Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Noli Metangere Per Kabanata
Buod NG Noli Metangere Per Kabanata
Buod NG Noli Metangere Per Kabanata
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok. Ang paanyaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo. Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak
niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kayat iniba ni Pari Sibyla ang usapan. Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa. Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nagutos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit. Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaa at Donya Victorina.
Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay dahil sa at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol. Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra. Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama. Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat. Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.
Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sibyla samantalang banas na banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok. Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon. Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kayat siya ang karapat-dapat na umupo. Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari. Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing huwag mo akong alalahanin. Si Crisostomo ibarra ay isang mabait at magarang tao sya ay ginagalang ng maraming tao ang kagalit nya ay si padre damaso ngunit kaibigan ng ama ni ibarra si Padre damaso. Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari
Damaso, ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra. Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa
halip, siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael. Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso. Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon, tugon naman ni Ibarra. Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupunntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinayhinay na pagbabago sa kaunlaran. Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito. Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari. Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso. Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din. Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya. Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.
Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito. Sianbi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya mayisnag taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael(ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain. Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga kastila.Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilipinas si Ibarra,si Don Rafael at Pari Damaso ay nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael. Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo. Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng ba be bi bo bu na labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang sinampald na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si DonRafel ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga. Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigatna parusa. Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratangan din siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan. Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito. Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si don Rafael ay malapit ng lumaya dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal na katawan. Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip din siya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi siya mayroong handog na regalo. Si kapitan tiyago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan siya ng isang paring dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siyay mag isang nangalakal. Nakilala nya si pia alba na isang magandang dalagang taga sata cruz. Natulong sila sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad. man sa boung san diego- si don rafael ibarra, ang ama ni crisostomo ibarra . dahil sa anim na taon ng pagsasama sina tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata. Dahil dito ipinayo ni padre damaso na sa Obando sila pumunta kina san pascal baylon at sta clara at sa nuestra sr de salambaw. Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging masakitin si pia, nang siya ay magdalangtao. Pag kapanganak niya siya ay namatay. Si padre damaso ang nag anak sa binyag at ang anak in pia ay pinangalanang maria clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa obando, kay tiya esabel, pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang magaruga kay maria. Lumaki siya sa pag mamahal na inukol ni tiya esabel, kanyang ama at mga prayle. Katorse anyos si maria, nang siya ipinasok sa beaterio ng sta catalina. Luhaan siya nag paalam kay pari damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si crisostomo ibarra, pag kapsok ni maria sa umbento, si ibarra naman ay nag punta na ng europa upang mag aral. Gayunman, nagkasundo sina don rafael at kapitan tiyago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak. Pag dating ng tamang panahon silang dalawa (maria at crisostomo) ay pag iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.
tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiyago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lubhang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon. Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa ibat ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa kanila o higit pa. Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang tinyente ay hindi rin nagsumbong sa Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Pari Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Pari Damaso ay napalipat pa sa higit na mabuting bayan. Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Pari Damaso. Sinisi ni Pari Damaso si Kapitan Tiyago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang inaama ni Maria Clara. Pag-alis ng pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.
gubat. Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo. Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan. Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay, si Padre Damaso na ang pumalit at naging kura pareho ng bayan.
Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik. Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing. Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.
Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael. Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay. Pagkuway nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa magasawa.
Kabanata 16 : Si Sisa
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga tagaSan Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamaganak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel. Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboydamo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan. Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak. Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya ngluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa.
Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.
17 : Si Basilio [baguhin]
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa. Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka. Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali. Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.
pagkakaroon ng indulhensiya plenarya, na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa. Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa. Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kayat siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila. Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama. Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.
ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro. Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay tagalog. Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila para sa kanyang pansariling interes. Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang paggamit ng pamalo sapagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo. Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay gumaling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang Kastila. Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor.
Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan. Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumangayon na lamang ang dalawang pangkat. Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siyay pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay.
nababahioran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan. Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao. Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.
sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa,akurdiyon at tambuli. Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsanminsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan. Nag-tig-isang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Maria. Si Albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga . Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo,matipuno ang pangangatawan,maitim,mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias. Habang hinihintay na maluto ang tanghalian. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda. Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok. Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalok.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa.sSgawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya. Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga dalaga noon ay hindi marunong mahimatay. Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang gulok. Pamayamayay lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito. Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pagaari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan.
