Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ZAMBOANGA NATIONAL HIGH SCHOOL- WEST R.T.

Lim Boulevard, Zamboanga City DEPARTAMENTO NG FILIPINO

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO III I. Mga Layunin Sa pamamagitan ng larawan , ang mga estudyante sa ikatlong taon ay inaasahang: A. nailalarawan ang kaibahan ng pananamit noon at ngayon; B. natutukoy ang kwentong akdang pampanitikan na napapaloob; C. naipaliliwanag ang ipinapakita sa pangunahing tauhan: at D. naisasagawa ng reaksyon tungkol sa daloy ng tauhan at kwentong napapaloob. II. Paksang Aralin Paksa : Banyaga ni Liwayway A. Arceo Sanggunian : HAMAKA Kagamitan : larawan, mag biswal na nagpapaliwanag Kasanayan : maayos na pakikinig sa mga panutong inihanda at pagbibigay mungkahi sa mga kaisaipan. Kahalagahang Moral: Sa pagganap ng isang tao lalo sa pinanggalingan ay bigyan ito ng limitasyon para hindi mauwi sa sakitan o kapahamakan. III. Pamamaraan A. Pangganyak

Gabay na Tanong: 1. Paano nagkaiba ang dalawa? 2. Ano ang masasabi mo sa mga babae noon at ngayon? 3. Ano-ano ang maaring magbago ng isang tao? 4. Magbibigay ng mga dahilan kung bakit maaaring magbago ang isang tao sa kanyang kilos, pananamit at pananalita?

B. Paglalahad Itanong: Nakakatulong ba sa isang tao ang mga pagbabagong ginawa niya sa sarili? Patunayan? C. Pagtatalakay Basahin ang kwento Gabay na Tanong: 1. Ano-ano ang mga pagbabagong naganap kay Fely? 2. Paano siya sinabong ng mga taganayon? 3. Makatwiran bang pangaralan ng mga dating kamag-aral si Fely? Bakit? 4. Ang tagumpay kaya sa propesyon ay sapat nang magbigay ng ganap na sa buhay ng isang tao? Bakit? 5. Ano kaya ang ibig sabihin ng akda sa mambabasa lalo na sa mga kababaihan? . D. Pagpapalawak 1. Ano kaya ang nais ipahiwatig ng huling talata sa kwento? 2. Ano ang nakuhang aral nang mabasa ang kwento? E. Paglalapat 1. Matapos mong manasa ang kwento ano ang nalaman mo? 2. Nagkaroon ba ang epekto sa iyong sarili ang iyong nalalaman? 3. Ano ang nadama mo matapos mabasa at matalakay ang kwento? 4. May pagbabagong pangkaisipan naganap sa iyo matapos basahin ang kwento? IV. Ebalwasyon Magpakita ng larawan ng dalawang babae na nagtataglay ng kalakasan sa komunidad at Ipasalaysay ang kanilang kalakasan..

Inihanda ni G. Jomaj F. Dela Cruz

You might also like