Sketch 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 291

SKETCH -0-0-0-

"I'm sorry but your child would no longer be accepted in this school. She has done enough violations for her to be expelled from this school. I'm sorry Mrs. Buendia. Nanghihinayang nga ako sa anak mo eh. Matalino pa naman, kaso rules are rules. Pero believe me Mrs. Buendia, your daughter has been a great lost to us."

Ang plastik talaga ni Ms. Enriquez! If I know, matagal nya na ako gustong ikick out sa eskwelahan na ito. Bakit si Melanie, hindi din nila iexpel? Panigurado, sinuhulan nya si Ms. Enriquez kaya hindi ko sya kasamang naexpel!

"Eh bakit yung nakaaway nya? Yung Melanie ba yun? Sya ang nauna diba? Tinapunan nya ng mango shake ang anak ko! Alangan naman na hindi lumaban ang anak ko diba? Unfair naman ata na ang anak ko lang ang maeexpel!"

"Melanie will be suspended for her actions. Compared sa anak nyo, mas konti ang violations ni Melanie. At maganda ang reputation nya at ng mga magulang nya sa school na-"

"Ah! Ganun? Koneksyon kamo! Hindi na ako makikipagargumento pa! Tama na rin na matanggal sa eskwelahang ito ang anak ko! Tutal, mga mukhang pera naman mga tao dito eh! Ang laki pa ng tuition! Maiwan ko na kayo!" Tumayo na si mama sa kinauupuan nya at hinila na ako palabas ng office.

Pagkalabas ng school, akala ko okay na ang lahat, ng bigla akong piningot ni Mama.

"Ma! Ang sakit! Aray! Wag naman dito! Nakakahiya!"

"Naku! Bata ka! Maldita ka talaga kahit kailan! Akala mo kinukunsinte ko ang pagiging warfreak mo? Syempre hindi! San ka magaaral ngayon ha? Naku bata ka! Okay lang lumaban pero wag naman sobra! Aba, ilang araw daw nasa ospital yung nakaaway mo eh! Tapos ikaw, black eye lang at kalmot ang nakuha! Wag ka makipagaway sa walang laban sayo! Maging patas ka naman!"

Sus. Hindi daw nya kinukunsinte ang pagiging war freak ko. Eh parang sinabi nya na ok lang na makipagaway ako, basta sa katapat ko lang. Teka, san nga ba ako magaaral? Eh ang St. Anne Academy lang naman ang malapit na school sa amin?

Pagdating sa bahay, nakangisi si Kuya Dave,Kuya Denver at Kuya Dexter sakin. Parang alam na nila ang nangyari sa school.

"Ayan, yang kapatid mo, di na tatangapin sa St. Anne. San natin ipapasok yan ngayon?"

"Sinabi ko na nga ba eh. Napaghandaan ko na yan eh. San pa? Edi sa school kung saan kami grumaduate! Galing nga ako dun eh at tinanong ko kung ano ang requirements para sa mga transferee!" Sabi ni Kuya Dave na halatang umalis nga ng bahay dahil nakasuot pa sya ng pangalis nya.

"Nangaasar ka ba? Exclusive school yun para sa mga lalake eh!" Aambahan ko na sana si Kuya Dave ng suntok ng inawat ako ni Kuya Dexter.

"Relax bro! Este sis pala! Nalaman ko kasi na ang Colegio De San Antonio ay Coed na! Tumatanggap na sila ng mga babae!"

"Aba, edi maganda. Hindi mo na pala kailangan lumipat sa mas malayong eskwelahan!"

"teka, edi puro lalake dun? Paano kung ako lang nagiisang babae dun?"

"Ok lang yun! Ng makahanap ka na ng katapat mo! Hahaha!"

"Para magkaboyfriend ka na rin Madeng! Maraming mayayaman at gwapo dun!" Hirit naman ni Mama.

"Ma, hindi sila talo no!" Sabay tumawa ng malakas si Kuya Denver.

Napikon na ako kay Mama at sa mga Kuya ko. Umakyat na ako para makapagpahinga.

Ako si Maria Denise Buendia. Ayoko nung Maria sa first name ko. Dahil dun kaya Madeng ang tinatawag sa akin ng mga tao dito sa bahay. Siguro ang first impression nyo na sa akin ay boyish ako at warfreak na babae. Medyo tama kayo dyan. Tatlo ba naman ang kuya mo, di ka kaya lumaking boyish?

My usual dress code is, shirt/tee,pants and chucks or rubbershoes. Di mo ako makikitang nagslesleeveless o di kaya palda. Lagi nga pala akong may suot na cap. Kahit sa school may suot akong cap kahit alam kong bawal. Hehe. Mga kabarkada ko sa amin, mga kapitbahay kong lalake. Hindi naman sa malandi ako ha, mas komportable lang talaga ako pag lalake ang kasama. Madalas nagbabasketball kami sa court malapit sa amin.Minsan naman, naglalaro kami ng mga computer games sa mga computer shops na malapit sa amin.

Pero hindi ako tomboy ha! Maaring hindi pa ako nagkakaboyfriend pero wala akong interes sa mga babae. Kahit na sa exclusive school ako nagaral, ni hindi sumagi sa isip ko na manligaw ng babae.

At isa pa, kahit maging lalake ako, di ako magkakagusto sa mga babae dun! Saksakan ng arte ang mga babae dun! Lalo na yung grupo nila Melanie! Buti hindi ako nahawa sa kaartehan nila! Para bang hindi sila mabubuhay ng wala ang ever trusted kikay kits nila! Tuwing may sports activity kami, ayaw na ayaw nilang napagpapawisan sila at nadudumihan sa field! Mga pretty rich kids na porket nakakaangat sila, eh masyadong kinakawawa ang mga di nila kalevel. At medyo naiinis ako sa pagkahilig nila sa pink. Sumasakit na ang mata ko dahil kahit saan ako tumingin, color pink na gamit ang nakikita ko!

Pero di naman lahat ganun, may mga naging kaibigan din ako dun. At kung may kaibigan ako, may kaaway din. At yun nga ay ang grupo nila Melanie. Walang araw na hindi kami nagpalitan ng maanghang na salita at mga paangas na tingin. Sila naman lagi ang nauuna eh. Akala kasi nila, papayag ako na api-apihin nila tulad ng ginagawa nila sa iba kong classmates. Pinakahuli na ngang away namingay ang dahil sa uniform na syang dahilan kung bakit ako naexpel sa school.

Ayoko ng fitted na uniform tulad ng sa kanila para lang lumabas na sexy sila. Parang mas madali kasing gumalaw pag maluwag ang uniform ko. Ewan ko ba sa kanila at pati ba naman uniform ko eh

pinapakialaman nila. Kesyo mukha na daw akong gangster sa sobrang luwag ng uniform ko. Syempre sumagot ako hanggang sa umabot sa pagtapon sakin ni Melanie ng mango shake. Papayag ba naman ako na hindi makaganti? Binuhos ko sa kanya ang toyo ng siomai ko. At ayun nagsimula na ang sapakan namin. Ang daya nga kasi pati mga kaibigan ni Melanie pinagtulungan ako. Pero naligpit ko din silang lahat. Kaso nga lang, nasobrahan ata ako sa pagkakabugbog ko sa kanila. Lahat sila naospital maliban sakin. Buti hindi nagreklamo ang mga magulang nila.

Achiever ako di tulad ng mga babaeng yun. Kasama ako sa honor roll. At varsity din ako ng basketball sa school namin. Active member ng sports club at?.. suki ng Discipline Office?

Ano pa ang iba kong violations? Masakit man aminin pero troublemaker ako sa school. Malakas ang trip ko minsan eh. Dahil masyado na akong bored sa cultural show sa school naming, binuksan ko yung fire alarm para makauwi na ako agad habang nagkakagulo. Isang beses naman, nung hindi sumipot ang P.E. teacher naming at naabutan naming syang natutulog sa gym, nainis ako at tinali ko ang magkabilang sintas ng rubbershoes nya.

Nagbago ang buhay ko ng ilipat ako ni mama sa Colegio De San Antonio. Dito nagsimula ang bizarre ride ng buhay ko.

-0-0-0-

"Hoy Madeng! Gising na! Aba, first day of school mo ngayon!" Kinuha ni mama ang unan na nakatakip sa ulo ko.

"1st day mo palang, may violation ka na agad dahil sa pagiging late mo! Hahaha!" Sabi naman ni Kuya Denver. Binato ko nga sya ng unan ko. Nasapul sya sa mukha.

"Ikaw ah, wala kang pagalang sa kuya mo!" At bigla nyang tinakpan ang mukha ko ng unan!

"Hoy! Ano ba kayo? Ang aga aga nagaaway na agad kayo!"

Lumabas na ako ng kwarto at naligo na sa banyo. Nagbihis na ako ng uniform ko. Kung ayoko ng uniform naming sa St. Anne, mas ayoko ng uniform dito sa CDSA, Longsleeves na nga ang pangitaas, ang ikli pa ng palda! Pinarepair ko nga kay Mama eh. Pinahaba ko, kaso naiiklian parin ako. Naiilang tuloy ako.

Kasabay ko kumain sila Kuya Dave,Denver at Dexter. Lahat sila college na. Dapat nga magdodorm na sila eh, kaso gusto daw nila, nasusubaybayan daw ako. Mainis kamo. Yun ang gusto nila.

Pagkatapos kong kumain, kinuha ko na ang favorite cap ko at umalis na ako ng bahay. Sumakay na ako ng jeep sa may kanto at bumaba na sa harap ng CSDA.

Medyo nainitan ako kaya itinaas ko muna ang sleeves ng blouse ko. Sinuot ko na din ang cap ko.

Ang laki pala ng eskwelahang ito! Baka maligaw lang ako kaya naisip ko ng magtanong sa isang lalaking nakita kong nakasandal sa pader ng Boy?s CR.

"Excuse me po, newcomer ako at gusto ko lang po itanong kung saan ang room ng section 3AD?"

"Alam kong newcomer ka. Ngayon lang naman naging coed ang CSDA eh."

Ang ganda ng sagot nya ha! Sobrang ganda! Bigyan ko kaya ng isa ito?

"Onga eh. Sabi ko nga eh. Saan ba ang room ng 3AD?"

"Hanapin mo magisa mo. Buong schoolyear ba magtatanong ka na lang?"

Aba, at talagang binubwisit mo ako ha!

"Ang ayos-ayos ng tanong ko sayo! Sana sagutin mo din ng maayos kung ayaw mong masaktan!"

Tinignan nya lang ako mula ulo hanggang paa. May mga lalakeng lumabas sa CR. Mga kasamahan nya ata.

"At sino ka? Bakit mo sinisigawan si Xylan?" Sabi nung isang mataba.

Ah? Xylan pala ang pangalan ng lokong ito. Panget naman ng pangalan!

"At anong pakialam mo dito?"

"Hoy babae, kung babae ka ngang talaga, ayusin mo ang pakikipagusap sa amin. Hindi mo alam kung sinong kinakalaban mo." Sabi naman nung isang lalaking parang makakapatay ng butiki sa sobrang spiky ng buhok.

"Sabihin mo yan sa lalakeng yan! Sya ang hindi maayos makipagusap eh!" Sabay turo ko kay Xylan.

"Aba't.." Hinawakan nya ako sa kwelyo ko! Mga lalakeng ito pumapatol sa babae? Hinawakan ni Xylan ang kamay nung humawak sa kwelyo ko. Tinangal nya ang pagkakahawak nya sa kwelyo ko.

"Wag kang pumatol sa mga taong walang laban tulad nya..Wala namang sinabi yan eh, puro salita lang."

Lokong ito! Akala ko pa naman ipagtatanggol ako! Wag mo akong maliitin! May araw ka din sa akin! Pasalamat ka 1st day of classes ngayon at ayoko magkaviolation agad!

"Tara na..Maguumpisa na klase natin?"

Umakyat na sila at iniwan ako. May nakita akong teacher na naglalakad patungo sa Boys CR. Sinalubong ko sya para itanong kung saan ang room ko.

Una, yumuko sya nung narinig nya kung anong section ko. Tapos ngumiti sya at saka nagsalita.

"Ah...3AD ka pala! Ako nga pala si Mr. De Guzman. Ako ang adviser ng 3AD. Naku, mukhang 1 taon ang kalbaryo nating dalawa ah..Tara at magsisimula na ang klase." Naglakad na sya paakyat ng hagdan.

"Ano pong ibig nyong sabihin? At, ako lang po ba ang nagiisang babae sa 3AD? O meron pang iba?" Inikot ko yung cap ko na patalikod at sumabay sa paglalakad ni Mr. De Guzman.

"Sa kasamaang palad, oo. Ikaw nga ang nagiisang babae sa 3AD. Malalaman mo rin ang ibig kong sabihin pagpasok natin sa classroom."

Dumaan muna si Mr. De Guzman sa faculty room at pinauna na ako sa classroom.

At pagpasok ko, parang jungle sa gulo at ingay! May mga nagbabasa ng FHM,nagkakagulo sa laptop,nanonood sa portable DVD,nagbabatuhan ng papel,naglalaro ng bola,nagpapatugtog ng radyo at kung ano-ano pa! Classroom ba itong napasok ko? Pero, parang ang saya! Ito talaga ang dream class ko!

At teka, grupo ni Xylan?!

"Aba, aba. Yung babaeng mukhang lalake classmate pala natin! Tara at iwelcome natin sya!"

At mula sa kinatatayuan ko may bumagsak na isang balde ng arina sa ulo ko! Nakasabit pala sya sa pintuan ng classroom! Bakit hindi ko napansin yun?

"Dapat, para sa adviser namin yan, kaso dumating ka, kaya malas mo lang!" At pinagtawanan ako ng buong classroom..

Teka, parang binabawi ko na ata ang sinabi kong "dream class" kasi parang....

NIGHTMARE CLASS ITO!!!

-0-0-0-

Pumasok si Mr. De Guzman sa classroom at nagulat sya ng makita akong may balde sa ulo.

"Pasensya na iha, ganito talaga sa section 3AD. Maloko ang mga estudyante. Ako na ang humihingi ng tawad para sa mga ginawa nila. Nakakalungkot na ikaw lang ang nagiisang babae dito.."

"Ano? Sya lang ang babae dito? Malas naman! Bumisita ako sa ibang classroom, medyo mas marami ang babae!"

"Ang gaganda pa kamo! Mga hotchicks! Malas naman at sya pa ang napunta satin!"

Hindi na ako makapagtimpi pa. Tinanggal ko ang balde sa ulo ko at pinagpag ang arina sa uniform ko.

"Wala po kayong dapat ipagpatawad. Sila ang dapat humingi ng tawad sa ginawa nila sa akin."

"Kami? Hihingi ng tawad sayo! Nahihibang ka na ata!"

"Oo at hindi. Oo, hihingi kayo ng tawad sakin. Nahihibang? Hindi pa naman."

"Eto ang gusto nyo ha? Etong sa inyo!"

Binato ko yung balde at nasapul sa mukha si Xylan. Muntik na syang Bumagsak sya sa upuan nya. Hindi naman talaga para sa kanya yung balde eh! Yung spike ang buhok ang talagang gusto kong patamaan.

Nakatulala lang si Mr. De Guzman at yung mga classmates sa ginawa ko. Hindi nya siguro akalain na gagawin ko yun.

Umakyat ako sa platform at inikot ko ulit ang cap ko.

"Hoy kayong 3AD. Piliin nyo kakalabanin nyo. Ako si Denise Buendia! Hindi ako basta-basta! Hindi ako magpapatalo sa mga tulad nyo lang!"

"Buendia?"

"Pare Buendia daw oh! Di kaya?"

"Excuse me, are you of any relation of Denver,Dexter and Dave Buendia?" Tanong sakin ni Mr. De Guzman.

"Opo..As a matter of fact, mga kuya ko po sila? Ako ang bunso nilang kapatid."

"KUYA?!" sabi ni Mr. De Guzman at ng mga classmates ko.

"Hindi na nakakapagtaka pa! Kaya pala basagulera eh! Sya ang bunsong kapatid ng mga Brothers Of Doom!"

Brothers of Doom? Ano daw yun?

"Tama sya. Hindi nga sya basta-basta!"

"Tss. Natatakot kayo sa babaeng yan? Ano ngayon kung kapatid nya ang tatlong basag-ulo na yun? Mukha naman syang mahina eh. Kung brothers of doom ang tawag sa mga kuya nya?"

"Sya naman?"

"Denise The Menace!" Tumayo na sya sa upuan nya at lumabas ng classroom. Sumunod naman ang mga katropa nya. Ayos ha?

Nagtawanan ang buong 3AD. Denise The Menace daw? Ang kapal ng mukha! Nangigil ako sa galit!

"Enough class! Enough! Ikaw, Miss Buendia umupo ka na sa upuan mo. Wag ka na magtangka pa gumawa ng ibang kalokohan!"

Hala..Bakit biglang sumungit sakin si Mr. De Guzman? Ano bang nagawa ko?

"Teka, gaganti muna ako sa lokong yun! Pinahiya nya ako sa klase! Dennis The Menace daw! Bwiset!"

Nagtawanan nanaman ang buong klase. Nakakainis na ha.

"Sige! Tignan natin kung makakaganti ka! Inis pa yun sayo dahil sa pagbato mo ng balde sa kanya! Goodluck na lang sa gagawin nila sayo!" Sabi ng isa kong classmate.

"Dun sa rooftop! Puntahan mo sila dun! Denise The Menace!" Sabi naman nung may hawak ng FHM

"Che! Bwiset!"

"You're not going anywhere Miss Buendia!" Sigaw ni Mr. De Guzman.

Umalis na ako ng classroom. Papayag ba akong di makaganti sa pamamahiyang ginawa sakin ni Xylan? Syempre hindi!

Madali lang hanapin ang rooftop dahil last floor na itong room naming, meaning pagumakyat na ako sa susunod na hagdan, panigurado, rooftop na yun. Pagakyat ko, nakita ko si Xylan na may sinusulat sa papel habang ang iba nyang kasama ay nakahiga at nakatingala sa kalangitan.

"Uy! Si Denise The Menace andito nanaman!" Sabi nung lalakeng may highlights na pula sa buhok.

"Hoy! Kung akala mo palalagpasin ko ang pamamahiya mo sakin kanina sa classroom, eh nagkakamali ka!" Sabi ko kay Xylan.

"Pasalamat ka dahil pinalagpas ni Xylan ang pagbato mo sa kanya ng balde!" Sabi naman nung matabang lalake na kumakain ng Doritos.

"Manahimik ka na lang pwede? Puro ka naman daldal eh! Ako na lang, si Brix. Ang kalabanin mo!"

Brix pala ang pangalan ng spiky ang buhok. Kanina pa ko nabwibwisit dito eh!

"Pwede ba, hindi kayo ang gusto kong kausapin kundi si Xylan!"

"Wag mo syang guluhin ngayon. Pag naiinis sya, outlet nya ang pagdradrawing. Wag mo sya istorbohin kung alam mo ang mas makakabuti sayo." Humarang sya sa harap ko. Pero tinulak ko sya at lumapit ako kay Xylan.

Isang babae ang ginuguhit nya. Maganda. Pamilyar sakin yung mukha. Kaso hindi ko madistinguish kung sino dahil wala pa ang other details ng drawing dahil hindi nya pa ito tapos.

"Sino naman yang drinadrawing mo?"

Hindi kumibo si Xylan. Pinagpatuloy nya lang ang pagdradrawing.

"Sya lang naman ang pinakamagandang babae sa balat ng St. Anne?s Academy!"

"Huh? Eh hindi naman ako yan eh?" Tinuro ko ang mukha ko at linapit ko ang mukha ko sa ginuguhit nya.

"Kapal mo! Si Diana Lyn Buenavista yan!"

Si Diana Lyn? Ah oo! Kilala ko yun! Yung 4th year samin! Honor student na, model pa. Vocalist ng banda nya sa school. Mabait sya hindi tulad ng ibang popular girls sa amin. Simple din sya. Sya rin yung tipong kahit hindi magmake-up, eh maganda parin! Pero ang pinakagusto ko sa kanya eh sobrang mature na sya magisip. Naalala ko, sya ang facilitator naming nung nagretreat kami at sobrang galing nya pag nagbibigay sya ng talk!

"Sya ba ang kinababaliwan mo? Hahaha! Kawawa ka naman! Wala kang pagasa dun no!"

Hindi parin ako pinansin ni Xylan. Pinagpatuloy nya ang paguhit kay Diana. Nainis ako at kinuha ko ang drawing pad nya.

"Wag mo ngang pakialam ang hindi sayo." Kukunin nya na dapat ang drawing pad ng linayo ko ito at umarteng itatapon ko ang drawing pad nya sa baba ng building.

"Itapon ko kaya ito?"

"Naku po..Alam ba ng babaeng yan ang pinapasok nya?"

"Sabi ng wag mo pakialam ang hindi sayo eh!" Hinila nya sakin ang drawing pad nya at tinulak ako. Napahiga ako sa sahig. Ang lakas nun ah!

"Tara..Umalis na tayo.." Umalis na sila Xylan at ang apat nya pang kasama. Sinundan ko sila at humabol ako sa staircase.

"Hoy antay nga! Di pa tayo tapos!"

Naramdaman kong may sumusunod sakin pero huli na, dahil may tumulak sa akin sa hagdan.

"Ahhhhhhhh!"

Lumingon si Xylan at sa kanya ako bumagsak. Gumulong gulong kami sa hagdan at nagulat na lang ako ng?.

-0-0-0-

Meanwhile, may tatlong anino na nagtatago sa dilim.

"Mission failed. Sino ba yung babaeng yun?"

"Denise Buendia. 3rd Year student. Newcomer at kickout mula sa St. Anne?s Academy."

"Wala syang maidudulot na mabuti? Sya ang bunsong kapatid ng Brothers Of Doom."

"Binato nya ng balde si Xylan, tapos ngayon, patuloy nya itong ginugulo.."

"Initiate Alex and Natalie. Eliminate Maria Denise Buendia."

"Sige. Kayo na lang ang bahala sa pangahas na yan. Ako ang bahala kay Diana Lyn Buenavista."

"Walang nilalang sa daigdig na ito ang maaring yumurak sa kagwapuhan ni Xylan Rae De Jesus."

"The epitomy of a perfect creation.."

"The air that we breathe?"

"The bane of our existence.."

-0-0-0-

pagbagsak namin sa sahig,

Nakalapat ang labi nya sa labi ko?.

It took my mind a few minutes to register what happened....

Hindi...

Hindi ito maari...

WE KISSED ACCIDENTALLY! OH HINDE!

Tinulak namin ang isa't isa at pareho kaming natulala.

"Bakit sa lahat pa...Ikaw pa...Nasayang ang 1st kiss ko!"

Napatulala ang tropa ni Xylan.

"Oh? Eh ano ngayon? Lalampa-lampa ka kasi." Tumayo si Xylan. Kalmado parin sya matapos ang nangyari?

"Hoy, kayo. Tara na, nagugutom na ako." Sinenyasan nya na ang mga kaibigan nya. Humabol na sila kay Xylan. Kita parin sa mukha nila ang pagkagulat sa mga pangyayari.

Ako. Nakatulala pa din. Nakakainis talaga. Sa lahat pa ng tao. Bakit sya pa!

Tumakbo ako patungong banyo para maghilamos at hugasan ang bibig ko.

"Yak! Yak talaga! Humanda ka sakin Xylan! Hinding hindi kita tatantanan!"

Gusto ko ng umuwi. Hindi ko na kaya ang pressure ngayong araw na ito. Pero paano ako makakalusot sa guard? Pagpunta ko sa gate, may dalawang guard na nagbabantay. Hinarangan nila ako as expected.

"Miss, di ba't may klase pa kayo? Hindi nyo pa uwian ngayon." Sabi nung payat na guard.

"Huh? Eh pinauwi na kami ng maaga ng teacher namin eh.." Nagsinungaling na lang ako. Bahala na.

"Imposible yun. Sino yung teacher na yun? Anong pangalan mo at section?"

"Huh? Nakalimutan ko eh...Denise Buendia..Section 3AD.."

Parang nakakita sila ng multo nung narinig nila ang sinabi ko.

"Siguro nga...Sya nga...Kapatid sya ng Brothers Of Doom..."

*sa isip ng mga guard, may 3 black figures resembling yung 3 brothers ni Denise. At taning nakikita ay ang mata nila na mistulang kulay pula*

"Si...si...ge...Pwede ka ng lumabas.."

Huh? Weird ha? Anyway, sige..Magandang opportunity ito..

Habang nakasakay sa jeep pauwi, napapaisip ako. Ayokong makuha ang respeto nila at matakot sila sakin dahil sa mga kapatid ko, kung ano man ang reputasyon nila sa CSDA. Gusto kong makuha ang respeto nila at makagawa ng pangalan, gamit ang sarili kong paraan!

At ang itatawag nila sa akin ay....

"Denise The Menace!" Bigla kong narinig nanaman ang boses ni Xylan na sinasabi ang mga katagang yun...Bwiset! Nakakainis! Paulit-ulit na naririnig ng tenga ko. Ayoko na!

Magiisip ako ng magandang title! Hindi Denise The Menace! Naku, naalala ko tuloy ang bwiset na Xylan na yun!

Naalala ko din tuloy yung kiss! Nakakainis! Kahit saan ata ako tumingin, yung eksenang yun ang palagi kong nakikita! Kahit ipikit ko pa ang mata ko!

Nababaliw na ako dahil sayo!!!!

Teka, lampas na ako!

"MAAAA! PARAAAAAAAA!"

Prumeno bigla yung driver dahil sa sobrang lakas ng sigaw ko. Nagtinginan sakin ang mga pasahero. Nakakahiya. Bumaba na lang ako agad. Bakit parang kabado ako? Hmmm..

Pagdating ko sa bahay, nakaabang sa labas si Kuya Dave,Denver at Dexter. Nakakapagtaka, wala ba silang pasok?

"Naku, patay kang bata ka! Ngayon ka pa nagisip na magcutting! Hindi nyo pa uwian diba?"

"Bakit ba? Andyan ba si Mama? Di naman siguro magagalit yun...First day of classes pa lang naman eh.."

"Hindi...Si Papa..."

"Si...Si... PAPA?!"

"Oo. Si papa nga. Umuwi sya agad ng malaman nyang naexpel ka sa St. Anne's Academy."

Lumabas si Papa. Nakangiti sya. Aba, himala. Yehey! Di nya ata ako pagagalitan!

Pagpasok sa bahay, narealize ko na mali pala ang akala ko.

"BAKIT ANG AGA MO UMUWI NAGCUTTING KA NANAMAN ANO? WALA KANG KADALA-DALA! NAKICK OUT KA NA NGA SA ST. ANNE'S ACADEMY TAPOS DI KA PARIN NAGBABAGO!"

"Asan pasalubong ko?" naghalungkat ako sa mga balikbayan boxes. Baka sakali kalimutan nya muna ang pagsesermon sakin.

"MAY GANA KA PANG HUMINGI NG PASALUBONG! ABA'T GINAGALIT MO TALAGA AKO!" Nilabas ni tatay ang latigo nya. Latigo yun na ginagamit nya sa mga hayop sa circus na pinapasukan nya sa Saudi.

Wala na akong nagawa pa kundi takpan ang mga mata ko.

"Pa naman! Wag mo naman gamitin sa kanya yan! Sobra ka naman! Ako na lang po!"

"Onga papa! Kawawa naman si Denise! Ako na lang po!"

"Kami na lang papa!"

Humarang silang tatlo sa harap ni Papa.

Nakakatouch naman ang mga kapatid ko. How sweet.

"Hindi..Nagiba isip ko. Icucut ko na lang ang allowance nya. Pero tutal, kayo naman ang nagprisinta, allowance nyo na lang ang icucut ko."

"Ay...Pa, disiplinahin nyo yan si Denise. Tsk tsk. Namimihasa na yan eh."

"Oo nga eh. Wala ng paggalang samin. Palibhasa spoiled samin!"

"Tama kayo. Icut nyo na po ang allowance nya, wag lang yung amin. Baka lumabas kinukunsinte namin ang kakulitan nyan eh."

Nagiba ihip ng hangin ah! Upakan ko kaya ito isa isa?

PAK! PAK! PAK!

Pinalo ni Mama ng dyaryo sa ulo sila Kuya. Buti nga. Mga bwiset.

"Wag ka naman ganyan sa bata. Kawawa naman. Lumaban lang naman sya sa nagtapon ng mango shake sa kanya eh!"

"O anong napala nya? Natanggal sya sa St. Anne's? Ang ganda pa naman ng eskwelahan na yun. Ayoko sa CSDA na yan! Lalo syang matutulad sa mga kuya nya!"

"Masaya po sa CSDA! Mas maganda pa sa St. Anne's!"

"Kita mo na? Naimpluwensyahan na sya ng mga tao dun!"

"Pero give some considerations naman.."

"Sige.. Simula ngayon, ayoko ng gagawa ka ng kalokohan sa school. Bawal na ang cutting classes. Bawal na ang pagawa ng mga violations. At higit sa lahat bawal na ang mga basag-ulo! Kung hindi, tatangalin kita sa CSDA at sa ibang exclusive school ulit kita pagaaralin! At icucut ko na din ang allowance mo!"

"Huh? Paano po pag inaway ako? Pag sinaktan nila ako? Physically or verbally? Can't I fight back physically or verbally?"

"NO YOU CAN'T! Pag inaway ka, magsumbong ka sa teacher mo!"

"Gawain naman yun ng mga gradeschoolers eh.." Napakamot ako sa ulo ko.

"Ah..So cut ko allowance mo at ililipat kita sa exclusive school?"

"O Sige na! Nakakainis naman!"

Paano na? Paano na lang ako makakalaban sa mga taong mangaapi sa akin sa school? Paano ko madedepensahan ang sarili ko? Lalo na sa grupo ni Xylan?

Nagkulong muna ako sa kwarto. I need some time alone. Paano na? Hindi ako sanay ng ganito. Kailan kaya uuwi si papa? Nakakainis naman. Sana linatigo nya na lang ako. Pero alam ko naman di nya kayang gawin yun eh. Naku badtrip talaga.

"tok tok tok"

"Bawal mangistorbo!"

"Pahiram ng cd ng Melancholic Rhapsody! Icocopy ko lang sa computer ko!"

"Ako rin, pahiram ng cd ng Waiting List!"

"Pahiram muna ng bola mo! Maglalaro kami ng mga katropa ko!"

Binuksan ko ang pinto. Ang dami naman nilang kailangan!

"Musta first day of classes?" Umupo si Kuya Denver sa harap ng CD rack ko at naghalungkat ng mga cd.

"Hindi okay.."

"Bakit naman?" Tanong ni Kuya Dexter. Tumabi sya kay Kuya Denver at naghalungkat din ng mga CD.

"Basta..."

Tapos, bigla kong naalala yung tungkol sa brothers of doom.

"Kuya, ano yung taguri nila sa inyo na Brothers Of Doom?"

Matapos kong sabihin yun, nagtawanan silang lahat.

"Anong meron dun?"

"Haha! Ewan..Yun tawag nila samin eh.." Kinuha ni Kuya Dave yung bola ko ng basketball sa cabinet ko.

"Mga basagulero at troublemakers kami NOON eh." Sabi pa ni Kuya Denver. Nakuha nya na yung cd na hinahanap nya at inayos nya na ang kinalat nyang mga CD.

"Talaga? Wow naman! Kaya pala parang kinakatakutan kayo dun!"

"Oo naman! Kahit ng mga teachers! BWAHAHAHA!"

"Eh si Mr. De Guzman? Anong nakaraan nyo nun?"

Lalong lumakas ang tawanan ng tatlo kong Kuya.

"Aba, ibagsak ba naman ako sa subject nya porket di ako pumayag na sumama sa bahay nya para magpaturo!" Umupo si Kuya Denver sa kama ko at tinabihan ako.

"Anong masama dun? Buti nga tinutulungan ka eh"

"Masama yun! Kasi may pagnanasa yun sakin eh!" Sabi ni Kuya Denver sabay tawa nanaman.

"Paano kayo gumanti?"

"Lakas talaga ng hatak ni Denver sa mga bading no?" Sabi ni Kuya Dave kay Kuya Dexter at nakipagpapir pa sya.

"Bibigay na nga dapat eh! Haha!"

"Manahimik nga kayo! Sinabit lang naman namin sya sa flagpole!" Kaya pala. Di na nakakapagtaka na mainit ang dugo sakin ni Mr. De Guzman!

"Eh...Yung Xylan? May kilala ba kayong ganun?"

Naging seryoso ang mukha nila Kuya.

"Yun? Kakaiba yun eh...Ang angas.."

"Wag mong kakalabanin yun Denise...Malakas yun..."

"Malakas? Haha! Hinagisan ko lang naman sya ng balde kanina sa mukha! Haha!" Pagmamayabang ko pa.

"Hindi naman yun gaanong nagseseryoso sa laban eh...Pero malakas yun.."

"Pero pag si Diana Lyn Buenavista na ang ginalaw mo..Ibang usapan na yan.."

"Sya ang natatanging lower year na nakagasgas sa maganda kong mukha noon." Sabi ni Kuya Dexter with matching hawak pa sa kanyang baba.

"Bakit? Nakasagupa nyo na ba sya dati? Kwento nyo naman!"

***FLASHBACK- 2 Years Ago.

Si Dave ay isang senior habang si Denver at Dexter ay parehong juniors. Naisipan nilang tumambay sa labas ng St. Anne's Academy para humanap ng chicks. Ng makitang nilang dumaan ang magandang si Diana.

"Hi! Diana!" Bati ni Dexter kay Diana.

"Uy! Hi!" Sagot naman ni Diana na may kasabay pang kaway.

"Wow? Friend mo ang magandang chick na yan?"

"Oo! Nakilala ko yan sa party nung classmate ko eh!"

"Pwede bang makuha number mo?" Linabas ni Dave ang cellphone nya.

"Wag ka na! Tanda tanda mo na eh!" Tinulak ni Denver si Dave at linabas nya ang cellphone nya.

"Miss, ako na lang hihingi ng number mo. Pwede ba?"

"Teka nga muna! Ako ang kakilala nyan eh. Naku, pagpasensyahan mo na mga kapatid ko. Wag ka na sa mga yan. Mga babaero yan eh."

Xylan enters the scene.(take note, 1st year lang sya nito.)

"Diana, ginugulo ka ba ng mga lalakeng ito?" Lumapit si Xylan kay Diana.

"Aba! Ang bubuwit na freshman!" Hirit naman Denver

"Hindi namin sya ginugulo. Kaano-ano mo ba sya?" Sagot ni Dexter.

"Hindi ikaw ang kausap ko, Si Diana ang kausap ko." Paangas na hirit ni Xylan.

"Please stop! Xylan! You're acting like a child! Wala naman silang ginagawa sakin eh!" Sigaw ni Diana.

"Eh child naman talaga yan eh! Haha! Gumalang ka nga! Ate Diana mo ito no!" Umakbay si Dexter kay Diana. Hindi ata ito nagustuhan ni Xylan dahil pakiramdam nya, binabastos ni Dexter si Diana.

Di na nakapagpigil pa si Xylan. Susugod na sya para suntukin si Dexter pero umiwas si Dexter. At nasubsob sya.

"Deretso ang tingin bata! Wag lalampa-lampa! Napapahiya ka tuloy sa crush mo!" AT nagtawanan sila Dave,Dexter and Denver.

Lumabas na ang ibang katropa ni Xylan. Si Brix,Mikee,Jojo at Alfred.

"Hoy! Kayo! Masyado nyong minamaliit ang mga freshman na tulad namin ah!" Sabi ni Mikee. Binitawan nya ang sandwich na daladala nya.

"Nagkakamali kayo. Sa katunayan nga, mataas ang pagtingin namin sa grupo nyo dahil nararamdaman naming malalakas daw kayo...Kaso nga lang, binibigyan kami ng rason ng bubuwit na ito para maliitin kayo. Tignan nyo naman, susuntok lang, sablay pa.."

Nakita nila si Xylan na nakasubsob parin. Sinubukan syang tulungan nila Brix, kaso pumalag si Xylan.

"Kaya ko na ito...Bakit dumating pa kayo? Iwan nyo na ako dito." Tumayo sya magisa.

"Wag ka ngang ganyan Xylan. Hirap sayo eh. Sinosolo mo ang aksyon eh!" Sabi ni Brix kay Xylan at saka sya humarap kay Dexter,Denver at Dave.

"Tara..Tapusin na natin ito..Matagal na namin kayo gustong makalaban."

"Please! Stop na pwede? Tama na!" Humarang si Diana sa gitna. Kaso nga lang, hinarang sya ni Dave.

"Wag ka ng gumitna pa..Bayaan mo na kami.."

"Tatlo laban sa lima? Di ata patas yun...Alis na Dave...Kami na ni Dexter ang bahala.."

"Sige...Mainit na laban ito..Sayang, audience muna ako ngayon.." Sumandal si Dave sa pader katabi ni Diana.

"Aba, iniinsulto mo talaga kami ha!" Sumugod na si Mikee sa sobrang inis. Nakaiwas naman agad si Dexter at pagsubsob ni Mikee, sinabayan nya ng pagsipa sa likuran ni Mikee.

"Taba, magpapayat ka na. Tignan mo, sa bigat mo, nadadala ka ng gravity kaya nasusubsob ka sa lupa eh.."

"Etong sayo!!!" Tumakbo si Jojo patungo kay Denver kaso, nakaiwas ulit ito at nasikmuraan nya si Jojo.

"Mailag ka ha! Tignan natin!" Naghigh kick si Brix. Sinadyang magpatama ni Denver para mahawakan ang paa ni Brix. He twisted Brix's leg and sent him into mid air and he ended up sprawling to the ground(sensya na kailangan inglesin.)

Si Alfred naman, inulan ng suntok si Denver pero panay lang ang pagiwas nito na parang naglalaro lang.

"O? Tapos ka na? Ibong Adarna?Ako naman!" Inupper-cut ni Denver si Alfred. Tumalsik si Alfred at naglanding sa tatlong nanghihinang si Mikee,Jojo,Brix at Alfred.

"Tama ba naman na ubusan ako? At tinira mo pa sakin ang bubuwit na ito?" Nakangisi si Dexter kay Xylan. Habang pareho rin silang nagiiwasan sa mga atake nila sa isa't isa.

During that time, alam naman talaga ni Dexter na malakas si Xylan. Sa totoo lang, hindi pumapatol ang Brothers Of Doom sa mga lower years maliban na lang kung talagang mapipilit o may potensyal talaga na makipaglaban sa kanila. Parang may pumipigil lang kay Xylan na magseryoso kaya nya bwinibwisit para ilabas talaga nya ang tunay na galing.

"Ano ba? Bakit ba ayaw mong lumaban ng maayos? Dahil ba nanonood si 'ate diana' mo? Do you want me to get rid of her?" Tumingin siya kay Diana. Wala syang intensyon na gumawa ng kahit ano kay Diana. talagang gusto nya lang bwisitin si Xylan.

"Wag mo syang idamay!" Nanlisik ang mga mata ni Xylan. Susugod na sya para sumuntok at bago pa makaiwas si Dexter, nasuntok na sya ng malakas ni Xylan sa mukha.

"Tama na sabi eh! Xylan! Tama na!" Sigaw ni Diana. Pero parang walang naririnig si Dexter at Xylan.

"Wow...Sinabi ko na nga ba eh..Magaling ka..Pero di pa masyado. Kaya tatapusin ko na ang laban na ito." Hinawakan nya ang parteng sinuntok ni Xylan at saka Inulan nya ng suntok si Xylan at maya-maya naglanding na din sya sa mga kaibigan nya.

Nagulat na lang si Dexter at Denver dahil nagpupumilit parin tumayo si Xylan.

"Nak ng, gusto mo talaga ng sakit sa katawan no bata?"

"Layuan nyo si Diana...Layuan nyo sya!"

"Teka, wala naman kasi kaming ginagawa sa kanya eh. Haha! Kakilala ko sya. Inaasar ka lang namin para ilabas mo ang tunay mong lakas. Iba rin determinasyon mo ha!"

Lumapit si Diana kay Dexter at binigyan sya ng isang malutong na sampal.

"Ano ba! Tama na sabi! Gagamitin nyo pa ako para lang sa walang kwenta nyong away! Tigilan nyo na ito! Ako na kakausap kay Xylan..Wag nyo na syang saktan!" Lumapit sya kay Xylan.

"Ok ka lang? Ikaw kasi eh, wag ka magpapadala sa pangaasar ng tatlong ito..Dahil sakin, nasaktan ka pa..."

***END OF FLASHBACK

"Parang merong namamagitan sa dalawang yun...ewan ko ba..."

"Haha! At dahil sa pangyayaring yun, basted lang naman si Dexter! Yahoo!" Nakipagapir si Kuya Dave kay Kuya Denver. Nagtawanan nanaman sila.

Napaisip ako. Ano bang relasyon meron si Xylan at Diana? Gaano nga ba kalakas si Xylan?

Bakit masyado akong interesado kay Xylan?

-0-0-0-

Author's Notes.

So ngayon kilala nyo na tropa ni Xylan. Si Brix,Mikee,Jojo at Alfred

Si Brix yung spiky ang buhok na humawak sa kwelyo ni Denise nung 1st day of classes. Si Mikee yung laging may dalang pagkain. And obvious, mataba sya. XD Si Alfred yung tinawag na ibong adarna ni Denver sa flashback. Kung maalala nyo kasi, sya yung may red highlights sa nagsabi kay Denise na si Diana Lyn Buenavista ang nasa drawing.

"Sige...Aalis na kami ah..Tandaan mo sinabi namin! Hindi basta-basta si Xylan." Bumangon na si Kuya Dexter mula sa kama at tumayo na. Lumabas na si Kuya Dave at sumunod na si Kuya Dexter at Kuya Denver,

Sa sinabi nilang yun, lalo akong naenganyo na kalabanin si Xylan. Kaso, bwisit talaga! Ilang linggo din ako magpapakabait muna habang andito si Papa. Badtrip naman. Sana balikan nya na lang yung mga alaga nyang tigre dun sa Saudi. Haha.

Anong naghihintay sakin para bukas?

Kinabukasan, late nanaman ako ng gising. Badtrip talaga, hindi na ako kumain ng almusal. Naligo ako,nagbihis na ako at syempre, sinuot ang paborito kong cap. Dumukot ako ng chocolates sa ref para may makain ako habang may klase.

Pagdating ko sa school, tapos na ang flag ceremony. Patay na! 1st subject pa naman si Ms. este Mr. De Guzman!

Pagpasok ko ng classroom. Nagingat ako na baka mahulugan nanaman ng isang balde ng arina. Hay salamat, at wala namang ganun.

"Miss Buendia! You're late! Bakit ngayon ka lang?" As usual, masungit nanaman sakin si Mr. De Guzman.

"Pasensya na po... Kasi...Kasi.." Naku, di ko naman pwedeng idahilan na nahuli ako sa pagising. Paano na ito?

Aha! Alam ko na!

"Sir! Pinabibigay po ni Kuya Denver!" Linabas ko yung Cadbury na kinuha ko sa ref namin. Naku, sana magoodshot naman ako kay Sir sa ginawa kong ito.

Gulat na gulat ang itsura ni Mr. De Guzman. Tinignan nya kung nakatingin ang mga kaklase ko, pero hindi naman dahil busy sa mga kanya kanyang gawain nila.

"Denise, sa labas natin pagusapan yan." Hinila nya ako palabas.

"Talaga? Bigay nya sa akin ito?" Ngumiti bigla si Mr. De Guzman.

"Opo! Sorry daw dun sa pagsabit nya sa inyo sa flagpole nung highschool pa daw sya." Grabe, hindi ata ako mapapatawad ni Kuya nito.

"Grabe!!! Sabihin mo, thank you! Pakisabi na alis naman kami minsan! Ayayayay!"

"Ah...Hehe..Opo..Sasabihin ko po yun.."

"Sige..Pumasok ka na.. Dadalhin ko lang ito sa faculty room.." At naglakad palayo si Mr. De Guzman na abot tenga pa rin ang ngiti.

Nakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas. Pumasok na ako sa classroom at,

SPLAT!

Isang dosenang itlog naman ang bumagsak sakin! Bwiset! Hindi kasi ako nagingat! Nagtawanan ang buong klase ng 3AD.

Nanginginig ako sa galit. Gustong gusto kong gumanti, Pero naalala ko si Papa. Kaya deretso ako sa paglalakad na parang walang nangyari.

"Aba, si Denise The Menace, hindi ata namato ng balde ngayon!" Sabi ni Mikee na as usual eh kumakain ng chips nun at ngumunguya-nguya pa.

"Baka alam nya na ang dapat nyang paglagyan dito sa classroom. Na hindi sya pwede magreynareynahan dito!"

"Hindi...Baka di pa nakakarecover sa nangyari sa kanila ni Xylan kahapon!"

Naalala pa nila yun? Bwiset talaga! Pag nakabalik na si Papa sa Saudi, naku, talagang babanatan ko itong mga ito!

Habang nagtatanggal ng mga eggshells sa ulo at damit ko, pumasok na ulit si Mr. De Guzman.

"O Ano nanaman nangyari sayo Miss Buendia?" Alam nyang may ginawa nanamang kabalbalan ang mga classmates ko.

"Ah...Wala po..Nagkatuwaan lang kami. Wala po ito." Ayoko nga magsumbong. Gawain ng kinder yun. Pinalabas ko na lang na wala lang sa akin ang nangyari at hindi ako napipikon.

"Ah..Okay. So let's proceed to the lesson..Our lesson is about solving problems concerning Kilometers and Miles."