24 : Sa Kagubatan [baguhin]
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdakay nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan.
Sa may di kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito. Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw. Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kat Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa. Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Pari Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Pari Salvi tt Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan. Namagitan na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang kukupkup kay Sisa. Kadagdakay nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang. Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran. Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan. Dumating si ari Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nitoy pawang kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento. Sa darating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginagulad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umanoy nagtapon din sa labak sa alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.
Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Pilosopo Tasyo (Tandang Tacio/Mang Tasyo). Inabutan niya ito ng nagsusulat ng heroglipiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, Sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon ng kanilang mga ninuno. Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao. Kung kayat isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ng maraming tao, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayoon pa rin sa kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hiindi nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga pinagsangunian. Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo peero mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan. Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan. Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghiningay magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng pautang at sa gayoy isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan. Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di- papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat ang utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkat muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian. Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ay sunod-sunod na tanong ang kanyang pinakawalan.(1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2)Kailangan bang maapi upang maging mabutiing kriistiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin? (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?
Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na Sapagakat ang lupang pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay! Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing:humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Akoy hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot! Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abng naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo. Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong iyon, upang hindi na muling makabangon. Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan. Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama. Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.
Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas din kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga,belong ginansilyo,alpombra,bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo,hitso at nganga.Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay pwewdeng ng makapanalamin.Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din. Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan. Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang makadan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga taga-Tondo. Madalas na tinutugtog ang kampana kasunod ang mga putok ng mgha kuwitis at bomba. Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong orkestra ang inihanda sa para sa pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa Lipa, Tanauan, Batangas at Sta. Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa mga balita Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging bangkero naman pasgdating ng gabi. Ang mag magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng manok,baboy bungangkahoy at mga gulay na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka. Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang abala ang mga manggagawa,ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan. Ang isang panig ay para sa mga lalakiat ang ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay magiging kauri ng mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa planong ginawa ni Nol Juan, na siyang arkitekto ,ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang tamad na mag-aral. Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang kura ay humiling na siya ang gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang batosa huling araw ng pista. Sa mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman simabahan ang kanyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang klahat ng gastos. Dahil dito,siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Ginawa siyang huwaran, ngunit karaniwan, ang atin lamang natutularan sa kanila ay maliliit na bagay na kanilang ginagawa at ang mga kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng kuwelyong damit, bilang ng butones ngtsaleko o amerikana. Nawala sa isipan ni Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Pilosopo Tasyo, at ito ay kanyang nasasbi ngunit tinugon siya nng matanda sa isang aral ni Balagtas na Kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukhat pakitang gilliw, lalong pag-ingatat kaaway na lihimsiyang isaisip na kakabakahin.
27 : Sa Pagtatakipsilim [baguhin]
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.
Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at esmeralda at kapirasong kahoy na mula sa bangka ni San Pedro. Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga ilang kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago maghapunan si Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago si Ibarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon siyang hinihintay na bisita. Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Simang. Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra kay at pinuri naman si Maria. Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na sumama ito sa kanya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi. Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal. Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga kasama. Kinuha ng ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha. Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta. Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol. Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulangpalad.
Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at at mga makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas. Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa kastila ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas. Higit na nasiyahan ang mga Pilipino sa komedyang tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat. Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista pag nagkatapos ng . Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda. Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na itoy dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang konsul. Samantala, Tumanggap din ng lihan si Ibarra na dinala ni Andeng. Anang liham: Crisostomo: Ilan araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kayat ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila. Ipaabot mo saakin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya kaysa sa iyong katulong. Maria Clara: Habol: Akoy dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. paalam
Don Felipo at sumang-ayon sa pananaw na itoni Tasyo subalitwala siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura. Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain. Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalamat nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento. Siya ay pinahiram ng langis sa leeg atdibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binatil sa alak. Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap. Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Pari Salvi ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Pari Sibyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan. Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapintan Tiyago., si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salvi ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo.
30 : Sa Simbahan [baguhin]
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit. Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan. Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na ang alakalde ay osang sibil na nagsuot-komedyante. Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na kuwaderno.
Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at at Pari Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay Pari Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon. Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha ng tala.
isinasumbulat niya. Dahil dito,pati si Ibarra ay nabalisa lalo nang turulin ng pari ang tungkol sa makasalanang hindi nangungumpisal na namamatay sa bilangguan na walang sakramento sa simbahan. Hindi rin nakaligtas sa pag-aglahi ng pari ang mga mistisilyong hambog at mapagmataas, mga binatang salbahe at pilosopoang mga parinig na ito ay nadadama ni Ibarra. Pero, nagsawalang kibo na lamang siya. Naging kabagot-bagot na ang sermon, kung kaya nagpakuliling na si pari Salvi upang huminto na si Damaso. Pero, sumabak pa rin sa pagsasalita ng may kalahating oras. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki (ito ay si Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa bato sapagkat maari siyang mamamatay. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.
Nagiba ang buong balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra ay nakitang nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay. Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Itoy natabunan ng mga biga na nasa paanan ni Ibarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa pagpapagawa, na walang iba kundi si Nol Juan. Pero, nakiusap si Ibarra na siya na ang bahala sa lahat. Makaraang ipagtanong niya si Maria, kaagad na umuwi si Ibarra upang magpalit ng damit. Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa maganap na pangyayari. Yaon daw ay isang masamang simula.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak. Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarra ang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.
limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan. Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi nito na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Pari Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na P50,000 sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyan buhay at kaluluwa. Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang umiyak nang itoy naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria. Sindak ang mga kausap ni Kapitanlalo na si Maria na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga taynga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro. Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang sapagkat ang arsobispo ay isang prayle rin at walang ibang paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkarrang pagsabihan ng Kapitan si Maria na tumigil na ito sa kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay. Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen. Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at sinabing gusto siyang makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na siyang nagayos ng katawan.
Padre Damaso ang pangangamusta na gumaling ito kaagad. Nagkasalubong si Ibarra at Maria Claro pero hindi sila nag-usap nagkatitigan lamang sila at wariy nag-uusap ang kanilang mga mata Pagkakita ng Henaral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang ang kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaexcumunicado ni Ibarra. Sa pagkukuwento, lumitaw na mapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng Kapitan Heneral noong siya ay nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra sapagkat lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Iminungkahi niya itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan at pinamuhayan din ng mga magulang nito. Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilin na papuntahin sa kanya si Kapitan Tiago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarra at umalis na. Ilang saglit lamang ay tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral. Tumango ang Alkalde sa sinabi ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating si Kapitan Tiago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak at marangal na kasintahan ng kanyang anak .Nagprisinta pa ang Heneral na maging ninong sa kasal.Nabigla si Kapitan Tiago at pinagpawisan ito. Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan.Nagtaka si Ibarra kung bakit ayaw siyang kausapin ni Maria Clara.
Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero. Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglit na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng kaptian Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin.
Hindi napansin ng Donya ang pagdating ng alperes na pasikad na binuksan ang nakasarang pintuan. Pagkakita ng alperes kay Sisa, sinagilahan ito ng pangangatal ng katawan sa galit at namutla. Bumalasik ang kanyang mukha. Ngunit, parang walang anuman ito sa Donya. Tinanong pa niya ang alperes kung bakit hindi man lang daw bumati ito sa kanya. Hindi sumagot ang alperes. Inutusan niya ang bantay na bigyan ng damit at pagkain si Sisa. Kailangang gamutin din ang mga sugat nito, bigyan ng magandang higaan at huwag lalapastanganin. Ang dahilan si Sisa ay nakatakdang ihatid sa tahanan ni Ibarra kinabukasan din. Sa kabilang dako, kung magkaroon man ng kagaspangan ng ugali si Donya Consolacion yaon ay bunga ng kanyang kawalan ng sapat na edukasyon. Siya ay dating labandera lamang ng mga sundalo na mapangasawa niya ang alperes na nuon ay isa lamang kabo. Ito ang dahilan kung may plastik na pag-uugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-aralan, marunong ng kastila at may ugaling Europeo.
