Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga Tauhan sa El Filibusterismo ni Jose Rizal: Simoun Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay Isagani Ang makatang

kasintahan ni Paulita Basilio Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli Kabesang Tales Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle Tandang Selo Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo Ginoong Pasta Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal Ben-Zayb Ang mamamahayag sa pahayagan Placido Penitente Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan Padre Camorra Ang mukhang artilyerong pari Padre Fernandez Ang paring Dominikong may malayang paninindigan Padre Florentino Ang amain ni Isagani Don Custodio Ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila Juanito Pelaez Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila Makaraig Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Sandoval Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral Donya Victorina Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita Paulita Gomez Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez Quiroga Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas Juli Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio Hermana Bali

Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra Hermana Penchang Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli Ginoong Leeds Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya Imuthis Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds 1. Simoun - Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano, Mulato, Portuges at Cardenal Moreno 2. Isagani - Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez 3. Paulita Gomez Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni Donya Victorina 4. Basilio - Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap 5. Juli - Katipan ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang ama 6. Pari Camorra - Paring mukhang artilyero 7. Pari Salvi - Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw 8. Pari Sibyla- Vice Rector ng Unibersidad 9. Pari Irene - Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila 10. Pari Fernandez - May kaibang pangangatuwiran, kaiba sa kapwa pari 11. Pari Florentino - Amain ni Isagani 12. Kabesang Tales - Naging cabeza de barangay, dati'y isang tahimik na tao, ngunit nang angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay sumama sa mga tulisan 13. Don Custodio - Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buenta Tinta 14. Ginoong Pasta - Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian din ng mga estudyante sa pagpapatayo ng Akademya 15. Ben Zayb - manunulat at mamamahayag 16. Doa Victorina - Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola at itunuturing na mapait na dalandan ng kanyang asawa 17. Quiroga - Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado ng mga Instik

18. Don Timoteo Pelaez - Isang negosyante, mauswerteng nakabili ng bahay ni Kapitan Tiyago, ama ni Juanito 19. Mataas na Kawani - Ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng pamahalaang Kastila, katunggali ng Kapitan Heneral sa pagpapalaya kay Basilio 20. Kapitan Heneral - Ang pinakamataas na pinuno ng bayan, sugo ng Espanya, malapit na kaibigan ni Simoun 21. Hermana Penchang - Ang manang na umampon kay Juli na ginawang katulong ang dalaga, mahilig sa pagpaparami ng indulgencia 22. Placido Penitente - Nag-aaral ng pagkamanananggol magaling sa Lati, pinakamatalino sa bayan ng Batangas, hindi nakagiliwan ng mga propesor kaya binalak nang huminto sa pag-aaral 23. Makaraig - Mayaman at isa sa pinakamasigasig na magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila 24. Juanito Pelaez - mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso, kuba at umaasa sa katalinuhan ng iba 25. Sandoval - Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kaniyang mga kababayan, nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas 26. Pecson - Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguang laging natatanaw sa hinaharap. 27. Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. 28. Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. 29. Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido. 30. Gertrude - mang-aawit sa palabas. 31. Paciano Gomez - kapatid ni Paulita. 32. Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina. Detalye Ukol sa El Fili Inilimbag sa Ghent, Belgium nanghihikayat sa mga tao na kumilos sa pamamagitan ng karahasan para sa kalayaan nagsisiwalat ng kabulukan ng pamahalaan sa panahon ni Rizal nobelang politikal

inialay sa Gomburza (ang Noli Me Tangere ay inalay sa bayan) Mga Simbolismo ng Tauhan ng El Fili Placido Penitente kabataang nananalig sa edukasyon Imuthis nagsatinig/nagpahayag ng kataksilan Don Custodio pamahalaang walang paninindigan/political will Kabesang Tales kawalan ng tunay na reporma sa lupa Senyor Pasta ideyalismong nauwi sa karerismo Juanito Pelaez umaasa sa katalinuhan ng iba Quiroga katakawan sa salapi ng mga negosyanteng kapitalista Juli biniktimang Inang Bayan Padre Camorra kabulukan ng moralidad Ben Zayb pahayagang puro papuri sa pamahalaan Padre Florentino naliliwanagang sektor ng Simbahan Isagani reporma Simoun rebolusyong inudyukan ng paghihiganti Basilio kabataang indibidwalista/makasarili Guro paghahangad ng reporma na nauwi sa rebolusyon (balikan ang Kab. 19 ng Noli at Kab. 19 ng El Fili) Buod ng Mga Pangyayari Kabanata 1-2 1.Nagmungkahi si Simoun ng madaling paraan ng paglalakbay sa Ilog Pasig 2.Sinalungat ni Don Custodio ang marahas na panukala ng mag-aalahas na si Simoun 3.Tumutol si Donya Victorina sa suhestyon ni Don Custodio ukol sa pag-aalaga ng itik 4.Kinumusta ni Kap. Basilio kay Basilio ang kalagayan ni Kap. Tiago 5.Inilahad ni Isagani kay Kap. Basilio na handa na ang lahat ng kakailanganin para sa pagpapatibay ng Akademya ng Wikang Kastila Kabanata 3 1.Pinag-usapan ng mga prayle ang kalagayan ng kanilang mga itinayong negosyo 2.Itinugon ni Simoun na interesado lamang siya sa mga tanawing may taglay na alamat 3.Maraming espiritu raw ang nanananahan sa isla ng Malapad na Bato 4.Nagpasaring si Simoun kay Padre Salvi ukol sa kwento ni Padre Florentino 5.Nagtanong si Donya Victorina sa kapitan ng barko ukol sa bakas na naiwan ng binatang si Crisostomo Ibarra