Yung grupo ni Xylan at yung iba kong classmates, may sinusulat at nagtatawanan. Nakatingin sakin. Nakakainis ha! Wala naman ako mapapala kung papansin ko sila eh! Makikinig na lang ako sa lesson.

Napatingin ako kay Xylan. Si Xylan, natutulog lang. Ayos ha.

"Wala bang makakasagot ng tanong na ito?" Mukhang wala nga kasi wala naman nakikinig sa kanya.

'While on a road trip through Baguio, you needed to convert the following speed limits to miles/hour'

50 Km/hr. Madali lang ito. Nilabas ko ang papel at ballpen ko at nagcompute na.

50 km/hr X 0.624 mi/hr 0.624 kasi ang constant value kapag hinahanap ang miles/hour eh.

Hmmmm. So 50x0.624=31.2! Tama!

"Sir ako!" Nagtaas agad ako ng kamay. Gumising bigla si Xylan. Nagtinginan ang mga classmates ko sakin.

"Okay...Show your solution ha."

Pumunta ako sa blackboard at nilagay ko na ang sagot ko.

"Tama po diba?"

"Ah...Oo...Aba, magaling ang new-"

"Mali..." Lumapit si Xylan sa blackboard at nilagyan ng mi/hr yung sagot ko. Yun lang eh! May kulang lang, mali na agad! Bwiset talaga itong lalakeng ito!

"May kulang lang eh!"

"Importante pa din na ilagay ang unit. Kung yan ang ilalagay mong sagot sa test, at walang unit. Mali ka pa din." Pagkatapos nyang sabihin yun, bumalik na sya sa upuan nya at natulog ulit.

"Oo nga naman! Tama si Xylan! Masyado kang nagmamagaling eh!"

"Tama nga naman si Mr. De Jesus. Sa susunod, wag mo na kalimutan lagyan ng unit ha? You can take your seat now."

Bwiset. Napahiya ako ng di oras. Sarap suntukin ang Xylan na ito! Umupo na ako sa upuan ko. Pagsandal ko, nagtawanan nanaman ang mga classmates ko? Bakit kaya? Hay nako, makapagsagot na nga lang!

"Next is 75 km."

Nagcompute ulit ako sa papel, kaso naunahan ako ni Xylan! Daya naman! Papansin talaga ito! Kanina lang eh natutulog sya eh! At paano nya nacompute yun ng ganun kabilis? Ni hindi ko sya nakitang magcompute!

Sinulat nya ang sagot na 46.8 mi/hr. Tama ang sagot nya. Hmp. Nakakainis.

Nawalan na ako ng gana. Maya-maya nagbreak na kami. Paglabas ko, nagtitinginan sakin yung mga tao. Estudyante man o teacher. Bakit kaya? May eggshell parin ba ako? Dahil ba amoy itlog ako? Nakakainis ha!

Pumasok ako sa CR para tignan kung anong itsura ko. Pagtingin ko sa likod ko, may flypaper na nakadikit! Ano ako? Ipis? Daga? May nakasulat pang 'Denise The Menace'!. Medyo nahirapan sya sa pagtanggal nung nakadikit sa likod ko. Parang mapupunit ang uniform ko sa sobrang dikit!

Teka...Oo! Nung bumalik ako sa upuan ko pagkatapos magsagot sa blackboard! Panigurado, grupo ni Xylan nanaman yun!

Naiinis na ako. Pagkatapos nung break, pumunta ako sa classroom para konprontahin sila Xylan ng mabasa ko ang nakasulat sa blackboard na syang kinagulat ko.

"Magkita tayo sa rooftop mamayang hapon. -Xylan"

Ano yun? He has a score to settle with me?

Maya-maya nagdatingan na din ang mga classmates ko. Dumating na rin ang tropa ni Xylan pero wala sya. Bakit kaya?

"Hoy. Asan si Xylan?"

"Uy! Hinahanap! Inlove ka na dun no?"

"Hindi ah!" Matigas na pagtanggi ko.

"Ewan. May aasikasuhin daw sya."

Mukhang wala silang alam sa message ni Xylan sakin sa blackboard. Hindi ko na babangitin sa kanila.

Uwian na din sa wakas. Dumeretso na ako sa rooftop. Walang tao. Bakit ganun?

Aray!

Biglang may matigas na bagay na humampas sa likuran ko. Bumagsak ako. Ang sakit. Sino ba yun? Di ko sila makilala dahil anino lang ang nakikita ko.

"Teka...Sino ba kayo?"

"Kami ang nagsisilbing ilaw nya sa dlim"

"Mga aninong sumusunod sa bawat hakbang nya.."

"Nabubuhay para lamang paglingkuran sya.."

Lumabas na ang mga anino sa dilim. At nasilayan ko na ang mga mukha nila...

MGA BADING?!

Dalawang bading na Makapal ang make up at may pink na highlights sa buhok.Binuhol nila ang polo nila pataas lampas pusod. Nakakapangilabot At nakapose pa sila na parang ewan.

"Huh? San kayo rarampa? Layo pa ng Haloween ah?" Tumayo ako na medyo nanghihina pa.

"Huh? Bruhang ito! Nagawa mo pang tumayo matapos ang malakas na hampas na yun?"

Aba, minamaliit ako ng mga bading na ito ha.

"Yun? Hampas ba yun? Akala ko pinitik nyo lang ako eh."

"Pwede ba? Wag ka magpanggap! Nasaktan ka din eh!"

"Sino ba kayo?"

"Kami ang sandigan ng kagandahan." Then, she flipped her hair.

"Nagproprotekta sa Walang Kinikilingan ngunit Kinakikiligan" Kumindat naman sya.

"Na si Xylan Rae De Jesus!" At nagflying kiss. Yaks.

Then they proceed on doing more funny poses.

Xylan Rae De Jesus? Mga fanatics nya pala ito eh! Siguro pinadala nya ang mga ito para kalabanin ako? Angas, angas. Duwag naman pala! Bading pa ang ihaharap sakin!

"Wala ba kayong originality? Mga linya nyo ha!"

"Bruha ka talaga! Alex, turuan ng natin ng leksyon ang babaeng yan dahil sa papanakit nya kay Xylan!"

"Bakit kasi nasalo ka pa ni Xylan nung tinulak ka namin sa hagdan!"

"Huh? Kayo pala yun? Kaya pala nagpagulong-gulong kami sa hagdan nun! Di nyo ba alam na aksidenteng nagsalubong ang mga labi namin dahil dun sa ginawa nyo?"

"Ang malanding ito! Hinalikan mo pa sya? Husto na! Tara na Natalie!"

Kinuha nila ang mga kahoy na dala nila at papunta na sila sakin. Mga bading ba ito? Diba dapat sabunutan? Ang brutal naman nila!

Syempre, kailangan ko tumakbo. Alangan naman labanan ko sila, eh nangako ako kay papa na hindi muna sasabak sa gulo.

"Ang maangas na ito! Kala mo kung sinong matapang, duwag din pala! Habulin sya!"

Tumakbo ako pababa ng rooftop. Sa sobrang pagmamadali ko, nadulas ako ng hagdan. Naabutan na nila ako!

Nacorner ako!

"Tignan natin kung mabato mo pa si Xylan ng balde sa gagawin namin sayo!"

Una nilang hinampas ang likod ko. Lagi na lang ang likod ko! Ayoko magmukhang kawawa. Papakita ko na di ako nasasaktan sa ginagawa nila.

"Yun lang ba ang kaya nyo? Lakasan nyo naman! At di nyo ba kayang lumaban ng walang ganyan? Haha!" Grabe, ang hirap nun ha. Pinipilit kong tumawa kahit gusto ko ng ngumiwi sa sakit.

"Mayabang ka! Puro ka salita! Bakit di ka lumaban?"

Binitawan nila ang hawak nilang mga kahoy at lumaban na sila ng mano mano. Suntok dito, suntok doon. Sipa dito, sipa doon. Mga bading ba talaga ito? Mandidilim na ata ang paningin ko, pero kailangan kong kayanin. Hindi ako magpapakita ng kahit anong kahinaan. Hahayaan ko silang mapagod at magsawa sa kakasuntok at kakasipa sakin.

"Ano? Wala na ba talagang lalakas dyan? Mga bading nga kayo! Ang lalamya ng suntok nyo!"

"Wag kang hangal! Pikit na nga ang dalawang mata mo sa lakas ng mga suntok namin eh!"

Sinabunutan ako nung Natalie. Grabe, hindi ko na alam kung hanggang saan ko pa kakayanin ito.

"Gusto mo na bang tumigil kami? Pwes, magsorry ka kay Xylan sa pagbato mo ng balde sa kanya!"

"Hahahahaha!"

"Nagagawa mo pang tumawa ha? Um!" Nasampal naman ako ngayon.

"Hehe. Pasensya na, wala sa bokabularyo ko ang salitang 'sorry' lalo na sa mga taong hindi naman nararapat sabihan nun!"

"Matigas ka ha! Tignan natin kung saan ka dadalhin ng kaangasan mo!" Inuntog nya ang ulo ko sa pader. Grabe, ang daming ibon na umiikot o!

"Alam nyo, kahit anong untog nyo sa pader dyan, hindi mawawala ang katigasan ng ulo nyan.."

Xylan?!

"Si Denise The Menace yan eh!"

"Fafa Xylan! Im so glad you're here! Iginanti ka na namin sa baba-"

Sinuntok ni Xylan si Alex. Tumilapon sya at kasama nung ngipin nya. Grabe! Ganun sya kalakas sumuntok?

Lumabas yung isa pa ata nilang kasamahan. Na bugbog sarado din.

"Pasensya na girls, Nahuli nya ako eh. Mission Failed nanaman tayo." At tuluyan na syang nahimatay.

"Dylan!" Lumapit si Alex at Natalie sa kaibigan nilang nawalan ng malay.

"Bakit mo nagawa yun? Ginagawa lang naman namin ito para sayo ah!"

"Wala akong natandaan na sinabi sa inyo na iganti nyo ako sa kanya? Kung gaganti man ako, ako na mismo gagawa nun. Bakit ko pa iuutos sa iba? Gawain ng duwag yun."

Wala palang kinalaman dito si Xylan. Kusa syang pinaglilingkuran ng mga baklang ito!

Lumapit si Xylan kay Natalie at Alex. Bubugbugin nya na ata sila ng tuluyan. Naawa ako sa kanila kasi mga wala talaga silang laban. Kung linabanan ko siguro sila kanina, eh talagang hindi nila ako mabubugbog ng ganito. Hinarangan ko si Xylan.

"Wala akong natatandaan na sinabi ko sa iyo na iganti mo ako sa kanila? Kung gaganti man ako, ako na mismo gagawa nun. Kaya wag mo na silang saktan."

Nagulat ang mga bading at maging si Xylan.

"Kayo, umalis na kayo dito. May araw din kayo sa akin." Nagtakbuhan ang dalawang bading habang bitbit si Dylan.

"At sino naman ang nagsabi sayo na ginaganti kita?"

Bago pa ako makasagot, nagblack out na ako at hindi ko na alam ang nangyari.

Nagising ako, nakahiga na ako sa kama ng ospital. Nasa tabi ko si Xylan. Binantayan nya ako buong gabi? Imposible!

"Ok ka na? Pasensya na at hindi ako dumating kaagad." Xylan? Ikaw ba ito? May lagnat ka ata eh! At bakit para bang ang amo-amo ng mukha nya?

Napabangon ako. Umupo muna ako at sinigawan ko si Xylan.

"Tigilan mo nga ako! If I know, tuwang tuwa ka dahil nabugbog ako nung mga bading na admirers mo!"

Sumimangot si Xylan. Paawa na may halong inosente effect ang mukha nya.

"Alam mo naman na wala akong kinalaman dun diba?"

"Pwede ba, wag ka magbait-baitan. Hindi bagay sayo!"

Tumayo sya sa kinauupuan nya. At bigla nya akong...

niyakap..

"Xylan!"

"Maniwala ka..Wala akong nalalaman dun..Kung alam mo lang kung gaano ako nagalala sayo nung nalaman kong binugbog ka nila.."

Humarap sya sa akin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa...Kinakabahan ako..Anong gagawin nya?

"Denise..."

"DENISEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Pagmulat ko ng mata ko,

Si Papa yun ah?

Panaginip lang ang lahat?

Nakita ko si Papa na nasa pintuan ng kwarto at inaawat ng tatlong kong Kuya. Galit na galit sya at hawak nanaman nya ang kanyang latigo.

"Ang batang yan! Hindi mapagsabihan! Sinabi ng wag makikipagaway eh! Tignan mo ang napala ngayon!"

PAK!

Aba, pinalo ni mama ng dyaryo si Papa sa ulo. Kumalma sya kahit papano.

"Kung napaaway ang anak natin, edi sana ang nakaratay ngayon sa kama yung mga nakaaway nya at hindi sya."

"Oo nga naman papa! At sabi nung nagdala kay Denise dito eh, pinagtulungan daw si Denise kaya sya nagkaganyan! Hindi sya lumaban!" Sabi naman ni Kuya Dexter.

"Kita mo na, edi kung lumaban sana si Denise eh di sana ngayon hindi sya nagkaganito! Kasalanan mo ito eh! Napakabait nya dahil hindi sya lumaban dahil sinabi mo na wag na syang makipagaway!"

Haha. Nabulyawan tuloy ni mama si papa. Natahimik na lang sya.

"Ah ganun ba...Sige, magpagaling ka, igaganti kita sa mga yun!"

"Oo! Igaganti ka namin! Sino ba gumawa nyan sayo?"

Nako, pagsinabi kong bading ang gumawa nito sa akin, tiyak pagtatawanan ako nila kuya. At ayoko ngang sila ang gumanti para sa akin!

"Wala..Wag na...Napatawad ko na naman sila eh.."

"Naku, tigilan mo nga kami..Haha..Alam ko nasa isip mo Denise..Igaganti mo sila pag alis ni-"

Tinignan ko ng masama si Kuya Dave.

"Ah..Haha..Wala pala..Hehe.."

"Oo nga. Pabayaan na lang natin sila.." Nagets ata ni mama ang gusto kong gawin. Haha. Buti na lang.

Kinabukasan, nakapasok na ako kaagad. May benda sa ulo at may gasa sa kaliwang mata. Tsk tsk, pagtritripan nanaman ako nito.

"My Goodness! Miss Buendia! Anong nangyari sayo?" Bati agad sa akin ni Mr. De Guzman.

"Ha? Wala po ito..Napagtripan ng mga adik sa kanto.."

"Naku, kawawa ka naman dapat di ka muna pumasok.."

"Hindi..Ok lang po ito.."

Pagpasok ko sa classroom, napansin kong wala ang grupo ni Xylan. Bakit kaya?

Tahimik ang araw ko. Walang mga bumabagsak na itlog,arina,thumbtacks sa upuan ko at flypaper sa likod ko.

Nagkakagulo yung mga estudyanteng taga CSDA at St. Anne's. Bakit kaya? Lahat sila ay papuntang St. Anne's Academy. Bakit kaya?

Nakita ko yung tatlong bading na bugbog sarado, underwear lang ang suot at may nakasabit na plakard sa leeg na nakasulat ay "Sorry". May linilinis silang kotse sa labas ng school.

At andun din ang tropa ni Xylan na nagtatawanan.

Lumapit ako sa kanila. Grabe naman ang ginawa nila sa tatlong ito!

"Xylan! Ano ba itong ginagawa mo? Di mo naman dapat gawin ito eh!"

Hindi ako pinansin ni Xylan. Ni hindi man lang sya kumurap.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo? At ano yan? Bugbog sarado ka din? Hahaha!"

"Si Xylan! Ginaganti nya ako sa mga bading na yan dahil binugbog nila ako kahapon!"

Nagtawanan ang grupo ni Xylan. Si Xylan tumingin sa akin at nagsalita.

"Alam mo, kung ako sayo, hindi ako magsasalita ng mga bagay na hindi ko alam. Wag kang makisali sa bagay na wala ka namang kinalaman." BUmalik sya sa panonood sa mga bading.

"Ano? Nagpabugbog ka sa mga yan? Wala ka pa talagang sinabi! Puro salita ka lang!"

"I have my own reasons kaya hindi ako lumaban!"

"Sus..Maniwala kami sayo..At ano? Ginanti ka ni Xylan? Saan galing yun? Haha!"

Uwian na ng fourth year nun, at nakita ko si Diana na kumakaripas ang takbo papunta kila Xylan.

"Xylan! Itigil mo na ito! Ano ba itong ginagawa mo?"

"Ayan ang nararapat sa kanila.."

"Ayaw mo nun? Para tigilan ka na nila!"

Teka, ano ba talaga ang nangyayari dito?! Naguguluhan ako!

"Kasi yang mga bading na yan, matagal ng pinagtritripan si Diana! Ayan, at sinulatan ng kung ano-ano yung kotse ni Diana. Kaya ayan ang napala nila ngayon."

HUWAT?! Pahiya ako dun ah. Akala ko pa naman, ako yung pinaghihiganti nya. Tss. Yan ang hirap pag basta-basta na lang sumasabak sa kung ano eh.

"Xylan! Stop this na! Ayoko na ng ganito! Itigil mo na ito!"

"Sige..Basta wag ka na nilang guguluhin pa."

"Hoy kayo! Alis na kayo dyan! Bilisan nyo! Baka magiba pa isip ko!"

Nagtakbuhan ang tatlong bading. Nagalisan na din yung ibang tao.

"Maguusap yang dalawang yan. Tara't umalis na tayo." Umalis na din ang tropa nila Xylan. Ako naman, wala nakatulala pa rin. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"Ano ba? Bakit mo ba ginagawa ito?"

"Kasi ayokong ginugulo ka nila. At..Basta.." Tipid talaga sumagot ng kumag na ito.At Basta? May iba pang dahilan?

"Bakit nga? Pagod na ako sa pagiging over protective mo! Ano ba tayo? Wala naman diba? Hindi kasi kita maintindihan eh! Ilang taon ka ng ganito!"

"Gusto lang kitang protektahan. Yun lang. At may iba pa akong personal na dahilan.."

Ay nako! TORPE PALA SI XYLAN! BAKIT KASI HINDI PA DERETSUHIN EH! NYAHAHAHA! Iba pa daw dahilan? Ano pa kaya yun?

"Yun lang? Yun lang ba ang masasabi mo?"

"Huh? Eh sa yun lang eh."

"You're hopeless. Wala kang mapupuntahan kung ganyan ka. Sige, aalis na ako."

Sumakay na sa kotse si Diana. SI Xylan, nakatayo parin sa kinatatayuan nya. Bigla syang lumingon at nakita nya akong nakatayo lang din.

"O? Anong tinatayo-tayo mo dyan?"

"Ha? Ah...Eh...Wala! Uy hindi ako nakikinig sa pinaguusapan nyo kanina ah!" Nice move. Mukha kang tanga dyan.

"Oo nga. Obvious naman eh. Defensive ka nga eh." Napakasarcastic ng dating nya. SObra.

Wala naman ako sa school eh. Hindi naman masama kung gagawin ko ito? Isa lang. Please lang. Nangangati na talaga ako eh.

PAK!

Naghighkick ako at sinipa ko si Xylan sa ulo. Napaupo sya nun.

Napahawak si Xylan sa ulo nya sa sakit.

"At para saan yun? Weird ka talaga. Ako, nagagawa mo laging saktan pero yung mga bading na yun, hindi ka man lang lumaban."

"Wala. Ganyan ako magsabi ng pasasalamat.." Ano ba itong pinagsasabi ko?

"Diba sinabi ko na sayong hindi naman kita-"

PAK!

Binatukan ko ng malakas si Xylan. Ewan ko ba. Ang sarap ng pakiramdam ko pag nasasaktan ko sya eh!

"Kahit na, kung hindi ka dumating, malamang hindi lang ganito ang inabot ko. Kaya salamat na din kahit hindi mo intensyon na tulungan ako."

"Tss. Sana nga hindi na lang ako dumating. Puro sipa at batok inaabot ko sayo eh. "

PAK!

Binatukan ko pa ng isa si Xylan.

May naalala nanaman ako!

"Para san nanaman ba yun?"

"Bakit nyo pinagtulungan yung mga bading? Alam mo naman na wala silang laban sa inyo eh! Hindi kayo patas lumaban! Anong klase kayo?!"

Nagiba ang reaksyon ng mukha ni Xylan.

"Di rin naman sila patas lumaban eh. Pinagtulungan nila ang isang kawawang menace na tulad mo."

Nagulat ako sa sinabi nya. Kahit sya nagulat din ata sa sinabi nya.

"Ano?!" Napalakas ata ang sabi ko nun.

"Ha? May sinabi ba ako? Wala. Sige. Alis na ako. Nagaaksaya lang ako ng oras sa pakikipagusap sayo."

Edi totoo nga. Ginanti nya nga rin ako sa mga bading na yun? Ayaw nya lang aminin? Ano ba talaga?

Kinabukasan, maganda ang gising ko ng nabulabog ako dahil sa sigawan sa baba. Hindi ko na talaga kakailanganin ng alarm clock dahil sa ingay ng mga tao dito.

Pagbaba ko, nakita kong nagkakagulo silang lahat. Inaawat nila kuya si Mama. Ngayon naman, si mama ang may dalang latigo.

"Walanghiya ka! Matagal mo na pala akong linoloko! Kaya pala uuwi ka na kaagad! Wala kang kwenta!"

"Mama! Pabayaan mo munang magexplain si papa!"

"Oo nga naman! Pabayaan mo akong magpaliwanag!" Sabi ni Papa na takot na takot talaga kay Mama.

"Ano pa't magpapaliwanag ka pa? Maliwanag na sa akin ang lahat! Sabi mo dun sa kausap mo sa telepono, namimiss mo na si Felicia at Selena kaya uuwi ka na agad!"

Nagningning ang mga mata ko ng marinig kong uuwi na si Papa.

"Ano? Uuwi na si Papa?" Ako lang ang naiiba ang reaksyon sa kanilang lahat.

"O, Denise gising ka na pala! Nagkakagulo na dito!" Sabi ni Kuya Dexter.

"Nambabae ang papa mo at ganyan lang ang reaksyon mo?!" Sigaw ni Mama.

"O.A. nyong lahat! Si Felicia at Selena ay alagang tigre at leon ni Papa sa circus. Anong nambabae ang pinagsasabi nyo dyan?"

Huminahon na si Mama. Ganun na din sila Kuya. Napahiya si Mama sa sinabi ko.

"Bakit hindi mo sinabi agad? Humantong pa tayo sa ganito!"

"Hirap sayo! Hindi mo muna ako pinabayaang magpaliwanag! Daldal ka kasi ng daldal!"

Hay ewan. Usual scene na ito sa bahay namin. Napagkakamalan lagi ni Mama na babae ni Papa ang mga alagang hayop nya sa circus. Si Daphne, ang elepante, Sally ang seal,Patricia ang unggoy atbp.

Pero ang masaya, Uuwi na si Papa! Yehey! Hehe, sama ko no? Pero alam ko naman na uuwi rin naman sya agad. Umuwi lang sya dahil nalaman nyang nakickout ako.

Pumasok na ako sa school. Nagingat ako na baka may bumagsak nanaman na kung ano mula sa itaas ng pintuan.

Aba, mukhang iba ang pinagtritripan nila ngayon ah. Nakita kong may binubugbog silang estudyante na hindi mula sa seksyon namin.

Inawat ko sila syempre, mukha naman kasing walang laban yung estudyante eh.

"Hoy! Wag ka ngang makialam-"

"Teka, Collin? Ikaw nga ba yan?"

Si Collin ay kaibigan ko sa probinsya namin. Andito na pala sya sa Maynila?

"Teka....Madeng?! Ikaw nga ba yan?"

!@#$%^& Kelangan nya ba talaga akong tawaging Madeng? Ayos ha!"

"Madeng? Ano daw? Nickname mo? Baho naman!" Nagtawanan lang ang grupo ni Xylan.

Kawawa naman si Collin, nabugbog sya ng todo ng grupo ni Xylan. Pero si Xylan, nanonood lang. Ang sama nya!

"Anong ginagawa nyo sa kanya? Paano nyo nagawang pagtulungan ang isang walang laban na tulad nya?"

Nagtawanan ang grupo ni Xylan.

"Anong tinatawa-tawa nyo dyan?"

"Pinagtatanggol mo yang boyfriend mo di mo nga mapagtanggol ang sarili mo sa mga bading! Wag mo nga kami patawanin!" Nagtawanan nanaman sila. Nakakainis na ha.

"Paano namin di bubugbugin ito? Eh tinapunan nya si Brix ng shake dahil sa kalampahan nya!"

"Ano bang nangyari dito ha Collin?" Tumingin ako kay Collin na sobrang nanginginig na sa takot.

"Pa-pano kasi..Nagmamadali na ako sa pagpasok ng di ko sinasadyang mabanga yung kasama nila. Napatapon yung dala nyang shake sa damit nya. Hindi ko naman sinasadya eh. Humingi na nga ako ng paumanhin eh."

Humarap na ulit ako sa tropa ni Xylan.

"Ayun naman pala eh! Humingi naman pala ng paumanhin eh! Bakit binugbog nyo pa?"

"At sya...sya naman yung hindi nakatingin sa dinaraanan nya eh.."

"Kita mo na? Kung sya lampa, ano ka? Autistic? Wala sa sarili kaya hindi nakatingin sa dadaanan?"

Nangigil na sa galit si Brix.

"Hoy! Denise The Menace! Wag ka makialam dito! Napipikon na ako sayo!"

"Kung gusto kong makialam?"

"Lalaban ka?"

"Kung kinakailangan!"

"Wohoooooo! Laban na!" sigaw ng mga classmates ko.

Mapapalaban ako ngayon. Kaso nga lang paano ito, may pilay pa ang kanang braso ko at may gasa pa sa kaliwang mata ko. Hindi ako makakalaban ng maayos. Pero bahala na.

Sumugod na si Brix. Susuntukin nya dapat ako pero nakaiwas ako agad. Seryoso talaga sya ha! Pumapatol talaga itong lokong ito sa mga babae!

"Brix! Kaya mo yan! Turuan mo ng leksiyon ang babaeng yan!

Habang sinusugod ako ni Brix. Nanonood lang ng maigi si Xylan. Hmp. Akala ko iba sya sa kanila. Ganun din pala sya, walang pakialam. Bwiset talaga sya.

Panay lang ang iwas ko hanggang sa macorner nya ako sa classroom.

"Tignan natin kung makakaiwas ka pa ngayon! Kanang mata mo na ang malalagyan ng gasa sa gagawin ko!"

Pumikit na lang ako at habang hinihintay ang pagsuntok nya.

"Brix, nagugutom na ako. Tara na, wag na natin pagaksayahan ng oras yan.."

Pagmulat ko, saktong ang kamao ni Brix ay nasa harap na ng kanang mata ko.

"Wrong timing naman yang gutom mo Xylan! Ang init-init ng laban eh!" Sabi ni Jojo.

"Tama ka. Tara na, nagugutom na din ako eh. Hindi naman ako mabubusog sa paglaban sa mga mahihinang tulad nila."

Nakahinga na ako ng maluwag.

"Hoy lalakeng duwag! May araw ka rin sa amin! Lalo ka na Denise The Menace!" Pagbabanta ni Brix. Sya talaga ang pinakanakakabwiset sa grupo ni Xylan. Ay, mali. Pantay lang sila ni Xylan. Silang dalawa ang pinakanakakabwiset!

Pinuntahan ko si Collin na nanginginig sa sulok. Di na talaga nagbago ito, duwag parin hanggang ngayon.

"Collin, okay ka lang? Wag ka ng matakot..Hindi ka nila guguluhin habang andito ako.."

Dumaan si Xylan sa likod ko at kinuha ang bag nya sa upuan nya.

At narinig ko syang bumulong...

"You owe me one.."

-0-0-0-

"Collin tara, dadalhin kita sa clinic. Para mapagamot natin yang mga sugat mo." Sabi ko sa kanya habang tinutulungan ko syang tumayo.

Habang papuntang clinic nadaanan namin ang canteen at nakita naming kumakain ang buong tropa ni Xylan maliban sa kanya. Diba siya ang nangyaya na kumain na sila? Bakit hindi sya kumakain? Labo talaga ng lalakeng ito.

Naghiyawan ang tropa ni Xylan nung makita nila kami ni Collin.

"Uyyyy! Ang sweet nyong dalawa ah! Bagay talaga kayo!"

"Oo nga! Magsama kayong parehong mahina!"

Nagtawanan sila as usual. Hay nako wala akong panahon na pansinin sila.

"Sige, mauuna na ako sa inyo. Dun muna ako sa rooftop."

Tumayo si Xylan at umalis sa kinauupuan nya at iniwan sila.

"Ano problema nun? Mukhang mainit ang ulo?"

"Di ka na nasanay dyan kay Xylan. Kakaiba mood swings nyan."

Tinuloy nila ang pagkain at ako naman dinala ko na si Collin sa clinic.

"Sige ha, iwan na muna kita dyan. Magsumbong ka lang sa akin kapag may ginawa ulit sayo yung mga lokong yun!"

"Okay! Sige! Bye!"

Paglabas ko, nakita kong wala na sila sa canteen. Siguro nasa rooftop sila? Naisip ko na sundan sila sa rooftop. Hindi pa ako nakakaganti sa kanila eh.

Pagakyat ko, nakita ko na may kalaban silang mga fourth year's! Ano nanaman bang gulo itong pinasok nila? Pito yung mga seniors na kalaban nila.

Nakasilip ako sa bahagyang nakabukas na pintuan ng fire exit. Sa tabi ng pintuan, nakasandal lang si Xylan sa pader. Parang walang nangyayaring away sa harap nya ah! Sana hindi nya ako makita dito!

"Kayong mga Juniors! Wag kayong maghari-harian dito ha!" Sabi nung isang matangkad na lalake na mukhang adik dahil sa haba ng buhok.

Sinagot naman sya ni Brix,

"Teka, sino ba naghahari-harian sa atin? Sa tingin nyo pagaari nyo ang buong eskwelahan at sinasabi nyo sa amin kung saan kami dapat at di dapat tumambay?"

Si Brix talaga! Saksakan ng warfreak! Pero yung mukhang adik naman ang nauna!

"Idadaan pa ba natin sa usapan ito? Upakan na ito!" Sumugod na si Mikee, sumunod na din sa kanya ang mga kasama nya maliban kay Xylan na nakasandal pa din.

Mukhang dehado sila dahil pito laban sa lima.

"O? Bakit nakatanga ka lang diyan? Nanginginig ka ba sa takot sa amin? Bagsak na yung iba mong kasama oh."

Susuntukin dapat nung parang lider nung seniors si Xylan pero nakaiwas si Xylan at sa halip, pader ang nasuntok nung senior. Napasigaw sa sakit yung senior.

Habang nanonood at nakasandal parin sa pintuan, hinila ito bigla ni Xylan at napatumba ako.

"O yan, para mas maganda ang view mo. Hindi ka ba nahihirapan na sumilip?"

HMP! Paano nya nalaman andun ako? Kainis sya!

Tumayo ako at binatukan ko sya.

"Bakit mo ginawa yun? Natumba tuloy ako!"

"Bakit ka ba andito? In the first place, hindi ka naman dapat nandito."

"Pakialam mo ba? Sino ka para sabihin kung saan ako dapat at di dapat pumunta!"

"Mga mahinang tulad mo, hindi dapat nandito. Ayoko ng dalhin ka sa ospital ulit."

"Hindi na ako maoospital ulit! At sino bang nagsabing dalhin mo ako dun?!"

Napansin ata nung senior na nawala ang atensyon ni Xylan sa kanya. Nainis ata sya dahil parang binabalewala sya ni Xylan.

"Hoy! Bakit ka nakikisali dito? Wag kang makialam sa laban namin!" Kumuha ng kapirasong kahoy ang senior at nung hahampasin nya na ako, humarang si Xylan at napayakap sya sakin.

PAK!

Tumama yung kahoy sa likuran nya. Gumulong-gulong kami pero di nya ako binitawan.

"Denise The Menace? Bakit andito yan?" Napatulala ang grupo ni Xylan pati na rin ang ibang seniors. Bagsak na sila Jojo,Mikee at Alfred. Si Brix na lang ang nakatayo sa kanila.

Tumayo si Xylan at hinarap yung senior.

"Wag kang pumatol sa babae. Oo, babae yan. Kahit mukhang lalake, babae yan."

Nagawa pa nya akong asarin ha? Pero, dugo! May dugong tumutulo mula sa bibig nya! Malakas ang pagkakahampas sa kanya nung lokong yun!

PAK!

Naghighkick ako at sinipa ang ulo nung senior. Tumalsik sya at napatulala nanaman silang lahat.

"Anong klase kayo? Pitong seniors lumalaban sa limang juniors? Bakit nyo sya hinampas ng kahoy? Bakit kayo hindi patas kung lumaban?"

"Anong hindi patas doon?" sabi nung lider nila.

"An eye for an eye. A tooth for a tooth. Kamao ang pinanglaban nila sa inyo, bakit kayo gumagamit ng kahoy? Siguro mahihina kayo at hindi nyo sila kaya no?"

Napikon na ata yung Lider nila at sinugod ako, umiwas ako at sinikmuraan sya at saka sya pinatid para bumagsak sya. Nagulat ang ibang seniors at sunod naman na lumaban ay yung mukhang adik. Sisipain ko dapat sya ng nahawakan nya ang paa ko at inihagis sa sahig. Hindi ako natinag, inipit ko ang paa nya para bumagsak sya at saka ko sya binigyan ng malakas na suntok.

"Pa-pare...Babae talaga yan??"

"Wag ka nang magtanong ng walang kwenta! Napabagsak nya si boss at si Rex! Tara na!"

Natakot yung lima pang seniors at kumaripas ng takbo papunta sa exit. Inunahan ko sila at hinarangan ko ang pinto.

"Alam nyo, kahit na marami na silang atraso sa akin, okay lang sa akin yun dahil alam kong hindi maganda ang una naming engkwentro. Pero humahanga ako sa kanilang pagkakaibigan. Noong kinalaban nila ang mga Kuya ko, hindi sila nagiwanan hanggang sa huli. Kahit alam nilang wala na silang laban sa kalaban nila, nanatili silang magkakasama. Eh kayo? Pag dehado na kayo sa laban, iiwan nyo na lang ba basta ang mga kasamahan ninyo? Magkakaibigan lang ba kayo sa ginhawa? Ha? Sumagot kayo!"

Hindi makasagot sa takot ang mga kumag. Biglang may humawak sa ulo ko. Si Brix pala yun.

"Ayos mga linya mo ah. Epekto ba yan ng kakapanood ng Gokusen? Tama na yan puso mo."

Lumingon naman sya sa mga seniors.

"Kayo, umalis na kayo dito! Ayaw na namin makita ang pagmumukha mo dito! Bitbitin nyo na yung lider nyo at yung isa nyo pang kasama!"

Nagtakbuhan na ang mga seniors habang bitbit nila ang dalawa nilang kasama. Tinulungan naman nila Xylan at Brix tumayo sila Alfred,Jojo at Mikee at lumapit sila sa akin.

"Denise The Menace, minaliit ka namin. May ibubuga ka din pala." Sabi ni Alfred. Mabuti naman at napansin nila yun.

"Dahil sa ginawa mo, nakuha mo ang respeto namin." Sabi naman ni Jojo.

"Salamat Denise! Ililibre kita ng lunch para makabawi ako sayo!" Sabi naman ni Mikee. Haha. As usual, pagkain ang nasa isip.

"Huh? Ano ba? Oo na, tinulungan mo kami ngayon. Pero di na mauulit ito." Nako, ang angas pa din nitong si Brix. Tinulungan na nga sila.

"Sakit ng likod ko. Tara, clinic na tayo. Mahaba na rin record natin dun." Ano? Ganun lang masasabi nya? Wala man lang syang nasabi sa effort ko?

Pero infairness, naaalala ko nung linigtas nya ako mula dun sa paghampas nung lider sa akin. Nasaktan sya dahil sa akin.

Sa mga salita nya, mapapansin mong wala syang pakialam. Pero sa mga kinikilos nya.....

Iba...

Sabay na kaming lahat na pumasok ng klase. Nakaakbay sa akin sila Jojo at Alfred habang nagkwekwentuhan kami tungkol sa kung ano-ano.

"Saan mo nakuha yung mga da moves mo? Astig talaga!"

"Sama ka sa amin pag may rambol kami ha! Saya nun!"

Habang nagkwekwentuhan kami kasama si Mikee, yung dalawa naman nagpahuli at may sariling kwentuhan.

"Isama daw? Tss. Pabigat lang yan panigurado. Anong masasabi mo Xylan?"

"Ah ewan.." Hinawakan nya ang likod nya. Mukhang talagang nasaktan sya sa pagkakahampas sa kanya.

"Mukhang nagrabe ang likod mo ah.."

"Ok lang ito. Kung di ba naman kasi nakisali ang Denise The Menace na yan."

ANO DAW?!

PAK!

Binatukan ko nanaman si Xylan.

"Hindi ko naman sinabing iligtas mo ako diba? Sisihin ba daw ako?"

"Naku, nagaway nanaman ang dalawang ito."

"Diba ang sweet nila tignan?" Pabirong sabi ni Jojo.

Nanahimik kaming dalawa ni Xylan. Pumasok na kami ng classroom.

Buti katatapos lang ng lunchbreak. Nagulat ang mga classmates ko ng makita nilang magkakasundo na kami ng tropa ni Xylan. Tulog kaming lahat sa klase. Napagod kasi kami sa laban kanina. Wala naman magawa ang mga teachers. Hehe.

Nagising ako sa tunog ng bell. Uwian na pala. Uminat ako at kinuha ko na ang bag ko ng linapitan ako nila Xylan.

"Denise, friday naman ngayon. Bukas walang pasok! Alis tayo!"

Aba, ok ah. Talagang close na kami huh?

"Oo ba! San ba tayo pupunta?"

-0-0-0-

Maya-maya andun na kami sa KTV room ng isang building malapit sa school. Ang daming estudyante! Ngayon lang ako nakapunta dito! Wala naman kasi akong hilig sa KTV!

May pumasok na babae. Hiningi yung order nila.

"Isang order ng sisig tapos chicharong bulaklak,sizzling gambas,inihaw na manok,liempo, sizzling-"

PAK!

Binatukan ni Brix si Mikee.

"May pambayad ka ba ng mga inoorder mo?"

"Pasensya naman! Di pa ako kumakain simula lunch no!"

"Miss. Pasensya na. Dalawang order na lang ng sisig tapos 2 barrel ng san mig light."

Napatulala ako habang sinusulat nung babae yung mga sinabi nya.

"Ah..Uulitin ko lang po ang order nyo. Dalawang order ng sisig at 2 barrel ng san mig light. Yun lang po?"

"Opo. Yun lang."

Paglabas nung babae,

"Iinom tayo?" Tanong ko agad.

"Aba syempre! Akala mo ba kakain lang tayo at magkktv?"

"Wag mong sabihing di ka umiinom?"

Well, wala pa ako sa legal age pero wala namang masama kung iinom ako minsan diba?. Di naman ako pinagbabawalan nila kuya basta tatanstahin ko lang ang iniinom ko at wag magpapakalasing. Umiinom naman ako pag may okasyon. Pero parang okasyon na din ito dahil first bonding namin ng tropa ni Xylan.

"Umiinom no!"

"Aba..Sige! Lasingan na ito! Tignan natin kung gaano katatag si Denise!"

Si Xylan, as usual tahimik nanaman. Pero masama ang tingin sa akin. Ano nanaman ba problema nya?

Maya-maya, dumating na order namin. Habang kumakain yung iba nagsimula ng kumanta.

"Denise! Ikaw naman ang kumanta! Daya mo naman!"

"Huh? E di ako marunong! at wala ako masyadong alam na kanta!"

Binigay nila sa akin yung mike at namili na lang sila ng kanta para sa akin.

Ano? Akin Ka Na Lang? Ayos ha. Buti na lang alam ko yung kantang pinili nila.

Habang kumakanta ako, parang nakatingin sa akin si Xylan. Pero pag tumitingin na ako ng diretso sa kanya biglang aalisin nya ang tingin nya sa akin. Weird talaga ng taong ito.

Pagkatapos ko kumanta, nagsimula na ang inuman namin.Napansin kong hindi walang baso si Xylan.

"Bakit si Xylan hindi umiinom?"

"Under age pa ako. Hindi ako umiinom. At baka magalit yung mga tao sa bahay pagnalaman nilang umiinom ako."

Aba, takot pala ito sa parents nya ha!

Naubos na namin ang dalawang barrel. Tumba na si Alfred. Si Jojo,Mikee at Brix nagiging sobrang ingay na. Rinig na ata sa kabilang kwarto ang pagkanta nila!

"Denish...Kaya pa ba?"

"Aba oo naman!" Matino pa ako nung oras na yun. Di ko akalain na sila pa ang mauunang malasing sa akin.

"Ang daya mo naman Denish! Bakit di ka pa nalalashing? Manginginom ka no?" Sabi ni Mikee habang sinisimot yung natirang sisig sa plato.

"Haha. Di ah. Talagang magaling lang ako. BWAHAHAHA!"

"Sige...Order pa tayo ng isang barrel!" Pagkatapos, nagbulungan silang tatlo. Hmmm...Ano nanaman bang kalokohan ang gagawin nila?

Nyak. At ano daw? Oorder pa? Makauwi pa kaya sila ng buhay nyan?

Tumayo si Jojo na halatang hilo na.

"Ako na lang kaya!"

"Hindi..Wag na! Ako na Denish! Ikaw ang shtar of the night eh!"

Star of the night? Ano yun? Lasing na talaga itong taong ito.

Maya-maya pumasok na si Jojo. Dumating na din yung isang barrel. Tapos malaking baso. Pinuno nila yung malaking basong yun.

"O! Mauna ka na Denise! Hamon namin sayo! Istraight mo yung nasa basong yan ha!"

"Oo ba! Ako pa?" Hinawakan ko na yung baso ng,

"Denise! Sa bintana! Kuya mo ata yun!" Turo ni Mikee dun sa bintana.

Napatingin ako sa bintana. Wala namang tao.

"Ano? Wala naman! Mga lasing na talaga kayo ano?"

"Ay...Wala pala..Sige..Inumin mo na yan..."

Hmmmm...Parang may di magandang balak itong mga lokong ito ah..Si Xylan mukhang di maipinta ang mukha.

Ng iinumin ko na yung nasa baso ko, biglang inagaw sa akin ni Xylan yung baso.

"Hoy! Akala ko ba di ka umiinom? Akin na yan!"

Parang hindi malaman ni Xylan ang gagawin nya.

"Ako na iinom nito!" Strinaight nya yung isang malaking basong yun! Grabe! Akala ko ba di sya umiinom? Parang masuka-suka sya nung tapos nya ng inumin yung nasa baso. Tumayo sya at lumabas agad ng kwarto.

"Bakit pinabayaan nyong inumin ni Xylan yun?" Bulong ni Mikee kay Jojo at Brix.

"Ha? Ano?"

"Kantahan tayo! Wag nyo isipin yun si Xylan!"

Nagkantahan ulit kami. At dahil medyo nakakasuspetsa na ako sa kanila, hindi na muna ako umiinom. Hindi na nila naubos pa ang isang barrel. Lahat sila sobrang lasing na. Ako na lang ang matino. Pero naalala ko si Xylan na hindi pa bumabalik sa kwarto.

"Huy! Ano nangyari dun sa kaibigan nyo?"

"Ha? Ay! Pare! Kashalanan mo ito! Baka nagshushuka na yun dun!"

PAK!

Binatukan ni Mikee si Jojo.

"Bakit ako ang shinishishi mo? Ikaw naglagay ng paminta dun sa basho ah!"

"Ano?! Nilagyan nyo ng paminta? Wala talaga kayong magawang matino ano?"

Tumakbo ako palabas ng kwarto at narinig kong may sumisigaw na babae mula sa kabilang kwarto. Biglang lumabas si Xylan sa kwartong yun na gegewang-gewang ang paglalakad.

"Pasensya na po! Pasensya na! Akala ko dito ang kwarto namin ito!"

Linapitan ko sya agad.

"Denise...Di ko na kaya..." Nahulog sya sa akin sa sobrang hilo at napayakap sya sakin.

"Xylan! Ano ba nangyari sayo? Bakit mo kasi ininom yun! Nalasing ka tuloy! Okay ka lang?"

"Alangan naman pabayaan kong ikaw ang uminom nun.."

-0-0-0-

-0-0-0Lumabas na sila Brix,Jojo at Mikee habang akay ang tulog na si Alfred.

"Naku, paano yan? Sino maguuwi dyan kay Xylan? Eh mga sarili nga namin parang di na namin kayang iuwi eh.."

Sumagot si Xylan.

"Edi si Denise! Sino pa ba?"

ANO? IUUWI KITA? AYOS KA DIN ANO?

"Onga! Tutal ikaw ang natitirang matino sa amin, ikaw na lang maguwi dyan kay Xylan! Sige, aalis na kami!"

Nagtakbuhan na palabas ang tatlo. Kawawang Alfred, kinaladkad na lang nila. ;D

Teka, nagkamali ata ako nung sinabi kong hindi sila nagiiwanan kahit anong mangyari. Ang daya nila!

Akay-akay ko si Xylan palabas ng building. Nagtitinginan sa amin yung mga tao. Karaniwan kasing eksena ay yung babae ang nalalasing at yung lalake ang nagaakay. Naku Xylan! Bwiset ka talaga!

"Saan ka ba nakatira ha?"

"Dyan lang..."

PAK!

Binatukan ko ng malakas si Xylan. Aba, nakakasanayan ko na ito ha.