May dalawang sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang palabas pero ang mga ito ay nahuli ng mga kuwadrilyero na katulong ni Don Filipo. Tiyempo namang nakabalik na si Ibarra. Kaagad na hinanap niya si Maria. Kumapit na sa bisig ni Ibarra ang mga nasindakna dalaga. Walang tigil naman sa kauusal ng letania sa latin si Tiya Isabel. Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwaddrilyero sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao. May mga pulutong ng mga kalalakihan na nagbabalak ng masama sa mga sibil. Pero, pinakiusapan sila ni Don Filipo na huwag ng palalain pa ang pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin. Kaya kay Ibarra siys nakiusap. Sinabi ng binata na wala siyang magagawa. Pinakiusap ni Ibarra si Elias na puntahan ang mga kalalakihang nagbabalak ng masama. Napahinuhod naman ng piloto ang mga lalaki na huwag ng ituloy ang kanilang mga binabalak. Isa-isa ng nagsialisan ang mga tao. Mula naman sa kinaroroonan ni Pari Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa liwasan. Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin tungkol sa nangyaring kaguluhan. Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa kanyang pangitain na si Mari Clara ay walang malaytao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng tao. Binubulyawan siya ng mga kastila, pero hindi niya alumana. Mabilis na tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si Pari Salvi.4
Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra sabay bulong sa sariling si Ibarra ay apo nga talaga ng nagbilad sa init sa kanyang ama at iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat subalit kapag ito (Ibarra) ay mahusay magbayad ng mataas, sila ay magiging mabuting kaibigan.
magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa katawan. Ilang buwan ang lumipas, Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak na tatawaging rebolusyunario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espanada. Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsyami kayat wala siyang magawa kundi ang manatili sa lupaing ito ng mga salvaje. Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak. Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang kanyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung minsan namay hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay. Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong medicina at cirugia. Tumutol ang Don sapagakat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na lamang sa Donya. Tunay na aminit hindi, siya ay Ander de Saya. Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na:DOCTOR DE ESPADAA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES at ito ay ikinabit sa kanyang bahay. Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang kastila sa kanyang mga ari-arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon naman ng Don ang pamangkin si Linares na nag-aaral ng pagkamananggol, sa gastos ng Donya. Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Pari Salvi. Dati ng kakilala ng mag-asawa ang pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder sa estado. Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw lamang ng Kapitan Heneral sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Mari disin sanayy nakadaupang palad nila ang Henerl. Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang kaibiganng babae at si Andeng na may hawak ng punpon ng azucena. Naitanong naman ni Linares kay Pari Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat may dala itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares. Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: Sa Umaga ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang
pildoras de Cinaglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linarez na nabigla sapagkat nakatoun ang kanyang mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan. Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linarez sa magandang mukha ni Maria nang sabihin ni Pari Salvi na dumating na si Pari Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara.
ganitong pananaw ng dalaga sapagkat matibay ang kanyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang nakapagpagaling kay Maria. Hindi pinansin ni Pari Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki raw ang nagawa ng pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi ang lahat namga gamot na gaya ng pinatutunayan na ng maraming pagkakaton. Dahil dito, nabanas ang Donya at iminungkahi niya kay Pari Salvi na gamutin ng kanyang kumpisal Si Donya Consulation na asawa ng alperes. Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na ipahanda kay Tiya Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan nniya ng viatico kinabukasan upang tuloy-tuloy na ang kanyang paggaling. Samantala,pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa bumbong na kristal at bilin ng doktor ay itigil ito kaag nakakaramdam siya ng pamimingi. Itinanong ni Maria kay Silang kung hindi sumulat si Ibrra. Sumagot si sinang na abala si Ibarra sa pag-aasikaso na mapatawad ng arsobispo ang kanyang ekskumunyon. Saglit na natigil ang kanilang pag\uusap sapagkat siyang pagpasok ni Tiya Isabel upang ihanda muli si Maria na sulatan niya si Ibarra at sabihing limutin na niya ito. Di nakapag tanong si Sinang dahil nagsisimula na si Tiya Isabel, si Maria naman ay nag-iisip ng mga kasalanan. Binasa ni Tiya Isabel ang sampung utos. Pagkaraan ay nagtulos ng isang malaking kandila sa harap ng altar ng mahal na Birhen. Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip na makinig ang pari sa sinasabin ni Maria, tila ba binabasa ang nasa isip ng dalaga. Nung lumabas ng silid si Pari Salvi, ito ay namumutla at nakapangagat labi, kunot ang nuo at pawisan. Sa malas, siya ang kinumpisalan na di nagtamo nag patawad.