Kabanata 4 1.Dinala ang buong kaanak sa pusod ng kagubatan at doon nagkaingin 2.Namatay ang asawat anak ni Tales nang nasa panahon sila ng paglilinis ng lupain 3.Nagpagawa siya ng isang bahay na kahoy sa nayon ng Sagpang 4.Dumating sa lupain ni Kabesang Tales ang uldog/tagapangasiwa/administrator ng isang korporasyon 5.Dinakip si Tales ng mga tulisan at ipinatutubos Ang pakikibaka ng tao laban sa diktadura ay pakikibaka ng isip laban sa pagkalimot. (The struggle of man against tyranny is the struggle of memory against forgetting.) ---Milan Kundera (isang manunulat na Czech) El FIlibusterismo nakatulong nang malaki kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang alisin ang mga sagabal sa paghihimagsik noong 1896. Ang mga simulain ng nobela ay nagpasigla at nagpatibay ng loob ng mga Pilipino sa pakikidigma laban sa Espanya, nagtaguyod sa kanila sa mahabang panahong ginugol sa pagtuklas ng kasarinlan, nagturo sa kapilipinuhan ng pagkabihasa, pagbabagong buhay at ng landas tungo sa kaligtasang matatamo lamang sa pamamagitan ng sariling pagsisikap Kalagayan sa pamumuhay ni Rizal nang sinusulat niya ang nobela: Susun-susong kahirapn ang kanyang dinanas: * Nagtipid siya nang di gagaano at kung minsay makalawa lamang kumain maghapon * Napilitang magsangla ng lahat ng kanyang alahas * Nilayuan ng kanyang kapanalig sa La Solidaridad * Pinag uusig at pinasasakitan ng Pamahalaang Kastila ang mga magulang at kapatid * Ipinakasal sa iba ang kasintahan (Leonor Rivera Henry Charles Kipping) Sinimulan: Calamba 1887 Londres, Inglatera 1890 Bruselas, Belhika (sinulat ang malaking bahagi ng nobela) Gante (Ghent), Belhika (sinulat ang huling bahagi at ang pagrerebisa ng manuskrito)

Marso 29, 1891 natapos ang aklat Mayo 1891 (mga huling araw) sinimulan ang paglilimbag sa isang palimbagan sa Gante sa pag asang may sapat na salaping pantustos (F. Mayer Van Loo Press) Agosto 6, 1891 itinigil ang paglilimbag (nooy nasa pahina 112 pa lamang) dahil di dumating ang inaasahang salapi mula sa Pilipinas at nakalimot ang ilang mayayamang Pilipinong nangakong tutulong Setyembre 1891 (kalahatian ng buwan) dumating ang salaping buhat kay Valentin Ventura mula Paris at nagligtas kay Rizal sa kagipitan Setyembre 22, 1891 natapos ang paglilimbag

* Ibinigay ang orihinal na manuskrito kay Ventura kalakip ang isang nilimbag na siping kanyang nilagdaan * Nagpadala ng sipi kina Blumentritt, M.H. Del Pilar, G. Lopez-Jaena, Juan Luna * Karamihan ng sipi ay ipinadala sa Hongkong at Pilipinas upang mabasa ng mga kababayan * Nasamsam ang mga siping ipinadala sa Hongking at ipinasira ang nakarating sa Iloilo * Ang ilang siping nakarating at nabasa sa Pilipinas ay lumikha ng malaking sigla sa kilusang ukol sa paghihimagsik

Noli Me Tangere: Mga Tauhan


Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela. Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga

Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela. Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao. Mga Tauhan: Crisostomo Ibarra Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Elias Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Kapitan Tiyago Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Padre Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doa Pia Alba kay Padre Damaso Pilosopo Tasyo Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na

mamamayan ng San Diego. Sisa Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Basilio at Crispin Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Alperes Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego Donya Victorina Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Donya Consolacion Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Don Tiburcio de Espadaa Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina. Linares Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. Don Filipo Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang Seor Nol Juan Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan. Lucas Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa dinatuloy na pagpatay kay Ibarra. Tarsilo at Bruno Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila. Tiya Isabel Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara. Donya Pia Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos

na kaagad na siya'y maisilang. Iday, Sinang, Victoria,at Andeng Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego Kapitan-Heneral Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra. Don Rafael Ibarra Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe. Don Saturnino Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias. Mang Pablo Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias. Kapitan Basilio Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin Tinyente Guevarra Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. Kapitana Maria Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama. Padre Sibyla Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. Albino Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

You might also like