"Onga! Dyan lang! Dyan saan?! Sagutin mo nga ako ng maayos!"

"Sa 4th Avenue. *Alcantara Street. Ayun dun. Sakay tayong tren."

4th Ave? Oo, malapit yun sa amin! 3rd Ave kami! Pero sa tren lang kami pwedeng sumakay papunta doon! Papasukin kaya ito doon? Eh may amats na? Naman! Bakit ba ako napasok sa ganito kakomplikadong sitwasyon?! Baket? Bakeeet?

Pero buti na lang malapit ang stasyon ng tren sa building kung saan kami nagKTV. Wala pang ilang minuto, andun na kami sa stasyon.

Hindi naman amoy alak si Xylan. Kaso sa pagkilos nya, halatang lasing sya! Nakakainis naman!

"Excuse me, nakainom ba yang kasama mo?" Sabi nung security.

"Ha? Hindi po! Pasensya na..Kasi...Kasi..." Naku! Baka ireport pa kami nito pag nalamang isang under age ang uminom!

"Kasi ano?" Mukhang nakakasuspetsa na yung guard.

"Abnormal po sya...Kanina lang po, inatake sya ng epilepsy nya!" Paiyak na boses ko nun.

"Ano raw?" Tinakpan ko bigla ang bibig ni Xylan.

"Ayan..Kinakagat nya nanaman yung dila nya! Diba ganun kapag may epilepsy? Hindi ko malaman ang gagawin! Pabayaan nyo na po syang umuwi sa kanila. Nagaalala na po ang-"

"Sige..Pumasok na kayo.."

Pinadaan na kami ng guard. Haha. Award winning!

"Kawawa naman yung bata ano?"

"Teka, may epileptic nga ba na parang lasing kung kumilos?"

Napatawa na lang ako dun sa mga guard. Nyahahaha. Mukha silang tanga. Anyway, mas mukha pa palang tanga tong kasama ko kaysa sa kanila.

Konti na lang ang tao sa tren, magaalas diyes na kasi nun.

Umupo na kami ni Xylan. Tahimik naman pala sya pag nalalasing. Kakaiba nga lang talaga kumilos. Sumandal sya sa balikat ko. Nakakahiya, nakatingin lahat ng tao sa amin.

"Denise..."

"Ano?"

"May sasabihin ako sayo.."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ano kaya yun?

"Ano yun?"

"Wag ka sanang magugulat.."

Ano ba yan! Daming arte!

"Sabihin mo na nga!"

"Denise..."

"Nasusuka ako."

"Ah...Nasusuka lang pala...Kaw talaga.."

"ANO?!"

Nataranta na ako. Naghanap ako ng plastic sa bag ko, pero wala akong nakita. Ng biglang,

"Ulkkkkkkk!"

YAKKKK!!!!

Nagsuka na sya! Nagtinginan na sa amin yung mga tao sa tren! Kung susuka lang sya! Wag nya na ako idamay! Kaysa damit nya ang masukahan, ang uniform ko sinukahan nya!

Bumukas na yung pintuan ng tren. Hay salamat. Lumabas na kami agad ni Xylan. Akay-akay ko parin ang loko.

Teka...

**Ligaya Station? Lampas na kami ng tatlong istasyon! Ano ba naman yan?

Eh paano itong card na ito? Paano ito? Puro kami suka? Palalabasin kaya kami?

Bahala na.

Pagdaan sa gate slot, sinuksok ko na yung card, nagbabakasakali na baka tanggapin, pero rejected yung card! Tumingin sa amin yung mga guard.

"Miss, sira card nyo? Patingin nga."

"Ha..Ah eh..."

"Takbuhan na!"

Hinila ko si Xylan at tumalon na lang kami sa gateslot. Hinabol kami ng mga guard hanggang sa makalabas na kami ng station.

Si Xylan, tahimik parin. Kadiri. Pareho kaming puro suka at amoy suka.

Dumaan kami sa isang park at doon may isang malaking fountain.

Pinaupo ko si Xylan malapit sa fountain.

"O..Maghilamos ka dyan!"

"Huh? Ayoko nga. Baliw ka ba?"

Naku! Wala na palang amats itong si Xylan! Nagmamasungit na eh!

SPLASH!

Linublob ko ang mukha nya sa fountain.

Umahon sya bigla.

"Bakit mo ginawa yun?"

"Ang dungis mo kasi! Teka, pupunasan ko mukha mo!" Linabas ko yung panyo ko at pinunasan ang mukha nya ng bigla nyang inagaw ang panyo.

"Ako na! Ginagawa mo naman akong bata nyan!"

Napatulala ako nung nakita ko sya. Ewan ko ba. Parang ang gwapo nya tignan nung basa ang buhok nya at mukhang galit pa ang mukha.

"O? Anong tinitingin-tingin mo dyan?"

Teka, binabawi ko yun. Gwapo? Tss. Yak.

"Ha...Ah..."

SPLASH!

Itulak ba daw ako sa fountain? Lokong ito ah! Nagtitinginan na sa amin yung mga tao dun! Para kaming mga tanga!

"Mas madungis ka pa sa akin. Maligo ka na lang dyan." Tumayo na sya at lalakad na atang palayo. Iiwan ba daw ako?

"Hoy! Wag mo akong iwan!"

SPLASH!

Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko nga sya papunta sa fountain. Pareho na kaming basang basa.

"Tignan mo ginawa mo! Pareho na tayong basa!"

"Kaw ang nauna!"

"Sino naglublob ng mukha ko kanina?"

Natahimik kaming pareho ng napansin namin na hawak ko parin ang kamay nya.

"Wag mo nga ako hawakan!" Inalis nya yung kamay ko.

"Sino ba nagsabing gusto kong hawakan kamay mo! Eh..."

"My God! Xylan?! And....Denise? Anong ginagawa nyo?"

Si Diana?!

-0-0-0-

"Diana?!" Sabay pa kami nun.

Lumabas agad ng fountain si Xylan. Sumunod na din ako.

"I guess I deserve an explanation? What do you think Xylan?"

Huh? Bakit naman mageexplain si Xylan sa kanya?

"Ha? Ano...Wala...Nagkatuwaan lang at tinulak ko-"

Aba, parang batang pinapagalitan si Xylan ah. Ang bait!

"No, what I mean is, you should be home by now! It's getting late! Tapos you're under the influence of alcohol pa, Hindi ka ba natatakot-"

HUWAT?! Sinesermonan nya ba si Xylan? I can't bilib it!

"Oo na. Uuwi na nga. Okay na ako." Lumakad palayo si Xylan at linampasan si Diana ng hinawakan ni Diana braso nya.

"Ooops. Teka muna. Wag kang aalis." Linipat ni Diana ang tingin nya sa akin.

"Denise right? Sister ni Dex?"

"Uhuh."

"Ako na humihingi ng pasensya kung naging pabigat sayo si Xylan. Buti na lang nagtext sa akin si Brix kung anong nangyari dito."

"Ha? Naku, hindi. Okay lang yun. Hindi naman masyadong pabigat si Xylan. Nakakatuwa nga sya paglasing! Diba Xylan?"

In a sarcastic tone pa yun. Ngumiti ako kay Xylan. Syempre fake na smile. He just snorted tapos inalis nya yung tingin nya sa akin.

"Anyway, iuuwi ko na itong si Xylan. Pasensya na talaga ah. Ako lang kasi may kayang magpatino dyan paglasing. Actually, second time nya palang na umiinom ng alak. No wonder madali syang-"

"Aren't we going home?" Singit agad ni Xylan.

"Ah...Yeah...Pinark ko yung car ko banda dun. Tara na. Denise, sabay ka na samin!"

"Naku..Basang basa ako. Mababasa lang yung upuan ng kotse mo." Nanginginig na ako sa lamig nun.

"Nah. That's okay. I'll give you a ride home. I'm just returning the favor. Inalagaan mo kasi ang baby Xylan ko nung lasing sya. Saan banda ka ba?"

Baby Xylan?!

Kinilabutan ako dun ah. Ano ba talaga silang dalawa? I didnt bother to ask. Sabihin pa niya, interesado ako kay Xylan.

"Hoy. Tinatanong ka! Tulala ka dyan."

"Ah? Ha? 3rd Ave! Uy salamat ha!"

Malapit lang yung pinagparkingan ni Diana. Wow. Astig nung kotse. Latest model ng Mercedes Benz!

"Sakay na." Sabi ni Diana. Nauna syang pumasok sa driver's seat. Pinagbuksan pa sya ng pinto ni Xylan. Aba, gentleman pala ang loko kahit papano.

Inantay kong pagbuksan nya din ako ng pinto. Pero sumakay na sya agad sa front seat sa tabi ni Diana. Lokong ito!

"Ano? Maglalakad ka ba pauwi?"

Inirapan ko na lang sya at pumasok na ako sa loob ng kotse. Nakakainis talaga.

"On the way na sana ako sa gimikan ng tinext ako ni Brix. Nagaalala ako sa inyo. Buti na lang napadaan ako dito at natanaw ko kayong dalawa sa fountain. Ako lang naman kasi ang maasahan ni Xylan in sticky situations like this."

Wow. Ikaw ba ang tumatayong ina nya? Swerte naman ni Xylan!

Napaisip ako. 4th year highschool lang si Diana. Nagdridrive na agad sya?

"Nagdri-drive ka?"

"Hindi sya nagdridrive. Kaya nga umaandar na tayo eh."

Hindi ikaw kausap ha Xylan! Pero mali nga ang tanong ko. Hehe.

"May student's license naman ako eh. And a few weeks from now, legal age na ako."

"O? Wow! Advance ha! 18 tapos 4th Year High?"

"May grade 7 kasi sa school ko before. Kaya ayun."

"Ah...."

"Xylan..Galaw-galaw. Ang tahimik mo naman.."

Kelan ba umingay ang taong yan?

"Ganito naman ako palagi diba?"

"Baka kinakabahan ka pag uwi mo?"

"Huh? Di ah.."

"Ah...I know! Why won't you spend the night at my house?"

What? They're that close? To the point na pwedeng makitulog sa bahay? Well, it's normal naman. But I can't imagine this closeness with Xylan and Diana!

"Pagusapan na lang natin yan mamaya."

-0-0-0-

-0-0-0-

"O, sige. Natatakot lang naman ako para sayo."

"Kahit naman matulog ako sa inyo, ganun din ang mangyayari."

"Hayaan mo, kakausapin ko sya para sayo, sasabihin ko ako ang kasama mo at-"

"Mamaya na sabi natin pagusapan yan. Hatid na muna natin si Denise."

Mukhang ayaw muna ni Xylan na pagusapan nila ni Diana yung tungkol sa pagtulog nya sa bahay nila habang andito ako. Teka, natatakot si Diana para kay Xylan? Anong ganun din ang mangyayari? Ang labo. Di ko magets!

Naghari ang katahimikan sa kotse. Nabored ako. Nagisip ako ng topic.

"Kelan pa kayo naging close ni Xylan? Paano? Buti natitiis mo yan!"

Tumingin ng masama sakin si Xylan.

"Pwede ba, wag ka makialam sa personal na-"

"Xylan is my childhood friend. Nagkakilala kami kasi yung foster father nya, kaibigan ng dad ko. 6 years old ako nun at sya naman, 4 years old lang nun. Natiis? Oo naman! Sanayan lang naman yan. Nung una nga, di ko akalain na magiging close kami! Paano ba naman, bata palang ubod na ng suplado at arogante. Pero iyakin-"

"Next topic please. Wag ako ang pagusapan nyo."

Haha. Alam ko na kasunod nun. Pero iyakin naman sya! Haha!

"Denise, andito na tayo sa 3rd Ave. Saan banda kita ibababa?"

"Ah...Liko na lang pakaliwa. Tapos pwede na akong bumaba."

Maya-maya,

"Thanks for the ride ha!" Bumaba na ako ng kotse. Walang kibo si Xylan.

"Sige. Thanks din sa pagalaga kay Xylan!" Sagot naman ni Diana.

Umandar na yung kotse at binuksan ni Xylan ng bahagya ang bintana ng kotse.

May sinabi sya. Kaso ang hina lang. Pero it sounded like...

"Salamat Denise"

Naku, kelangan ko na maglinis ng tenga. Marami na akong naririnig na di pangkaraniwang mga bagay.

Tinignan ko ang cellphone ko at puno ng messages! Puro galing kay papa,mama at kuya.

Papa:Madeng, 5 uwi mo diba? 6 na! Lakwatsa ka nanaman ano?

Papa:Madeng, 7 na! Wag mong idahilan ang schoolworks mo dahil alam kong basag ulo lang inaatupag mo! Mama: Madeng, galit na papa mo. Nasaan ka ba? Kung nagmall ka, ibili mo naman ako nung diet pills ko, bayaran na lang kita. Ha? Papa:Madeng, ubos na pasensya ko. 8 na! Sana nagpaalam ka man lang! Hindi mo ba naisip na nagaalala na sayo ang mga tao dito? Papa:MARIA DENISE BUENDIA! ALAS NUEVE NA! NASANG LUPALOP KA NA NG MUNDO? Mama: Sarado na mga mall ngayon, sa mga 24 hour convenience store ka na lang bumili. Baka may madadaanan ka.

Teka, hindi ba't dapat matakot din ako para sa sarili ko?!

HINDI AKO NAGPAALAM!

NAKALIMUTAN KONG HINDI PA UMUUWI SI PAPA!

Pero may isang text na nakapagpagaan ng loob ko,

Dave:Hoy, iniwan q ung susi ng bhay sa ilalim ng paso. Pasalamat ka may mga gwapo ka at mababait na kuya na 2lad nmin. Yaw n nmin maulit 2 ah. Sa su2nod mgpaalam k. Wag k mgalala, bntay kmi sa pinto ng kusina.

The best talaga mga Kuya ko! Kahit lagi akong pinagtritripan! Maasahan din pala! Yehey!

Nagober da bakod ako at kinuha ko ang susi sa ilalim ng paso. Hindi ako dumaan sa main door. Sa pintuan sa kusina na lang ako dumaan. Madilim masyado! Ayaw kong buksan ang ilaw! Baka makita ako ni papa.

"Hoy Denise! Andito kami!" May bumulong sa akin. Si Kuya Dex pala!

"Ikaw ha. Bukas kailangan mong magpaliwanag sa amin."

"Huli na ito."

"Oo na. Tara na, baka magising pa si papa!"

Luminya kami habang tahimik na umaalis ng kusina.

Nangapa ako sa sobrang dilim. Ng may makapa akong malambot na mabalahibo.

*squeak squeak*

"DAGAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!"

"Denise! Huwag kang-"

"HULI KA!" PATAY! NAHULI NA!

PAK! PAK! PAK!

"Papa! Tama na!"

May nagbukas ng ilaw. Si Mama ang nagbukas ng ilaw.

"Susmaryosep! Anong nangyayari dito?"

"Tama na sabi! Hindi naman po ako ang pinapalo nyo!"

Hawak ni Papa ang palo-palo sa panlaba ni Mama. Hindi ako ang napalo nya kundi ang tatlo kong kuya.

"Aray naman! Tignan nyo naman po yung pinapalo nyo!" Napahawak si Kuya Denver sa likod nya.

"Oo nga! Ang sakit po eh!" Napahawak naman si Kuya Dexter sa ulo nya.

"Ang tanda-tanda ko na! Napapalo pa ako ng ganito!" Napahawak naman si Kuya Dave sa...Hehe..Sa puwet nya. ;D

Speechless si Papa. Nangonsiyensya ata sa ginawa nya.

"Pasensya na mga anak. Akala ko kasi-"

"In the first place, hindi mo dapat sinasaktan ang mga anak mo! Buti hindi latigo mo ang hawak mo ngayon! Dapat hinayaan mo muna magpaliwanag si Denise. Denise, bakit ka nga ba nahuli ng uwi?"

"Teka...Asan nga ba si Denise?!"

Dahan dahan na akong lumayo sa kusina. Pero nung nalaman nilang wala na ako, kumaripas na ako ng takbo papunta sa kwarto ko.

"Pasensya na! Bukas na lang! Pagod na ako! Sorry talaga!"

"Hoy! Hindi pa tayo tapos!"

"Denise! Tignan mo nangyari sa amin dahil sayo! Di ka na namin dapat tinulungan!"

"Denise! Asan na diet pills ko?"

Bukas ko na lang ipapaliwanag ang mga pangyayari. Medyo nangongonsiyensya din ako sa nangyari. Hindi kasi ako nagpaalam. Pinagalala ko sila. Hay.

Pumasok na ako ng banyo at naligo muna. Amoy suka ako. Bwiset talagang Xylan yun. Pagkatapos kong maligo, nagpatuyo muna ako ng buhok bago matulog at pagkatapos, humiga na ako sa kama.

Masyado akong napapaisip dahil kay Xylan. Ubod kasi ng weird. Hindi tuloy sya maalis sa isip ko.

Nirecall ko ang mga pangyayari simula nung umaga.

Niligtas nya ako sa muntikang pagsuntok sa akin ni Brix. Pero niligtas nya nga ba talaga ako? Sabi nya kasi, 'You Owe Me One' O baka hindi ako kausap nya nun?

Niligtas nya nanaman ako sa paghampas nung senior sa akin. Pero, kahit okay na ako sa barkada nya, ganun pa din ang pakikitungo nya sa akin.

Hindi sya umiinom pero ininom nya yung dapat na iinumin ko. At tama ba narinig ko? Hindi nya daw kasi pababayaan na inumin ko yung beer na may paminta?

Bakit masyadong troubled si Diana sa paguwi ni Xylan sa kanila? Ganun ba kalupit ang mga tao dun?

At ano ba talagang meron sa kanila ni Diana? Kahit medyo masungit sya kay Diana, mapapansin mo parin na parang sobra ang paggalang at takot nya kay Diana.

Naalala ko tuloy nung drinadrawing nya si Diana. Tinulak nya ako nung inagaw ko sa kanya yung di pa tapos na sketch ni Diana.

Teka, in the first place, bakit masyado kong pinagtutuunan ng pansin si Xylan?

Dahil ba sa kaweirdohan nya?

Or is it something else?

-0-0-0-

Ok naman ang gising ko, buti walang hangover. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan nagbabakasakaling tulog pa silang lahat. Pagdating ko sa kusina, andun si Mama at Papa. Si Mama, nagluluto ng almusal habang si Papa ay nagbabasa ng dyaryo. Tinignan ako ni Papa mula ulo hanggang paa at bumalik sa pagbabasa ng dyaryo.

?Good Morning! Asan sila Kuya?? Pasweet effect ako nun.

?Nasa higaan pa. Di daw sila papasok ngayon. Masasakit ang katawan.?

Nyak. Grabe siguro ang pagkakapalo ni Papa sa kanila. Wawa naman sila. Kasalanan kong lahat ito!

"Aba, Denise, parang nakakalimot ka ata."

Naku, patay na. Naalala na ni Papa ang nangyari kagabi. Akala ko, nakalimutan nya na.

?San ka nga ba galing kagabi?? Tanong ni Mama.

?Ha? Ano po?Naginuman kami?Nung mga classmates ko..?

Binaba bigla ni Papa ang dyaryo nya.

?NG PURO LALAKE LANG KASAMA MO??

?Ha?Opo?? Nangingig ang mga labi ko nun.

Bago pa gumawa ng kahit anong violent reaction ni Papa. Pinakalma nya na agad si Mama.

PAK!

Pinalo nya ng dyaryo si Papa sa ulo.

?Parang di mo kilala ang anak natin. Kilala ko yan si Denise. Hindi yan gagawa ng kahit anong kalokohan. Diba Madeng??

"Ah! Oo nga po!" Bait talaga ni Mama, pinagtanggol ako!

?One of the boys naman yan eh. At naalala mo ba? Naliligo pa sya sa ulan kasama ang mga kalaro nyang lalake ng walang sa-?

?Ma naman! Wag mo ng ipaalala!?

"Kahit na! Dalaga na yang anak mo ano! Hindi ka man lang nagaalala!"

"Dalaga ka dyan! Binata kamo! Mas lalake pang kumilos kaysa sa mga kuya nya!"

Hmp. Akala siguro talaga ni Mama, obit ako. Nakakainis.

"May point ka nga dyan." Sumangayon naman itong si Papa. "Pero sa susunod, magpaalam ka!"

"Opo! Opo!" Ngumiti na ulit ako.

"Teka, unfair ata na hindi kita parurusahan. Napalo ko pa mga kuya mo dahil sayo. Kaya wala ka munang baon ngayon."

"Pa naman!"

Hindi ako pinansin ni Papa at umalis na sya at pumasok ng banyo.

Naglakad ako papuntang school. Ang tinding parusa naman nito. Nakakainis. At dahil naglalakad lang ako, napadaan ako sa 4th Ave. Banda dito nakatira si Xylan diba? Alcantara Street ba yun? Teka, di ko naman sya pupuntahan ah. Nako, bilisan ko na nga at baka mahuli nanaman ako sa klase.

Teka......................

SABADO NGAYON! WALA NAMANG PASOK! ANO BA YAN! KAYA PALA HINDI AKO BINIGYAN NG BAON NILA PAPA! Nakakabadtrip naman! Tamang trip sila!

Naisip ko na lang bumalik ng marealize ko na parang naliligaw ako. Teka, Alcantara Street? Nabasa ko sa sign. Naku, malas naman ng araw na ito! Makikita ko pa ata si Xylan!

Habang naglalakad sa kung saan na di ko naman alam kung saan papunta, may nadaanan akong malaking bahay. Ang ganda! Higante ang gate! Sino kaya ang nakatira dito?

Bumukas ang pintuan ng gate at guess who kung sino ang lumabas.

Si Xylan!

Ibig sabihin, hindi sya natulog kila Diana. Teka, bakit puro pasa sya? Hindi naman siguro dahil sa away kahapon dahil hinampas lang naman sya sa likod nung senior. Saan kaya sya pupunta? Masundan nga!

Di ako nagpahalatang sinusundan ko sya. Pero parang ang lakas ng pakiramdam nya! Laging lumilingon! Para bang alam nyang may sumusunod sa kanya!

Kung saan-saan na sya lumiko, maya-maya napansin kong wala na pala akong sinusundan! Siguro alam nyang may sumusunod sa kanya kaya't linigaw nya ako! Nakakainis naman!

Sinubukan kong bumalik kung saan ako nangaling, pero nalimutan ko na kaya nakarating na ako sa isang looban. Paglabas ko, may nakita akong mga lalakeng teenager na nagkakagulo at nakapalibot sa isang bilog. Ang lakas ng sigawan nila! Parang may sabong!

"Ang galing! Hindi man lang pinagpawisan!"

"Astig ka talaga!"

"Wohooo!"

Ng medyo kumalma na ang madla, natanaw ko na kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Si Xylan nakatayo habang ang isang lalake ay nakabulagta sa harapan nya.

"Bilib talaga kami sayo! Bugbog sarado ka pa ng lagay na yan! O eto.."

Inabutan sya nung isang lalake ng tatlong daang piso.

Ano ito? Parang pustahan? Ganun? Nakikipaglaban sya para magkapera? Ang laki-laki ng bahay tapos makikipaglaban pa sya para lang magkapera? Hanlabooo!

Pero naiinis ako sa ginagawa nya. Kawawa naman yung kalaban nya! Kung gusto nya magkapera, bakit sa paraan pa kung saan makakasakit sya ng tao?

Naku! Dadaan sya pabalik ng looban! Nagtago muna ako sa isang kariton na nakita ko at pinabayaan muna syang dumaan. Saka ko sya sinundan ulit.

Bumalik sya sa bahay nya. Gusto ko talaga syang konprontahin. Naiinis kasi ako sa ginagawa nya. Kaya paglabas nya, talagang babatukan ko sya!

Wala pang ilang minuto, lumabas na ulit si Xylan na ayos na ang porma. Mukhang may lakad sya. Lalapitan ko na sya ng biglang, may dumaan na kotse. Kotse ni Diana! Lumabas si Diana ng kotse at sinalubong si Xylan.

"Hindi ka na dapat pumunta pa sa amin."

"Ano ka ba. Okay lang yun. Kaysa mahirapan ka pa sa pagpunta sa amin no."

"Teka.." Hinawakan ni Diana ang mukha ni Xylan.

"Sinaktan ka nanaman ba nila?"

Hindi umimik si Xylan.

"Sabi ko sayo, sa amin ka na lang muna umuwi. Nalagyan na ba yan ng gamot? Teka, daan muna tayo sa bahay para malagyan ko yan ng gamot."

"Hindi na. Tara na. Umalis na tayo."

"Saan nga ba tayo pupunta?"

"Kakain tayo sa labas. Treat ko." Ngumiti si Xylan. Ngayon ko lang sya nakitang ganun kasaya, I mean, ngayon ko lang sya nakitang masaya. Para bang excited sya sa lakad nila ni Diana. Siguro yung napanalunan nya sa laban ang ipangtre-treat nya kay Diana.

"Treat mo? Himala! Joke lang! Sige, tara na. Magcar na lang tayo para matipid!"

Sumakay na sila sa kotse ni Diana na nakapark sa harap ng bahay nila.

Ang daming tanong sa isip ko.

Sinong nanakit kay Xylan?

Bakit kailangan nyang sumali don sa pustahan na yun para lang magkapera lang?

Ano ba talaga sila ni Diana?

Bakit kinailangan nya pang lumaban para lang itreat sa labas si Diana?

Habang patuloy akong ginugulo ng mga katanungang ito ang isip ko, napansin ko na lang.

May tumulong luha mula sa mga mata ko.

-0-0-0-

Hindi ko maintindihan. Bakit para bang nasasaktan ako matapos ang lahat ng masaksihan ko. Bakit ako lumuluha? Si Denise Buendia. Hindi marunong masaktan. Walang iniiyakan. Ika nga ni Mama. Pero bakit ganito? Nasasaktan ako ng walang dahilan. Umiiyak ako ng walang dahilan. Sabay sa pagluha ko ay ang matinding pagbuhos ng ulan. Tumakbo na ako palayo. Paalis ng 4th Ave. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Naghahanap ako ng masisilungan. May nakita akong eskinita at doon, pumasok ako para makisilong muna. Doon, may nakita akong isang grupo ng mga lalakeng pamilyar sa akin na binubugbog ang isang lalake...Teka...Si Brix ito ah!

At yung grupo ng mga lalake, yung mga seniors na nakalaban namin kahapon!

Walang alinlangan akong lumapit agad sa grupo ng kalalakihang yun.

"Hoy! Hindi talaga kayo marunong madala no? Mga duwag talaga kayong lahat!"

Nagulat ang lider nila nung makita ako. Maging si Brix ay nagulat din.

"Denise?!"

"Na-naku...Yung lalake este babae...Tara na! Takbo na!"

Nagtakbuhan agad ang mga loko. Mga duwag talaga kahit kailan! Linapitan ko si Brix at tinulungan ko syang tumayo ngunit inalis nya ang kamay ko.

"Nakakainis. Babae pa nagligtas sa akin. Anong ginagawa mo dito Denise The Menace?"

"Ha? Ah..eh..Wala..Napadaan lang...Ikaw? Ano bang ginagawa mo dito? At bakit kaaway mo nanaman ang mga yun?"

"Narinig ko kasi kahapon na may balak silang gantihan si Xylan. Si Xylan naman kasi talaga kaaway nila. Aabangan daw nila ang paglabas ni Xylan sa bahay nya at saka sya pagtutulungan. Syempre, hindi ko naman sila pababayaan na gawin yun, kaya inunahan ko na sila bago pa nila mapuntahan si Xylan."

Aba, kahit pala maangas at arogante itong si Brix, mabuti rin palang kaibigan.

Patuloy na bumuhos ang malakas na ulan.

"Anong pumasok sa utak mo at sumugod ka sa ulan ng wala man lang dalang payong!" dinampot ni Brix ang bag nya at nilabas ang malaki nyang jacket.

"Tara Denise, kain tayo ng mainit na noodles sa malapit na resto dyan! Treat ko! May jacket ako para di ka mabasa."

Ano? Manlilibre daw sya? Ayos ah!

"Paano ka?"

"Anong paano ako? Ano ako tanga na tulad mo na magpapakabasa din sa ulan? Hati tayo!"

hati?

Sinuot ni Brix sa left side ng jacket nya habang ang right side naman ay pinasuot sa akin. Para kaming tanga sa ginagawa nyang ito ah!

"O? Edi ayos! Tara...Tatawid tayo papunta sa kabila ha..Tatakbo tayo! Ready? 1...2..3...Go!"

Tumawid kami ni Brix papunta sa kabilang side ng kalye at dumeretso papunta sa isang maliit na restaurant.

Umorder na si Brix habang ako ay tahimik parin sa pwesto namin. Hindi parin maalis sa isip ko ang nasaksihan ko kanina.

Bumalik na si Brix sa pwesto namin. Habang wala pa ang order namin, nagsimula na syang magkwento ng kung ano-ano.

"Grabe! Nakakatawa kagabi! Akalain mong si Mikee, nagsuka ba naman nung nasa jeep na kami! Kung nakita mo lang! Nagsusuka sya sa bintana at parang nagiwan pa sya ng parada ng suka sa kalye dahil sa dami ng sinuka nya!" Sinundan nya ito ng malakas na pagtawa.

"Tapos, si Alfred naman, diba tulog sya nung pagalis namin? Nanaginip ba naman! Napanaginipan nya yung crush nyang si Miss Santos! Kung ano-ano ang sinasabi! Nakakahiya dun sa mga tao sa jeep!"

Wala akong reaksyon. Though, nakikinig naman ako, hindi ko magawang ngumiti o tumawa sa mga kwento nya. Ganito ba ang epekto nun sa nangyari kanina?

"Hoy! Nakikinig ka ba sa akin? Hirap sayo! Kanina pa ako dito nagkwekwento, la ka man lang kareareaksyon! May problema ka ba? Himala, kasi di ka maingay ngayon!"

"Ha? Ah...Wala.." Hinigop ko ang sabaw ng noodles ko.

"Ano nga pala nangyari sa inyo ni Xylan kahapon? Dumating ba si Diana?"

Kwinento ko ang mga nangyari sa amin kagabi, pagkatapos, tumawa nanaman ng tumawa si Brix.

"Talaga? Sinukahan ka! Nakakaawa ka naman! Hahaha! Pero ang kulit nung sa fountain! Naiimagine ko ang itsura ni Xylan nung dumating si Diana!"

Tahimik pa rin ako. Ano bang nangyayari sa akin?

"Nakakatuwa yung dalawang yun! Nagiging maamong pusa si Xylan kapag kasama nya si Diana! Yun lang nakakapagpatino dun!"

Hindi ko na napigilan pa magtanong.

"Ano nga bang relasyon ni Diana at Xylan?"

"Si Diana, kababata ni Xylan. Parang magkapatid na nga ang turingan nila sa isa't isa! Maliban sa tropa namin, si Diana na siguro ang tinuturing na pamilya ni Xylan. Pero si Xylan, alam ko may nararamdaman sya para kay Diana. Halata naman. Ewan ko lang si Diana. Hirap kasi kay Xylan, torpe! Hahaha!"

"Ah..Ganun ba.."

Sinimot na ni Brix ang kinakain nyang noodles at humarap sa akin.

"Ano bang problema mo? Ang tahi-tahimik mo dyan! Teka, di mo ba ako gagantihan? Pinagtripan ka namin nila Mikee kahapon?"

"Ha?"

"Anong ha? Hindi yan ang Denise na kilala ko! Alam kong gusto mong gumanti! Batukan mo na ako!" Tinapat nya ang ulo nya sa akin.

"Ano bang ginagawa mo?"

"Dali na kasi!"

"Ang kulit mo. Ewan ko sayo. Sige, aalis na ako. Salamat sa pagkain."

Lumabas na ako ng restaurant at sinundan naman ako ni Brix.

"Lika, hahatid na kita sa inyo. San ba bahay nyo?"

"Wag na..Okay lang ako.."

"San nga sabi?"

"Ang kulit mo rin no? Kaya ko ng umuwi magisa!"

"O sige, pero suotin mo itong jacket ko. Baka mabasa ka. Sisipunin ka nyan. Tapos Aabsent ka, tapos mamimiss ka namin.."

"Ano?"

Hindi nakaimik si Brix. Ano bang pakialam nya sa akin in the first place?

"Ah eh..."

"Mamimiss namin ang pagtritrip sayo! Wala na kaming babatuhin ng itlog! Didikitan ng flypaper sa likod! Wala ng bubuhusan ng arina!"

PAK!

Binatukan ko nga si Brix.

"Ah ganun? Wala na kayong pagtritripan?! Layuan mo nga ako! Bwiset ka!"

Ngumiti si Brix.

"Ayan, sadista ka na ulit! Haha!"

Kinuha nya ang cap mula sa ulo ko at tumakbo palayo.

"Sasabihin mo ba kung saan ka nakatira o ihuhulog ko itong cap mo sa canal?"

Di daw sya tanga para magpakabasa sa ulan pero ayan, sumugod na din sya sa ulan. Hinabol ko sya para kunin ang cap ko.

"Akin na nga yan! Wag mo akong inisin ha!"

Lalong lumakas ang buhos ng ulan. Tuloy ang paghabol ko kay Brix. Nung malapit na ako sa kanya, tumalon ako at dinambahan ko sya sa likod. Pareho kaming bumagsak.

"Aray! Ang bigat mo pala!"

Tumayo kaming pareho at kinuha ko ang cap ko sa kanya.

"Bwiset! Akin na nga yan!"

Nakatitig lang sakin si Brix. Ano bang problema nya?

"Mas maganda ka pala kapag walang cap."

"Huh?"

"Hindi ka na kasi mukhang lalake! Haha!"

"Hmp. Sige, aalis na ako."

Maya-maya napagisip-isip ko, hindi ko nga pala alam ang lugar na ito! Magpapahatid na nga lang ako!

Lumingon ako kay Brix,

"Sige na nga, hatid mo na ako sa amin. Alam mo naman siguro ang daan dito diba?"

"Haha. Sinabi ko na nga ba, hindi mo alam ang daan no?"

"Hindi ah..."

Sinamahan na ako ni Brix pabalik sa amin. Pareho na kaming basang basa sa ulan. Naalala ko nung una kaming magkakilala ni Brix. Hinawakan nya pa ako sa kwelyo nun. Tapos muntik nya pa ako suntukin. Hindi ko akalain na ngayon, trineat nya na ako, sasamahan nya pa ako sa paguwi. Medyo bumalik na ang pagkasigla ko.

"Sarap maligo sa ulan no?"

"Huh? Para ka namang bata!"

"Sino kayang parang bata sa akin at inagaw pa ang cap ko?"

"Pero di nga, maganda ka kapag walang cap."

PAK!

"O, para saan yun? Hindi kita binobola ah!"

"Hindi, ganti ko yan, nilagyan nyo ng paminta ang inumin ko kahapon."

"Para ka talagang lalake! Ayusin mo nga buhay mo!"

Maya-maya tumila na ang pagulan. Tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na, hapon na pala! Maghapon na pala kaming magkasama ni Brix! Hindi ko na namalayan ang oras! Pagdating namin sa amin, may natanaw kaming lalakeng nakaabang sa gate namin...

Si Xylan?!

"Xylan?" Sabay pa kami nun.

Lumapit si Brix kay Xylan at binati ito.

"Uy Pare! Anong ginagawa mo dito?"

Linagpasan lang sya ni Xylan at lumapit sa akin.

"Panyo mo." Yun yung panyo na pinunas ko sa kanya nung nasa fountain kami! Pumunta sya dito para lang ibalik ito?

Linabas ni Xylan ang panyo at inabot sa akin.

"Salamat. Pwede mo naman ibalik ng monday."

Umalis na si Xylan ng walang imik.

"Pare! Sabay na tayo!"

Humabol si Brix kay Xylan at lumingon sa akin.

"Sige Denise! Alis na kami! Bye!"

"Bye!"

Nung umalis na sila, nakatingin parin ako sa panyong binalik ni Xylan. Ano kaya nangyari sa date nila ni Diana? Bakit nagabala pa syang ibalik ito ngayon?

-0-0-0-

Kaaalis lang ni Papa. Maya-maya na kasi ang flight nya at kailangang 3 hours before the flight, andun na sya. Medyo nalungkot ako sa pagalis nya. Pero tanggap ko naman na kailangan nya talagang umalis. Malungkot pa rin ako sa nangyari kahapon. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan at nalulungkot ng ganito. Siguro, ayoko lang aminin aminin sa sarili ko pero si Xylan nga talaga ang dahilan.

Nagkulong ako sa kwarto pagkagaling sa airport. Nagtataka sila Kuya dahil natigil daw ako sa bahay ngayong linggo. Madalas daw kasi, nasa computer shop ako o di kaya nasa basketball court kapag walang pasok.

Pumasok si Kuya Dave sa kwarto. Kasalukuyan akong nagsosoundtrip noon habang nagmememorya ng chemistry formulas.

"Denise, pwede ba tayong magusap?" Umupo si Kuya sa kama ko.

"Sige.." Pinatay ko muna ang ipod ko at itinabi ang chemistry notes ko.

"Kahapon, umalis ka ng nakauniform kahit walang pasok. Bumalik ka ng basang basa sa ulan at tahimik ka buong araw."

Tahimik lang ako at hinintay kung ano ang tatanungin nya.

"Sabihin mo ang totoo,"

Parang alam ko na ang tatanungin nya ah..

"Nagkakadrugs ka ba?"

"Kuya naman!"

"Joke lang! Ito naman, masyado kang seryoso! Parang hindi ikaw yan! Hulaan ko,"

Tumingin sya sa mga mata ko,

"Umiibig ka na no?"

May dumungaw na ulo mula sa pintuan, si Kuya Dexter!

"At nasaktan?"

Sumunod naman na dumungaw ay si Kuya Denver.

"At kaya ka nasiraan ng bait?"

"Seryoso naman tayo dito pwede? Kita nyo na ngang, heartbroken ang bunso natin, ginaganyan nyo pa!"

"Hindi. Okay lang ako. Wala naman ito. Hindi ako heartbroken. Natalo lang ako sa laro ng basketball nung isang araw. Tapos talo din ako sa pustahan namin nung naglaro kami ng DOTA ng mga tropa ko."

"Tsk tsk..Sama magsinungaling Denise!"

"Kilala ka namin! Kapag natalo ka sa basketball,"

"Kakain ka ng maraming marami! Sasabihin mo, 'Kakain ako ng marami para tumangkad pa ako! Matatalo ko din sila!' tapos, dederetso ka sa basketball court para magpractice!"

"Kapag natalo ka sa pustahan sa computer games,"

"Babalik ka sa bahay para kumuha ng pera sa alkansiya mo, at lalaban ka pa ulit."

"Ganyan ang pagkakakilala namin sayo. Hindi sumusuko. Hindi nagmumukmok kapag may problema. Ano na nangyari sayo?"

"Dahil lang sa lalake nagkakaganyan ka? Wag ganun!"

"Wag kang susuko! Ipaglaban mo ang pagibig mo!"

"Oo tama! Gumaya ka kay Kuya Dexter mo! Kahit ilang beses mabasted, hindi sumusuko!"

PAK!

Binatukan ng malakas ni Kuya Dexter si Kuya Denver.

"Kailangan pa bang ipasok yun sa usapan?"

"Hahaha!" Hindi ko na napigilan pang tumawa. Nakakatuwa talaga sila Kuya. Sila lang nakakapagpaalis ng lungkot ko.

"Kuya, imposible bang may magkagusto sa aking lalake?"

"Bakit naman?"

"Dahil alam nyo na..Ganito ako kumilos..Ganito ako pumorma.."

"Ano ka ba Denise! Kung tutuusin, mas okay ang mga tulad mo. Naiiba ka sa ibang babae. Hindi ka gumaganda dahil sa lipgloss,pulbo o kung ano pa mang make-up.."

"Hindi rin sa pino ng pagkilos o sa porma.."

"Kundi sa ganda ng kalooban mo..Naks naman!"

"Swerte ng lalake sayo, may personal bodyguard na sila!"

"Pero tandaan mo Denise, wag ka magbabago para lang sa kanya. Just be yourself. Hayaan mong mahalin ka nya kung sino ka."

Umalis na si Kuya Dave mula sa kama.

"Sige, alis na kami ha para makapagisip-isip ka muna!"

Lumabas na sila Kuya ng kwarto.

Napaisip ako. Syempre, hindi ako magbabago para sa kanya no. At alam ko naman na kahit kailan hindi ko mapapantayan si Diana. Hindi ako magiging katulad nya.

Teka, sa mga sinasabi kong ito,

parang inaamin ko na,

Mahal ko talaga sya?!

-0-0-0-

Kinabukasan, pumasok na ako sa school. Basa pa din yung cap ko na pula kaya yung kulay blue naman ang ginamit ko.

Ng nasa gate na ako ng school, nakita kong nakatambay doon ang grupo ni Xylan.

?Good morning Denise!? Bati ni Brix sa akin.

Napatingin ako agad kay Xylan. Nakatingin lang si Xylan sa akin at as usual, walang expression ang mukha.

?Uy~ Good morning din! Bakit kayo andito?? Bati ko sa kanila.

?Naku, paano kasi itong si Brix, sabi antayin ka daw namin!? sagot naman ni Jojo.

Antayin ako?

?Syempre, you?re one of us! Ganito kaming magbabarkada, naghihintayan bago pumasok sa klase. Tara na! Sabay-sabay tayong umakyat!?

Umakbay sa akin si Brix habang paakyat kami sa hagdan. Mukhang masayang masaya sya ngayon ah!

Ako ang nauna sa pagpasok na classroom ng biglang,

SPLASH!

Isang timbang may lamang waterbased paint ang tumapon sa akin. Naku, paano na uniform ko?!

?Grrrr..Kayo may kagagawan nito ano?!? Humarap ako sa grupo ni Xylan.

?Ha? Hindi ah! Kita mong kasabay ka namin sa pagpasok!?

Lumakad papuntang platform si Brix at,

?Sino sa inyo may kagagawan nito? Para sa inyong impormasyon, wala ng maaring mangtrip kay Denise! Kami ang makakalaban nyo! Umamin na kayo kung ayaw nyong masaktan!?

Wow, hanga naman ako kay Brix. Pinagtatanggol ako!

Si Xylan naman, kinuha ang timba na may laman pang konting pintura at?.

BINUHOS NYA SA ULO NYA?

?O yan, para patas. Kami rin meron. Naniniwala ka pa bang kami ang gumawa nyan sayo??

?Tama! Tropa tayo! Kaya damayan tayo!? Gumulong gulong si Mikee sa natapon na pintura.

?Haha! Kulang na lang maging kulay brown ang pintura at mukha ka ng baboy na naglalaro sa putikan!?

?Ewan ko sayo! Lika nga dito!? Hinila ni Mikee si Alfred papunta sa pintura.

Sumama na rin si Jojo.

Naks, touched naman ako kila Xylan. Kahit maangas, sobrang tibay ng pagkakaibigan nila.

Pero kay Xylan talaga ako nagulat. Hindi ko akalain na siya pa ang magsisimula nito.

?Huh? Mukha kayong mga tanga diyan. Hindi ako tanga para lagyan ang sarili ko ng pintura. Dyan na nga kayo.?

Aba, nagangas nanaman itong si Brix. Ano nanaman ba problema nya?

At nagpalitan sila ng masasamang tingin ni Xylan. Para bang may nararamdaman akong tension sa pagitan nilang dalawa.

Anyway, sino ba ang may pasimuno talaga nito?

Bago pa may umamin kung sino ang naglagay ng timba sa pintuan, dumating na ang adviser namin!

"My goodness! Anong nangyayari dito ha?"

-0-0-0-

Uwian na, lahat kami, puro pintura parin. Naku, magagalit si Mama nito. Lagi na lang akong umuuwi ng madumi ang uniform.

Pagdating namin sa gate, may kotseng nakaparada.

Lumabas sa kotse si....Diana?! Pero teka, hindi nya naman kotse ito ah?

"Xylan!" Kumaway si Diana.

"Uy! Diana! Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Alfred.

"Pumunta ako dito para ibigay sa inyo ang invitations sa debut ko! Punta kayo ha?" May nilabas si Diana na kulay pink na parchment paper na nakaikot at nakatali sa kulay violet na lace. Grabe, pati invitations mukhang pinagkagastusan!

Inabutan nya isa-isa sila Xylan,Brix,Mikee,Jojo at Alfred ng mga invitations at saka lumapit sa akin.

"Denise, ito invitations. Isa para sayo, at yung tatlo, para mga kuya mo. Sabihin mo pumunta sila ha!"

Parang nagdadalawang isip pa ako kunin yung invitations. Bakit kasama ako? Hindi naman kami close at hindi naman ako mahilig sa mga ganitong formal events.

"Oh, kunin mo na. Wag ka ng mahiya! Friends na rin naman tayo diba?"

"Ah...Hehe..Thank you ah..."

Kinuha ko na rin yung mga invitations. Alangan naman tangihan ko ang paanyaya nya diba?

"Teka, si Xylan ba escort mo?" Tanong ni Jojo kay Diana.

"Ano ka ba, tinatanong pa ba yan? Syempre, oo." Sabi naman ni Mikee.

Nagiba ang reaksyon sa mukha ni Diana.

"Actually...."

"Diana! Tara na!"

May lumabas na lalake mula dun sa kotse kung saan lumabas si Diana kanina.

"Diana, halika na. Naipamigay mo na ang invitations diba?"

"Ah...Oo...Sige..Tara na." Hinila nya na yung lalake paalis ng,

"Teka, hindi mo man lang ako ipapakilala sa mga kaibigan mo?"