Ang kanyang anak na dalaga ay pinagsamantalahan at inilugso ang kapurihan ng isang alagad ng simbahan. Dahil dito, nagsiyasat ang dalawa niyang anak na lalaki. Pero, nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isa niyang anak ay sinuplong. Ang anak niyang ito ay ibinitin sa kanyang buhok at narinig niya ang sigaw, daing at pagtawag sa kanya, pero siya ay nasanay sa buhay na tahimik ay naging duwag at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na pumatay o magpakamatay. Ang paratang na pagnanakaw sa kanyang anak ay di napatunayan, isa lamang malaking kasinungalingan. Ang kurang nagparatang ay inilipat sa ibang lugar.Pero ang kanyang anak ay namatay sa sobrang pahirap na dinanas. Ang isa naman niyang anak ay hindi duwag at pinangambahan na siya ay maghihiganti dahil sa sinapit ng dalawamg kapatid. Ito ay hinuli ng mga awtoridad dahil nakalimutan lamang niyang magdala ng sedula. Ito ay pinahirapan din hanggang sa magpatiwakal na lamang. Ngayon, wala ng nalalabi sa kanya kundi bababa ng bayan upang maghimasik at makapaghiganti. Hindi naman siya nag-iisa, marami siyang kaanib na kapwa rin pinag-uusig ng awtoridad. Ang mga ito ang bumubuo sa kanyang pangkat na pinamumunuan. At sila ay naghihintay lamang na tamang tiyempo at araw upang lumusob. Naunawaan ni Elias ang paninindigan ni kapitan Pablo, siya man daw ay tulad nito na sa pangambang makasugat nang walang kinalaman, kinalimutan niya ang paghihiganti. Pero, para sa kapitan, ang paglimot ay lubhang napakahirap. Kaya ang ganang kay Elias ay napakadali sapagkat siya ay bata pa, hindi namatayan ng mga anak at hindi nawawalan ng pag-asa. Nangako ang matanda na hindi rin siya susugat sa sinumang walang kasalanan tulad ng ginawa nitong pagkakasakit na naging sanhi ng kanyang pagkakasugat at huwag lamang ang isang kuwadrilyong tumutupad lang naman ng kanyang tungkulin. Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay napakapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan. Tumango ang matanda. Dahil dito, ipinangako ni Elias na malalaman ni Kapitan Pablo ang magiging resulta ng kanyang lakad o pakikipag-usap sa binata (si Ibarra ) sa loob ng apat na araw. Sa mga tauhan ng kapitan ang kakatagpuin niya sa may baybayin ng San Diego at sasabihin niya ang sagot. Kapag pumayag ang binata, may maasahan at makakapagtamo sila ng katarungan at kung hindi naman, si Elias ang unang kasama niyang maghahandog ng buhay.
sabungan na kasunod ang dalawang alalay o utusan na may dalang isang lasak na manok at isang malaking putting tinali. Bulik naman ang manok ni Kapitan Basilio. Nagkaroon muna ng batian tungkol sa pagkakasakit ni Maria Clara, pagkaraan nagkasundo ang dalawa na paglabanin ang bulik at ang lasak sa pustang P 3,000. Parang apoy na kumalat ang paglalaban. Nagkaroon ng pustahan ang mga sabungero. Lumilitaw na dehado ang pula at llamado naman ang puti. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta. Sila ay matamang pinagmamasdan ni Lucas.Pamayamaya ay lumapit ang pinakabata sa dalawa kay Lucas at nakiusap na pautangin ito ng pera para may maipusta. Sina Bruno at Tarsilo ay may masaklap na karanasan sa mga sibil, ang kanilang ama ay pinatay sa palo ng mga ito. Tinanong ni Lucas ang magkapitd kung payag na sila sa kondisyong kanyang ibinigay. Ayaw ng nakatatanda. Dahil dito, sinabi ni Lucas na kahit kilala man niya ang magkapatid na ayaw ipaghiganti ang pagkamatay ng kanilang ama, hindi niya mapapautang ang mga ito ng perang hindi niya pag-aari. Ang Pera, anya ay kay Don Cisostomo Ibarra. Gayunman, kung papayag sila sa kanilang amuki, madali niyang mabibigyan ng pera ang mga ito. Ikinatwiran ng dalawa, na kundi lamang sa kanilang kapatid na babae ay matagal na siguro silang nabitay. Pero, sinagot sila ni Lucas na mga nabibitay ay mga duwag lamang, walang