Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

Introduksyon

A. Pamagat ng Awit at Mang-aawit Ang awit na Sana Ngayong Pasko ay inawit ni Ariel Rivera, isang kilalang mang-aawit na Pilipino. B. Mga tauhan Mayroong dalawang tauhan ang naturang awit; una, ay ang taong nangungulila at pangalawa ay ang taong lumisan. II. Buod Tinatalakay sa awit ang paghihintay at pangungulila ng isang taong iniwan o naiwan sa panahon ng kapaskuhan na kahit magdaan man ang ilang taon siya ay mananatiling maghihintay at hindi bibitiw sa nararamdaman.

III. Pagsusuri A. Uring Pampanitikan Ang akda ay isang awit sapagkat ito ay mayroong tono. B. Mga Tauhan Ang umaawit o ang nangungulila siya ang taong nangungulila sapagkat hindi niya kasama ang kanyang minamahal sa araw ng pasko subalit malakas ang kanyang paniniwala na silay magkakasama muli. Ang taong lumisan siya ang hinahandogan ng awit at ninanais na makapiling muli ng umaawit.

C. Istilo ng Paglalahad Payak ang musika at lyriko ng awit ngunit ito ay mayroong mabigat na mensaheng nais iparating at masidhing emosyon ng isang taong nangungulila.

IV. Sariling Reaksiyon 1) Pananalig Pampanitikan/Teorya

Pananaw Realismo - ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan o sinasalamin ang buhay sa katunayan. Marapat lamang na suriin ang awit na ito sa pananaw realismo, bagamat kinagawian na ang kapaskohan ay isang pagdiriwang na puno ng kasiyahan at pagpapasalamat, hindi parin maiiwasan na may mga taong kakikitaan mo nang magandang ngiti sa kanilang mga labi subalit puno pala ng sugat ng pangungulila ang kanilang mga puso.

Pananaw Formalistiko - layunin ng panitikan na iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Dahil sa payak na pagkakalahad ng awitin ay maari natin itong tingnan batay sa pananaw formalistiko, sapagkat tuwirang naipaabot ng mang-aawit ang mensahe ng kanyang awitin ng walang labis at walang kulang, at hindi gumagamit ng mga simbolismo na nangangailangan ng malalim na pag-unawa.

Pananaw Romantisismo - layunin ng teoryang ito na ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao sa pagaalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.

Sadyang kapansin-pansin ang simple subalit romantikong pagkakalahad ng mensahe ng naturang awitin.

2.) Mga Pansin at Puna A) Mga Tauhan Maayos na nailahad sa awitin ang mensaheng nais nitong ipabatid. B) Galaw ng Pangyayari Simple at kronolohikal subalit nakakaantig sa puso ng bawat tagapakinig ang naturang awitin. Hindi ko lang nagustuhan ang napakaikli na lyriko ng awit.

D. Bisang Pampanitikan A. Bisa sa Isip Ikinintal ng awitin sa aking isipan na kalian man ay hindi natin hawak ang tagal ng pananatili ng mga mahal natin sa buhay ditto sa ting tabi kaya marapat lamang na ang bawat araw ay punuin natin ng pagmamahalan at kaligayahan. Kailangan ring matuto tayong tanggapin ang kahit na anong pagbabago sa ating buhay, itoy hindi nangangahulugang limutin natin ang kagahapon kundi huwag lang nating hayaang manatili tayo sa nakaraan habang mabilis na umuusad patungo sa hinaharap ang buhay.

B. Bisa sa Damdamin Mararamdaman mo talaga ang lungkot at pangungulila sa awit, isang damdaming dinaranas ng napakaraming tao sa kasalukuyan. Gayunpaman, higit na pumapailanlang ang damdamin ng pagmamahal sa nasabing awitin. Pagmamahal na handang maghintay at puno ng pag-asa. C. Bisa sa Kaasalan Likas sa tao ang magmahal sapagkat nilikha tayo ng Diyos na puno ng pag-ibig, alalahaning ang kapaskuhan ay isang magandang panahon at pagkakataong ibinigay ng Maykapal upang mapawi ang anumang bahid ng kalungkutan sa puso ng bawat isa. Kaya sa halip na mag-isip ng mga nakakalungkot na kaganapan sa buhay na siyang makakapang-udyok sayo upang mangulila ay mag-isip na lamang ng mga magagandang mga bagay lalong- lalo na ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan D. Bisang Panlipunan Sa kasalukuyan maraming tao ang nangungulila at sugatan. Sa ganitong damdamin tanging pag-ibig at pagmamahalan ang tanging kasagutan.

IV. Kunklusyon Naway ang awit na Sana Ngayong Pasko ay magsilbing paalala sa bawat isa na bigyang halaga ang mga taong ating tinatangi habang silay nasa ating tabi pa. Hindi man natin magagawang pigilan ang kanilag pag-alis at pagkawalay sa atin nagawa naman natin silang pasiyahin at puspusin ng pagmamahal, isang bagay na kailanman ay tiyak na hinding- hindi nila malilimutan at babaunin saan man sila dalhin ng kapalaran.

You might also like