"Ah..Oo nga pala. Sya si Kelvin Araneta, escort ko sa debut ko."

Nagulat kaming lahat sa sinabi nya. Diba si Xylan ang close nya? Bakit si Kelvin ang escort nya?

Lumapit sya kay Xylan at inabot ang kamay nya.

"Aba, ikaw pala ang kwinekwento ni Diana na kababata nya. Xylan right?"

Hindi sya pinansin ni Xylan. Kaya si Kelvin na mismo ang kumuha sa kamay nya at nakipagshakehands.

"Sila naman si Mikee,Jojo-"

"Naku, next time mo na lang sila ipakilala sa akin. May dinner date pa tayo diba? Sige. Aalis na kami."

Walang imik si Diana. Hindi sya mapakali habang pabalik sila ni Kelvin sa kotse.

Naglabas si Kelvin ng alchohol at nilagyan nya ang kamay nya. Ang arte ha!

"Lokong yun ah!Teka nga't mabigyan ng isa!"

Lalapitan ko sana ng masuntok kaso hinawakan ni Brix ang dulo ng uniform ko.

"Oh, magtimpi ka Denise, ganyan talaga si Kelvin Araneta."

"Palibhasa mayaman. Sa O.C. Montessorri yan nagaaral diba?"

"At papa nya lang naman ang may-ari ng buong Araneta Enterprises."

"May araw din yan sa atin! Inagawan ba naman si Xylan!"

Humarap si Xylan sa amin at inabot ang invitation sa akin.

"O, eto na yung invitation. Ayoko ng pumunta. SIge, aalis na ako."

"Xylan!"

Bumalik si Xylan sa gate papuntang school.

"Naku, ayan. Nabwisit na si Xylan! Ayaw na tuloy pumunta!"

"Sige, ako ng bahalang kumausap kay Xylan! Umuwi na kayo!"

"Ganun ba? Sige. Bye! Ingat ka ha! Kausapin mo yun si Xylan!"

"Sige!"

Umalis na ang apat at bumalik ako agad sa school.

Mukhang alam ko na kung asan sya!

Umakyat ako ng hagdana at dumeretso sa rooftop.

Tama nga ako! Andun si Xylan! Gumuguhit nanaman sa sketchpad nya!

Mukhang malungkot sya. Siguro dahil sa nakita nya kanina. Kailangan bigyan ko sya ng lakas ng loob!

PAK!

"Ano nanaman bang problema mo?" Napahawak si Xylan sa ulo nya.

"Bakit mo binigay ang invitation? Bakit hindi ka pupunta sa debut ni Diana?"

"Sinabi ko na kanina diba?" Pinagpatuloy nya lang ang paguhit sa sketchpad.

"Anong klase kang kaibigan! Yun ang isa sa pinakamahalagang okasyon sa buhay nya tapos hindi ka pupunta!"

"Siguro may maganda syang dahilan kung bakit si Kelvin ang pinili nyang escort at hindi ikaw!"

"O ano ngayon? Sa tingin mo ba yun ang dahilan ko kaya hindi na ako pupunta?"

"Alam kong mahal mo si Diana! Pilit mo na lang bang itatago yun? Kailangan ipaglaban mo sya! At Magmumukmok ka na lang ba dyan ha? Gumawa ka ng paraan! Magpapatalo ka na lang ba sa isang tulad ni Kelvin? Isang milyong beses ka pang mas okay sa kanya! Alam kong mabuting kang tao! At nararapat ang isang tulad mo kay Diana!"

Linapag ni Xylan ang kanyang sketchpad sa sahig. At lumapit sya sa akin habang lumalapit sya, ako naman umaatras hanggang sa macorner ako sa pader.

"Ano bang pakialam mo? Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito? Ganun mo na ba ako kakilala kaya ganyan ka magsalita? Ano? Sabihin mo? Bakit sobra ang pagaalala mo sa nararamdaman ko para kay Diana? Bakit sobrang ang pagaalala mo sa akin?"

Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi. Bakit nga ba?

"Kasi...Kasi..."

"KASI ANO?!"

Denise, pigilan mo ang sarili mo!

"Kasi mahal kita!"

Naghihintay ako ng reaksyon mula sa kanya. Nakakahiya. Bakit ko ba nasabi yun?

Ngumiti siya! Ngumiti si Xylan!

Niyakap nya ako at bumulong sya,

"Mahal din naman kita."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, lahat ng dugo sa katawan ay unti-unting umaakyat patungo sa ulo ko.

"Hindi bilang kaibigan lang...."

Hindi parin sya umaalis sa pagkakayakap nya sa akin.

"Ngayon lang ulit ako nakakilala ng isang taong nakakabasa ngnararamdaman ko. Taong nakakakilala kung sino ako sa kabila ng pagtatago ko ng tunay na ako. Isang taong nakakapagbigay ng lakas ng loob sa akin..Ikaw ang taong yun. Salamat ha...Salamat.."

Naluha nanaman ako. Wala akong masabi. Sobrang gaan sa pakiramdam habang pinakikinggan ang mga sinasabi nya sa akin.

"Kaya pwede bang..."

"Ikaw na ang maging bestfriend ko?"

Ang dating magaan na pakiramdam ay biglang bumigat. Bakit? Gusto nyang maging magbestfriends kami. Hindi ba't dapat masaya ako? Bakit parang nasasaktan parin ako?

Umalis na sya sa pagkakayakap nya sa akin at tumingin sya sa mga mata ko.

"I know you feel the same way too diba? Kaya nga sabi mo, mahal mo ako diba? You also love me as a bestfriend?"

Speechless pa din ako.

Kung alam mo lang.

What I feel for you..

Is greater than a love for a bestfriend.

"Tara na, ihahatid na kita sa bahay mo. Salamat sayo, naliwanagan ako. Sa debut ni Diana, ipagtatapat ko na ang nararamdaman ko para sa kanya."

Pinilit ko na lang ngumiti para hindi sya makahalata.

"Tama! Kaya mo yan!" Tinaas ko ang isa kong kamay.

"Haha. Kakaiba ka talaga..Tara na nga.."

-0-0-0-

Pagdating ko amin, nagpaalam na si Xylan. Normal na ulit sya. Masungit at tahimik. Hay nako, kakaiba talaga itong taong ito.

Pagdating ko sa bahay, pinuntahan ko agad sila kuya na kasalukuyang naglalaro ng ps2 sa may sala. Si Kuya Dave, wala pa sa bahay nung mga oras na yun.

"Kuya! May sasabihin ako sa inyo!"

Hindi man lang ako tinignan nila Kuya. Tuloy pa rin sila sa paglalaro.

"Mamaya na yan Denise. Kita mong naglalaro kami!" Sabi ni Kuya Denver habang hindi maalis ang mata sa linalaro.

"Haha! Konti na lang, talo ka nanaman Denver!"

"Wag ka ngang mayabang! Tignan lang natin!"

"Bahala kayo. Imbitado lang naman kayo sa debut ni Diana. Ibibigay ko na lang sa ibang tao itong mga invitations."

Nilabas ko ang mga invitations ni Diana at pinaypay ko sa sarili ko.

"ANO?! TALAGA?! WAG! AKIN NA! PUPUNTA AKO!" Binitawan agad ni Kuya Dexter ang controller at kinuha sa akin ang mga invitations!

"Hah! Talo ka na Dexter! Paano ba yan?"

"Ang daya mo! Teka, Inimbitahan tayo ni Diana sa debut nya! Daming chicks dun pare!"

"Haha! Wag ka na! Mababasted ka rin naman!"

Kinuha ni Kuya Denver kay Kuya Dexter yung isang invitation at binasa.

"Teka, imbitado ka din Denise?"

"Oo..Ayoko nga sumama eh."

"Aba, edi kailangan mag gown ka or cocktail dress dun diba?"

"Ganun? Naku, lalong ayoko ng pumunta!"

"Ano ka ba naman! Alam mo namang pag mga formal events na ganito, ganun dapat ang suot!"

"Naks, for the first time, magsusuot si Denise ng gown! Ano kayang itsura mo?"

"Tapos with matching make-up! Ayos na ayos! Ngayon di na sila magtataka kung tomboy ka..."

"Kasi iisipin nila bading ka!"

Nagtawanan sila Kuya. Hmp. Akala nila nakakatuwa sila.

PAK! PAK!

Binatukan ko silang pareho at umakyat papunta sa kwarto ko.

Hmp. Nakakainis. Bakit pa kasi ako naimbitahan sa party na yan! Ayokong magsuot ng gown at magmake-up! Sigurado, magmumukhang tanga ako dun!

Tinignan ko ulit yung invitation,

Naku! Sa friday na pala ito! 3 araw na lang! Kailangan makabili na ako ng damit! Ayoko na talaga pumunta! Sasabihin ko may sakit ako! Tutal, pupunta naman sila Kuya. Ayos na yun. Hindi na ako kailangan dun.

Hinubad ko ang uniform at nagpalit ng pambahay. Ako na ang naglaba ng uniform ko, bago pa makita ni Mama at mapagalitan pa ako. Habang naglalaba sa banyo, naalala ko nung binuhos ni Xylan sa sarili nya yung natitirang pintura. Doon, lalo akong naging curious sa nararamdaman nya para sa akin. Pero ngayon, malinaw na sa akin ang lahat.

Bestfriend.

Bestfriend lang.

"Kaya pwede bang.....Ikaw na ang maging bestfriend ko?"

Habang inaalala ko ang mga katagang yun, may luha nanamang tumulo mula sa mga mata ko.

-0-0-0-

"Madeng! Madeng!"

Nagising ako sa malakas na sigaw ni Mama. Tinignan ko orasan ko at nakita kong alas nuebe na ng umaga! Late na ako! Bakit hindi man lang nila ako ginising ng mas maaga? Hindi na ako naligo. Naghilamos lang at nagtoothbrush at nagsuot agad ako ng uniform. Habang pababa ako ng hagdan, sinusuot ko ang medyas ko ng sinalubong ako ni Mama.

"May bisita ka! Andun sa sala. Hirap mo gisingin! Nakalock pa pintuan mo! Kanina pa sya nagaantay dun!"

Bisita? Sinong bisita? May pasok pa ako no!

Napatitig si mama sa suot ko. Mukhang nagtataka sya sa suot ko.

"Teka? Bakit ka nakauniform? Wala namang pasok ngayon sabi nung classmate mo. Kaya nga sya andito. Bibili daw kayo ng damit at pangregalo para sa debut nung kaibigan nyo. Puntahan mo na sya at mukhang pinagtritripan sya ng mga Kuya mo!"

Teka, di kaya....

Si Xylan yun?

Naalala ko bigla ang kwinento nila Kuya tungkol sa engkwentro nila ni Xylan dati. Kinabahan ako bigla at pumunta sa sala.

"Aba, si bubuwit pala ito! Kapatid naman namin ngayon ang pinopormahan mo ha?"

"Musta na kayo ni Diana? Basted ka na dun no?"

"Huwag mo nga akong itulad sayo."

Nagtawanan sila Kuya Dave at kuya Denver. Napahiya si Kuya Dexter.

"Aba't gusto mong mabugbog ulit?" Aamba na sana ng suntok si Kuya Dexter.

"Hoy! Ano ba kayo? Tigil nyo nga yan!"

"Aba! At nagising ka din! Kanina pa nagaantay itong si bubuwit dito!"

Napatitig din sila Kuya at Xylan sa uniform ko.

"Teka, Bakit ka nakauniform?"

Tumayo si Xylan at lumapit sa akin.

"Denise, wala pong pasok ngayon. Teacher's meeting. Kaya magbihis ka na po ng pangalis mo dahil kanina pa po ako naghihintay dito."

"Teka, san ba tayo pupunta?"

"Sa mall. Sasamahan mo akong bumili ng damit at pangregalo."

"Tayong dalawa lang?"

"Susunod sila Brix mamayang hapon. Kaya mauuna na tayo."

Wow, date ba ito?

"O, ano pang tinutunganga mo dyan? Bilisan mo na at magbihis ka na."

"Oo na!"

Pabalik na ako sa kwarto ko pero lumingon ako at sinabihan sila Kuya.

"Wag kayong gagawa ng kalokohan dito ha? Kundi, kayo mismo ang lagot sa akin!"

"Oo naman! Friends na kami! Magbobonding lang kami nila Xylan dito!" Umakbay si Kuya Denver kay Xylan.

"Di namin sasaktan ang boyfriend mong lampa! Syempre, kinalimutan na namin ang dati diba Xylan?"

Hindi pinansin ni Xylan si Kuya Dexter.

"At Hindi ko sya boyfriend! Mga ungas!"

Hindi parin nawala ang kaba ko, pero umakyat na din ako para magbihis.

Naligo muna ako at pagkatapos, nagbihis na. Bakit ba parang excited ako? Bibili lang naman kami ni Xylan ng damit at pangregalo?

Pumasok si Mama sa kwarto ko.

"Mukhang okay yung boyfriend mo ah. May itsura at mukhang mabait."

"Ma! Di ko po sya boyfriend! Sinabi ko na po kanina yan diba?"

"Asus, kaya pala."

"Kaya pala ano?"

"Kitang kita sa mga mata nyo na mahal nyo ang isa't isa"

-0-0-0-

Si Mama talaga. Yan ang napapala ng kakapanood ng mga telenobela sa TV. Kitang kita sa mga mata? Anong kakornihan yun? Haha. Mama talaga oh.

Hindi ko na lang pinansin si mama at hinanap ko ang ATM card ko sa drawer ko. Teka, nawawala! Nasaan na yun?

Bumaba agad ako para tanungin sila Kuya. Panigurado sila nanaman ang kumuha nun!

"Kuya! ATM card ko?!"

"Hihiramin muna namin! Pasensya na ha! Humingi ka na lang ng pera kay Mama!"

"Ano ba naman yan! 500 lang dala ko ngayon! Anong mabibili ko nito?"

"Wag ka magalala ako na bibili ng gown mo."

ANO?!

"Anong sabi mo?!" Napatingin ako kay Xylan.

"O yun pala eh, ibibili ka na ng boyfriend mo. Wag ka magalala, babayaran naman namin eh!"

Naku, nakakahiya naman kay Xylan! Teka, anong pambibili nya ng gown? Nakikipagsabong pa nga sya para lang may pangdate tapos ibibili nya pa ako ng gown?!

"Sige, aalis na po kami." hinila ako ni Xylan palabas ng bahay.

"Wag ka magaalala, babayaran ko na lang pag binalik na nila kuya ATM card ko."

Hindi umiimik si Xylan. Dere-deretso sya sa paglalakad.

"Hoy nakikinig ka ba?"

Hindi parin ako pinansin ni Xylan. Naiinis ako at inunahan ko sya at saka sya hinarap.

"Hoy! Ano ba? Makinig ka sabi-"

Hinila ako ni Xylan at sa lakas ng hila nya, pareho kaming bumagsak. Saka ko napansin na nasa tawiran na pala kami at muntik na akong mahagip ng sasakyan.

Naalala ko itong posisyon na ito...

Ito yung...

*flashback sa staircase kissing scene*

Tumayo agad ako at ganun din si Xylan.

"SA SUSUNOD NGA TIGNAN MO DINADAANAN MO! MUNTIKAN KA NA DUN AH! TANGA KA BA TALAGA? ISA KA TALAGANG NAPAKALAKING MENACE!"

Ang O.A. nya ha! Kailangan bang sumigaw?

"PASENSYA NA HA! SINO BANG NAGSABING SUMAMA KA SA ISANG MENACE NA TULAD KO HA?!"

"Ah, may gana ka pang sigawan ako, matapos kong iligtas ang buhay mo?"

Aba, sa kauna-unahang pagkakataon. Deretsahan nyang sinabi na niligtas nya ako. Pero nakakainis parin! Kailangan ba nya akong sigawan?

"Tara na nga, wala tayong matatapos nito kung magaaway tayo dito sa daan."

Sumakay na kami ng jeep at saka sumakay ng tren. Nagpunta kami sa isang malaking Mall sa 7th Ave.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa! Paano ba naman, dadating ka na lang ng walang pasabi! Hindi tuloy ako nakapagalmusal! Alam mo bang kagigising ko lang nung dumating ka?"

"Tinatanong ko lang kung kumain ka na, ang dami mo pang sinabi. Edi kumain na muna tayo."

"NAKU!!! PASALAMAT KA TALAGA! PASALAMAT KA, MAH-"

"Ma?"

"MARAMING NAGMAMAHAL SAYO KUNDI BAKA KUNG ANO NG NAGAWA KO SAYO!"

Pumunta kami sa isang japanese restaurant na malapit sa entrance. Naghanap kami ng puwesto at umupo na.

"Ako na magbabayad ng kakainin natin ha. Wag ka na makipagtalo wala ka namang pera."

Lokong ito! Isampal ko kaya sa kanya yung 500 na dala ko! Pero tama sya, kasya na ito na pangregalo kay Diana.

"Mamili ka na ng kahit anong gusto mo dyan. Hindi ka mabubusog sa kakatingin sa akin ng masama."

Masubukan nga itong lokong ito. KAHIT ANO ha? Bibiruin ko nga para mataranta sya.

"Hmmm...5 pieces na tempura tapos...Large bowl ng Yakisoba...6 pieces na Takoyaki... 3 order ng kanin..1 order ng Unagi...at 1 order ng Oden..Yun lang! Para sa akin lang yun ha!"

Haha. Tignan natin kung oorderin mo yan lahat.

May lumapit sa amin na waitress at hiningi ang order namin.

"5 pieces ng Tempura. Large na Yakisoba. 6 pieces na Takoyaki. 3 order ng kanin. 1 order ng Unagi at 1 order ng Oden."

SERYOSO BA SYA?! OORDERIN NYA TALAGA LAHAT?

"Teka, nagbibi-"

"Anong drinks mo?"

"Re-regular iced tea na lang.."

"Dalawang regular iced tea Miss."

"Uulitin ko lang po yung order nyo, 5 pieces ng Tempura. Large na Yakisoba. 6 pieces na Takoyaki. 3 order ng kanin. 1 order ng Unagi at 1 order ng Oden at 2 regular iced tea? Wala na po kayong idadadagdag?"

"Wala na po. Okay na po yan."

Speechless pa din ako nung umalis yung babae. Naku, patay! Paano na!

"Teka, anong inorder mo para sa sarili mo?"

"Wala. Busog pa ako."

Naku, hindi na tuloy sya kakain sa dami ng inorder ko! Ano ba yan!

Tahimik kaming pareho hanggang sa dumating ang order namin.

"Uubusin mo yan lahat. Masama magsayang ng pagkain."

Sa maniwala man kayo o sa hindi, kaya ko namang ubusin ito lahat. Kaso nga lang...WAAAAAAA!

"Teka, paano ka..Hindi ka ba kakain?"

"Hindi nga. Busog pa ako."

Hindi ako mabubusog kung pipilitin ko sya kumain. Kaya kumainna muna ako. Inuna kong kainin yung Yakisoba. Tapos saka ko kinain yung Tempura. Nakakailang dahil pinapanood nya ako habang kumakain. Hindi sya mukhang takam na takam sa kinakain ko, pero halatang gutom na sya.

"Gutom ka na! Kunwari ka pa!"

"Wag ka magsalita ng may laman ang bibig."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinubuan ko sya.

Gusto nya ng iluwa yung Tempurang binigay ko, pero..

"Masama magsayang ng pagkain!"

"Tama na. Ayoko na De-"

Sinubuan ko naman sya ng Unagi. Kitang gutom na sya, pero bakit parang ayaw nya kumain? Saksakan ng weird itong taong ito.

"Masarap diba? Kunwari ka pa kasi! Hindi nakakabusog ang pride no!"

"Oo na. Masarap na. Busog na ako. Tama na ple-"

SInubuan ko naman sya ng Oden. Haha. Ang kyut nya tignan pag sinusubuan.

Tumayo na si Xylan at mukhang nainis na.

"Iwan na kita dyan. Babayaran ko na yung kinain natin."

"Ito naman! Ikaw na nga sinusubuan dyan!"

Tinapos ko na yung kinakain namin at sumunod na ako kay Xylan.

Hindi ako makapaglakad sa dami ng kinain ko. Bwiset kasi itong si Xylan! Nagiinarte at ayaw pang kumain!

Si Xylan, ayaw ng sumunod sa paglakad. Aba, nauuna sa akin! Parang walang kasama ah!

"Hoy! Ano bang problema mo? Nagagalit ka ba dahil marami akong inorder? Sorry ha! Nagbibiro lang kasi ako! Sa tingin mo mauubos ko ganun kadaming pagkain?"

Dere-deretso parin si Xylan. Hindi man lang ako linilingon. Lumapit nga ako at hinarap sya.

"Wag mo nga akong iwan! Ano bang-"

Ang daming rashes sa mukha at sa katawan ni Xylan! Wag nyang sabihing...

"Allergic ako sa seafood." Nagsimula ng magkamot si Xylan. Kawawa naman sya!

PATAY! KAYA PALA!

"Naku! Sorry! ANo ba yan, baka kung ano mangyari sayo! Anong gagawin natin? Bakit kasi di mo sinabi? Bakit di mo niluwa yung pagkain?"

"Masamang magsayang ng pagkain diba?" hindi parin sya tumigil sa pagkamot.

"Anong gamot dyan? Bibili ako!"

"Wag na, matitiis ko naman ito. Tara na, umalis na tayo."

"Uy! Kayo pala! Anong ginagawa nyo't sa gitna pa kayo ng mall nagaaway dalawa?"

Brix!

"Brix! Allergic pala si Xylan sa seafood! Anong gagawin natin? Baka lumala yan!"

"Ha? Anong pumasok sa ulo mo at kumain ka ng seafood ha Xylan?"

"Itanong mo dyan kay Denise."

"Ano kasi.." Hindi ako makapagsalita. Nangongonsiyensya ako sa ginawa ko. Pero kasalanan nya kasi! Hindi sya nagsasalita dyan!

"Bayaan mo na lang syang ganyan. Hindi ko din alam ang gamot dyan. Si Diana lang ang nakakaalam kung anong gagawin kapag nagkakaganyan sya. Ano ba gamot dyan Xylan?"

Diana nanaman. Ano pa bang hindi alam ni Diana tungkol kay Xylan?

"Wag na. Kaya ko na ito. Tara na at bumili na tayo ng gown mo Denise."

Hinawakan ako ni Xylan sa kamay at naglakad na kami.

"Uy! Antayin nyo ako!" Hinawakan naman ako ni Brix sa kaliwa kong kamay. Ano ba ito! Para akong may mga bodyguards na kasama!

Nung nasa gitna na kami ng mall, may dalawang tindahan ng gown sa magkabilang side. Sabay na tumuro si Xylan at Brix.

"Dito!" Tumuro si Brix sa kaliwa.

"Doon tayo." Tumuro naman si Xylan sa kanan.

Nagtinginan sila ng masama sa isa't isa. Pati ba naman tindahan ng gown, pagaawayan pa ba?

"Dun na lang." Tumuro ako sa maliit na tindahan sa dulo. Mukha kasing mahal ang tinitinda sa mga boutique na tinuturo nilang pareho.

"Sige na nga."

Pumasok na kami sa boutique at tumingin na ng gown na susuotin ko.

"Denise, tignan mo ito mukhang bagay sayo. Sexy mo pa tignan dyan!"

Ipinakita sa akin ni Brix ang isang lavender na knee-length na gown. Tube sya sa taas tapos may floral design sa ilalim.

"Mas disente ka tignan dito."

Ipinakita naman sa akin ni Xylan ang isang pink na venus cut na gown na sobrang haba. May shawl pa itong kasama. Kumakamot kamot parin sya habang pinapakita sa akin yung gown na napili nya.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong pipiliin sa dalawa kasi pareho kong hindi gusto ang napili nila. Pareho pang hindi ko type ang kulay.

"Alam mo, mas maganda tignan ito kay Denise. At maraming magsusuot ng pink dun! Sobrang nakakasawa na ang kulay na yan!"

"Maganda tignan ang pink kay Denise."

Habang nagtatalo sila, hindi nila alam na andun na ako sa dressing room at sinusukat ang napili kong gown. Sumilip ako sa labas para tignan kung nakatingin sila. Nahihiya kasi akong lumabas ng nakaganito. Baka pagtawanan lang nila ako.

"Maganda ang napili nyo! Kadadating lang nyan! Swerte nyo at sale yan ngayon! Lika at tignan mo ang sarili mo sa salamin!"

Hinila ako nung saleslady papunta sa full-length na mirror nila.

"Overrated na masyado ang pink! Ano ka ba Xy-"

"Boys, tignan nyo, hindi ba't bagay sa kanya?"

Sabay na tumingin si Xylan at Brix sa akin. Para silang nakakita ng multo ah!

"Denise ikaw ba yan?!"

-0-0-0-

-0-0-0-

Itsura ng gown? Halter sya tapos parang cocktail dress dahil maikli sya ng onti. Ayoko rin naman ng mahabang gown dahil baka magkanda-dapa dapa lang ako dun. Orange sya, tapos pag tumapat sa ilaw, nagiging red.

"HAHAHAHA!"

"Denise ikaw ba yan? Hindi ka na mukhang tomboy! Mukha ka ng bading!"

Aba, sila Mikee,Jojo at Alfred yun ah! Mga lokong ito! Pinagtritripan nanaman ako! Porket hindi ako nakaayos at nakacap at rubbershoes ako eh! Pero ganito rin sinabi nila Kuya sakin ah?

"O, bat tulala lang kayo dyan? Hindi ba't nakakatawa si Denise?"

"Ah...Hehe...Oo nga! Hehe! Ano masasabi mo Xylan?" (makes a very fake and unconvincing laugh)

"Ewan ko sa inyo. Babayaran ko na ito. Magkano ba ito Miss?" Kinuha sa akin ni Xylan yung gown.

"Dahil sale po kami ngayon, 5,750 Pesos po."

"5,750 PESOS?!" Sobrang mahal naman! Kaya ko naman bayaran yun kaso hindi naman ako magaaksaya ng limang libo para lang sa isang gown na isang beses ko lang gagamitin no!

Kinuha ko kay Xylan yung gown at ibabalik ko na sa pinagkuhaan ko.

"Naku, akala ko maganda yung gown, hindi pala bagay sa akin ang kulay. Ibabalik ko na-"

"Maganda naman sayo. Bakit ibabalik mo?" Kinuha ulit ni Xylan sa akin yung gown.

"Bagay naman sayo. Kung inaalala mo yung presyo eh,-"

"Ako naman ang magbabayad." Aba, sabay pa sila ha?

Nagbulungan sila Mikee,Jojo at Alfred.

"Ano? Bibili si Xylan ng ganun kamahal para lang kay Denise?"

"Kuri-kuripot nyan diba?"

"Oo nga. At wala namang pera yan diba?"

"Pare, ako na pagbayarin mo. Alam ko namang kapos ka ngayon."

"Wag mo nga ako pakialaman. Ako magbabayad nito."

"Teka, wag nga natin pagawayan ang pagbayad nyan! Kahit sino na lang! Babayaran ko naman kayo pagnakuha ko na atm ko!"

"Hindi mo na babayaran ito!"

"Alam ko na! Para walang away, mag jack en poy na lang kayo!"

"Tama! Magaling ang naisip mong yan Mikee! Tara na Xy-"

Nasa counter na si Xylan at binabayaran na yung gown. Puro tig-iisang daan lang ang binabayad nya! Halatang parang pinagipunan nya ang ibabayad nya! Parang lalo kong gustong bayaran sa kanya yung gown na yun!

"Ang daya mo Xylan!"

Hindi pinansin ni Xylan si Brix. Nung tapos na ibalot nung babae yung gown, lumabas na kami ng boutique.

"Sapatos na lang ang bibilhin ko sayo Denise!"

"Naku, tama na! Sobra na! Maghahanap na lang ako sa mga lumang sandals ni Mama!"

"Ayaw! Ibibili kita okay?" Nagtatalon na si Brix na parang bata. Nagtawanan sila Mikee habang si Xylan tahimik parin.

"Sige na. Pero wag yung mahal ha. Nakakahiya na talaga sa inyo."

Pumasok naman kami sa isang tindahan ng sandals. May napili agad si Brix na bagay sa gown ko, yung sandals ng pang-gladiator. Kaso ang taas ng takong. Hindi naman ako sanay na magsuot ng high heels!

"Subukan mo nga ito!"

"Ha? Ayoko nyan! Ang taas nyan!"

"Yan ang bagay sa gown mo!"

"Itry mo muna." Wow, for the first time nagkasundo yung dalawa. Sige, itrtry ko na para sa kanila.

Sinuot ko na yung sandals. Ang hirap itali! ANg daming arte! Nakakainis! Nung sinubukan kong tumayo, nahirapan na agad ako.

"Ilakad mo nga! Ang ganda sa paa mo!"

Naglakad na ako. ANg hirap talaga kapag hindi ka sanay. Ang sakit pa sa paa. Wala pang ilang hakbang, nawalan na ako ng balanse at bumagsak.

Buti na lang at nasalo ako ni Xylan. Nagkatitigan kami nung nakasandal ako sa kanya. Bigla akong umayos ng tayo at sinabi kong,

"Ah...Hehe...Practice na lang..Masasanay din siguro ako diba?."

"Tama. Practice na lang! Bilhin na natin yan!" Inupo na agad ako ni Brix at kinuha na yung sandals. Naku, mahal nanaman pala nung kinuha nya! Isang libo mahigit! Masasaid ang atm card ko nyan!

Wala na. Nabili na ni Brix. Makakaangal pa ba ako?

Lumabas na kami ng boutique at nangyaya na sila umuwi.

"Guys, magc-cr lang ako ha? Magkita na lang tayo sa labas!"

"Sasamahan na kita Denise. Sige, kita na lang tayo sa labas." Sabi naman ni Brix.

Pumayag naman ang iba at umalis na sila. Pumunta na kaming CR at pagkalabas ko, naalala ko na wala pa akong regalo kay Diana.

"Brix! Dumaan naman tayo sa isang gift shop! Wala pa akong regalo kay Diana!"

"Sige. Tara."

Pumunta kami ni Brix sa isang bilihan ng stuff toy. Bumili na lang ako ng isang malaking teddy bear para kay Diana. 450 ang isa. May pamasahe pa ako pauwi.

Nagring ang phone ni Brix. Sinagot nya naman ito agad.

"Ano? Si Xylan?" Mukhang gulat na gulat ang reaksyon nya.

"Sige, pupunta na agad kami dyan!" Pinasok na agad ni Brix ang phone nya sa bulsa at sinabing,

"Si Xylan! Kinidnap!"

"Ano? Paano? Teka.."

"Tara lumabas na agad tayo para malaman natin!" Nagmadali na agad kami ni Brix sa paglabas sa mall. Ano kayang nangyari kay Xylan? Kinidnap? Ang weird naman!

Paglabas namin ng mall, nakita namin dun sila Mikee na mukhang takot na takot parin dahil sa pangyayari.

"Anong nangyari dito?"

Kwinento nila Mikee ang nangyari nung wala kami.

FLASHBACK

May isang grupo ng kalalakihan ang lumapit sa grupo nila Xylan.

"Sino sa inyo si Xylan De Jesus?"

"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" Sagot ni Mikee.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko bata."

"Ako. May kailangan ba kayo sa akin?" Sabi naman ni Xylan.

"Sumama ka sa amin!"

"Pasensya na, napagutusan lang kami."

"Hindi! Hindi kami papayag na kunin nyo si Xylan! Ano ba kailangan nyo sa kanya?"

"Hayaan nyo ng sumama sa amin ang kaibigan nyo para walang masaktan" Linabas ng mga lalake ang mga baril na dala-dala nila!

"Sige, sasama ako."

"Xylan! Wag!"

"Wag kayo magaalala. Kaya ko na ito. Umuwi na kayo."

"Buti naman at madali kayong pakiusapan. Tara na." Pinasok nila si Xylan sa van na dala-dala nila. Wala ng nagawa sila Mikee kundi mapatulala na lang sa mga pangyayari. END OF FLASHBACK

"Hindi ako makapaniwalang pumayag kayong kunin ng mga lalakeng yun si Xylan!" Sigaw ni Brix.

"Gusto namin syang tulungan! Kaso naunahan na agad kami ng takot ng makita naming armado sila!"

"Wag na tayo magsisihan! Dapat malaman natin kung saan dinala si Xylan! Hindi naman siguro pera ang habol sa kanya nung mga yun? Tulad nga ng sinabi nyo, napagutusan lang ang kumidnap sa kanya!"

"Mukhang alam ko na kung sino ang may pakana nito.."

"Sino?!"

"Walang iba kundi..."

"Si Kelvin Araneta..."

-0-0-0-

Tatakbo na sana ako paalis para habulin ang van kaso pinigilan ako ni Brix.

"Huwag padalos-dalos. Hindi natin sila kakayanin ng tayo lang..Kailangan natin ang tulong ng iba pa nating classmates."

"Tama! Magandang ideya yan! heto at itetext ko sila Arvin!" Nilabas ni Jojo ang cellphone nya at nagsimula ng magtext.

"Tatawagan ko naman ang grupo nila Jay!" NIlabas ni Brix ang phone nya at nagdial.

"Pero...Hindi pa nga natin alam kung saan tayo magsisimulang maghanap? Malay ba natin kung saan dinala si Xylan diba?"

"Tama ka nga dyan Denise! Paano nga ba?"

Maya-maya narinig na namin na may kausap si Brix sa cell.

"Jay! Si Xylan kinidinap! Kinuha sya ng mga armadong lalake at sinakay sya sa isang blue na van!"

"Ano? Nasa highway ka? May natatanaw kang blue na van? Ah teka.." Humarap si Brix kila Mikee.

"Mikee! Naalala nyo ba yung plate number nung van?"

"Ha...Teka...TS...Nalimutan ko na!"

"TSR pare! Anong sunod dun Jo?"

"512! TSR 512! Tama! Yun nga ang nakita ko!"

"Jay, TSR 512! Yun ba? Ha? Yun? Sige...Magkita-kita na lang tayo dyan ha! Aalis na kami agad dito!"

Tinago na ulit ni Brix ang phone nya.

"Ano raw sabi?"

"Nagdridrive ngayon sila Jay sa highway at nakita nila yung blue na van! Mukhang papunta daw ng 11th Ave! Kung magtratrain tayo! Mapapabilis tayo kaya't tara na!"

Hanga din ako kay Brix. Kahit hindi sila gaanong nagkakasundo ni Xylan, makikita mo na sobra ang pagaalala nya para sa kaibigan nya.

Umalis na agad kami sa parking lot at pumunta na agad sa pinakamalapit na istasyon ng train. Sumakay na agad kami. Hindi parin mawala ang kaba ko dahil kay Xylan. Natatakot ako na baka saktan sya nung mga lalakeng yun. Habang nakasakay sa train, nakayakap ako ng mahigpit sa gown na binili nya sa akin.

Maya-maya nagring nanaman yung phone ni Brix. Sinagot nya naman ito agad.

"Hello? O ano ng balita? Ano? Sige..Dalawang stasyon na lang...Magkita na lang tayo sa stasyon ng train okay?"

Hinang-up nya na yung fone at

"Guys, dinala daw si Xylan sa warehouse daw malapit sa 11th Ave Cemetery!"

"Ganun ba? Sabi naman nila Arvin medyo matatagalan sila dahil traffic!"

Maya-maya nakarating na kami sa 11th Ave. Pagkababa sa train at pagkaalis sa stastyon, kinausap ako ni Brix.

"Maiiwan ka muna dito ha? Baka madamay ka lang kapag sumama ka pa sa amin."

Ano? Hanggang ngayon pala, wala parin tiwala si Brix sa kakayahan ko!

"Bakit? Kailangan kong sumama!"

"Wag ka ngang makulit! Nagaalala lang ako na baka mapahamak ka! May mga dala silang baril! Babae ka pa naman! Kaya huwag ka ng sumama okay?!"

Akala nya ba porket babae ako, wala akong magagawa? Ayos din sya ha!

"Wala kang karapatan na sabihan ako kung ano ang dapat at di ko dapat gawin! Bestfriend ko si Xylan at hindi ko magagawang tumayo na lang dito at maghintay habang nasa kamay ng mga lalakeng yun si Xylan! Ilang beses nya na ako linigtas kaya ngayon, ako naman ang magliligtas sa kanya!"

"Ang tigas naman ng ulo mo!"

"Tol, awat na! Hindi tayo dapat nagaaway ngayon! Nasa panganib si Xylan!" Pumagitna si Alfred sa amin.

"Basta! Huwag mo na ako subukan pigilan dahil ililigtas ko sya kahit anong mangyari!"

Tumakbo na ako palayo bago pa ako pigilan pa ulit ni Brix.

Sa sobrang bilis ko tumakbo, nakarating na agad ako sa sementeryo at natanaw ko na ang warehouse na sinasabi nila.

Nagmatyag muna ako kung may bantay sa paligid. Wala naman, kaya pumunta na agad ako sa harap ng warehouse. Patay! Sarado ang entrance! Wala akong choice kundi dumaan sa bintana! Napansin kong may maliit na butas sa may entrance at sumilip ako para malaman kung anong nangyayari.

Si Xylan ay nakatali at nakaupo sa isang upuan habang pinapalibutan sya nung mga lalake. Kinausap sya nung lalake na parang leader nila.

"Mr. De Jesus. Alam mo bang hindi natutuwa ang amo namin sa pagiging malapit mo kay Ms. Buenavista?"

"Heh. Sinasabi ko na nga ba, si Kelvin ang nagpadala sa inyo no?"

PAK!

Sinuntok nung leader si Xylan at tumalsik ito mula sa kinauupuan nya at napahiga sya sa sahig.

"Wala kang galang! Mr. Araneta ang itawag mo sa kanya!"

Sinubukang umupo ni Xylan at sinabing,

"Pinadala ba kayo ni Kelvin para ligpitin ako?" (sadyang matigas ang ulo ni Xylan no? ^^)

"Ang kulit mo ah! Sinabi ko ng tawagin mo syang Mr. Araneta!" Susuntukin pa dapat ulit ng leader si Xylan kaso pinigilan sya nung isa nilang kasamahan.

"Wag mo syang saktan. Hindi yan kasama sa inutos sa atin ni boss."

Huminahon ang leader nila.

"Pasalamat ka bata. Pinadala lang kami dito para pagsabihan ka na layuan mo na si Ms. Buenavista."

"Yun lang pala. Nangupahan pa sya ng mga goons para lang sabihin sa akin yun?"

"Aba, edi lalayuan mo na si Ms. Buenavista?"

"Hindi."

"Hindi ka ba natatakot para sa buhay mo bata?"

"Ano bang gagawin nyo kung ayaw ko?"

"Wala kaming choice kundi...."

"Bugbugin ka hangga't pumayag ka sa kagustuhan ng Boss namin!"

Sinasabi ko na nga ba. Si Xylan pa? E, saksakan ng tigas ng ulo nyan. Naku, kailangan ko na syang mailigtas bago pa sya masaktan ng tuluyan ng mga lalakeng yun!

Pumunta ako sa likod ng warehouse para dumaan sa bintana. Kaso nga lang, masyadong mataas ang bintana at hindi ko ito kayang abutin!

May nakita akong mga malalaking kahon sa gilid. Kung itutulak ko ito malapit sa bintana, maaring maabot ko na ito! Kaya sinubukan kong itulak ang isang kahon na nakita ko. Naku, sobrang bigat pala! Pero hindi ako susuko! Kailangan kong itulak ito kundi hindi ko maililigtas si Xylan!

"Denise.."

Lumingon ako at nakita ko si...Brix?!

"Alam mo kung pipigilan mo lang ako, wag na dahil-"

Nagulat ako nung tinulungan nya ako sa pagtutulak ng kahon. Napatulala ako sa ginawa nya.

"O? Ano? Tutunganga ka na lang ba dyan? Gusto mo ba talagang iligtas si Xylan?"

Napangiti ako sa ginawa nya pero tinago ko na lang. Mukhang naiintindihan nya na ang nararamdaman ko ngayon!

"Nasaan na yung iba?"

"Hinihintay yung grupo nila Arvin. Maya-maya andito na rin yung mga yun."

Napansin ni Brix na dala-dala ko pa din ang paperbag na kung saan nakalagay yung gown.

"Bakit dala-dala mo parin yan?"

"Wala lang. Baka mawala eh.."

"Heh. Iba ka talaga."

Wala pang ilang minuto at naitulak na namin ang kahon malapit sa bintana. Umakyat agad ako kaso kapos parin pala at hindi ko parin maabot ang bintana.

Umakyat si Brix sa kahon at lumuhod.

"O, tutulungan kitang umakyat. Umapak ka na lang sa balikat ko."

Nagdadalawang isip pa ako nun kasi baka masaktan ko si Brix sa pagapak sa balikat nya. Pero umakyat na din ako dahil kailangan na namin iligtas si Xylan.

Pagakyat ko sa balikat nya, naabot ko na din sa wakas ang bintana. Umakyat agad ako at binuksan ang bintana. Inabot ko ang kamay ko kay Brix para makaakyat din sya kaso, nawalan ako ng balanse at bumagsak ako sa bintana

BLAG!(wala ng maisip na sound effects)

Aray ko! Naglanding ba naman ako sa matitigas na kahon na katulad nung inakyatan ko kanina! Mukhang nabalian ata ako ng mga buto!

"Sino yan!"

Tumayo ako at nakita ko si Xylan na bugbog sarado na pero nakatayo parin.

Nagulat silang lahat ng makita nila ako. Hinarap ko si Xylan

"Ikaw talaga Xylan! Sinosolo mo lagi ang aksyon! Ayan ang napapala mo! Sa tingin mo, sa payat mong yan, kaya mo silang lahat? Kawawa ka tuloy!"

Sunod ko naman kinausap ay yung mga lalakeng dumukot kay Xylan.

"At kayo naman. Nagulat kayo no? Para bang eksena sa sine? Hindi. Naiiba ito sa mga teleseryeng napapanood nyo sa telebisyon. Yung babae ang makikidnap tapos lalake ang magliligtas. Hindi ba't nakakasawa na yun? Ngayon naman para maiba, babae ang magliligtas sa lalake. Ako ang babaeng dumating para iligtas ang lalakeng yan!"

"Tss. How pathetic. Nagspeech pa sya."

Hindi ako pinansin nung mga lalake at sa halip, nagbulungan sila.

"Ano? Babae daw sya?" Sabi nung isa.

"Sabi eh. Boses babae pero..Hindi mukhang babae!" Sabi naman nung leader nila.

"Baka nagbibiro lang sya..."

"MGA BWISET KAYOOO! BABAE AKO!!!"

Naghighkick ako sa leader nila. Mukhang napikon sya sa ginawa kong yun.

"Lokong ito! Ligpitin sya! Wag pabayaang makatakas!"

Linapitan ko si Xylan at pinakawalan sya sa pagkakatali ng mga kamay nya at nagback to back kami.

"Okay ka lang? Papunta na sila dito para iligtas ka!"

"Sus...Hindi naman kailangan.." Napansin nya na dala ko parin ang gown na bigay nya.

"Dala mo parin yan hanggang dito?"

"Oo naman! Baka mawala! Bigay mo ito eh!"

"Baliw ka talaga."

Nagsimula na kami makipaglaban. Kahit na bugbog sarado na si Xylan, magaling pa din sya makipaglaban. Sinuntok ko yung isang lalake na payat at tumalsik na agad sya. Yung isa naman sinipa ko sa tiyan kaya napahiga sya sa sahig. Nung nahalata na nung isa na wala syang laban sa akin, naglabas na sya ng malaking kutsilyo.

Tamang tama naman at bumukas na ang malaking entrance ng warehouse at pumasok na ang buong klase ng 3AD.

"UY!" Napalingon ako sa kanila habang hindi ko alam na susugod na pala sa akin ang lalakeng may hawak ng kutsilyo.

"Denise! sa likuran mo!"

Napatingin na ulit ako sa direksyon nung lalake at malapit na sya sa akin. Nung isasaksak nya na sa akin yung kutsilyo wala na akong nagawa kundi...

Ipang harang ang bagay na nahawakan ko...

At yun ay ang...

paper bag kung saan nakalagay ang gown ko.

-0-0-0-

Napatulala na lang ako habang nakita kong nahati sa dalawa ang paper bag at yung maganda gown. Tumilapon sa ere ang magagandang tela na kulay pula na kapag tinamaan ng ilaw ay nagiging orange.

"SUGOD!!!" Sigaw ni Mikee at sinugod na nila ang limang lalaki na dumukot kay Xylan.

Napaupo na lang ako sa nangyari. Bigay ni Xylan yun sa akin. Hindi ko iningatan kaya nasira. Hindi lang nakakapanghinayang, nakakapangonsiyensya pa. Pakiramdam ko, hindi ako mapapatawad ni Xylan sa ginawa kong ito.

Habang binubugbog ng 3AD ang mga salarin, lumapit sa akin si Xylan at inabot ang kamay nya.

"Ok ka lang?"

"Xylan...Pasensya na..."

"Pasensya saan? Tumayo ka na dyan."

"Yung gown. Sorry. Hindi ko sya iningatan. Pasensya na talaga." Naiipon na ang luha sa mga mata ko nung mga oras na yun.

Niyakap ako ni Xylan at bumulong sya sa akin.

"Pabaya ka kasi...."

"Pero wala sa akin yun. Okay lang yun."

Pakiramdam ko, may gusto pa syang sabihin pero hindi nya na nasabi pa.

-0-0-0-

Kinabukasan, matamlay pa din ako. Hindi namin naisuplong sa mga pulis ang mga lalakeng yun dahil nakatakas sila. Gabi na kami nakauwi kaya't napuyat ako. Hindi ko pa maalis sa isip ko ang nasirang gown. Nasa akin parin hanggang ngayon ang sirang gown na binigay sa akin ni Xylan.

