basahin, unawain at lutasin ang mga kalagayan. 1. May gawaing bahay kapang gagawin. Pagod ka na. tatapusin mo ba ito? Bakit? 2. May ginagawa kang panyo. Bukas ang bigayan nito sa inyong klase ngunit gabi na. tatapusin mo ba ito? Bakit? 3. Tapos ka nang maglinis ng bahay. Ngunit nakita mong tambak ang hugasin sa lababo. Anong gagawin mo? Bakit? 4. Nakagawa ka na ng pandakot sa EPP. Nakita mong wala kayong pandakot. Ano ang gagawin mo? Bakit? Takdang Aralin Memoryahin ito: Dagdag na gawain Pagsumikapang gawin Kahit lagpas sa oras Atin din tapusin.

V.

You might also like