salapi at mahihina at kung sakali ay malapit lamang ang bundok. Samantala, pinagsalpuk na ang dalawang manok, na ilang sandali lang ay kapwa sugatan. Pero matindi ang sa puti. May tarak ito sa dibdib samantalang ang sa pula naman ay sa pakpak lamang. Gayunman, unang bumulagta ang puit na nagkikisay at sumunod naman ang pula na ipinipikit ang mga mata. Ang nanalo sa labanan ay ang pula. Hiyawang umaatikabo ang sumunod. Nanghinayang sina Tarsilo at Bruno at hindi sila nakapusta disin sanay nanalo ng tig-P100 bawat isa. Sa di kalayuan, nakita nila si Pedro, ang asawa ni Sisa na binibilangan ng pera ni Lucas. Naisip nilang pumusta sa sususnod na laban. Tiyempo namang ang isusunod na paglalabanin ay ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago. Nakalimutan ng magkapatid ang tungkol sa kanilang kapatid na babae. Naisip nilang walang mangyayari sa kanila kung kukunin nila ang inaalok na pera ni Lucas sapagkat si Crisostomo ay kaibigang matalik ng heneral at kasama pa nito sa pamamasyal. Nang lumapit ang magkapatid kay Lucas, hindi sila nabigo. Sila ay binigyan ng tig- P30.00 sa kasunduang sasama sila sa pagsalakay sa kuwartel. Kapag sila ay nakapagsama pa, tigsasampu uli sa bawat maisama nila. Kapag nagtagumpay sila sa gagawing pagsalakay, may tigP100 at ang mga kasama nila at sila naman ay tig-P200 ang tatanggapin. Tumango sila pareho sa lahat ng kondisyon. Kaagad na tinanggap ang perang hinihingi nila.Tinagubilinan ni Lucas ang magkapatid na kinabukasan ay darating ang mga sandatang padala ni Ibarra. Sa ikawalo naman ng gabi sa makalawa ay kailangan magtungo sila sa libingan upang tumanggap ng utos. Ito lamang at naghiwalay na sil;ang tatlo. Tuloy ang sabong.
Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga Indio. Ayon sa Donya pangit ang mga bahay ng mga Indio. Sa kanilang paglakad, nababanas siya ng husto kapag hindi nagpupugay sa kanila ang mga nakakasalubong. Dahil dito, inutos niya sa Don na mamalo ng sumbrero. Pero, tumanggi ang Don bunga raw ng kanyang kapansanan. Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin. Parehong matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanggang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya ang alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo Binanggit ng Donya ang pagiging labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago mag-pang-abot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan. Dumating ang kura at pinatitigil ang dalawa, ngunit pasinghal na binulyawan siya ng alperes kasabay sa pagtawag ditong mapagbanal-banalang Carliston. Nagalit naman ng husto si Victorina at sinabi kay tiburcio na kailangan hamunin niya ang alperes sa pamamagitan ns sabelo o rebolber. Tumanggi ang Tiburcio, kaya nahablot na naman ng di oras ang kanyang pustiso ng nagtatalak na asawa. Pagdating sa bahay ng mag-asawa, inabutan nilang kausap ni Linares si Maria at ang mga kaibigan nito. Kay Linares nabaling ang atensyon ng Donya, inutusan nito na siya ang humamon sa Alperes sa pamamagitan ng baril o sable at kung hindi ibubulatlat nito sa madla at kay Kapitan Tiyago ang tunay nitong pagkatao. Namutla si Linares at humingi ito ng paumanhin sa Donya. Siya namang pagdating ni Kapitan Tiyago na lugo-lugo sapagkat natalo ang kangyang lasak. Hindi pa nakapagpapahinga si Tiyago, Tinaltalan kaagad siya ng Donya. Sinabi niya sa Kapitan na hahamunin ni Linares ang alperes at kapag hindi niya ito nagawa, di dapat itong magpakasal kay Maria. Sapagkat ang duwag ay hindi nababagay sa inyong anak, pagdidiin pa ng Donya. Dahil sa narinig nagpahatid si Maria sa kanyang silid. Kinagabihan, bago umalis sina Donya Victorina at Don Tiburcio iniwan nila ang kuwenta sa paggagamot kay Maria at itoy umaabot sa kung ilang libong piso. Naiwan naman si Linares na nasa gipit na kalagayan.