"Good Morning Madeng! Catch!" Sinalo ko ang binato ni Kuya na atm card ko. Naisip ko agad na bayaran si Xylan sa nasirang gown. Nahihiya talaga ako sa kanya. Sobra talaga.

"Aba, aba. Mukhang matamlay ka ata. Anong problema? Asan nga pala yung gown mo? Hindi mo pinakita sa amin kagabi."

Umupo ako sa mesa at nagtimpla ng kape. Umupo si Kuya sa tabi ko.

"Nasira."

"Ano? Paano? Sayang naman yun! Magkano bili dun? Si Xylan bumili nun diba?"

Inabot ko kay Kuya ang isang tasa ng kape at saka ako nagtimpla ng para sa sarili ko.

"Mahabang kwento. Oo, si Xylan ang bumili. 5,750 Pesos. Pero babayaran ko sya."

"Ha? Teka..Ang labo mo naman! Anong nangyari sa gown? 5750 Pesos? Ang mahal naman nun! Tapos babayaran mo sa kanya? May pera ka ba?"

"Yung sa atm ko..Saan pa ba ako kukuha ng pera?"

Muntik ng maibuga ni Kuya yung kape na iniinom nya.

"Bakit Kuya?"

"Ah...Kasi...Denise..."

Naku, mukhang may hindi magandang ginawa sila kuya ah...

"Three thousand na lang ang natira sa atm mo. Pero wag ka magalala babayaran din namin-"

"ANO?!!!!!!!!!"

-0-0-0-

Pagpasok ko sa eskwelahan, napansin kong wala ang grupo ni Xylan sa may gate. Bakit kaya hindi nila ako inantay ngayon?

Nagmadali ako sa pagpunta sa classroom pero pagdating ko dun, wala rin sila. Marahil nandun sila sa may rooftop. Kaya dumeretso agad ako dun.

Tama nga ako. Pero teka, ano ito?

Yung tatlong bading na nakaaway ko dati, nakaluhod at may timba sa ulo. Puno sila ng pintura na kulay pink. Habang sila Xylan naman ay nagpipicnic sa harapan nila. Ayos ah!

"O? Ano nangyari dito?"

"Alam mo ba na yang tatlong yan ang may pakana nung timba na may pintura nung isang araw?" Sabi ni Jojo habang ngumunguya pa ng noodles na kinakain nya.

"Ano? Sila?"

"Mga walang kadala-dala!" PAK! Sinipa ni Brix yung isang timba. "Wag ka ngang magalaw dyan!"

"Pero sobra naman ata yan! Baka masuffocate sila o kung ano!"

"Bayaan mo sila. Nararapat lang sa kanila yan."

Napatingin ako kay Xylan. Parang wala lang sa kanya ang nangyari kahapon.

"Nga pala..Pasensya na kung three thousand muna ang maibaba-"

Tumayo sya at hinawakan ang kamay ko.

"Tara Denise, may pupuntahan tayo."

"Ano?"

Tumakbo na si Xylan habang hawak-hawak ako. Nagulat silang lahat at lalo na si Brix.

"Hoy! San kayo pupunta? May klase pa tayo!"

-0-0-0-

Maya-maya nasa labas na kami ng school. Kung paano namin nalusutan yung mga guard, wag nyo ng tanungin. Hay nako, naweweirduhan na talaga ako dito kay Xylan.

"Saan mo ba ako dadalhin?"

"Basta. Manahimik ka na lang dyan at sumama sa akin."

Pumara sya ng jeep at pinasakay na ako.

Habang umaandar ang jeep, hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung saan ako dadalhin at kung ano ang gagawin sa akin ni Xylan.

"Saan mo ba ako dadalhin ha? May balak kang masama sa akin no? Wag na dahil hindi mo rin yan matutuloy!"

"Manahimik ka nga muna dyan!"

Nagtitinginan na sa amin yung mga pasahero. Siguro akala nila rapist o kidnapper si Xylan.

Maya-maya pumara na si Xylan at bumaba kami sa....4th Ave?

"Pupunta tayo sa bahay ko."

"Sinasabi ko na nga ba! May masama kang binabalak sa akin! Huwag mo na sabi ituloy!"

"Sige. Iiwan na lang kita dito. Bahala kang maligaw."

Nga pala, hindi ko parin kabisado ang 4th Ave! Paano na ito? Wala na akong choice kundi sundan si Xylan.

Nakarating na kami sa Alcantara Street. Naalala ko na kung saan yung bahay ni Xylan. Yung may malaking gate na puti.

Pumasok na kami sa loob ni Xylan. Grabe, ang ganda ng garden nila. May swimming pool pa sila! Hindi mo aakalain na ganito pala kayaman si Xylan!

Linapag ni Xylan ang bag nya sa sala at may sumalubong sa kanyang isang matandang babaeng nakauniform ng pang-maid.

"Aba, napaaga ata ang uwi nyo. Baka akalain ni Don Roman, nagcutting nanaman kayo."

"Andito po ba sya?"

"Wala. Kaalis lang. Naku, wag kang papahuli dahil mainit ang ulo nya ngayon dahil natalo sa casino. Gusto nyo ba ng maiinom o makakain?"

"Sige, salamat na lang po pero may ibibigay lang po ako sa kasama ko. Sya nga po pala si Denise."

Tumingin naman sa akin si Xylan.

"Denise, Si Manang Flor."

"Kinagagalak ko po kayong makilala."

"Ganun din ako. Aba, kamukha mo pala si Senorita-"

"Sige.. Nagmamadali po kasi kami." Hinila na ako ni Xylan papunta sa isang hagdan pababa.

Mukhang dito ang Servant's Quarter ng bahay nila. Parang basement at pawang maliliit ang mga kwarto. Tumigil si Xylan nung nasa dulo na kami na kwarto.

"Pumasok ka."

Pumasok na ako at ang tumambad sa akin ay isang maliit na kama,isang malaking closet na may salamin sa bukasan nito,mga uniform na nakasabit sa hanger,mga painting materials,painting canvas,mga sketchpad at isang maliit na mesa at upuan.

Napansin kong ang maliit na kwarto na ito ay...Kwarto ni Xylan?

"Dito ka natutulog?"

"Oo. Bakit?"

Bakit sa Servant's Quarter sya natutulog? Nakakapagtaka naman. Hindi ba't dapat dun sya sa taas kasama ang pamilya nya? Gusto ko pa sana magtanong kaso nga lang nahihiya na ako kay Xylan. Baka sabihin nya masyado akong naguusisa sa pamilya nya.

Maliit man at wala masyadong laman, maganda naman tignan dahil organized ang mga gamit nya. Kung ikukumpara ito sa kwarto ko na malaki nga, para namang binagyo sa sobrang gulo. Nakakahiya. Talo pa ako ng isang lalake sa pagaayos ng isang kwarto.

Binuksan ni Xylan ang closet nya. Mukhang may hinahanap sya, habang ako naman tinitignan ko ang sketchpad nya.

Aba, puro si Diana ito ah! Ngunit pagtingin ko sa huling pahina, may nakita akong isang babae. Medyo kahawig ko sya ngunit alam kong hindi ako yun sapagkat maganda ang pagkakaayos ng buhok nya at di hamak na mas maganda sya kaysa sa akin.

"Wag mo ngang pakialaman ang gamit ko."

Aba, ang sungit ha! Sorry naman! Edi wag! Linapag ko na sa mesa ang sketchpad nya.

"Ayun! Nahanap ko na!" Linabas ni Xylan mula sa closet ang isang napakagandang gown na kulay pink. Kahit ayoko sa kulay pink, talagang nagandahan ako sa gown na yun. Simple sya ngunit elegante. Mahaba man, pero mukhang madali syang ilakad dahil tama lang ang haba nya.

"O, suotin mo yan. Tignan mo kung kasya sayo."

"Ha? Xylan. Nakakahiya na sayo. Nasira ko ang gown na bigay mo sa akin. Bibili na lang ako ng-"

"Suotin mo sabi yan. Lalabas muna ako habang nagbibihis ka." Lumabas si Xylan mula sa kwarto nya.

Mukhang hindi ako titigilan nito hangga't hindi ko sinusuot ang gown na ito. Kaya sinuot ko na din. Aba, kasyang kasya sa akin! Habang sinizipper ko yung gown pumasok na bigla si Xylan.

"Teka! Di pa ako tapos!"

"Yung Papa ko! Dumating na! Papunta na sya dito!" Mukhang takot na takot sya. Baka nga akalain na nagcutting kami at mapapagalitan sya!

"Teka..Dito tayo sa closet mo!"

Hinila ko agad si Xylan at pumasok na kami sa closet. Sobrang sikip sa closet. Kaya napayakap na lang sakin si Xylan para magkasya kami. Sobrang dilim sa loob ng closet!

Maya-maya may narinig na kaming pumasok sa loob ng closet. Mukhang yun na ata ang Papa nya. Kabadong kabado kami habang naririnig namin ang mga hakbang nung taong pumasok sa kwarto ni Xylan.

Sumilip ako sa pintuan ng closet at nakita ko ang isang malaking lalake. Nakakatakot ang itsura nya. Papa ba talaga ito ni Xylan?

Sunod na pumasok naman ay si Manang Flor na mukhang kabado din.

"Sinabi ko na po sa inyo na wala sya dito. Nasa eskwelahan po sya."

"Eh bakit nasa couch sa sala ang bag nya?"

"Baka naiwan po. Alam nyo naman po yung batang yun.."

Napansin kong naipit sa pinto at nakalawit sa labas ang dulo ng gown kaya hinila ko ito. Napalingon ang Papa ni Xylan at napatingin sa direksyon ng closet. Patay na! Nakita ata ang pagkawala nung nakalawit na dulo nung gown!

Si Xylan, tahimik lang. Kalmado. Mukhang alam nya na at tanggap nya na kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nahuli kami dito.

Dahan-dahang lumapit ang Papa ni Xylan sa closet at....

"Flor, Hindi ba't ang ganda ng bago kong polo? Kabibili ko lang yan nung isang araw."

Nawala ang kaba namin ng malaman namin na titingin lang pala sa salamin ang papa ni Xylan. Parang sasabog na ang dibdib ko sa takot nung mga oras na yun.

"Aba, napakaganda nga po!"

"Mahal ang bili ko dyan! Kawawa naman si Xylan at kahit kailan ay hindi pa nakakasuot ng ganito kamahal na mga damit."

!@#$% Tatay nya ba talaga ito? Kung hindi lang ako nakapagpigil, sinugod ko na ito ang binigyan ng isang malutong na batok eh!

Sa wakas, lumabas na sa kwarto si Manang Flor at ang Papa ni Xylan. Lumabas na kami agad ng closet ni Xylan ng biglang bumaba mag isa yung zipper ng gown ko..

Tumalikod agad si Xylan.

"Wala. Wala akong nakita. Magbihis ka na agad. Tatalikod muna ako."

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!

-0-0-0-

Pagkatapos magbihis lumabas na ako ng kwarto kasama si Xylan na puno ng bukol sa ulo. ^_^

"Lika, sa likod tayo dadaan." Hinatak ako ni Xylan paakyat sa hagdan na pinagbabaan namin kanina.

Dumeretso kami sa sala at pumunta sa garden. Andun ang Papa nya sa may driveway! Naku, paano kami makakalabas nito?

Papalapit naman ngayon sa garden ang Papa ni Xylan. Saan na kami magtatago ngayon?

"Aba, aba..."

"Patay na!" Gumulong-gulong kami sa damuhan palayo sa kanya ng..

"Hindi na pala natritrim ng hardinero natin ang mga halaman dito. Baka magmukhang gubat na ito."

"Hindi ba't sinasante nyo na ang hardinero nyo Sir?"

"Oo. Dahil pwede naman gawin ni Xylan ito. Mas makakatipid pa diba? Sabihan nyo nga siya na itrim nya ang mga halamang ito."

"Ah opo..."

"Xylan! Pigilan mo nga ako! Masasa-"

Tinakpan ni Xylan ang bibig ko. "Huwag ka ngang maingay!"

Napatingin ang Papa ni Xylan sa direksyon namin.

"Parang may narinig ako banda dun ah.."

"Naku! Baka daga lang po ang narinig nyo!"

"Patay na! Kasalanan mo ito eh!" Bulong ni Xylan.

"Alam ko na! Magdive tayo sa pool!" Kasama kong gumulong si Xylan palapit sa pool nila at

SPLASH!

Ang tanga ko talaga. Lalong makahahalata ang Papa ni Xylan na may tao dahil sa lakas ng pagkakadive namin sa pool.

"Sinasabi ko na nga ba't may tao!"

*Ring Ring*

Bago pa gumawa ng kahit anong hakbang ang Papa ni Xylan, sinagot nya na agad ang tawag sa cellphone nya.

"O? Ano? Dyan? Sige..Mamaya.." Habang nakikipagusap ang Papa ni Xylan, pumasok muna sya sa loob ng bahay. Nakahanap na kami ng pagkakataon ni Xylan para tumakas.

Umahon na agad kami ni Xylan at lumabas na ng gate.

"Pasalamat ka at may tumawag kay Papa kung hindi, nahuli na tayo. Magdive ba naman sa pool?"

"Sorry naman! Hindi naman tayo nahuli kaya okay lang yun!"

"O, kunin mo na itong gown." Inabot sa akin ni Xylan yung gown.

"Ha? Nakakahiya naman. Pangalwang beses mo na ako bingyan-"

"Sinong nagsabi sayo na bigay ko yan? Pinapahiram ko lang sayo yan. Ibabalik mo din yan pagkatapos ng debut."

Pahiya ako dun ah, nagassume agad ako na bigay nya sa akin yun.

Hinatid na ako ni Xylan sa bahay namin at umalis na sya.

"Sige. Alis na ako ha."

"Sige!"

Tumingin ako sa orasan ko at nakita ko ang oras, alas dose pa lang ng tanghali!

NAGCUTTING NANAMAN AKO!!!!!!

Ang daming katanungan nanaman sa isip ko tungkol sa pagkatao ni Xylan. Bakit ganun na lang sya tratuhin ng papa nya? Bakit ganun na lang ang takot nya sa papa nya? Sino ang babae sa sketchpad?

Sino nga ba ang nagmamay-ari ng gown na ito?

-0-0-0-

-0-0-0-

Friday na! Aba, record ito. Dalawang araw akong walang ginawang kalokohan sa school. Not to mention na, hindi ako late at lalong hindi ako nagcutting nung dalawang araw na yun. Wala naman masyadong happenings. Maybe it's just that everyone's looking forward to Diana's debut. Ako lang ata ang hindi. Hindi talaga ako excited. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga events na tulad nito.

Pagkauwi ko sa amin, aba sila Kuya mga ready to go na agad. Nakasuot na ng mga semi-formal long sleeves at panay na ang porma sa harap ng salamin.

"Ano pa ang tinutunganga mo dyan Denise? Alas singko na?! Alas siyete ang umpisa ng debut! Magaayos ka pa! Anong balak mo sa buhay mo?" Hinagis sa akin ni Kuya Dexter yung gown ko.

"Teka, asan ba si Mama? Sya daw magaayos sa akin diba?"

"Naku patay, kaalis lang. Nakalimutan ata na aayusan ka nya!"

Sinong magaayos sa akin ngayon?! HUWAAAAAAAAAA!!!

DING DONG

May nagdoorbell! Sino naman kaya yun? Lumabas si Kuya Dave para tignan kung sino ang nagdoorbell..

SI DIANA?!

Nakita nila Kuya Denver at Kuya Dexter na andun si Diana sa gate at dala-dala pa ang kanyang kotse. Kumaripas sila ng takbo papunta sa gate.

"Diana naman..Nakakahiya naman sayo. Hindi mo na dapat kami sinundo!"

"Sya nga naman! May kotse naman kami dito at hindi ba't napakaaga pa?"

Napangiti si Diana.

"Asa pa kayo. Andito sya para ayusan si Denise. Tamang tama! Walang magaayos sa kanya! Ikaw na bahala sa kanya Diana ah!"

Napahiya sila kuya sa sinabi ni Kuya Dave. Haha. Buti nga. =))

"Oo ba! Pagagandahin ko lalo yan si Denise!"

"Swerte mo naman Denise! O eto na gown at sapatos mo! Pati yung regalo mo eto!" Inabot sa akin ni Kuya ang mga kailangan ko at hinatak na ako ni Denise papunta sa kotse nya.

Maya-maya nakarating na kami sa bahay nila. Doble ang laki nito sa bahay nila Xylan. Grabe, napakayaman nga ni Diana!

Ang dami ng tao sa loob! Ang busy ng mga tao sa loob. Asikasong asikaso si Diana.

"O, bakit hindi ka pa nakabihis? May pictorial ka pa! Ano ka ba naman?"

"Yung giveaways naiayos na po namin Miss Diana."

"Miss Diana! Yung gown mo nasa taas na!"

Tumakbo na kami ni Diana paakyat sa kwarto nya, halatang natataranta na sya sa mga tao sa paligid nya.

"Hay..This is so tiring..I never wanted a debut like this..Atleast not as extravagant as this.."

"Ha? Di mo ito ginusto?"

"Mapilit kasi sila Dad. Gusto nyang ipakita sa mga kaibigan nya na maganda at engrande ang debut ng kaisa-isa nyang anak."

"Here..Take a seat.." Pinaupo ako ni Diana sa harapan ng salamin nya. Tinanggal nya ang cap ko at ang tali ko sa buhok.

"Teka..Kailangan ba talagang tanggalin yan?!"

"Haha..Nakakatuwa ka talaga..Nakasuot ka ng gown tapos may suot ka pang cap?"

Oo nga naman. May point sya dun. Mukha akong tanga nun.

"So...Musta naman kayo ng bestfriend mo?" Sabi ni Diana habang linalabas ang mga set ng make-up nya.

"Ha? Paano mo nalaman yun?"

"Syempre..Ano ka ba naman..Si Xylan di nagtatago ng sikreto sakin. I know everything about him.. Kaya imposibleng hindi ko malalaman ang sa inyong dalawa.."

"Ah ganun ba..Okay naman kami..Muntik nga lang kami mahuli ng Papa nya sa bahay nila ka-"

Nanlaki ang mga mata ni Diana nung mga oras na yun.

"ANO?! GALING KA SA BAHAY NILA XYLAN? ANONG GINAWA NYO DUN?"

Tsk. Nadulas na. Ano ba yan.

"Wala! Wala! Ano lang.. kasi pinahiram ako ni Xylan ng gown. Akala namin, umalis na yung Papa nya sa bahay nila, pero babalik pa pala. Pero hindi naman kami nahuli.."

"Grabe, kung nahuli kayo, ewan ko lang kung ano na nangyari dun kay Xylan.."

Sinimulan na lagyan ni Diana ng foundation ang mukha ko. Grabe, ang kati sa mukha. Hindi talaga ako sanay ng nilalagyan ng make-up sa mukha.

"Ano nga ba ang mangyayari kung mahuhuli kami? Actually, nagtataka na nga ako dun sa Papa ni Xylan. Parang hindi sya tatay. Tapos para syang alila sa bahay nila. Gusto ko nga sanang tanungin si Xylan tungkol sa mga bagay na yan, kaso nahihiya lang ako."

Tumigil si Diana sa paglagay ng foundation sa mukha ko at tumingin sa akin.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Ha..Nagtataka lang kasi ako..Pero okay lang kahit hindi ko na mala-"

"Hindi sya ang Papa ni Xylan..."

"Patay na ang mga parents ni Xylan."

Nagulat ako sa sinabing yun ni Diana. Nakakaawa naman si Xylan, napakabata nya pa para mawalan ng mga magulang.

"Let me give you a quick recap of Xylan's past."

FLASHBACK

Years ago, there was a happy couple. Si Xyrus De Jesus at si Airene Ocampo. Hindi naman talagang mayaman ang pamilya nila Mr. De Jesus. Pero dahil sa pagsisikap nya, naging matagumpay sya sa buhay at nagkaroon ng maunlad na negosyo. Lalong naging masaya ang buhay nila ng dumating sa buhay nila si Maria Xyrene De Jesus, ang kanilang anak. Things turned out well, until Mr. De Jesus had an affair with a girl named Lani Miranda. Lani became pregnant and unfortunately, she died after giving birth to their child. The child's name was Xylan Rae De Jesus. Because of the incident, nagkaroon ng gap between Mr. and Mrs. De Jesus. Naghiwalay muna sila but they still stayed in the same house. Kahit bata pa si Xylan, he knew what was going on and he really felt bad about it. Xyrene didnt cared about it at all. Instead, pinaramdam nya na hindi iba sa pamilya nila si Xylan. She treated him more than a real brother at dahil dun, naging masaya naman si Xylan. Finally, nagreconcile na din si Mr. and Ms. De Jesus and that brought joy to the whole De Jesus Family. But their happiness was shortlived dahil sa isang aksidente. Isang araw, nung galing sa mall si Xylan at si Xyrene, nakita nalang nila na nasusunog na ang bahay nila habang andun pa sa loob si Mr. and Ms. De Jesus. Things went very hard for them pero nanatiling malakas si Xyrene nung mga panahon na yun para sa kapatid nya. Bumagsak sila sa pamilya ng kapatid ng Papa nya, si Tita Xandra. Mabait si Tita Xandra sa kanila, kaso nagtratrabaho sya sa ibang bansa kaya kinailangan nyang iwan si Xylan at Xyrene sa asawa nyang si Roman at sa dalawa nitong anak. Dito nagsimula ang pangaapi kay Xylan at Xyrene. May galit pala itong si Roman kay Mr. De Jesus. Inggit ito dahil successful ang negosyo nito hindi tulad nya.

"Minalas din ang magaling nyong ama ano? Kawawa naman kayo. Dahil wala na ang Tita Xandra nyo, kailangan nyong pagtrabahuhan ang pagkain at pagtira nyo dito!"

10 years old pa lang si Xylan noong mga panahon na yun at hindi pa marunong lumaban. Pinapabayaan nya lang na apihin sya ni Tito Roman at ng mga anak nito na syang kabaliktaran naman ni Xyrene. Palaban si Xyrene. Kahit sumusunod sya minsan sa pinaguutos sa kanya ni Tito Roman, kapag sobra na, lumalaban talaga sya. At dahil nga magkakilala ang Papa ko at si Tito Roman, nakilala ko si Xyrene at si Xylan.

"Wow! Ikaw pala ang kwinekwento sa akin ni Xylan na maganda daw na babae na nakita nya nung isang araw! Mukhang totoo nga sinasabi nya! Ako nga pala si Xyrene!"

Nahiya ata si Xylan sa pambubuking na iyon ng ate nya at nagtago sya sa likuran nito.

"Ah! Kayo yung mga anak ni Tito Roman? Ako nga pala si Diana! Ang cute naman ng lil bro mo!" Tapos tumingin ako kay Xylan. "Maglaro tayo minsan ha?"

Lumapit ako kay Xylan at inabot ang kamay ko sa kanya. Lalo syang nagtago sa likod ng ate nya habang hawak-hawak ang sketchpad nya.

"Pasensya ka na ha, medyo mahiyain yan si Xylan! Hindi namin tatay yung Roman na yun ah! At lalong hindi ko yun kadugo! Yuck ka ha! Hahaha!"

Sa mga sinabing yun ni Ate Xyrene, lalo kong nalaman na wala talaga syang takot kay Tito Roman. Pero merong isang insidente na hindi ko malilimutan na talagang nagpakita na matapang sya at handang ipagtanggol ang nakababata nyang kapatid kahit ano ang mangyari..

Isang araw, nung kasama ko si Xylan sa kwarto nila sa may servant's quarter, dumating ang papa nya na lasing na lasing. Natalo nanaman ata ito sa sugal at si Xylan ang pinagbutungan ng galit nya.

"Diana! Umuwi ka na! Baka hinahanap ka na sa inyo!" Sa sinabing ito ni Tito Roman, natakot agad ako at lumabas ako ng kwarto. I had a bad feeling about it so I stayed outside Xylan's room.

"Ikaw talagang bata ka! Ano nanaman ba itong kalat na ito? Palamunin ka na nga dito, nagkakalat ka pa! Kaya ako minamalas!"

PAK!

Maya-maya narinig ko na lang ang mga kalabog sa kwarto ni Xylan, I had a feeling that Tito Roman was hurting Xylan so I went out to search for Ate Xyrene..

Tamang tama, pagdating ko sa sala, kararating lang ni Ate Xyrene galing eskwelahan.

"Ate! Ate!" Napaiyak na ako sa takot.

"Bakit? Anong problema?"

"Si Xylan.."

"Ano? Anong nangyari sa kanya?" Mukhang nakutuban na ni Ate Xyrene kung ano ang nangyayari nung mga oras na yun.

"Sinasaktan ata sya ni Tito Roman! Puntahan mo sya sa kwarto!"

Kumaripas agad ng takbo si Ate Xyrene papunta sa servant's quarter at sinundan ko sya. Nakalock ang pintuan sa kwarto ni Xylan kaya't hindi makapasok si Ate Xyrene.

"Hoy! Roman! Buksan mo yung pintuan!"

Ang tanging naririnig lang namin ay mga iyak ni Xylan at sigaw ni Tito Roman. Sobrang furious na si Ate Xyrene nung mga oras na yun at pinagsusuntok nya na yung pintuan. Sa sobrang lakas ng impact ng suntok ni Ate Xyrene sa pintuan, makikitang natatanggal na yung tornilyo sa hinges nung door.

At..

BLAG!

Sinipa ng malakas ni Ate Xyrene ang pintuan, at sa wakas bumigay na ito. Nakita namin na duguan ang buong mukha ni Xylan. At lahat ng sketchpad nya punit-punit na at nakakalat sa sahig.

Nandilim na ata ang paningin ni Ate Xyrene nung mga oras na yun.

"BAKIT MO GINAWA YUN?!"

PAK!

Naghighkick si Xyrene sa ulo ni Tito Roman. Nagulat talaga ako sa pinakita nyang yun. Bumagsak si Tito Roman at saka pinaulanan ng suntok ni Ate Xyrene. Hindi talaga sya tumigil kahit anong pakiusap ni Tito Roman, hanggang sa,

"Ate! Tama na! Tama na!"

Tumigil si Ate Xyrene at nakahanap ng pagkakataon si Tito Roman na tumakas. Tumakbo sya palabas ng kwarto na bugbog sarado ang mukha.

"Bakit mo ako pinigilan? Alam mo bang muntik ka ng patayin ng loko na yun?"

"Tama naman sya Ate...Palamunin lang ako dito.. Ito ang nararapat sa isang bastardo na tulad ko. Ikaw talaga ang lehitimong anak ni Papa. Hindi mo na dapat ako pinagtanggol dahil hindi naman talaga tayo magkapatid sa ina..Magkaiba tayo ng-"

PAK!

Sinampal ni Ate Xyrene si Xylan at saka niyakap ito ng mahigpit.

"Sya ba nagsabi sayo nyan? Wag ka maniwala sa kanya, anak tayo ni Papa. Bahagi ka ng pamilya kaya't hindi ka dapat sinasaktan ng ganyan. At wag mong sabihin na hindi tayo magkapatid! Kahit na magkaiba tayo ng nanay, sobra pa sa kapatid ang turing ko sayo. Kaya wag ka magsalita ng ganyan.."

"Sorry Ate...Sorry.."

"At isa pa..Kailangan matuto kang lumaban..Hindi habangbuhay na andito ako sa tabi mo. Mawawala rin ako..Kung sakaling mangyari yun, wag kang pumayag na apak-apakan ka ng ibang tao..Maging malakas ka..Hindi lang para sa akin kundi para sa sarili mo...At higit sa lahat..Para sa mga taong minamahal mo.."

Dahil sa insidenteng yun, hindi na muling sinaktan ni Tito Roman si Xylan. Makalipas ang ilang buwan, umuwi si Tita Xandra para sa debut ni Ate Xyrene. Lahat ay handang handa para sa event na yun. Graduating student na si Xylan nun. Noong araw bago ang debut, andun kami sa labas ng bahay. Nakaupo si Ate Xyrene sa isang upuan habang ginuguhit sya ni Xylan. Balak kasi namin ni Xylan na ipaframe ang sketch na yun at ireregalo kay Ate Xyrene sa debut nya. Kahit bata pa noon si Xylan, sobrang galing nya na sa pagguhit. Lalo na ng mga mukha ng tao.. Sabi nya sa akin, yun daw ang outlet nya kapag nalulungkot sya.

Malakas ang hangin noong mga oras na yun. Biglang linipad ang papel na pinaguguhitan ni Xylan at lumipad ito patungo sa kalsada.

Ang hindi alam ni Xylan, may kotseng mabilis ang takbo na papalapit sa kanya.

"Xylan!!!!"

Tumakbo si Ate Xyrene patungo kay Xylan at tinulak ito palayo.

That was the last time that I saw Ate Xyrene, alive...

Tapos na pala ako ayusan ni Diana nung natapos na rin ang kwento nya.

"Dahil sa pangyayaring yun, tuluyan ng inalila nila Tito ROman si Xylan. Wala naman magawa ang Tita Xandra nya dahil nagtratrabaho ito sa ibang bansa. Pag pinapadalhan sya ng allowance ng tita nya, kinukuha ito ni Tito Roman. Kaya nagtatrabaho sya para may makain. Kung mapapansin mo, lagi syang tulog sa klase dahil sa gabi-gabi nyang pagtatrabaho kung saan-saan. Buti nga at scholar sya sa CSDA kung hindi, baka di na sya nagaaral ngayon. Pati nga pagtira nya kila Tito Roman, pinagtatrabahuhan nya pa. I tried to help him before, pero ayaw nya naman tanggapin ang tulong na inooffer ko."

Ngayon alam ko na kung bakit ganun ang kilos at ugali ni Xylan. Dahil pala ito sa mapait nyang nakalipas. Medyo naawa ako sa kanya pero hindi ako nahabag sa pagpapaalila nya dun sa Roman na yun. Hindi ba't matapang sya? Bakit nagpapaapi sya mga kumag na yun?

"Teka, ang pagkakakilala ko kay Xylan, palaban sya. Pero bakit ganun? Bakit pinapabayaan nya na ganun ang trato sa kanya ng pamilya nya?"

"It's because..." Huminto sya ng saglit at.. "He thinks that he deserves to be treated that way.."

"Ha? Hindi ata kita maintindihan.."

"Sinisisi nya ang sarili nya sa pagkamatay ng Ate nya. Nararapat lang daw sa kanya yun dahil sya ang may kasalanan kung bakit namatay ang ate nya at sa pagiging isang illegitimate child nya."

Napatingin si Diana sa gown ko, at tinignan ito ng mabuti.

"Sa Ate ni Xylan ito ah.. Pinahiram nya sayo ito?"

Kaya pala, sa Ate nya pala yun. Kaya pala sabi nya, hiram lang daw yun.

"Oo..Mapilit kasi..Wala rin naman akong masusuot kaya tinanggap ko na.."

"You know? I think that what Xylan feels for you is more than a feeling meant for a bestfriend.."

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko..

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"I think that he sees you as his...."

Tatapusin na sana ni Diana ang sasabihin nya ng may pumasok sa kwarto na bading na may hawak na gown.

"Oh My God Diana! Debut mo ba ngayon? Hindi ka pa nakaayos! Bruhang ito! At sino yang babaeng yan? Naku, kung sino-sino ang pinapapasok mo dito!"

"Denise, dun ka na sa bathroom ko magpalit ng damit okay?" Tinulak ako ni Diana papasok sa bathroom nya.

Nakakahiya naman kay Diana, ako pa inuna nyang ayusan kaysa sa sarili nya. Nagpalit na ako ng damit. Habang nagpapalit ako ng damit, hindi ko maialis sa isip ko ang kwento ni Diana tungkol sa nakalipas ni Xylan.

Sinuot ko na yung sandals na bigay ni Brix at lumabas na ako ng bathroom. Aba, paglabas ko, wala na sila!

Lumabas ako ng kwarto ni Diana. Grabe, paano ako makakalabas ng bahay na ito? Ang laki-laki pa naman nito! Bumaba ako ng hagdan at napansin kong konti na lang ang nagkakagulong staff at maids dun. Maya-maya nakalabas na rin ako sa malaking bahay nya.

Binasa ko yung invitation. Malapit lang daw dito yung hotel. Wala naman akong matanaw na hotel dito! Naglakad-lakad ako hanggang sa sumakit na ang paa ko. Nakahighheels ba naman ako tapos ang haba pa ng gown ko! Saan ba yung bwiset na hotel na yun! Wala na akong pamasahe para sumakay papunta dun!

Nagulat ako ng may sumabay sa aking kotse. Mukhang pamilyar sa akin yung kotse kaso hindi ko ito masyado makita dahil sa madilim na.

Bumukas yung bintana ng kotse.

"Excuse me Miss, naliligaw ka ba? Do you need our help?" Teka, parang kilala ko itong boses na ito ah..

"Wow! Ang ganda nung babae!"

"Maganda? Saan? Saan?"

SILA KUYA ITO AH! Sinabi ko na nga ba't parang kilala ko ang approach nila sa babae.

"Kuya Dave! Ako ito! Si Denise! Ano ba naman kayo!"

"Denise? Ikaw nga ba yan?" Lumabas si Kuya Dave mula sa kotse.

"Aba! Ikaw nga!" -kuya dexter

Dumungaw sa bintana si Kuya Dave at Kuya Dexter.

"Para kayong mga tanga! Nagayos lang ng konti, hindi nyo na nakilala!"

"Naks naman! Our brother is finally a SISTER!" -kuya denver

Nagtawanan sila Kuya Dexter at Kuya Denver.

PAK! PAK! Binatukan ko nga yung dalawa. Mga lokong ito. Mangaasar pa.

"Puro kayo kalokohan, pumasok ka na ng kotse Denise." Pinagbuksan ako ni Kuya Dave ng pinto ng kotse.

Nung umaandar na kami, nagsimula na kami magkwentuhan ng tungkol sa kung ano-ano.

"Bakit iniwan ka ni Diana? Hindi ba kayo sabay na pupunta sa hotel?" -kuya dave

"Hindi pa kasi sya naayusan. Nawala na lang sya bigla sa kwarto nya." -ako

"Pero di nga Denise, You look wonderful tonight." -kuya dexter

"Kanta yun diba?" -kuya denver

Tinignan ko ng masama sila Kuya Dexter at Kuya Denver, alam kong may kasunod na pangaasar yun.

"Ito naman, minsan na nga lang kami magseryoso ayaw mo pang maniwala!" -kuya dexter

"Magseseryoso lang kasi kayo, hindi pa kapani-paniwala." -ako

Habang nagkwekwentuhan, hindi namin napansin na nasa Buenavista Hotel na pala kami. Grabe, akalain mo yun, may sariling hotel ang pamilya nya. Grabe ha.

May malaki pang banner sa entrance hall. 'Happy 18th Birthday Diana Lyn Buenavista'

Pagpasok namin ng Dining Hall, wala pang isang iglap, nawala na agad sila Kuya!

"Kuya! Hintay!" Tumakbo ako para habulin sila ng may mabangga ako ng di ko sinasadya.

"What the...Watch where you're going!" Lumingon yung babaeng nabangga ko,

SI MELANIE?! Ang babae na syang dahilan kung bakit ako nakick out sa St. Anne's! As usual, kasama ang mga alagad nya!

"Well, look who's here.. The troublemaker!" Inirapan ako ni Camilla.

"I can't believe that Diana invited someone like you here!" Tinaasan naman ako ng kilay ni Krissy.

"And she's wearing pink like us! The nerve!" Humirit nanaman si Melanie.

"Bakit? Kayo lang ba may karapatan magsuot ng color pink dito?"

"Oh My God! She's mad na..Baka mapadala nanaman tayo sa ospital nyan!" Nagtago sila Krissy at Camilla sa likod ni Melanie. Aangas angas tapos duwag din pala.

"Duh...You guys are afraid of this girl?" -melanie

"Aba...Mukhang di ka pa nadadala ah..Gusto mo ulit ng sakit ng katawan?" -ako

"Nanghahamon ka ba?" -melanie

May pumagitna sa amin na lalake.

"Melanie! Nangugulo ka nanaman ha! Naku Miss, pasensya ka na sa kapatid ko ha!"

BRIX?!

SI BRIX AT MELANIE MAGKAPATID?!

-0-0-0-

"DENISE?! IKAW BA YAN?!" What the? Pati ba naman ikaw Brix, hindi ako nakilala?

"What? You know this bi-"

"Sige, subukan mong ituloy yang sasabihin mo at baka makalimutan kong kapatid kita!"

"Tss. So mas kinakampihan mo sya kaysa sa akin? Alam mo bang sya ang sumira sa maganda kong mukha kaya sya nakickout sa St. Anne's?"

Aba, nagsumbong pa sa Kuya huh?

"Serves you right. Nakahanap ka din ng katapat mo."

"Ganun? No wonder, pareho kayong troublemakers kaya kayo nagkakasundo. Magsama kayo!"

Umalis na si Melanie kasama ang mga dakila nyang alagad.

"Pasensya na Brix ha? Siya naman kasi nauna."

Nakatingin lang si Brix sa akin. Hoy, nakakakita ka ba ng multo?

"Uy Brix! Ano't nakatulala ka dyan" Winave ko ang kamay ko sa harap ng mukha nya.

"Ah, sorry. Haha. Wala lang. Kakaiba ka kasi ngayon. Anyway, naku, wag mo na lang pansinin yung kapatid ko. Bratinella talaga. Spoiled kasi sa magulang. Pero hindi sya spoiled sa akin ha!"

Aba, gwapo ni Brix ngayon ah. Pero gwapo naman talaga sya. Hindi ko lang masyadong napapansin. Ang cute nya sa lavender nyang long sleeves at black na suit. Haha.

"Oo, nagmana lang no?"

"Haha! Siguro nga. Ikaw pala yung nakaaway nya kaya sya nasuspend no?"

"Ah..Oo..Pasensya na din dun ah?"

"Wala kang dapat ipagpasensya dun. Tama lang yun sa kanya. Alam ko namang hindi mo sya sasaktan kung wala syang ginagawa sayo. Alam mo bang dahil sa ginawa mo, nagbago na si Melanie? Oo, minsan maldita sya at maarte pero hindi na sya yung katulad ng dati na nangaapak ng ibang tao."

"Talaga? Haha! Nadala na nga ata!"

"Siguro nga! Haha!"

"Hoy Brix! Ikaw ha, nangchichicks ka nanaman dyan! Sino ba yang kasama mo? Ipakilala mo naman sa amin!" Aba, si Jojo! Isa pa itong kumag na ito! Hindi ako nakilala!

"Hi Miss! Wag ka na dyan kay Brix, babaero yan!"

"Ahem, ako nga pala si Alfred-"

Biglang lumabas si Xylan mula sa likuran nila.

"Mga gunggong! Si Denise The Menace yan!"

Wow, sya lang ang nakakilala sa akin. Talo nya pa mga Kuya ko ah!

Nakapink din si Xylan? Haha! Nakakatuwa naman silang magtrotropa! Puro pastel colors ang suot! Hindi bagay sa kanila!

"Denise? Ikaw ba yan?!" Okay, 'Denise Ikaw Ba Yan?' Count:3 times

Biglang namatay ang ilaw at ang tanging bukas ay yung nasa stage.

"Sorry for the waiting! I'm happy to tell you that the long wait is now over! Our debutante, Miss Diana Lyn Buenavista has now arrived!"

Lumabas mula sa backstage si Diana. Ang ganda nya talaga! Nakapink din syang gown na may halong violet at may tiara pa sa ulo. Lahat ata napatulala sa ganda nya! Tinignan ko ang reaksyon ni Xylan, blangko parin ang expression nya sa mukha. Lagi ba talaga syang ganyan?

Maya-maya, nagumpisa na yung toast para kay Diana. Magkakasama kami nig tropa nila Xylan sa isang table nun. Pagkatapos nun, Welcome Remarks naman ng parents nya. Nagulat kami sa huling pahayag ng Papa nya,

"Most of all, I would like to give gratitude to the family of my daughter's fiancee, The Araneta Family for their contribution in our daughter's debut."

FIANCEE?! Tama ba ang rinig ko? Sabay-sabay kami nagtanong kay Xylan,

"Alam mo ba ang tungkol dito?"

"Hindi, at malamang wala din alam dito si Diana."

Siguro nga. Uso naman kasi sa mga mayayamang pamilya ang mga arranged marriages. Kawawa naman si Diana! Pero nung tinignan namin ang reaksyon ni Diana, blangko lang ekspresyon nya. Parang alam nya na at tanggap nya na na yun ang mangyayari sa kanya?

Nagumpisa na yung 18 roses. Kasama pala si Kuya Dexter dun! Nakakapagtaka dahil wala si Xylan sa 18 roses! Huli syang isinayaw ni Kelvin! Lahat kami, masama ang tingin sa kanya habang nagsasayaw sila.

Si Xylan? Wala pa rin reaksyon. Uupo na lang sya dyan? Wala ba syang gagawin?

Pagkatapos nung 18 roses, nagsimula na yung kainan. Tahimik lang kami habang kumakain. Lahat kami, hindi makarecover dun sa sinabi ng Papa ni Diana. Nakakaawa naman si Xylan.

Pagkatapos kumain, ang dami pang ek-ek.18 candles, May kumanta,nagblow ng candles si Diana sa cake nya, 18 treasures at sumunod na yung Word From The Debutante.

Kitang kita ang kalungkutan sa mga mata ni Diana habang nagspespeech. Akala namin, hindi nya na babangitin ang pangalan ni Xylan.

"Above all, I would like to thank Xylan De Jesus for being my special friend through all those years. I consider him as a very significant person in my life.Xylan, I really can't imagine my life without you. I think i've spent most of my time with you than with anyone else. Happy,sad basta lahat andun ka. Ready to lend a hand,a shoulder to cry on,an ear to listen to all my burdens and as in everything. You sacrificed a lot for me and for our relationship. I know you love me, and you said that ayaw mong masira kung anong meron sa atin ngayon because of your feelings for me. I was deeply touched because you set aside your feelings just to maintain our friendship. Our promise? Di ko nalilimutan yun. But i'm sad to say that I can no longer keep my promise." Hindi pa natatapos si Diana sa sinasabi nya,tumayo na agad si Xylan at lumabas ng dining hall. Hindi na natapos ni Diana ang speech nya at sinundan nya si XYlan sa labas ng dining hall.

"Ahem, everybody proceed to the dance floor! Sayawan na!" Pinatay na ulit ang mga ilaw at tanging mga disco lights na lang ang bukas.

"Yehey! Sayawan na!" tumayo sila Brix at pumunta na sa dancefloor. Ako, nakaupo pa din. "Uy! Di ka ba sasama?"

Tumayo ako at sinabing, "Mamaya na.Sige..susunod na lang ako." Tumakbo ako palabas ng dining hall. Natanaw ko si Xylan at Diana na naguusap sa balcony.

"Xylan..Don't act like this..It makes things harder for me..Alam mo ba yun?" Lumapit si Diana kay Xylan.

"Bakit ka pumayag?! Masaya ka ba? Ikakasal ka sa taong hindi mo naman mahal?" Sumigaw si Xylan. Dala sa siguro sa sobrang galit.

"I'm sorry talaga. Dad made this arrangement. Wala na akong magawa. I'm really sorry." Nagsimula ng umiyak si Diana.

"Bakit ka nagsosorry? Wala ka naman dapat ipagsorry. Alam ko naman na wala ka talagang nararamdaman para sa akin diba? Iniisip ko lang na alam kong hindi ka masaya sa arrangement na yun!" Lumapit si Xylan kay Diana at pinunasan ang luha nito.

"Xylan..You don't understand.."

"Am I right? You're not happy?"

"Xylan..."

"Tama ako diba? Hindi mo ako mahal?"

"Xylan..Kalimutan mo na lang ako..Please?"

Niyakap nya ng mahigpit si Diana. May tumulong luha sa mga mata ni Xylan. He's crying?!

"Alam mong di ko magagawa yun diba? I don't care if you don't love me. What I care about is, what you feel. Alam kong hindi ka masaya.."

"I'm alright...I really am..Baka matuto ko din syang mahalin diba? And about our agreement...Sorry talaga.."

"It's okay kung hindi mo na matutupad yung deal natin. You just have to make some new promises for me.."

"Ha? Ano yun?"

"Just Promise me that you'll always be happy. Promise me we'll stay like this forever...Promise me you'll stay...You're the only one I ever had.."

Umalis sya sa pagkakayakap nya kay Diana at sinabing,

"I love you Diana, I really do.."

-0-0-0-

-0-0-0-

Nung mga oras na yun, hindi ko alam kung bakit ako andun. Bakit kailangan ko marinig ang mga katagang yun? Eto ang napapala ko sa pakikinig ng conversation ng ibang tao. Teka, ano nga ba ang napala ko?

Edi, isang nasasaktan na puso.

"Okay..I promise..I'll stay..Walang magbabago sa pagkakaibigan natin.."

Teka, sino yung papalapit na yun sa balcony? Si Kelvin! Patay na! Kailangan hindi nya makitang magkasama si Diana at Xylan!

Lumapit agad ako kay Kelvin. "Hi! I'm Denise, and you are?"

"Umalis ka nga sa harapan ko." Binangga nya ako at tumuloy sa balcony.

"Sinasabi ko na nga ba!" Sumugod agad si Kelvin kay Xylan at sinuntok ito. Napatilapon si Xylan sa sahig.

"Please stop! We were just talking!"

Sumuntok pabalik si Xylan. Tamang tama, nagsidatingan na yung mga tao mula sa dining hall. Kasama na ang pamilya ni Kelvin at Diana! Naku, patay! Paano na ito?

"How dare you! Bakit mo sinasaktan ang anak ko?" Sabi ng Papa ni Kelvin.

Lumapit agad si Kelvin sa Papa nya at sinabing,

"Itong lalakeng ito, sinabihan ko ng lumayo kay Diana, ayaw makinig! Kaya sinuntok ako!"

Aba, sino ba nauna sa inyong dalawa? Diana, ipagtanggol mo naman si Xylan!

Tahimik lang si Diana. Ganun din si Xylan.

"Tama nga ang sabi ng Tito Roman mo! Sakit ka nga ng ulo! Wala kang mabuting maiidulot sa anak namin! Simula ngayon, umpisahan mo ng layuan sya! Ayaw na namin makita kayong magkasama!" Sabi naman ng Papa ni Diana.

************************************* Hinarap ng Papa ni Kelvin si Xylan at dinuro-duro ito.

"Idedemanda ka namin sa pananakit mo sa anak namin!"

Hindi na, hindi na talaga ako makakapagpigil. Bwiset na yan! Pinagtulungan na si Xylan!

Pumasok ako sa balcony at hinarap ang magulang ni Diana at Kelvin.

"Si Kelvin ang nauna! Nakita ko! Naguusap lang sila ni Diana tapos bigla nya na lang itong sinuntok! Xylan! Ipagtanggol mo ang sarili mo! Sabihin mong hindi ikaw ang naunang nanuntok! Diana! Nakita mo lahat diba? Bakit ayaw mo magsalita?"

Parehong tahimik si Xylan at Diana. Bakit hindi sila magsalita?

"At sino ka naman?"

"Don't believe her! Isa sya sa kasama ni Xylan nung pinagbantaan nila ako! Anim silang lahat! SIla yun!"

Ano? Ang hilig nya mambaliktad ng sitwasyon! Hindi ba't sya ang nagpadala ng mga goons para kidnapin si Xylan?

"Sinungaling! Ikaw nga nagpakidnap kay Xylan para pagbantaan sya diba?"

"Dahan-dahan ka sa pananalita mo! Baka pati ikaw ay ipademanda ko din!" Sabi sa akin ng Papa ni Kelvin.

"Tama na. Birthday na birthday ni Diana, ganito tayo."

Lumapit si Xylan sa pamilya ni Diana at Kelvin.

"Pasensya na po. Pasensya na sa gulong nangyari. Pasensya na din po kayo sa kaibigan ko."

Lumabas na si Xylan ng balcony at bumaba ng hagdan. Hinabol ko sya at kinausap.

"Xylan! Wala ka namang dapat ipaghingi ng pasensya! Lalo lang silang maniniwala na ikaw ang may kasalanan! Ano ka ba naman!"

Lumingon si Xylan at humarap sa akin.

"Wala ka ng pakialam dun! Teka, bakit ka ba andun nung naguusap kami ni Diana?"

"Ha..Ah eh..."

"You shouldn't listen to other people's conversation in the first place. Bakit ka ba nakikialam? Kung maniwala sila na ako ang may kasalanan,problema ko na yun."

"Concerned lang naman ako...Because you're my bestfriend..."

"Well not anymore."

Ha? Ayaw nya na ako maging bestfriend? Ganun ba kalaki ang kasalanan ko?

"Ah ganun? Okay, let me rephrase that.."

"Huh?"

"Concerned ako dahil..."

"MAHAL KITA! MORE THAN A BESTFRIEND!"

Nagiba bigla ang ekspresyon sa mukha ni Xylan. Mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Pagkatapos, pinagpatuloy nya ang pagbaba sa hagdan.

"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko-"

Lumingon sya and he said..

"Well, i'm sorry. The feeling's not mutual."

-0-0-0-

"Well, i'm sorry. The feeling's not mutual."

Paulit ulit yun sa isip ko habang palayo si Xylan sa hagdan. Ang sakit nun ah. Tama nga ang sabi ni Mama, mas masakit pa sa ano pa mang suntok o sipa ang sakit na nangagaling sa puso. Tinatawanan ko lang si Mama tuwing sinasabi nya yun. Iniisip ko, epekto yun ng kapapanood nya ng telenobela. 'Sus, sa telenobela lang ang mga ganung ekek.' Yun pa ang sabi ko. Pero hindi, hindi ito isang telenobela. Tunay na buhay ito at ang sakit kapag ikaw pa ang nakaranas ng ganito. Akala ko noong una, matigas ako. Kahit kalaban ko ang buong mundo, kahit ilang suntok o sipa ang abutin ko, hindi ako masasaktan. hindi ako maiiyak. Pero bakit sa mga simpleng salitang yun, hindi ko na mapigilan ang sarili kong masaktan at maiyak?

Napaupo ako sa hagdan at doon naglabas ng sama ng loob. Umiyak ako. Nakakahiya, sana walang makakita na ganito ako.Sasabihin nila, 'Si Denise Buendia umiiyak dahil lang sa isang lalake?' Ayoko talaga.

"Denise?"

Hindi ako umalis sa pagkakayuko ko. Narecognize ko yung boses na yun, si Brix pala yun. Ayokong makita nya akong ganito!

"Brix, leave me alone muna..I don't want you to see me like this.."

Umupo sya sa tabi ko. Umakbay sya at pinasandal ang ulo ko sa balikat nya.

"It's okay kung ayaw mong sabihin kung bakit ka nagkakaganyan. But please, let me stay here beside you. Ayokong iwan ka habang ganyan ang kalagayan mo.."

"Asan yung iba?"

"Umuwi na sila..Bigla nalang tinapos nung emcee yung party nung nagsasayawan kami. Nagkagulo ata.."

"Alam mo, Xylan might be too cold sometimes..To the point na hindi nya na iniisip ang nararamdaman ng ibang tao..Yung ugali nyang yun minsan ang kinaiinisan ko, but believe me, he has a good reason behind that.."

Nagulat ako sa sinabi nyang yun, andun kaya sya nung naguusap kami ni Xylan?

"I expected naman na sasabihin nya yun eh. Ang tanga tanga ko naman kasi.. Bakit ko pa sinabi sa kanya yun? Nakakahiya..Nakakainis.."

"Wala kang dapat ikahiya dun..You're pretty brave Denise. Kahit alam mong sa huli, hindi ikaw ang mahal nya, nagawa mo parin sabihin ang nararamdaman mo..You're not afraid of rejections.."

"Coz I didnt expect that it would hurt this much.."

"I didnt expect that it would hurt this much too." -0-0-0-

Hindi ko ata naintindihan yung huling sinabi ni Brix sa akin kagabi. Matagal din kami dun, nangyaya na din ako umuwi matapos ang ilang minuto. Hindi na ako nakisabay kila Kuya dahil mukhang gigimik pa sila kasama nung mga kabarkada nila. Tama nga sila, minsan ang love nakakasira talaga ng friendship. Badtrip na yan. Dahil lang dun, ayaw nya na ako maging bestfriend? Fine with me. Bahala sya sa buhay nya.

Mga alas singko na ata ng umaga nakauwi sila Kuya. Lagpak agad sila sa kama nung dumating sila kaya ako na lang ang nagluto ng almusal namin. Pagkatapos nun, nagbihis na agad ako ng pangsports outfit ko. Yayain ko mga kapitbahay ko na maglaro ng basketball. Namiss ko din yun ah.. Ilang linggo na ako di nakakapaglaro simula nung magumpisa ang klase.

Matapos ang maghapon na paglalaro, sabi sa akin ng mga katropa ko, parang wala daw ako sa kondisyon maglaro. Lagi daw sablay ang mga tira ko. Lagi daw sila nakaksteal sa akin ngayon. Ano ba naman yan! Xylan! Nakikita mo ba? Nakikita mo ba ang ginagawa mo sa akin?

Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako nila Kuya. Naku, tigil-tigilan nga nila ako ngayon at sobrang init ng ulo ko.

"Denise! Good news! Eto na yung 7000 mo!" Inabot sa akin ni Kuya Dexter yung 7000 ko.

"Salamat. Marunong din pala kayo magbayad." Tapos dere-deretso ako sa kwarto ko. Masyado ko atang tinarayan sila kuya!

Paghiga ko sa kama, napansin ko yung gown na nakakalat pa dun! Ano ba yan! Ibabalik ko pa pala ito kay Xylan!

Buti na lang, binayaran na ako nila Kuya. Mababayaran ko na din yung nasira na gown! Mabuti na yun dahil ayoko magkaroon ng utang na loob sa kanya!

-0-0-0-

Kinabukasan, kumain na ako at nagbihis agad para pumunta kila Xylan. Dalawang beses na ako nakapunta sa kanila kaya hindi na ako maliligaw. Well, yun ang akala ko. Naligaw nanaman ako as usual. Napunta nanaman ako sa kung saang looban at doon may sumalubong sa akin na dalawang lalake.Naku, may balak ata sila sa aking masama.

"Hoy kayo, kung may masama kayong tangka sa akin, huwag nyo ng ituloy."

May lalake na mula sa likod ko ang nanutok ng kutsilyo. Patay, alanganin na agad ang sitwasyon ko.

"Kailangan namin ay ang pera mo, ibigay mo na sa amin kung magkano man ang dala mo kung ayaw mong masaktan."

PAK!

May sumiko sa batok nung lalake! Teka, Si Xylan? Bakit sya andito?

"Sagot ko na ito. Iba na lang pagtripan nyo." Nagtakbuhan na agad yung mga lalake na parang takot na takot kay Xylan.

"O, baka isipin mo nanaman, linigtas kita. Nagkakamali ka."

"Huh?"

"Baka lang kasi masira nanaman yung gown dahil sa kapabayaan mo. Akin na, ibalik mo na sa akin."

Bwiset na ito! Nakakainis talaga sya! Bakit ba sya ganyan?

"Eto, na..At eto na rin yung bayad sa nasira kong gown."

Tinanggap nya yung gown at yung 5750 at umalis na. Wala syang imik. Bakit ba sya ganito sa akin? Ganun na lang ba kalaki ang kasalanan ko?

"Teka, naliligaw ako...Paano ba papuntang 5th Ave mula dito?"

"Bahala ka. Simula ngayon, wala na akong pakialam sayo. Hanapin mo ang daan mo magisa."

Sobra naman sya! As in sobra na! Sobrang nasasaktan na ako sa mga sinasabi nya!

Gayunpaman, sinundan ko pa din sya. Bahala na, baka pumunta sya sa isang lugar na malapit sa amin.

Maya-maya, sa palihim kong pagsunod sa kanya, napansin kong nadito na pala ako sa mismong tapat ng bahay namin! Tapos, sumakay na ulit sya ng jeep pabalik sa 4th Ave! Ang labo nya din no? Ano yun exercise? O...

Alam nyang sinusundan ko sya kaya palihim nyang tinuro sa akin ang daan pauwi?

"Alam mo, Xylan might be too cold sometimes..To the point na hindi nya na iniisip ang nararamdaman ng ibang tao..Yung ugali nyang yun minsan ang kinaiinisan ko, but believe me, he has a good reason behind that.."

La lang..trip ko lang ulitin ang sinabi ni Brix..Hekhek.. ;) Salamat sa patuloy na pagbabasa! XD

-0-0-0Imposible. WALA NA NGA DAW SYANG PAKIALAM DIBA? Baka nageexercise lang yung lokong yun. Walang pakialamanan ha? Sige, wala na talagang pakialamanan!

Kinabukasan, pagpasok ko sa eskwelahan, wala sila. Hindi na nila ako hinintay sa gate. Siguro nga, dito na nagtatapos ang pagkakaibigan naming lahat.

Pagpasok ko sa classroom,

"Hi Denise! Pasensya na, di ka na namin naantay. Nagmamadali kasi itong si Xylan! Tara kumain tayo sa rooftop!"

Natuwa ako ng marinig ko yun mula kay Mikee. Akala ko, pati sila, galit na sa akin..

Tumayo na silang lahat mula sa kinauupuan nila at tanging si Xylan lang ang nakaupo at nakayuko.

"O, di ka ba sasama?"

"Kung kasama nyo ang babaeng yan, wag na lang..Kayo na lang.."

"Teka, bakit ka ba ganyan kay Denise?!" Naku, mukhang napikon na ata si Brix.

"Wala ka ng pakialam dun!"

Bago pa lumala ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, nagsalita na ako.

"Sige..Hindi na ako sasama..Kung ayaw nya akong kasama, mas ayaw ko syang kasama!"

"Tara na.." TUmayo na si Xylan sa upuan nya at lumabas na ng classroom..

"Bakit ba? Nagaway ba kayo?"

"Ano bang ginawa mo at nagkakaganyan sya?"

"Ah...Kasi.."

"Ano kasi..Nagkatampuhan lang yung dalawa..Wag kayo magaalala..Maayos din yan! Diba Denise?"

Buti na lang pinagtakpan ako ni BRix. Kinabahan ako dun ah..

"Sana nga." Umupo na ako sa upuan ko at hinayaan ko na silang umalis.

Pythagoras Theorem ang lesson namin ngayon. Madali naman intindihin, kaso nga lang sadyang wala ako sa sarili ko ngayon. Nakakainis talaga. Kailangan kong ituon ang atensyon ko sa ibang bagay.

"Denise, tapos na ang klase..Break na natin..Ano't nakatulala ka pa dyan?" Sabi sa akin ng katabi kong si Arvin.

Ano ba yan! Tapos na pala ang klase! Hindi ko pa alam!

"Ah..Oo nga..Hehe..Salamat ah.." Tumayo na ako at lumabas ng classroom.

"Madeng! Madeng! Sabay na tayo kumain!" May sumigaw mula sa likuran ko. Mukhang boses ni Collin yun ah!

Lumingon ako at well, sya nga.. Halata nga naman dahil 'Madeng' ang tawag nya sa akin.

"Hoy ikaw ah! Tigil mo na pagtawag sa akin ng ganung pangalan!" Sinigawan ko nga si Collin..

"Sorry ah..Pero teka, nabalitaan mo na ba?" Sabi ni Collin habang naglalakad kami papuntang cafeteria..

"Ang alin?" Kumuha ako ng sandwich na nakadisplay sa counter at binayaran ito pagkatapos.

"Yung gulo nung debut nung Diana ba yun? Yung nagiisang anak ng mga Buenavista?" Naku, chismoso talaga itong si Collin. Nakuha nya siguro sa Papa nya na bagong empleyado sa Buenavista Hotel.

"Oh? Andun ako. Ano ka ba, schoolmate ko yun dati." Umupo ako sa upuan at nakita kong manghang mangha si Collin ng malaman nyang andun ako sa debut ni Diana.

"Talaga? Ang swerte mo naman! Alam mo ba kung bakit sila nagkagulo? Kwento mo naman!" Linapag ni Collin ang dalawang coke in can sa mesa.

"Naku, hindi ko alam kung bakit. Bakit ba gusto mo malaman?" Kumagat na ako sa sandwich ko. Gutom na rin kasi ako nung mga oras na yun..

"Ayon kasi sa Papa ko, narinig nyang naguusap ang mga Buenavista at Araneta..Dadalhin na daw sa London si Diana! Mamamayang alas tres ang flight nya! Kasama nung fiancee nya! Dahil daw dun sa gulong nangyari nung debut nya! Paano na lang ang pagaaral nya diba? Hirap talaga pag galing sa mayaman na pamilya no?"

"Onga naman.. Paano na lang ang pagaaral nya.." Uminom ako sa coke ko. Teka, anong sinabi nya? "ANO?! DADALHIN SA LONDON? ALAS TRES? KASAMA ANG FIANCEE?" Muntik ko ng maibuga yung coke na ininom ko.

Kailangan malaman ni Xylan ito! Paano na yan? Tumayo agad ako at tumakbo paalis ng cafeteria..

"Teka, wag mo naman akong iwan!"

Umakyat ako agad papuntang 5th floor ng makasalubong ko sila Brix. Hindi nila kasama si Xylan nun.

"Si Xylan! Nasaan?"

"Ha? Andun sa rooftop! Magisa sya dun! Bakit ka ba nagkakaganyan? May nangyari ba?"

"Naku, mamaya ko na ieexplain sa inyo! Kailangan ko na syang makausap!"

Tumakbo agad ako paakyat sa rooftop at nakita ko dun si Xylan, as usual gumuguhit nanaman sa kanyang sketchpad.

"Xylan! May kailangan kang malaman!"

Hindi man lang sya tumingin sa akin. Para bang hangin lang ang kumausap sa kanya, pinagpatuloy nya lang ang paguhit..

"Si Diana! Aalis na sya! Mamayang alas tres! Dadalhin na sya sa London ng mga magulang nya!"

Tumigil si Xylan sa ginagawa nya at tumingin sa akin.

"Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mong yan? Nangako si Diana, hindi nya daw ako iiwan. Pinaghahawakan ko ang pangako nyang yun kaya alam kong hindi sya papayag na dalhin sya dun ng mga magulang nya."

Hindi ako makaimik..Nakakainis talaga! Dapat nga, wala na akong pakialam kung iwan ka ni Diana o hindi!

"Yung arranged marriage nila ni Kelvin? Diba hindi nya ginusto yun? Pero wala syang choice kung hindi pumayag! Sinira nya din ang pangako nya sayo! Kaya imposibleng hindi nya ulitin yun! Kaya puntahan mo na sya bago pa-"

"Sinisiraan mo ba sya sa akin? Ha? Are you that desperate to get my attention?" Tumayo si Xylan at naglakad palapit sa akin. Hindi nya naman kasi naiintindihan ang gusto kong iparating!

Nakasandal na ako sa pader nun..Wala na akong tatakbuhan ng itaas ni Xylan ang kamay nya at isinara nya ang palad nya. Susuntukin nya ba ako?

"Hindi mo ako naiintindihan! Ang gusto ko lang, malaman mo.."

"TAMA NA!" Sumuntok si Xylan! Pero hindi sa akin kundi sa pader na sinasandalan ko.

"Tama na! Lalo lang akong nalilito sa mga sinasabi mo! Sa mga ginagawa mo! I am so confused Denise!"

-0-0-0-

Pagkatapos nun, umalis na sya sa rooftop. Parang nakaglue parin ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Natakot ako sa ginawa nya. Nagtataka ako sa sinabi nya. I am so confused? Saan naman sya nalilito? Ang labo nyang kausap. Sobra.Pero buti hindi nya tinuloy ang pagsuntok sa akin kung hindi, naku! Hindi lang suntok ang igaganti ko sa kanya kahit na ba mahal ko pa sya! Naiinis na talaga ako sa kanya. Ako, desperada? Nagmamalasakit lang naman ako sa kanya! Bwiset talaga sya!

Napatingin ako sa orasan ko at nalaman kong alas onse na pala! Tumakbo na agad ako papunta sa classroom ng makita kong wala na ang lima. Di kaya pumunta sila kila Diana?

Nakapagconcentrate naman ako ngayon ng konti. Talagang napuno na kasi ako sa mga ginagawa ni Xylan. Naoverdose ata ng anesthesia kaya ganun kamanhid. Hindi man lang iniisip ang sinasabi o ginagawa. Hindi man lang alam na nakakasakit na sya ng tao. Sana maging sensitibo naman sya kahit minsan.

Uwian na, hindi na sila bumalik. Paglabas ko ng campus, tamang tama naman at bumagsak ang sobrang lakas na ulan. Bwiset na yan! Wala pa naman akong dalang payong! Sumakay na agad ako ng jeep. Basang basa ako. Nakakainis na ulan yan. Nung makarating na ako sa amin, tuloy parin ang pagulan. Grabe pumasok agad ako ng bahay at nagbihis ng damit para hindi sipunin. Pumunta ako sa kusina para magluto ng noodles ng makita ko si Kuya Dexter dun na nagtitimpla ng kape.

"Denise nabalitaan mo ba?"

Parang alam ko na yung balitang yun kaya inunahan ko na sya.

"Oo, ipapadala na daw si Diana sa ibang bansa. Alam ko na yun. Pero hindi naman siguro sya papayag diba?"

Naginit ako ng tubig at naghanap ng noodles sa cupboard namin.

"Dyan ka nagkakamali. Nakaalis na sya kaninang alas tres. Tumawag ako sa kanila."

Parang nagulat ako na hindi sa sinabi nya. Nagulat dahil, tumuloy sya kahit na sinabi nya kay Xylan na hindi nya ito iiwan. Hindi nagulat dahil hindi rin siguro sya napigilan ni Xylan na umalis.

"Ganun? Sayang, hindi man lang ako nakapagpaalam." Nilagay ko na yung noodles dun sa kumukulong tubig.

Maya-maya naluto na ang noodles na linuto ko at kumain na ako. Pakatapos nun dumeretso ako sa kwarto ko at natulog saglit. Wala pang isang oras ng kumatok si Mama sa kwarto ko. Nagising tuloy ako.

"Denise, may bisita ka sa baba.."

Ano? Bisita ng ganitong oras? Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at tinanong ko kay Mama kung sino yung dumating.

"Tatlong bading..Kailangan ka daw nila makausap..Importante daw.."

Tatlong bading? Wag nyang sabihing si Alex,Natalie at Dylan yun? Bumaba ako agad para malaman kung tama ang hinala ko. Aba, tama nga!

"Bakit kayo andito? Bubugbugin nyo nanaman ba ako? Aba, subukan nyo lang. Hindi na ako magdadalawang isip na saktan kayo! Wala na akong kinalaman kay Xylan ngayon kaya wala na kayong rason para saktan ako!"

Lumapit sa akin si Natalie,Dylan at Alex. At lumuhod sila sa harap ko.

"Patawad na. Patawad sa lahat ng ginawa namin sayo. Pakiusap."

Anong nakain ng mga ito at humihingi sila ng tawad sa akin? May iba akong pakiramdam dito eh.

"Let's get this straight...Ano ba talagang pinunta nyo dito? May pabor ba kayong hihingin? Gusto nyo ng autograph ni Xylan? Hibla ng buhok ni Xylan? Kapiraso ng polo ni Xylan? Pasensya na, hindi na kami magkaibigan nun kaya hindi ko magagawa ang gusto nyo."

Tumayo si Alex,Natalie at Dylan at maluha-luha pa ang mata nila habang sinasabing,

"Si Xylan..Andun sya sa labas ng bahay nila Diana. Naghihintay! Alam nya ng nakaalis na ito pero hindi parin sya umaalis dun!"

"Sinubukan na sya kausapin ng mga kaibigan nya, pero ayaw nyang magpasaway. Tahimik lang syang nakatayo dun kahit nababasa na sya ng ulan habang hawak-hawak nya ang sketch ni Diana!"

"Natatakot lang kami na baka magkasakit sya sa ginagawa nyang yun!"

Baliw talaga. Hayan ang napapala nya sa di pagkinig sa akin. Ano? Balak nyang patayin ang sarili nya sa pulmonya? Akala nya ba, dahil dun, babalikan na sya nung Diana nya? Kawawa naman.

"So anong gusto nyong gawin ko?"

"Kausapin mo sya! Sayo lang naman sya nakikinig! Nung linigtas ka nya mula sa amin, nalaman na namin agad na may kakaiba syang pagtingin sayo! Kaya malamang, maari mo syang kausapin para umalis na sya dun!"

"Hindi na nga kami magkaibigan diba? Kahit kausapin ko sya, hindi na yun makikinig sa akin. At ayoko na syang kausapin kahit kailan! Sige, makakaalis na kayo!"

Tinalikuran ko na sila at nung paakyat na ako sa kwarto,

"Alam naming nararamdaman mo ang nararamdaman namin! Kaya hindi ka namin pipilitin!"

Sinalpak ko ang pintuan ko sa kwarto at humiga ulit.

Pareho kami ng nararamdaman? Sus. Sila lang yun, mga obsessed kay Xylan. Ako hindi. Ayoko na. Bahala na sya sa sarili nya.

Simula ng makilala ko yan si Xylan, puro kamalasan na ang inabot ko. Nabugbog ako ng mga bading,nagalaga ako ng lasing,nabuhusan ng pintura at kung ano-ano pa! Bakit ko sya tutulungan? At higit sa lahat, sinaktan nya ako..

May kumatok sa pintuan ko. Sila kuya nanaman ata.

Sigurado ako, andito nanaman sila para bigyan ako ng advice...

"Denise! Denise!"

Binuksan ko yung pinto, aba! Si Arvin! At basang basa sya sa ulan!

"Ano't napasugod ka dito? Basang basa ka oh!"

"Sila Brix! Kalaban nila ngayon yung mga seniors na nakalaban nila nung nakaraang buwan! Isang buong klase na sila! Hinahanap nila si Xylan kaso ayaw nilang sabihin kung nasaan!"

Hindi talaga susuko yung mga seniors na yun. Nakakainis talaga.

Siguro, ang gusto nya ay tulungan ko sila Brix!

"Sige. Akong bahala. Pupuntahan ko sila Brix."

"Hindi, hindi yun ang pinagbilin nila...."

"Ang gusto nila, kausapin mo si Xylan na habang ngayon ay andun parin sa harap ng bahay ni Diana!"

NO WAY!

"Ano? Naku, wag na. Anything but that.."

"Sige na, para naman wala kayong pinagsamahan..Isantabi mo muna ang pride mo Denise.."

"At kapag nakausap mo na ng matino si Xylan, sabay nyong tulungan sila Brix!"

Naku, ako nga tigil-tigilan mo Arvin ha! Ayokong tulungan yung lokong yun!

"Sige, aalis na ako ha! Hihingi ako ng tulong sa iba nating classmates para tulungan sila Brix! Sana kausapin mo si Xylan!" Bumaba na si Arvin na nagiwan pa ng bakas ng tubig sa hagdan namin.

Umakyat naman si Kuya Denver.

"Sino ba yung lalakeng yun at basta-basta na lang sya pumasok dito sa bahay?"

"Wala..Pinipilit ako kausapin si Xylan..Naku, ayoko nga.." Kumuha ako ng basahan sa kwarto ko at pinunasan ko yung tubig sa hagdan.

"Ano bang drama nyo ni Xylan at magkaaway kayo?"

"Wala..Basta..Marami na syang kasalanan sa akin.."

"Well, wala akong alam sa pinagawayan nyo pero ang masasabi ko lang,"

"A true friend sees you behind your imperfections. Kahit ano pang naging kasalanan nya sayo, isipin mo na lang nung mga oras na may nagawa syang mabuti para sayo..Wag mong bilangin ang mga pagkakamali nya..Instead, yung mga nagawa nyang tama ang tignan mo. "

Hayyy...Bakit ba parang alam na alam nya ang sitwasyon namin? Bakit pag sila Kuya na ang nagsalita, natatauhan na ako! Kakaiba talaga! Tama sila, kahit na marami ng masasakit na salita ang sinabi sa akin ni Xylan. Kahit na marami na syang ginawang di magandang bagay, wala yun sa mga ginawa nya para sa akin dati..

Yung pagligtas nya sa akin mula sa mga bading..

Yung pagsalo nya sa kahoy na dapat ihahampas sa akin..

Yung paginom nya ng beer na may paminta na dapat ay para sa akin..

Pagkain ng seafoods kahit alam nyang allergic sya dito..

Marami na syang nagawa para sa akin...Panahon na, para ako naman ang bumawi..

"O san ka pupunta?"

"Aalis na ako! San pa ba?" Hinagis ko yung basahan kay Kuya.

Tumakbo na ako palabas ng bahay at pumara na agad ng taxi.

"Manong, sa Buenavista Compound nga po.."

Hay nako! Ang tanga ko din minsan! Wala akong dalang payong! Mababasa ako ng ulan nyan!

Maya-maya nakarating na ako sa compound. Walang tigil pa din ang pagbuhos ng ulan.

Natunton ko agad ang bahay nila Diana dahil ito ang pinakamalaki sa buong compound. Nakita ko si Xylan doon na nakasandal sa pader at nakayuko. Basang basa na sya sa ulan! Hindi ba sya nilalamig sa katayuan nya?

"Xylan! Tara na, umalis na tayo dito! Sila Brix, nanganganib sila ngayon! Kailangan natin sila tulungan!"

Inangat ni Xylan ang mukha nya. Damang dama ko ang lungkot na nararamdaman nya dahil sa kanyang ekspresyon sa mukha. Mukha na nga syang may sakit. Namumutla sya at ang lalim ng mga mata nya.

"Bayaan mo sila. Wag mo nga ako pakialaman. Hindi mo alam ang pakiramdam ng nagiisa. Pabayaan mo na lang ako dito!"

PAK!

Nasampal ko si Xylan dahil sa sobrang galit.

"Nagiisa kamo? Anong tingin mo sa amin nila Brix? Nila Mikee,Jojo at Alfred? Andito kami para sayo! Hirap sayo, hindi ka marunong magpahalaga kung anong meron ka!"

"Wag ka magsalita ng hindi mo alam.. Pinahalagahan ko si Diana ng buong buhay ko.."

"Pero wala na sya diba? Wala na! Wag mong gawing rason yun para magmukmok ka na lang dyan! Hindi habang buhay andyan sya sa tabi mo! Akala ko ba, malakas ka pero nawala lang si Diana nagkakaganyan ka na!" Unti-unting tumataas ang tono ng pananalita ko. Naiinis na talaga ako sa ugali ni Xylan!

"Mahina ako..Akala mo lang yun.." Yumuko sya ulit.

"Kung ganun, maging malakas ka..Ang pagkawala ng isang taong mahalaga sayo ay wag mo gawing dahilan para mawalan ka ng pagasa sa buhay! Maging malakas ka para sa sarili mo...At higit sa lahat..Para sa mga taong minamahal mo.."

Ewan ko kung anong meron sa mga sinabi ko at natauhan din sya. Nagiba ang reaksyon ng mukha nya.

Sinubukan kong lumapit at iabot ang kamay ko sa kanya ng bigla syang bumagsak papunta sa akin. Ang taas ng lagnat niya! Nahalata ko yun dahil sobrang init nya!

"Denise...Sorry..Ate..Patawad din.."

Habang hawak-hawak ko sya, tamang tama naman na dumating sila Brix na panay pasa sa mukha at katawan.

"O? Ano nangyari sa inyo? Papunta na dapat ako para tulungan kayo!"

"Edi linigpit namin yung mga seniors na yun! Wag nilang sabihin na madami sila, di na namin sila kaya! Haha!"

"Naku, di ka na kailangan dun! Mamaya, ayaw namin masabihang niligtas nanaman kami ng isang babae! Tama na yung kausapin mo si Xylan!"

"Ano na nangyari kay Xylan?" Napansin nila na hawak ko pa din ang walang malay na si Xylan.

"May lagnat sya! Ang init nya! Anong gagawin natin?"

"Dalhin natin sya sa kanila!"

"Ha? Hindi ba delikado? Andun papa nya diba?"

"Wala papa nya ngayon! Nung friday lang umalis para magbakasyon kasama ang mga anak nya kaya bale ang natira dun ay yung mga katulong lang!"

"Ayos! Tara at dalhin na natin sya dun!"

Naghanap kami ng taxi at sila na ang nagbayad ng pamasahe.

Maya-maya, nakarating na kami kila Xylan. Sinalubong agad kami ni Manang Flor.

"Anong nangyari sa kanya?"

"May lagnat po sya! Dalhan nyo po kami ng bimpo at plangana na may tubig!"

Bumaba na kami sa servant's quarter. Nagtataka sila Brix kung bakit sa servant's quarter ko dinala si Xylan. Sinabi ko na ipapaliwanag ko na lang yun sa susunod.

Kailangan ni Xylan ng gamot kaya sinubukan ko silang utusan na bumili ng gamot.

"O, bumili kayo ng.."

"Pasensya na Denise, nakakahiya man kay Xylan pero masyado ng gabi. Pagagalitan na ako."

"Ganun din ako. Lalo na't napaaway nanaman ako.."

"Bubulyawan nanaman ako ng Mama ko pag umuwi ako ng hatinggabi.."

"Sa mga oras na ito, ginagatungan na ni Melanie ang mama ko para pagalitan ako pagdating ko sa amin.."

"Kaya..."

"Paalam Denise! Alagaan mo si Xylan!"

Nagtakbuhan na agad sila paalis ng kwarto. Mga lokong ito may kanya-kanyang dahilan!

ANO?! MAGSIBALIK KAYO DITO! AKO LANG MAGAALAGA KAY XYLAN MAGDAMAG?

-0-0-0-

Papayag kaya si Mama na magdamag ko munang alagaan si Xylan? One side of me is hoping na sana hindi ako payagan ni mama. The other side naman is hoping na payagan ako para masolo ko si Xylan! Bad! Bad! Hinampas ko ang ulo ko ng paulit-ulit. Hay...Here goes nothing...Dinial ko na ang number ni Mama sa cellphone ko.

Wala pang ilang seconds, sinagot na agad ni Mama yung phone.

"Ma, ano kasi...Si Xylan...May lagnat...Walang magaalaga kaya-"

"Talaga anak? Ayos yan! Masosolo mo na yung crush mo! Dalagang dalaga ka na! Ahihihi!"

"Ma naman!"

"Sige, asikasuhin mo na yan! Babay! Ingat ka dyan ah!"

Kakaiba rin itong mommy ko eh no. Hay. May bukas pa kayang botika ng ganitong oras?

Dumating na si Manang Flor dala dala ang isang planganang may tubig at bimpo. Linapag nya ito sa table ni Xylan.

"Saan po ba ang pinakamalapit na botika dito?"

"Sa may kanto lang. Bago mag Rizal St. Teka, wag mo sabihing susugod ka sa matinding ulan na yan? Huwag na! Remedyohan na lang natin yan."

"Naku, mahirap na po. Baka magkombulsyon yan si Xylan! Sige aalis na po ako!"

Pinahiram sa akin ni Manang Flor ang payong nya at umalis na ako sa bahay. Walang tigil ang pagbuhos ng ulan. Sobrang lamig pa. Buti na lang at nahanap ko kaagad ang botika.

Bumili ako ng Biogesic at isang antibiotic para kay Xylan. Habang hinihintay ko yung babae na ibigay yung sukli ko, may napansin akong kahon na gumagalaw-galaw sa tabi ko.

Habang tumatagal, lalong lumalakas ang pagyugyog nung kahon! Nakakatakot naman ito!

"Excuse me Miss, eto na po yung sukli nyo.." Inabot sa akin nung babae yung sukli ko. Nacurious parin ako sa laman nung kahon kaya sinipa ko ito ng mahina.

Biglang gumulong yung kahon at lumabas ang isang....TUTA! Huwaw! Ang cute naman nito! Mukhang iniwan sya dito ng amo nya! Hindi naman sya mukhang askal at sa katunayan, mukhang magandang breed sya ng aso! Puting puti sya all over maliban sa kaliwa nyang mata na may malaking bilog na kulay itim!

Mukhang nilalamig na sya sa ulan kaya dinala ko na sya pabalik kila Xylan. Hindi naman siguro sya magagalit kapag nagdala ako ng aso sa bahay nila!

Pagdating ko sa servant's quarter. Sinalubong ako ni Manang Flor ng may dala-dalang pag

"May malay na po si Xylan! Kaso, ayaw nyang kumain. Kaya heto ibabalik ko na yung noodles. Hindi nya man lang ginalaw oh."

May katigasan din ang ulo nitong si Xylan no? Paano sya makakainom ng gamot ng walang laman ang tiyan? Tignan natin kung uubra sya sa akin.

"Ako na lang po ang bahala sa kanya. Kuha nyo na lang po sya ng isang basong tubig." Kinuha ko kay Manang Flor yung tray na hawak nya.

"Mabuti pa nga..Sige..Ikaw na ang bahala sa kanya.."

Pagpasok ko ng kwarto, nakatakip ng kumot si Xylan. Pinalakad ko na lang yung tutang dala ko sa kwarto dahil dala-dala ko nga yung tray na may pagkain ni Xylan.

"Xylan..Kumain ka na..Tapos, paiinumin kita ng gamot.."

Hindi kumibo si Xylan, nakatakip parin sya ng kumot. Hinila ko nga yung kumot.

"Hoy! Akala ko ba napagusapan na natin yan? Ngayon naman, papatayin mo sarili mo sa gutom?"

Umupo si Xylan at humarap sa akin.

"Ikaw na lang kumain nyan, halatang hindi ka pa kumakain..Napagod ka pa sa pagasikaso sa akin.."

Aba, at kailan ka pa naging concern sa akin?

"Naku, di pwede! Diet ako! Ikaw ang nangangailangan nyan, kaya kumain ka na! Eto, susubuan kita!"

"Kailan ka pa naging conscious sa figure mo? Kahit maging sexy ka, mukha ka pa ding lalake."

PAK!

"Wag mo sabihing may sakit ka, eh ligtas ka na sa pambabatok ko! Kumain ka na!"

Aba, nanahimik na si Xylan at kumain na rin sa wakas. Masunurin din naman pala sya kahit papano..

"O, inumin mo na gamot mo." Tinanggal ko yung tablet mula sa lalagyan nito.

"Asan yung tubig? Sa tingin mo, malulunok ko yan?"

"Ay oo nga pala..Pinakuha ko si Manang Flor ng tubig..Antayin na lang natin sya.."

Nanahimik kami bigla. Grabe, nakakailang pag ganito kami katahimik. Hindi ako sanay. Tapos, nakatingin pa sya sa akin, ano kaya problema ng taong ito?

"Hoy! Ano ba? Baka matunaw ako dyan sa ginagawa mo!"

"Denise, may itatanong sana ako.."

Eto nanaman, bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko. Nakakainis talaga pag nagkakaganito ito!

"Ano yun?"

Lumapit sya sa akin. Nung sobrang lapit na, parang nawala sya sa konsentrasyon at sinabing,

"Ano itong nasa ilalim ng kumot ko?!" Napatingin ako sa kumot nya, may nakabukol na gumagalaw! Naku, patay! Bakit napunta yan diyan? Inangat ni Xylan ang kumot nya at lumantad sa amin yung tutang pinulot ko kanina!

"Bakit may aso dito?!" Napatayo si Xylan sa kama. Akala ko ba may sakit sya? Aso lang, napatayo na sya sa kama nya. Binuhat ko yung tuta at pinakita sa kanya.

"Eto ba? Nakakaawa kasi, nasa loob ng kahon tapos umuulan pa ng malakas! Baka mamatay sya sa lamig kaya kinuha ko na lang!"

"Ilayo mo nga yan sa akin! Pwede ba? Ayoko sa aso!"

"Anong ayaw mo kay sa cute na asong ito? Tignan mo!" Nilapit ko lalo kay Xylan yung tuta at tumalon sa kanya yung tuta! Aba, natuwa sya kay Xylan!

"Ilayo mo sa akin ito! Pakiusap lang!"

"Grabe, tuwang-tuwa sya sayo! Dahil dyan, ang ipapangalan ko sa kanya ay X-Rae!"

"X-ray? Anong klaseng pangalan yun?"

"Hindi yung X-ray na ginagamit ng doktor ha! X-Rae as in Xylan Rae! Diba? Ang cute! Pinangalan ko pa sayo! Kaya umupo ka na diyan!"

Umupo si Xylan at inabot na ulit sa akin yung aso. Bakit ba ayaw nya kay X-Rae?

"Anong pumasok sa utak mo at ipinangalan mo pa sa akin?"

"Kasi, magkamukha kayo! Tignan mo, may itim syang patch sa mata! Parang black-eye diba? Naalala ko kasi lagi kang may black-eye pag nakikipagaway ka! Teka nga muna, hindi ka naman mukhang allergic sa aso? Bakit ayaw mo sa kanya? Aha! Alam ko na!"

Tamang-tama naman, dumating na si Manang Flor na may dalang isang basong tubig.

"Aba, bakit may aso dito? Alam mo bang takot si Senorito Xylan dyan? Paano kasi nung bata sya, nakagat sya ng aso na may rabies kaya muntik nya ng ikamatay ito!"

"Bakit nyo sinabi?"

Hindi ko na mapigilang mapatawa ng malakas. Kaya naman pala! Takot sa aso!

"Hahaha! Takot ka pala sa aso ha? Kaya naman pala! Talo ka pa ng mga bata!"

"Pwede ba, hindi mo ako masisi.. Muntik na akong mamatay dahil sa aso.."

"Pero a dog is a man's bestfriend! Malay mo, pagdating ng araw, eto pa ang magligtas sa buhay mo.."

-0-0-0-

?Ayoko parin ilayo mo na sa akin yang asong yan?

"Ang sama mo! Gusto mong kasuhan kita ng Cruelty To Animals?"

"Di ko akalain na ang mga matitigas na tulad mo, lumalambot ang puso sa mga hayop."

?Bahala ka nga dyan! Inumin mo na gamot mo at matutulog ka na!?

?Hindi ako matutulog ng may aso sa kwarto"

"Bakit naman? Hindi ako matutulog ng hindi sya kasama!"

-0-0-0-

Okay, pinandigan ko na hindi ako matutulog ng wala si X-Rae kaya eto at nasa labas ako at natutulog. Hindi ako matutulog sa sala o kahit saan pang kwarto dito! Nakakatakot ang bahay ni Xylan pag gabi! Ang laki na, ang dilim pa! Gusto ko sanang puntahan si Manang Flor, kaso hindi ko alam kung saan syang kwarto natutulog dito sa Servant's Quarter. Natatakot na nga ako dito sa katayuan ko eh! ANg lamig lamig pa! Pakiramdam ko, lahat ng buhok ko sa katawan nagtayuan na!

*THUNDER SOUND EFFECTS*

Waaaaaaaaaaaaa! Ayoko na dito! Natatakot ako sa kulog! Pero ayokong malaman ni Xylan. Baka sabihin nya, kulog lang natatakot pa ako. Buti na lang at hindi ko ugali ang tumili kapag natatakot. Hindi lang naman ako ang natatakot kundi pati itong si X-Rae na panay ang tahol.

Naalala ko, pag natatakot ako na ganito, kumakanta ako! Tama! Kakanta na lang ako! Para makatulog na din itong si X-Rae!

Hmmmmm...Alam ko na! Akin Ka Na Lang!

Nagsimula na akong kumanta, kaso nga lang, parang hindi umeepekto dahil panay parin ang tahol ni XRae! Hindi ba sya natutuwa sa pagkanta ko?

"Akin ka na lang! Iingatan ko ang puso mo! Akin ka na lang!"

Biglang bumukas yung pinto sa kwarto ni Xylan. Muntik na akong atakihin sa puso! Si Xylan lang pala.

"Hoy! Kayong dalawa! Tigil nyo ang pagtahol dyan! Kung ayaw nyo matulog, magpatulog kayo!"

"Ako natahol? Kumakanta ako!"

"Kaya nga eh, hindi pagkanta tawag dun."

"Bwiset na ito!" Babatukan ko sana sya, kaso pinagsarhan nya ako ng pinto. Naku, nagsisi ako at dito ako natulog dito sa bahay nila!

Tumigil na ako sa pagkanta. Bumalik nanaman yung takot ko. Wala pang ilang minuto, bumukas nanaman yung pinto.

"Pasok na. Matulog ka na."

"Ayoko nga! Diba sabi mo di ka matutulog kasama si X-Rae?"

"Pwede mo na syang isama."

"Ayoko pa rin! Isa lang ang kama dyan! Hindi ako matutulog sa iisang kama ng kasama ka!! Dito na lang ako sa labas!"

Hindi na umimik si Xylan at bigla nya akong binuhat!

"Hoy! Ibaba mo nga ako!" Pinagpapadyak ko yung paa ko kaso ayaw nya talaga akong ibaba. Hinagis nya ako sa kama at humiga na din sya. Nasa dulong dulo na sya ng kama at nakatalikod sa akin.

"Matulog ka na ha.." Tapos, nagtakip sya ng kumot. Mukhang may lagnat pa sya dahil nilalamig pa din sya.

Tumalikod na lang ako sa kanya. Weird talaga ng taong ito. Nakakainis. Hay, ako naman ang nilalamig ngayon. Kaso mukhang di kami kasya sa kumot kaya nagtiis na lang ako.

Maya-maya pagharap ko tamang tama na humarap din sya.

"Linalamig ka no?"

"Ha? Hindi..Okay lang ako dito..Kaya matu-"

Lumapit sya sa akin at yumakap sya. Hindi ko malaman ang gagawin ko! Pumalag ako pero ang higpit ng yakap nya sa akin.

"Okay lang sabi ako!"

"Manahimik ka na dyan at matulog na."

Ngayon, hati na kami sa kumot. Hindi na ako giniginaw pero naiilang parin ako sa pagkakayakap sa akin ni Xylan.

Habang nakayakap sa akin si Xylan, nasa gitna naman namin si X-Rae! Nakakahinga pa kaya sya sa sobrang higpit ng yakap sa akin ni Xylan?

Hindi ako makatulog kaya magdamag akong nakatulala lang at nakatingin sa natutulog na Xylan.

-0-0-0-

Pagising ko, umaga na. Hindi ko akalaing makakatulog pala ako. Wala na si Xylan sa tabi ko at pati na rin...SI X-RAE!

Nagpanic agad ako! Baka kung anong ginawa ni Xylan dun! Baka binenta nya! Baka inihaw nya! Baka..Baka..

Napatingin ako sa mesa at nakita kong mahimbing na natutulog si X-Rae sa isang basket na may kasamang maliit na kumot at unan. Hmmm..Sino kaya nagayos nito? Imposible naman si Xylan..Siguro si Manang Flor..

Lumabas na ako ng kwarto para hanapin si Xylan ng makasalubong ko si Manang Flor.

"Salamat po sa paggawa ng higaan ni X-Rae!"

"Ha? Hindi po ako ang gumawa nun.."

"Si Xylan po ang gumawa nun kaninang madaling araw.."