paanan nito ay nandoroon si Linares na nagkukumpol ng rosas at sampaga. Namulat si Linares ng makita si Ibarra samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si Linares ay waring napapatda at hindi makapagsalita. Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang diipinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw.Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip. Sa paglakad niya, humantong siya sa ipinapagawang paaralan. Binati siya ni Nol Juan at mangagawang dinatnan niyang abalang gumagawa. Binigyang diin ni Ibarra sa mga dinatnan na wala ng dapat ipangamba sa kanya ng sinuman sapagkat siya ay hindi na excomugaldo. Pero, tinugon siya ni Nol Juan na hindi nila pinapansin ang excommunion sapagkat silang lahat ay pawang excomulgado. Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod si Elias at ipinahiwatig sa pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa kanya. Dahil dito, inutusan ni Ibarra si Nol Juan na kunin at ipakita sa kanya ang talaan nito ng mga obrero upang kanyang tignan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias na nais niyang makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong mamangka sila sa baybay ng lawa sa bandang hapon upang pag-usapan ang isang napakahalagang bagay. Tumango lamang si Ibarra nang makitang papalapit na sa kanila si Nol Juan. Si Elias naman ay lumayo na. Nang tignan ng binata ang talaan ng mga obrero, wala ang pangalan ng pilotong si Elias.
Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala satinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kayat kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, itoy iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay naman sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol. Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may-kapangyarihan. Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.
nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng magandang ugali. Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang kabuhayan hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na mamanhikan. Nangangambasiyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri ng babae at desidido siyang panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala siyang kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa babae. Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama. Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasay may kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kayat umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan. Maganda ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pagaakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid. Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang itot sukat.Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa baybayin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa ibat-ibang lalawigan bunga ng ibat-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias. Nagpalitan pa ng ibat-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo sa kanya na siya (Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming. Lamang, wala siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.
Sa loob ng tatlong araw, kailangang malaman ko kung kayo ay magtuos ng alperes at naglaban. Kapag natapos na ang taning na ito at hindi mo pa siya nakakalaban ay, ipababatid ko kay kapitan Tiyago na ikaw ay di naging kalihim, hindi mo nabibiro si Canovas at hindi nakakasama ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan. Ibubunyag ko rin ang iyong lihim kay Clarita (Maria) at hindi rin kita bibigyan ng salapi. Lahat ng magustuhan mo ay ibibigay ko basta kalabanin mo lamang ang alperes. Ako ay hindi tatanggap ng anumang paumanhin o dahilan. Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo ng buong puso, VICTORINA DE LOS REYES ESPADANA Sampaloc, Lunes ika-7 ng gabi Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya. Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay Ibarra kasabay ng kanyang pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Pari Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang pari. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria. Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiyago pumasok si Ibarra na kasama si Tiya Isabael. Binati niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Pari Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang upang itanong kung galit sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di nagluwat, umalis na si Ibarra.
Crisostomo! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan. Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon palibhasa, sumilong ito sa pintuan kayat nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at sa ibabaw ng punto ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman. Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa kanyang kapatid at ang lalaking nasabi raw ay nagngangalang Elias(Lucas).Ang mga sibil ay kaagad na patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.
mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kanya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni Tandang Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak parin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.
ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na tulisantulisanSi Tiya Isabal ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan. Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad ng binata, mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob. Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama. Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag isang duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban. Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.
Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil. Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbahay nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.
Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.
58 : Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi. Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo. Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kanyang asawang si Doray ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albano ay naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang kaibigan. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya. Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa
babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain. Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang kinabuhasan. Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay na si Tasyo sa may ointuan ng kanyang bahay.
Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pagaalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indiyo kayat di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay. Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente. Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pagibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.
Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka. Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa kanya sa kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang.
Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wla man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasiglasigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa. Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay Maria subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag ang magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang balita na ang pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares. Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat. Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng kanyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang taynga sa dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kanya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay. Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang di nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang kanyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa. Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga na nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa ang gumawa ng siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.