-0-0-0-

Aba, ano kaya nakain ni Xylan at ganito naman sya bigla?

"Asan po sya?"

"Pumasok sa school. Hindi ka na pinagising kasi napuyat ka daw kagabi sa pagaalaga sa kanya."

Hay, eto nanaman tayo...

ABSENT NANAMAN AKO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

-0-0-0-

Hay, ano pa ba magagawa ko? Edi maghintay na lang dito. Pumasok muna ako sa kwarto ni Xylan at umupo sa kama. Maya-maya nabored ako at naisip kong silipin uli yung sketchpad ni Xylan.

Puro parin sketches ni Diana. Medyo pumanget na ang itsura nito dahil nabasa nga ng ulan kagabi. Siguro nga, ibibigay nya ito kay Diana kaso hindi nya na ito naabutan. Nung ibabalik ko na yung sketchpad, may nakita pa akong mas bagong sketchpad. Bubuksan ko sana ito ng pumasok si Manang Flor.

"Naghanda ako ng tanghalian para sayo, pinagbilin ni Xylan na pakainin daw kita."

Sumunod na ako kay Manang Flor at umakyat na kami patungong dining room.

"Okay lang po ba na kumain ako dito? Baka magalit ang Papa ni Xylan.."

"Okay lang yan. Wala naman ang buong maganak ngayon."

"Ganun po ba..Sige, salamat po." Umupo ako sa upuan at nagsimula ng kumain.

Habang kumakain, nakipagkwentuhan ako kay Manang Flor.

"Ilang taon na po kayo nagtratrabaho dito?"

"Matagal-tagal na din..Simula ng tumira dito si Xylan at ang kapatid nyang si Xyrene."

"Ah ganun po ba.."

"Kaibigan ko kasi ang mama ni Xylan..Pareho kaming katulong noon sa bahay ng mga De Jesus."

"Yung mama nya po? Kaya pala.."

"Alam mo, mabait yun si Lani. Nakakalungkot lang ang kanyang naging kapalaran..Sana hindi matulad ang anak nya sa mapait na sinapit nya.."

Ano kaya yung tinutukoy ni Manang Flor.

"Bakit? Ano po ba yun?"

Sasagutin na sana ni Manang Flor ang tanong ko ng biglang naalala ko si X-Rae! Hindi pa pala sya kumakain! Lagot na!

"teka lang po! Si X-Rae! Naalala ko, naiwan ko sa kwarto!" Tumakbo agad ako pababa ng Servant's Quarter at papunta sa kwarto ni Xylan.

PATAY!

Lumantad sa akin ang mga punit-punit ng piraso ng sketchpad ni Xylan! Nakita kong kagat-kagat ni XRae ang last page ng sketchpad na sketch pa ni Diana ang nakalagay. Bakit sa lahat pa ng ngangatngatin mo X-Rae, yun pang sketchpad ni Xylan! Paano ako mageexplain sa kanya nito?

"Akin na yan X-Rae! Kailangan may matira man lang sa pinakamamahal na Sketchpad ni Xylan! Please lang!"

Hinila ko kay X-Rae yung natitirang page ng sketchpad pero para bang ang laki ng galit nya dun sa kapiraso ng papel na yun na ayaw nyang bitawan.

Linakasan ko ang hila ko at....

Patay. Punit ang sketch ni Diana. Yung bandang leeg, nasa bibig ni X-Rae habang ang kabilang dulo na ulo naman ni Diana ang nakasketch, ay hawak ko. Patay talaga ako kay Xylan nito.

-0-0-0-

Tinapon ko na sa basurahan lahat ng piraso ng papel ng sketchpad ni Xylan. Kung sana inintindi ko muna ang sikmura ni X-Rae at hindi ang sikmura ko, sana buo pa ang sketchpad ngayon. Tinira ko yung sketch ni Diana na nahati sa dalawa. Hinintay kong dumating si Xylan. At makalipas ang ilang oras, dumating na sya. Umakyat ako papuntang sala para salubungin sya. Inabot ko yung dalawang piraso ng papel at nakayuko kong sinabi kay Xylan,

"Patawarin mo ako. Di sinasadya ni X-Rae ngatngatin yung sketchpad mo. Sorry talaga."

Inantay ko ang magiging reaksyon ni Xylan. Kinuha nya yung kapiraso ng papel at sinabing..

"Sinasabi ko na nga ba, magiging sakit lang ng ulo yang asong yan..."

"But anyway, forget it..Mga simpleng sketch LANG naman ni Diana ang andyan..Wala na tayong magagawa, napunit na."

nga pala, kaya 'akin ka na lang' yung kinanta ni Denise, eh yun yung kinanta nila sa KTV room. At diba, parang akin ka na lang xylan! wag ka na kay diana! parang ganun? parinig effect. hehe. ;D

Ano? Tama ba ang narinig ko? 'sketch LANG ni Diana'?

Bumaba si Xylan papunta sa kwarto nya. Sumunod ako sa kanya. Nagtataka parin kasi ako sa kakaibang reaksyon nya.

"Promise? Hindi ka galit?"

"Kailangan ko bang ulitin ang sinabi ko?" Kumuha si Xylan ng t-shirt at maong na pantalon mula sa closet nya.

"Hindi..Pero..Wala lang....Kakaiba lang talaga ang reaksyon mo.."

Lumapit si Xylan sa table nya at kinuha yung sketchpad na dapat ay titignan ko kanina.

"Pasalamat ka at hindi ito ang ginalaw ng magaling mong alaga. Kung hindi, ewan ko na lang kung anong nagawa ko diyan."

"Ah..Bakit? Ano bang laman nyan?"

Binuksan nya ang isang page nung sketchpad. Aba, mas magagandang sketches ni Diana! Mas maganda compared sa laman ng nasirang sketchpad ni Xylan!

Hay, akala ko, nalimutan nya na si Diana. Yun, pala..Drafts lang ang nasira ni X-Rae. Ewan ko ba kasi dito kay X-Rae at napagtripan pa ang sketch ni Diana!

"O ano? Panonoorin mo ba ako habang nagbibihis? Lumabas ka na diyan."

"Sorry ha? Malay ko ba!" Padabog akong lumabas ng kwarto. Makalipas ang ilang minuto, lumabas na si Xylan mula sa kwarto.

"Umuwi ka muna sa inyo. Tapos pupuntahan ka nila Brix dun. Papabakunahan niyo yang si X-Rae. Delikado kasi baka may rabies yan."

"Talaga? Yehey! Nga pala, salamat sa paggawa ng kama ni X-Rae! Kita mo na, magugustuhan mo din pala sya!"

Tahimik lang si Xylan habang paakyat kami sa sala.

"Dahil magkasundo na kayo, mula ngayon, tayo ng dalawa ang may-ari ng asong ito!"

"Hoy, sumosobra ka na..Ayoko nga.."

"Dali na! Ngayong week na ito, akin muna si X-Rae tapos next week, ikaw naman! Tapos tuwing sunday, sabay natin syang ipapasyal! Para malaman nya yung mga lugar dito! Para di sya maligaw!"

"Hindi ba't ikaw ang nangangailangan nun? Ikaw ang laging naliligaw diba?"

PAK!

"Basta sumunod ka na lang pwede?"

"Nga pala, bakit hindi ka sasama? May gagawin ka ba?"

"May trabaho ako kapag gabi..Baka sumunod na lang ako.."

Onga. Naalala ko nga palang may trabaho si Xylan tuwing gabi. Ilang araw na din syang absent.

"Lika, hahatid na kita sa inyo."

"Ha? Wag na.."

Hinawakan na ni Xylan ang kamay ko at hinila ako palabas ng bahay nila. Itong si Xylan, mapilit din sa mga gusto nyang gawin no?

Nung nasa tapat na kami ng bahay ko. Nagpaalam na si Xylan. At umalis na. Pumasok na ako sa loob at sinalubong ako nila Kuya.

"Saan mo naman nakuha ang asong yan? Bigay ng boyfriend mo?"

"Hindi. At ilang beses ko bang dapat sabihin na wala akong boyfriend?"

"Pero gusto mo sya maging boyfriend diba?"

EWAN!

-0-0-0-[...................]

Galing na kaming pet clinic nila Brix. Kawawa nga si X-Rae, takot sa injection. Naisip namin na ipasyal muna si X-Rae sa park dahil maaga pa naman. Nagtataka ako dahil kanina pa kakaiba ang kilos nila Mikee,Jojo at Alfred. Lalo na si Brix.

"Uy, aalis na kami ha?"

"Ako din! Aalis na! Magagalit na Mama ko!"

"Masarap daw ang ulam ngayon! Kailangan ko umabot kundi, mauubusan ako."

"Ha? O, sige. Kami na lang ni Brix ang pupunta sa park. Ingat ha? Salamat sa pagsama sa akin!"

Umalis na agad sila at sabay kami ni Brix na pumunta sa park. Hindi lang si Brix ang kakaiba ang kinikilos ngayon. Kundi pati na din si X-Rae. Mukhang di sya komportableng kasama si Brix. Pero hindi naman mukhang bothered si Brix at bumili pa sya ng softdrinks at chichiria para sa aming dalawa. Umupo kami sa may gilid ng fountain. Yung fountain kung saan nabasa kaming pareho ni Xylan.

"Denise, may itatanong sana ako. Pero wag ka sana magagalit o magiisip ng kung ano?"

"Well, depende sa tanong mo.."

"Kamusta naman kayo ni Xylan kagabi? Inalagaan mo ba syang mabuti?"

Sus, yun lang pala ang itatanong. Ano naman ikagagalit ko dun?

"Ayos naman. Pasaway nga lang. Ang tigas ng ulo kahit may sakit na! Naks!! Concerned sa friend ha!"

"Saan ka natulog? Magkatabi ba kayo?"

"Galing ah! Paano mo nalaman?" Nagulat ata si Brix sa casual na reaction ko at muntik nya ng maibuga yung softdrinks na iniinom nya.

"Ha ganun?! Wala ba syang sinabi o inamin sayo?"

"Sinabing ano? Hindi kita maintindihan." tinapon ko sa malapit na basurahan yung plastic ng softdrinks.

"Ah. Wala. Kalimutan mo na lang yung tanong ko. Ibahin na lang natin yung pinaguusapan natin. Uh..May nanliligaw ba sayo ngayon?"

Napatawa naman ako sa tanong nya. Kay Denise Buendia, may manliligaw?

"Wala! Haha! Nakakainsulto yang tanong mo ha! Joke!" Naalala ko si Diana na sobrang daming manliligaw nung schoolmate ko pa sya.

"Siguro kay Diana, pwede pa. Sa ganda ba naman nya! Ang dami tuloy nagmamahal sa kanya! At isa na dun si Xylan..Swerte nya no? Minsan, hindi mo rin mapipigilang mainggit eh no?"

"Hindi ka dapat mainggit..Mas maswerte ka.." Biglang naging seryoso ang mukha ni Brix. Anong maswerte ang sinasabi nya? Hindi ko ata sya maintindihan?

"Huh? Hindi kita magets?"

"Kung tutuusin nga, I find you prettier than Diana.."

"Haha! Bolero ka din minsan no!"

"Tama ka. Alot of people loves Diana coz she's beautiful."

"But you're the exact opposite.."

Aray! Sakit naman magsalita nito! Parang sinabing napakapanget ko! Alam ko naman yun! Hindi nya na dapat sabihin pa!

"A lot of people find you beautiful..Coz they love you.."

HUWAT?! Teka lang ha, lalim ata nun Brix. Diba kapareho lang yun nung sinabi mo kanina? Hindi ko maintindihan.

'Grrrrrrr Grrrrrrrr'

Naku, kanina pa sinusumpong itong si X-Rae ha! Bakit ba sya ganyan kay Brix? Hindi naman sya inaano nung tao!

"Behave X-Rae! Ang kulit mo ah!"

"Hayaan mo na sya Denise..Balik na tayo sa pinaguusapan natin..Uhmmm..Denise..May itatanong sana ako.."

"Naku, ano nanaman yang tanong na yan?"

Bago pa makapagsalita si Brix, napasigaw na sya dahil kinagat ni X-rae yung dulo ng sleeves nya!

"X-Rae! Stop it! Ano ka ba!"

Dahil ayaw bumitaw ni X-Rae kay Brix, naout of balance si Brix at bumagsak sa fountain. Napahawak sya sa dulo ng shirt ko kaya pati ako ay nahulog na din sa fountain.

Langyang aso ito! Bumitaw nung nahulog na si Brix sa fountain! Ayan tuloy! Sya lang ang hindi basa ngayon!

Nagkatitigan kami ni Brix at maya-maya sabay kaming tumawa ng malakas.

"Haha! Ang kulit ng aso mo no? Basa na tuloy taong pareho!"

"Onga! Hahaha!"

"Excuse me, baka nakakaistorbo ako sa pagsasaya nyo dyan dalawa. Ako na ang maguuwi dito kay XRae dahil mukhang may ibang inaasikaso ang amo nya ngayon."

"XYLAN?" Oo nga pala, sabi nya susunod sya pagkagaling nya sa trabaho!

Umahon agad kaming dalawa ni Brix mula sa fountain. Si X-Rae naman lumundag papunta kay Xylan at binuhat sya ni Xylan.

"Pasensya na, ang kulit kasi ni X-Rae kaya ayan, nahulog kami ni Brix sa fountain."

"At sisihin mo pa yung aso? Ganun?"

"Teka, bakit ba ang sungit mo? Ako ang nakatoka na maguuwi kay X-Rae ngayon kaya akin na sya!"

"Wag na, dyan na lang kayong dalawa."

Hindi umimik si Xylan at tumalikod na sya sa amin at lumakad palayo.

"Bakit nga ba Xylan? Sabihin mo nga, nagseselos ka ba?"

Lumingon si Xylan. Mukhang nagulat sya sa sinabi ni Brix. Ano ba kasing sinasabi nitong si Brix. Saan magseselos si Xylan? Hanlabo naman!

"Huh?"

"Alam mo naman na may pagtingin ako kay Denise at may balak akong ligawan sya diba? Nagseselos ka ba dahil kami lang ni Denise ang magkasama ngayon?"

HUWAT?! Pagtingin? Ano? May pagtingin sya sa akin? Ligaw? ANO?

"Pakialam ko sa nararamdaman mo sa kanya. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa kanya. Ligawan mo sya kung gusto mo. Wala akong pakialam."

Onga naman, ano nga bang pakialam ni Xylan sa akin diba?

Tumalikod na ulit si Xylan sa amin.

"Ako nagseselos?"

"Ewan ko. Hindi ko din alam kung ano talagang nararamdaman ko eh."

-0-0-0-

"Ay, on second thought. Hindi. Hindi ako nagseselos. Ayoko kay Denise. Kaya wag mo na syang ipagpilitan sa akin."

Ayoko Kay Denise.

Sobra na sya. Ilang beses nya ba dapat ulit-ulitin yun?

"Alam ko yun. Hindi mo na dapat ulit ulitin. Sana maging sensitibo ka naman kahit minsan Xylan. Maging sensitibo ka naman sa nararamdaman ko!"

PAK!

Hindi batok yun. Sinuntok ko ng malakas si Xylan. Tumilapon sya sa sahig. Hindi lang sya ang nagulat sa ginawa ko kundi maging si Brix. Pagkatapos nun, tumakbo na ako paalis ng park. Nagsisimula nanaman

akong umiyak. Pagod na pagod na ako umiyak. Pagod na ako masaktan. Mas gusto ko po yung nasasaktan ako tuwing mapapaaway ako. Ayoko ng ganitong klaseng sakit. Sumusuko na ako.

Maybe I should forget Xylan....

and..

Give Brix a chance...

-0-0-0-0-

Nakalipas na din ang tatlong buwan. Malapit na magchristmas vacation! Si Brix, heto naghihintay kung kailan ko sya papayagan manligaw. Actually, hindi ko pa talaga alam. Hindi ko parin magawang limutin si Xylan. Paano ba naman, lagi kami magkasama araw-araw. Pero hindi nga lang katulad ng dati. Tropa parin kami pero hindi na kami nagpapansinan. Si X-Rae na lang ang tanging dahilan kung bakit nagsasama kami tuwing sunday. Ang weird nga naming tignan. Kapag pinapasyal namin si X-Rae, may dalawang tali na nakakabit sa collar ni X-Rae. Hawak ni Xylan ang isa, habang hawak ko naman yung isa. Never kaming nagusap. Maging sila Kuya naweweirduhan sa Sunday routine namin na yun. Pero mabuti na yun para walang gulo.

Last day na namin bago mag christmas vacation. Nakakapagtaka dahil absent si Xylan. Ayoko syempreng tanungin kung nasan sya. Pero tinanong ni Mr. De Guzman kila Brix kung asan sya.

"Asan si Mr. De Jesus?"

"Hindi po namin alam. Alam kasi namin, dumating na yung Papa nya galing sa bakasyon."

Nung narinig ko yun, bigla akong kinutuban ako ng masama. Ewan ko kung bakit pero hindi ko na ito masyadong pinansin hanggang uwian.

Paguwi ko sa amin hulaan nyo kung sino nakasalubong ko.

Si X-Rae!

Lumundag si X-Rae papunta sa akin. Sinalo ko sya.

"Bakit? Anong problema? Dun kay kay Xylan ngayon. Ako na nakatoka sayo last week diba?"

Bumatok lang ng bumatok si X-Rae. Grabe, sana naiintindihan ko sya. Tumalon sya pababa sa lupa at para bang gusto nya, ay sundan ko sya.

Maya-maya nasa Alcantara St. Na kami. Aba, dinala nya ako sa bahay ni Xylan. Ano bang problema? Lalong lumakas ang pagbatok ni X-Rae. Para bang gusto nyang pumasok ako sa bahay nila Xylan.

"Gusto mo ako pumasok dyan?"

Tamang-tama nakita ko si Manang Flor sa may gate nila.Nung nakita nya ako, agad nya ako pinagbuksan.

"Miss Denise! Pakiusap! Papatayin ata sa sobrang galit ni Don Roman si Xylan! Puntahan mo sya sa kwarto nya!"

Tumakbo agad ako papasok ng bahay. Nagcoconflict ang pride ko at pagaalala ko kay Xylan pero syempre, nanaig ang nararamdaman ko para kay Xylan.

Pagdating ko sa harap ng kwaro ni Xylan, nakalock ito. May naririnig akong mga kalabog at sigaw.

"Hindi ka na nahiya! Gumawa ka pa ng gulo nung debut ni Diana! Ano na lang sasabihin ng mga magulang nya sa akin ha? Nagpapalaki ako ng isang basagulero?"

Sinabi ko na nga ba, pag umuwi ang papa ni Xylan, paniguradong pagagalitan sya nito dahil dun sa insidente nung debut ni Diana.

Well, walang mangyayari kung tatayo ako dito. Bahala na, eto na ang desperate move ko.

PAK!

Sinipa ko yung pintuan, medyo sumakit yung paa ko dun. Pero hindi umubra. Sinuntok ko na lang ito. Sinuntok ko ng ilang ulit hanggang sa bumigay

CRASH!

Bumagsak na yung pintuan. Tumambad sa akin ang bugbog sarado na si Xylan at ang nakakalat na mga piraso ng sketchpad nya sa kwarto. Nandilim na ang paningin ko, sinugod ko yung papa ni Xylan. Lumundag ako papunta sa likod nya para pigilan sya. Nakayakap ako sa leeg nya. Masyado syang malaki para maabot ko kaya ganun ang naisip kong paraan.

"BAKIT MO GINAWA YUN?!"

"Wag kang makialam dito! Sino ka ba?" Hinawakan nya ang isang kamay ko at sa isang hila lang, naihagis nya ako at tumilapon ako. Sa sobrang lakas ng pagkakahagis nya, tumama ako sa pader. Ang sakit nun ah!

"Wag mong saktan si Denise!"

Sumugod si Xylan. Pagtalon nya kay Don Roman, bumagsak ito at saka nya pinaulanan ng suntok. Natakot ako na baka mapatay nya ito kaya pinigilan ko sya.

"Tama na Xylan! Tama na!" Saka lang tumigil si Xylan. Tumayo agad si Don Roman at lumayo kay Xylan.

"Magbalot-balot ka na! Palalayasin na kita dito! Kung hindi, ipapapulis kita!" At umalis na sya ng kwarto.

"Denise, okay ka lang? May masakit ba? Tara, dadalhin kita sa doktor."

"Hindi ba't dapat ako ang nagtatanong nyan sayo? Mukhang nasaktan ka, lika papagamot natin yan."

Hinawakan ko ang kamay nya pero bumitaw sya at tumayo.

Napatingin ako sa remains nung sketchpad nya. Natira na lang ay yung last two pages. Yung isang page, punit na ang kalahati ng sketch ni Diana. Napansin ko tuloy yung last page. Yung last page ang tanging hindi nagalaw. Pagflip ko,

Teka, ako ito ah?

-0-0-0-

Napansin ko din, na compared sa mga sketches ni Diana. Yung akin lang ang kumpleto at fully detailed.

Lumingon si Xylan sa akin. Nakita nyang hawak-hawak ko ang sketchpad nya.

"Kung gusto mo ng isang magandang sketch, kailangan ibigay mo ang buong puso mo sa paggawa nito. Kung hindi buo ang loob mo at marami kang pagaalinlangan, hindi mo ito matatapos at hindi maganda ang kalalabasan nito."

"Pero alam mo, hindi ko binigay ang buong puso ko sa sketch na yan." Weh? Sa sobrang ganda nito, hindi mo pa binibigay ang buong puso mo sa lagay na yun?

"Dahil ang gusto ko, " Hinawakan nya ang kamay ko at nilagay ito sa dibdib nya.

"Ibigay ito mismo sa taong nasa sketch na yan.." Ano? Teka, so bale, ibibigay nya sa akin ang puso nya? Huwat?!

"Pasensya ka na sa akin noon. Nagalinlangan ako sa nararamdaman ko. Akala ko, hindi ko na kayang umibig pa kahit kanino maliban kay Diana." Puwes, madaming namamatay sa maling akala!

"Denise The Menace ka talaga. Kahit anong pilit ko na isara ang pintuan ng puso ko, para kang makulit na bata na pilit parin na pumapasok dito." Aba, makulit na bata pa ako ngayon?

Nagulat ako ng bigla syang yumakap sakin at sinabing,

"Akala ko, matitiis kong malayo sayo dahil akala ko magiging mas masaya ka kay Brix."

Umalis ako sa pagkakayakap nya at,

PAK!

"Aray, bakit nanaman?"

"So feeling mo, sayo ako sasaya? Ganun ba yun? Aba, masyado kang nagfefeeling dyan ah!"

"Ha? Wala naman akong sina-"

"Pwes, patunayan mo." Ngumiti ako. Nagets nya na siguro yun. Ang ibig kong sabihin dun, patunayan nya ngang sa kanya ako sasaya. Manligaw muna sya. Ahihihi. ;)

-0-0-0-

Nanligaw nga sya. Inabot sya ng dalawang buwan. Napakilala ko na rin sya kilala Mama at Papa. Oo, umuwi si Papa nung pasko. Grabe, kabadong kabado nga sya nung pinakilala ko sya kay Papa. Paano ba naman, si Papa dala pa yung latigo nya nung mga oras na yun. Buti naman at boto silang lahat kay Xylan maliban kila Kuya. Well, okay naman talaga sya kila Kuya. Talagang madalas lang magkaroon ng tensyon sa pagitan ni Xylan at nila Kuya. Si Brix? Close friends na kami. Tanggap nya na yung sa amin ni Xylan. Okay na talaga ang lahat. Ilang buwan na lang, magcloclosing na. Hindi ko akalain na wala ako sa honor roll ngayon. Tapos si Xylan kasali? Nga pala, nalaman ng Tita Xandra ni Xylan yung pangyayari at dahil dun, pinatira nya muna si Xylan sa isang apartment. Yung dating trabaho ni Xylan na nakikipaglaban sya para magkapera, pinagbawalan ko na sya dun! Mahirap na kasi, baka mapahamak lang sya dahil dun. Si X-Rae, ayun okay naman. Makulit pa rin. Teka..Sunday pala ngayon! Ipapasyal namin si X-Rae! Muntik ko ng kalimutan! Kailangan ko ng magbihis!

Naligo muna ako at saka nagbihis. Sinuot ko na yung cap ko at bumaba agad. Nakita ko sila Kuya na kumakain ng almusal.

"Oh, may date nanaman kayo ni Xylan?"

"Di ka na nasanay sa kapatid mo, tuwing sunday pinapasyal niya yung aso nilang dalawa nung boyfriend nya!" Sabi naman ni Mama habang nagsasalin ng juice para kay Kuya.

"Buti pa yung boyfriend at yung aso, nakakasama ni Denise. Kaming mga Kuya nya, hindi nya na ipinapasyal.." Wooooo..Nagdrama ba daw?

"Magdrama ba daw? As if...Sige, sa ibang araw, tayo naman ang aalis!"

"Talaga? Libre mo ha!"

Sinabi ko na nga ba, kaya lang naman ako gusto makasama ng mga ito eh para may amnglibre sa kanila.

-0-0-0-

Pagdating ko sa park, nakaupo na si Xylan kasama ni X-Rae sa may fountain.

"Hay...Late ka nanaman.."

"Sorry na..Nalimutan ko kasing sunday ngayon."

"Nakalimutan mo rin siguro na monthsary natin ngayon?"

Waaaa! Oo nga pala! 1st monthsary namin, nakalimutan ko na agad! Magpapanggap na lang ako na alam ko. Hehe.

"Hindi no! Alam ko!"

"Not convincing. Hay, hopeless ka talaga. O, regalo ko sayo." Inabot sa akin ni Xylan ang isang kuwadradong bagay na nakawrap sa red na wrapper.

Wow, first monthsary palang, may regalo na agad!

"Buksan mo na.."

Para akong bata sa sobrang excited. Binuksan ko agad yung regalo nya at nakita ko...

SKETCH KO NANAMAN?! Nakalagay ito sa isang magandang frame. Pina-edit nya pa sa computer para lalong maganda ang kalabasan.

"O? Nagsasawa ka na ba sa mga sketch ko? Sige, akin na." Hinila nya sa akin yung frame.

"Ano ka ba, gustong gusto ko nga! Salamat ha! Buti hindi ka nagsasawang idrawing ang mukha ko.."

"Hindi. Kahit buong buhay kitang iguhit, okay lang."

Hmmm..May naisip tuloy ako!

"Hmmm...Mangako nga tayo sa isa't isa!"

"Ang corny mo ha..Nahawa ka na sa mama mong mahilig manood ng telenobela."

"Dali na kasi!" Ang hirap kumbinsihin ni Xylan sa mga bagay na tulad nito!

"Ayoko. Ibang bagay na lang. Baduy mo naman eh." Tumaliko si Xylan sa akin.

Hinawakan ko ang kamay nya at ipinatong ko ito sa sketch na regalo nya. Ganun din ako.

"Pinapangako ko ngayon sa sketch na ito na hinding hindi ko iiwan si Denise Buendia! O, ulitin mo yung sinabi ko!"

Humarap si Xylan sakin at sinabing,

"Denise naman! AYOKO NGA."

Sinakal ko si Xylan gamit ang mga braso ko. Pumapalag sya dahil sa higpit ng pagkakasakal ko.

"Ano? Hindi ka mangangako?" Pumapalag parin si Xylan. Pilit nyang tinatanggal ang mga braso ko sa leeg nya.

"Oo na! Oo na! Hindi ako makahinga!"

Binitawan ko na sya.

"Pinapangako ko ngayon sa sketch na ito na hinding hindi ko iiwan si Denise Buendia! O, masaya ka na?"

PAK!

"May kasama bang 'O, masaya ka na?' sa sinabi ko? Ulitin mo!"

"Naku! Pasalamat ka!"

"Pinapangako ko ngayon sa sketch na ito na hinding hindi ko iiwan si Denise Buendia!"

"Ganun din ako kay Xylan De Jesus! O edi tapos na?"

"Bakit ganun lang yung sayo?"

"Gusto ko eh!" Napatahimik ako.

"Gusto ko lang kasi na patunayan sayo na kaya kong tuparin ang pangako ko. Hindi tulad ni Di-"

"Ano ka ba Denise, wala na si Diana. Wag mo ng ungkatin yun pwede?" Naging seryoso ang mukha ni Xylan.

"And..some promises are made to be broken..Even if you did your best, there's some things in life that are inevitable which prevents you from keeping that promise."

"Ano naman yun?"

"Hmmmm...Wala ako maisip..Parang yung sa sitwasyon namin ni Diana..diba?"

"Naku, kung ako nasa sitwasyon nya, ipaglalaban kita no! Mamatay na lang ako kaysa ipakasal dun sa Kelvin Araneta na yun!"

Napaisip ulit si Xylan "Hmmm..Death?"

"Death ka dyan! Bata-bata pa natin! Ano ka ba?"

"Di mo din masasabi.."

PAK!

"Ewan ko sayo! Kung ano-ano pumapasok sa utak mo! Pero kung may mangyari mang ganun.."

"Hindi parin kita iiwan..and that's a promise.."

-0-0-0-

THE END?! Actually, eto ang alternate ending ko. I have a few more chapters instore for you. Kaso nga lang, baka manibago kayo dahil medyo seryoso na ang mga susunod na chapters. Just in case na you want to stick to this ending, you don't have to proceed. So eto na ang next chapter.. Kumabaga, season 2..Haha..pero maikli lang ito..At yung ending nito, yun talaga preferred na ending ko. Anyway, kung di nyo magustuhan..You can stick to this alternate ending! So eto na...

-0-0-0-

Pauwi na kami ni Xylan matapos ipasyal si X-Rae ng may marinig kaming pagsigaw mula sa looban malapit sa amin. Mukhang may isang babae na pinagtritripan ng mga tambay! Papayag ba kaming hindi makialam?

"Xylan! Narinig mo yun diba?"

"Oo, sigaw ng isang babae!"

"Tara, baka kailangan nya ang tulong natin!"

Tumakbo kami ni Xylan papasok ng looban. Tama nga ang hinala namin! Tatlo silang lalake! Yung babae, hinimatay ata dahil sa takot at nakadapa na sya sa lupa!

"Hoy mga bata, wag na kayong makialam dito!"

"Kung gusto namin makialam?"

"Wag ka na dumaldal dyan! Tara na!"

PAK!

Naghighkick ako dun sa pinakamalaki sa kanila. Pero nahawakan nya ang paa ko at hinagis ako. Sinalo naman ako ni Xylan at saka nya pinaulanan ng suntok yung humagis sa akin. Yung isa namang payat, hahampasin dapat ako ng kahoy pero naunahan ko sya sa pag suntok sa sikmura nya.

Isa na lang ang nakatayo, dahil wala na syang magagawa, hinila nya yung babaeng nakadapa sa sahig at tinutukan ito ng kutsilyo.

Teka, pamilyar ang babaeng ito ah...Medyo madilim kas sa looban nun kaya hindi namin sya makita masyado..

Teka..

"SI DIANA ITO AH?!"

-0-0-0-

Is it me or is it Xylan running faster than the speed of light to save Diana? Grabe, ang bilis nyang sumugod dun sa lalake, tapos hinawakan nya yung kutsilyong hawak nya! I mean, yung mismong kutsilyo! Hindi yung handle! Nakita kong may tumutulo ng dugo mula sa kanyang kamay nun!

"Manonood ka na lang ba? Kunin mo na si Diana!"

Sinipa ko yung lalake at sinalo ko si Diana. Nagaagawan parin sila sa kutsilyo nung lalake. At sa wakas, nahila din ni Xylan yung kutsilyo mula dun sa lalake at saka ito pinatulog sa isang suntok lang.

"Xylan? Okay ka lang?" Lumapit agad ako at tinignan yung kamay nya. ANg lalim ng sugat! Tuloy-tuloy pa din ito sa pagdugo pero sa halip, hindi nya ito pinansin at nilapitan agad si Diana.

"Si Diana! Tignan natin kung okay sya!" Binuhat nya si Diana. Wala parin itong malay kaya naisip na namin dalhin sa ospital.

-0-0-0-

Nagpaalam ako kay Kuya na sa ospital muna magpapalipas ng gabi. Ewan ko ba, pero ayokong iwan silang dalawa na magkasama dun. Kahit okay naman kami ni Diana, hindi ko mapigilang mainis sa pagbabalik nya. Over fatigue and stress lang daw ang dahilan kung bakit nawalan ng malay si Diana. Kailangan nya lang ng sapat na tulog at pagkain. Natulog lang ako sa sofa habang si Xylan, nakaupo lang sa tabi ni Diana.

Maya-maya parang narinig ko ang boses ni Diana. Nagising na ata sya. Nakinig lang ako sa pinaguusapan nila habang nagtutulog-tulugan lang ako.

"Xy-Xylan?"

"Diana! Ano? Okay ka na ba?"

"Xylan...Salamat sa pagligtas sa akin..Hindi ka ba nagagalit sa akin?"

"Ha? Bakit ako magagalit?"

"Dahil sa biglaang pagalis ko. Pasensya na, hindi ko lang-"

"Ano ka ba, wag mo na isipin yun. Bakit ka nga pala nandito? Diba, ikakasal na kayo ni Kelvin?"

"Hindi. Tumakas ako. Napagisip-isip ko, na mas mahalaga ang nararamdaman ko kaysa sa kagustuhan ng mga magulang ko. I'm back to keep my promise.."

Nung sinabi ni Diana yun, napamulat ang mata ko. Sumilip ako sa kanilang dalawa.

Nilagay ni Diana yung kamay nya sa mukha ni Xylan. Yayakapin nya dapat si Xylan ng biglang tumingin si Xylan sa direksyon ko. Pumikit ako bigla at napatingin din si Diana sa akin.

"Andito sya?"

"Oo, tinulungan nya akong iligtas ka.."

"Naks, bestfriend mo parin sya.." Bestfriends? FYI, GIRLFRIEND OKAY? Sabihin mo yun Xylan! Sabihin mong girlfriend mo ako!

"Ah..Diana..Kasi.."

"Xylan, pwede bang sa inyo muna ako tumira? Paano kasi, mahirap na kung sa hotel ako titira, baka matrack down ako ng parents ko.."

"ANO?!" Nahulog ako sa sofa. Ang sakit nun ah! Flat ako dun sa floor! Sakit talaga! Teka, titira kila Xylan? Silang dalawa lang?

"Denise?"

"Ah! Haha! Nanaginip kasi ako! Pasensya na! Hindi ako nakikinig sa usapan nyo ha!"

"Uy Denise, salamat nga pala sa pagligtas sa akin ha..Thanks talaga..Nga pala, ano? Pwede ba akong tumira muna sa inyo?"

"Ah kasi..Pinalayas na ako ni Papa..Kaya sa apartment na lang ako nakatira..Magisa.."

"Mas okay yun! Ano? Please..It would be just a few weeks lang naman.."

WEEKS?!

"Please Xylan..I don't want to go back there..Ayokong ikasal kay Kelvin.."

"Sige, sige."

Ano ba yan! Konting drama lang, bumigay na agad.

'Ahem'

"Bakit? Ano yun Denise?" Napatingin sa akin si Xylan.

"Baka kasi nagugutom si Diana. Tara at ibili natin sya ng makakain.."

"Ay..Pwedeng ikaw na lang Denise? Kasi, marami kaming paguusapan ni Xylan.."

"Ay, marami rin kaming paguusapan! Kaya-"

"Sige, Denise..Kaw na lang..Okay?"

"Saglit lang naman!" Tumaas na tuloy ang boses ko. Kabadtrip na kasi.

"Okay. Okay. Tara. Saglit lang ako Diana..Babalik din ako agad." Di naman yan mawawala dyan sa kwarto! Lilipad ba yan?

Hinila ko agad si Xylan palabas ng kwarto.

"Ano itong titira si Diana sa inyo? Pumayag ka agad ng hindi man lang tinatanong kung anong desisyon ko!"

"Teka, hindi naman sya sa inyo titira diba? Sa amin sya titira. Kaya anong problema mo?"

"HELLO?! Si Diana lang naman ang taong MAHAL na MAHAL mo dati? What do you expect me to feel? Maganda,matalino at mabait. Alam ang lahat tungkol sayo. Mahigit limang taon mo ng kilala. Alam kung ano ang gagawin kapag nalasing ka. Alam ang vital statistics mo. Ang paborito mong kulay-"

Niyakap ako bigla ni Xylan. Natahimik ako dun ah.

"Ah..Nagseselos ka pala..Pasensya na..Wala ka namang dapat ipagselos..Si Diana LANG yun.."

"At ikaw si Denise..My girlfriend..So trust me..Okay?"

"Okay. Whatever. Pero may napansin ako ah.."

"Ano yun?"

"Hindi mo sinabi kay Diana na ako ang girlfriend mo! Sabihin mo kaya!"

"Hindi na! Bakit pa? Medyo problemado ngayon yung tao. Wag na natin dagdagan pa ang mga pasanin nya."

"Can't you understand? She's still expecting SOMETHING from you! Kung di natin sasabihin, baka magexpect pa sya ng kung ano sayo!"

"Expect something? Ano ka ba, naalala mo yung incident sa hotel? Wala syang nararamdaman para sa akin! Ano pang prinoproblema mo?" Ang labo nya din eh no. Kung ganun pala, bakit ayaw nya pa sabihin?

"Di mo masasabi. Malay mo, ayaw nya lang aminin diba?" Malakas talaga ang hinala ko na may pagtingin din kasi si Diana kay Xylan.

"Pero.."

"Okay, ganito na lang. Sige, patagalin muna natin. Pag okay na sya, saka natin aaminin. So for the meantime,"

"Titira muna ako sa apartment nyo."

-0-0-0-

Madali kong napapayag si Mama na tumira muna kila Xylan. Naintindihan naman nila ang sitwasyon ko at may tiwala sila sa akin. Dadalawin daw ako nila Kuya minsan. Mga sigurista talaga mga kuya ko. Haha.

Dahil ayos na ang kondisyon ni Diana, nailabas na namin sya sa ospital. Dinala namin sya bahay nila Xylan. Grabe, hindi talaga ako komportable na makasama sya.

Kitang kita sa reaksyon ng mukha nya na ayaw nya sa environment ng apartment ni Xylan. Neat naman at maayos. Maliit nga lang.

Naku, ito naman si X-Rae! Walang tigil sa pagtahol! Parang nung kasama ko si Brix dati. Namimili talaga ito ng kakaibiganin eh no?

"Awww...Ang cute naman ng aso na ito!" Hahawakan dapat ni Diana ang ulo ni X-Rae ng biglang binuka ang bibig nya na parang kakagatin si Diana. Buti nakaiwas agad ang kamay ni Diana.

"My God, bakit sya ganyan?"

"Pasensya na, namimili kasi itong si X-Rae.."

"Teka...You're staying here too?" Nakita kasi ni Diana ang mga bagaheng dala-dala ko nun.

"Yup." Chance na ito! Sasabihin kong boyfriend ko si Xylan!

Biglang sumingit si Xylan.

"Diana, si Denise muna magaasikaso sayo habang nagtratrabaho ako sa gabi." Ah. Okay, ako ang dakilang katulong ng bahay na ito. Ganun?

"Pero kaya ko-"

"Hayaan mo na. Bestfriend ko naman si Denise diba? At friends naman kayo kaya magkakasundo naman siguro kayo dito." Wow, balik ako sa dati kong posisyon ah! Bestfriend na lang ulit ako?

Medyo kumunot ang noo ni Diana nung narinig nya yun. Halatang ayaw nya na andito ako.

"Well, okay. So, saan ako matutulog?"

"Dito ka muna sa kwarto ko. Isa lang kama dito. Bale ako sa sofa at si Denise ay sa..."

"Lapag?!"

"Pwede rin. Di bale, may banig ako dito at-" Aba't papayag nga na sa lapag lang ako matutulog?

"No thanks. May tent akong dala dito. Sa labas ako matutulog."

"TENT?!" Oo, tent nga. Syempre, alangan naman magtabi kami ni Xylan. O kaya kami ni Diana ang magtabi?

"Kaya pala ang dami mong dala.."

"Sige, maiwan ko na kayo dyan. Aayusin ko pa yung tent ko sa labas."

Lumabas ako ng apartment ni Xylan ng padabog. Di naman siguro magrereklamo ang ibang nakatira dito kung maglagay ako ng tent diba?

Habang inaayos ko yung tent ko, hindi ako mapalagay. Naiinis talaga ako sa pagdating ni Diana. Sa totoo lang. Pero wala naman syang ginagawang below the belt kaya wala pa naman akong karapatan magwala.

"Aray!" Bwiset talaga! Kakaisip ko ng kung ano-ano, nasugatan tuloy ako nung pole nung tent. Nakakabadtrip naman!

Matapos ang isang oras, natapos ko din yung tent. Nilagay ko na yung unan ko at ibang gamit sa loob. Pumasok muna ako sa loob at humiga. Maya-maya, may parating. Si Xylan!

"Tulog na si Diana. Gusto mo kumain? Nagluto kasi ako ng noodles."

Sheesh. Di na nakapagtataka kung payat si Xylan. Puro noodles ang kinakain. Palibhasa, di marunong magluto. Kawawa naman.

Pagpasok namin sa loob, napansin nya yung sugat sa kamay ko.

"O? Napano yan?"

"Nasugatan ako kanina habang gumagawa ng tent. Wala ito. Maliit lang ito."

"Ano ka? Maliit ka dyan! Tara, gagamutin ko muna yan." Kumuha ng gamot si Xylan sa closet nya at nilagyan nya ang sugat ko.

"Aray!"

"Kita mo na, maliit pero masakit. Ano ka ba naman kasi, sana sa akin mo na lang pinagawa yan."

"Busy ka kay Diana diba? Ayoko ng istorbohin ka pa."

"Ayan ka nanaman Denise ha! Wag mo na kasi pagselosan yun.." Hinipan nya yung sugat ko.

"O, ayan. Pinagluto pa kita. Si Diana ba, pinagluto ko? Kumain ka na."

"Kasi, ako ang magluluto para kay Diana mamaya! Diba ganun yun? Masakit yung kamay ko. Subuan mo na lang ako."

"Ano?!"

"Hindi na lang ako kakain. Hayaan mo na lang ako mamatay sa gutom. Mas maganda yun."

Haha. Ayos ang drama ko. Hindi ako natiis ni Xylan. Kinuha nya yung tinidor at inumpisahan nya na akong subuan.

"O ayan na. Kumain ka na." Kinain ko yung binigay nya. Haha. Ang kyut naman ng ganito! Naalala ko, nung sinusubuan ko naman sya sa Japanese Restaurant dati.

"Xylan? Denise?" Patay. Nahuli na kami.

-0-0-0-

Biglang binitawan ni Xylan yung tinidor. "Sabi ko sayo Denise, kaw na lang magsubo sa sarili mo. Di naman masyadong malala yang sugat mo sa kamay!"

"May sugat si Denise? Sige, ako na lang magsusubo sayo. Xylan, diba may trabaho ka?"

"Oo nga pala. Hapon na. Sige, aalis na ako. Magpapadeliver na lang ako ng-"

"Hindi na kailangan! Ako ang magluluto!"

"Marunong ka?" Aba, sabay pa sila.

"Oo naman! Kaya wag kayo magalala! Kaw Xylan, magtrabaho ka na. Tapos ikaw Diana, magrelax ka lang dyan. Feel at home okay?"

Umoo naman sila. Si Xylan, umalis na. Si Diana, bumalik sa kwarto. Kaya sinumulan ko na ang pagluto. Naku, sa sarap ng luto ko, ewan ko na lang kung hindi nila malimutan ang mga pangalan nila. Naalala ko sila Kuya, sa sobrang sarap ng luto ko, ang dami nilang tinira. Tinitipid daw nila para kinabukasan. Kaso, napanis nga lang. Nakakapagtaka lang dahil hindi na nila ako pinagluto ulit.

Nilaga ang naisip kong lutuin. Nagsaing na din ako. Buti na lang, namalengke ako bago pumunta dito. Alam ko naman hindi ako magsusurvive ng noodles lang ang kinakain.

Makalipas ang ilang oras, natapos din ang niluluto ko at nagpahinga ako saglit. Maya-maya dumating na si Xylan. Ako sana ang magbubukas ng pintuan kaso inunahan ako ni Diana.

"Ako na! Maghain ka na lang!" Wow, ayos. Ako talaga ang dakilang alalay sa bahay na ito.

Nagdabog ako papasok ng kusina at hinanda na yung nilaga ko.

Umupo si Xylan at tumabi si Diana sa kanya. Naku, nagpipigil lang ako dahil may pinagsamahan kami ni Diana. Grrrrrr!

Dahil mukhang gutom na yung dalawa, agad nilang tinikman yung nilaga ko. Tapos, parang hindi maipinta yung mukha nila.

-0-0-0-

-0-0-0-

Dahil mukhang gutom na yung dalawa, agad nilang tinikman yung nilaga ko. Tapos, parang hindi maipinta yung mukha nila.

"Sinigang ito diba?" Huh? Sinigang ka dyan?!

"Nilaga yan! Ano ka ba?"

"Bakit maasim?"

Tinikman ko yung luto ko. Oo nga no! Ano bang nailagay ko dito?

"Denise, next time, ako na lang magluluto. Xylan likes pork and not beef..Diba Xylan?"

Ngumiti lang si Xylan. Naku, sige! Ikaw na magluto! Para may magawa ka naman dito!

Mabilis na kumain si Diana. Diet daw sya. Naku, halata naman sa mukha nya na hindi nya nagustuhan ang luto ko. Buti pa si Xylan, naubos nya lahat. Isang patunay lang na talagang nagustuhan nya ang luto ko.

Habang naghuhugas ako ng pinggan, narinig ko si Xylan at Diana na naguusap.

"Hindi ako makatulog..Samahan mo muna ako sa kwarto..Pwede?"

Aba, hindi ka makatulog? Gusto mo ng storybook? Hindi kita babasahan, ihahampas ko lang sa ulo mo ng deretso tulog ka na agad!

"Ha..Ah..Sige.." Aba, magaling. Hindi man lang ako tinatanong kung payag ako o hindi.

Pagkatapos maghugas ng pinggan, andun lang ako sa labas ng kwarto ni Xylan at palakad-lakad dun. Hindi ako mapakali. Ano kaya pwede kong gawin para maistorbo sila?

"Xylan..Remember what I told you? I came back to keep my promises.."

"Ha? Yun..Kalimutan mo na yun..Ikakasal ka na diba?"

"Anong kalimutan? Bakit, kinalimutan mo na ba yun? Kaya nga hindi ako pumayag na magpakasal kay Kelvin diba?"

"Diana.."

"Xylan...I..."

Naku, hindi na ako makakapayag pa!

Pumasok ako at...

"DIANA!"

"Denise?!" Napatingin silang pareho sa akin.

"Gusto mong gatas? Narinig ko kasing hindi ka makatulog. Eto, dinalhan kita."

"Aw..How nice of you Denise..But next time, try to knock first ha?"

Linapag ko sa mesa yung gatas. Haha. Ayos timing ko. Alam ko na motibo mo Diana. Pero hindi kita mapapayagang gawin ang gusto mo.

"Sige, lalabas na ako. Baka nakakaistorbo ako eh." Pagkatapos, inirapan ko si Xylan.

Lumabas na ako ng kwarto. Hindi ka makuha sa tingin ha Xylan? Bahala ka!

May natirang konti sa luto ko. Naisip kong ipakain ito kay X-Rae. Hindi pa kasi ito kumakain simula kanina.

Pumunta ako sa tent ko at dinala ko yung linuto kong nilaga.

LOKONG ASO ITO! Matapos amuyin, inapak-apakan lang yung luto ko! Aba, maswerte nga sya at binigyan ko pa sya nung nilaga ko!

"Nakakainis ka X-Rae! Parehong-pareho kayo ng amo mo! Magsama na kayo! Kainin mo yan!"

Tinalikuran lang ako ni X-Rae.

"Ah ganun? Sige, ibibigay na kita dun sa Diana na yun! Baka mas magustuhan mo luto nya! Gusto mo ba yun ha? ha?"

"Hoy! Ano ka ba? Kinakausap mo na ang aso ngayon?" Lumingon ako, aba sinundan ako ni Xylan.

"Yung aso mo kasi! Nagiinarte! Ayaw kainin luto ko! Sabihin mo nga yung totoo, masama ba ang lasa ng luto ko?"

Tumahimik saglit si Xylan. Huminga ng malalim at saka sumagot.

"Oo. Ang sama ng lasa. Hindi nakakapagtakang kahit si X-Rae, hindi makayanang kainin yan."

Ang sakit naman nya magsalita! Kung ganun pala, bakit nya pa kinain yun? Ang dami nya kayang nakain kanina!

"Bakit mo pa kinain kung masama pala yung lasa?"

Umupo si Xylan sa tabi ko.

"Syempre, luto mo yun."

"So ibig sabihin, pagnagluto kaming pareho ni Diana, mas gugustuhin mo yung luto ko?"

"Kahit papano, naappreciate ko ang effort mo sa pagluluto.Kaya kahit ikamatay ko pa ang pagkain nyan, kakainin ko parin kasi luto mo yun."

PAK!

Natouch ako na nainis. Sa sobrang sama ng luto ko, nakakamatay daw? Tama ba yun!

"Naalala mo yung sa seafood? Kahit may allergy ako sa seafood kinain ko pa rin kasi yun ang binigay mo sa akin."

Awww..Oo nga. Naalala ko yung kumain kami sa restaurant dati. Haha! Kaya kahit mas masarap magluto si Diana, yung akin parin pipiliin nya! Yehey!

"Pero pabayaan mo na na si Diana ang magluto ha? Okay lang?"

PAK!

-0-0-0-

Maganda ang gising ko. Ang sarap pala matulog sa tent. Haha. Ayos. May pasok na pala ngayon! Masosolo ko na si Xylan ngayon dahil magkasabay kami sa pagpasok!

"Good Morning!" Bati sa akin ni Diana pagpasok ko ng apartment.

"Good morning din!"

"Nagluto ako ng breakfast para sayo! Andun sa table. Si Xylan, umalis na. Sabi nya aantayin ka daw nya dahil sabay daw kayo papasok pero pinauna ko na sya kasi baka malate sya."

Grrrrr! Uminit nanaman ang ulo ko. Ano ba yan, pati pagpasok ni Xylan, pinapakialaman nya! Hindi tuloy kami magkasabay ngayon!

"By the way, agahan mo paguwi ha..May pupuntahan tayo.."

Umupo ako sa upuan at nagsimula ng kumain. Aba, masarap nga magluto si Diana!

"Saan?"

"Sa mall..Bibili tayong regalo para kay Xylan.."

"Anong okasyon?"

"It's his birthday on friday.."

-0-0-0-

Hay, anong klase ba akong girlfriend? Hindi ko alam na birthday ngayon ng boyfriend ko. Hmmm..Ano kayang magandang regalo?

"SIge, aagahan ko ang paguwi. Okay?" Lumapit ako sa refrigerator para kumuha ng juice ng may nakita akong note na nakapost sa may refrigerator. Kukunin ko dapat ito kaso nawala ang atensyon ko dahil sa sinabi ni Diana.

"Alam mo, may isang bagay na gustong gusto si Xylan! Gusto mo malaman?"

"For sure, yun na yung bibilhin mo..Ano ba yun?" Binuksan ko yung ref at kumuha ako ng isang zesto sa kahon.

"Hindi, iba ang balak kong bilhin kay Xylan..Hmmm..Isa syang rare kind of canvas..Mahirap hanapin..Kaya pinapaubaya ko na sayo ang pagbili nun."

Talaga? Naku, kahit gaano pa ka-rare yan, basta para kay Xylan, mahahanap ko yan! Haha! Wala kang tyaga!

"So ano? Basta, agahan mo na lang mamaya ha?"

"Okay!" Naligo na ako at nagbihis. Excited na ako bumili ng regalo para kay Xylan mamaya! Paglabas ko, may nakita akong lalake na nakamanman sa apartment ni Xylan. Hmmm..Sino kaya yun? Nung nakita nya akong nakatingin sa kanya, dali-dali syang umalis. Pero sinundan ko sya. Habang nakatago sa likod ng poste, narinig ko syang may kausap sa cellphone.

"Boss, nalaman ko na kung nasaan si Diana. Kaso, mukhang mahirap pasukin ang bahay nila. Aantayin ko na lang siguro na lumabas sya.."

Naku, sinasabi ko na nga ba! Mga tauhan ito ni Kelvin! Paano na si Diana?

PAK!

Naghighkick ako at tumalsik yung lalake at pati na rin ang hawak nyang cellphone.

"Kung may masama kang balak kay Diana, wag mo ng ituloy. Patahimikin nyo na sya."

"Ikaw yung kasama ni Diana sa apartment na yun diba? Sino ka?"

"Wag mo ng alamin!" Inapakan ko yung cellphone nya.

-0-0-0-

Bugbog sarado lang naman sa akin yung lalakeng yun. Tinakot ko sya at sinabi nyang hindi nya na daw gagalawin si Diana. Pero kinakabahan parin ako.

Pagpasok ko sa gate ng school, nakita ko si Brix,Alfred,Jojo at Mikee na nakaabang.

"O? Asan si Xylan?"

"Yun din sana ang gusto namin itanong sayo.."

"Hala, hindi sya papasok? Sabi ni Di-" Naku, mas maganda na huwag ko muna sabihin sa kanila na bumalik na si Diana.

"Kasi ano..Nauna sya sa akin pumasok...Ewan ko ba dun...Wala talaga sya?"

"Oo, wala talaga.." Umiling silang lahat.

"Birthday nya kasi ngayon.." Ano? Akala ko ba Friday birthday nya?

PAK! Binatukan ni Brix si Mikee.

"Ano ka ba! Sa Friday! 29! Ano ka ba naman?"

"Diba 26?"

"Ano ba naman kayo! Nalilito kayo sa 26 at 29!"

"Eh ano ba talaga? Alam mo ba?"

"Di rin ako sure eh!"

PAK! Binatukan ni Mikee at Brix si Jojo.

"Gaganyan-ganyan ka! Di mo rin pala alam!"

Pero sabi ni Diana, sa friday. 29. Syempre, kilalang-kilala nya na si Xylan kaya hindi pwedeng hindi sya magkamali sa birthday ni Xylan diba? Anyway, lagot yang Xylan na yan sa akin pag-uwi nya. Dahil sa pagcucutting nya!

"Tama si Brix. 29 nga birthday nya."

"O, girlfriend na nagsabi ha!"

Napakamot si Mikee sa ulo nya. "Hmmm..Alam ko talaga ngayon yun..."

"Pero kung ngayon yun, malamang pumasok sya at ililibre nya tayo! Diba mga tol?"

"Oo nga naman!"

Nagpapirma lang kami ngayon ng clearance. Tapos na ang exams at pati na rin ang regular classes. Marami pang kulang sila Brix sa clearance nila. Buti ako, kumpleto na kaya't hindi ko na kailangan bumalik sa school bukas.

"Sige, aalis na ako! Kailangan ko umuwi ng maaga! Ibibili ko ng regalo si Xylan!" Kumaway ako kila Brix.

"Sige! Ayos yan!" Kumaway sila pabalik.

Nagmadali ako bumalik sa apartment. Kinakabahan kasi ako para kay Diana. Mabuti naman, pagdating ko, okay sya at nakabihis na.

"Ano? Alis na tayo?"

"Teka, magbibihis muna ako.." Binaba ko yung bag sa sofa.

"Okay na yan! Tara na!"

Naalala ko yung lalake kanina. Baka marami pang tauhan si Kelvin sa paligid. Ayoko sabihin ito kay Diana dahil baka matakot lang sya. Buti at may naisip ako!

Sinuot ko kay Diana yung blue na cap ko at yung black na shades ko.

"Para saan ito?"

"Disguise yan..Malay mo..May makakilala sayo at baka dalhin ka pa nila kay Kelvin diba?"

"Wow..Great idea..Thanks ha..So, tara na!"

Nagtaxi na kami papunta sa pinakamalapit na mall. Si Diana naman yung nagbayad kaya okay lang. Pagdating dun, naalala ko yung canvas na tinutukoy nya kanina.

"Anong klaseng canvas ba yung sinasabi mo kanina?"

"Hmmm..It's really a rare kind of canvas..Coz it's made of...leaves.."

"DAHON?!" Napasigaw tuloy ako.

"Yup..."

"Maghiwalay muna tayo!"

"Ano? Okay ka lang! Baka mawala ka dito! Baka makidnap ka! Baka.."

"You worry too much..Nakadisguise ako diba? Dito tayo sa harap ng store na ito magkikita. Okay ba? Para di maubos oras natin. Magkaiba kasi tayo ng bibilhin.."

"Ah..Sige..Basta, magingat ka ha? Ano ba kasi bibilhin mo para kay Xylan?"

"Secret!" Kumindat sya sa akin at umalis na palayo. Hay nako, kailangan ko na maghanap ng CANVAS NA GAWA SA DAHON!

Mabait naman talaga si Diana. Naalala ko dati nung sya yung facilitator namin sa retreat, maganda naman trato nya sa akin. Dala lang siguro ng selos kaya ako naiinis sa kanya. Bait nya nga dahil sinabi nya sa akin yung gusto ni Xylan na regalo sa birthday nya. Kaysa sya na yung bibili, pinaubaya nya na sa akin ang pagbili nun. Mabait talaga sya kaya hindi nakakapagtakang nahulog ang loob ni Xylan sa kany dati. Hay, kawawa nga lang sya dahil boyfriend ko na si Xylan ngayon.

Nagsimula na ako maghanap. Malaki namang mall ito kaya panigurado may mahahanap ako. Nagsimula ako sa mga store ng art materials. Wala daw silang ganun. Yung iba nga, pinagtatawanan pa ako tuwing tinatanong ko yun. Tama nga si Diana. Napakarare ng ganung klaseng canvas.

Matapos ang ilang oras na paghahanap, wala parin akong napala. Napatingin ako sa orasan ko. Aba, magaalas nuebe na! Kaya pala kumokonti na yung mga tao! Asan na kaya si Diana?

"Miss, magsasara na yung mall. Kailangan nyo na po umalis."

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Hindi pa ako pwedeng umuwi!

"Ha? Saglit lang! Naghahanap ako ng canvas na gawa dahon!"

"Miss, alas nuebe na. Closing time na namin. Kami pagagalitan nito."

"Saglit na lang talaga! Kailangan kong mahanap yun!"

Nainis na yung guard sa akin.

"Ang kulit mo naman! Wala naman ganun! Baliw ka ba? Lumabas ka na dito!"

"Maghahanap ba ako kung wala?"

May lumapit sa aming lalake mula dun sa magsasarado ng Art Gallery.

"Ano bang problema dito?"

"Pinapalabas ko na po sya dahil magsasara na yung mall kaso ayaw nya. Naghahanap pa daw sya ng canvas na gawa sa dahon!"

"Ah! Yun ba!" Sabi nung lalake sa Art Gallery. Sinabi ko na nga ba, meron nun! Ayaw pa maniwala ng lokong guard na ito!

"Baka ang sinasabi mo, yung canvas na gawa sa fiber ng Cannabis. Tama ba?"

O, gawa sa dahon ng Cannabis yun?

"Opo! Yun nga ata po!"

"Hahaha! Alam mo bang 125 years ago pa yun? Hindi na yun ginagamit ngayon. Bakit ka ba naghahanap nun? Marami namang canvas na gawa sa mas magandang klase ng materyales. Bakit yun pa ang hinahanap mo?"

125 years ago? Baliw talaga yang Xylan na yan! Maghahanap lang ng canvas, yun pang canvas nung panahon ng amerikano ang hinahanap! Lokong ito!

"Ganun po ba...Pasensya na...Sige, aalis na po ako!" Tumakbo na ako palabas ng mall. Kanina pa pala ako mukhang tanga dito na naghahanap ng canvas na gawa sa dahon!

Naalala ko bigla si Diana. Nasaan na kaya sya? Naalala ko yung mga lalake na nagmamanman sa amin kanina! Naku, kailangan ko bumalik agad sa bahay!

Nagtaxi na ako pabalik sa apartment. Pagdating ko, walang tao. Tanging si X-Rae na bumabatokbatok. Gutom na siguro.

"Naku, mamaya na kita pakakainin! Nawawala si Diana!"

Tuloy parin ang pagtahol ni X-Rae. Hinila nya yung jumper ko at pumunta patungong kusina. Parang may gusto syang ipakita sa akin.

"Ano ba yun X-Rae?"

Lumapit sa refrigerator si X-Rae. May pilit syang inaabot sa ref. Kinakalmot-kalmot nya yung pintuan ng ref. SInabi ko na nga ba, gutom lang itong asong ito. Sige na nga, pakakainin na kita. Naglabas ako

mula sa shelf ng dogfood na binili ko nung isang araw. Nilagay ko sa lalagyan nya at hinayaan na syang kumain. Pero hindi nya man lang ginalaw yung binigay ko. Tuloy pa din ang pagkalmot nya sa ref.

"Ano ba talagang problema mo X-Rae?"

Napatingin ako sa bandang taas ng ref. Nakita ko yung papel na nakadikit sa magnet na babasahin ko dapat kanina. Ito kaya yung tinutukoy ni X-Rae?

Binasa ko yung nasa papel. Aba, galing kay Xylan.

"Meet me at the park at 9:00 pm. Today's a very special day."

-0-0-0-

Nagmadali akong pumunta sa park. Medyo madilim na nga at konti ang tao. Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat! Ngayon ang birthday ni Xylan at aalis dapat kami. Dahil hindi ako nagising ng maaga, nilagyan nya na lang ng message yung refrigerator. Kaso naunahan ako ni Diana sa pagbasa nito kaya pinaghanap nya ako ng isang bagay na hindi naman nageexist para sya na lang ang pumunta sa park!

Pagdating ko dun konti na lang ang tao. Wala sila sa may fountain. Pumunta rin ako sa playground pero wala sila. Nagtanong-tanong na din ako pero walang nakakita sa kanila sa park. Asan kaya sila?

"Tulong! Tulong!"

Boses ni Diana yun ah!

SInundan ko yung narinig kong ingay at sa bandang madilim na parte ng park nakita ko na may kalaban si Xylan na dalawang lalake. Mukhang eto yung mga tauhan ni Kelvin! Sinasabi ko na nga ba! Hindi titigil ang mga humahabol kay Diana!

"Ibigay mo na kasi sya sa amin para hindi ka masaktan!" Sabi nung lalake.

"Kung ayaw nyang sumama sa inyo, wag nyo syang pilitin!"

Yinakap ng mahigpit ni Xylan si Diana at hinampas sya ng kahoy nung dalawang lalake. Ayaw nya talagang ibigay si Diana kahit anong mangyari. Nakabagsak na sila pareho sa lupa pero hindi parin binitawan ni Xylan si Diana.

"Tama na! Tama na!" Napasigaw ako. Bugbog na bugbog na kasi si Xylan.

"At sino ka naman?"

"Ako lang naman ang lumigpit sa isa nyong kasamahan!"

"Ano? Sya ba yun? Tara! Umalis na tayo!"

"May araw ka din sa amiN!" Nagtakbuhan an agad yung dalawang lalake. Mga duwag!

Lumapit agad ako kay Xylan. Saka nya lang binitawan si Diana. Duguan ang kanyang mukha at marami syang pasa.

Nakatayo lang si DIana at nakatulala. Halatang nangongonsiyensya sya sa nangyari.

"Xylan? Ok ka lang?"

"Bakit hindi ka dumating? Hinintay kita..At sa halip, si Diana ang dumating.."

Nainis ako. Tama nga ang hinala ko.

Tumayo ako at hinarap si Diana.

"I'm so-"

PAK!

Sinampal ko ng malakas si Diana.

"Alam mo, okay lang sa akin yung panlolokong ginawa mo! Kahit na yung paglalandi mo kay Xylan! Alam mo kung ano ang hindi ko matanggap?"

Hinawakan ni Diana ang pisngi nya. NAsaktan sya sa sampal ko.

"Ang masaktan si Xylan dahil sa kapabayaan mo! Hindi ba't sinabi ko na sayo na magingat ka at baka hinahanap ka ng tauhan ni Kelvin! O ano tuloy ang nangyari ngayon ha?"

"De-Denise...Di-Diana.."

Napalingon kaming pareho ni DIana. Nawalan ng malay si Xylan!

-0-0-0-

Dinala namin sya sa ospital. Wala akong alam kung ano ang nangyari kay Xylan at kung bakit sya nagkaganun. Si Diana kasi ang kausap ng doktor. Marahil dala na rin ito ng sobrang pambubugbog sa kanya nung mga lalakeng yun. Nakakapagtaka lang dahil hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Xylan. Kahit na sobrang bugbog na sya, hindi sya nawawalan ng malay. Hindi ko na ito masyadong pinagtuunan ng pansin at binantayan ko na muna si Xylan.

Lumabas muna ako ng kwarto at nakasalubong ko si Diana na kakausap lang sa doktor.Panahon na para makapagusap kami ng maayos.

"Siguro panahon na para magkalinawan tayo diba?" Sabi ko kay Diana.

"Everything's clear to me Denise. Baka ikaw ang hindi naliliwanagan." Ako? Hindi naliliwanagan? Saan?

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"I know everything Denise. Alam kong boyfriend mo si Xylan. Hindi ako manhid para hindi mapansin yun. I tried to act na hindi ko alam para magawa ko kung ano ang gusto ko." Alam nya na pala! Bakit nya pa nilalandi si Xylan?

"Kaso, hindi mo nagawa. Ako na ang mahal ni Xylan nga-"

"Mahal ko si Xylan Denise! Mahal na mahal ko sya!" Naiipon na ang mga luha sa mata ni Diana.

"Talaga? Bakit hindi mo sinabi yan nung nasa hotel tayo? Bakit sumama ka pa kay Kelvin sa ibang bansa?"

"Alam mo naman ang sitwasyon ko diba? Alam mo namang hindi ako makakatanggi sa parents ko! But I really loved Xylan!"

"Alam mo Diana, hindi sapat na mahalin mo lang ang isang tao. Kung mahal mo talaga sya, dapat pinaglaban mo sya! I'm sorry Diana, pero akin na si Xylan ngayon at hinding hindi ko sya ibibigay sayo! Ikaw na rin naman ang nagsabi sa akin dati diba? Hindi lang bilang bestfriend ang pagtingin sa akin ni Xylan?" Naalala ko kasi yung sinabi sa akin ni Diana dun sa bahay nila dati.

"Hindi pa nga malinaw sayo ang lahat Denise..."

"You remember Xyrene right? Yung kapatid ni Xylan?"

"Nasabi ko na ba sayo that you and Xyrene had a very close resemblance? Hindi lang sa ugali kung hindi pati sa itsura?"

"Indeed Xylan's feelings for you is not meant for a bestfriend..."

"It's because he sees you as his sister...."

-0-0-0-

-0-0-0-

Natulala ako sa sinabi nya. Nagflashback sa akin lahat ng nangyari dati..Yung tungkol sa kapatid ni Xylan. Ang pagpapasuot sa akin ni Xylan ng gown ng ate nya. Ang sketch ng ate nya sa sketchpad nya. Ngayon lang nagsisink in sa akin lahat.

"Alam ko na mahal mo si Xylan Denise. Pero habang maaga pa, hiwalayan mo na sya. Marami ka pang hindi nalalaman tungkol sa kanya. Makakaya mo ba, kung mawala na lang sya sayo bigla?"

Mawawala sya sa akin dahil aagawin mo ganun?

"Ako, alam kong kaya kong mawala sya sa akin. Pero in your case, baka mahirapan ka lang."

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan?"

"Excuse me Miss Diana, can I talk to you for a second?" Lumapit ang isang doktor kay Diana.

"Sige, maiwan na muna kita Denise."

"Sige, ikukuha ko ng makakain si Xylan..." Bumababa ako papuntang cafeteria. Medyo hindi pa malinaw sa akin kung ano ang ibig nyang sabihin.

Medyo nahirapan ako sa paghanap nung cafeteria. Nasa groundfloor pala ito malapit sa chapel. Bumili ako ng instant noodles para sa kanya. Pagkatapos, umakyat na ako agad. Pagdating ko sa kwarto, medyo half opened yung pinto. Narininig kong kausap ni Xylan si Diana. May malay na pala siya. Hindi muna ako pumasok at pinakinggan ko ang pinaguusapan nila.

"Kung alam ko sanang hahantong ang lahat sa ganito, sana hindi na lang naging kami ni Denise..Alam kong mahihirapan sya pag nalaman nya ito"

"It's your choice..Do it for Denise..I know it's a very hard decision but atleast we should try..It's our last resort.."

Inaantay ko sumagot si Xylan pero tahimik parin sya.

"Let it be this way..I'll give you one month para makapagisip..For the meanwhile, lalayo muna ako para makapagisip ka..April 30 ang flight... Ikaw na ang bahala kung gusto mong sumama o hindi.."

Mas masakit ito kaysa nung una akong nireject ni Xylan.."Sana hindi na lang naging kami?" Siguro, ngayon nya lang narealize na kapatid lang ang pagtingin nya sa akin. Ang sakit talaga. Hindi ko na mapigilan pang tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi na ako pumasok pa ng kwarto at umalis na ako sa ospital. Umuulan ng malakas nun. Pero wala akong pakialam. Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako patutungo.

"Denise!"

Napalingon ako, si Brix! Pababa sya ng jeep nun. Marahil, dadalawin nya si Xylan. Ayokong makita nya nanaman akong ganito kaya umiwas ako pero hinabol nya ako at hinawakan nya ang kamay ko.

"Denise! Ano bang problema? Andyan pala si Diana! Ano nangyari kay Xylan?" Pinayungan ako ni Brix.

"Wala..Ayos na sya. May malay na sya ngayon. Puntahan mo na sya."

"Teka, namamaga ang mata mo. Umiyak ka ba? Anong problema? Sabihin mo sa akin!"

"Brix..." Hindi ko na mapigilan pang umiyak. Sumandal ako kay Brix at para akong bata nun kung humagulgol sa pagiyak.

Binitawan ni Brix ang payong at niyakap nya ako. "Iniisip mo bang mahal nya parin si Diana?"

"Nangaling na sa kanya..Sabi nya, sana hindi na daw naging kami.." Nagulat si Brix. Hindi nya akalaing sasabihin ni Xylan yun.

"Sinabi nya yun? Baka nalilito lang sya..Pero mahal ka nun Denise.."

"Oo, nalito sya..Mahal nya lang ako dahil nakikita nya sa akin ang kapatid nya!"

"Denise..."

Hinatid ako ni Brix sa bahay namin. Bukas na lang daw nya dadalawin si Xylan. Nakapagisip-isip na ako ng maayos. Alam ko na kung ano ang dapat kong gawin. Ako si Denise Buendia. Matapang ako kaya't magagawa ko ito..

-0-0-0-

Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko. Namamaga pa nga ang mata ko. Alam na agad nila Kuya na may nangyari sa amin ni Xylan. Pero hindi ko sinabi kung anong dahilan. Sabi nga nila, pasalamat daw si Xylan at nakaratay sya ngayon sa ospital kung hindi, baka binugbog na nila ito.Hindi ako kumain dahil wala akong gana. Pagkaligo ko, nagbihis agad ako at sumakay na ako papuntang ospital.

Pagdating ko sa kwarto, tamang tama, nakita ko si Brix na kausap ni Xylan.

"Diba sinabi ko sayo na huwag mong sasaktan si Denise?!"

PAK!

Sinuntok ni Brix si Xylan. Bumagsak si Xylan sa kama nya. Nagulat kaming dalawa ni Diana.

"Brix! What are you doing?" Lumapit agad si Diana kay Xylan at tinulungan syang bumalik sa kama nya

Lumapit agad ako at pinigilan ko si Brix.

"Tama na! Ano ka ba?"

Walang ekspresyon sa mukha ni Xylan. Para nga syang hindi nasaktan.

"Wala kang kwenta Xylan! Wala kang isang salita! Denise doesnt deserve someone like you!"

"Tama na! Please lang! Brix and Diana, labas! Maguusap kami ni Xylan. Ngayon na!"

Tahimik na lumabas si Brix at Diana. Linipat ko ang tingin ko kay Xylan. Nakatingin lang sya sa malayo. Hindi sya makatingin sa akin. Wala parin emosyon ang kanyang mukha.

"Xylan.." Hindi nya parin magawang tumingin sa akin.

"Alam kong naguguluhan ka..Sa nararamdaman mo para sa akin at kay Diana.."

"Kung gusto mong sumama sa kanya sa ibang bansa, okay lang. Kung magiba ang isip mo, magkita tayo sa park ng April 30. Sabay tayo mageenroll nila Brix.."

"You have one month para magdecide.."

"So for the meantime..." Huminga ako ng malalim..

"I'm letting you go..."

-0-0-0-

Pagkatapos nun, lumabas na ako. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak. At yun nga, hindi ako umiyak. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Nagbabasakali na pipigilan nya ako. Pero wala, wala syang ginawa.

-0-0-0-

Lumipas ang isang buwan. Ito na ang pinakahihintay kong araw. Hindi ako nawawalan ng pagasa. Naniniwala akong dadating sya. Nangako kami sa isa't isa. Nangako kami sa sketch na regalo nya sa akin. Na walang iwanan. Tanghali pa lang, nagbihis na agad ako at naligo at dumeretso na sa park.

Lumipas ang isang oras,

Nagtext sa akin si Mikee. Asan na daw ako. Kumain daw muna kami ng lunch bago magenroll. Wala pa daw si Xylan. Hindi pa pala nila alam ang tungkol sa pagalis ni Xylan. Nagreply ako, sinabi kong hindi ako makakasama sa lunch pero susunod ako sa enrollment dahil may ginagawa pa ako.

Lumipas ulit ang isang oras,

Wala parin sya. Nagtext na si Brix. Umpisa na daw ang enrollment. Mauubos na daw ang available slots sa section namin. Sinabi kong inaantay ko pa si Xylan kaya't mauna na sila.

Lumipas na ang maraming oras..

Hapon na. Nakita kong may dumaan na eroplano mula sa himpapawid. Sabay sa pagdaan ng eroplanong ito ay ang pagtulo ng luha ko. Hindi na sya dadating. Hindi na talaga.

Now I can say,

It's officially over.

-0-0-0-

Wow! Bilis din ng panahon no? Akalain mong kolehiyala na ako! Architecture ang kinukha ko ngayon sa Central East University! Sabay nga kami ni Brix. Architecture din pala ang gusto nyang kunin. Si Mikee naman, kumukuha ng Culinary Arts sa International School Of Culinary Arts! Si Jojo at Alfred, Nursing ang kinukuha sa Philippine Doctor's College! Si Collin, naalala nyo pa ba? Schoolmate ko sya! Fine Arts in Painting naman ang course nya! Si Kuya Dave? Nagtratrabaho na abroad! Mamimiss ko nga yun! Sila Kuya Dex at Denver, graduating students na! Ayos diba?

Nagtataka kayo kung bakit ako masaya matapos ang lahat? Well,I've come to realize na nung magkasama pa kami ni Xylan, hindi pala ang makasama lang sya ang nagpapasaya sa akin. Kundi the fact na masaya sya, yun na mismo ang nagpapasaya sa akin ng todo. Akala ko, masaya sya sa akin kaya pinaglaban ko sya kay Diana, nagkamali ako. Si Diana pala ang talagang magpapasaya sa kanya. Kaya I decided to let him go..I don't have any grudges against Xylan. Ang importante lang sa akin, masaya na sya kung nasaan man sya ngayon.

Pero honestly, I haven't moved on. May parte pa ng puso ko na umaasa at naghihintay na babalik sya. Ewan ko, maybe he's the first and last guy that I will learn to love. Naawa nga ako kay Brix, pilit nyang pinupuno ang puwang na iniwan ni Xylan, pero no matter how he tries, tanging si Xylan lang ang makakapuno ng emptiness na yun.

Hindi na pala ako tulad ng dati. Iniwan ko na ang boyish image ko. Wala lang, naalala ko lang kasi ang nakaraan ko at ang kapatid ni Xylan. Nasasaktan lang ako lalo.

"Madeng! Madeng!"

Kahit hindi pa ako lumilingon, alam ko ng si Collin yun. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganun.

"ILANG BESES BA DAPAT-"

"Sabihin ni Denise na wag mo syang tatawagin sa ganung pangalan?" Si Brix! Hinila nya yung kwelyo ng polo ni Collin.

"Ah..So-sori..."

"Brix naman! Bitawan mo na sya!"

"Joke lang!" Binitawan ni Brix ang kwelyo ni Collin.

"Denise, samahan mo naman ako."

"Saan?"

"Required kami pumunta sa isang art gallery ngayon! Tapos, gagawa kami ng reaction paper tungkol dun! Wala akong kasama kaya samahan mo naman ako!"

"Bakit sya lang niyaya mo? Isama mo din ako! Kung saan nandun si Denise, dapat kasama ako!" Hirit naman ni Brix. Ito talaga oh.

"Sige, sumama ka na din!"

"Anong oras ba yun?"

"Ngayon na! Kaya nga nagmamadali ako!"

"Buti na lang 3 hours ang break namin. Sige, tara na!"

-0-0-0-

Malapit lang pala ang Art Gallery na yun. Pagpasok namin, nagkanya-kanya na muna kami.

"Denise, dun lang muna ako sa parteng yun ha?" Tumuro si Brix sa Abstract Art na gallery.

"Oo! Sige!" Pumunta ako dun sa gallery na puro charcoal at pencil lang ang ginamit sa pagpinta. Hindi ko akalain na puro sketch pala ng tao ang nandito!

Maya-maya habang tumtingin ng mga paintings, panay ang tinginan ng mga tao sa akin tapos magbubulungan sila.

"Hindi ba't sya yung babaeng yun?"

"Sya ba? Maganda naman yan masyado!"

"Tara, tignan natin ng malapitan!"

Teka, ano bang meron sa mukha ko?

"Excuse me Miss, ikaw ba yung nasa sketch na yun?" Tinuro nung estudyante yung painting sa dulong parte ng gallery. Lumapit agad ako at tinignan ko.

AKONG AKO ITO! Ako ito nung medyo boyish pa ang itsura ko! Ang ganda ng pagkakagawa! Teka, sino ba ang magskesketch sa akin?

"Kung gusto mo ng isang magandang sketch, kailangan ibigay mo ang buong puso mo sa paggawa nito. Kung hindi buo ang loob mo at marami kang pagaalinlangan, hindi mo ito matatapos at hindi maganda ang kalalabasan nito."

Naalala ko, nung sinabi nya ang mga salitang yun..

Nakatulala parin ako sa sketch. Hindi, hindi maaring siya ang gumawa nito!

"Maganda hindi ba? Hanga ako sa Artist na gumawa nyan! Alam mo bang sa dahon gawa ang canvas na yan! Naikwento kasi sa akin ng Artist na gumawa nyan na ang babaeng nasa painting na yan ay naghanap pa daw ng dahon na gawa sa canvas para sa birthday nya kahit hindi na nageexist ang ganung klaseng canvas ngayon! Kaya nainspire syang gumawa ng canvas na gawa sa dahon at dun ginuhit ang mukha ng babaeng pinakamamahal nya! Alam mo ba ang title ng Sketch na yan?" Yun yung isa sa mga sponsor ng Art Gallery!

"A-ano?"

"The Menace!"

Lumingon ako dun sa sponsor. Nagulat sya nung nakita nya ang mukha ko.

"Ka-kamukha mo yung nasa sketch!"

"Nasaan na ang artist na gumawa nito?" Tanong ko agad dun sa lalake.

"Ha? Hindi ko alam. Babae ang nagdala nyan sa akin. Dapat nga, hindi namin tatangapin dahil di pa naman professional artist ang gumawa nyan. Pero nung nakita namin ang sketch na yan, hindi namin akalain na isang amateur artist lang ang gumawa nyan."

Siguro, ang babaeng tinutukoy nya ay si Diana! Bakit si Diana ang nagdala at hindi si Xylan?

"Nasaan na yung babae? Nasaan?"

"Kaaalis lang nya. Kausap nya kasi yung isang sponsor. Bakit ba?"

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumakbo ako palabas ng art gallery.

"Denise! Saan ka pupunta?" Nakita ako ni Brix, tinawag nya ako pero hindi ko na sya napansin pa.

-0-0-0-

Paglabas ni Denise sa Art Gallery, nagkasalisi sila ni Diana.

-0-0-0-

Paglabas ko, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Nalilito ako. Bakit iskinetch ako ni Xylan? Bakit hindi si Diana, yung taong pinakamamahal nya? At bakit si Diana ang nagdala ng sketch na yun sa gallery na yun?

Umuwi na ako sa bahay, napagod ako sa kakatakbo. Wala naman akong pupuntahan. Pagdating ko, tahimik silang lahat. Nakakapagtaka nga. Hay, mapuntahan nga si X-Rae.

Pumunta ako sa kulungan nya, pero wala sya. Siguro, nasa kapitbahay nanaman yung asong yun!

"X-Rae! X-Rae!"

Aba, himala. Asan ang asong yun? Tuwing umuuwi ako, linulundag ako ng asong yun!

Kumuha ako ng dogfood sa shelf at nilagay sa bowl ni X-Rae.

"X-Rae! Kain na! Nasan ka na bang aso ka?"

Lumapit sa akin si Kuya Dexter. Seryoso ang mukha nya.

"I'm sorry Denise..."

"Sorry saan?"

Huminga ng malalim si Kuya.

"Kanina, nakatakas si X-Rae sa kulungan nya. Pagkatapos, nakita naming palakad-lakad sa daan. Hindi sinasadyang nasagasaan sya..."

"Ha? Ano..Teka..Nasaan na sya? Okay ba sya? Dinala nyo sya sa ospital?"

"Denise...."

"X-Rae's dead...."

Buong gabi ako di mapalagay. Hindi ko kinakausap ang mga tao sa bahay. Naiinis kasi ako, alam namang pinakaalagaan kong aso yun si X-Rae, tapos, pinabayaan nilang mamatay. Iniisip ko parin yung sketch sa Art Gallery. Sa sobrang kakaisip, napuyat ako at late na ako nagising.

tok, tok.

"Madeng! Gising na, may bisita ka!"

Nagising ako sa lakas ng sigaw ni Mama. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at bumamba patungong sala, nagulat na lang ako ng makita ko si Diana sa sala namin.

"Diana!"

"Denise!"

Bigla kong naalala yung sketch na nakita ko sa gallery kahapon.

"Sabihin mo nga sa Xylan na yan, na huwag ng iguhit pa ang mukha ko! Basta-basta nya na lang iskesketch without my consent! Bakit hindi na lang ikaw ang isketch nya, tutal kayo naman ang magkasama ngayon!"

"Teka, Denise..Huminahon ka muna..May kailangan ka malaman..."

Umupo ako sa tabi ni Diana.

"I was very happy nung nakasama ko si Xylan sa states. I thought he was mine again...Yes, I was with him..But his heart stayed here...With you..." Ano daw yun? Di ko ata maintindihan ang sinasabi nya..

"Ha? Ano?"

"I was fooling myself all along..Nung umpisa pa lang, alam ko na na may pagtingin sayo si Xylan at pinaniwala ko ang sarili ko na kapatid ang pagtingin nya sayo..I guess it was the other way around.."

"So you mean, ako ang mahal ni Xylan? Bakit sayo sya sumama?"

Matagal na tumahimik si Diana. Maya-maya nagsalita na sya.

"3 reasons...Ayaw ipaalam sayo ni Xylan ito, pero may karapatan kang malaman ito.."

"Una, ang tito Roman nya, hinahanap sya at gagantihan sya dahil sa paghihiwalay nila ni Tita Xandra.."

"Pangalawa, Pinagbantaan ni Kelvin ang buhay nya kung hindi nya ako ibibigay sa kanila..Ayaw nyang madamay pa sa gulo namin.."

"Pangatlo...."

"May sakit sya...Hindi lang basta sakit..He has cancer..Namana nya sa mama nya.."

Noong mga oras na yun, biglang bumalik sa ala-ala ko ang sinabi sa akin ni Manang Flor dalawang taon ng nakakalipas..

"Alam mo, mabait yun si Lani. Nakakalungkot lang ang kanyang naging kapalaran..Sana hindi matulad ang anak nya sa mapait na sinapit nya.."

Ngayon lang nagiging malinaw sa akin ang lahat! Kaya pala namatay ito nung pinanganak nya si Xylan!

Hindi ko mapaliwanag ang naramdaman ko nung mga oras na yun. Hindi ko akalain na ang malakas na Xylan na nakilala ko ay may nakakamatay na sakit..

"Sinama ko sya sa states para ipagamot sya sa doktor na kilala ko.. Kaso nga lang, wala ng lunas ang sakit nya..Meron mga gamot na ibinigay para mapatagal pa ang buhay nya. Kaso nga lang, makalipas ang isang taon, sumuko na din sya..Hindi nya kinaya ang mga side effects ng gamot hanggang sa mapagdesisyunan namin na bumalik na dito sa Pilipinas.. Sabi nya, gusto nya daw dito mamatay.."

Nung mga oras na yun, wala akong ginusto kundi makita si Xylan. Bakit nya nilihim sa akin lahat ng ito?

"Asan na sya Diana! Asan na si Xylan?"

"Yun nga ang ipinunta ko dito Denise.."

"3 araw na syang nawawala.."

-0-0-0-

Bigla akong lumabas ng bahay namin at iniwan si Diana. Nakita ako ni Mama at ni Diana na tumatakbo papunta sa kalsada.

"Denise! Saan ka pupunta!"

Kailangan kong hanapin si Xylan! Yun lang ang laman ng isip ko nung mga oras na yun. Kailangan ko syang makasama, kahit sa mga nalalabi nyang oras dito. Pero hindi, hindi basta lang makasama sya! Kailangan kong tuparin ang pangako namin sa isa't isa!

Una, pumunta ako sa school namin dati. Ayaw pa nga ako papasukin nung guard.. Nagdahilan na lang ako na alumni ako at kukunin ko yung yearbook ko.

Dali-dali akong umakyat ng hagdan papuntang rooftop ng school. May nakita akong lalake! Sya na ba ito?

"Xylan?"

Lumingon yung lalake, mali pala ako. 4th year pala yun. Nakatambay lang sa rooftop magisa.

Bumaba agad ako hagdan. May nakita akong babae at lalakeng bumagsak mula sa hagdan. Tutulungan ko sana sila kaso hindi naman sila mukhang nasaktan at sa halip, nagaway pa sila.

"Dahil kaya sa kalampahan mo, bumagsak tayo sa hagdan!"

Naalala ko, ganitong ganito din kami ni Xylan nung bumagsak kami sa hagdan...Inis na inis pa ako nung mga oras na yun dahil sya ang naging first kiss ko. Dito nagumpisa ang lahat. Sa hagdan din na ito ako niligtas ni Xylan mula dun sa tatlong bading..

Linampasan ko na sila at bumaba na ako. Saan kaya ako unang pupunta? Masyado akong nadepress kaya naisip kong pumunta muna sa isang KTV bar malapit sa school namin..

-0-0-0-

Maghapon akong uminom pero hindi ako nalasing. Ang dami ng missed calls sa akin ni Brix at ni Mama. Sobrang depresyon ang nararanasan ko ngayon dahil kay Xylan.

Naalala kong ito yung KTV Bar kung saan naginuman kami nila Xylan,Brix,Mikee,Jojo at Alfred. Napatingin ako sa dalawang estudyanteng palabas na ng KTV Bar.Mukhang yung lalake ang lasing at hindi yung babae.

"Hayaan mo ng ako ang malasing basta wag lang ikaw.."Sabi nung lalake.

"Nako! At pahihirapan mo akong alalayan ka sa daan? Hirap sayo!" Sagot naman nung babae.

Ngayon, naalala ko naman yung nalasing si Xylan dahil sa akin. Ininom nya yung beer na may paminta kahit hindi sya umiinom para sa akin. Dun ko lang narealize na gagawin nya lahat para lang di ako mapahamak.

Naalala ko din kung saan ko dinala si Xylan nung nalasing sya....

SA PARK!

Tama! Lumabas agad ako sa bar at pumunta sa stasyon ng train. Maaga pa naman nun..Maghahapon pa lang..Baka andun sya! Tama! Sana nga andun sya!

Pagbaba ko sa train, tumakbo agad ako papunta sa park. Sa fountain ako pumunta. DUn kasi kami madalas nagkikita ni Xylan. Kaso nga lang, wala siya dun. Nawalan na ako ng pagasa..Umupo ako sa tabi ng fountain.

Kinuha ko sa bulsa ko ang isang papel. Yun ang unang regalo sa akin ni Xylan nung monthsary namin. Natanggal na ito sa frame dahil nabasag yung frame nito nung isang araw. Binuklat ko ito at tinignan muli..Ang babaeng minahal ni Xylan noon na hindi ko akalain na mahal nya parin hanggang ngayon..Hindi ko mapigilang tumulo ang luha mula sa mga mata ko.

Malakas ang hangin nung mga oras na yun. Dahil narin sa pagiyak ko, hindi ko napansing nilipad na pala ang sketch na hawak ko. Sinundan ko ito hanggang sa kalsada. At doon, may isang lalakeng nakapulot ng sketch ko.

"Hoy! Akin yan!"

Lumingon yung lalake.

XYLAN?

Muntik ko na syang hindi makilala. Sobrang payat nya na at lubog na ang mata. Halatang ilang araw na syang walang tulog. Yung mahaba nyang buhok, lalong humaba. Gayunpaman, masasabi kong sya parin ang gwapong Xylan na minahal ko.

Habang nakatingin kami sa isa't isa, napansin kong may paparating na kotse!

"XYLAN! TABI!" Ngunit, hindi gumalaw si Xylan mula sa kinatatayuan nya. Mukhang handa na syang harapin ang kanyang kamatayan dahil nakita nya na ako sa huling sandali ng buhay nya.

Mabilis akong tumakbo papunta kay Xylan.

Niyakap ko sya ng mahigpit at......

-0-0-0-

"Gusto ko lang kasi na patunayan sayo na kaya kong tuparin ang pangako ko"

"And..some promises are made to be broken..Even if you did your best, there's some things in life that are inevitable which prevents you from keeping that promise."

"Like?"

"Hmmm..Death?"

"Death ka dyan! Bata-bata pa natin! Ano ka ba?"

"Di mo din masasabi.."

PAK!

"Ewan ko sayo! Kung ano-ano pumapasok sa utak mo! Pero kung may mangyari mang ganun.."

"Hindi parin kita iiwan..and that's a promise.."

I kept that promise..Even death can't stop me from keeping that promise..

Sabi ni Mama, ako si Denise Buendia. Matapang at hindi nasasaktan. Hindi magbibigay ang Diyos ng isang suliranin na hindi natin makakaya o masosolusyunan. Alam siguro ng Diyos na kahit ako si Denise Buendia,

Pagnawala si Xylan Rae De Jesus sa buhay nya,

Hindi nya ito makakaya at mabuti na rin na pati sya ay mawala..

-0-0-0-

Sabay naming hinarap ang kamatayan...

You might also like